Actions

Work Header

Happy Together

Summary:

Si Kyungsoo ay isang typical Manila gay na kung hindi babad sa acads at social life ay nagpapalipas ng oras sa Grindr. Panandaliang saya lang naman daw.

What will he do when an uneventful evening of chatting with a random stranger turns his life upside down?

Notes:

Hello everyone! This is my first fic and honestly, this is long overdue. I postponed writing this until today (and 3 months after I became an EXO-L).

Thank you to the writers here on AO3 who gave so much color to my life in the last 3 months. Your work inspires me as much as EXO gives me hope.

Thank you to my friends who motivated me, suggested fics, and gave me that push to finally bring this fic to life.

I'll be posting the first two chapters today, and while I have decided how this story will go, I believe the coming days and your reception to this will decide how this story will unfurl.

Enjoy reading!

Chapter 1: Side Fun?

Notes:

side fun: hookup na hanggang 3rd base lang :>

Chapter Text

Nakahilata si Kyungsoo sa kama, hawak-hawak ang cellphone niya habang pinapalipas ang kanyang ika-limang study break sa gabing iyon. First long exam niya kasi sa isang major subject bukas pero ngayong gabi niya lang naisipan mag-aral kahit na bagsakin ang lola niyong pala desisyon.

Pinag-iisipan pa kung matutulog na lang ba at ipagpasa-Diyos na lang ang exam niya. “Tangina, ayoko na. Antok na ‘ko bahala na.” Sabay bukas ng Grindr ang lola niyong patron ng malalandi.

Wala naman daw siyang balak na makipag-hookup, gusto niya lang daw ng kausap (‘di mo sure). At kahit na, hindi ready ang kanyang kweba para tumanggap ng biyaya aka tite.

Kapag binuksan ni Kyungsoo ang mahiwagang app, it’s either bagot na bagot na o sukong-suko na siya sa buhay. Walang in between. In this case, sukong-suko na siya dahil ‘di pa siya nangangalahati sa kailangan aralin pero tunaw na tunaw na attention span niya at wala na talagang pumapasok sa ulo niya.

Sana ibang ulo na lang daw pumasok sa kanya. Charot.

‘Di naman siya naghahanap ng pag-ibig, panandaliang init lang daw. (Gurl, edi sana nag-jogging ka na lang kung gusto mong mainitan).

At kasalakuyan na ngang nag-wi-window shopping ang ating bida, sa pag-asang meron siyang mabingwit na maayos kausap. Kahit mabilis lang na harutan okay na, para mabigyan lang ng kulay ang mapanglaw niyang gabi.

Siyempre, sinigurado muna ni Kyungsoo na kaakit-akit ang kanyang profile. In-update pa ni bakla yung display photo para kitang-kita ang kanyang pwet. Yes, Tito Boy. Ready na talaga for mature roles.

Soo, 21 years of age, Ang Dakilang Botomesa ng Ermita. Ganorn!

Bilang nakatira si Kyungsoo sa isang condo sa Ermita malapit lang sa UP Manila kung saan siya nag-aaral, halos mga seaman, afam, at mga estudyante ang laman ng kanyang feed. Fingers crossed at sana pumatok siya ngayong gabi.

Wala pang five minutes nang biglang may nag-message sa kanya.

 

NN (138 m away)
what’s up looking for fun?

 

“Grabe ang bilis naman, atat na atat si kuya.” Kinilig naman si Kyungsoo kahit wala namang photo ang profile na nag-message sa kanya. Validated ang pwet ni bakla, nakaharvat agad.

Plus points din na ilang tumbling lang si kuya sa location niya. And yes, kung kanina parang ayaw pa niya nang aksyon, he is now looking for fun.

 

Soo
hi, kinda :<
i just need to relieve stress eh

 

Oh ‘di ba. Ang conyo pa akala mo hindi baklang kanal. Mabilis namang nag-reply si kuya na wala pa ring mukha kay Kyungsoo. Deadma na raw sa fez, basta kailangan niya ng aksyon ngayong gabi.

 

NN
ohhh
exam week mo rin ba?

Soo
yeahhh
may long exam ako bukas
pero ayoko na mag-aral lmao

NN
kakatapos lang ng exams ko kanina eh
just looking for a way to celebrate y’know

 

Bumilis naman ang tibok ng puso ng ating bida kasi eto na. Mukhang humahakbang na papalapit ang biyaya pero siyempre, kahit malandi si Kyungsoo, responsable at maingat naman siya.

 

Soo
i assume na taga-up ka?
baka magkakilala pala tayo lmao

NN
yup 2nd year ako
public health course ko
u?

 

Napalinghap naman ng hangin si Kyungsoo. Shet, paano kung ito pala yung crush ko na dancer na taga-Public Health?

Soo
3rd year na ko
pero secret muna ang course
baka mahulaan mo ko agad eh

 

Siyempre, pakipot muna nang slight ang ating bida. Pa-yummy yarn?

 

NN
lol i have a feeling na kilala kita

Soo
fat chance
lowkey lang ako

NN
we never know
anyway r u still up for fun?

Soo
oo naman lol
pero side fun lang
i havent prepped eh

NN
oh ganon ba
that’s fine for me
pero ano muna course mo?

Soo
ano ba relevance niyan haha
let’s just exchange pics kaya

NN
fine i’ll send first?
well i messaged first naman

Soo
dapat lang

NN
wow feisty
eto na ah
baka umatras ka pa eh

Soo
bilis na kasi
i won’t judge kahit pangit ka jk :>

At ayun na nga nag-send ang photo at muntik nang mahimatay si Kyungsoo. Hindi man kita ang mukha, pero siguradong-sigurado si Kyungsoo na ang kausap niya (na borta) ay ang matagal niya nang crush mula sa College of Public Health.

Si Jongin Kim.