Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Fandom:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2021-06-19
Words:
329
Chapters:
1/1
Kudos:
3
Hits:
75

lucena

Work Text:

naranasan mo na bang pagpawisan sa pagtulog? yung ramdam mong tumutulo pawis mo sa likod, kaya babangon ka para magpunas?

naalimpungatan si jela nang mga 2:33 am sa alinsangan. inayos niya ang pagkakatapat nang electric fan sa hinihigaan niya, akmang babalik sa pagtulog nang mapansin ang pag-ilaw ng kaniyang cellphone malapit sa bintana. kinuha niya ito at binasa ang notification.

 

"listen to ben & ben's new single 'Lifetime' "

"hala may bago? ngayon pala 'to?"

naalala ni jela yung mga naunang kanta ng ben&ben, hindi pa man sikat at pumapatok sa masa ang banda. isa siya sa mga taga-suportang nakatira sa probinsya kaya nagtitiis sa panonood sa youtube. hindi naman kasi siya papayagan lumuwas ng Maynila para lang manood sa mga maliliit na gigs

habang pinakikinggan ang bagong kanta na hango sa isang comment mula sa isang fan. bumaligtad si jela at tumitig sa kisame.

ninanamnam ni jela ang kanta hanggang sa marinig niyang muli ang isang kanta mula sa banda, "sa susunod na habang buhay" at napapa-iling na lang siya.

pinindot muli ni jela ang cellphone para mag-shuffle.

nalipat sa isa sa mga lumang kanta ng ben & ben, Lucena. tumulo ang namuong luha sa mga mata ni jela, at nagsimulang mag-tipa sa isang chat box sa messenger.

"thank you jace.." unang pag-tipa niya, "pinakilala mo ang ben&ben sa akin. gumaling ako sa sakit na dulot ni paul eh.

pinalitan mo siya. pero gaya niya umalis ka rin.

although you also left, the memories we have through these songs when you helped me erased him stays, that i don't think i could ever erase.

siguro oras na para lumaya ako diba? kasi wala na.

kita ko namang masaya ka na.

i want to stop blaming you na, its time to focus on what i have.

oras na para lunukin ang katotohanang we're really just strangers to friends to almost lovers to mere acquaintances.

thanks, jace i mean it. salamat, sa lamat."

napangiti si jela, "kumawala, ako'y malaya na."