Chapter Text
read the hyperlinked text to know
the text Jaemin last sent to Renjun.
After sending the last text, Jaemin’s phone died. Halos ibato na niya ang hawak na cellphone out of frustration pero hindi niya magawa. He’s been using that same phone for almost four years already. It’s a gift given by Renjun noong first anniversary nila. Their first year was light. Sobrang saya, sobrang malaya, sobrang gaan. That time, not even once did it cross Jaemin’s mind that they’ll be fighting like this. Ang layo ng na-imagine niya noon sa kung ano sila ngayon. Those times he felt like Renjun is his breath of fresh air, ‘yung nag-iisang taong nagpaparamdam sa kanya ng pahinga, he thought the freedom from exhaustion and pain would be forever. He still makes Jaemin feel free, but on times like this, napapatanong na lang siya kung pahinga pa ba ang nararamdaman niya o pagkamanhid na.
Jaemin can clearly remember when it all started. He just doesn’t want to admit because that also means admitting he really doesn’t deserve Renjun. Ever since Renjun’s parents cut their son off, almost completely abandoning him for choosing Jaemin over the luxury they can give, everything just went south on their relationship. Renjun had to live with him on his small apartment. Nagsimula lang naman lahat ng pag-aaway at pagod noong dalawa na silang binubuhay ni Jaemin.
Renjun is from a wealthy family, Jaemin expected him to know nothing about living around people on the depths of economy. Sanay si Renjun sa breakfast in bed, air-conditioned room, at toilet na may flush. Jaemin was barely surviving living alone, but he can’t just give Renjun up when the boy was brave enough to let go of all the privileges he had for him.
Of course, he’d been honest with Renjun. Jaemin told him multiple times how being not rich is hard, but being poor is harder. Jaemin told him he’ll try his best to make Renjun feel like he didn’t give up so much, that all of this will be worth it. Gumagawa naman siya ng paraan. He loves Renjun. He still love him the way he loved him before. Jaemin’s still willing to do everything for him. He just want Renjun to stick around hanggang sa kaya na Jaemin ibigay ‘yung buhay na iniwan niya noon.
Looking at his phone where he last talked with Renjun, nararamdaman na niya ‘yung pagsisisi sa huling mga salitang binitawan niya. He should’ve not doubted Renjun. Hindi naman igi-give up ni Renjun ang karangyaan kung susukuan niya lang din pala si Jaemin dahil hindi ‘yon kayang ibigay ni Jaemin sa kanya. Jaemin knows Renjun is an intelligent person. Hindi tanga si Renjun. Siya, si Jaemin, siya ang tanga.
Jaemin looked around the apartment. Sa kabila ng dilim na bumabalot dito, nakikita niya pa rin ang bawat sulok ng silid. He smiled sadly as he remembers how Renjun gave life to the place. Si Renjun na sumisigaw kapag bumabaha sa banyo nila dahil nasira niya ang gripo. Si Renjun na laging nagde-decorate ng sapot at gagamba tuwing Halloween at nagtatayo ng Christmas tree sa tabi ng TV nila kapag pasko. Si Renjun na tatalon sa kama nila para pilit siyang gisingin kapag malapit na siyang ma-late sa trabaho. Si Renjun na lulutuan siya ng breakfast, lunch at dinner kapag rest day niya. Si Renjun na hahalikan at yayakapin siya kapag pakiramdam niya hinihila na siya sa kabilang buhay dahil sa taas ng lagnat niya. Si Renjun na nanatili sa tabi niya kahit kitang-kita na ni Jaemin sa mata niya ang hirap.
Ang tanga, Jaemin!
Jaemin messed his hair to let out the frustrations. Nang hindi nawala ang bumabagabag sa dibdib niya, alak agad ang unang pumasok sa utak niya. Hindi naman siya madalas uminom pero alam niyang makakatulong na pampakalma.
He went out the apartment to the nearest sari-sari store. Kay Nanay Lereng na laging inuutangan ni Renjun ng itlog at corned beef kapag wala silang ulam. Tuwang-tuwa kasi si Nanay Lereng sa boyfriend ni Jaemin kapag nagpapaturo at tumutulong ito sa kanya sa paglalaba. Ang sarap daw kasing panoorin ni Renjun kapag nagpapanggap na hindi pa nangangalay sa pagkukusot ng mga damit kahit kitang-kita na naman sa mukha nito na ang pagngibit habang nagsasabon.
“Nay, pabili po,” tawag ni Jaemin sa tapat ng tindahan.
Nang makita niya si Nanay Lereng ay pigil niya ang sarili sa pag-iyak. Unang tingin pa lang kasi sa kanya ng matanda ay kita na agad niya kay Jaemin na may problema. Si Nanay na rin kasi ang tinitingala niyang magulang. Siya ang nag-aalaga kay Jaemin tuwing nagkakasakit noong mga panahong wala pa si Renjun sa buhay niya. Kaya kilalang kilala na siya nito.
“May problema ba, ‘nak?” agad na tanong nito.
Umiling lang si Jaemin at tumingala na lang para pigilan ang luhang namumuo sa mga mata niya.
“may bibilhin lang po,” Jaemin finally answered after restraining his tears to fall, thankful that his voice didn’t crack.
Hindi kumbinsido si Nanay pero hindi na rin niya inusisa. Alam niya kasing magsasabi naman si Jaemin kung malala na talaga ang problema.
“Ulam ba? May niluto akong adobo, ‘wag ka nang bumili at bumawas ka na lang dito. Nangangayayat na ‘yang si Renjun kaka-delata at pancit canton niyo eh.”
Jaemin laughed at that. He immediately thanked the woman for the food before fishing his wallet out of his pocket to buy what he initially planned to get.
“Hindi po ulam bibilhin ko, nay.”
When Jaemin opened his wallet, he’s greeted by a crumpled hundred pesos. May kasama lang itong tatlong bente pesos at iilang barya.
Napapikit siya ng mariin nang maalalang sa kabilang linggo pa nga pala siya sasahod sa trabaho kaya wala siyang pera kundi ang natitirang allowance na pagkakasyahin niya ng apat na araw pa.
Bakit nga ba naisip niya pang mag-inom? Kung malalaman lang ito ni Renjun, baka mabatukan siya. Lalo na’t hindi gusto nito kapag pinapatay ni Jaemin ang sariling atay at baga.
Mabilis niyang hinugot ang bente at iniabot sa matanda.
“Pabili naman ng kandila, nay. Wala kaming kuryente ngayon eh.”
Dinig ni Jaemin ang buntong hininga ng Nanay Lereng nila bago ito tumalikod para kumuha ng kandila.
Nang makuha na ni Jaemin ang kandila ay naghintay na lang siya ng sukli.
“Dito muna kayo matulog sa bahay kung wala kayong kuryente. Ang init ng panahon ngayon, hindi kayo makakatulog nang maayos.”
Jaemin smiled widely. He can feel a lump on his throat after hearing that. Ang laking pasasalamat talaga niya na may taong katulad ni Nanay sa buhay nila ni Renjun.
“May tatapusin pa po akong trabaho eh. Doon na lang po ako sa amin.”
Tumango naman ang matanda at saka iniabot ang sukli niya sa kanya.
“Kahit si Renjun na lang ang papuntahin mo rito. Baka lamukin ‘yon, Jaemin, sayang ang kutis. Nako, kakaltukan ko talaga ‘yang bunbunan mong bata ka kapag may nakita na naman akong sugat.”
Malakas ang tawa ni Jaemin habang dinedepensahan ang sarili na hindi siya ang may kasalanan na nagkasugat si Renjun sa siko nang madulas ito sa kusina. Nagpaalam din naman siya bago umalis at umuwi sa apartement nila.
Pagpasok niya sa apartment ay hinanap niya agad ang lighter sa kusina. Sinindihan niya ang kandila at itinirik ito sa ilalim ng baso bago ilagay sa gitna ng lamesa.
Tahimik niya lang na pinanood ang pagsasayaw ng apoy. He sees Renjun on everything. Kahit na sa kandilang nasa harapan niya ngayon. Ang tanga ni Jaemin dahil hindi niya na-realize agad na ginagawa ni Renjun ang sarili niyang kandila para sa kanya. Pilit niyang binibigyan ng liwanag ang buhay ni Jaemin habang unti-unti niyang inuubos ang sarili niya.
Kung mauubos lang din naman si Renjun para sa kanya, tangina magsasanay na lang siyang mabulag sa dilim.
“Jaem…”
Agad na iniangat ni Jaemin ang tingin sa kabilang side ng lamesa.
Nakatayo sa harap niya si Renjun habang habol ang hininga. Mula sa ilaw ng kandila, kita niya ang pagkislap ng mga mata at pisngi ni Renjun na basang-basa ng luha. Sa kabila ng dilim na bumabalot sa paligid ay malinaw pa rin sa paningin ni Jaemin ang panginginig ng mga labi ni Renjun at ang paggalaw ng ilong nito.
“Sorry…”
One sorry from Jaemin’s lips is all it takes for Renjun to run from his position across the kitchen to Jaemin who’s sitting far from the door.
Malakas ang pagbuga ni Jaemin ng hangin nang magtama ang dibdib nila ni Renjun. Mahigpit ang yakap sa kanya nito at ramdam niya ang mabilis na pagkalat ng luha sa balikat at leeg niya.
He wrapped his arms around Renjun’s waist and lift the boy slightly to make him sit on his lap. Iginiya niya ang isang kamay mula sa bewang papunta sa likuran ni Renjun hanggang sa maiangat na niya ito sa ulo ng kasintahan at hinaplos ang buhok nito. He softly glide his fingers on Renjun’s hair and stopped right on the boy’s nape to massage it.
“Bakit naiyak? Tsaka anong ginagawa mo dito? Akala ko bukas ang alis ni tito?”
Jaemin felt like choking sa lalong paghigpit ng yakap ni Renjun sa bandang leeg niya. Ang kamay niyang nasa bewang ni Renjun ay dahan-dahan niyang iginala sa tagiliran nito para pakalmahin ang binata.
“H-hindi ka kasi nag-reply eh..”
Iniangat ni Renjun ang mukha mula sa pagkakasubsob nito sa leeg ni Jaemin at tinitigan ang kasintahan sa mata
The hues of orange from the light the candle gives splash on Renjun’s left cheek. It’s been almost a year since Renjun last trimmed his hair. Now, the long strands are matted on his forehead and neck. He’s the most ethereal even when he looks wrecked, even when he looks so broken, even when he looks so exhausted.
“Jaemin, sorry. S-sorry, hindi naman totoong pagod ako sa relasyon na ‘to eh. Hindi totoong g-gusto kong magpahinga tayo. ‘Wag mo ‘kong ayawan, please?”
Jaemin is quick to hug him again, leaning Renjun’s head back on the crook of his neck. He’s quick to leave kisses on Renjun’s hair and whisper how he’s never gonna give Renjun up.
Muffled, Renjun continued talking even if he has his face buried on Jaemin’s shoulder.
“I love you, Jaemin. S-sobra. Pero kasi sobrang nahihirapan na ‘kong panoorin kang nagpapakapagod para sa ‘ting dalawa. T-tapos ako… ako, wala, pabigat lang ako sa ‘yo.”
Jaemin shushed him but Renjun kept on talking, rambling, saying everything he’s been wanting to say for a long time.
“Mali naman sina Daddy eh. H-hindi ikaw ‘yung maglulubog sa ‘ting dalawa. Ako, Jaem. K-asi… kasi ako ‘yung hindi kayang mag-adjust. Ako ‘yung high maintenance at maraming arte.”
Renjun cried hard and right after Jaemin heard his boyfriend’s words, tears started falling from his eyes. ‘Yung kanina niya pang pinipigilan, bumubuhos na dahil sa naririnig niya. He never wanted Renjun to think that way. Jaemin loved him like that. He doesn’t need to change anything. Walang pake si Jaemin kung kailangan niyang bumili lagi ng mineral water kasi nasisira ang tiyan ni Renjun kapag tap water ang ininom. Walang pake si Jaemin kahit kailangan niyang magpuyat at magpagod para madala siya sa gusto niyang puntahan. Renjun is beautiful like that. He’s charming like that. He’s lovable when he’s like that.
“Pero Jaemin… alam mo naman ‘di ba?”
Pilit na kumawala si Renjun sa yakap niya para titigan siyang muli sa mga mata.
“Alam mo naman na kaya kong sukuan lahat, k-kahit na ano, kahit na sino, pero hindi ikaw.”
Jaemin cupped Renjun’s face and wiped the tears using both of his thumbs. Renjun closed his eyes and leaned his forehead on Jaemin’s own.
“I love you so much, Jaemin. Please tell me you know I love you. Please tell me hindi naman ako nagkulang iparamdam sa ‘yo. Jaemin, love na love kita, p-promise.”
Before Renjun can even add on what he said, Jaemin is already kissing him.
Sloppy, wet, salty. These days, their kisses have been like that. But there’s something about this kiss, something different. Like the first night Renjun went to his apartment crying, holding a huge bag on his right hand and a luggage on his left. Like that night when Renjun’s parents kick him out their house. The kiss tastes like sadness and fear, bravery and love.
Jaemin can taste Renjun’s tears between their lips, mixing on the sweetness of what seemed like a dessert Renjun was eating back on his parent’s house. Renjun’s lips are still the same. Soft and addicting.
With a last bite on his boyfriend’s lower lip, Jaemin pulled away. Renjun licked the thin string of saliva connecting their lips and wet his red lips using his tongue, looking at Jaemin with fanning lashes and flushed cheeks.
“I’m sorry if I made you feel like I’m doubting you.”
Renjun shook his head and hugged him again.
“I understand. Nabigla lang tayo pareho. Kaya naman natin ‘di ba? Walang susuko?”
Jaemin smiled and pressed a kiss on the side of Renjun’s head. Matagal at madiin.
“Bakit naman kita susukuan eh mahal na mahal din kita? ‘Wag ka nang umiyak d’yan.”
Renjun hit him on his chest and pulled his hair kaya napasigaw na lang si Jaemin sa sakit. Tumawa na lang siya at saka niyakap muli si Renjun sa bewang nito nang mahigpit.
“Hindi mo ihahatid si tito bukas? Ang bilis mong nakauwi ah. Saan ka sumakay?”
Habang inaayos ang buhok ni Jaemin na sinabunutan niya, nakanguso lang si Renjun na napatingin sa bintana ng apartment nila.
“Inihatid ako ni Daddy.”
Ramdam ni Renjun ang kaba ni Jaemin nang banggitin ang nakatatandang Huang. Mariin ang pagpikit niya nang mapagtantong lalo siyang maba-badshot sa ama ni Renjun dahil sa nangyari ngayon.
“Dadaan dito ‘yung driver namin bukas para sunduin tayo. Rest day mo bukas ‘di ba? Dad said sumama ka raw sa paghatid sa kanya.”
Namutla si Jaemin at nanlaki ang mga mata sa narinig. Imposible ang sinasabi ni Renjun dahil kahit kailan, hindi naman siya nagustuhan ng ama nito. Tanda niya pa kung paanong halos patayin siya sa tingin nito noong ipakilala siya ni Renjun sa kanila noong family dinner nila.
“Dad have seen you working under Kuya Kun daw last year. He’s a bit creepy because he asked Kuya Kun for updates about your performance.”
Renjun looked back on him and smiled softly while caressing his face.
“He saw how you’ve worked so hard for the two of us. He watched how you get promoted from being a mere staff to a higher position.”
Jaemin can feel Renjun’s fingers playing with his hair. Turning the strands and twisting it.
“Sabi ni daddy, sobrang baba pa raw ng position mo pero he knows with your hardwork, madali ka na raw makakaangat.”
Malawak ang ngiti ni Renjun kaya napangiti na rin siya. Jaemin never needed someone validating his hardwork, but if it means getting on Renjun’s parents good side, getting their blessing, Jaemin is more than happy.
“Sumama ka bukas ha. Para lalo kang makilala nina Dad.”
Jaemin giggled and pinched Renjun’s nose. “Oo, sasama ako.”
“Good. Para hindi tayo mahirapan humingi kay Dad ng blessing kapag pakakasalan mo na ‘ko.”
Jaemin pecked Renjun’s lips with a smile before standing up. Renjun has his legs wrapped around his waist while he has his arms under the boy’s bum to prevent him from falling.
“Bago ang kasalan na ‘yan, dadalhin muna kita kina Nanay. Doon ka muna matulog kasi walang kuryente dito sa ‘tin.”
Renjun screamed a little, making Jaemin halt on his tracks.
“Ayaw! Dito na lang tayo, babuuuu”
Nang marinig ni Jaemin ang endearment, agad siyang umikot pabalik sa kusina para iupo si Renjun sa lamesa.
“Babuu ba ‘yung narinig ko? May gusto ka ba, ha, Renjun?”
Renjun only wiggles his eyebrows on Jaemin. He twisted a little to get the glass with a candle and brought it between them.
Jaemin is biting his lips while looking at the grin Renjun has on his face.
When Renjun blew the fire out, Jaemin heard cheeky giggles.
“Ayan, madilim na. Nakaka-excite na kumapa!”
Jaemin laughed out loud. He can feel Renjun jumping down from the table and dragging him to their room.
“Babuu, mainit, walang kuryente,” Jaemin said between his laughs.
“Ikaw ang kukuryentehin ko kapag ‘di ka naglakad ng mabilis!”
