Chapter Text
Malamig ang simoy ng hangin pero hindi alintana ni Jaemin ang lamig na nanunuot sa kanyang mga braso at kanyang pisngi. T-shirt lamang ang suot niya ngayong araw na pinartneran ng puting sapatos at pantalon na ngayon ay basang-basa na ng ulan. Umattend kasi siya ng Org. Meeting nila at hindi na siya nag-abala pang magdala ng payong dahil mataas ang sikat ng araw bago siya umalis ng bahay, but weather's an unpredictable one nga naman kapag di ka suking manood ng balita.
Mukha siyang basang sisiw kung tutuusin dahil na rin sa kulay ng buhok niya na isang linggo na ang nakalipas ng mapag-desisyunan niyang patayin ito sa pamamagitan ng makailang ulit na pag-bleach.
Nadala lang ako ng emosyon. Stress ako. At ayon sa Toktik University, mabisang stress reliever ang pagkukulay ng buhok . Madamdamin niyang paalala sa sarili para maibsan ang bahagyang pagsisisi niya sa kanyang desisyon.
Kahit naman sabihin ni Jaemin na tinanggap na niya ang kapalaran na maligo sa ulan, hindi naman din ibig sabihin n'on na hindi siya nilalamig. Kinakailangan niya lang talagang tatagan ang loob niya na manatiling nakatayo habang naghihintay ng jeep na biyahe pauwi ng Bulacan.
Sa isang malaking university siya nag-aaral na pinili ng mga magulang niya kahit hindi niya gusto dahil kakailanganing bumiyahe ng malayo. At sa araw-araw, ganito lagi ang eksena niya kapag ginagabi siya ng klase. Halos magdamag na nakapila sa may terminal kung saan aabutin muna ng limang jeep ang mapuno at makaalis bago siya na ang tuluyang maka-sakay. At ito ang pinaka-ayaw niya sa lahat, ang maabutan ng ulan.
Simpleng tao lang si Jaemin. Oh mas mainam na sabihing, tamad na tao si Jaemin. Shoulder bag ang dala niya na naglalaman ng tatlong ballpen na kulay red, blue, at black. A5 binder to take some lecture notes. Nandon na rin ang wallet niya na pwede na rin namang ilagay sa bulsa. Susi ng kanyang apartment, at cellphone. Kaya hindi na niya alintanang mag-dala pa ng payong kasi pampabigat lamang sa bag niya iyon.
Di na niya kailangan mamroblema sa papel dahil ano pa nga ba? May mga classmate siyang kind enough to give him papers. Idagdag na rin natin na, his looks never failed him so he's able to have it with or without asking. And besides, kahit tamad si Jaemin sa ganitong bagay, his school performance are top tier. He's literally the ace of their department which is Dentistry and DL for 3 years without fail.
*toot toot toot*
Napatingin si Jaemin sa kanyang relo na naka-set ang alarm clock at around 9 o'clock pm. Hingang malalim , ambon na lamang ang ulan pero malakas ang hangin. He's not really a competitive person, most of the time, go with the flow lang siya. At sa mga oras na ito, nararamdaman na niyang hindi na siya makakauwi at magdecide na lang siya maki-tambay sa police station di kalayuan para magpalipas ng gabi.
"Holy shit!" Matabil at marahas ang boses na nagsalita sa tabi ni Jaemin at naramdaman niyang ang presensya ng bagong dating ay nakakagulat man pero sapat para maibsan ang ginaw na nanunuot sa kanyang balat at kalamnan.
Tinignan niya ito at kahit magka-height lang sila, hindi niya mapigilan ang makaramdam ng intimidasyon dahil sa katawan nitong halatang may full membership card sa gym. Hindi naman massive na nakakatakot pero basta ganon. Tinignan niya ito sa mukha at talagang Holy shit!
Ang mukhang halatang pinagtuunan ni Bathala ng napaka-rami, o sabihin na nating sobra-sobrang oras na ukitin at gawin. Side profile pa lang, panalong-panalo ka na!
Halatang napansin nito ang pag-titig ni Jaemin na paniguradong punong-puno ng admirasyon. Hindi nga nagkakamali si Jaemin. Kung perfect na ang side profile nito, mas perfect pa ang buong mukha nito.
Matangos na ilong, mapupulang labi, makapal na kilay, ang cheekbones at panga nito na talagang perpektong pinagtuunan ng pansin para likhain. Ang mata nitong kumikinang at tila nakikisabay sa mga headlights na nanggagaling sa mga kotseng dumaraan sa kalsada.
Sa pagkakataong ito, he felt the need to grab his camera. Another passion that is engraved on his core . To persuade the fine greek-like god to be his model. There's something in his soul that ignites fire na naging enough para mabawasan ang ginaw sa malamig na gabi.
"Sorry for cursing out loud. It just slips…" Ngumiti ito. At that moment, right then and there, he realized why butterflies were endangered and so hard to catch a glimpse of an eye.
It is because all the butterflies went on his stomach.
"Oh wow, sexy…" Wait, what?
"What?" Kung nag-init ang katawan ni Jaemin dahil sa presensya ng katabi niya kanina, ngayon ay nag-iinit na ito dahil sa toneladang kahihiyan na nararamdaman niya. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa poging binatang nakakunot ang mga noo na nakatitig din sa kanya. Hindi naman niya mahanapan ng galit ang mga mata nito pero syempre hindi dapat siya magpaka-kampante sa nakakahiyang ginawa niya!
"OH! Wait! Wait! Don't be creeped out! I'm not manyak, okay? It just… slips…" He raised his hands in his defense from an upcoming judgement and accusation. I'm not manyak . Pang-aasar nito sa sarili ng bigla na lamang naging conyo ang pananalita niya.
Tahimik pa rin ang binata, at gaya ng mga nanginginig na braso ni Jaemin ay ganun din ang mga mata niyang inaabangan ang reaksyon ng lalaking nasa harap niya.
Sana di ka galit, please. I don't want to spend my night on police station sa ganitong paraan!
Biglang umismid ang lalaki. And boy when Jaemin tells you that makes him feel so much .
"Nah, it's fine. Can't blame Freudian slip. Coz' that always tells the truth." Malalim at magaspang ang tono ng pananalita ng binata pero comforting. Nakaka-relax. No tone of harm or aggressiveness despite his sharp and bulky appearance. Ang fresh. Ang sarap…. mahalin.
Pero,
"Wow ha, ang yabang mo sa part na yon." Taas kilay na sabi ni Jaemin na akala mo mag-barkada lang sila. Hindi friendly na tao si Jaemin. Kahit na sinong nakakakilala sa kanya, malapit man o hindi, ay alam kung gaano ka-introverted si Jaemin.
Given na rin siguro na ang unang binata ang nagbigay ng soothing and friendly character kaya ganun ang response ni Jaemin.
Hindi mabilis maging komportable at uto-uto na tao si Jaemin pero ,
"And wow, that's so straightforward of you little chick." Saad ng binata na nakapagpa-kunot sa noo ni Jaemin. Wait, considered ba as catcalling yon??? Hindi na lang umimik si Jaemin at maliit na lamang ngumiti bago ibinalik ang tingin sa kanyang relo. 9:30 na. Mukhang sa presinto talaga siya mamamalagi ngayong gabi tutal wala rin naman siyang klase bukas, luckily.
“Oh.. that might’ve made you uncomfortable. Sorry for calling you little chick. Your hair’s soaking from the rain and you look like a.. Well, chick… sisiw... heh” Comforting. Very comforting. Innocence and sincerity for that humble apology is all that he can hear from the man. Kung confident ito kanina ay mukha na itong tuta na napagalitan. That small huff at the end is really cute. Tinaas nito ang braso para ilagay ang kamay sa batok dahil sa kahihiyan. At aaminin ni Jaemin na gumapang lahat ng kalandian niya sa katawan papunta sa kanyang mata para sundan ang pag-flex nito. Those biceps look… strong.
A cute samoyed face with a doberman body. Natatawang saad ni Jaemin sa isipan niya.
Hindi na lamang naka-imik si Jaemin at idinaan na lang sa pag-tango. Wala siyang tiwala sa boses niya. Baka bigla lang siyang pumiyok.
Umayos ka Jaemin! Wag kang maharot!
"Kanina ka pa dito?" Nagulat si Jaemin sa biglang pag tatagalog ng binata. Sobrang casual. Ang friendly talaga. Dapat na ba siyang kabahan? Baka naman miyembro ‘to ng budol-budol gang?? Pinasadahan ni Jaemin ng tingin ang binata. Denim ripped jeans na expose na expose ang tuhod, black rubber shoes, t-shirt na puti, eyebrow slit, black mullet hair, naka-body bag… Check lahat. Add to heart na .
But!! Looks can be deceiving!!!
"Pinoy ka pala?" Ay. Gustong batukan ni Jaemin yung ulo niya tapos tapalan ng bato ang bibig niya at iglue gun ang mga labi niya together dahil hindi niya mapigilan ang katabilan ng dila niya! Lumaki siya sa prominenteng pamilya at mahigpit na tinuro ang delikadesa sa kanilang magkakapatid! Kaya hindi alam ni Jaemin kung paanong paulit-ulit na siyang biktima ng sarili niyang isip at bibig.
It’s all Freudian Slip. I am blaming all this shit on you, Freud. Ito na ba yung hidden at unconscious desire na sinasabi mo ha? Masaya ka na ba?!
Biglang natawa ang lalaking nasa harap niya. Hindi makata si Jaemin o literature student pero ang sarap gumawa ng libro na tungkol sa kung paano niya nakita ng malapitan ang buwan sa pamamagitan ng mga mata ng lalaking nakatayo sa harap niya. Ang nunal sa ilalim ng kanan nitong mata na tila nagagawang makipag-kamayan sa sulok ng buwan. Ang balikat nitong taas-baba na parang ritmo ng kanyang puso na dumadagundong sa kanyang tenga. Ang kamay nitong napa-hawak sa sikmura dahil sa galak na nararamdaman na nakalilito mang aminin ay, masaya ssi Jaemin na siya ang dahilan kung bakit ito tumatawa.
"Malamang! Anong tingin mo sa'kin? Forenjer?" Tumatawa pa rin ito. Alam naman ni Jaemin na funny siyang tao, according to his bestfriends. Pero para sa isang estranghero na tumawa ng ganito sa sinabi niyang ni hindi naman talaga joke ay parang… nakakabahala? Hindi dahil sa creepiness ah. Hindi yon.
"Kung makapag-english ka naman kasi. Ang lutong pa ng mura mo." Sinabi niya yon on a very casual tone. Hindi siya nagpapatawa, hindi yun ang goal niya. Pero hindi pa rin mawala ang hagikhik at mga ngiti sa mukha ng lalaking nasa harap niya na akala mo ay ilang taon na silang magkakilala.
"Lah? Gaano ba kalutong?" Pagbibiro nito.
"Sing lutong ng chicharon." Nakangisi niyang sagot dahil sa bigla niyang naisip.
"Chicharon? Wait! Taga-Bulacan ka ba??" Ramdam ang excitement sa pananalita nito. Di alam ni Jaemin kung sasagot ba siya o hindi. Tsaka ang bilis naman mag-assume. Nakarinig lang ng chicharon, Bulacan na kaagad?? Tsaka isa pa, Jaemoin value his privacy so much. Kaya hindi siya yung tipo ng tao na ipamimigay na lang ang address niya ng basta-basta. Pero...
"Bakit ko sasabihin? Ni hindi tayo magkakilala…." Diretso ang tingin ni Jaemin sa binata. Sa mga oras na ito, wala na siyang pakialam kung maka-uuwi pa siya. Kung tutuusin, ehem , as long as kasama niya ang lalaki sa munting sandali na ito, ayos na sa kanya yon.
“I’m Jeno Lazaro! From Santa Maria, Bulacan. 21 years old! Maybe I can share other things about myself if we get the chance to meet again.” Ayun . Nandon na naman yung mga ngiting paniguradong hindi na siya patutulugin ng mahimbing tuwing gabi. Di man niya aminin directly pero kanina niya pa talaga gusto malaman ang pangalan ng binata. At gustong-gusto niya yung idea na magkikita ulit sila. Ito na ba? Grab ko na ba ‘to? Ito na ba yung hinihintay kong when kaya?
But beside all those kalandian,
“You’re so… trusting…” Hindi niya mapigilang sabihin. He can feel his facial expression hardening as if masking up a lot of things. Hindi niya alam kung napansin ito ni Jeno, not that he cares about what the man thinks. Pero si Jeno, ang lalaking nakilala niya lang an hour ago remains still. Nakangiti pa rin ito to the point na Jaemin is scared that Jeno’s lip and eye corner would touch. The guy is as transparent as a clear sky. No ill-intention or anything. Just comforting and trustworthy.
Mga ganitong tao ang kinatatakutan ni Jaemin. Yung magaan sa pakiramdam at mabilis makakuha ng tiwala ng iba. And he was able to learn and observe that in a very hard way. Pero di niya malaman kung bakit hindi niya magawang ilayo ang sarili sa lalaking nanatili pa rin sa harapan niya, Jeno Lazaro… His name suits him so much. Unique, beautiful, strong.
“An upbringing that I grew up with, I guess. In case you are worried, you don’t have to do the same if you’re not comfortable! Gusto ko lang ipakilala ang sarili ko kasi baka interesado ka.” Tinaas-baba nito ang kilay niya na parang may pinapahiwatig na kung ano sa huling sinabi nito. Napaismid si Jaemin sa kalokohan ng lalaking nasa harapan niya.
“Jaemin Nazareth. College of Dentistry. 21 years old.” Tumango-tango na ito. Jeno’s black hair bouncing against his forehead na halatang may proper hair care routine because it looks so soft and healthy, and Jaemin can’t help but to silently snicker to himself. It reminds him of his favorite dog... samoyed.
Muling ngumiti si Jeno ng marinig si Jaemin na magbigay ng impormasyon tungkol sa kanyang sarili.
Jaemin heaved a breathy huff on his chest upon the sight. Hindi niya alam if it is his Dentist self talking or himself but, that’s the
prettiest smile
he ever saw.
