Work Text:
April 5, 2020
5:00 pm stuck in 405 pulling up sa parking stuck in traffic from home going to his house in Long Beach
“Nak, kamusta ka na?”
“Hi mamay! I’m doing well. Actually I’m quite tired. I’m hungry and stuck in traffic. Can I call later when I’m settled at home?”
“Nak, di na kasi makakahinta—“ inagaw ng tatay niya ang telepono.
“Chanyeol, we allowed you to study and experience life there, it’s about time you go home.” Firm na sabi ng dad
“Pero dad, my life is here”
“No, YOUR LIFE IS HERE. That’s just temporary. Come home so we can finally enjoy our retirement. Please, anak.”
Silence.
“Okay, give me a week to fix things, yeah? I’ll send you my flight details.”
April 6, 2020
“Hello Pich? Gising ka na ba? Kanina pa kita tinatawagan! Pang ilang voice message ko na to. Gising na po! Late ka na sa work, baby!”
“Let me know kung nasa work ka na ha? Padalan kita breakfast for sure di ka na naman kumain!”
Ring lang ng ring ang telepono ng nobyo na hindi ito usual dahil “Baekhyun is priority” nga naman sabi niya. Alas sais pa lang ng umaga tinatawagan niya na ito dahil maagang nagpaalam na matutulog ito kagabi, pagod daw sa trabaho kaya gusto bumawi ng tulog.
“Pich, kinakabahan na ako ha! Di ka naman taga-UST bat ang ghoster mong gago ka!” Natawa siya sa sarili dahil may nang go-ghost ba kahit apat na taon kayong magkasama?
8:00 am nag ring ang telepono ni Baekhyun, sa wakas, si Sehun, malamang nanakbo na naman to para maka-time in!
“Sana di ka late Pich!”
“Hello, is this Mr. Baekhyun Byun?”
Sabay na nagsalita si Baekhyun at ang boses sa kabilang linya. Kinutuban agad ang binata pero ayaw niyang magpakain sa takot. Baka naman nahulog lang ni Sehun ang cellphone nya kakamadali? O kaya naiwan sa Grab? Ayun, oo Baek, yun lang yun. Kalmahan mo siz.
“Yes this is he, who are you and why is my partner’s phone with you?” Nanginginig na tanong ni Baekhyun.
“Mr. Oh placed you as his emergency contact po kasi. Can you please come to SLC Hospital right away?” SLC pa lang ang narinig niya, nanghina na si Baekhyun. Nabitawan na niya ang hawak na telepono at napaupo sa pantry ng kanilang opisina.
Tiempo namang papasok ng pantry ang ka-opisinang si Kyungsoo at dali-daling tumakbo para saluhin ang kaibigan.
Baekhyun knew na may sakit si Sehun. Isang gabi pinlanong bisitahin ni Baekhyun ang nobyo dahil halata sa boses na pagod ito o baka masama ang pakiramdam. As a jowa, nag-alala agad ito at kahit alas nuebe na ng gabi, bumiyahe pa ito sa condo ni Sehun. Kahit petsa de peligro, nagawa pa niyang mag grab, anything for the jowa nga naman talaga.
Pero pag bukas ng pintuan, si Baekhyun pa ang mas nasorpresa dahil nakita niyang nakahandusay sa sahig ng kwarto ang kasintahan at iniinda ang masakit na ulo. Migraine lang daw, sobrang intense migraine.
“Migraine-in mo mukha mo, gago ka, pinag-alala mo ako.” Yan ang huling sinabi ni Baekhyun bago isampa ang stretcher nito sa ambulansya.
Isang linggong naka-confine si Sehun sa ospital pero ni minsan, hindi na-timingan ni Baekhyun ang doctor nito. Kapag nagtatanong siya sa mga nurses na bumisita sa kwarto, ang diagnosis lang daw ay “fatigue at dehydration”. Gigil na gigil si Baekhyun dahil ilang beses na niyang sinabing wag kalimutang magpahinga nitong nobyo. Galing kasi ito sa isang Call Center at sanay sa puyatan. Itong bagong kompanya, BPO pero IT ang hawak, mas mataas ang bayad, pero kung tatanungin si Baekhyun, mas toxic dito. Aanhin nila ang malaking ipon para sa future nila kung kaagaw naman niya sa babe time ang trabaho? Tapos magkakasakit pa… sobrang wrong move.
Ang hindi alam ni Baekhyun ay pinakiusapan pala ni Sehun ang kanyang bestfriend na si Jongin, na head doctor sa SLC at ang pamilya din nito ang nagmamay-ari ng ospital. Bilin niya ay “wag na wag papaalam kay Baekhyun ang tunay niyang sakit”, kaya ayun, nakalabas na’t lahat sa ospital, tumagal na sila ng ilang taong magnobyo, pero kahit kailan ay di nalaman ni Baekhyun ang karamdaman nito.
Kaya nang may tumawag kay Baekhyun mula SLC gamit ang numero ni Sehun, alam na niya.
Halos wala sa sarili si Baekhyun na sumakay ng Grab papunta sa ospital. Mabuti nalang at sumama na si Kyungsoo, na nag kusang-loob nang magpaalam ng emergency leave sa kanilang dalawa. Muntik pa nga maiwan ng sasakyan ang kaopisina dahil di na makapag-isip ng matino si Baekhyun, gusto na lang niya ng makarating sa ospital, kung pwede nga lang paliparin na ‘tong sasakyan para di na maipit sa traffic. Tumatakbong hinabol ni Kyungsoo ang kotse hawak ang ID badge nila ni Baekhyun pang time out, at bag nito na di na naisip tangayin ng balisang binata.
“B, huminga ka, tingin mo magugustuhan ni Sehun na makita kang ganyan?”
“Kyungsoo, di ko nga alam kung aabutan ko pa si Sehun e” walang buhay ang pag sagot, nakatingin sa labas at tumutulo ang luha.
Sinalubong si Baekhyun ni Jongin, ang matalik na kaibigan ni Sehun. This could only mean one thing right? Tanong niya sa sarili. Nakayang iwan ni Jongin si Sehun, ibig sabihin stable na ang kalagayan nito. Yan ang pilit niyang tinatak sa isip, kahit sa bawat hakbang papalapit sa doktor ay alam niyang mali ang inakala niya. Ang hirap palang mag isip ng isang positibong bagay lalo na’t alam mong paparating na ang wawasak sa’yo.
“Doc Kim” lumabas na parang bulong ang pagbati ni Baekhyun. Parang nanuyot ang kanyang lalamunan at nanglamya nang datnan ang namumugtong mata ni Jongin.
“Baekhyun, sorry.”
Dalawang salita lamang at tuluyan nang gumuho ang mundo niya kasabay ng pag hagulgol ng doktor.
“Matagal ko na siyang pinipilit sabihin sa’yo. Pero sabi niya di kailangan dahil magpapagamot siya at di mo mamamalayang nagkasakit pala siya. Ang kaso, di kinaya ng katawan niya yung chemo e.
Gusto lang naman niyang makausap ka ng masinsinan bago mahuli ang lahat, pero ang bilis ng pangyayari, kumalat na sa ibang organs niya ang cancer.
Hanggang sa huling sandali, narinig ko siyang nagmamakaawa sa Diyos. Para siyang nakikipagtawaran. 30 minutos, o kahit 5 lang, sapat na oras para bigyan siya ng kauntinglakas para harapin ka, para sa huling sandali, makapagpasalamat at makapagpaalam sa iyo.
Wala siyang naiwang kahit anong sulat, pero ang huling binigkas niya ang pangalan mo.”
Baekhyun was only given one day to mourn. Ang pamilya kasi ni Sehun ay nasa ibang bansa na, at napagpasyahang ipa-cremate para madali ito sa kanila. Sa bilis ng mga pangyayari, di mawari ni Baekhyun kung bakit ganun nalang ang ending ng kwento nila? Ito na ba yun talaga? Di niya lubos mawari na ang apat na taong puno ng saya at pagmamahalan, sa isang iglap, nawala ang lahat.
Is this how you sum up one’s life? Yan ang unang naiisip ni Baekhyun pagka-abot sa kanya ng kwintas na may pendant na naglalaman ng kaunting abo ng lumisang nobyo.
We could have had so much more. Ang dami nating plano, pero ano? Ito lang ang naiwang ikaw sa buhay ko.
Ang condo ni Sehun, madaling nilinis at binenta dahil isang linggo lang tatagal ang pamilya nito sa Pilipinas. Sa 33 na taon niya sa mundong ito, lahat ng bakas niya ay nalimas ng isang linggo.
***
Gaano ba dapat kabilis mag move on?
May libreng extension ba para sa hindi lang basta naiwan, kung hindi, namatayan?
May scientist na bang nagawa ng targeted mind erasure parang sa Eternal Sunshine of the spotless mind? Kasi si Baekhyun, kirot na kirot pa rin ang puso eh.
Mahirap pa rin ang bawat pagbangon kada umaga lalo na’t hindi mo alam kung ipagpapatuloy mo ba ang naudlot na masayang buhay, o kinakailangan nang magsimula muli?
Marami naman dyang iba, sabi ng mga kaibigan kuno niya. Kaibigan? E ni simpatya nga di nila naibigay, empathy pa kaya?
Ano ba naman nga yung eight years ano? Walong taon niyong tinaguyod ang relasyon at nakabuo na kayo ng mga plano para sa kinabukasan. Sinigurado mong siya na, siya ang kasama mong tumanda, kasama sa hirap at ginhawa. Pero apat na buwan lang ang nakalipas at balik na naman sa umpisa ang ating bida.
Isang araw ay nanaginip si Baekhyun ng mga pira pirasong papel na nilipad ng hangin patungo sa tubig. Hindi siya naniniwala sa kababalaghan pero nagising siyang naniniwala na ang mga papel sa panaginip ay nagsisimbolo ng kanilang mga ala-ala na kailangan na niyang pakawalan. Dahil dagat ang huli niyang naalala sa panaginip, nagpasya siyang tumungo sa malayo, at humanap ng rason upang magsimula ulit. Marahil ligaw, oo, pero buo pa naman siya, kaya pang aralin mahalin at mabuhay muli.
August 5, 2020
“Oo nga Soo! Wag kang mag-alala, di ako tatalon sa bangin! Kailangan ko lang ng fresh air at magpakalayo-layo sandali” natatawang pagsagot ni Baekhyun sa nag-aalalang katrabaho. Nasa terminal ng bus ang binata ngayon, nagaantay tawagin ng barker para sa biyahe papuntang Ilocos.
Bakit Ilocos? Yun lang kasi ang pinakamaagang aalis na biyahe sa araw na ito. Mahilig sa mga pelikula si Baekhyun at matagal na niyang gustong gamitin ang linyang “one ticket to anywhere please”. Buti nalang talaga at di Baguio ang unang biyahe, dahil wala siyang naempakeng pang lamig na damit.
“O basta B, isang tawag mo lang sakin, susunduin kita diyan ha!” Puno man ng pag-aalala ang boses ng kaibigan, pero masaya itong nagkusa si Baekhyun na kailangan niya ng pahinga. Hindi naging madali ang huling apat na buwan at nirerespeto ni Kyungsoo ang paraan kung paano tahimik at mag-isang nagluksa si Baekhyun.
“Nek nek mo! Wala ka namang kotse! Ang sabihin mo, susunduin ninyo ako ni Doc Kim!” Natatawang sagot ni Baekhyun. Tumayo na ito at kinuha na ang bag dahil nag umpisa nang mag papasok sa bus ang barker.
“Baekhyun, Jongin nalang, wag na Doc Kim” biglang sabat ng doktor. Narinig ang biglang pag gasp ni Kyungsoo sa kabilang linya.
“HOY KYUNGSOO DO KAY AGA AGA PA! BAKIT KAYO MAGKASAMA!!!” Abot BGC nga naman ang sigaw ni Baekhyun mula sa Maynila. “Aminin mo nga! Magka Live-in na ba kayo?”
Inagaw naman agad ni Kyungsoo ang telepono. Kanina kasi ay naka speakerphone ito habang nag-aalmusal sila ni Jongin.
“Pag-uwi mo tiyaka na natin pag-usapan” dali-daling sagot ni Kyungsoo, nagpaalam ito at binaba na ang tawag.
Jongin at Kyungsoo, wala pang sila, jowang hilang kung tawagin ng iba, dahil label nalang ang kulang. Pangit man aminin, pero nagkakilala sila sa ospital nang pumanaw si Sehun. Simula nun ay madalas na silang nag-uusap at nagkakakilanlan sa kama.
Pagkatapos ng tatlong buwang training at transition sa pagiging pinuno ng kompanya, sa wakas ay napagayan ding magpahinga si Chanyeol. Binalak nitong bumalik ng LA ng dalawang linggo pero hindi siya pinayagan ng kanyang magulang dahil natatakot na baka hindi na naman ito bumalik ng PIlipinas.
Inalok ng kapatid niya ang rest house ng kanyang asawa sa Pagudpud. Tutal gusto niya ng tahimik at malapit sa dagat kaya swak na swak ito sa mga hinahanap ni Chanyeol. Wala na siyang naihirit pa, dahil ano ba naman ang laban ng mga beaches ng California dito sa Pilipinas? Para ka naring nag Maldives o Bahamas sa ganda ng tubig dito.
Pagod mula sa biyahe kaya’t minabuting magpahinga muna ang dalawang binatang nais makahinga.
Para kay Chanyeol, ang pagpunta sa Pagudpud ay para hanapin sa sarili niya na gustuhin manatili sa Pilipinas. Isang simula sa buhay na hindi naman niya pinili, pero kailangang harapin.
Para kay Baekhyun, ang pagpunta sa Pagudpud ay para tuldukan na ang yugto ng buhay niyang nagngangalang Sehun Oh. Kasabay ng pagpahinga, iiwan na rin niya lahat ng sakit na tinamasa sa lumipas na mga buwan.
Padapit hapon na ng nagising si Chanyeol at nakaramdam na siya ng gutom. Anong oras pa ba ang huling kain niya? Tanda niya nasa may bandang Vigan siya nang huling kumain. Natakam kasi siya sa nakahaing empanada sa nadaanan niyang kainan.
Si Baekhyun naman pagkatapos umidlip ay naglakad sa dalampasigan at pinagmamasdan ang bawat hampas ng alon. Kumalam na ang tiyan niya at tamang-tama naman ay may natanaw siyang kainan.
Halos maglaway agad si Baekhyun sa mga nakahaing ulam, syempre hindi niya papalagpasin ang pag order ng bagnet at pinakbet. Unti-unting napupuno ang kainan ng mga bakasyonista, marahil ay ito ang pinakamalapit na kainan sa dalampasigan.
Kahit sunod-sunod ang nagoorder ay nakuha pang sumilip sa may entrada ang tindera. Sa lakas ng boses ay walang choice ang mga kumakain, kasama si Baekhyun na mapatingin.
“Ay hello ser! Akala ko si Sir Park! Sa kanya kasi yang mamahaling motor na yan” sabi ng tindera sa kausap na nakamotor na asul.
“Sa kanya po ito talaga, pinahiram lang niya itong motor niyang si Peri po” nahihiyang sagot ng lalaking may malalim na boses.
“Kapatid mo ba siya ser?” Napakamausisa naman talaga nitong tindera, humahaba na ang pila ng oorder, pero lahat nasa kanya at sa misteryosong lalaking naka motor na gwapo ang ang boses parin nakatingin.
“Nah, brother in law ko po. Pinatigil niya ako sa bahay bakasyunan nila dito dahil gusto ko magpahinga” napahawak sa batok ang lalaki at parang nahiya bigla dahil nakita na niyang ilang pares ng mga mata ang nakatingin sa kanya.
“Ano pong tinda niyong ulam ngayon? Mukhang masarap a! Haba ng pila o!” Dagdag ng lalaki.
Hay salamat nakaramdam din itong si Mr. Superstar, sa loob loob ni Baekhyun na di napigilang rumolyo ang mata. Paano ba naman kasi, pumasok sa kainan ang lalaki, agaw pansin ang katangkaran (parang si Sehun) . naka maong na shorts, naka polo pero huling dalawang butones lang ang nakasara (hello sana di nalang niya sinara kita din naman yung dibdib nya???). Isa pang rolyo ng mga mata mula kay Baekhyun, nakashades at naka cap na baliktad ang suot, kala mo kung sinong artista. At tinapos ni Baekhyun ang paghusga sa bagong dating na lalaki sa isa pang rolyo ng mga mata.
Pumila naman ng tahimik si Mr. Superstar at nagpatuloy na kumain ang lahat ng turista sa loob ng kainan. Nang hawak na ng lalaki ang tray, para itong bata na nawawala habang naghahanap ng bakanteng lamesa, e kaso puno na nga ang kainan…
“Uh, excuse me, may kasama ka?” Nagulat si Baekhyun na nasa harap niya na ang lalaki at parang mas bumaba pa lalo ang boses nito kesa sa narinig kanina. Woo ba’t parang lumamig sa lugar ni Baekhyun? Ginaw ng boses e!
Busy ngumuya ng isang pirasong bagnet si Baekhyun kaya sumenyas ito ng sandali sa lalaking nakatayo na may hawak na tray. Nang malunok ang pagkain uminom pa ito at nakuhang magpunas ng tissue.
“Mukha ba akong may kasama?” Masungit na sagot ni Baekhyun. Pramis, di naman siya masungit sa totoong buhay, sobrang sweet at friendly nga nito, pero iba lang talaga ang vibe na nakukuha niya sa feelingerong artista sa harap niya ngayon.
“Ha? I didn’t mean to offend you or anything. Gusto ko lang naman makain tong pagkain ko habang mainit pa.” Tinaas ng lalaki ng kaunti ang hawak na tray para ipakita kay Baekhyun na pakay lang naman niya makakain ng matiwasay pero walang siyang maupuan.
Halos mamuti namang ang mukha ni Baekhyun sa hiya kasi, sinong feelingero ngayon ha? Bigla siyang napatayo at tinanggal ang maliit niyang bag na nakalapag sa upuan sa harap niya. Nagulat na naman ang mga tao sa loob ng kainan dahil sa kalabog ng lamesa dulot ng pagtayo ni Baekhyun. Ano ba ang meron dito, bawat kibo pinagtitinginan???
“O ser pogi, kasama mo pala si ganda! Sige upo lang kayo diyan, dadalan ko kayo ng sabaw!” Giliw na sinabi ng tindera na para talagang nakalunok ng megaphone.
Parehas ng nakatayo si Chanyeol at Baekhyun at nanlaki ang mata sa sinabi ng tindera.
“Ho? Hala hindi po!”
“Ako lang po mag-isa”
Halos mabali ang leeg ngdalawa sa pagkasabay na paglingon at pagsagot sa Aling matanong. Naging sentro na naman tuloy sila ng atensyon sa kainan. Ano to episode ng Precious Hearts Romances?
“Asus kayong dalawa nagkahiyaan pa! Lahat ng kumakain dito bakasyonista! Kung tinatago niyo pa relasyon niyo, walang nakakakilala sa inyo dito! Kaya hala, mag lambingan lang kayo diyan!” Malokong sinabi ng tindera.
Sa sobrang hiya umupo nalang si Baekhyun at hinila pababa para makaupo na kaharap na lalaki. Ano ba naman kasi agaw atensyon tong tangkad na to. Asar na naisip ni Baekhyun. Tinuloy nalang niya ang pagkain dahil pag gutom siya wala siya sa mood makipag small talk.
Pasubo na ulit si Baekhyun nang biglang nagtanong ang lalaki sa harap niya. “Sarap?” Tinanggal na nito ang shades at nakatitig kay Baekhyun. Di niya lang sure kung sa mata ba, sa labi o kutsara na puno ng kanin at gulay ang tinitignan nito. Halos matunaw naman si Baekhyun dahil jusko naman makatingin? Ako ba ang bagnet??? Di niya tuloy napigilan rolyohan ng mata ang lalaki.
“Hoy, anong iniisip mo ha? Yang gulay kasi tinatanong ko. Longsilog ang inorder ko kasi ang body clock ko pang almusal pa rin” depensa agad ni boy tangkad.
Ah, di talaga taga dito. May pabody clock pang nalalaman e, isip ni Baekhyun. Napatagal ata ang pag iisip niya dahil nilapit ni Chanyeol ang kamay sa mukha nito at naghehello.
“Sorry, labo mo kasi kausap” matipid na sagot ni Baekhyun.
“Nice, sumagot rin” sabay ismid ni Chanyeol at nagsimula itong kumain.
Binagalan ni Baekhyun ang pag ubos sa hapunan dahil di ba niya alam, parang ayaw naman niyang iwan yung lalaki mag-isa. Mamaya sisihin pa siya nito na baka di siya makapag-asawa kasi pagliligpitan niya ng pinagkainan.
Nang napansin nyang isang lagok nalang ang tubig ng kasabay kumain, nagligpit na si Baekhyun at tumayo. Nagugulat nalang talaga siya sa inaasta niya dahil binagalan niya rin maglakad palabas??? Ano to Baekhyun? Pumunta ka dito para magpaalam kay Sehun, wag kang ano diyan!
Paglabas sa kainan, nag-inat si Chanyeol at humarap kay Baekhyun. “Lika, hatid na kita, as thank you sa pagsalba sa kahihiyan kanina”.
“Luh? Di pa nga tayo magkakilala. Di ako sumasama sa strangers.”
“What are you, 5?” Natatawang sabi ni Chanyeol. Tinanggal na nito sa kalso ang motor at sumakay na. “Hi, I’m Chanyeol. Thank you kanina. Nice to meet you. Gusto mo ba sumabay?”
“‘Yoko nga, hindi safe, wala akong helmet.” Wow Baekhyun, kailan ka pa ba naging pabebe?
Bumaba ulit sa motor ang matangkad na lalaki at kinuha ang extra helmet sa lalagyan. Iniabot ito kay Baekhyun at sinabing “Pinagaantay mo si Peri, baka magtampo to.”
“Ano to pet? Ba’t pinangalanan?”
Nang naisuot na ni Baekhyun ang helmet at sumakay na sa likod ng motor, humawak siya sa dalawang balikat ni Chanyeol at mahinang binigkas ang kanyang pangalan.
Kinabukasan, maagang gumising si Baekhyun dahil ngayon niya bibitawan ang nakaraan. Kailangan niya ng seremonyas dahil drama queen nga siya like that. Dala niya ang isang kahon ng pichi pichi, isang bote ng Mountain dew, bluetooth speakers at sinuot niya sa huling pagkakataon ang kwintas na naglalaman ng huling piraso ng dating kasintahan.
Kahapon habang naglalakad-lakad, nakahanap siya ng lugar kung saan niya gagawin ang pamamaalam. Medyo nag hiking pa siya paakyat, naniniwala kasi siya na kapag mas mataas, mas maririnig ni Sehun sa langit ang mga sasabihin niya.
Nang naihanda niya na lahat, para siyang nasa picnic date, yun nga lang, last date na nila… “Hi Pich!” Nakatingin ito sa langit habang sumisigaw. “Sana okay ka lang diyan. Chill lang ano? Binabantayan mo ba ako? Sana kahit maging busy na ako, protektahan mo parin ako ha? Ikaw na ang bagong guardian angel ko. Ang tagal din bago ko natanggap na wala ka na talaga. Sinubukan kong isipin na sumama ka nalang sa pamilya mo sa Middle East, pero ang hirap e. Ikaw talaga, bakit naman kasi ang bait mo? Nagpakuha ka naman agad kay Lord.
Sana, wag kang magtampo pag hindi na kita makakausap palagi ng ganito ha? Kailangan ko na kasing bigyang halaga ang sarili ko, at ang mga tao at bagay na nabalewala ko nung nagluluksa ako sa pagkawala mo. Alam ko namang matatanggap mo, pero sana wag mong kalimutan na minahal kita ng lubusan. Mahal parin naman kita, hindi ka naman mawawala sa puso’t isipan ko, pero kailangan ko na itulak sa kadulo-duluhan ng pagkatao ko ang mga alaala mo. Bigyan mo ako ng lakas, pag nararamdaman mong babalik na naman ako sa’yo, pilitin mo akong humarap nang hindi na kita lingunin muli. Tulungan mo ha?
Ang hirap Sehun. Simula nang nakilala kita, ikaw na ang kahati ng pagkatao ko, ngayon, kailangan kong aralin ulit ang mabuhay mag-isa.” Tumutulo man ang luha, di niya ito pinupunasan at patuloy na isinasagaw ang mga salitang inipon niya para sa pagkakataong ito.
“Last date na natin ‘to. Nagbaon ako ng cheesy pichi-pichi kasi wala nang ibang magdadala nito sa’kin. Favorite mong Mountain Dew kahit alam kong bawal sa’yo ‘to kasi sobrang taas ng caffeine.” Binuksan naman niya ang speakers at pinapatugtog ang unang kantang inalay sa kanya ni Sehun.
Magkatabi tayo sa duyan sa ilalim ng buwan
Buhangin sa ating mga paa, ang dagat ay kumakanta
Matagal na ring magkakilala, minahal na kita
Simula pa nung una, unang makita ang iyong mga mata
Sana ay huwag ng matapos 'to
Pag-ibig na para lamang sa iyo
Gusto kong tumalon, tumalon sa saya dahil ikaw ang kapiling
Sa iyo, sa iyo, sa iyo lamang ang puso ko
Sumayaw, sumayaw, sumayaw, tayo sa ilalim ng araw
Hawak niya ang kwintas, na plano niya talagang ihagis sa dagat pero habang pinapatugtog ang kanta, alam niyang hindi pa niya kaya.
Pwede namang mag move on pero magtago parin ng isang bahagi ng nakaraan mo diba?
Hinihingal pa si Baekhyun mula sa pinanggalingan nang natanaw niya si Chanyeol na paahon sa dagat. Habang papalapit, nakita niyang nakakunot ang noo ng binata dahil sa sikat ng araw. Kinukuskos nito gamit ng kanang kamay ang buhok para matuyo ito, at hawak naman sa kaliwa ang surf board.
Biglang ngiti naman ang lalaki nang makita si Baekhyun sa dalampasigan.
“Kanina ka pa diyan?” Binaba niya ang hawak na board at hinubad ang rash guard na suot. Di naman alam ni Baekhyun kung dapat ba siya tumalikod dahil naghuhubad ang lalaki sa harap niya. Pero kasi??? Di naman niya kasalanang sa harap niya naghubad??? So bakit???
Umupo ito sa tabi niya at hindi niya napigilang mapatingin sa 6 pack abs nito. Kumikinang ba talaga ang balat niya kahapon? Parang hindi naman ito ganito ka-kayumanggi kahapon sa pagkakatanda niya. Para matanggal ang isip sa itsura ng katabi, napagpasyahan niyang ibaling ang isip sa iba.
“Kanina ka pa nagsusurfing?” Humarap siya sa dagat at tumingin sa kawalan.
“Oo? Siguro? Anong oras na ba?”
Kinuha ni Baekhyun ang kanyang cellphone at sinabing halos alas dose na. Nanlaki naman ang mata ni Chanyeol dahil nag umpisa siya ng alas otso, naka 4 na oras na rin siyang nasa dagat. Namiss niya ito. Yung bahay kasi niya sa America, tabing dagat din. Bago pumasok sa trabaho, nakagawian na niyang mag surfing as his exercise.
“Lika na, tanghali na pala. Gutom na rin ako. Dun tayo kila manang, libre ko” Sabi ni Chanyeol habang patayo at sinuot na ulit ang rashguard.
“Ayoko na muna bumalik dun, baka paypiyestahan na naman tayo” tugon ni Baekhyun.
“Ano ka naman diyan, artista?” Natatawang pag loko ni Chanyeol.
“O sige, tara, pagluto nalang kita. Kaso di ako magaling magluto ha!”
“Basta ba di mo ako lasunin e!” Sagot ni Baekhyun at tumakbo papunta kung nasaan nakapark si Peri. “Pwede ba ako ang magmaneho?” Sigaw niya kay Chanyeol na nasa unahan niya.
“Anong sabi mo?”
“P-pwedeng ako mag drive?” Hala ang Baekhyun natin nabulol nung tinitigan siya ni Chanyeol. Natawa nalang ito. Yung tawang patay ang cute nitong lalaking ‘to wala na akong magagawa magiging akin na ‘to . Tama nga ang tindera kahapon, maganda nga si Baekhyun.
***
April 6, 2021
Nagising si Chanyeol sa lamig. Kadalasan ay sapat na naman ang lamig ng aircon para sa kanila ni Baekhyun dahil mahilig sumiksik sa kanya sa pagtulog ang boyfriend. Pero ngayon, wala ito sa tabi niya, at wala din ang kumot sa kama.
Kinapa muna niya ang kabilang gilid ng kama, baka kasi ay rumolyo lang ito sa pagtulog. Pilit na dumilat si Chanyeol kahit antok na antok pa siya. Inabot niya ang cellphone sa side table para tingnan ang oras, alas kwatro ng umaga.
Baekhyun, nasaan ka?
Maliit lang ang condo na tinitirhan ni Chanyeol at Baekhyun. Nung inaya kasi ni Chanyeol magsama, pumayag ang kasintahan sa kondisyon na siya ang pipili kung saan sila titira at kung paano ang ayos nito sa loob. Sabihin na nating mahilig si Baekhyun sa Tiny House living kung kaya’t maliit lang ang espasyo ng condo pero lahat ng kailangan nila ay nandoon.
Ang banyo ay nasa kabilang dulo ng condo, malayo sa kama, kung kaya’t hindi pa narinig nung una ni Chanyeol ang mga hikbi ng nobyo. Lolokohin pa niya sana ito dahil baka natakot na naman sa kidlat, pero habang papalapit sa may pinto ay mas lumalakas ang pag-iyak nito.
“Baekhyun? Are you okay?” Nilapit ni Chanyeol ang bibig sa pinto at di pinigilan parinig na kinabahan siya. Unang beses lang kasi niya narinig na umiyak ng ganito ang nobyo.
Payak pa lang ang kanilang pagsasama, pero kahit kailan hindi pa sila nag-aaway. Sa limang buwan nilang magnobyo, sigurado si Chanyeol na puro saya lang ang idinulot niya kay Baekhyun, at gayon din naman si Baekhyun sa kanya.
Huminga siya ng malalim at nagsalita muli. “Di ko bubuksan ang pinto, but please, just let me know that you’re okay?”
“I’m not” ang matipid na sagot ni Baekhyun.
Halos madurog naman ang puso ni Chanyeol sa narinig. Bubuksan na dapat niya ang pinto nang pigilan siya ng nobyo. “But I’ll be. Just give me a moment.”
Napaupo nalang si Chanyeol at sumandal sa pinto. “I’m here, Baekhyun. I’ll stay here outside. I love you.”
Masakit makitang umiiyak ang taong mahal mo.
Pero mas lalong masakit ang magising ka isang araw at marinig humagulgol ang minamahal na di alam ang rason at hindi mo alam kung paano siya matutulungan o patahinan man lang.
Sumikat na ang araw, narinig na rin nila ang pag tunog ng alarm nila. Pero tahimik lang na nag antay si Chanyeol sa labas ng banyo nila. Nakatungo ito at nakasandal ang ulo sa nakatilop na binti. Unti-unting bumukas ang sliding door ng banyo at nagmamadaling tumayo si Chanyeol para yakapin ang nobyo.
“Luto na ako ng breakfast? Baka ma-late ka pa” bigkas ni Baekhyun na para bang hindi siya nag ubos ng luha ng ilang oras. Tumango lang si Chanyeol at hinalikan ang noo ng mahal bago ito bumitaw at pumasok sa banyo para maligo.
Bihis na si Chanyeol at nakahain na rin ang almusal, ayaw niyang punahin pero inoobserbahan niya ang kasintahan. Kadalasan kasi ay pagkatapos magluto, siya naman ang maliligo para sabay silang kakain at aalis papuntang opisina. Pero iba ngayong araw. Nakaupo lang sa hapag kainan si Baekhyun habang inaantay si Chanyeol.
“Baekhyun, do you want to talk about it?” Maingat na tinanong ng nakakatangkad.
Umiling naman ito at ngumiti pa nga ng pahapyaw.
Lalo tuloy kinabahan si Chanyeol. Tatayo na dapat siya para magbihis ulit ng pambahay dahil hindi niya kayang iwan ng ganito ang mahal sa buhay.
Kinuha ni Baekhyun ang plato ng sinangag at sumandok para sa plato ni Chanyeol. Nakatungo ito at parang nag-iisip sa gustong sabihin.
Tahimik na nag-antay si Chanyeol sa kung ano man ang susunod na galaw. Nabasag ang katahimikan ng nag-alarm na ulit ang cellphone nito, hudyat na dapat na silang magligpit at maghandang umalis. Pero walang nagmamadali. Kalmado ang paligid, ngunit kulang nalang ay kumawala sa dibdib ni Chanyeol ang puso niya sa lakas ng tibok nito.
“May conference si Kyungsoo sa Hong Kong, last minute pinasama ako ng boss namin kasi may parte ng presentation na ako ang naghead” tuloy-tuloy na sinabi ni Baekhyun pero hindi pa rin tumitingin sa kaharap na kasintahan.
Tumango nalang si Chanyeol. Bago ito sa paningin niya at hindi niya alam kung paano magagawang pagsalitain ang nobyo kaya wala siyang nagawa kung hindi pumayag.
Gustong-gusto silipin ni Chanyeol ang mga mata ng minamahal, para makita kung takot ba o lungkot at nararamdaman nito. Na kahit bago man lang ito umalis ng Pilipinas ay makahinga ng maayos si Chanyeol, umaasang pagbalik galing ibang bansa ay okay na ulit ito.
“Pwede ko ba malaman kung gaano kayo katagal doon?” Maingat niyang tinanong.
“One week conference, pero baka mag extend kami ng tatlong araw, mag-iikot, shopping, kaya kulang-kulang sampung araw.” Mukang napagplanuhan na talaga ni Baekhyun at Kyungsoo lahat.
Humingang malamin si Chanyeol at nagtanong na “Gusto mo ba akong sumama sa inyo ni Kyungsoo?” Hindi naman siya clingy na tao, pero nagulat nalang din siyang bigla niya itong nasabi out loud.
“Chan” nagbuntong hininga si Baekhyun at binaba ang hawak na kubyertos.
Chan? Kailan pa akon huling tinawag na Chan? Nung bagong magkakilala kami sa Pagudpud.
2020
Walang ibang tawagan ang dalawa. Minsan isang gabi tinatawag ni Baekhyun si Chanyeol ng iba’t ibang matatamis na pagkain at pinagtatawanan lang siya ng nobyo. “Ay hindi bagay. Uh, search ako ng translation ng love sa ibang language kaya?”
Nakahiga sa sofa si Baekhyun habang ang mas nakakatangkad naman ay naghuhugas ng plato. Busy maghanap ng mga salita online ang binata at nakataas pa nga ang paa sa sandalan ng upuan. Nang matapos magligpit sa kusina, tumabi si Chanyeol sa sofa at binuhat ang nobyo para nakaupo ito sa kanyang kandungan. Hinawakan niya ang pisngi at tinanggal ang hawak na cellphone. Tignan mo ako, Baekhyun. Kahit di magsalita ni Chanyeol, alam na agad ni Baekhyun at wala itong nagawa kung hindi ay ngumuso.
“Naghahanap kasi ako ng magandang term of endearment ko sayo, pero so far, walang bagay e.”
“Ouch” umarte ng nasaktan ito at humawak pa sa dibdib. Kinuha ni Chanyeol ang dalawang braso ni Baekhyun at pinulupot ito sa kanyang tagiliran, habang siya ay siniksik ang ulo sa gilid ng leeg nito.
“Ayaw mo bang sweet tayo?” Inosenteng tanong ni Baekhyun.
“Sweet naman tayo ah, kahit wala tayong term of endearment. And besides, pinakamagandang itatawag sa’yo ang pangalan mo. Baekhyun is enough for me. But if you find something you want to call me, hindi kita pipigilan. Pero sa akin, ikaw lang sapat na. Baekhyun, my Baekhyun.”
2021
“Basta tawagan mo lang ako kung gusto mo akong sumunod a? O kung magpapasundo ka na pauwi Basta update mo lang ako, di kita iistorbohin sa trabaho at bakasyon niyong magkaibigan.” Bilin ni Chanyeol kay Baekhyun bago ito magmaneho papuntang opisina. Ayaw man niyang mauna umalis, pero may importante kasi siyang meeting ngayong umaga. Hindi naniniwala sa mga sabi-sabi pero parang kinukutuban siyang may hindi magandang mangyayari.
“Sir, nung nalaman po ng next meeting niyo na nagextend yung unang meeting, sila na mismo nagpareschedule for next week. Pwede na po kayong mag early out kasi buong linggo na po kayong nag OT.” Agad na tumayo si Chanyeol at ikinatuwa ang sinabi ng assistant. Paano ba naman kasi, kahit pumasok siya ngayon, yung utak niya (at puso) sumama na sa Hong Kong.
Wala pang alas tres ay nakarating na sa bahay si Chanyeol. Sa lahat ng araw na hindi traffic ngayon pa, kung kailangan wala si Baekhyun at uuwi siya sa isang malamig at tahimik na bahay. Kahit malinaw naman ang pagpapaalam nito, may katiting na pag-asang nagpasya ito na hindi na lang tumuloy.
Pagbukas ng pinto ay agad niyang nasilayan ang sinag ng araw sa kanilang condo. L-shape kasi ito at puno ng malalaking bintana. Binaba niya ang kanyang dala at tinanggal ang coat sa sabitan na nasa tabi ng pintuan. Naglakad siya papunta sa may sala at sinilip ang katabing kwarto, pero wala si Baekhyun doon. Ayaw man niyang sumama ang kanyang loob, hindi niya ito mapigilan dahil gusto lang naman niya damayan ang kasintahan kung ano man ang pinagdaanan nito.
Humiga si Chanyeol sa sofa at tumingin sa kisame, baka sakali mahanap niya doon ang sagot sa kanina pa niyang tanong. Sa sobrang pag-iisip ay nakaidlip siya. Nagising siya sa tunog ng kanyang cellphone, si Jongin, ang kasintahan ni Kyungsoo.
“Oh doc! Napatawag ka!” Malokong pagsagot ng pungay-pungay pang binata. Syempre kahit masakit ang dinadala, di naman ito nahahalata sa boses hindi ba? Ayaw din niya pag-alalahin si Jongin dahil di naman sila kasing close ni Baekhyun at Kyungsoo.
“Mr. President! Ayain sana kita kumain sa labas e.”
“Ay sorry, taken na ako, di na ako nakikipagdate e.” Nakuha pa talaga niyang makipagbiruan kahit kaunting galaw kumikirot ang puso niya.
“Single tayo ngayon! Dali na, libre ko, ayaw ko lang na umuwi pa sa bahay, mamimiss ko ang ‘Soo baby ko e!” Hala nagmaktol na parang bata. Kahit mukang model itong doctor na ito nag-iiba talaga kapag ang nobyo ang usapan.
Pumayag agad si Chanyeol dahil siya rin naman, nalulungkot, namimiss si Baekhyun kaya minabuti niyang umalis na agad at kitain si Jongin.
Nakarating siya sa isang roofdeck bar sa BGC, wala masyadong tao kaya nakita agad niya kung saan nakapwesto ang doctor.
“Doc” sabay tapik sa likod nito.
“Uy Chanyeol! Salamat dumating ka. Alam kong ilang beses pa lang tayo nakakapag-usap na tayo lang, pero ikaw lang kasi naisip kong ayain ngayon e. Sensya ka na ha?” Hawak ang baso sa kaliwang kamay at nasa batok ang kaliwa, mistulang nahihiya.
“Ano ka ba Jongin, mag best friends ang mapapangasawa natin, eventually, we’ll be family too. I’m glad you invited me din. Kung hindi sabay tayong nangungulila sa pagkamiss sa mga bahay natin.”
“So magpo-propose ka na???” Napatayo si Jongin at, oo, agaw pansin kasi napatingin ang mga taong nasa bar. Kung alam lang nilang respetadong doktor at nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking ospital sa Maynila ang eskandalosong binatang to.
“Yun ang nakuha mo sa sinabi ko?” Napailing nalang ang Mr. CEO ng Quezon City. “Wala naman akong ibang gusto makasama pa. So to answer your question, no, I’m not proposing. Not yet. But definitely, he’s the one” sabay lagok ng inabot na inumin ng bartender.
“‘Di pwedeng sukob ha! Kami muna! Planado na lahat. So next year nalang kayo” nakanguso pa, akala mo naman aagawan talaga.
Malalim na ang gabi, halos mag-alas dos na ng madaling araw at nakarami na rin ang dalawa. Kahit ngayon lang nakapagbonding ang dalawa ay bumawi naman sila sa ngayong gabi. Sa gitna ng lokohan, nabuo na rin ang usapang sila ang best man sa kani-kanilang mga kasal.
Papasakay na sa kani-kanilang kotse (with driver wag kayo mag-alala), akala ni Chanyeol ay simpleng pagpapaalam lang ang isinigaw ng kaibigan, pero ng mahimasmasan pauwi, naalala niyang ang sinigaw pala nito ay “Next time tayo naman ang mag Dubai!”
Sinong nasa Dubai? Lasing na talaga silang dalawa.
Doon sa inumang yun din nalaman ni Chanyeol na tatlong araw lang pala ang conference at uuwi na sila Kyungsoo sa linggo. Plano niyang sorpresahin ang mga ito sa airport, di niya alam na siya pala ang maso-sorpresa dahil walang Baekhyun na lumabas kasama si Kyungsoo.
Gulat si Kyungsoo dahil hindi naman niya isipin na hindi sasabihin ng best friend ang katotohanan sa kanyang nobyo.
“Chanyeol, sorry, hindi ko kasama si Baek. Sabay kami pumuntang airport pero magkaiba kami ng pinuntahan. Hindi ko alam kung dapat ko ba sabihin ito, pero nasa Dubai siya. Baka dapat tawagan mo nalang siya para mapag-usapan niyo ‘to?” Maingat na bigkas nito.
Dagdag ni Jongin na “for sure he has a good reason why he’s there and why he left you out of it”, sabay akbay sa naguguluhang kaibigan.
Sa ilang buwang pagsasama nila Chanyeol at Baekhyun ay hindi minsan nakwento ni Baekhyun ang kanyang nakaraan. Nirespeto ni Kyungsoo at Jongin ito dahil nakita nila kung paano nagluksa ng napakatagal ang binata.
Ayaw niyang umiyak dito. Kaya nagpaalam na siya sa magnobyo at sinabing may lunch sila sa bahay ng magulang niya. Pero pagkasakay pa lang sa kotse, di na niya napigilan umiyak.
May iba na ba si Baekhyun?
Hindi na ba niya ako mahal?
Sumama na ba siya sa iba?
Bakit kailangan niyang itago?
Sana inamin na lang niya ng harapan para hindi ko nalaman ng ganto?
Hindi totoong may lunch sila, at ang bahay ng magulang niya siguro ang huling lugar kung saan niya gusto pumunta ngayon.
Si Chanyeol ay ang kaisa-isang anak ng nagmamay-ari ng sikat na mall chains sa Pilipinas. Nagsimula sa wala ang mga ito at dahil sa sipag at tiyaga, kasama na sila sa Forbes richest people in the world. Sa sobrang pagkasubsob sa trabaho ay hindi nila agad namalayang mababalewala ang lahat ng kanilang pinaghirapan kung walang magmamana ng kanilang pinaghirapan. Mag 40 na rin sila at ang naisip na mabilis na solusyon ay mag-ampon.
Tatlong taon si Chanyeol nang salubungin siya bilang bagong parte ng pamilya park. Sabi ng mga madre sa bahay ampunan ay natagpuan nalang nila ang sanggol na si Chanyeol sa labas ng kanilang pintuan at buong puso nila itong kinupkop. Tahimik ang bata, may sariling mundo, sabi nga ng mas matatandang mga bata sa ampunan. Masaya na siya na may papel at pangkulay.
Dahil hilig ni Mrs. Park sa sining, agad niyang napansin ang batang Chanyeol na tahimik na nagkukulay sa isang gilid imbis na makipila sa ibang mga bata para batiin ang mga bisita. Gusto din naman ni Mr. Park ng lalaki, para paniguradong siya ang magmamana ng kanyang kompanya.
Mabilis ang naging proseso sa pag ampon kay Chanyeol, iba nga naman talaga ang nagagawa ng pera. Kahit hindi siya humiling ay nakukuha niya ang kahit anong gusto niya. Ngunit sa pagdaan ng panahon, nalaman niyang mas gugustuhin niya makaramdam ng pagmamahal at aruga mula sa magulang kesa sa kahit anong materyal na bagay sa mundo.
Kahit gaano katalino, sinubukan na rin niyang magrebelede, pero ni minsan hindi siya binigyang pansin ng kanyang magulang. Kaya nang nalaman niyang may posibilidad siyang makapag-aral sa Amerika na may scholarship ay di siya nag atubiling ituloy ito. Nagulat na lang ang kanyang magulang na wala na siya sa kanilang bahay at nasa kabilang dako na ng mundo.
Kung hindi rin lang naman ako mamahalin ng magulang ko, magsisimula na lang ako muli dito.
Nagsumikap siya at nakakuha agad ng magandang trabaho. Tinuloy niya rin ang kanyang Masters at masaya sa tahimik niyang buhay sa Amerika.
Hindi niya alam kung paano magmahal dahil hindi niya ito naranasan mula sa kanyang pamilya. Kaya kahit nasa 30s na siya, wala siyang nakadate na higit sa dalawang beses.
Saan siya makakahanap ng taong kaya siyang mahalin at matiyagang tuturuan siya magmahal?
Nang nakilala niya si Baekhyun hindi dumapo sa isip niyang magkakatuluyan sila. Magaan ang loob niya dito nang una niya itong nakita sa Ilocos kaya siya agad ang nilapitan. Hindi niya namalayan na ang paminsan-minsang meetup para makipagkwentuhan ang magiging simula ng kanilang pagmamabutihan.
Taliwas sa totoong katauhan ni Baekhyun ang unang nakilala ni Chanyeol. Akala pa niya’y masungit ito nung una, yun pala sobrang maalagain. Mahilig siya nito ipagluto ng pagkain, dinadala pa personal sa kanyang opisina kahit isang oras ang biyahe galing sa kanyang pinagtatrabahuhan.
Buong pusong tinanggap ni Chanyeol lahat ng uri ng pagmamahal na kayang ibigay ng kasintahan. Walang siyang narinig na reklamo mula dito kahit alam niyang hindi siya ang best na tao para sa kanya. Tuwing gabi pinagdarasal niyang wag siyang iwan ni Baekhyun dahil siya na ang sagot sa lahat ng kanyang dasal noon pa man.
Ang makahanap ng taong magmamahal sa kanya sa kabila ng kanyang mga pagkukulang.
Umuulan ng nakarating siya sa kanilang bahay. Nakiramay na ang langit sa di maintindihang nararamdaman ni Chanyeol. Pagbukas ng pinto ay nagulat siya na may bintana pala siyang hindi naisara bago umalis kanina. Excited kasi siyang manundo sa airport kaya siguro nawala ito sa isip niya. Pagkatapos maisara, nagmamadali siyang pumunta sa maliit na kabinet katabi ng pintuan para kunin ang mop. Sa pagmamadali ay natamaan niya ang lalagyan at may nahulog na kahon.
Pagbukas ay doon niya nakita ang mga litrato ni Baekhyun na kasama ang isang lalaki. Hindi mapagkakaila na sa bawat kuha ay alam na malalim ang pagtingin nila sa isa’t isa. Nakita din niya ang mga petsa sa litrato na halos siyam na taon na ang lumipas. Medyo sumama ang pakiramdam ni Chanyeol, hindi dahil naulanan siya sa labas kung hindi dahil malaki ang pagkakahawig ng lalaking matangkad sa litrato sa kanya. Kung hindi kita ang muka, ang porma at pati na rin ang mga kuhang pagyayakapan ng dalawa ang parang si Chanyeol at Baekhyun din.
May isang nakatiklop na papel ang binuklat ng binata at nagulat siyang April 6, 2021 ang nakalagay dito, ang araw na naabutan niyang umiiyak si Baekhyun sa banyo.
You are sensible and so incredible
And all my single friends are jealous
You say everything I need to hear
And it's like I couldn't ask for anything better
You open up my door and I get into your car
And you say "You look beautiful tonight"
And I feel perfectly fine
You respect my space and never make me wait
And you call exactly when you say you will
You’re close to my mother, talk business with my father
You’re charming and endearing and I'm comfortable
And you were wild and crazy
Just so frustrating, intoxicating, complicated
But I miss screaming and fighting and kissing in the rain
And it's 2:00 a.m. and I'm cursing your name
So in love that you act insane
And that's the way I loved you
Breakin' down and coming undone
It's a roller coaster kinda rush
And I never knew I could feel that much
And that's the way I loved you
But you can't see the smile I'm faking
And my heart's not breaking
'Cause I'm not feeling anything at all
Nabasa ang papel ng luha ng binata. Hindi niya maintindihan. Nagising na lang ba nung araw na yun si Baekhyun at hindi na siya mahal? Na wala na siyang nararamdaman kaya siya umalis? Naplano na ba niyang mahahanap ni Chanyeol ang kahon at mababasa ang sulat na ito?
Ngayon lang siya umiyak ng ganto, nararamdam mo na tila nababali ang mga buto sa dibdib, sa katawan, lahat masakit at siya’y nanghihina.
Nakatulog si Chanyeol na nakahandusay sa may pintuan, hawak-hawak ang papel na isinulat ni Baekhyun.
Pagkagising at ng mahimasmasan, naisip niyang hindi basta-basta dumadating ang isang taong tulad ni Baekhyun sa buhay niya. Naranasan na niyang makakuha ng payak sa walang pagmamahal, at ayaw na niyang bumalik muli sa dati. Sa ilang buwan niyang kasama ang nobyo, wala na siyang ibang hihilingin pa. Kaya’t napagdesisyunan niyang magpapatay malisya na lang siya. Na siya naman ang unang lumapit, unang nagkagusto, unang sumubok, at unang nagmahal. At pipilitin niyang magbigay ng sapat na pagmamahal para sa relasyon nilang dalawa. Kung hindi kaya suklian ni Baekhyun, hindi siya magrereklamo, basta’t di lang siya iwan dahil hindi niya kakayanin.
Habang kumakain ng almusal, naisip niyang ang huling kain nilang magkasama noong isang linggo might be the last. Natatakot siyang baka hindi na talaga umuwi si Baekhyun sa kanya.
Balik trabaho, pero ang isip ay puno ng mga nakita niya sa loob ng kahon.
Ang tawang Pich: kaya ba siya naghahanap ng tatawagin sa akin? Kaya din ba siya mahilig sa Pichi-Pichi?
Ang pag-akap: unang napansin ni Chanyeol na mas gusto ni Baekhyun na siya ang umaakap sa likod niya, at masaya naman niyang hahawakan ang mga kamay na nakabilog sa kanyang baywang.
Ang paboritong restaurant ni Baekhyun: sa dami ng litrato, karamihan doon ay kuha sa kainang yon. Hanggang ngayon, kapag gusto lumabas para kumain ay doon pa rin siya pupunta kasama si Chanyeol.
Ang tatak ng damit na suot ng lalaki sa litrato: Lacoste. Di naman mapili si Chanyeol dahil kahit anong komportable ay susuotin niya, pero nang naging sila ni Baekhyun ay unti-unti siya nitong nireregaluhan ng mga polo mula dito.
Di tuloy lubos maisip ni Chanyeol na baka panakip-butas lang siya ni Baekhyun, at nang nagkapagkakataong balikan ang dating nobyo ay dali-dali itong lumisan.
Gaya ng magulang ko, inampon ako dahil kailangan nila ng tagapagmana, minahal ba ako ni Baekhyun dahil nakita niya ang nakaraan niya sa akin at hindi pa niya kayang bitawan?
Bakit lagi nalang akong kailangan magpuno ng isang pagkukulang? Hindi ba pwedeng kailanganin nila ako bilang ako?
Baekhyun, minahal mo ba ako?
Nakauwi na si Baekhyun mula sa Dubai na magaang ang nararamdaman, kabaligtaran ng giyerang pinagdadaanan ni Chanyeol sa kasalukuyan. Biglaan ang pag-alis ni Baekhyun papuntang Dubai dahil ilang araw bago ang kamatayan ni Sehun ay nakatanggap siya ng email galing sa kapatid nito, iniimbita siya para mas makilala ang kapatid, mula sa mga kwento ni Baekhyun. Dahil si Sehun lang ang naiwan sa Pilipinas, kahit gaano kadalas ang usapan nila sa telepono ay iba paring ang pagkakakilala ng isang taong nakasama at minahal niya ng walong taon. Hindi akalain ni Baekhyun na ang pagkita sa pamilya ni Sehun ang magiging huling hakbang para tuluyan siyang magpaalam sa yugtong yun ng kanyang buhay.
Walang masamang kutob si Baekhyun nang hindi siya nakatanggap ng mga mensahe galing kay Chanyeol. Si Chanyeol kasi ang taong rumerespeto sa oras nilang dalawa. Na kahit magkarelasyon, binibigyan niya ng space si Baekhyun na gawin ang gusto nitong gawin. Clingy sila sa isa’t isa pero hindi sa lahat ng oras. Na kahit ngayon, alam niyang pinagkakatiwalaan siya nito kaya di na masyado nagulit tungkol sa pag Hong Kong niya kuno kasama si Kyungsoo.
Isa sa natutunan ni Chanyeol sa pagkakaroon ng relasyon ay matutong umunawa at magtiwala. Madali siyang makaramdam kapag kailangan ng oras ng kanyang nobyo, at nagpapasalamat si Baekhyun dito. Isa ito sa mga bagay na nagustuhan niya ng lubos sa nobyo.
Halos mag-11 na ng gabi at inaasahan niyang nasa sofa ang kasintahan, bukas ang TV habang inaantay siyang makauwi. Sinilip niya ang kama, at wala pa rin ang mahal niya. Naglinis siya at minabuting antayin nalang sa kama ang nobyo, pero nakatulog na siya’t lahat, hindi pa rin ito dumadating.
Ilang araw din wala sa sarili si Chanyeol at napansin ito ng kanyang sekretarya. Nang punahin ay natauhan ang binata at minabuting mag overtime nalang gabi-gabi para makahabol sa trabaho at matanggal ang isip sa realidad na kanyang haharapin tuwing umuuwi sa kanilang bahay.
Hindi niya namalayang sampung araw na ang lumipas at mainit na ang kama dahil sa wakas, nandito na muli ang mahal niya.
Pagkahiga ni Chanyeol ay humarap ito sa pader, hindi pa yata niya kaya tignan si Baekhyun at baka maiyak nalang siya. Naramdaman na lang niya bigla na may umakap na sa kanya mula likod at may humalik sa kanyang batok. Mahigpit ang yakap kaya di na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha.
Nagising si Baekhyun sa mga kaluskos ni Chanyeol. Miss na miss na niya ito ang hindi na siya makaantay na akapin at hagkan ito muli. Pero halos mahulog naman ang puso niya nang paghiga sa kama ay nakatalikod ito. Sanay naman ito matulog ng nakatagilid para mas madaling makayakap at makasiksik sa may leeg niya si Baekhyun. Inantay niyang humarap ito sa kanya pero malalim na ata talaga ang tulog, baka nag OT na naman at sobrang pagod sa trabaho. Kaya't kahit ayaw niya, hinigpitan nalang ni Baekhyun ang yakap at pinangakong babawi sa sampung araw na wala siya.
Sabado ngayon at pareho silang walang trabaho. Nang pumayag si Baekhyun na mag-isang bahay nalang sila, sinabi niyang bawal magtrabaho pag weekends, dahil para sa kanilang dalawa ang mga araw na iyon. Nakangiti siyang dumilat dahil alam niyang kung ano man ang nangyari kahapon, naisantabi na yon ng maunawain niyang nobyo. Wala ito sa sala at mukhang hindi naman ito nagluluto ng almusal. Ah, baka nagjogging. Laking gulat nalang ni Baekhyun nang pag lakad niya papunta sa kusina ay nakasalubong niya ang nakapangbihis trabaho na si Chanyeol.
"Anong meron? Mali ka ba ng tingin? Sabado ngayon Chanyeol" natatawa pa niyang sinabi. Nagsuot na ng relos ang president ng Park Corp. at inayos ang necktie bago ito humalik sa noo ni Baekhyun.
Habang sinusuot ang sapatos, sinabi ni Chanyeol na "Yup, Saturday, and we have an emergency meeting. Baka gusto ni Kyungsoo manood ng movie? Or magshopping? Don't wait up for me, mukhang matatagalan bago maayos ang isyu sa office." Wala man lang pagkakataon para makapagsalita, naiwan nang mag-isa si Baekhyun sa bahay nila.
Sandali, bakit parang namumugto ang mata ni Chanyeol? Anong nangyari sa kumpanya at mukhang matatagalan maayos ang problema?
Ang hindi alam ni Baekhyun ay kasinungalingan lang ang pag-alis ng bahay ng kasintahan. Nagising si Chanyeol kalagitnaan ng gabi at para siyang hindi makahinga ng nakita niyang akap siya nito.
Tinawagan agad ni Baekhyun si Kyungsoo para kamustahin at makibalita. Pinagbilin niya kasi si Chanyeol sa magnobyo na tignan tignan at ayain ni Jongin paminsan umalis dahil nga wala naman ito masyadong kaibigan bukod sa kanila. Doon binasag ni Kyungsoo ang balitang alam na ni Chanyeol na hindi siya kasama sa Hong Kong at sa Dubai talaga ito pumunta. Natakot si Baekhyun dahil kapag may hindi pagkakaintindihan, pinag uusapan nila agad, pero ilang araw na nang malaman ni Chanyeol ang katotohanan at ni minsan hindi siya nito tinawagan o tinanong man lang?
Agad siyang pumunta sa kompanya at nang nakitang wala si Chanyeol doon ay mas lalo na siyang kinabahan. Nakatanggap siya ng mensahe galing kay Jongin na magkasama daw sila ngayon sa Tagaytay, silang dalawa lang dahil nag-aya mag roadtrip na naka office attire ang kaibigan.
“Pag nagtanong ‘to, pwede ba ako magkwento?” Tanong ni Jongin.
“Kwento mo si Sehun, kung sino siya sa buhay mo, pero yung tungkol sa amin, ako nalang ang magkukwento mamaya pag-uwi niyo” sagot ni Baekhyun.
Si Chanyeol ang nagmamaneho at tahimik sa loob ng kotse. Ngayong may permiso na si Jongin mula kay Baekhyun ay handa na siyang ipakilala ang bestfriend niya sa bagong kaibigan. Nagaantay lang siyang mauna si Chanyeol.
Nasa may Cavite na sila nang abutan ng traffic, mabagal na ang usad ng mga kotse kaya nakuha nang magsalita ni Chanyeol. Simple lang naman ang tanong niya, pero hindi sapat ang isang araw para ipakilala ang tao at ang payak na buhay nito.
“Sino si Pich?”
“Sehun, Sehun Oh ang pangalan niya. Bully yun nung Grade 3 kami tinusok ako ng pencil sa binti” natatawang pagkwento ni Jongin.
Lumaki ang mata ni Chanyeol sa pagkagulat, hala nanakit ng tao ang gusto ni Baekhyun?
“Oy relaks, bago ka mag-isip ng masama, dun lang kami nagkakilala. Umiyak ako malakas. Kala niya kasi ako yung nanakit sa kapatid niya, gumanti lang din pala pero di siya ganung tao. Simula nun kami na lagi magkasama, hanggang high school nung parehas kaming nagtaka bakit wala kaming prom date, tapos nung bakasyon nagkaaminan kaming lalaki kasi ang gusto naming dalawa.
Lumipad ng Dubai yung mga kapatid niya kasi doon OFW magulang niya. Susunod siya dapat pagkagraduate, kaso nakilala niya si Baekhyun. Ayun, sapat na rason para magstay diba?
Hanggang sa naging doktor na ako, at napapadalas ang tanong niya tungkol sa iba’t ibang sakit sa katawan. Pinilit kong magpacheckup ayaw kasi daw baka malaman ni Baekhyun. Isipin mo, iniinda na nga ang sakit ng katawan, jowa pa rin ang iniisip?”
Hindi naman gusto matawa ni Chanyeol pero ang saya kasi magkwento ni Jongin.
“Isang araw, hindi na niya kinaya, natawagan niya ako pero nawalan na siya ng malay kaya dali-dali akong pinuntahan siya sa bahay. Pinacheck ko na agad, at doon nalamang may cancer siya. Tinago niya kay Baekhyun, tapos nung kailan handa na siyang sabihing ang totoo, wala na, times up na sabi ni Lord.”
Tinignan ni Chanyeol ang katabi at nakita niya na kahit nakangiti ay nagpipigil ito ng luha.
“Diba nasa Dubai ang pamilya niya? Nung nalamang wala na si Sehun, umuwi ang mga kapatid, pinacremate at dinala na rin sa Dubai ang mga abo niya. Hindi man lang nakapagluksa si Baekhyun ng maayos.
Alam kong maraming tanong ang gumugulo sa isipan mo, pero sana, pakinggan mo si Baekhyun. Ang akin lang, bilang kaibigan, nakita ko kung paano silang dalawa naghirap. Na kahit gaano nila kamahal ang isa’t isa, hindi sila pinagpala kasi nagkasakit si Sehun. Na habang namimilipit sa sakit si Sehun, mas inisip niyang wag pagalalahin si Baekhyun, pero dahil dun, dahil tinago niya, hindi niya nasabi lahat ng gusto niyang sabihin.”
“Pero paano naman ako? Ano ba ako kay Baekhyun? Paano tayo makakasigurado na he isn’t living in the past? Hindi ko alam Jongin.”
“Si Baekhyun… nagmahal lang ng lubos si Baekhyun. Pero Chanyeol, it was almost 5 years ago. There will always be some of that love for Sehun left in him, hindi yun mawawala. Pero wag mo sana isiping kakompitensya mo si Sehun, dahil minahal kayo ni Baekhyun sa magkaibang panahon sa buhay niya”.
Ayaw pang umuwi ni Chanyeol, pero biglang tinawagan sa ospital si Jongin at kailangan ito bumalik agad. Pagkadating sa kanila ay nakita niyang nakaupo sa may hagdan sa labas ang kasintahan. Unang inisip niya, malamok. Bawal papakin ng lamok ang mahal ko. Kaya ang nasabi niya ay “tayo diyan, bakit ka nakaupo diyan?” Napataas ang boses niya sa pag-aalala na inakala ni Baekhyun ay tonong galit kaya bigla itong humagulgol.
Hawak ang harap ng polo ni Chanyeol, lumuhod si Baekhyun, umiiyak habang binibigkas ang “Sorry nagsinungaling ako, sorry hindi ko siya nakwento sa’yo, sorry kasi umalis ako ng walang pasabi. Nagsisisi ako, hindi ko alam ang gagawin ko kung sa akin mo gawin yun.”
Nagulat ang nakatatangkad sa biglang pagmakaawa ng nobyo, kaya agad itong umupo kaharap nito. Kinuha ang panyo sa bulsa at pinahirap ang mga luha. Pinigilan naman siya nito at hinawakan ni Baekhyun ang mga kamay na kanina lang ay nagpupunas ng kanyang luha.
“Hindi ko alam kung saan maguumpisa, pero handa akong sagutin lahat ng tanong mo. Pag-usapan natin to Chanyeol, parang-awa.”
Sa loob ng dalawang linggo, dalawang beses niya na narinig at nakitang umiiyak ang taong mahal niya. Naalala niya ang kwento ni Sehun, na mas titiisin ang sakit kesa makitang malungkot o nasasaktan si Baekhyun.
Wala paring tigil ang iyak kaya binuhat niya ito papasok ng kanilang bahay. Yumakap naman ng sobrang higpit ang binata at hindi bumitaw hanggang nailapag na siya sa sofa. Magkaharap silang nakaupo ngayon, parehas nang mas kalmado pero walang gustong magsimula.
Unti-unting hinawakan ni Baekhyun ang mga kamay ng kasintahan at hinawakan ng mahigpit, nagsasabing andito lang ako, hindi ako lalayo.
Humingang malamin si Chanyeol at nagsimulang magtanong “Baekhyun, minahal mo ba ako, kasi nakita mo sa akin si Sehun?”
Nanlaki ang mata ni Baekhyun at agad na paulit-ulit na umiiling.
“Pakiramdam ko, dahil hindi ko inalam ang nakaraan mo, you just continued your life with Sehun’s memories but with me. How would that make me feel diba?
I’m really so confused now. Pag tinitignan mo ba ako, you see me, Chanyeol Park? O tumitibok ba yang puso mo kasi naaalala mo si Sehun Oh sa akin?
Kahit kaunti minahal mo ba ako bilang ako? O pinunan ko lang ang pagkawala nya sa buhay mo?
Ang dami-dami kong tanong Baekhyun, pero mas naguguluhan lang ako the more I think of it. I need to sort things out first, breathe, and we’ll see where it takes us.”
Palabas na ng bahay si Chanyeol ng harangan ni Baekhyun ang pintuan. “Yung box, nakita mo diba? Dadalin ko dapat siya sa Dubai pero naiwan ko. May nakita kang papel diba? Para sa kanya yun. I loved him so much, too much. He was my great love. But when I wrote it, I was saying goodbye to him. Kasi alam kong wala na akong hahanapin pang iba, dahil sapat ka na.
Take all the time you need, but I’ll be right here when you come back.”
Sumugal si Baekhyung nung gabing iyon. Hinayaan niyang umalis ang taong mahal niya na walang kasiguraduhan kung babalik o hindi.
Kung may isang bagay na magkakaparehas sina Chanyeol at Baekhyun, ito ay ang magmahal ng walang hinihinging kapalit. Kahit masakit, mas gugustuhin nilang masaya ang taong mahal, kahit hindi na sila ang piliin nito.
Nasa airport lounge si Chanyeol, sa wakas, napayagan din siyang makabalik ng Amerika ng kanyang magulang. Busy siyang nagrereply sa mga email ng may tumabi sa kanya. Hindi niya ito una pinansin dahil nasa kalagitnaan siya ng mahabang email pero bigla na lang ito humirit ng “Mr. Park, hindi porket hindi ikaw yung great love, at sinundan mo siya, panakip butas ka. Oo, nakita kong pinilit kang gawing si Sehun ni Baekhyun pero sa umpisa lang yun, nawalan siya ng rason para ipagpatuloy dahil nakita niya na higit pa sa hinihiling niya ang binibigay mo. You found him when he was letting go. Hindi to parang band aid na isang araw hilom na kaya tatanggalin mo nalang. It's a process.
Chanyeol, you were never the rebound. You let him love you and that’s all he wanted. Hindi niya naalagaan si Sehun at isinisi niya yung sa sarili niya. Hindi naman niya kasalanang may sakit at namatay ang nobyo niya diba? Tao lang din naman ang bestfriend ko, nagkakamali din. Minahal ka niya, hinayaan mo siyang mahalin ka, at doon pa lang ibang iba ka na kay Sehun.
Before he came back from Dubai, he called me and said that finally naletgo na niya. Fully. He was even proud to tell Sehun’s family about you. Na mahal ka niya at maswerte siyang pagkatapos ng lahat, bibiyayaan pa rin siya ng isang tulad mo. I can't believe I’m the one saying this. Pero kasi, in case hindi mo pa nakukuha, he’s ready for you now, buong-buo, and he loves you, not anyone else.”
Tumayo si Kyungsoo at lumapit sa isa pang lamesa kung nasaan naghihintay si Baekhyun. Bago pa man din makatayo ang binata ay nagmadali nang lumapit si Chanyeol at tinabihan lang ang kasintahan. Parang dalawang batang nag-away na nagkakapaan, magkatabi silang hindi makapagtingingan.
Pabuka na ng bibig si Chanyeol nang unahan siya ni Baekhyun ng “IMSORRYISHOULDHAVETOLDYOUABOUTHIM” na kinangiti naman ng nakatatangkad.
“Di naman ako galit. Gulat, naguluhan, medyo nasaktan, pero hindi galit, never magagalit. I’m just…. Wow… he had so much of you. 8 years and ako?” Sarcastically natatawa siya pero alam mong may kirot pa rin sa boses.
“Oo, 8 years minahal ko siya, pero know that I think about it, he loved me too pero it wasn’t the same. Parehas kaming handang magmahal sa paraang alam namin but it was not the perfect love. Tinago niya yung sakit niya sa akin, kaya ramdam ko palaging may malaking handlang para mas mahalin ko siya. Para siyang multo na gusto kong hawakan pero hindi ko magawa. Hindi ko siya kayang mahalin sa paraang gusto ko.”
Natawa ng malakas si Chanyeol “talagang hinambing mo siya sa multo ano?” Nanlaki naman ang mata ni Baekhyun at nahiya sa sinabi. Namula ang mga pisngi at sa sobrang pagkatuwa ni Chanyeol ay niyakap niya ito ng mahigpit.
Magiliw na sinsik ni Baekhyun ang kanyang ulo sa may leeg ng kasintahan at dinagdag ang “It was a looooooooooong unfinished business, but now its over. That chapter is done. And I'm really sorry.”
Narinig na naman ni Chanyeol ang paguumanhin ng mahal kaya hinawalan nya ito sa balikat at pilit na pinaharap sa kanya. “Sabi naman sa’yo na hindi nga ako galit kaya tama na kakasorry.”
Tumango si Baekhyun.
“Eh ano nalang?”
“Mahal mo ba ako, bilang ako?”
“Mahal kita, ikaw at ikaw lang, Chanyeol.”
~WAKAS~
