Work Text:
Madilim ang paligid at tanging ilaw lang na nagmumula sa munting lampara ang nagbibigay liwanag sa kwarto. Isabay mo pa ang mahinang tugtog ng radyo at mga hikbi na maririnig mo kahit na malayo.
Naputol ang pagmumuni-muni ng binata habang nakatingin sa bintana nang bumukas ang pintuan niya.
"Pinapasok na ako ni tita, sabi niya andito ka lang naman daw." rinig niya ang malambing na boses sa hindi kalayuan ngunit hindi pa rin niya magawang lingunin ‘to. Nakatalukbong pa rin ang hoodie niya para takpan ang namumugtong mata niya at namamayat na itsura.
Ramdam niyang lumalapit ang presensya ng boses sa kanya, parang unti-unti siyang hinehele sa bawat yapak nito papalapit sa kanya. "Hindi ako pumunta dito para sermunan ka ha." wika nito bago niya maramdaman ang presensya sa tabi ng kama niya.
"Alam ko kasi ayaw mo rin ng ganun." dagdag pa nito habang dahan-dahang minamasahe ang binti nito. "Syempre, bestfriends tayo eh." sagot naman niya sa presensya na ‘yon.
"Haha, tayo ka nga diyan." mahinang bulong ng presensya upang hindi gaanong mabigla ang kasama nito. Agad namang tumayo ang kaibigan niya mula sa pagkakahiga nito sa kama at umupo sa gilid, sa tapat nito. Hindi rin naman alam ng binata na may dala-dala pala ang kausap nito kaya nagulat ito nang makita niya ang malaking kahon na hawak hawak nito.
"Nasayo pala yan?" gulat na wika nito habang pinagmamasdan ang malaking box sa harapan niya. "Oo, diba pinatago mo sa'kin kasi baka galawin ng girlfriend mo. Naisip ko kasing ngayong wala na kayo, pwede ko na ibalik ‘to sayo.” sagot naman nang presensiya sa kanya.
Sa sobrang sabik ng binata ay binuksan na niya agad ang kahon upang makita ang laman nito. "Oy gagi bakit nandyan pa 'yung pogs ko?" tumaas naman ang tono ng pananalita niya na para bang natutuwa siya sa mga nakikita niya.
"Gaga ka, malamang, promise box 'to eh." natatawang sagot sa kanya ng kaibigan niya at ibinigay na ang kahon na hawak hawak nito upang mas makita nila ang laman nito.
"Angas naman." bulong pa ulit ng binata habang hinahawakan ang mga pogs sa loob ng kahon.
"Luh, daya mo ah. Bakit apat lang nilagay mo akala ko ba hating kapatid?" pagrereklamo ng napakatinis na boses ni Ken habang nasa ilalim sila ng puno upang sumilong saglit.
"Eh kasi sampu lang pogs ko, natalo mo na ako kanina, wala na matitira sa'kin." pagdadahilan naman ni Justin na nakaupo sa tabi ni Ken habang binibilang ang mga pogs sa kamay niya. Napakamot nalang siya ng ulo niya dahil natalo na naman niya ang pogs na bagong bili ng mama niya sa kanya.
"Kahit na, duga mo. Usapan natin tig-sampu tayo." sagot naman ni Ken sa kanya at nagsimula na rin na bilangin ang laruang pogs nito.
"Wala na nga matitira sa'kin. Paano ako makakapaglaro eh natalo ko na sa'yo. Kakabili pa naman ni mama diyan." pagmamaktol pa muli ni Justin habang pinipigilan na umiyak. Sayang kasi ‘yung pogs niya pero kasalanan niya rin naman dahil natalo siya kay Ken. Gustong gusto niya rin namang maglagay sa promise box nila kaya nagaalangan siya.
"Eh, hindi naman okay yun. Ibibigay ko lahat sayo 'to tapos apat lang ilalagay mo. Tsaka, ayaw mo ba nun? Pag malaki na tayo mas madami tayong paghahatian." pagkukumbinsi ni Ken sa kanya. "Weh?" sagot nalang nito habang inaayos ang promise box nilang dalawa.
"Oo nga, edi tig sampu ulit tayo pag malaki na tayo tas pwede natin ilaban sa mga kalaro natin para dumoble." wika pa ni Ken sa kanya at itinatabi na ang mga pogs na ilalagay niya sa promise box at ipapamato mamaya pag naglaro na ulit sila.
"Sige na nga, sabi mo 'yan eh. Ilalagay ko na lahat ng pogs ko ah." pag-ayon naman ni Justin sa sinabi ni Ken. "Sige, ako rin." sagot ng nakakatanda dito at nilagay na ang mga pogs sa box na dala ni Justin.
Patuloy pa rin ang pagkakalkal nila sa mga gamit mula sa promise box, "Woah." wika ng binata habang pinagmamasdan ang mga gamit dito. “Buti hindi nabura ‘yung itsura ni goku dito, tignan mo oh. Parang bagong bago.” dagdag pa niya habang pinapakita ang mga pogs na may nakalagay na kung ano anong anime characters.
“Oo nga, bagong bili kasi ni Mama ‘yan eh, tignan mo parang hindi pa nalalaro. ‘Yan ata ‘yung natalo ko sa’yo eh.” natatawang sambit naman ng kaibigan niya habang pinagmamasdan lang siyang nawiwili sa mga gamit na nasa harapan niya.
“Hala, ‘yung manga!” litanya naman nito nang makita niya ang sandamakmak na librong nasa kahon. “Linaw ng mata mo ah.” sagot naman ng kaibigan niya sa kanya habang tinutulungan siyang buksan ang kahon.
“Favorite ko ‘to.” wika naman niya sa sarili niya habang pinagmamasdan ang librong hawak hawak niya. Madumi na ito at puro alikabok, medyo nayupi na rin ang ibang pahina nito at nalagyan ng kung ano anong marka ang cover nito pero nanatili pa rin itong paborito ni Ken.
“Oo naman, galing sa girlfriend mo ‘yan eh.” tugon naman sa kanya ni Justin, still wearing the same old smile he has a while ago.
Nagaaway na naman sila sa kwarto ni Ken. Dito kasi muna sila tumuloy pagkatapos ng klase nila upang maglaro, kwentuhan, o gumawa ng assignments. Hindi tuloy alam ni Ken na ang agenda pala nila for today ay magaway.
“Jah, ayoko nga. Bigay niya sa’kin ‘to nung monthsary namin.” sabi ni Ken habang tinatago ang libro sa paningin ni Justin na mukha tuloy nagtatampo sa kanya. “Promise box nga eh, damot mo. Ilalagay ko naman ‘yung akin eh.” wika nito sa nakakatanda as he unconsciously pouts.
“Oh, eto ha, eto ‘yung binigay mo sakin. Ilalagay ko na.” dagdag pa nito at nilagay sa loob ng box ang mga manga at libro na regalo ni Ken sa kanya.
“Ano naman kung bigay ko? Hindi ‘yan matutumbasan kung anong binigay niya. Mahalaga sa’kin ‘tong manga na ‘to.”
Well, Justin didn’t expect that. Siguro, hindi lang talaga nakikita ni Ken ang halaga nito para sa binata.
“Osige, sabi mo ‘yan eh, makikipagpromise box nalang ako sa iba.” sagot nalang ni Justin sa kanya at kinuha na ang mga libro mula sa kahon. Hindi naman alam ni Ken kung anong dapat na maramdaman niya kaya sinabihan nalang niya ng payo ang kaibigan niya.
“Highschool na tayo, wala na makikipagpromise box sa’yo, ako na nagsasabi.” sambit naman nito kay Justin habang inaayos ang mga collection niya ng mga libro at manga sa cabinet nito.
“‘Di ah, nung isang araw nagsabi si Josh, inaya pa nga niya ako eh kaso sabi ko meron na akong ka-promise box.” sagot naman ni Justin sa kanya habang nililigpit ang mga gamit niya to which Ken concluded na baka pagkatapos ng usapan nila na ‘to ay aalis na si Justin.
“Ano ‘yun? Makikipagpromise box ka sa kanya?” tanong naman ng naiintrigang Ken. Hindi naman bago sa kanya ang pangalan ni Josh dahil madalas niya itong naririnig na laging kasama ni Justin simula nung nagkaron na siya ng girlfriend. He just wonders who Josh really is in Justin’s life.
“Oo, kung tatapusin na natin ‘to.” nawala ang iniisip niya nang marinig niya ang sinabi ni Justin. Napatigil nalang siya saglit sa ginagawa niyang pagaayos ng cabinet niya, “Ah, osige..”
“Sige, paghatian na natin ‘tong pogs- Anong ginagawa mo?!”
Nagulat naman si Justin nang ilagay ni Ken ang sandamakmak na libro niya sa kahon nila at halos mapuno na ito. Mula sa mumurahin at mamahaling libro niya, lahat nilagay niya, wala siyang pinili, kahit pa ang manga na regalo sa kanya ng girlfriend niya.
“‘Wag ka na makipagpromise box dun baka ikaw lang lugi.” bulong nito matapos niyang ilagay lahat ng libro niya sa kahon. “Ayan, okay na ba ‘yan?” tanong naman nito sa binata habang pinagmamasdan ang kahon na punong puno ng mga libro niya.
“Bakit mo nilagay buong collection mo?! Sabi ko, limang libro lang!” pasigaw na wika ni Justin sa kanya. “Oks na ‘yan para hindi ka lugi.” sagot naman ni Ken sa kanya kaya napakamot nalang siya ng ulo. Kahit kailan kasi!
“Ewan ko sa’yo.”
Inabot na sila ng madaling araw sa kakakalkal ng iba’t ibang manga at libro. Meron pa nga silang isang manga na paborito kaya naman napagdesisyunan nilang magbasa muna. Pagkatapos nito ay nagpatuloy ulit silang magkalkal sa malaking kahon na nasa harapan nila.
“Daming pera ah.” wika naman ni Ken habang binibilang ang mga papel at barya na nakalagay sa isang maliit na lalagyan sa loob ng box nila. “Yan pa ata ‘yung sweldo ko nung summer job natin.” natatawang wika ni Justin habang pinagmamasdan ang ID at pin niya na may nakalagay na logo ng isang fast food chain.
“Ah, oo! Naalala ko ‘yon.” natutuwang tugon sa kanya ni Ken.
Pagkatapos ng mahabang araw ay napagdesisyunan nilang dumiretso na muna sa bahay ni Justin upang magpahinga. Galing sila sa isang fast food chain na pinagtatrabahuan ni Justin for the summer. Balak kasi nitong magipon muna habang wala pa silang klase.
“Meryenda muna mga anak.” sabi naman ni Tita Gemma, nanay ni Justin, at inilapag na ang ensaymada at isang bote ng softdrinks sa lamesa ng dalawa.
“Thank you, Tita.” bati naman ni Ken dito sabay dukot ng isang ensaymada at kagat ng napakalaki na akala mo gutom na gutom siya. Natawa nalang din si Justin sa sarili niya habang pinagmamasdan si Ken.
“Oh, magbilang ka na.” sabi naman nito habang inaayos ang pera na kinita nilang dalawa sa sarili nilang summer jobs. “Eto na nga oh. Atat ka?!” sagot ng isang Ken Suson na nakikipagaway pa kahit puno ng pagkain ang bibig niya.
“Dudugain mo na naman ako eh!” wika naman ni Justin sa kanya. Patuloy lang siyang nagbibilang ng naipon niya sa sweldo niya habang si Ken ay busy na kumain ng meryenda.
“Luh, kailan kita dinuga ha?” inabot naman niya ang softdrinks at nagsalin ng inumin para sa kanilang dalawa ni Justin. “Ows, sasabihin mo pandate niyo ‘yan ng girlfriend mo eh.” pagbibiro sana ni Justin but as he said the word girlfriend para tuloy nagbago ang mood ni Ken.
“Hindi ah, wala na kami non.” mahinang sabi nito habang nginunguya ang ensaymada niya. Kita mo naman sa itsura niya na hindi siya okay sa kung ano mang nangyayari sa kanila ng girlfriend niya. Justin sees this but he also knows the truth.
“Talaga ba? Nahuli nga kayo ni Pablo kahapon, nagbibike papuntang bakery.” sambit naman niya dito, wearing his familiar smile pero imbis na sagutin ‘to ni Ken, iniba nalang niya ang usapan. “Sinong Pablo? Manliligaw mo?” tanong nito.
“Hindi, kaibigan ko lang. ‘Yung nakilala ko sa music fest.” sagot naman agad ni Justin sa kanya habang binubukod ang mga barya sa ipon niya. “Saang music fest? Kasama ba ako dito?” tanong muli ni Ken sa kanya kaya natawa nalang si Justin.
“Hindi ka kasi nakikinig pag nagkkwento ako.” he shook his head na para bang okay lang at sanay na siya sa pinaparamdam sa kanya ng binata. “Sorry na, makakalimutin ako eh.”
Hindi makakalimutin si Ken. 17 years of their friendship at kahit kailan hindi nakalimot si Ken kasi hindi naman siya ganoong klase ng tao. In fact, si Justin ang makakalimutin sa kanilang dalawa. Ewan nalang talaga ni Justin kung anong nangyari ngayon.
“Yung drummer na nakilala ko sa music fest, si Pablo ‘yon. Diba inaya pa nga niya ako sa banda nila.” pagkkwento nalang nito sa nangyari noon kahit na ilang beses na niyang naipapakilala si Pablo kay Ken.
“Ah, sumali ka?” tanong naman ni Ken sa kanya as if hindi pa nito naririnig ang kwento ni Justin pero kahit na ganon, sinagot pa rin ‘to ng binata. “Pinagiisipan ko pa. Kailangan daw nila ng vocalist at guitarist sa gigs nila. Extra income din. Pandagdag allowance ganon.”
Napangiti dito si Ken.
“Yun naman pala eh, pag sumali ka, sali rin ako. Marunong naman akong maggitara.” sabi niya but the other doesn’t believe it. Napakaimpossible naman kasi talaga.
“Diba ayaw ng girlfriend mo? Kaya nga kayo hindi okay eh.” he asks with a bitter laugh na parang pilit. Na parang tumawa nalang para hindi magmukhang nasasaktan na siya.
“Wala naman na kami eh.”
The younger only looked at Ken with an apologetic eyes. Na parang nangungusap. Nagsasabi. Nagpaparamdam.
“Okay lang, kasama ko naman si Pablo. Mapapagkatiwalaan ‘yon. ‘Wag mo na ipilit kung hindi pwede.” he smiled at him, earning a sorry look from the older. “Sorry, Jah. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw niya sa’yo kahit hindi ka pa niya nakikilala.” wika nito at napayuko nalang sa hiya.
“Wala ‘yun. Naiintindihan ko naman.”
Justin smiled. A bitter one.
He always listens but Ken never understands.
He realized that as time goes by, their value of what is "worth it" changes. Just like how pogs turned into manga, manga turned into money, and money into love.
Love for Ken that he didn't know that was there all along .
After a long silence, Justin spoke.
"Ken, what if gusto kita?"
Hindi nagulat si Ken. In fact, he chuckled lowly na para bang anticipated na niyang sasabihin ‘to ni Justin. After all, hindi nakakalimot si Ken. Hindi niya nakalimutan ang mga tingin ni Justin habang pinagiisipan kung ibibigay niya ba ang pogs niya. Hindi niya nakalimutan ang sinabi ni Justin na nagpakirot ng puso niya noong napagdesisyunan nitong makipagpromise box sa iba. Hindi niya makakalimutan ang panahon na naramdaman niya kung gaano siya kamahal ng binata noong nagbibilangan sila ng pera.
Ken remembers, Justin was just naive.
"Jah, hayaan mo muna akong maging maayos." wika nito habang tinititigan ang mga gamit nilang dalawa sa promise box with a smile on his face. "Mali ka, Jah." dagdag pa nito as he ruffled Justin’s hair.
"Hindi ka tanga. Hindi ako manhid. Sadyang hindi lang tayo nagkakasalubong kasi hindi pa ako handang dumiretso kaya kumaliwa ka muna at kakanan ako, pag natapos na ang lahat, hanapin natin ang tamang direksyon kung saan tayo magtatagpo."
