Chapter Text
Nakaupo sa play mat ang mag-amang Chanyeol at Yuan. Day off kasi ni Chanyeol ngayon sa trabaho niyang, well, CEO lang naman ng Park Airlines, ang pinaka malaking Airlines sa bansa. Kaya naman heto siya at sinusulit niya ang quality time kasama ang anak. Sayang lang at wala ang asawa niyang si Baekhyun.
Si Baekhyun ay kilalang singer, performer, actor, model, brand ambassador aka lahat na. Siya ang tinaguriang 'The million seller soloist' at sikat siya sa buong mundo. Hindi nga alam ni Chanyeol kung anong swerte ba ang meron siya at naging sila ni Baekhyun at eventually ay pinakasalan ito.
Siguro nga tadhana na ipagkrus ang landas nila 10 years ago noong nag shooting ng drama si Baekhyun sa main lobby ng building ng Park Airlines. Gumanap kasi ito bilang isang flight attendant na nainlove sa piloto niyang katrabaho pero niloko siya at pinagpalit sa nakilalang pasahero.
Sakto rin namang pababa si Chanyeol mula sa opisina para batiin ang mga staff at syempre, mga actors.
Nagkamabutihan sila at naging magkaibigan pero hindi agad nanligaw si Chanyeol dahil naghahanap pa siya ng tamang tiyempo. Bukod sa busy silang dalawa, alam naman ni Chanyeol na magiging malaking impact sa career ni Baekhyun ang pakikipag relasyon (kahit hindi naman dapat), kaya minabuti niyang hindi madaliin ito.
Kaya naman noong umamin siya na, "I think I love- no, I'm certain that I love you, Baekhyun." habang naglalakad sila sa executive village nila Chanyeol, sinigurado niya na ito ang tamang panahon para sabihin iyon.
At hindi nga siya nagkamali nang hawakan ni Baekhyun ang kamay niya para sabihin ang katagang, "I love you rin. Matagal ko nang gustong sabihin".
Naging mag boyfriends sila hanggang noong 5th anniversary ay inaya siya ni Baekhyun magpakasal.
Oo, wala silang "fiancee" stage dahil diretso sila aagad sa munisipyo ng sabihin ni Baekhyun na gusto na niyang ikasal sa kalagitnaan ng pagbisita niya sa office ni CEO Park.
Ikinagulat ng lahat ang naging status reveal ni Baekhyun ng i-post nito ang litrato ng wedding rings nila ni Chanyeol na may caption na, "Just Married! I love you @ChanyeolPark 🥰".
Marami man ang nabigla, may pailan-ilan mang nadismaya, marami pa rin ang nag congratulate sa kanila.
Hindi naging madali ang buhay nilang mag-asawa dahil pagkatapos ng reveal ay lagi silang sinusundan ng media para makakuha ng latest ganap sa kanilang dalawa, na minsan ay ikinaiinis na ni Chanyeol.
A month after nila ikasal, nalaman ni Baekhyun na buntis siya. Sobrang tuwa nilang mag-asawa lalo na si Chanyeol dahil pangarap niya talaga na magkaroon ng pamilya kasama
si Baekhyun. Kaya naman noong sinabi ni Baekhyun na buntis siya, sa sobrang tuwa niya ay niyakap niya ng mahigpit ang asawa, binaon ang mukha niya sa leeg nito at umiyak
ng parang bata habang tinatawan siya ng buntis.
Naging masaya ang pagbubuntis ni Baekhyun kahit pa minsan, kahit hindi nito aminin ay nahihirapan din siya sa mga pagbabago sa katawan niya kagaya ng pagbigat niya na
may mga oras na hindi siya makatayo pag hindi tinutulungan.
Nakaranas din siya ng mood swings noong first trimester niya na pinaka challenge kay Chanyeol dahil ang hilig siyang panggigilan ni buntis. May mga oras pa nga nag layas ito at halos pumuti na ang buhok ni Chanyeol kahahanap. Buti na lang at sa bahay lang ng magulang niya ito nagpunta.
Yuan Alexander Park, ang pangalan ng baby boy nila. Kahit bagong panganak si Baekhyun at medyo pagod pa, sa paningin ni Chanyeol ay sobrang ganda pa rin nito. Para ba siyang nakakita ng anghel sa harap niya—anghel na may kargang isa pang anghel.
Ang pagiging magulang ay hindi madali kahit ano pang estado mo sa buhay. Maging CEO ka man tulad ni Chanyeol o Singer katulad ni Baekhyun. As first time parents, hands-on talaga ang dalawa sa pag-aalaga sa baby nila. In fact, nang malaman ni Baekhyun na buntis siya, nag hiatus muna siya sa industriya para makapag focus sa pamilya niya. Hanggang mag three years old si Yuan ay hindi ito bumalik sa limelight.
Habang si Chanyeol naman ay tuloy pa rin sa pagpapatakbo ng kumpanya pero nag adjust ito ng araw at oras na papasok siya sa opisina para makatulong kay Baekhyun sa pag-aalaga kay Yuan.
For the first time after four years, magbabalik sa harap ng camera si Baekhyun with his new single "Bambi".
Nang inilabas ang announcement na ito, maraming fans ang nagdiwang dahil babalik na ang paborito nila at tiyak silang magiging maganda ang kanta nito.
Kaya bilang pagsuporta sa ilaw ng tahanan, naisipan ng mag-amang Chanyeol at Yuan na bisitahin ang music video set ni Baekhyun at mag dala ng pagkain para sa kanya at mga staff bilang pasasalamat na rin sa pag-aalaga kay Baekhyun.
"Baekhyun! Nandito ang mag-ama mo!" Tawag sa kanya ng manager na si Jongdae.
Tumayo naman siya agad at sinalubong ang dalawa na kapapasok lang sa set.
"My baby! I miss you!" Bungad niya sa anak. Lumuhod siya at niyakap at pinupog ng halik sa mukha si Yuan.
Humagikgik naman ang bulilit sa tuwa ng makita ang papa niya.
"Papa ko! Buy kami ni dadi downuys for you." Nakangiting sabi nito sa papa niya. Lumabas naman ang biloy nito na sobrang nagpaka-cute pa sa kanya.
"Talaga ba? Ayun ba hawak ni daddy? Pero bakit ang dami? Hindi ko naman makakain lahat yan anak." Tinignan ni Baekhyun ang mga kahon ng donuts na dala ng asawa.
"Di lang po for you. Give din all kasi wawa naman sila baka hungwy din sila."
Hindi naman mapigilan ni Baekhyun ang gigil kaya naman kinurot nito ng mahina ang anak sa pisngi bago siya tumayo at hawakan ang kamay nito.
"Okay, baby. Share natin sa kanila ha? Ang good boy naman ang Yuan ko." Saad nito.
"Si Yuan lang ba good boy? Paano naman ako? Hindi mo pa nga ako pinapansin eh. Where's my kiss din?" Pang-aagaw pansin ni Chanyeol.
Natawa naman si Baekhyun sa asal ng asawa. Parang baby.
"Hi love! How's your date with Yuan? Did you both had fun?" Bati niya at mabilis na hinalikan ang labi ng asawa.
As much as gusto niyang tagalan ang halik, maraming tao ang nakatingin sa interaksyon nilang pamilya, at syempre, kaharap nila ang anak.
"We had fun. Yuan was super energetic as usual, wish you were there nga lang. Kaya ito dinalhan ka namin ng food and everyone din." Pagtataas ni Chanyeol sa dala.
Natuwa naman ang mga staff sa dala ni Chanyeol na donuts. Lahat sila sinalubong ang dalawa at binati. Tuwang tuwa naman sila sa bibong si Yuan na lahat ng staff ay binabati at pinakilala ang sarili bilang,
"Hello po, I'm Yuan Park! Dadi ko po si Dadi Chan tapos Papa ko po si Papa Baek. Si Dadi ko po super tall, kita niyo siya? Eto siya po. Tapos know niyo po si Papa ko? My papa is a superstar!".
Masaya naman ang naging break ng staffs dahil sa dami ng kwento ni Yuan na ultimo love life ng teacher niya sa preschool ay kinukwento.
Ang mga staff naman ay wili sa pakikinig ng mga kwento ng madaldal na batang Park, at syempre sa ayuda ni CEO Park.
Bukod kasi sa donuts nitong dala ay mayroon din siyang catering service na hinire para sa mga staff. Take note, ito ay catering service ng isang michelin star restaurant. Iba talaga ang mga CEO's. Rich things only.
Hinintay na lang ng dalawang Park si Baekhyun sa set dahil malapit na rin naman silang matapos at wala na rin naman silang gagawin kundi hintayin ito.
Hindi naman sila naghintay ng matagal dahil pagkaraan ng dalawang oras ay nag pack-up na rin ang lahat at pinauna na si Baekhyun na umuwi.
Kasalukuyang nag dradrive si Chanyeol ng kanyang Mercedes dahil pauwi na ang pamilya Park. Nakaupo si Baekhyun sa passenger seat at sii Yuan naman ay tulog na sa car seat nito sa likod.
"Lovey, can we talk at home?" Basag ni Baekhyun sa katahimikan.
"Bakit, mahal? Is there a problem?" Tinignan ni Chanyeol ang asawa dahil nakahinto ang sasakyan at red light.
"No naman. It's just that, alam mo naman na it has been a long time since I did all of this. I just feel different?"
Pinaandar naman ni Chanyeol ang sasakyan nang mag green light pero mabagal lang ang takbo niya para hindi magising ang anak.
"Hmmm. Siguro naninibago ka lang since matagal na nga noong huli kang nagtrabaho. Take it easy, love. Hindi naman agad ay adjusted ka na. Don't be hard on yourself, okay? Ganito na lang, we'll talk and I'll give you lots of hugs and kisses at home. Sounds good?" Pag-aalo ni Chanyeol sa asawa.
"Okay. I'll look forward to it then."
"To cheer you up, I'll tell you the story kung bakit ganoon ang introduction ni Yuan ng sarili niya kanina."
Nakuha naman ni Chanyeol ang atensyon ng asawa dahil dito. Hindi naman bago sa kanila na friendly ang anak at laging nakangiting nagpapakilala ng pangalan. Pero ang pakilala niya sa sarili kanina ay iba.
"Sige nga, bakit?"
"Kasi kanina ang topic nila sa school kanina is 'how to introduce yourself and your family'. Since wala naman siyang kapatid, sabi na lang ng teacher niya ay kung ano na lang daw ang trabaho natin."
Sumignal naman si Chanyeol pakanan at tiningnan ang side mirror para magpalit ng linya sa daan.
"Alam mo ba sinabi ng anak mo?"
"Ano?" Sabi naman ni Baekhyun.
"Si Papa raw niya ay superstar pero nag rest muna siya to take care of him. Si daddy naman daw niya ay tambay. So tinanong ng teacher bakit, sabi ni Yuan kasi lagi raw nasa bahay. 'Di naman po siya teacher nag wowork eh, lagi ko siya kita sa house.’ Yun ang sinabi ng anak mo."
Tawa naman nang tawa si Baekhyun sa narinig. Napaka talino at daldal talaga ng anak. Ang hilig mag observe at ang hilig din mag overshare.
Omg. I think we are raising a Marites.
“Kaya noong papunta kami sa mall, we had a compromise. Sabi ko instead of tambay, magsabi na lang siya ng characteristics ko kasi ayaw talaga niyang maniwala na CEO ako ng Park Airlines. Sabi rin niya, “Sabi ni Papa, not tell lies dadi.” kaya tall na lang daw sasabihin niya.”
Nang makauwi ay binuhat naman ni Chanyeol ang anak papuntang kwarto nito. Nauna naman si Baekhyun para maghanda ng damit ng bata para mapunasan ito at mapalitan para presko ang tulog nito.
Kahit may mga katulong man sa mansion, gusto pa rin ng mag asawa na hands-on sila sa pag aasikaso sa anak. Kaya hangga't kaya nila ay sila mismo ang nag-aasikaso rito kahit pa galing trabaho at pagod.
Pagkatapos kay Yuan, naligo naman sila ng sabay at mabilisan para makapag-usap na agad.
Nakahiga sila ngayon sa malaking kama habang nakaulo si Baekhyun sa dibdib ng asawa. Nakayap naman ang isa at inaamoy ang buhok niya.
"Do you think that it's okay na I feel this way? Before naman I feel fine working after a vacation, pero ngayon I feel so anxious and I wanted to go home agad." Panimula ni Baekhyun.
"Your feelings are valid, mahal. It's totally fine to feel that way since you're still adjusting. Maybe you feel anxious kasi you've been separated from Yuan for a long time. Kasi for years you are constantly beside dito sa house. Now that you're finally working, you might feel indifferent kasi wala siya with you 24/7."
"Pero, hindi lang naman si Yuan and our house eh. I feel stressed na parang hindi ko na alam ang gagawin ko. I feel like I let everyone down today sa set. I don't like this feeling."
"Mahal, look at me." Hiniling naman ni Chanyeol ang asawa upang tingnan siya nito mata sa mata.
"You did great okay? Imagine this na lang. It's like cooking. When you cook the same thing everyday, you master the whole thing na. Pero when you try to cook something new, at first you will feel very clueless. But overtime, you can also master the recipe. It may be a different thing pero the bottom line is, you still master cooking either way."
Hinawi ni Chanyeol ang takas na hibla ng buhok ni Baekhyun at inayos ito sa likod ng tainga ng asawa.
"What I'm saying is, the singer Baekhyun is still you despite having a new role of being a husband and a dad. Manibago ka man, once you get the hang of it, you're good to go. And I believe you can do it. Diba nga you're Yuan's Superstar Papa?"
Ngumiti naman si Baekhyun. Puno ng pasasalamat at pagmamahal sa asawa ang puso niya. Ang swerte niya talaga at nagmahal at minahal siya ng isang Park Chanyeol.
"Thank you, love. For everything. I feel at ease na kasi you explain it well. Sorry for bothering you with this. I just feel the need to vent out."
Hinalikan ni Baekhyun ang asawa sa pisngi.
"No worries, mahal. I'm here naman whenever you needed someone to talk to. Gaya nga ng sabi ni Yuan, tambay naman ako. Hahaha. So, I always have time for you."
Natawa ang dalawa at nagpatuloy sa pag uusap na may kasamang yakapan (at maraming halik sa isa't-isa) hanggang sa hinikab si Baekhyun.
Bago sila matulog, pinatay ni Chanyeol ang ilaw at niyakap ang asawa.
"Goodnight, Superstar. I love you."
"I love you too. Goodnight, tambay."
"Mahal naman eh. Im serious na po. Sige isang sabi mo pa ng 'tambay', gagawa tayo ng isa pang Yuan."
"Hahaha. Sige na nga. Goodnight, lovey. Thank you for always listening."
"You're welcome, my love."
