Actions

Work Header

Take My Hand

Summary:

"Take my hand?"

"Minseok, I'll take your hand now..."

...sometimes, a little courage is all you need to meet the happy ending that awaits you. It might take some time but it is always worth the years of waiting.

Notes:

first xiuchen au so i'm??not??sure??

-enjoy reading! happy valentine's day 💛

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

 

BUSY SI JONGDAE mag-empake ng mga gamit na dadalhin niya para sa out of town nilang magbabarkada. Inayos niya maigi ang mga damit sa duffel bag na dadalhin.

 

May out of town silang magkakaibigan dahil finally after three years of being adult at busy sa kanya kanyang career, nagkaroon din sila ng time na makapaggala nang magkakasama.

 

Kulang ang isang linggo pero they will take all the chances they can get dahil ang tagal tagal na simula nung huling nagkasama sila nang kumpleto.

 

Kumuha pa si Jongdae ng dagdag na pantulog ng may mahulog na papel mula sa gilid ng damitan niya.

 

Kunot noo niyang kinuha dahil parang picture iyon at nakataob.

 

“Ano naman ‘to?” tanong niya sa sarili at hinarap ang picture sa kanya.

 

Ganon na lang ang panlalaki ng mga mata niya ng makita na picture nila iyon ni Minseok… noong college pa sila.

 

“Nasa akin pa pala ‘to?” natatawang sabi niya sa sarili.

 

Pero syempre, alam niyang nasa kanya pa rin lahat. Lahat ng mga bagay na magpapaalala rito, nakatago pa rin sa kanya. Simula nung college sila hanggang ngayon kasi, nakatago rin ang feelings niya.

 

Minseok is his best friend he is secretly in love with.

 

Ilang beses na siyang nagtangkang umamin college pa lang sila pero hindi talaga yata para sa kanila ang pagiging magkarelasyon kasi kada susubukan niya, may mga gagawin ito o sasabihin na nagpapatunay na wala itong planong mag-commit kahit kanino.

 

Naiintindihan niya naman.

 

Minseok’s last girlfriend comitted suicide when they were still on highschool. The girl was pregnant and devastated so she just chose to end her life and the baby’s life because she knows that the world will eradicate her— according to Minsoek’s story about her and the last letter he received.

 

Nakwento iyon sa kanya ni Minseok noong second year college sila. Kasi kinukulit kulit niya ito at tinatanong kung bakit hindi ito nanliligaw o nag-eentertain ng mga nagkakagusto rito. May rason pala. Iyon din ang naging patunay ni Jongdae na wala nga talaga siyang pag-asa.

 

Naiintindihan naman ni Jongdae. Hindi talaga laging para sa’yo kahit mahal na mahal mo.

 

Kaya nga hindi niya na rin pinilit. Kasi alam niyang wala siyang pag-asa. Malabong maging sila kaya ayos na siya na makita ito lagi.

 

Kahit bilang magkaibigan lang.

 

Pareho silang Accountant ni Minseok at same company lang ang pinapasukan nila. Araw araw nakikita niya talaga ito. Minsan sapat na ‘yon. Madalas kasi siyang napapatanong kung bakit hanggang doon lang iyon.

 

Pero hindi naman siya nagrereklamo. Kung ito lang ang way para makasama niya ito, hindi na siya aangal.

 

Kim Minseok na ‘yon, aarte pa ba siya?

 

Napangiti na lang siya sa sarili saka napailing-iling at binalik ang picture nila sa cabinet niya. Hindi niya alam kung paano ‘to napunta sa damitan niya pero itatago niya na lang.

 

Doon sa mas secure para kung magpunta man si Baekhyun at Kyungsoo, hindi na siya maaasar na hindi pa siya nakaka-move on.

 

‘Well, totoo naman,’ asar ng isang bahagi ng isip niya.

 

“Well, dapat walang may alam.”

 

Ilang beses niya na ring tinanggi at tinatanggi niya pa rin talaga sa sarili pero kapag nakikita niya si Minseok? Para siyang nauubusan ng lakas. Grabe ‘yung epekto nito sa kanya.

 

Pwede na siyang manahimik buong araw kapag nakausap niya ito.

 

Binalik niya ang picture nila sa isang journal niya o sabihin na lang na diary niya dahil nakasulat doon lahat ng frustrations niya kapag nami-miss niya si Minseok at wala siyang masabihan.

 

Ilang taon na rin kasi.

 

Seven years and still him.

 

Hindi niya alam kung nakakahalata ba o kung may alam ba ito sa nararamdaman niya pero wala naman kasing sinasabi dahil kagaya ng nabanggit ni Jongdae kanina, may commitment issues si Minseok.

 

Takot itong pumasok sa relasyon ulit matapos nitong magmahal at maiwan nang ganon lang. Kung tutusin kasi, may anak na sana itong nasa elementary na sana ngayon. Bata pa si Minseok non pero the way Jongdae looks at it, he would be a responsible father.

 

Sayang nga lang at hindi ito nabigyan ng pagkakataon pero wala naman siyang karapatang mangialam. If not having a relationship is Minseok’s way of coping up, then so be it.

 

Baka kasi talagang hanggang magkaibigan lang sila kaya ganon. Pero hihintayin niya pa rin ito. Wala rin siyang plano makipagrelasyon kung hindi lang din si Minseok.

 

Nang maayos niya na ang mga gamit niya, lumabas na siya sa kwarto at naghintay na lang sa sala. Gabi kasi ang biyahe nila at dadaanan siya ng van na sundo nila.

 

Nag-offer pa nga mag-drive si Sehun at kotse na lang nito ang gamitin kaso medyo malayo ang biyahe nila kaya nag-arkila na lang sila. Wala pang hassle at makakapagkwentuhan o makakatulog pa silang lahat sa biyahe.

 

Walo silang magkakaibigan. Siya, si Minseok, Baekhyun, Kyungsoo, Jongin, Junmyeon, Sehun, at si Chanyeol.

 

Actually hindi niya na matandaan kung paano nabuo ang barkada nila kasi bukod kay Minseok, naging kaibigan niya rin si Baekhyun at Kyungsoo sa college. Accountant din ang dalawa ngayon at si Kyungsoo, boyfriend nito si Jongin na tropa naman sila Chanyeol at Sehun na boyfriend naman ni Junmyeon.

 

Basta isang gabi may inuman tapos kumpleto silang walo at doon na nagsimula. Kada may magyayaya ng inom sa kanila noon, lagi na silang walo ang pupunta. Either sa bar o sa condo o bahay ng sinuman sa kanila.

 

Ilang saglit lang siya naghintay at may bumusina na rin. Bago siya lumabas ng bahay, nag-check muna siya ng lahat mula sa tangke ng gas pati ang mga saksakan saka niya ni-lock ang pinto. Sinara niya rin ang gate at pumasok na siya sa van.

 

Nandon na ang anim, pangpito siya at si Minseok na lang ang wala.

 

“Ayan na! Ang tagal mo Jongdae bilis susunduin pa natin jowa mo!” sigaw agad ni Baekhyun pagpasok niya pa lang.

 

Inirapan niya ito agad. “Anong jowa punyeta ka.”

 

“Hindi ba kayo ni Minseok?” tanong ni Sehun.

 

Gulat na napatingin siya. “Tanga saan niyo nakuha ‘yan?” Sa totoo lang kabang kaba na siya.

 

Ano ‘to?! Ang tagal nilang hindi nagkita at halos ilang buwan din tapos ito ang ibubungad ng mga kaibigan sa kanya?!

 

Inasar asar pa siya ni Baekhyun at Kyungsoo. Napaka talaga.

 

“Umamin ka na Dae, wala pa naman siya. Hindi namin ipagkakalat kung gusto niyong private lang,” sabi ni Sehun, nasa pinaka likod ito katabi ni Junmyeon. Tahimik naman ang huli.

 

Dahil nasa unahan siya, humarap siya sa mga ito. “Alam niyo imbento kayo. Saan niyo nalaman ‘yan? Dito kay Baekhyun? Eh, wala namang ibang alam ‘to maliban sa pagkagusto niya kay—“

 

Bago niya pa matuloy ang sasabihin ay natakpan na ni Baekhyun ang bibig niya. Akala nito ha?

 

Hindi lang siya ang may tinatagong sikreto rito, ano.

 

“Alam mo Jongdae Kim sabi ko nga hindi kayo. So guys tantanan na natin siya, hindi talaga sila joke ko lang ‘yon kanina,” mabilis na mabilis nitong sabi at pinangdilatan pa siya.

 

Natawa siya saka inalis ang kamay nito. “Takot ka lang, eh.”

 

Natawa si Kyungsoo dahil alam din nito iyon. “Baekhyun feeling strong, duwag naman.”

 

Natawa sila ulit nang minura sila nito pero parang hindi gets ng ibang kasama nila.

 

“Ay parang hindi tropa? Hindi kami maka-relate!” sabi ni Sehun.

 

“Pa-keep up naman?” dagdag ni Jongin.

 

Sasagot sana siya ng magsalita si Chanyeol.

 

“Ano ba ‘yon, Baek?” mahinang tanong nito sa katabi at alam ni Jongdae na kung siya ang tatanungin din ni Minseok sa ganong paraan, magiging katulad rin siya ni Baekhyun ngayon na halos utal-utal kung sumagot. Pulang pula na rin ito. Buti nga.

 

Oo, may gusto ito kay Chanyeol at bakit niya alam? Si Jongdae siya, eh. Hindi pwedeng sa kanya lang may bala ang mga kaibigan niya, ano.

 

Sa mga sumunod na sandali ay nagtatawanan lang sila hanggang sa makarating na sila sa tapat ng building ng condo ni Minseok.

 

Nakaabang na ito sa kanila at may isang malaking backpack itong dala. Sumakay na rin ito agad sa van at umupo sa tabi niya.

 

Nakipag kumustahan ito sa mga kaibigan nila kaya natahimik si Jongdae.

 

Ito na naman ‘tong puso niya.

 

Halos araw araw niya namang nakikita si Minseok pero ‘yung tibok talaga ng puso niya kada makikita niya ito, hindi normal. Parang laging kakawala sa rib cage niya kaya dapat kumalma muna siya.

 

Pasimple na lang siyang nag-cellphone sa gilid at nakinig sa mga usapan ng mga ito. Nakikitawa lang siya at nakikisali kapag alam niya ang usapan pero nakikinig lang talaga siya.

 

Siguro kasi ang daldal ni Minseok ngayon? Hindi ito normally ganito kapag sa trabaho o kapag magkasama sila pero siguro nga na-miss lang din nito ang mga kaibigan nila kasi ilang buwan din silang hindi nagkita-kita.

 

Itatabi niya na sana ang phone ng makita niyang nag-message sa kanya si Junmyeon.

 

Junmyeon: Bakit biglang natahimik ka? Hindi ba kayo okay?

 

Nagulat siya sa nabasa kaya agad siyang napatingin sa likod para hanapin ito. Nakatingin din ito sa kanya kaya ng magtama ang mga mata nila, binigyan siya nito ng makahulugang tingin, nagtatanong.

 

Binalik niya ang tingin sa cellphone at tumipa ng reply.

 

Uy hindi ah. Maayos naman kami. Wala lang kasi akong sasabihin.

 

Nagreply ito ulit.

 

Eh bakit parang umiiwas ka?

 

Hindi ah. Kung ano ano nakikita mo. Kayo ba ni Sehun kumusta? HAHAHAHA

 

Niloko niya talaga ang usapan saka nilingon ito. Nagulat siya ng makitang malungkot ang mga mata nitong nakatingin sa kanya at umiling pa.

 

Hala omg, Juuun???! What happened?! Don’t tell me…

 

Then I won’t tell you.

 

Sira ano nga?! Break na kayo?!

 

Hindi pa naman.

 

Ha?! Anong hindi pa naman????

 

Malapit na. Wala eh

 

HALA GAGO WHY

 

Mamaya na lang siguro. Inom

 

TALAGA TANGA BAKIT HINDI KA NAGSASABI?!

 

Hindi na ito nag-reply at paglingon niya, tahimik itong nakikipag-usap na kay Sehun. Kung noon iniisip niyang sweet ang dalawa, sa nalaman niya ngayon ay parang hindi na. Pakiramdam niya nga, nag-aaway ang mga ito.

 

Napabalik siya ng upo at napatulala sa tapat niya. Grabe ‘no? Posible pala talaga na kahit ang tagal tagal niyo na, wala pa ring assurance na kayo na hanggang dulo. Kung magbe-break pa si Sehun at Junmyeon, pero huwag naman sana, maniniwala na talaga si Jongdae na walang forever!

 

“Penny of your thoughts?”

 

Napapitlag siya at napaangat ng tingin sa katabi.

 

“Ah, wala naman. May naisip lang,” sagot niya saka simpleng tumingin sa mga kasama nila. “Ay bakit tulog na sila?”

 

Umunat si Minseok at medyo ni-recline ang upuan nito. “Mamaya na lang daw, eh. Magdamagang inuman kaya tulog muna. G naman ako. Pakigising na lang ako kapag nandon na tayo, ha?” sabi pa nito.

 

Napatango na lang siya.

 

Pinagmasdan niya kung paano ito umayos ng pagkakasandal at pati paglagay nito ng towel sa mukha, titig na titig siya. He rested his hands on his stomach at sumunod ang mga mata niya ron.

 

Ang ganda ng kamay ni Minseok. Bagay humawak sa kamay niya hanggang sa pagtanda nilang dalawa.

 

‘Alam mo brain konti na lang ipatatanggal na kitang leche ka!’ sigaw niya sa utak dahil hindi niya na talaga alam kung anong ginagawa at naiisip niya.

 

Kapag talaga si Minseok, kahit yata pangalan niya hindi niya alam, eh.

 

Pinagsawa niya lang ang sarili sa presensya nito sa tabi niya hanggang sa antukin na rin siya.

 

Mamaya na lang siguro siya magku-kwento kapag nakausap niya ang mga kaibigan.

 

Seeing Minseok this close, Jongdae wants to hug him tight. Pero dahil bawal, siguro oras na ‘to para kalimutan ang nararamdaman.

 

Those were his last thoughts before he finally dozed off to sleep.




———




NAGISING SI JONGDAE sa marahang tapik sa pisngi niya. Pagmulat niya ng mata, bumungad ang mukha ni Minseok sa kanya. Bahagya siyang napalayo dahil sobrang lapit nila.

 

“Gising na. Kanina pa tayo nandito. Iniwan ka na nila hindi ka pa rin nagising,” parang natatawa pang sabi nito.

 

Lumingon siya sa labas ng bintana. Sobrang dilim na at pagsilip niya sa wrist watch, almost 12am na. Halos apat na oras din ang biyahe nila.

 

Inayos niya ang bag saka binuhat iyon. “Iniwan mo rin ako?” kahit siya nagulat sa tanong niya pero hayaan na, alam naman ni Minseok na masungit siya kapag kagigising niya lang.

 

Natawa ito bago bumaba sa van. Hinawakan pa nito ang pinto hanggang sa makababa na rin siya.

 

“Binalikan nga kita kasi kakain na tayo,” sabi nito.

 

Sinara ang pinto saka sumabay sa kanya sa paglalakad papasok sa villa na tutuluyan nila.

 

“Iniwan mo pa rin,” bulong niya na narinig nito.

 

“Sungit naman,” tatawa tawang sabi nito.

 

Hindi na siya kumibo hanggang makapasok sila.

 

Nag-uusap na ang mga kaibigan nila mula sa kusina kaya nilapag niya lang muna ang mga dala sa sofa saka nagpunta sa kinaroroonan ng mga ito.

 

Tabi tabi ang mga magjowa, pati si Chanyeol at Baekhyun na masarap pag-untugin dahil halata namang may gusto sa isa’t isa pero ayaw pang magsiamin.

 

Tumabi siya kay Junmyeon dahil napansin niyang lumayo si Sehun at ang tinginan ng dalawa, parang nag-aaway na.

 

“Anong nangyari?” bulong niya ng makalapit siya.

 

Umiling lang ito pero ‘yung tingin sa mga mata nito, parang any moment iiyak na.

 

“Hayaan mo na. Mag-usap na lang tayo mamaya,” sabi niya ulit.

 

Alam niya, may apat na kwarto sa tinutuluyan nila ngayon. Hindi siya sigurado kung sino sino ang magkakasama pero hindi talaga siya papayag kapag pinagpilitan ni Baekhyun at Kyungsoo mamaya na magsama sila ni Minseok tulad ng dati.

 

Hindi siya papayag dahil pakiramdam niya, aamin na siya. Hindi niya na kaya dahil lagi na nga silang nakikita araw araw sa trabaho kahit magkaiba pa sila ng team. Isa pa, pumayag siya sa out of town na ‘to para makapag-isip isip at makahinga sa mga kaibigan.

 

Kung si Minseok pa rin ang kasama niya, wala na. Baka uuwi na lang siya agad na wasak ang puso, nawalan pa siya ng best friend.

 

Sa peripheral vision niya, kita niya sa kabilang side na nag-uusap sila Jongin at Kyungsoo at mukhang seryoso rin ang usapan ng mga ito.

 

Ano ba ‘tong pinunta nila? Bonding or breakup?!

 

Nagsimula na silang kumain at kung ano ano na ang napag-uusapan.

 

“Grabe ang tagal natin hindi nagkita lahat, ‘no? Birthday ‘ko pa ‘yung huli anong petsa na,” sabi ni Chanyeol.

 

“Busy na kasi talaga lahat. Tumatanda na tayo. Gusto ko na lang ulit maging estudyante!” sabi ni Junmyeon.

 

“Kahit naman busy may way pa rin sana,” bulong ni Sehun na narinig naman nilang lahat.

 

An awkward air enter their scene at mga pasimpleng napatingin kay Junmyeon dahil parang pinaringgan ito ng boyfriend.

 

“Hoy huwag kayo masyado magpakabusog mag-iinom tayo malala!” basag ni Baekhyun sa katahimikan.

 

Agad naman silang pumayag.

 

“Bawal uminom si Jongdae may sakit ‘yan.”

 

Lahat sila napatingin kay Minseok na ngayon lang umimik.

 

“Excuse me?” gulat na tanong niya.

 

Napaigtad pa siya dahil kinurot siya ni Kyungsoo sa tagiliran. Lihim niya itong pinandilatan.

 

Leche ang high school?!

 

“Kahapon may sakit ka ‘di ba? Hindi ka nga pumasok,” parang wala lang na sabi nito saka pinagpatuloy ang pagkain.

 

Ramdam ni Jongdae ang mga makakahulugang tingin ng mga kaibigan nila.

 

“Bakit mo alam kuya Min?” tanong ni Jongin. “Hinanap mo siya kahapon ‘no?”

 

Nagkaroon ng mga tuksuhan sa pangunguna ni Baekhyun at Kyungsoo kaya halos isaboy na ni Jongdae ang tubig na nasa baso niya sa mga ito dahil grabe, ha. Harap harapan.

 

“Parang tanga ‘to,” tukoy niya kay Jongin. “Wala akong sakit. Dahilan ko lang ‘yon kasi tinatamad akong pumasok.”

 

Paano may chismis sa office nila na may ka-date daw si Minseok sa HR department. Gugustuhin niya bang makita ‘yon? Malamang hindi.

 

'Yung isipin pa nga lang na may kasama ito, parang nahahati na ang puso niya. Makita niya pa kayang may kasama itong iba? Baka maglumpasay na lang siya ron.

 

“Basta bawal ka uninom,” sabi pa nito saka ngumisi.

 

“Ano ka, tatay ko?”

 

Bago pa ito makasagot, nauna pang sumagot ang mga kaibigan nila.

 

“Pwede naman, Dae pero in English,” natatawang sabi ni Chanyeol.

 

“Pwede nga tapos ikaw baby ka niya. Yiee!” gatong pa ni Sehun.

 

“Dyan nagkatuluyan lolo at lola ko! OMG I’m so proud of you,” dagdag ni Baekhyun at kilig na kilig pa.

 

“Gago kayo fifty nine,” inis niyang sabi saka inirapan ang mga ito.

 

Natawa lang ang mga ito at kita niyang nag-eenjoy lang si Minseok at nakikitawa pa!

 

Ayan. Napaka. Diyan siya nadadali kaya siya umaasa na baka pwede sila minsan, eh.

 

Kapag inaasar sila, nakikisali pa ito. Sumasakay pa kaya mas lalo silang inaasar pero hanggang doon lang. Kapag silang dalawa na lang, parang walang nangyari. Hindi nila napag-uusapan kaya mas bumibigat ang dibdib niya. Ang lungkot, sa totoo lang.

 

Pero sanay naman na siya.

 

“Huwag mo na lang pansinin,” bulong ni Junmyeon sa tabi niya.

 

Tumango na lang siya saka tinapos ang pagkain.

 

Nagligpit sila ng pinagkainan at talagang tinotoo ni Minseok na “bawal” daw siyang uminom kaya sinamahan na lang niya sa kusina si Junmyeon at naghugas na lang sila ng mga pinagkainan. Siya ang nagsasabon at ito ang nagbabanlaw ng mga iyon. Mabuti at malaki ang lababo kaya hindi sila nagsisiksikang dalawa.

 

“Anong nangyari kahapon, Dae? Totoo ba, hindi ka pumasok?” usisa nito.

 

Tumango siya. “Pagod lang.”

 

“Dahil…?”

 

Kilala talaga siya nito. Bukod kasi kay Baekhyun at Kyungsoo na mag-best friends na talaga nung nakilala niya, si Junmyeon ang isa pa sa pinaka-close niya kung hindi isasali si Minseok. Ito ang takbuhan niya kapag seryosong bagay na.

 

Lalo kapag iiyakan niya na naman si Minseok.

 

“May issue kasi sa office. Nali-link siya ron sa bagong staff na babae sa HR. Araw araw usapan sa department. Kahit magkaiba kami ng team, isang floor pa rin kami at last week, puro kami meeting so kapag may break o habang magtatrabaho, napag-uuspan ‘yon,” simula niya.

 

Sinabon niya ang isang baso. “The usual na siya. Makikisakay lang tapos hindi magde-deny o aamin. Parang tanga akala mo wala ako rito.”

 

Inagaw nito ang baso sa kanya at natawa. “Ramdam ko ‘yang gigil mo pero huwag mo idamay ‘tong baso baka mabasag.”

 

Natawa rin siya at tinuloy ang kwento. “Tas iyon nga. Dahil buong linggo nilang usapan at wala naman sa mga ka-opisina namin ang may alam na gusto ko siya, ayon sabi may date sila kahapon. Hindi ko kayang makita kung totoo man ‘yon kaya sinave ko na lang sarili ko. Sure, hindi ako nagtanong kung nangyari nga pero ayoko na lang alamin. Gusto kong malaman pero mas ayokong masaktan kung ma-confirm kong totoo nga.”

 

“Dae..”

 

“Alam ko naman kasing hindi ako. At hindi magiging ako kahit pa umabot ako sa sampung taon na mahal ko lang siya,” malungkot na sabi niya.

 

Mula sa kinaroroonan nila, dinig ang tawanan ng mga kaibigan nila at parang ang saya sayang makisali dahil ang tagal na rin pero sa nararamdaman ni Jongdae ngayon?

 

Gusto niya na lang umiyak.

 

“Cheer up ka na. ‘Di ba dapat masaya tayo ngayon? Para na lang sa barkada, kayanin mo.”

 

Nang lingunin niya ito, Junmyeon gave him an encouraging smile kaya napangiti na rin siya.

 

Wala naman siyang choice basta si Minseok, ‘di ba?

 

Tinapos na lang nila ang paghuhugas at nakisali na sa mga kaibigan nilang naglalaro na ngayon ng drinking game. Hindi niya na natanong si Junmyeon tungkol dito at kay Sehun pero bukas na lang.

 

Naupo sila sa sofa at nakisali sa laro ng mga kaibigan. Mga hindi pa lasing na lasing pero makukulit na.

 

Lalo si Baekhyun at Kyungsoo dahil mababa ang alcohol tolerance ng dalawa.

 

“Hoy bilis spin na! Sana mapili si Jongdae!” sigaw ni Baekhyun.

 

Nag-spin na si Sehun ng bote sa tapat nila at tumapat iyon kay Minseok. Ewan niya pero parang nagulat siya kaya napaangat ang tingin niya. Sakto ring nag-angat ito ng tingin.

 

“Bunot ka na Minseok!” sabi ni Jongin dito at nilahad ang hawak na cards.

 

Ah, so literal na drinking game pala ‘tong laro nila.

 

“Anong nabunot mo?” tanong ni Chanyeol.

 

Nakisilip pa si Sehun at Kyungsoo sa card na hawak nito.

 

“Basahin mo na bilis!” tili pa ni Baekhyun. Napaka talaga.

 

“Ayoko nito tanga iba na lang,” sabi ni Minseok ng makita ang nasa card kaya nagkaingay ang mga kasama nila dahil ayaw ng mga ito pumayag.

 

“Ay wala madaya!”

 

“Bawal magpalit hoy!”

 

“Ano bang nakasulat?”

 

“Ano ka swerte? Walang ayaw ayaw rito, Kim Minseok!”

 

“Akin na nga ako babasa!” sabi ni Baekhyun at inagaw ang card na hawak nito.

 

“Baek huwag nga—“

 

Hindi na natuloy ni Minseok ang pagtayo sana at pag-agaw pabalik dahil napigilan ito ni Sehun sa tabi nito at binasa na kaagad ni Baekhyun ang nakasulat sa card.

 

“Date your best friend or drink three full glass!” malakas na sabi ni Baekhyun saka natawa.

 

“O gago ka Minseok date daw!” sapaw ni Chanyeol.

 

“Sino bang best friend?” tumatawa pang sabi ni Jongin pero ang tingin sa kanya, please lang.

 

“Edi si Jongdae!” magkasabay pang sabi ni Sehun, Baekhyun, at Kyungsoo.

 

Sasagot na sana siya ng maramdaman niyang pinigil siya ni Junmyeon at bumulong ito.

 

“Dito mo malalaman sagot sa tanong mo, Dae. After nito, alam mo na kung may pag-asa ba kayo o wala talaga,” mahinang sabi nito sa tapat ng tenga niya.

 

Napatingin siya rito at ngumiti lang ito. Napakibit balikat siya at binalik ang tingin sa mga kaibigan nila.

 

Nagsasalin na si Jongin, Sehun, at Chanyeol ng iba’t ibang klase ng alak sa tatlong baso at inayos naman ‘yon ni Kyungsoo sa tapat ni Minseok.

 

“Game na, Min!” energetic na sabi ni Baekhyun. Lasing na ‘to, sigurado si Jongdae.

 

“Date or drink?” Kyungsoo dared.

 

Lahat sila nakatingin dito at nakatingin lang si Minseok sa mga alak sa mesa kaya nang magtama ang tingin nila, lihim niyang nahigit ang hininga.

 

“Iinom na lang ako,” sabi nito habang diretsong nakatingin sa mga mata niya.

 

Nauna na siyang umiwas kasi parang maiiyak na siya?

 

Grabe tagus-tagusan ‘yon. Sa mismong harap niya pa nito sinabi habang nakatitig sa kanya.

 

Ito yata ‘yung sinasabi ni Junmyeon sa kanya. Well, he’s not wrong kasi ito na nga.

 

Ang linaw linaw ng sagot ni Minseok.

 

“Iinom na lang ako.”

 

Or other meaning, hindi ko gustong i-date si Jongdae kasi siya ang best friend ko.

 

See? Hindi naman mahirap intindihin ‘yon dahil iyon lang naman ang ibig sabihin non.

 

Sayang lahat ng imagination niya tuwing gabi bago siya matulog. Hindi pala talaga sila magkakatuluyan.

 

Their friends cheered when Minseok finished the first glass. Ini-straight shot nito iyon at sinunod kaagad ang pangalawa. Hanggang sa naubos nito ang pangatlong baso na parang wala lang dahil mataas ang alcohol tolerance nito. Tubig lang dito ang beer, kung tutuusin.

 

Nagtuloy tuloy pa ang paglalaro pero hindi na siya nag-enjoy kahit sa anong kwentuhan dahil nga apektado na ang puso niya. Baka pagod na rin siya kasi mahaba rin ang biyahe nila at naglinis pa siya ng bahay niya kaninang umaga.

 

“Tabi tayo Jun ah,” sabi niya rito ng nagliligpit na sila.

 

Tapos na ang inuman at bagsak na ang mga kasama nila. Silang apat na lang Junmyeon, Sehun, at Minseok ang natirang naglilinis ng pinagkalatan dahil bagsak na si Baekhyun at Kyungsoo na inalalayan nila Jongin at Chanyeol.

 

Malamang, ang mga ito na ang mag-ooccupy ng dalawang kwarto.

 

“Sige lang,” sagot nito habang sinasalansan ang mga bote sa plastik.

 

Namumula na rin ang pisngi nito at halata na ang antok at pagod sa mukha dahil madaling araw na rin. Nakailang bote rin ito kanina sa tabi niya dahil tahimik lang itong nag-inom.

 

“Hindi pwede,” singit bigla ni Sehun. “Mag-uusap kasi kami Dae, sorry ah.”

 

Napaangat ang tingin ni Junmyeon sa nobyo, halatang nagulat.

 

“Sabi mo kanina—“

 

Hinawakan ni Sehun ang isang kamay nito. “May sinabi ba ako, baby?” malambing pang tanong nito, halatang lasing na rin.

 

“Sehun parang tanga ‘to..”

 

“Lika na, sorry na po.”

 

Lumingon si Junmyeon sa kanya kaya tumango lang siya and he mouthed “go” para sumama na ito sa makulit na nobyo.

 

Siya na lang ang magliligpit dahil parang may kailangang maayos sa pagitan ng magjowa nilang kaibigan kaya nagpaubaya na lang siya.

 

Patapos na siyang magligpit ng maramdaman niyang may natingin sa kanya. Pagbaling niya, nakita niya si Minseok na nakasandal sa hamba ng pinto sa kusina. Nakatingin ito sa kanya, mapungay ang mga mata.

 

“Tulog na tayo,” sabi nito makalipas ang ilang minutong magkatitigan lang sila.

 

Napakurap kurap siya bago kumilos.

 

Naglakad na si Jongdae palabas sa kusina at alam niyang nakasunod lang si Minseok sa kanya.

 

“Dito na lang ako sa sala matutulog,” sabi niya ng nandon na siya.

 

Inayos niya ang ilang throw pillow sa sofa pati ang sapin para maayos ang tutulugan niya ng biglang hawakan ni Minseok ang braso niya.

 

Gulat siyang napaangat ang tingin. “Bakit?”

 

Sobrang seryoso lang nito. “Sabi ko matulog na tayo.” Tila walang bakas ng alak sa sitema nito kaya mas kinabahan siya.

 

They say drunk people are the most honest ones pero mukhang hindi lasing si Minseok. Mukhang siya pa nga ang lasing ng emosyon niya kahit hindi siya pinayagan mag-inom ng kaibigan niyang ‘to kahit isang baso, eh.

 

“Ikaw na lang don. Dito na lang ako,” tanggi niya saka binawi ang kamay.

 

Hindi nito iyon binitawan kahit anong pilit niya.

 

“Jongdae.”

 

Pagtingin niya sa mga mata nito, napakaraming emosyon doon na hindi niya mapangalanan dahil halo halo iyon at ang gulo gulo. Hindi niya maintindihan.

 

“Ayokong matulog sa tabi mo,” mahinang sabi niya saka yumuko.

 

Parang maiiyak na talaga siya. Hindi siya lasing pero parang mas malakas kaysa rito ang tama niya.

 

Tinamaan talaga siya nang malala sa bestfriend niya.

 

“Bakit?” tanong nito.

 

Ilang minuto pa silang nakatayo ron. Nakayuko siya at pinipigil ang iyak at si Minseok? Nakatayo lang din, hawak siya sa braso at ramdam na ramdam niya ang titig nito.

 

Hanggang sa hindi na siya nakatiis kasi alam niya, hindi siya mananalo kay Minseok kaya bandang huli, pumayag na lang siya sa gusto nito.

 

Inakay pa talaga siya nito sa isang kwarto para sa kanilang dalawa. Isa lang ang kama pero sobrang malaki.

 

Tama. Sa dulong bahagi hihiga si Jongdae para hindi sila magkadikit. Ilang beses naman na silang natulog nang magkasama pero ngayon?

 

Ayaw niya na ‘to kasi hindi niya na mapigil ang nararamdaman. Dalawang bagay ang pwede niyang gawin na pareho niyang pagsisisihan.

 

Una, baka halikan niya na lang si Minseok para malaman nito na seryoso lahat ng mga biro ng mga kaibigan nila.

 

Pangalawa, baka umamin siya at umiyak sa harapan nito.

 

Either way, Jongdae will lose it. 

 

Maiwawala niya ang pagkakaibigan nilang pitong taon niyang iningatan at hindi siya papayag na basta silang matapos nang ganon na lang.

 

Kaya nga tiniis niya, ‘di ba? Kaya nga siya nagpapakahirap na itago ang nararamdaman.

 

Tumalikod siya ng higa at makakatulog na siya ng bigla niyang maramdaman na may pares ng mga braso ang pumulupot sa bewang niya mula sa likuran.

 

Agad na nanlaki ang mga mata niya haharap sana agad ng pigilan siya ni Minseok.

 

“Shhh… just sleep,” bulong nito.

 

Napapikit si Jongdae dahil sobrang lambing ng boses nito. Sobrang lapit nila at totoo ba ‘tong niyayakap siya ni Minseok ngayon?

 

Baka panaginip na lang ‘to….

 

“Alam ko marami kang tanong. Handa akong sagutin, Dae. Bigay mo lang sa’kin ‘to. Pumayag ka lang na sa bawat pagtulog natin sa buong linggo na ‘to, sana lagi tayong magkayakap sa gabi tulad nito..”

 

Parang may kung anong humaplos sa puso niya na naging dahilan nang pagsunod-sunod na pagtulo ng mga luha niya.

 

Kung ano man ang malalaman niya o mapapag-usapan nila matapos nito, tatanggapin niya nang buo.

 

Sa ngayon, hinayaan muna ni Jongdae ang sarili. Umikot siya paharap at umiyak sa dibdib nito.

 

Inalo lang siya ni Minseok at pagtahan niya, naramdaman niya ang paghalik nito sa noo niya.

 

Walang nagsasalita sa kanila hanggang sa hindi niya na rin napigilan.

 

Yumakap na rin siya pabalik dito at doon, tuluyan na siyang nakatulog.

 

Kung panaginip man ‘to, sana dito na lang sila.

 

Ayaw niya na itong matapos para kahit dito man lang, malaya niyang mayayakap si Minseok habang nakayakap din ito sa kanya.




———




“MINSEOK, WALA NA si Nica. Tatlong buwan na siyang buntis pero nagpakamatay siya.”

 

Nagising bigla si Minseok at ramdam na ramdam niya ang kilabot sa buong katawan. Babangon sana siya pero naramdaman niyang may kayakap siya.

 

Pagbaba niya ng tingin, tulog si Jongdae sa loob ng mga bisig niya.

 

Marahas siyang napabuga ng hininga.

 

Napanaginipan niya na naman. Naulit na naman.

 

Hanggang sa panaginip niya, hindi man lang niya nakita ang sanang magiging anak niya.

 

Humigpit ang yakap niya kay Jongdae at mariin siyang pumikit. Sinubsob niya ang noo sa buhok nito. Nanatili siyang ganon ng ilang minuto bago siya marahang lumayo. Inayos niya ang higa nito saka kinumutan at bumaba sa kama.

 

Sinipat niya ang wall clock at nakitang halos 4am na rin. Wala pang dalawang oras ang naitutulog niya pero gising na naman siya.

 

Lagi na lang kapag naalala niya ang nangyari.

 

Lumabas siya ng kwartong ino-okupa nila ni Jongdae at nagpunta sa kusina. Nagtimpla siya ng gatas at naupo dining area.

 

Minsan naiisip niya talaga, paano kaya kung buhay ang anak niya?

 

“Siguro, nasa elementary na siya ngayon. Araw araw sana, hatid sundo ko siya sa school,” wala sa sariling sabi niya.

 

Minsan talaga ang daya ng buhay.

 

Sa sumunod na sandali, tahimik lang niyang ininom ang tinimplang gatas. Kung saan saan dumako ang isip niya hanggang sa maalala niya si Jongdae.

 

Kanina, niyakap niya ito at umiyak ito sa dibdib niya. Nakatulog sila nang ganon, nakatulugan nito ang pag-iyak.

 

Alam ni Minseok ang rason. Hindi naman siya manhid. Hindi rin siya bulag.

 

Lahat ng mga nangyayari sa paligid basta nandyan si Jongdae, aware siya.

 

Alam niyang may nararamdaman ito sa kanya noon pa. Alam niyang naiinis ito kapag may inaasar sa kanya. Alam niyang natutuwa ito kapag may mga simpleng bagay siyang ginagawa para dito--- kaya nga hindi niya dinadalasan, eh. Kasi ayaw niya itong masanay.

 

Hindi niya mapapanindigan ang nararamdaman ni Jongdae. Kahit pa sabihing mahal niya rin ito.

 

Oo, mahal na mahal niya rin ang kaibigan niya.

 

Mahal niya si Jongdae pero magkaibigan lang sila. Sa tingin niya, ito ang pinakamainam na dapat nilang kalagyan na dalawa. 

 

Jongdae was the only one who stayed for him and he is still here.

 

Minsan naiisip niyang hindi niya deserve. Kasi si Jongdae? He's an angel in disguise. Laging nandyan kapag kailangan niya, magsabi man siya o hindi.

 

Jongdae is his safe haven.

 

"Aga mo naman?"

 

Napaangat siya ng tingin sa nagsalita at nakita niya si Jongdae na mukhang bagong gising, naghihikab pa.

 

Sinilip niya ang wall clock halos 5am na rin pala. Ang tagal na rin niyang nagmumuni muni.

 

"Hindi ako makatulog. Namamahay," sagot niya kunwari.

 

Hindi niya sasabihin dito na napanaginipan niya na naman 'yung mismong araw na nalaman niyang namatay si Nica. Walang nakakaalam non. Kahit nga sa mga magulang niya, hindi niya sinasabing hanggang ngayon.. binabangungot pa rin siya ng mga alaalang iyon.

 

Na may anak na sana siya pero wala man lang siyang nagawa para mabuhay ito. Galit siya. Gusto niyang sisihin si Nica na alam niyang hindi dapat pero unfair ito?

 

Mahal niya si Nica noon. Handa siyang akuin ang responsibilidad kahit tumigil pa siya sa pag-aaral noon para masustentuhan ang anak sana nila pero anong ginawa nito? Kinitil nito ang sariling buhay at hindi man lang binigyan ng pagkakataon ang bata na mabuhay man lang sana.

 

Hindi niya nakita ang anak. Ang pinaka masakit pa roon… hindi man lang niya nalaman. Nalaman niya kung kailang wala na rin ito.

 

Ang tanging pinanghahawakan niya na lang at ang sonogram picture na kasama sa huling sulat sa kanya ni Nica bago ito magpakamatay. Iyon lang at hindi pa nga kita ang anak niya ron. Hindi pa ito buo dahil 10 weeks lang ito sa sonogram.

 

Hanggang ngayon, nasa loob iyon ng wallet niya. That what keeps him going para araw araw niya pa ring piliin na mabuhay kahit noon pa lang, pasuko na siya.

 

Umupo sa tapat niya si Jongdae at naglapag ng isang tas ng kape. Pasimple niya itong tiningnan.

 

Tulala lang ito at mukhang malalim ang inisiip.

 

Gusto niyang tanungin kung kumusta ba ito pero hindi niya kaya. Hindi siya sanay na magbukas ng usapan kaya sana, ito ang unang kumausap sa kanya tulad mg parati nitong ginagawa.

 

“Bakit gising ka na?” hindi na siya nakatiis at nauna na siyang magtanong.

 

Napalingon sa kanya si Jongdae. “Nagising ako bigla eh,” sagot nito at humigop ng kape.

 

“Maaga pa Dae, dapat natutulog ka pa. Anong oras ka na nakatulog kanina,” sabi niya ulit.

 

Kita niya ang simpleng pag-irap niti na alam niyang tinatago sa kanya pero nakita niya pa rin.

 

“Sa tingin mo ba makakatulog tulog pa ‘ko?” makahulugang bulong nito.

 

Alam niya ‘yon. Hindi nagpapaligoy ligoy si Jongdae kapag silang dalawa lang at malakas ang loob nito ngayon dahil malamang, tanghali na magsisigising ang mga kaibigan nila.

 

“Huwag natin pag-usapan, Dae..” siya naman ang nag-iwas ng tingin.

 

Dala siguro ng mga nainom niyang alak kaya naging paladesisyon siya kanina. 

 

He didn’t mean to hold him that tight kasi nga hindi niya naman kayang panindigan ito pero sa puso ni Minseok, gusto niyang gawin 'yon.

 

Ang rason? Kasi si Jongdae ito.

 

At ramdam niya na rin kasi na medyo umiiwas na ito nung mga nakaraan pa. Alam niya talaga lahat kahit hindi siya umiimik.

 

Kapag si Jongdae ang pinag-uusapan, bukas na bukas ang lahat ng five senses niya.

 

“Ayan dyan ka magaling,” mahina at mariing sabi nito.

 

Napatingin siya ulit sa mukha nito at kita niya ang sakit na nakabakas doon. Hindi siya nagsalita at nakinig lang sa kung anong sasabihin nito.

 

“Alam ko namang alam mo ‘to, Min. Huwag na tayong maglokohan dito. Ilang taon na ba?”

 

Nagkatitigan sila saglit at nauna itong umiwas, natawa pa nang mapakla.

 

“Hindi ko alam kung manhid ka ba o ayaw mo lang talaga sa’kin pero tangina naman kasi. Ayoko ‘tong aminin kaso paano naman ako? Hindi mo ‘to kasalanan pero best friend kita. Ang hirap na magpanggap na okay akong ganito lang tayo.”

 

“Jongdae..” hindi siya nagulat sa sinabi nito dahil nga alam niya na.

 

Nagulat siya dahil dito mismo nanggaling. Sa ilang taong pagkakaibigan nila, hindi napapaamin si Jongdae sa mga bagay na kahit obvious na ginagawa nito, basta ayaw nitong sabihin ay hindi talaga ito aamin.

 

“Oo Minseok, mahal kita. Putangina, mahal na mahal kita, matagal na.”

 

Nakatitig lang siya rito. Kita niya ‘yung halo halong emosyon sa mga mata nito, pero pinaka litaw ang lungkot doon.

 

“Pinigilan ko naman ‘to kaso bakit ganyan ka? Bakit ang sarap mong mahalin kahit hindi mo naman ako pinapansin? I mean in a way more than friends. Hulog na hulog ako sa mga bagay na ginagawa mo kahit alam kong para sa’yo, pagkakaibigan lang lahat ‘yon,” natawa na naman ito.

 

Pilit na pilit at dinig ni Minseok ang sakit.

 

“Hindi ko alam kung anong naiisip ko at sinasabi ko 'to ngayon. Ngayon pa talaga, ‘no? Kung kailan masaya sana tayo kasama ang tropa kasi minsan lang 'to pero ganito pa ‘ko. Wala kasi yatang tamang oras talaga para aminin ‘to

 

“Kasi hindi naman talaga dapat 'to nangyayari sa simula pa lang.”

 

Nakatitig lang siya sa mukha nito. Parang kinakabisado ang bawat detalye niyon.

 

“Pero nandito na. Umamin na ‘ko kaya itutuloy ko na lang ‘to.”

 

Naghintay siya ng sumunod nitong sasabihin pero ilang minuto na ang lumipas ay tahimik lang ito kaya napatingin na siya.

 

Jongdae looks so lost.

 

“Dae hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mo. Naiintindihan ko naman saka… alam mo rin naman, ‘diba?” marahang basag niya sa katahimikan.

 

Magsisimula pa lang ang araw pero ang bigat bigat na kaagad niyon para sa kanilang dalawa.

 

“Alam ko naman. Kaya nga bigay mo na sa’kin ‘to. Wala akong planong umamin kasi natago ko nga ng pitong taon, ‘di ba? Nag-deny ako sa loob ng mahabang panahon pero ito ngayon walang nagtatanong pero kusa kong sinabi. Nakakapagod na rin kasi Min,” malungkot nitong sabi. Nilalaro na lang ang tasang nasa harap nito.

 

Sa narinig, sumikip ang dibdib niya. Bakit ayaw niya nung huling sinabi nito? Deserve ni Jongdae ‘yung someone better than him, hindi ‘yung katulad niyang duwag pero bakit ayaw niya yata na mapagod ito sa kanya?

 

‘Because Jongdae being tired means he’ll get rid of you slowly. He will move on and will start a life in a clean state. That means, wala ka na sa picture, Minseok,’ sagot ng isip niya sa sariling tanong.

 

Napahigpit ang kapit niya sa tasa dahil totoo. Mas sumikip ang pakiramdam niya.

 

“Hayaan mo na lang akong mahalin ka sa loob ng ilang araw na nandito tayo. Kahit sumakay ka pa sa mga biro at asar nila, sige. Kakapalan ko na ang mukha ko. Gusto kong maranasan maging akin ka kahit sa paningin lang nila.”

 

There was an intense determination in Jongdae’s eyes but Minseok could hear desperation in his voice.

 

“Dae hindi mo kailangan ipilit—-“

 

“Give me this week, Min. Pagkatapos nito, titigil na ako.”

 

Natigilan siya. “Anong ibig mong sabihin?”

 

Sandali nagpa-panic na siya. Hindi iyon ang ibig niyang sabihin!

 

“Pag umuwi na tayo ulit sa Manila, ititigil ko na ‘to. Pati lahat ng kabaliwan at nararamdaman ko sa’yo..”

 

Pinigil niya ang pagsinghap. “You mean…”

 

Jongdae flashed a broken smile. “Sumusuko na ako.”




———




TRUE TO JONGDAE’S words, sobrang naging masaya nga ang isang linggong iyon para kay Minseok. Kahit ramdam niya na parang may tensyon sa pagitan ng iba nilang kasama kapag nagsosolo solo na sila, hindi niyon masasapawan ang galak ng puso niya dahil sa loob ng ilang araw, pakiramdam niya, sa kanya si Jongdae.

 

Literal na literal.

 

Inasikaso siya nito sa lahat ng aspeto. Hindi niya alam kung paano nangyari pero noong umagang nag-uusap sila at umalis ito pagkasabing susuko na ito pagtapos nitong bakasyon nila, nang magkita sila ay ganon na lang ang pagkabigla niya dahil naging sweet ito sa kanya. For all their friends to see!

 

Akala tuloy ng lahat eh may nangyari nung gabing magkatabi sila kaya inulan sila ng tukso. Pero hindi rin sila ang main character dahil si Chanyeol at Baekhyun din, umamin noong ikatlong araw na official na ang dalawa.

 

Hindi na nga sila nagulat kasi bakit? Bulag na lang ang hindi makakakita sa chemistry ng dalawa pero it’s not his story to tell. Update lang sa mga magjojowa nilang friends, Kyungsoo and Jongin seems off. Pero si Sehun at Suho, parang may naayos na. Tahimik lang ang dalawa pero napapansin ni Minseok ang nakaw na tinginan ng dalawa at magkakangitian sabay mag-iiwas ng tingin.

 

Lakas maka-teen ager pero naiintindihan niya dahil childhood sweethearts ang dalawa. Maybe they have rekindled the old flame. But again, it’s not his story to tell.

 

Kung kukumustahin sila ni Jongdae? Iyon. Buong linggo nga silang masaya. Idagdag pang tinotoo ni Jongdae ang sinabi niya noong unang gabi.

 

Magkayakap lang silang natutulog. Walang nag-uusap. Basta magkadikit lang sila. Nasa loob ito ng mga bisig niya at niyayakap siya nito pabalik. At kinabukasan, hindi nila pag-uusapan at ganon ulit sa susunod na gabi.

 

Pero sa loob loob ni Minseok, sumasakit ang puso niya. Parang gusto niyang ihinto ang oras para tumigil sila sa puntong yakap niya lang si Jongdae.

 

Nung huling gabi nga, nakatulog siya kaagad dahil pagod siya sa buong maghapon na ginawa nilang magkakaibigan at nakayakap siya kay Jongdae non. Pinaunan niya ito sa dibdib niya at nauna na siyang makatulog.

 

Pero ilang saglit lang din, nagising siya ng makarinig ng mga mahihinang hikbi at naramdaman niyang basa na ang bandang dibdib niya.

 

Umiyak si Jongdae. Iniyakan na naman siya nito.

 

Nagpanggap siyang tulog at hinintay kung may sasabihin ba ito pero wala. Ang tagal din nitong  tumahan at nang matapos ito, ramdam niyang humalik ito nang magaan sa labi niya at bumulong ng “Hanggang dito na lang ako, Min.”

 

Gustong gusto niyang dumilat niyon at halikan na lang ito para bawiin ang sinabi pero hindi siya nakakilos. Naghalo ang emosyon sa dibdib niya at hindi niya alam ang uunahin.

 

Pero pagkatapos non at pauwi na sila, hindi na siya pinansin ni Jongdae. Kahit sino sa kanila. Sabi lang nito ay masama ang pakiramdam nito at kita nga sa itsura nito iyon. Siguro umiyak pa ito nung umalis ito sa tabi niya. Natulog lang ito buong biyahe kahit ang ingay pa nila sa sasakyan.

 

Dalawang linggo na makalipas ang bakasyon nila at balik na sila sa trabaho. Ang galing nga. Magkasama sila sa isang department kahit magkaiba ng team pero ilang araw niya nang hindi nakikita si Jongdae. Pumapasok naman ito. Pero parang alam na alam nito kung paano siya pagtaguan. Kahit random na pagsilip niya lang sa kabilang side ng department nila, lagi itong wala. Kung hindi ito may ginagawa kasama ang head nila, nasa CR naman daw ito.

 

Ewan na ni Minseok. Natatanga na siya sa sitwasyon nila. Hindi na siya nagpa-function nang tama at napagalitan na siya kahapon dahil mali ang report na napasa niya. Buti nasalo siya ng isang kasama nila at ngayong araw nga, nag-leave na siya. Hindi niya na talaga kaya ‘yung bigat sa puso niya.

 

Sumuko na nga si Jongdae. It’s good for him and Minseok completely understand pero bakit siya nasasaktan? Bakit ayaw niyang umalis si Jongdae sa tabi niya o itigil nito ang pagkagusto nito sa kanya?

 

Pigil na pigil niya ang emosyon na gustong kumawala sa kanya habang nakabaluktot siya ng higa at nakatingin sa picture nila ni Jongdae noong college pa sila.

 

He kept it for years.

 

Mahal niya naman kasi talaga ito. Takot lang siyang maiwan ulit kaya hindi siya sumusugal pero ngayong sinukuan na siya nito, pakiramdam niya handa na siyang magmakaawa balikan lang siya nito.

 

Na malapit niya ring gawin, sa tingin niya.

 

Matutulog na sana siya nang may sunod sunod na nag-doorbell sa labas ng unit niya kaya kunot noo  siyang napabangon at pinuntahan iyon.

 

‘Sino namang bibisita sa kanya ngayong hapon?’

 

Pagbukas niya ng pinto, nagulat siya ng makita si Jongdae sa labas at marami itong bitbit. Napatulala lang si Minseok dito.

 

“Ano hindi mo ako papapasukin? Ang bigat bigat nito,” sabi nito kaya napapitlag siya.

 

“Sorry.. Tuloy ka,” sabi niya at nilakihan ang bukas ng pinto.

 

Pumasok lang ito at dumiretso sa kusina niya. Nagbasta ito ng mga plato at inayos doon ang mga dala nito. Nakasunod lang siya ng tingin sa mga ginagawa nito.

 

Bakit ito nandito?

 

Hindi nagsasalita si Jongdae habang nagbabasta ito ng mga pagkain kaya hindi na siya nakatiis.

 

“Bakit ka nandito, Dae? ‘Di ba may pasok ka?” mahinang tanong niya.

 

Saglit siya nitong tinapunan ng tingin. “Nag-half day ako nung nalaman kong hindi ka pumasok pero babalik pa rin ako ron. Usapan sa office may sakit ka raw. Ano bang nangyari sa’yo?” Kaswal lang ang tono ng boses nito.

 

Tulad noong magkaibigan lang sila.

 

Hindi siya nakasagot. Oo, dinahilan niya lang na may sakit siya kahit wala naman talaga. Ang masakit lang sa kanya ngayon, ang puso niya.

 

“Namiss kita, Dae.” 

 

Nagulat din siya sa sinabi niya at natigilan naman si Jongdae sa ginagawa nito.

 

“Sa dalawang linggo na iniiwasan mo ‘ko, nangungulila talaga ako sa’yo. Hindi lang bilang kaibigan ko. Jongdae, kailangan kita. Balik ka na…” pahina nang pahina ang boses niya bawat pangungusap na binibitawan.

 

Napayuko siya at napaupo sa isang dining chair. Ramdam niyang nakatitig lang ito sa kanya at umupo sa katapat ng inuupan niya.

 

“Kumain ka m-muna,” sabi nito at tumikhim. “Mamaya tayo mag-usap. Alam kong wala ka pang kinakain mula kanina.”

 

Tama na naman ito. Kung may nakakakilala sa kanya nang buo, si Jongdae at si Jongdae lang iyon. Nilagyan pa nito ng pagkain ang plato niya at nagsimula na rin itong kumain.

 

Ito na naman sila. Tahimik na naman.

 

Pinilit niyang kainin ang nasa plato niya pero hindi niya alam kung bakit… nag-unahang pumatak ang mga luha niya. Napansin iyon ni Jongdae at narinig niya ang mahinang pagsinghap nito at agad na may lumitaw na panyo sa gilid ng plato niya.

 

Kinuha niya iyon at pinunasan ang mukha. Tinuloy ni Minseok ang pagkain kahit hindi matigil ang pag-iyak niya. Hindi niya alam kung saan galing ang mga luha pero siguro dahil finally, nakita niya na rin si Jongdae?

 

Ibang klaseng pangungulila na kasi talaga ang nararamdaman niya para dito. Na kahit ang lapit lang nito sa kanya, parang ang layo layo pa rin.

 

Tulad ngayon. Magkatapat lang sila pero parang hindi niya pa rin ito kayang abutin.

 

Nang matapos sila ay nagligpit na ito. Laging ganito kahit noon pa. Asikasong asikaso siya ni Jongdae sa lahat ng aspeto at isa iyon sa mga bagay na nami-miss niya na ngayon.

 

Kahit kasama niya na si Jongdae ngayon, pakiramdam niya ay kailangan niya pa rin ito.

 

“Jongdae…” tawag niya.

 

Hindi ito lumingon habang tuloy lang sa paghuhugas ng pinagkainan nila. “Bakit?”

 

“Mag-istay ka ba? Pwede ba tayong mag-usap?”

 

Alam niyang tunog nagmamakaawa at takot ang boses niya. Pero gusto niya na ring umamin kay Jongdae. Isusugal niya na ‘to kahit takot siya.

 

Kung kapalit nito ay magiging sa kanya na ito, gagawin niya. Jongdae is the only risk Minseok is willing to take. Kahit paulit-ulit.

 

“Sabihin mo na ngayon. Babalik ako sa office, eh. May kailangan pa akong tapusin,” sabi nito.

 

Ramdam niyang may nagbago na. Wala na ang lambing sa boses nito tulad noon. Dati isang tawag niya lang ay iba ang response nito. Ngayon, tunog sumuko na talaga. Baka nga inayawan na siya nito nang tuluyan.

 

Pero magpapakatotoo na si Minseok. Ito ang ilang taon niyang hindi nagawa dahil sa takot niya. Jongdae is giving him the time to speak so he’ll speak.

 

“Balik ka na sa’kin, Dae. Hindi ko na ‘to kaya. Handa na akong yakapin ka papasok sa buhay ko. Ipagkakatiwala ko na sa’yo ‘tong puso ko…” sabi niya at natigilan ito.

 

Nilingon siya ito at nagkatitigan sila.

 

“Jongdae, mahal kita.”

 

Kasabay ng pagsinghap nito ay ang pagtulo na naman ng mga luha niya. Sobrang miss niya na si Jongdae at ang gusto niya na lang gawin ngayon ay ang yakapin ito.

 

“Min, baka naguguluhan ka lang. Kasi hindi ka sanay na hindi kita pinapansin—“

 

“Ikaw ba nakakaramdam ng sobrang pangungulila ko sa’yo? Ikaw ba ‘yung hindi makatulog sa kaiisip gabi gabi kung bakit hinyaan kong sukuan mo ‘ko? Dae, nagsisisi na akong duwag ako kaya gusto kong kunin ka na ngayon. Dalawang linggo pa lang mababaliw na ‘ko at kung hindi ka papayag kasi talagang sinukuan mo na ‘ko…” humikbi siya. “Siguro nga karma ko na rin kasi ang tagal kitang pinaasa. Pero alam mo ‘yung mas masakit?”

 

Tumingin siya nang diretso sa mga mata nito kahit punong puno ng mga luha ang sa kanya.

 

“Pakiramdam ko naiwan na naman ako. Pero this time, mas malalim ‘yung sugat. Nakakamatay ‘yung sakit kahit alam kong kasalanan ko.”

 

He broke down in tears. Nakatayo lang ito sa tapat niya at ilang minuto pagkatapos non, nagulat siya ng niyakap siya nito.

 

“Tahan na, shh…” alo nito sa kanya pero mas naiyak lang siya.

 

Bumalik na ang lambing sa boses nito at ang warmth na dala nito sa buhay niya. Niyakap niya nang mahigpit si Jongdae at umiyak siya sa balikat nito hanggang sa maubos ang mga luha niya.

 

Hindi niya alam kung gaano sila katagal sa pwestong iyon pero ganon lang sila hanggang tumahan siya. Hinahagod nito ang likod niya at paulit-ulit siyang binubulungan na, “Tahan na ikaw. Nandito lang ako.” at mas nagbabagsakan ang mga luha niya kada maririnig iyon pero humuhupa na ang emosyon niya.

 

Sa boses ni Jongdae at sa assurance na naririnig niya mula rito, kumalma bigla ang puso ni Minseok.

 

Nang maayos na siya, tahimik silang nagpunta sa sala at doon sila nag-usap. Kinuha pa siya nito ng tubig at hinintay na mapantay niya ang pagsasalita bago sila nag-usap talaga.

 

“Okay ka na?” tanong nito.

 

Tumango na siya.

 

“Lahat ng sinabi ko Dae…”

 

“Anong gagawin natin?” narinig niyang parang uneasy na ito.

 

“Pwede ba nating subukan na maging tayo?” diretsong tanong niya na. Matagal na ‘tong delayed.

 

Dapat nga matagal niya na itong ginawa pero duwag kasi siya. Hindi niya kaya dati pero buo na ang loob niya ngayon. Minseok will man up for Jongdae.

 

“Sigurado ka ba?” nagbaba ito ng tingin at pinaglaruan ang throw pillow sa kandungan nito.

 

“Oo. Sigurado na akong mahal kita at handa na ‘kong talikuran ‘tong takot ko. Kung kapalit nito ay ikaw, paulit-ulit kong gagawin, Dae. Basta huwag ka lang mawala sa’kin kasi ayoko non. Hindi ko kaya ‘yon,” buong buong sagot niya.

 

Deserve ni Jongdae malaman ‘to dahil ilang taon din itong nagtiis sa kanya. Ngayon, siya naman ang babawi. Hindi siya papayag na maisip ni Jongdae na hindi niya ito gusto. Kung kailangan niyang patunayan, buong puso niyang gagawin.

 

“Paano Min kung ako naman ‘yung takot ngayon?”

 

Natigilan siya. “Anong ibig mong sabihin?”

 

Huminga muna ito nang malalim bago sinalubong ang tingin niya. “Baka kasi nasanay ka lang na lagi akong nasa tabi mo? I mean, ayokong pagdudahan ka ha. Lalo ang nararamdaman mo kasi I know it takes a lot of courage for you to admit that. Alam ko lahat, Min. Pero alam mo kasi… what if naninibago ka lang na hindi mo ako kasama kasi sanay kang nandito ako lagi tas bigla akong nawala? Min, I can take a break from our friendship hanggang sa maka-move on lang ako sa’yo pero hindi ko yata kayang mag-settle kung mahal mo lang ako pabalik kasi naaawa ka sa’kin.”

 

Sa sinabi nito, kumirot ang puso niya. Ibang sakit talaga ang nabigay niya kay Jongdae sa paglipas ng ilang taon.

 

“Hindi ako magsisinungaling. Nagulat ako sa sinabi mo. Masaya akong marinig na mahal mo rin ako kasi finally? Ito ‘yung hinihintay ko, eh. Pangarap ko lang ‘to noon..”

 

“Jongdae…”

 

Mas lumungkot ang mukha nito. “Kaso bakit ngayon lang? Bakit kung kailan ako sumuko, saka mo lang sasabihin? Minseok sorry, pero ako naman yata ang takot ngayon. Hindi ko alam kung kaya kong tanggapin ‘yang gusto mo.”

 

Nag-iwas ito ng tingin. Pigil ang mga luha.

 

“Sorry kung natagalan ako Dae kasi sinigurado ko muna ‘to bago sabihin sa’yo at sorry kung umabot na sa puntong ayaw mo na saka ko lang sinabi pero Jongdae mahal kita. Mahal na mahal kita—“

 

"Mahal mo 'ko pero hanggang kailan? Mahal mo ako pero hanggang saan?"

 

Natigilan siya. Hindi niya alam ang isasagot dahil hindi niya expected na tatanungin nito iyon.

 

Mahal niya nga ba ito hanggang saan?

 

“Naalala mo ba ‘yung mga panahong pinu-push mo ako sa mga ka-opisina natin?” Natawa ito nang mapakla. “Hindi ‘yon mawala sa isip ko at naaalala ko na naman sila ngayon. Sorry for feeling this way despite your honest confessions pero gusto ko ring maging honest sa’yo Min.”

 

Hindi niya na alam ang sasabihin.

 

“I know you mean no harm pero kasi, bakit ba ngayon lang? Feeling ko hindi ko na kaya ‘tong sagutin. Kailangan kong mag-isip kasi nakakatakot. Kung may makakaintindi sa ‘takot’ sinasabi ko, alam kong ikaw ‘yon. Hindi mo naman siguro ako sinabihan ngayon na mahal mo ‘ko kasi nanti-trip ka lang, ‘di ba?”

 

Nanlaki ang mga mata niya. “Jongdae! Hindi! Totoo ang sinasabi ko!”

 

“Kung ganon, ipagdamot mo lang ako, Minseok. Iyon lang ayos na hindi ‘yung ipamimigay mo ‘ko. Mas tanggap ko ‘yung parang aasa ako sa wala basta sa’yo kahit magkaibigan lang tayo kesa ‘yung wala na nga tas ibibigay mo pa ako sa iba, hindi ko yata kaya. Hindi naman siguro ako pang ‘dito’ lang.”

 

Sunod sunod ang pagtango niya. “Hindi na ako uulit, Dae. Mula ngayon, akin ka lang. Sa akin ka na.”

 

Ngumiti na ito pero pinigil pa rin. “Sarap marinig niyan grabe ka naman…”

 

Pakiramdam ni Minseok, may nagawa rin siyang tama sa buhay niya…

 

“Pero mahihintay mo ba ‘ko?” sabi nito

 

“Anong ibig mong sabihin?”

 

“Mahal kita, Minseok. Masaya akong malaman na mahal mo rin ako at pareho tayo ng nararamdaman pero ayos lang ba kung hindi muna magiging tayo agad? Gusto ko lang masiguro na hindi ‘to joke at hindi ako nananaginip…”

 

Napangiti na siya dahil ang cute cute nito!

 

“Gusto mong ligawan kita, ‘no?” natatawang asar niya.

 

Namula si Jongdae at inirapan pa siya. “Hindi naman sa ganon—“

 

Natawa na talaga siya saka mas lumapit sa tabi nito. “Hindi mo na kailangang sabihin Dae, kasi gagawin ko naman talaga. Deserve mo ‘to. Thank you for waiting for me until I overcome all my fears,” sinserong sabi niya.

 

Hinatak niya ito nang marahan at hinalikan sa sentido. Sumandal naman ito sa dibdib niya at nanatili sila sa ganong pwesto. Nagpapakiramdaman.

 

Posible pala ‘yon. Kanina lang akala niya walang pag-asa pero ngayon, pakiramdam niya ay nag-uusap ang mga puso nila. Parang kumokonekta sa isa’t isa.

 

“Minseok…”

 

“Hmm?”

 

“Paano kung matagal ako? Hindi ka mapapagod?” nag-aalangang tanong nito.

 

He kissed the top of his head. “Hinding hindi para sa’yo, Jongdae.”

 

Umangat ito ng tingin, nagpipigil ng ngiti. “Ang landi mo naman, eh! Kailan ka pa natuto sumagot nang ganyan?!”

 

Natawa siya at kinurot siya nito sa tagiliran. “Sorry na. Pero totoo, hindi ako mapapagod. Tama na ‘yung pitong taon na tanga ako. Ikaw nga hindi ka rin sumuko sa’kin. Ako naman ngayon.”

 

Inayos niya ang buhok na tumatabing sa mga mata nito.

 

“Sorry Dae, it took me so long to commit. Mahal naman talaga kita. Walang kaso at pero. Natatakot lang talaga ako na baka kapag pinapasok kita sa puso ko, mawala ka rin. Sa tingin ko kasi, ikaw ‘yung hindi ko kayang iwan ako.”

 

Jongdae’s smile reached his eyes. Minseok cupped his face with both hands.

 

“Take all the time you need to heal, babe. Dito lang ako. Hihintayin kita kaya huwag kang matakot. Huwag ka ring magmadali. Mahalin mo lang ‘yang sarili mo kasi nandito lang naman ako.”

 

“Anong gagawin mo?”

 

“Mamahalin ka lang din, habang naghihintay.”

 

May kumislap na luha sa mata nito kasabay nang mas malapad na pagngiti. “Promise ‘yan?”

 

“Promise.”

 

When he closes his eyes, Minseok gently claims Jongdae’s lips for a sweet and reassuring kiss.

 

Very short yet very meaningful.

 

Iyon ang kailangan nilang dalawa ngayon. Assurance.

 

Na kahit pa may mga issue silang kailangang ayusin sa mga sarili nila, may babalikan pa rin sila. Babalik sila sa piling ng isa’t isa dahil pareho silang naghihintay.

 

“Take my hand?” nakangiting tanong niya.

 

Ngiti lang din ang sinagot nito at niyakap ulit siya. Sapat na sa kanya ‘yon at hihintayin niya talaga ito. Si Jongdae lang ulit ang nagparamdam sa kanya kung paano magmahal at mahalin.

 

Hinding hindi na sasayangin ni Minseok ang pagkakataong ito.

 

Dahil si Jongdae lang naman ang gusto niyang makasama. Ang kamay lang nito ang gusto niyang hawakan at iharap sa altar.

 

Kapag handa na silang pareho, yayayain niya na itong magpakasal na sila. Pangako iyan.




———




PAKIRAMDAM NI JONGDAE ay mas mahaba pa ang buhok niya kaysa kay Rapunzel. Feeling niya mas maganda siya kay sleeping beauty. At higit sa lahat, mas swerte pa siya sa mga nanalo sa lotto.

 

Bakit?

 

Syempre, spoiled lang naman siya kay Kim Minseok limang buwan na.

 

Matapos nilang magkaaminan ay iyon na nga, hindi na ito tumigil kasusuyo sa kanya. Hindi naman siya nagpapakipot, ano?

 

Pero totoo naman kasing gusto niya lang makasiguro sa nararamdaman nito. Ayaw niyang magmadali para hindi sila magkamali.

 

At sa araw araw simula nung sabihin nitong mahal siya nito, araw araw niya ring nararamdaman na totoo iyon. Hindi nagkulang si Minseok. Araw araw ay mas nararamdaman niyang nag-uumapaw ang pagmamahal nito sa kanya.

 

Ganon pala ‘yung pakiramdam, ano? Hindi siya sanay pero sa totoo lang, ilang beses na niyang gustong sagutin ito pero pinipigilan niya ang sarili.

 

Kaso ngayon, alam niyang ito na ang tamang oras. Ilang beses na rin niyang pinagdasal ‘to at sa tingin niya rin, oras na talaga.

 

Ito na ang deserve nilang dalawa.

 

Naghintay lang siya sa bahay niya dahil pinapunta niya rito si Minseok at sinabing may sasabihin lang siya. Alam niyang any minute ay parating na ito kaya kinabahan na siya.

 

This time, he will surely take his hand.

 

Alam na ni Jongdae ang dapat gawin dahil… si Minseok lang naman ang mahal niya.

 

Hindi na nila dapat patagalin ‘tong pagmamahal sa mga sarili nila dahil kaya naman nilang gawin iyon nang sabay at magkasama. Deserve na nilang umuwi sa bisig ng isa’t isa dahil matagal tagal na rin naman.

 

Ilang saglit pa ay dumating na si Minseok. May dala pa itong isang bouquet ng sunflowers para sa kanya.

 

“Ano ba ‘yan may paganyan pa ‘to parang sira..” bungad niya dahil jusko ang kilig niya?!

 

Ngumiti lang ito at hinalikan siya sa noo. Inabot nito ang bulaklak sa kanya at pumasok na sila. Dumiretso sila sa sala at naupo sa sofa. Nilagay niya ang bulaklak sa center table at umupo sa tabi ni Minseok.

 

Dikit na dikit si Jongdae at halos kumandong na siya rito.

 

“Anong meron, babe? Bakit extra clingy ka yata today?” parang natatawang tanong nito dahil talagang kahit hangin yata, hindi na makakadaan sa pagitan nila ngayon.

 

Yumakap siya sa tagiliran nito at humilig sa dibdib nito. “Wala namiss lang kita.”

 

“Nagkita naman tayo kahapon?” natatawang sabi nito. “Ano palang sasabihin mo?”

 

Hindi muna siya sumagot.

 

Bwisit, kinabahan siya bigla.

 

“Jongdae…” tawag nito dahil ilang minuto na siyang walang imik.

 

Kumalas siya sa yakap at tumingala rito. “Minseok, I’ll take your hand now...”

 

Napansin niyang natigilan ito at bago pa ito makapagsalita, magkalapat na ang mga labi nilang dalawa.

 

The kiss was slow, full of love, very passionate, and indeed, a fruit of their waiting. It was so delightful.

 

Tumagal iyon ng hindi niya alam kung gaano katagal pero nang matapos sila, pareho silang naghahabol ng hininga. Nagkatinginan pa at kahit walang nakakatawa, natawa silang dalawa.

 

“Mahal na mahal kita, Kim Jongdae,” masuyong bulong nito habang nakatitig sa mga mata niya.

 

Lumawak lalo ang ngiti niya. “Mahal na mahal din kita, Kim Minseok. OMG! I feel so married na, same last name kasi tayo hay nako!” natatawang sabi niya kaya natawa rin ito.

 

“Maganda nga ‘yon. Para maipagyabang kita agad.”

 

Tinulak niya ito nang bahagya. “Ay ang yabang ha! Sure ka bang hindi tayo magkamag-anak talaga—“

 

Naputol ang sinasabi niya dahil hinalikan na naman siya nito. Ihh, sandali naman!

 

“Hindi nga sabi napaka kulit mo naman,” sabi nito pagkatapos ng halik at kunot pa ang noo.

 

Natawa siya. Lagi niya kasing binabanggit iyon dito nung mga nakaraan at napipikon ito lagi.

 

“Sure ba?”

 

“Hindi tayo magkamag-anak. Imposible ‘yon pero ang magkaanak tayo, iyon ang posible. Papayag ka ba?” seryosong tanong nito.

 

Nabigla naman siya. “Hoy siraulo ka talaga…”

 

Kahit ilang taon na silang magkakilala nito, nauuga pa rin talaga siya sa mga sinasabi nito. Kayang kaya siyang kunin ni Minseok!

 

“Ano? Tinatanong kita Jongdae,” sabi pa nito at ngumisi.

 

Umirap lang siya. “Ang speed naman. Kasasagot ko lang sa’yo, eh.”

 

Natawa na ito at hinatak siya kaya napaupo siya sa kandungan nito. “So tayo na nga? Official na?”

 

“Opo. Legit na ‘to,” sagot niya saka pinulupot ang mga kamay sa batok nito.

 

“Dae dahil tayo na, gusto kong—“

 

“Ipakilala ako sa family mo as your official boyfriend? Go na! Ang tagal tagal na nila tayong pinipilit umamin!” putol niya sa sinasabi nito.

 

Sinamaan siya nito ng tingin kaya natawa siya.

 

“Hindi kasi pinapatapos, eh.”

 

“Sorry na..” hinalikan niya ito sa pisngi. “Sige na ano na po?”

 

Mula sa magkabilang bewang niya, umalis ang kanang kamay nito at may kinuha sa likod ng pantalon nito.

 

Napasinghap si Jongdae ng makita ang isang maliit na kahon at nanghina siya lalo ng buksan iyon ni Minseok.

 

Isang singsing na may dalawang maliit na diamond ang nandoon.

 

“Minseok….”

 

Inangat nito ang baba niya at sinabulong ng tingin ang mga mata niya.

 

“I want to marry you right away, babe. Ikaw lang naman hinihintay ko at dahil ready ka na…”

 

Napasinghap siya ulit.

 

“We waited long enough so I think, being husbands is the next step of ‘us’, babe. Kim Jongdae, will you marry me?”

 

Sa sobrang tindi ng emosyon niya, sunod sunod ang pagtulo ng luha niya kasabay ang sunod sunod ring pagtango.

 

“Oo naman! Magpapakasal ako sa’yo kahit pa akala ko talaga official boyfriends pa lang tayo grabe ka talaga,” tuloy tuloy niyang sabi habang umiiyak na.

 

Natawa si Minseok at hinalikan siya sa pisngi. “Cute mo talaga.”

 

Sinuot na nito sa daliri niya ang singsing at saktong sakto niyon sa kanya. Niyakap niya lang ito at nag-iiyak. Nakakandong pa rin siya rito at hello? Wala na siyang pakialam sa pwesto nilang dalawa basta ang gusto niya lang, hindi siya mahiwalay kay Minseok ngayon.

 

“Tahan na babe, I love you so much.”

 

Nagpunas muna siya ng mukha bago humarap dito. “I love you, too! Sana man lang hinayaan mo munang ma-enjoy kong ipagyabang kina Baekhyun, Junmyeon, at Kyungsoo na boyfriend na kita finally, ‘di ba?” sabi niya pa.

 

“Mas maiinggit sila kapag sinabi mong ikakasal ka na. Sa tingin mo ba?” tumaas baba pa ang kilay nito kaya natawa na lang sila.

 

Sabagay, mas speed nga ‘tong galawan ng… fiancé niya. Ahhh! Kilig!

 

“So final na ba ‘to? Ikakasal na talaga tayo?” paninigurado niya habang nakatitig sa singsing na sinuot nito sa daliri niya.

 

“Oo. Sabihin mo lang kung kailan mo gusto at saan. Handa ako,” sagot nito.

 

“Weh? Kahit sabihin kong gusto ko next week na?”

 

“Sige lang, babe. Alam na ‘yan ng pamilya mo saka mga kaibigan natin,” nakangising sagot nito.

 

Nag-init ang magkabilang pisngi niya. “Alam mo ikaw..”

 

“Mahal na mahal mo na naman ako,” asar nito.

 

Umirap lang siya. “Ang yabang pero true. Hay nako Minseok! Bakit mo ako binabaliw nang ganito?!”

 

Tumawa lang ito saka siya hinalikan ulit sa labi.

 

“Ay, nakakarami ka na!” saway niya kunwari.

 

Pero saglit lang kasi, hindi matapos ang kilig niya eh!

 

“Mas marami pa ‘yan sa susunod, babe. I can’t wait to marry you..” he buried his head to his shoulders.

 

Hinaplos niya ang buhok nito.

 

“Mag-aanak ba tayo?” maingat niyang tanong. Kailangan niyang malaman para mag-aadjust na lang siya kung hindi pa nito kaya.

 

“Gusto ko. Pero hindi agad. Mga after three years siguro pagkatapos ng kasal,” sagot nito.

 

“Bakit?”

 

Umangat ito at ngumisi sa kanya. “Gusto kitang masolo, eh. Tagal ko kasing tanga.”

 

Nag-init ang pisngi niya… jusko po.

 

“Minseok tumigil ka nga..”

 

Ayaw niya ‘yong pag-usapan, ano. Wala siyang kahit anong experience don.

 

“I can wait naman until our wedding night, babe. Feel free to be cute lang for now,” natatawang sabi nito.

 

“Alam mo talaga ikaw…”

 

Minseok claimed his lips again. Jongdae responded to the kiss, as it went sweeter and deeper.

 

Naghahabol na muli sila ng hininga ng pakawalan nito ang labi niya.

 

“So you’ll take my hand starting today?” tanong ito ng makabawi na siya.

 

Jongdae intertwined their fingers.

 

“We’ll take everything hand in hand each day, babe..” sagot niya.

 

Sabay silang napangiti at inangat ni Minseok ang magkahawak kamay nilang. Sabay pa nilang hinalikan pareho ang kamay ng isa’t isa.

 

Ganito pala ang pakiramdam kapag minahal ka rin pabalik. Damang dama ni Jongdae ang warmth sa puso niya.

 

Alam niya marami pa silang pagdadaanang dalawa. Bilang mag-asawa. Pero hindi naman siya natatakot kasi tumagal na nga silang magkaibigan lang ng ilang taon, nakaya niya eh.

 

Iyon pa kayang gigising siya araw araw at mukha nito ang bubungad sa kanya? At gabi gabi kapag matutulog siya, ito ang katabi niya?

 

Syempre kaya na nila ‘yon. Siguro si Jongdae roon dahil siguro na siyang si Minseok lang ang para sa kanya.

 

Ngayon, masasabi niyang mabuti pala at naghintay siya. Kahit natagalan, nakauwi naman siya sa panghabang buhay na matatawag niyang tahanan.

 

They say home can be a person.

 

For Jongdae, that would be Minseok for him and vice versa.

 

They will take each other’s hand. They will walk to the journey of life together, hand in hand.

 

Until they make it to the happy ever after they are aiming for. Until then.





Notes:

let me know what u think, please? 🥺 hahaha

thank you for reading!! <3

Series this work belongs to: