Work Text:
“Hyuck! Andito na kami!” bati ni Jeno pagpasok ng bahay nila Haechan.
“Sabi ko naman sayo na huwag mo akong tawagin sa pangalan na yan kapag may ibang tao.” pabalang na sagot ni Haechan.
Natawa naman si Jeno sa inasta ng kaibigan. Katwiran kasi nito kung bakit ayaw niyang matawag sa palayaw na kanyang kinalakihan, gusto niya raw ng ‘bagong buhay’ na para ba siyang bagong silang na sanggol na natututo pa lamang gumapang at humakbang mag-isa. Oo, ang daming niyang alam purkit magsisimula na silang pumasok sa lunes, unang araw nila sa kolehiyo.
“Ang swerte mo nga naman at natapat ‘tong birthday mo ng sabado. Pwedeng-pwede ka magpakalunod sa alak hangga’t kaya ng atay mo.” sabi ni Jaemin nang pinaglapit nilang dalawa ang kanilang kamao. Ah, best friend niya.
“Paulit-ulit naman tayo. Sinabi na ngang new year, new me.” igit ni Haechan.
“Baka kamo new school year, new me. June ang birthday mo, pre. Tapos na bagong taon. Tsaka ang bati namin palagi sayo ni Jeno kada birthday mo eh ‘stay who you are’. 'Ta mo, pati pangalan mo, pinalitan mo.”
Napasimangot naman ang binata sa sinabi ni Jaemin pero mas natawa ang dalawa nang makita ang reaksyon ni Haechan. Wala na siyang nagawa kaya’t inirapan na lang niya ang mga ito at akmang aalis na para salubungin ang iba pa niyang mga bisita nang matigil siya sa sinabi ni Jeno.
“Ay nga pala, Hyuck! Sinama ko pinsan ko, ah? Kakaluwas lang galing probinsya at parehong univ papasukan niya sa atin kaya sa bahay siya titira hangga’t makapagtapos tayo. Ito si– Jaemin, nasaan yung pinsan ko?”
“Aba, malay ko sayo. Pinsan mo tapos sa akin mo hinahanap.”
“Gago, katabi mo lang kanina ah? Hindi mo man lang napansin?”
“Edi sana andito siya ngayon kung katabi ko lang pala.” sinamaan ng tingin ni Jeno si Jaemin.
Hindi naman gano’n karami ang dumalo sa kaarawan ni Haechan pero sapat na ito para mawala sa paningin ng tatlo ang pinsan ni Jeno. HIndi ito kalakihan kaya’t kahit anong linga at lingon ni Jeno mula sa kinatatayuan nila, wala siyang makitang pinsan.
“Pre, hanapin ko lang pinsan ko. Hindi yun sanay sa ganito panigurado kasi hindi naman lumalayo yun sa bakuran ng bahay nila sa probinsya, baka natatakot na.” paalam ni Jeno sa dalawa.
“Tulungan ka na namin. Anong itsura niya ba?”
“Mas maliit sa'tin, payat, singkit na may salamin, pink na buhok. Basta maganda. ”
“Sige, do'n ka na dumiretso sa kusina. Baka nauhaw o nagutom lang yun dahil sa byahe. Sa cr ka na lang, Jaem. Ako na bahala dito sa sala at sa likod ng bahay.” pangunguna ni Haechan sa dalawang kaibigan. Hindi na sila nagreklamo at agad-agad pinuntahan ang kani-kanilang pwesto sa bahay nila Haechan.
Mas maliit sa'min, payat, singkit na may salamin, pink na buhok, maganda. Paulit-ulit na parang sirang plaka sa utak ni Haechan ang mga katangian ng pinsan ni Jeno. Medyo nahihirapan na rin ito sa paghahanap dahil nakainom na siya ng iilang shot bago pa dumating ang mga kaibigan niya. Hindi pa nakatutulong ang disco lights na sinet-up niya kanina at lalo lang niya nararamdaman ang hilo at tama ng alak.
Sa dami ba naman ng tao rito na maliit, payat, singkit na may salamin, at may pink na buhok, wala namang maganda.
Naikot na halos ni Haechan ang buong sala nila at sumabay pa talagang umikot ang paningin niya. Mukhang naghahanap pa rin ang mga kaibigan niya kasi hindi rin sila nagkakasalubong. Pinili niya munang umakyat at pumunta sa kanilang balkonahe para magpahangin at magpawala ng tama dahil onti na lang ay hahandusay na siya sa sarili niyang bahay.
Dala-dala ang isang baso ng tubig at mga lollipop, binuksan niya ang pinto.
“Ay tangina–!”
“Ay bata!”
Napahawak ang isang binata sa kanyang dibdib habang nakahawak naman sa barandilya si Haechan sa gulat nila pareho, kamuntik pang mabitawan ang baso ng tubig na dala. Nagkatinginan naman ang dalawa nang kumalma sila.
“Sino ka? Huwag kang lalapit! Marunong akong gumamit nito!” banta ng binata kay Haechan habang hawak ang isang… alcohol?
“Diba dapat ako ang nagtatanong niyan? Nasa baba ang party. Sino ka at anong ginagawa mo rito sa balkonahe ng bahay ko?” tanong niya pabalik.
Kita naman ang panlalaki ng mga singkit nitong mata sa likod ng kanyang salamin. Sa gitna ng kadiliman ng langit at tanging buwan lamang ang nagsisilbing liwanag sa paligid, hindi nakatakas ang pagtingkad ng kulay pula sa pisngi ng binatang kaharap ni Haechan. Pero teka…
Mas maliit sa akin, payat, singkit na may salamin, pink na buhok at… maganda.
“N-naligaw lang ako! Wala akong kilala dito bukod sa pinsan kong hindi ko mahagilap. Wala akong kilala ni-isang tao sa baba tapos ayoko naman makihalubilo dahil hindi ako sanay.” nahihiya nitong sabi.
Itinusok ni Haechan ang dila niya sa kanyang pisngi, nagpipigil ng ngiti. Kinuha niya ang phone niya at nagtipa ng mensahe para sa dalawa.
Hyuckingina
Mga tanga
Nahanap ko na yung maliit na payat na singkit
Basta yung pinsan ni Jeno
Andito sa balcony
Natakot ata sa mga tao diyan sa baba
Papanget ba naman eh
Sent 11:11pm
Jenongaling
Bobo ka ba? Party mo ‘to
Kung nakakalimutan mo, ikaw nag-imbita sa mga ‘to
Tangina mo huwag mong pagtripan ‘yang pinsan ko
Huling birthday mo na ‘to, makita mo
Sent 11:13pm
Hyuckingina
Lakompake
Sige na, bumawi na kayo ng inom
Alam ko namang yun lang habol niyo sa akin
Haha de gago ays lang
Sino ba naman ako
Sent 11:13pm
Jaemin Na Bobo
Sadboi amputa
Kaya ka walang jowa eh
Sent 11:14pm
Hyuckingina
Tangina mo parang ikaw meron, ah
Kahit sino pang poncho pilatong iharap niyo sa akin
hinding-hindi ako magjojowa
Okay nang sa hangover sumasakit ulo ko
kaysa sa taong madalas tinotoyo
Sent 11:15pm
Pagkatapos i-send ang huling mensahe, itinago na ni Haechan ang kanyang telepono at itinuon na ang buong atensyon sa lalaking nasa harapan.
“Ang dami mo namang sinabi. Tinanong ko lang naman kung sino ka. Pinsan? Ikaw ba yung pinsan ni Jeno?”
“Kilala mo si Jeno?”
“Kakasabi ko lang, diba? Kanina ka pa niya hinahanap.”
“Nasaan na siya?”
“Nasa baba, umiinom na kasama si Jaemin.”
Nang mabanggit ni Haechan ang pangalan ng isa pang kaibigan, napataas ang kanyang kilay nang makitang napatikhim ang binatang kausap niya. Inayos nito ang salamin na nahuhulog na sa kanyang ilong at tila kinakagat ang loob ng kanyang pisngi.
“Crush mo?”
Tila ba ginulat ni Haechan ang binata dahil napahakbang ito paatras at tuloy-tuloy umilling na akala mo’y nahuling nangupit sa wallet ng mga magulang.
“Si Jaemin? Huy, para kang tanga! Hindi ah! Ngayon ko nga lang nakita yung tao eh.” depensa nito.
“Wala naman akong binanggit na pangalan?”
At yun ang naging hudyat para tuluyang magtakip ng mukha ang binata dahil sa kahihiyan. Bumubulong din ito na hindi masyado maintindihan ni Haechan bukod sa mga salitang “wala ka pang isang araw sa maynila, parang kailangan mo nang bumalik sa probinsya!”
“Gusto mo?”
“H-hindi nga sabi eh!”
“Itong lollipop, kako. Gusto mo ba?” natatawang alok ni Haechan.
Hindi naman sumagot ang binata at hinablot na lamang ang candy sa kamay niya.
“Haechan.”
“Ha?”
“Ako si Haechan. Pero Hyuck ang itawag mo sa akin.” tumingin ito sa katabi. “Ikaw, pinsan ni Jeno?”
“Renjun. Pwede mo akong tawaging Injun.” sagot nito pagkatapos isalpak ang lollipop sa bibig.
“Okay, Ren.” napatingin naman si Renjun kay Haechan dahil sa itinawag nito. “Paano ka nga pala napadpad dito?”
“Nasa tabi lang ako ni… J-Jaemin tapos nagulat na lang ako paglingon ko, hindi ko na sila nakita ni Jeno. Ayoko naman makipagsiksikan sa mga tao tsaka mukhang alam naman nila yung pasikot-sikot dito kasi dire-diretso lang din sila pumasok kanina kaya hinayaan ko na lang din at mahahanap din naman nila ako siguro kung dito ako tumambay.” mahabang litanya nito habang pinaglalaruan ang lollipop sa kanyang labi.
Tumango-tango naman si Haechan sa paliwanag ni Renjun. Tama nga naman, simula high school kasi ay magkakasama na silang tatlo at madalas nga sila tumambay dito sa bahay niya kasi madalas wala ang mga magulang nito. At ngayong papalapit na ang unang araw na pagpasok sa unibersidad, hindi pa rin sila mapaghiwalay.
“Teka…” panimula ni Renjun na tila may natandaan. “Hyuck? Ikaw si Donghyuck?”
“Paano mo nalaman pangalan ko?” halata ang pagkagulat sa itsura ni Haechan.
“Ikaw yung pula yung buhok na mukhang bunot nung grade 11 kayo?”
Putangina mo, Jeno Lee. May araw ka rin sa akin. Sana asin malagay mo sa kape mo bukas.
Si Haechan naman ngayon ang paniguradong namumula dahil sa kahihiyan. Mabuti na lang ay pupwede niyang idahilan ang alak sa sistema niya sakaling mapansin man ito ni Renjun.
“A-ahh yun? Oo, a-ako nga ata tinutukoy mo. Hahaha.” nahihiya man, hindi masyadong ipinahalata ni Haechan dahil mas nag-uumapaw ang inis at irita niya kay Jeno.
“Ikaw pala yun. Infairness, ang laki ng pinagbago mo para sa dalawang taon. Mas bagay sayo yung hindi matingkad na kulay at mahabang buhok.” sabi ni Renjun na para bang wala lang at patuloy pa rin sinisimot ang lollipop.
Taliwas naman ang nararamdaman ni Haechan. Kanina pa ubos ang lollipop niya at tanging stick na lang ang nasa bibig na kinakagat-kagat niya para pigilan ang ngiting kanina pang gustong sumilay sa kanyang mga labi. Magkadugo nga kayo ni Jeno, parehong hindi marunong pumreno ang bibig. Torpe nga lang kay Jaemin.
“Donghyuck Lee!!!”
Muntikan nang madapa si Haechan nang umatras ito para tumakbo. Maraming tao sa quadrangle ng unibersidad nila pero may espasyo pa naman para maghabulan sila ni Renjun.
“Bakit ka tumatakbo?!” hingal na sambit ni Renjun habang hinahabol si Haechan.
“Kasi tumatakbo ka!” sigaw nito pabalik.
“Huwag mo kasi akong takbuhan!”
“Edi huwag mo akong habulin!”
“Para namang tanga, eh! Pagod na ako!”
Unti-unting bumagal ang hakbang ni Haechan kasabay din ng pagtigil ni Renjun. Pareho silang naghahabol ng hininga at nang kumalma, inabutan ni Haechan si Renjun ng tubig.
“Malinis yan. Kakabili ko lang kanina nung lunch break– Aray! Aray, Ren! Teka sandali!”
“Bakit mo na naman kinain yung niluto ni Jaemin para sa akin?! Binigyan ka rin naman!”
“Buti nga hindi mo natitikman kasi ang pangit ng lasa– Aray! Huwag sa mukha! Ang haba ng kuko mo eh!”
Patuloy pa rin sa paghampas at pagpalo si Renjun kay Haechan. Imbis na magalit at bumawi, nakangiti pa ito at natatawa kaya’t mas lalong nainis ang binata.
“May gana ka pang tumawa! Eh kung sayo ko kaya gawin yun, ha? Kainin ko mga binibigay sayo?” pagbabanta ni Renjun.
Tumigil na sa paghagikgik si Haechan pero nanatili ang ngiti sa kanyang mga labi. Hinuli niya ang parehong mga kamay ni Renjun at hinawakan ang mga papulsuhan nito nang ‘di gano’n kahigpit, sakto lang para hindi na siya muling mapalo. Kaya naman niyang gawin yun kanina pa pero hinayaan niya lang ang binata sa pagmamaktol nito.
Nagkatitigan silang dalawa, walang nais pumutol. Masyadong malapit ang mga mukha nila na isang maling galaw lang, magdidikit na ang kanilang mga ilong.
“Ayoko rin. Mas gusto kong sa akin galing kung ikaw lang din naman ang kakain. Tsaka binibigay ko lang din naman kay Jeno at Jaemin yun.” bulong nito kay Renjun na siguradong rinig niya dahil sa posisyong nilang dalawa.
Si Renjun na ang unang bumitaw sa titigan at pumiglas sa hawak ni Haechan. Mataas pa ang sikat ng araw para sa alas dos ng hapon at natatabunan man ng mga dahon ng puno sa paligid, tumatama ang sinag nito sa mukha ni Renjun. Kitang-kita ni Haechan ang pamumula ng mga pisngi nito at nagsimulang paypayan ang sarili na para bang init na init.
“Ewan ko sayo! Basta sa susunod, huwag mo nang agawin pagkain ko.”
“Gutom na gutom ka na ba? Pinapabayaan ka ba ni Jeno? Tara sa bahay.”
Inakbayan ni Haechan si Renjun at tinahak na ang daan pauwi sa bahay niya. Masama pa rin ang tingin sa kanya ni Renjun pero sa atin na lang ang ngiting unti-unting namumuo sa kanyang labi nang hinapit niya ang bewang ni Haechan.
“Hyuck…”
Napalunok si Haechan nang tignan ang nag-aalangan na itsura ni Renjun at itinago na lang ang kabang nararamdaman sa pagtawa pero maski siya ay halos manginig nang magtunog itong pilit.
“Grabe, parang napaka-showbiz ng sasabihin mo sa akin na kailangan mo pa akong puntahan sa bahay dis-oras ng gabi. Ano ba yan, Ren? Natatae na kasi ako sa kaba eh.”
“Ikaw, para ka talagang tanga kausap!” pareho silang natawa.
“Oh ayan, sana nabawasan na kaba mo. Anong sasabihin mo ba?” tanong ulit ni Haechan.
“Hyuck, ano kasi… s-sabi ni Jaemin na–” bago pa matapos ni Renjun ang kanyang sasabihin, natawa na naman si Haechan. Pero di tulad ng madalas niyang paghalakhak, wala itong kabahid-bahid na kahit katiting na saya.
“Sa wakas, nagpakalalaki na rin. Alam ko na yan, Ren. Congrats sa inyong dalawa! Nag-abala ka pang pumunta rito sa bahay, sana tinawagan mo na lang ako. Tara hatid na kita at baka mabatukan pa ako ni Jeno bukas.”
Akmang aakbayan ni Haechan si Renjun tulad ng kanilang nakagawian kapag aalis o may pupuntahan silang dalawa ngunit tumigil ang kanyang kamay kalagitnaan at napagpasyang tapikin na lang ang balikat ni Renjun. Nilagay niya ang parehong mga kamay sa bulsa ng kanyang hoodie at iginaya ang daan para mauna si Renjun.
Hyuckingina
Rarara inom sa bahay
Gising pa kayong dalawa alam ko
Sent 11:11pm
Jenongaling
Maawa ka naman sa atay mo
Kung ‘di ka man maawa
Sa atay na lang namin
Sent 11:12pm
Jaemin Na Bobo
Gago, anong meron bakit nagyaya ka?
May problema ba?
Sent 11:12pm
Hyuckinginamo
Wala, bonding lang sana
Miss ko na kayo eh
Tsaka celebration na rin para sayo, Jaemin
Sent 11:13pm
Jenongaling
Ah, tangina may problema nga
Naging bading eh
Otw na ako
Sent 11:13pm
Jaemin Na Bobo
Celebration?
Pinagsasabi mo, gago?
Punta na ako
Sent 11:14pm
“Ayan na naman siya, gagawin na naman niyang tubig yung alak.” igit ni Jeno nang lumagok na naman si Haechan. Wala naman itong ginawa at hinayaan lang ang kaibigan.
“Tangina mo kasi bakit ‘di mo sinabi sa akin noon?” natatawang sabi ni Haechan.
“Bobo ka lang. Hilig mong mag-assume. Mag-aabogado ka sa lagay mong yan?” asar ni Jaemin.
Sabay-sabay silang napahalakhak sa binitawang mga salita ni Jaemin. Palalim na ang gabi pero ito sila ngayon, nagkakasiyahan sa sala nila Haechan. Tulad ng dati nilang nakagawian.
“Baunan mo ba naman ng tatlong beses. Sinong ‘di mag-aakala? Malay ko ba.” katwiran ni Haechan
“Oh ta’mo, sabi ko kasi sayo magpakalalaki ka, hindi magpakatanga. Isa pa kasi ‘tong si Jeno, lulutuan na lang ng baon si Renjun, nakakalimutan pa.” nangingiting sagot ni Jaemin.
“Huwag mo akong sisihin sa kaduwagan niyang kaibigan mo. Naprovoke sa pagbibgay ng baon amputa. Bata ka ba?” asar pabalik ni Jeno.
Nagpatuloy ang kanilang kwentuhan at asaran. Nagkakasiyahan muli sila dahil nakatapos na naman sila ng isang taon sa kolehiyo at sa mga taong nakalipas, halos hindi sila makapaniwalang iba na talaga ang takbo ng buhay. Hindi na sila pupwedeng magpakampante tulad noon. Unti-unti na nilang nasasaksihan ang tunay na mundo sa bawat hakbang patungo sa kanilang kinabukasan. Pero tulad nga ng banta ni Jeno kay Haechan, “Subukan mong magbago, ibabalik ko yung buhok mong bunot, gago.”
“Pwede ba huwag niyo nang alalahanin? Kinakalimutan na nga nung tao.” angal ni Haechan.
“Kung kailangan araw-araw namin ipaalala ni Jaemin sayo para magtanda ka, gagawin namin. Gusto mo ipaprint ko pa tapos itapal ko sa bawat sulok ng kwarto mo.” suhestiyon ni Jeno.
“Eh kung ikaw kaya tampalin ko.” akmang susuntukin ni Haechan nang pabiro ang kaibigan nang may magsalita habang pababa ng hagdanan.
“Hindi pa kayo tapos?” antok na tanong ni Renjun habang nagkukusot pa ng mga mata.
Nagkatinginan si Jeno at Jaemin habang nanatili naman ang titig ni Haechan sa taong papunta ngayon sa kanilang tatlo. Umupo sa tabi ni Haechan si Renjun at inihilig ang ulo sa balikat niya para ituloy ang naudlot na tulog. Umayos naman ng upo si Haechan para komportable si Renjun at sinimulang paglaruan ang buhok nito dahil alam niyang gusto yun ni Renjun na paraan pampatulog.
“Antok pa ikaw? Sana hinintay mo na lang ako sa taas.” bulong ni Haechan.
“Ang tagal niyo eh. Tsaka ang ingay ni Jeno.” bulong pabalik ni Renjun habang sumisiksik sa kanya, naghahanap ng magandang pwesto.
“Iwan ko na kayong dalawa. Akyat ko na ‘to. Sana pagbaba ko bukas, may umamin na kahit isa sa inyo.” pagpapaalam ni Haechan nang buhatin si Renjun para i-akyat sa kwarto niya.
Parehong natigil ang ginagawa ni Jeno at Jaemin, panandaliang nagkatinginan ulit sa isa’t isa at sabay rin umiwas. Natawa naman si Haechan.
“Kapal ng mukha mo. Kung hindi ko pa sinabi sayong hindi ako umamin kay Renjun at sinabihan ko lang siya na mauna na siyang umamin sayo dahil napakatorpe mo, isang buwan kang magmumukmok dito sa lungga mo.” pabalang na sagot ni Jaemin habang patungo na si Haechan sa kwarto.
Hiniga na ni Haechan si Renjun sa kama niya, nagpalit siya ng pantulog at nagsipilyo pagtapos. Nakadalawang shot lang naman siya dahil mas lamang pa ang kwentuhan nilang magkakaibigan. Dahan-dahan siyang sumampa sa kama at tumabi sa binatang nakapikit pero halatang gising ang diwa dahil sa noo na nakakunot.
“Anong gusto bukod sa akin?” malambing na taong ni Haechan.
Yumakap naman si Renjun bago sumagot. “Yun pa rin ba topic niyo hanggang ngayon?”
“Ewan ko sa dalawang yun. Sila yung ‘di makamove on.”
“Tanga mo kasi, eh. Hilig akong pangunahan.”
“Ang seryoso mo kasi kaya mas lalo akong kinabahan. Tapos unang lumabas sa bibig mo, pangalan pa ni Jaemin.”
“Oo, tapos ang lakas pa ng loob mong iwasan ako! Hindi ko man lang nasabi nang maayos kasi kada makakasalubong kita sa kahit saang parte ng campus, aalis ka.”
Hinigpitan ni Haechan ang yakap niya sa bewang ni Renjun. Natatawa niyang hinalikan ang buhok ng binata habang natatandaan ang katangahan niya sa mga nakaraang buwan.
“Sorry na nga. Natatakot ako baka mamaya sabihin mo, kayo na ni Jaemin. Edi mas lalo ko lang lalasingin yung dalawa– aray!”
“Hindi ka kasi marunong magtanong! Mag-aabogado ka sa lagay na yan?”
“Oo na nga. Eto, napakasungit. Halatang kulang sa tulog eh.”
“Ah gano’n?” umimbabaw si Renjun at umupo sa tiyan ni Haechan, sinimulang kilitiin ang lalaki.
Puros tawa at hagikhik nilang dalawa ang maririnig sa apat na sulok ng kwarto, hindi alintana ang dalawang lalaking naiwan sa baba sakaling marinig man sila. Ang pagsugod ng mga kamay ni Renjun sa katawan ni Haechan ay siyang pag-iwas naman nito. Hindi rin nagtagal ay nahuli ni Haechan ang mga kamay ni Renjun at taimtim na nagkatinginan habang pinapakalma ang paghinga nila.
“Ganda mo, ano?” bulalas ni Haechan bigla.
Walang nagawa si Renjun para itago ang pamumula ng kanyang mga pisngi dahil nakapirmi ang kanyang katawan sa ibabaw ng dibdib ni Haechan habang hawak siya nito. Isiniksik niya na lamang ang mukha niya sa leeg ng binata dahil sa hiya.
“Nagtago pa nga! Kinikilig ka pa rin pala sa akin?” pang-aasar sa kanya ni Haechan.
“Para ka kasing tanga! Kung ano-ano lumalabas sa bibig mo.” bulong ni Renjun sa leeg niya.
Isang halik sa tuktok ng ulo ni Renjun ang tanging iginawad ni Haechan. Nilapat niya ang mga kamay ni Renjun sa kanyang dibdib at pinulupot naman ang mga braso sa bewang ng binata. Tumagilid siya para makahanap ng komportableng pwesto para sa kanilang dalawa.
“Totoo naman yung sinabi ko, ah? Ang ganda mo. Kaya nga bagay tayo kasi ang pogi ko.”
“Imbento ka na naman, Hyuck. Lasing ka na.”
“Sinong malalasing sa dalawang shot? Hiya ka pa, eh. Aminin mo, aminin mo!”
“Kakanood mo ng tiktok yan!”
“Nakikinood lang naman ako sayo.” humagikhik si Renjun kaya’t natawa na rin si Haechan.
Hinawakan ni Haechan ang baba ni Renjun at itiningala ang ulo para patakan ng halik ang kanyang noo.
“Nasabi ko na bang salamat kasi hanggang ngayon, natitiis mo ugali ko?” pagtatanong ni Haechan.
“Oo, pero kulang pa, eh. Araw-araw ba naman iba-iba trip mo sa buhay.” biro ni Renjun.
“Mahal kita, Akin…” panlalambing ni Haechan, “...kahit hindi mo maamin na mas masarap ako magluto kaysa kay Jaemin.” natatawang dagdag niya.
“Happiest birthday, hyuckie…” pa-unang bati ni Renjun, “...una kitang natutunang mahalin mismong araw ngayon, dalawang taon nang nakalipas. Mas mahal kita.”
“Asan na kiss ko?”
“Humingi ka kay Jeno. Kulang sa lambing yun.”
“Naknang, si Jaemin na bahala dun. Tsaka baka masapak lang ako kapag ninakawan ko ng halik.”
Umupo nang maayos si Renjun at hinayaan naman ito ng binata na makawala sa yakap niya. Ikinulong ni Renjun ang mukha niya sa dalawang palad nito at tinitigan mata sa mata.
“Ano, aaminin mo na bang pogi a–-” hindi na natapos ni Haechan ang pang-aasar niya nang mabilisang nilapat ni Renjun ang labi nito sa kanya.
“Napakadaldal mo talaga kahit kailan.” komento ng binata bago ibalik ulit ang labi niya kay Haechan.
At ando’n lang ulit sila, nanumbalik kung saan nag-umpisa.
