Actions

Work Header

walk you home

Summary:

“Happiness is a long walk… with a dog.” ika nga sa nakasulat sa pader ng cafe ni Jeno.

Tapos ito si Renjun, tamad maglakad.

Notes:

as usual, not beta-ed so, yeah. before anything else, huwag sana kayong mag-expect [usual] and inspo from colde's song!

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

“Off we go, bud.” pag-aaya ni Jeno sa kanyang kasama.

 

Inayos niya ang pagkakasabit ng kanyang bag sa isang balikat at hinintay makapunta ang kaninang tinawag. Hindi rin nagtagal at nasa harapan na niya ang hinihintay. Napangiti si Jeno nang nagtama ang tingin nilang dalawa at kita ang pagkagalak nito’t mabilisan siyang lumapit sa binata.

 

“Ready ka na, Azi?” tanong ulit ni Jeno.

 

Imbis na makakuha ng sagot, nauna na itong pumunta sa pinto. Bago lumabas, sinulyapan niya sa kanyang likuran si Jeno nang maramadamang hindi pala ito sumunod. Nakita naman ni Jeno ang pag-aalinlangan ng kanyang kasama sa paglabas ng bahay kaya’t tinahak niya na rin ang daan papunta rito.

 

“Alam mo naman papunta do’n. Hiya ka pang manguna eh ikaw ‘tong excited.” pagpuna niya rito.

 

Hindi naman siya pinansin ni Azi at diretso lang ang paglalakad nila papunta sa paroroonan nilang dalawa. Natawa naman si Jeno sa sarili dahil parang kausap niya ang hangin. Na kahit asarin niya ay wala itong talab dahil seryoso ang kanyang kasama na tahakin ang lugar kung saan sila mananatili nang halos kalahati ng kanilang araw.

 

Kung titignan, hindi gaano kalayo ang kanilang lalakbayin pero natatagalan lamang sila Jeno kapag patigil-tigil si Azi. Wala naman siyang magawa kun'di maghintay dahil hindi rin naman siya papayag na maiwanan ito nang mag-isa. Mamomroblema pa siya kung sakali.

 

“Araw-araw naman tayo dumadaan dito, Azi pero parang bago pa rin sa paningin mo.” sambit ni Jeno nang makarating din sila sa wakas sa kanilang pupuntahan.

 

Hindi pa rin siya pinapansin ng kasama at taimtim lang tinitignan ang kandadong nagsisilbing hadlang para mabuksan ni Jeno ang pinto dahil nasa kanya ang susi. Tinignan niya si Jeno, naghihintay kung kailan niya ba balak itong buksan.

 

“Sabi ko nga, bubuksan na.” kutya niya kay Azi.

 

Hindi pa man bumubukas nang maigi, dali-dali nang pumasok ang kaninang nasa tabi lang ni Jeno. Mahina siyang natawa sa inasal ng kasama dahil araw-araw naman silang nandito pero wala pa rin nagbabago sa pagiging masigasig ni Azi. Pero sino nga ba naman ang hindi matutuwa kapag makakapiling mo na ulit ang mga kaibigan mo?

 

“Azi, saglit. Hindi pa tayo nagsisimula, ang ingay niyo na.” suway ni Jeno sa kanyang asong samoyed.

 

Kanina pa ito tumatahol dahil sa tuwa at galak na makakapaglaro na ito sa iba pang mga aso ni Jeno. Andito sila ngayon sa dog cafe na ipinatayo niya pagkatapos niyang makapag-ipon galing sa sarili niyang sweldo bilang part-timer sa isang kapehan din. Matagal na niyang aso si Azi simula no’ng niregalo siya sa kanyang kaarawan sa unang taon niya sa kolehiyo. Na-engganyo siya sa pag-aalaga rito kaya pinangako niyang magpapatayo siya ng sariling kapehan na pupwedeng gumala at umikot-ikot ang katulad nila Azi. Win-Win situation, ika nga niya sa sarili. Mahilig siya sa kape at may kalaro si Azi.

 

Hindi naman gano’n kalakihan ang kanyang pwesto (mahal ang renta, okay?) pero sakto naman ito para sa limang asong pagala-gala sa loob na pupwedeng laruin at amuhin ng mga taong pupunta sa kapehan niya. At bago niyo siya husgahan, si Azi lang ang may lahi sa kanilang lima at ang natitirang apat ay rescued dogs. Mayroon silang sariling kwarto na nasa loob din ng kapehan dahil hindi naman pupwedeng iuwi ni Jeno silang lahat. Iniiwanan nang sapat na tubig at pagkain at well-ventilated. At bago ka pumasok sa kapehan, makikitang may nakapaskil na for adoption ang mga ito dahil kahit gustuhin man ni Jeno ang pagkupkop sa kanila, iba pa rin kapag may sariling inuuwiang pamilya ang mga ito.

 

“Grabe naman kung makatahol, parang hindi nagkita nang isang buwan.” natatawang sabi ni Jeno nang hindi magkandamayaw ang lima nang pakawalan na niya ang iba.

 

Sandali niyang nilinis ang kwarto ng apat na aso at dumiretso na sa paghahanda ng mga gagamitin para mamaya. Maaga pa naman sa orihinal na oras ng kanyang pagbubukas ng kapehan kaya’t nakangiti niyang pinapanuod na maglaro ang kanyang mga alaga habang gumagawa ng sarili niyang kape pang-umagahan.

 

“Good morning indeed.”

 

🐾🐾🐾🐾🐾

 

“I really hate Fridays. Always traffic pag-uuwi!” pagrereklamo ni Renjun habang nasa kahabaan siya ng kalye papauwi galing sa opisina.

 

Hindi naman gano’n karami ang sasakyan pero aabutan siya panigurado ng rush hour lalo na’t mag aalas-sais na siyang nakaalis ng trabaho (idagdag mo pa ang kawalang kwenta ng pampublikong transportasyon dito sa Pinas). Ang kaninang maluwag-luwag na jeepney ay unti-unti nang napupuno dahil uwian na rin ng mga estudyante. Ang kaninang pupwede pang mabukang mga hita ni Renjun ay halos hindi na mapaghiwalay sa sobrang dikit-dikit ng mga pasahero. Lakas pa ni Manong magtawag. Para na kaming sardines here, god.

Wala naman magawa si Renjun kung hindi ang magreklamo sa kanyang isip dahil bukod sa pagod na siya para sa linggong ito (araw-araw naman siyang pagod), alam naman niyang walang magbabago kung mag-iinarte siya. Ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata at nagbabaka-sakaling pagmulat ay nasa tapat na siya ng kanto ng bahay niya.

 

Nagising si Renjun (muntikan na siyang lumagpas) sa pagkaidlip. Nagpapasalamat na lang siya na huling terminal ng mga jeep ang kanto nila kaya’t maluwag na kapag bababa. Walang pag-aatubili siyang bumaba at huminga nang malalim na animo’y ngayon lang nakalanghap ng sariwang hangin. Real pala na you can smell smth at 7pm.

 

“I’m so tired!” bulong nito sa sarili habang nag-uunat papuntang terminal ng tricycle.

 

“Kuya, how much po sa tapat ng church near the dog cafe?” tanong ni Renjun sa mamang pumapasada.

 

“Singkwenta kapag spesyal, iho. Pero sampung piso kapag hindi.”

 

“A-ahh, singkwenta.” nahihiyang sagot ni Renjun.

 

Oh my god, what’s singkwenta? It’s that a new number ba?

 

Gusto lang naman makauwi ni Renjun pero pati ba naman dito eh gagamitan pa ng utak niya. Dahil hindi niya alam kung magkano ‘yon at gustong-gusto na niya talagang humiga sa kwarto niya, iniabot ni Renjun ang buong bente pesos sa driver at halatang nahihiya pa dahil hindi siya sigurado kung kasya ba ang binigay.

 

“Maghihintay ka ng kasama, iho?” pagtatanong ng driver.

 

“P-po? I want ‘yung special one po.”

 

“Eh , bente lang ‘tong binigay mo.”

 

What the hell naman is bente? That’s twenty pesos kaya.

 

“How much po ba need dapat?”

 

“Kulang ka pa ng trenta pesos.”

 

Tangina, what is trenta pesos naman now? I don’t understand a thing. I wanna cry.

 

Dala ng pagod (at inis), ibinalik na lang ni Renjun ang kanyang pera sa wallet niya at tinignan niya ang mamang driver.

 

“I will walk na lang po, Kuya. It’s malapit lang naman po pala,” pilit na pagpapaalam ni Renjun sa kanya.

 

At para sabihin ko sa inyong lahat, ang pinakaayaw ni Renjun ay ang maglakad pagkatapos ng mahabang araw sa trabaho.

 

🐾🐾🐾🐾🐾

 

“Do I look like I know what’s singkwenta? Even added trenta. As far as I know, walang number like that.” pagmamaktol ni Renjun habang naglalakad papauwi.

 

Tama naman talaga siya. Hindi naman kalayuan ang bahay niya sa terminal ng tricycle. Kayang-kaya lakarin, wala pang kinse minutos kung hindi ka lang naiinis at pagod tulad ni Renjun. Sampung minuto na nakakalipas pero wala pa siya sa kalahati ng lakarin niya dahil kanina pa ito bumubulong mag-isa dahil sa pangyayari kanina. Paminsan-minsa’y sumisipa ng mga bato dala ng inis at napapatigil din tila nawiwiling kausapin ang sarili nang pabalang dahil sino ba naman ang makikinig sa kanya sa pagrereklamo kung ano ba ang singkwenta?

 

Nawala lang siya sa sarili niyang mundo nang may maramdaman siyang malambot at nakakakiliti sa kanyang mga binti. Muntikan pa siyang mapasigaw at napatalon sa gulat sa asong pumapaikot sa kanya pero unti-unti rin kinabahan dahil baka kagatin siya nito lalo na’t hindi siya kilala.

 

“Nice doggy. Cute little d-doggy.” pag-aamo niya rito.

 

Napaigtad siya nang tumahol ito, hinahanda ang sarili na malapa na lang siya sa gitna ng daan pero ilang segundo na ang nakalilipas at wala pa siyang nararamdaman na matalim na mga ngipin sa kanyang katawan kaya idinilat niya ang isa niyang mata para makita ang ngayo’y nakaupong aso sa kanyang harapan.

 

Dahan-dahan kumilos si Renjun, halata ang pag-iingat. Nakita niyang nakatingin lang sa kanya ang aso at prenteng nakaupo tila hinihintay siyang may gawin sa kanya. Sinubukan ni Renjun abutin ang ulo nito para tapikin at wala naman delikadong galaw ang aso kaya’t tinuluyan na niyang hawakan. Nagulat man sa tahol, pinagpatuloy ni Renjun ang paghimas sa balahibo nito at napangiti na rin nang hinahabol ng ulo nito ang kamay niya kapag sinusubukan niyang tanggalin.

 

“What’s your name, little one?” pagtatanong ni Renjun dito na para bang may makukuha siyang sagot.

 

Isang paraan lang naman ang naiisip niya para malaman kung may pangalan ba ito o wala. Nilapat niya ang kanyang kamay sa leeg ng aso at nakapa na may nakasabit ito sa leeg. Bingo! May collar meaning, he has an owner already.

 

Hinanap niya ang palawit sa kapal ng balahibo nito at nang makita ay tinignan kaagad ang pangalan.

 

“Azi.” banggit niya rito kaya’t nakatanggap na na naman siya ng isang tahol na para bang alam ng aso na siya ang tinawag.

 

“Hi, Azi. Where’s your owner? Super pabaya naman to leave their dog here sa streets.” pag-aalo ni Renjun dito kahit wala naman atang pake si Azi kung sakaling mawala siya.

 

“Ay look, oh. There’s a phone number pala sa back ng pendant mo.” pagpansin ni Renjun nang maglikot si Azi habang hawak-hawak niya ang collar nito.

 

Hindi alam ni Renjun ang gagawin. I mean, alam niya pero hindi niya alam kung gagawin na ba niya ngayon dahil hangga’t nasa labas pa siya, mas lalo lang niya nararamdaman ang pagod. Agad din naman niyang nakalimutan ang iniisip nang siniksik ni Azi ang ulo niya sa leeg ni Renjun tutal kanina pa siya nakaluhod habang tinitignan ang collar nito.

 

“Let’s call your fur parent, Azi? Pero I am really dead tired na and I really want to be in my room…” pag-aalo ni Renjun sa asong tinititigan na naman siya tila nakikinig at nakakaintindi ng sinasabi niya, “...Let’s call them when I get home? Is that okay?”

 

🐾🐾🐾🐾🐾

 

“You guys did good today.” bati ni Jeno sa mga asong pinapakain niya ngayon sa kanilang kwarto dahil tapos na ang araw at oras na para umuwi. Kanina niya pa nasara ang kapehan at ang tanging gagawin na lang niya ay magpaalam sa iba pa niyang mga alaga.

 

“Dinagdagan ko treats niyo, ah? Baka magtampo na naman kayo sa mga customer kasi wala silang mabigay.” natatawang sambit ni Jeno nang matandaang naubos ang natitirang stock ng binebenta niyang treats sa mga tao para mapakain sa kanila (pasensya na, negosyo lang kasi mahal dog food).

 

Isa-isa niyang inalo at nagpaalam sa kanila nang matapos silang magsikain. Iniwan niyang bukas ang ilaw ng kanilang kwarto at isinara na ang pinto. Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan nang unti-unti na niyang naramdaman ang pagod para sa araw na ito. Isipin mo ba naman na mag-isa niya lang tinatakbo ang kapehan kasama ng limang asong siya lang din nag-aalaga. Oo, hindi naman maipagkakaila ni Jeno na napapawi ng lima ang pagod na paminsan-minsa’y sumisilay sa kalagitnaan ng trabaho pero ramdam na niya ito kapag wala nang tao sa loob ng apat na sulok ng kanyang kapehan.

 

Saglit niyang binalikan ang mga kagamitan sa loob, tinitignan kung ma nakalimutan ba siyang hugasan, tanggalin, iayos, at kung ano-ano pa. Nang wala naman na makitang mali o kulang, handa na sila lumabas at umuwi.

 

“Azi, tara na. Uuwi na tayo.” pagtatawag niya.

 

Katahimimkan.

 

“Azi?”

 

Wala pa rin.

 

“Azi. nasaan ka? Uuwi na.”

 

Nang wala talagang marinig na tahol si Jeno, maski kahit anong klaseng kaluskos papunta sa kanya, do’n na gumapang ang kabang kanina niya pa pilit itinatago. Tila ‘di makapaniwala sa nangyayari.

 

“Tangina, Azi saan ka na nagpunta?”

 

🐾🐾🐾🐾🐾

 

“Finally!” bulalas ni Renjun nang mabuksan ang pinto ng kanyang bahay.

 

Agad pumasok si Azi at nauna pa kay Renjun na akala mo'y mas pagod pa ito kaysa sa binata. Natawa naman nang mahina si Renjun nang makitang tumalon ito sa bean bag at do’n naghanap ng magandang pwesto para mahiga. Kalauna'y pumasok na rin si Renjun at dumiretso sa kanyang kwarto para magpalit ng damit pantulog at lumabas ulit para tignan ang kanyang nag-iisang bisita.

 

Naabutan niyang nakahiga si Azi at tinignan siya nito nang mapansing papalapit siya sa kanya.

 

“You hungry na, Azi? I’m hungry na kasi. Hindi pa pala ako nag-eat ng dinner.” kwento ni Renjun.

 

Napataas naman ang mga tainga ni Azi nang marinig ang sinabi ng binata. Natawa naman dito si Renjun kaya’t hinawakan niya ang ulo nito’t ginulo ang buhok.

 

“Of course, you’ll be hungry! You chased different insects ba naman kanina, eh.” hagikhik ni Renjun nang matandaan kung gaano kalikot si Azi kanina habang naglalakad sila.

 

Halos hindi sila makauwi nang diretso dahil kay Azi. Patigil-tigil kasi ang aso kada may makikitang kung ano-ano, mapa-bato, dahon, sanga, ligaw na bagay na malamang ay nahulog ng kung sino, at lalo na ang mga insekto. Nandiri pa nga si Renjun nang may makitang ipis at gusto pa lapitan ni Azi kaya inapakan niya na lang ito pero mas tumagal sila dahil sa paru-parong hinabol ni Azi. Walang magawa si Renjun kung hindi panuorin ang aso na maglaro kahit na uwing-uwi na pero hindi rin naman niya naramdaman ang paghihintay dahil natutuwa itong pinanuod si Azi na nahihirapang mahuli ang lumilipad na insekto.

 

“You’re lucky na may naiwan pa pala si Lele here na food ni Daegal.” pagbabahagi ni Renjun habang nilalagyan ang isang bowl ng dog food.

 

Ang pinsan niyang si Chenle ay minsan napapadpad sa kanyang bahay kasama ang aso nito na si Daegal para lang tumambay at bisitahin siya. Nag-aaral kasi si Chenle malapit sa bahay ni Renjun kaya minsan ay dito siya dumidiretso para iwan ang alaga kapag nasasaktuhang walang pasok si Renjun dahilan kung bakit may pagkaing pang-aso. Ngayon kasi ay nagsimula na ang bakasyon ni Chenle kaya’t umuwi muna ito sa China.

 

Habang kumakain si Azi, naghanda na lang din ng simpleng hapunan ang binata. Nagluto saglit ng itlog at spam pero tinatamad na siyang magsaing kaya ipinalaman na lang niya sa tinapay. Pareho silang kumakain ngayon sa harap ng telebisyon na binuksan ni Renjun.

 

“Should we text your owner na, Azi?” pagkuha ng atensyon ni Renjun sa alagang nakahiga ngayon sa mga hita niya. Tinitigan lang siya nito. Right. You can’t talk.

 

Kinuha ni Renjun ang kanyang telepono at tinipa ang mga numerong nakataga sa likod ng pendant ni Azi. 

 

“Hey, your dog may or may not be in my house..?”

 

“Really? You left a samoyed wandering on the streets in the middle of the night?”

 

“Hello, Azi is here sa aking house. You’re burara kasi.”

 

Kanina pa nagtatype si Renjun ng kung anong text para ipaalam sa totoong may-ari na kasama niya ang alaga nito pero walang pumapasok sa utak niya kung ano ba ang magandang pambati o pambungad. Kanina pa rin naiinis si Renjun kung bakit niya ba pinag-aaksayahan ito ng panahon.

 

“You know what? Nevermind ‘good evening’ greetings. Siya may fault why you are here with me.” huling sambit ni Renjun bago sinend ang pinal na mensahe.

 

🐾🐾🐾🐾🐾

 

Hindi magkanda-ugaga si Jeno. Kanina pa siya pabalik-balik sa kung saang lugar ng kanyang bahay. Dis oras na ng gabi pero balisang-balisa ang binata sa kakaisip kung saan nagsuot ang alaga niyang halos kasing laki na ng unan niya. Azi naman, natutuliro na ako.

 

Napatalon siya sa gulat nang marinig ang tunog ng kanyang telepono sa bulsa. Nanginginig niya itong binuksan at nakitang hindi kilalang numero ang nagpadala ng mensahe sa kanya. Kung ordinaryong araw lang ito, hindi niya papansin ang ganitong klaseng mensahe galing sa iba tutal alam niya ang mga numero ng mahahalagang tao sa buhay niya at sino ba naman kasi ang nasa tamang pag-iisip magtetext sa kalagitnaan ng gabi?

 

Pero may kutob siyang magandang balita ang laman nito kaya walang pagdadalawang-isip niya rin binuksan.

 

+639190082246

 

Hello. 

Do you perhaps know someone named Azi?

Sent 10:47pm

 

“Ma, Pa, mahal niyo talaga ako.” bulong ni Jeno sa sarili pagkatapos pakawalan ang hiningang kanina niya pa pala pinipigilan.

 

J. Lee

 

Hi, yeah.

He’s a dog, right?

My dog.

Sent 10:49pm

 

+639190082246

 

Oh. He’s with me kasi.

And I saw his collar so, yeah.

Sent 10:50pm

 

J. Lee

 

Thank you for taking him with you.

Nakatira ka lang din ba sa subdi?

I can fetch him if he’s doing a lot of trouble

Sent 10:50pm

 

+639190082246

 

NO!

I mean, no, he’s not bad naman.

He’s actually sleeping on my thighs

Sent 10:53pm

 

Napataas ang kilay ni Jeno sa nabasa. Kailan naging clingy si Azi? Ni hindi ko nga mapatabi ‘yan sa pagtulog.

 

J. Lee

 

Gano’n ba?

Can we meet tomorrow?

I mean, if you don’t have plans.

Sa oras na convenient sa’yo

Sent 10:54pm

 

+639190082246

 

Sure.

I don’t have pasok bukas so I think it’s pwede naman.

And I live around the subdi rin where I found him.

Lunch time? Like around 12 or 1pm?

Sent 10:58pm

 

J. Lee

 

Great. Let’s meet at my cafe.

Familiar ba sa’yo ‘yung dog cafe sa subdi?

Let’s meet there. 12pm.

Sent 10:58pm

 

+639190082246

 

Okay.

Sent 11:00pm 

 

J. Lee

 

Thank you.

Yeah, see you.

Sent 11:00pm

 

Kung paano nakahiga na si Jeno sa kanyang kama at naiwang nakangiti ang mga labi, hindi ko na rin alam.

 

🐾🐾🐾🐾🐾

 

Halos mabali na ang leeg ni Jeno kakatingin at kakadungaw sa glass door ng kanyang kapehan kada tutunog ang kampanang nakasabit dito. Wala pa naman ang taong kanina niya pang hinihintay na may kasamang puting aso.

 

“Jesus Christ, Jeno Lee. Calm the fuck down. Wala pang alas dose.” pagpapakalma ni Jeno sa sarili.

 

Bumalik siya sa kanyang ginagawa nang biglang magwala ang mga aso kakatahol. Maingay ang buong kapehan at parang nagpapaligsahan ng ingay ang limang asong naghahabulan na ngayon.

 

“Oh my god, Azi! Wait lang! Where are you going?” tinig ng isang lalaking pilit hinahabol ang isang asong dahilan kung bakit hindi magkandamayaw ang apat na aso sa loob.

 

Dumiretso nang takbo si Azi kay Jeno sa loob ng counter kaya doon din napadpad ang binatang kanina pa siya hinahabol.

 

“Azi, come here. Do’n lang tayo sa tables sa labas. Why are you nasa counter?” pagtatawag ulit ng lalaki.

 

Nang hindi siya pinapansin ni Azi na nanatili lang sa kabilang banda ng counter, nilabas niya ang kanyang telepono at nagtipa habang sinusulyapan ang aso. Bigla naman tumunog ang telepono ni Jeno na narinig din ng binatang kaharap niya.

 

+639190082246

 

Hello there. We’re here na.

I’m with Azi but he’s on the other side of the counter.

Nakakahiya ‘cause he’s not listening sa akin

Sent 10:50am

 

Sabay silang napatingin sa telepono ni Jeno na prenteng nakapatong lang sa counter kaya pareho nilang nabasa ito. Sabay din silang napatingala at nagkatitigan, nagsusukatan ng tingin kung ano ba ang dapat maramdaman. Gulat? Kaba? Hiya? Hindi na rin nila alam.

 

“Hi, I’m Azi’s dad. Jeno.”

 

“O-oh. I found Azi. I'm Renjun.”

 

Yeah. Thank Azi for finding you.

Notes:

hope you had fun as much as i had when writing this one! hehe kinda different [for me, idk] writing style but i always end up doing what i usually do. anw, happy noren day!

 

twt
cc