Chapter Text
“May results na!”
Napabalikwas kahit nakaupo lang naman ang kanina pang naiihi sa kabang si Baekhyun habang kinukutkot ang kanyang mga kuko. Ang kanyang ibang mga kaibigan naman ay nagsipagtakbuhan palapit kay Jongdae na siyang nag-announce na nagrelease na nga ang UP College of Law ng Law Aptitude Exam results.
Mas kilala sa tawag na LAE, ito ang entrance exam ng mga aspiring attorneys na gustong makapag aral sa unibersidad na ito.
“Ano, nandyan ba pangalan ko?” Nangungunang sambit ni Sehun na kitang-kita ni Baekhyun na kinakabahan din mula sa kinauupuhan niya.
Imbes na sagutin ni Jongdae ang tanong ni Sehun, ang naibulalas nito ay, “oh gagi, Chanyeol Park, topnotcher!” Na umani naman ng kantyaw mula sa natitirang mga kaibigan nila. Ngumiti lamang ang matangkad at nanatiling prenteng nakatayo sa likod ng tatlo maliban kay Baekhyun.
Sa reaksyong iyon, napagtanto ni Baekhyun na nakapasa nga si Chanyeol sa LAE. No sweat naman kasi sa lalaki ang exam na iyon. Matalino naman kasi talaga ang lalaki. Walang hindi naipapasang test ito.
“Ako naman! Nandyan ba ako?” Singit naman ni Jongin na halos iumpog na ang ulo kina Sehun at Jongdae para masilip ang pangalan sa listahan.
“Teka lang, pwede ba?” Masungit na saway ni Jongdae at itinulak ang ulo ng matangkad na lalaki palayo sa ulo niya. “Ang liit ng font at naduduling ako sa likot mo!”
Napasimangot naman si Jongin pero humintong makialam sa harap ng laptop ng nagrereklamong kaibigan at tumabi na lamang sa tahimik na nakatayong si Chanyeol.
“Sixto, my man!” Halata ang luwag sa paghinga ni Sehun nang matawag siya ni Jongdae. Kitang-kita ni Baekhyun na parang nabunutan ito ng tinik sa lalamunan.
Kung hindi kasi ito makakapasa sa LAE, tiyak na lagot ito sa tatay nitong abogado rin at alumnous din ng naturang school.
“Hoy B, halika dito. Wala dyan ang results.” Pansin sa kanya ni Jongin nang mapalingon sa kanya. Pero hindi niya magawang sundin ang kaibigan. Hindi niya kasi matignan ang listahan, natatakot siya na baka hindi pala siya nakapasok.
Guguho ang pangarap niyang mag-abogasya kung hindi siya makakapasa sa UP. Ito lang kasi ang affordable law school sa Pilipinas. Mura nga pero kailangan ng matinding utak para makapasok at makatawid hanggang sa finish line.
Pero kahit mahirap makalabas sa UP (taking this from his experience since dito din siya nagkolehiyo), sisikapin niyang makapagtapos ng abogasya dito.
“Jongin Kim, tangina mo, gago!“ hiyaw ni Sehun nang mabasa ang pangalan ng kaibigan sa website ng school. Kinuha nito ang ulo ng lalaki at hineadlock sa kanyang braso.
“Yes!” Sigaw naman ni Jongin na pinatagal banggitin ang huling dalawang letra ng salita habang nagfifist pump pa sa hangin. Hindi pansing nakaheadlock ang ulo niya sa kaibigan.
3 out of 5 na. Silang dalawa na lang ni Jongdae ang wala pa. Masaya siyang nakapasa ang mga kaibigan niya. Pero parang hindi siya magiging totoong masaya kung hindi man siya papalarin.
Ang ibig-sabihin kasi ‘nun ay goodbye law school dreams na siya. Kung sa ibang school kasi siya papasok, baka igapang niya pa pati pang-matrikula niya. Mas lalong mahihirapan ang Papa niyang masigasig din na pag-aralin siya ng abogasya.
“Baekhyun Byun!” Bulalas ni Jongdae na kung wala sa hita ang laptop ay baka natakbo na niya ang kaibigang ni hindi halos gumagalaw sa sofa ng basement ng bahay nila Sehun.
Sisigaw-sigaw lang siya pero naging triple na ang kaba niya dahil siya na lang ang hindi pa nasisigurong pasok sa UP College of Law. Handa man siyang bumagsak dahil sa sobrang hirap ng aptitude exam, hindi niya matatanggap kung siya lang ang mapag-iiwanan ng grupo.
Nanginginig ang kanyang mga kamay habang ini-scroll niya ang touchpad ng kanyang laptop para tignan ang maliliit at capital letters na Jongdae Kim sa screen.
“Congrats sa baby namin na iyan,” maingay pa rin na bati ni Jongin kay Baekhyun sa likod ni Jongdae pero concentrated siya sa pagscroll ng screen niya.
Pero walang Jongdae sa listahan.
Wala ang pangalan niya sa mga nakapasa.
“Tangina mo naman Jongdae, prank na naman ‘yan eh.” Reklamo ni Sehun na nakaupo na sa dating pwesto ni Baekhyun ng walang reaksyong nagmumula kay Jongdae.
Sana nga prank lang. Pero hindi eh. Wala nga siyang pangalan sa mga pasado.
“JD,” malumanay na tawag ni Baekhyun sa kaibigang na-estatwa sa kinauupuan nito.
Binalot ang silid ng katahimikan, hindi alam ng bawat isa ang iaakto dahil may isa sa kanila ang hindi nakapasok.
Punung-puno pa naman sila ng pag-asa 30 minutes ago. Pagkatapos nila tumugtog. Bago maalala ni Jongdae na ngayong gabi ang releasing ng LAE results.
Kasinglalim ng gabi ang katamikan nila hanggang sa unang magbawi ng tingin si Jongdae at nakangiting bumuntong-hininga. “Buti na lang, ayoko na mag-aral ng apat na taon pa ano!” Wala sa sariling sambit nito para pawiin ang di kaaya-ayang atmosphere ng grupo nila.
“Yes, I’m finally free!“ Tuloy na pangungumbinsi ng lalaki sa kanyang mga kaibigan. “Makakapag-umpisa na akong magtrabaho! Habang kayo, lugmok pa kakaaral! I’d say, adulting Jongdae era!”
Pero parang sarili ata ni Jongdae ang niloloko niya?
“Para kang ewan,” komento ni Sehun mula sa sofa at dahan-dahang tumayo para maglakad palapit kay Jongdae. “Hindi mo kailangang magpanggap sa harap namin, timang na ‘to.”
“Oo nga, hindi bagay ang acting sa’yo, JD.” Sumunod naman at yumakap pa si Jongin sa dalawa at natatawang pinunasan ang luha ng mas maliit na kaibigan.
“Huwag nga kayo, mas hindi niyo bagay maging clingy. B, baka gusto mo akong tulungan sa dalawang kapreng to?”
Biglang nagising si Baekhyun sa panonood sa mga kaibigan at naiiling na natawa bago lumakad papalapit sa tatlong nagkukumpulang mga lalaki. Pero sa halip na tulungan si Jongdae, tinapik niya lang ang balikat ng matalik na kaibigan.
“Pambihira! Wala talaga akong kakampi dito! Chanyeol? May pag-asa ka pa.” Baling niya sa kanina pang tahimik na kaibigan at pinapanood lang silang mag-asal bata sa harap nito.
“Not a chance, JD.” Sa wakas ay salita ni Chanyeol at saka lumapit sa mga kaibigan hindi para sumama sa pagiging cheesy nila kundi para batukan ang mga ito isa-isa.
Except kay Baekhyun.
“Ina mo!” Sambit ni Sehun sa pinakamatangkad at bumitiw na sa wakas sa mga kaibigan. “Kay Baekhyun ka lang naman mahina eh,” pasaring nitong nakalabi pa.
Si Baekhyun naman ay naasiwang lumihis at sa halip ay nagsimula nang magligpit ng mga gamit. Alas dose pasado na rin kasi ng madaling araw. Uuwi pa siya sa bahay nila sa may Mandaluyong.
Kahit na nagpaalam siya sa mga magulang na gagabihin siya, kailangan pa rin niyang umalis na maya-maya. Mahirap pa naman ang papasok sa kanila.
“Uuwi ka pa?” Kahit obvious na ay tanong pa rin ni Jongin na bumalik lang sa pagkakaupo. Sa may malapit lang kasi ito nakatira kaya kahit mag-umaga ito magstay kila Sehun walang magiging problema. Paano naman siyang halos isang oras ang byahe mula QC hanggang sa bahay nila?
“Mag-overnight ka na lang dito, B. Hindi naman uuwi si Dad eh.” Singit ni Sehun habang inililigpit nito ang cord ng bass guitar nito.
“Hindi na, Six. Sabay naman kami nina JD sa may sakayan.”
“Oo din, Sehun. Hindi na ako pwede mag-overnight sa week na ito. Papagalitan na ako ni Mommy. Tsaka kasama naman namin si Chanyeol.” Sagot ni Jongdae na kahit hindi tignan ni Baekhyun ay alam niyang may malisyosong ngiti sa mga labi habang binabanggit nito ang mga huling kataga. Halata naman kasi sa tono ng maingay nitong boses.
“Okay,” hindi naman na pinilit ni Sehun ang mga kaibigan at saka bumaling kay Chanyeol. “Ikaw na bahala sa kanila, Park. Baka mapagkamalang highschool ‘yang mga ‘yan.”
“Ina mo Sixto!” Sabay na sabi ng dalawang inaasar at natawa ang lahat.
Na parang hindi kinabahan ng matindi isang oras na ang nakararaan.
Na parang hindi nagsipag-dramahan matapos makita ang results.
Na parang pagkatapos nilang labasin ang pintuan ng basement nina Sehun, walang malaking pagbabago ang mangyayari sa mga buhay nila.
Or that naka-isang hakbang na sila papunta sa pangarap nilang kinabukasan.
Na hopefully ay magkakasama pa rin nilang mararating hanggang sa huli.
Tanghali na nang magising si Baekhyun. Maalinsangan at maingay pero nakasanayan na niya ito. Buong buhay niya ba naman siya nakatira dito.
Lumabas siya ng kwarto niya matapos mailigpit ang pinaghigaan niya at nagtungo sa kusina nila para tignan kung ano ang kanilang almusal.
As usual, wala siyang nadatnang tao sa baba nila dahil malamang, nasa labas na ang kanyang mama, binabantayan ang maliit nilang sari-sari store sa may labasan nila. Habang ang papa niya naman ay hindi pa umuuwi galing sa duty nito bilang security guard sa isang government agency.
Humihikab pa siyang kinukuha ang kanyang bone mug para pagtimplahan ng kape nang makarinig siya ng nasusukang tunog sa kanilang CR.
“Mama?” Tawag niya sa ina ng mabosesan ito. “Okay lang po ba kayo?”
Hindi siya nakarinig ng sagot buhat sa ina pero nanatili siya sa labas ng kanilang banyo. Nag-alala siya dahil hindi naman mabilis magkasakit ang mama Sela niya.
Hindi naman nagtagal at lumabas na ang mama niya, sapo-sapo ang bibig, may bimpo sa mga kamay nito.
“Anong masakit sa’yo, Ma?”
“Okay lang ako, Baekhyun.” Sagot ng mama Sela niya habang naglalakad papunta sa kanilang mesa para uminom ng tubig. “Hindi lang kasi ito maiiwasan.”
“Anong hindi maiiwasan? Bakit?” Nagtatakang tanong niya, napansing unusual ang idinugtong ng kanyang mama.
“Naku,” nahihiyang panimula ng babae matapos makainom. “Hinihintay lang namin ng papa mo ang resulta ng LAE mo bago namin sabihin sa’yo ito. Pero nahuli mo na ako.”
Mas lalong pinangunutan siya ng noo sa narinig niyang iyon. “Ano ang dapat kong malaman?”
Biglang bumukas ang pinto ng kanilang sala at pumasok doon ang kanyang papa Leon na humahangos pa. Pagod na pagod mula sa night duty nito. “Good morning! Ang gandang bungad naman sa akin nito. Kompleto ang mag-iina ko.”
“Leon,” makahulugang tawag ng mama niya sa kanyang papa at sa bawat segundong pumapatak ay naiinip siyang malaman kung ano ang itinatago ng kanyang mga magulang.
“Baekhyun, halika rito.”
Kahit naguguluhan at nagdadalawang isip na humakbang, sumunod pa rin si Baekhyun sa ina. Pawing-pawi na ang antok at kinakabahan. May ideya na kasi siya sa sasabihin ng mga magulang pero idinadasal niyang sana mali ang hinala niya.
Minsan lang sila makompletong pamilya dahil halos lahat ng oras ng mga magulang ay iginugugol nila sa pagbabanat ng buto. At mangyayari lamang ang makakapagharap-harap sila ng sama-sama kung may seryosong bagay na dapat pag-usapan.
At isa ang umagang ito sa mga iyon siguro.
“Hangga’t maaari ay hihintayin nga namin ang resulta ng exam mo bago namin sabihin ito.” Panimula ng mama Sela niya at tumingin sa papa niya, magkahawak ang kanilang mga kamay. “Pero dahil nakita mo na ako, hindi ko naman na gustong isekreto pa ito sa’yo.”
“Ang alin, ma?”
“Buntis ang mama mo, Baekhyun. Magiging kuya ka na!” Wrong timing na pagbasag ng papa niya sa balita. Naexcite ito at hindi na nakapaghintay, na sobrang taliwas sa naging reaksyon ni Baekhyun.
22 na siya. At magsi-singkwenta anyos na rin ang kanyang magulang. Mukhang hindi na mabuti na madagdagan pa sila ulit ng isa pa. Konsiderasyon na rin sa katayuan nila sa buhay.
Pero bakit hindi na naisip iyon ng kanyang mga magulang?
Nanatiling tikom ang bibig ni Baekhyun. Wala ding emosyong mababakas sa mukha niya.
Dahil sa katunayan, hindi siya nasiyahan sa ibinalita sa kanya. At sa halip ay nadismaya pa siya.
“Walong linggo ng buntis ang mama mo. Hindi inaasahan pero grasya ang sanggol na dinadala ng mama Sela, Baekhyun. Hindi ka ba masaya para sa atin?”
Napapikit siya dahil gustung-gusto niyang sagutin ang ama ng taliwas sa inaasahan nitong sagot. Pero nagtitimpi lang siya dahil nirerespeto niya ang mga ito.
“Mukhang nabigla pa ang kuya sa balita natin, papa.” Pagsingit ng mama niya dahil hindi pa rin siya nakukuhanan ng mga ito ng reaksyon. “Mali ata ang timing namin, anak. Pasensya ka na.”
“Sa totoo lang po, hindi ako masaya.” Hindi niya na napigilang sabihin. Nakakuyom ang mga kamao, pinipigilan ang pagsidhi ng galit niya.
“Baekhyun!” rinig niya ang galit sa mataas na boses ng papa niya.
“Leon,” saway naman ng mama niya.
Pero dahil mana siya sa kanyang papa, katulad niya ring hindi ito magpapatalo sa laban.
“Naririnig mo ba ‘yang sinasabi mo? Hindi ka masaya? Bakit? Ikaw ba ang magdadala sa kapatid mo? Ikaw ba ang mag-aalaga sa kanya? Hindi namin ipinapaalam ang pagbubuntis ng mama mo na pwede mong tutulan. Sinasabi lang namin sa’yo bilang miyembro ng pamilyang ito! Anong karapatan mong mag-asal ng ganyan?”
“Opo. Ano pa nga po bang magagawa ko? Nandyan na ‘yan!” sagot niya. Ang anumang pagpipigil ay hindi niya na rin napigil pa. “Pero pa, ganito na nga tayo. Halos igapang natin ang pang- araw-araw natin. Parang mas lalo tayong mahihirapan ngayon dahil sa pagbubuntis ni mama.
Aspiring lawyer na ako, pa. Opo, pasado ako ng LAE. Kakayanin pa ba natin pagsabay-sabayin ang lahat?”
Natahimik ang kanyang magulang. Pero kitang-kita pa rin ni Baekhyun ang pagtitimpi ng papa niya. Para kung saan, ayaw niya nang isipin pa.
Kagabi, habang pauwi siya, ini-imagine niya na kung paano niya ibabalita sa mga magulang ang pagpasa niya sa UPCL. Masaya siguro sila. Magiiyakan habang nagtatawanan sa gitna ng yakapan.
Pero masyado ata siyang nag-isip ng mabuti. Exaggerated pa nga ata.
Dahil ibang-iba ang eksenang nangyayari ngayon sa iniisip niya kaninang madaling araw.
“Sana naisip niyo na mahirap magpalaki ng bata lalo na sa panahon ngayon. Sapat lang ang meron tayo, pag minsan nga, ipinagkakasya na lang. Paano pa ang dagdag gastusin sa pagpapalaki niyo sa kanya?”
“Hindi lang siya dagdag gastusin, Baekhyun. Kapatid mo siya!”
“Leon, tama na,” pinagitnaan na sila ng kanyang mama Sela. Wala kasing gustong magbaba ng tingin sa isa’t-isa. At mukhang tatagal ang sagutan nila kung hindi kikilos ang maybahay.
Hinihintay lang ni Baekhyun na isumbat sa kanya lahat ng papa niya. Pero hindi iyon dumating.
“Mag-aaral ho akong mabuti para makapagtapos ng abogasya. Pero hindi niyo po ako maasahan na isakripisyo ang lahat ng mga paghihirap ko para alagaan siya.” Sabi niyang tumakbo pabalik ng kanyang kwarto.
“Baekhyun,” tawag ng mama niya pero hindi na niya pinansin iyon. Hindi niya din kasi kayang humarap pabalik dahil tuluy-tuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha.
Selfish na kung selfish pero ang unang-una niyang naisip nang marinig ang balita ng mga magulang ay ang pag-aaral niya. Na baka kailanganin niya na ring huminto pansamantala o tumigil ng tuluyan na lang sa mga susunod na taon dahil kailangan niya na ring maghanap ng trabaho para makatulong sa pamilya niya.
Mas sumidhi ang kagustuhan niyang makapagtapos. Para makaahon sa hirap.
Pero paano niya iyon magagawa kung ang pamilya niya ang unang tumutulak sa kanya paibaba pa lalo?
“Ayun, disappointed sila Mommy dahil sa results pero inassure nila ako na okay lang. Pwede naman daw na related pa rin doon ang kunin kong trabaho. Since Public Ad naman tinapos natin, pwede naman ako magtrabaho sa mga law firms bilang Paralegal o sa litigation.”
Mahabang litanya ni Jongdae kay Baekhyun pero parang lumilipad lang ang isip ng kaibigan sa mga sinasabi niya.
Isang linggo matapos ilabas ang LAE results saka lang ulit sila nagkita ni Baekhyun. Tahimik lang ang kaibigan ng mga nakaraang araw kaya niyaya niya itong kumain sa labas.
“Ikaw, paano mo sinabi kila tita Sela na nakapasa ka? Nagpa-fiesta siguro si tito Leon, hindi ka man lang nag-imbita.” Pahaging niya dahil kanina pa no react ang lalaki. At dahil wala pa rin itong kibo, itinigil na niya ang pagpapaligoy-ligoy. “May problema ba B?”
Tinanong niya na ang kanina pa gustong sabihin sa kaibigan. Hindi kasi nag-oopen up si Baekhyun kung hindi mo ito tatanungin. Isa sa mga struggles ng kanilang barkada ay ang pa-aminin ang kaibigan. Hindi naman sa malihim ito, hindi lang nito alam paano magsabi ng mga alalahanin sa buhay ng hindi tinatanong muna.
At bilang matalik na kaibigan, gusto ni Jongdae na turuan ang kaibigan na magbahagi ng mga problema nito. Kahit hindi na sa kanilang lahat, kahit sa kanya lang o kanino man sa kanilang apat. Sinasarili kasi ni Baekhyun lahat.
Pero parang matibay na pader kasi ang lalaki. Hindi siya basta-basta natitinag. Iniisip tuloy nila, paano nito nailalabas ang mga iyon? Ano ang outlet niya?
“Gusto mo na bang umuwi?” Tanong niya na lang ulit, hindi naman niya pipiliitin ang kaibigan kung hindi pa ito handa magsabi.
At sa sinabi niyang iyon ay parang naalimpungatan sa pagkatulala si Baekhyun. “Ha? Akala ko ba dadaan pa tayo kila Six? Babalikan mo ‘yung journal mo doon diba?”
“Okay ka lang ba B?” Sa halip ay sagot niya. Mukha kasing mabigat ang dinadala nito. Gusto man lang niyang mabawasan iyon.
Ngumiti si Baekhyun pero hindi iyon umabot sa mata nito. “Okay lang ako. Parang hindi pa kasi nagsisink in sa’kin na magla-law ako. JD, kaya ko ba?”
Umirap si Jongdae at sasakyan na lang ang pag-iwas ng kaibigan. Hihintayin niya na lang magsabi ito kung kailan handa na ito. For now, ibi-build up muna niya ang confidence ng lalaki sa pagsabak sa law school.
“Kayang-kaya mo yan! Ikaw pa ba? Magna cum Laude ng NCPAG! Itaas mo ang bandera natin! Hayaan mo ‘yun si Park, talagang mamaw lang ‘yun! Pero madadaig ang matalino ng matalino at masipag!“
Natawa naman si Baekhyun at somehow, tunog genuine naman iyon sa pandinig ni Jongdae. Nakahinga siya ng maluwag dahil doon.
“Pasensya ka na, hindi dapat ako sa’yo nagtanong ng ganun. Parang ang insensitive ko.”
“Parang tanga ‘to! Hindi lang ako nakapasa. Pero alam kong deserve mo makapasok at grumaduate. Kaya tapusin mo ha, hanggang dulo. Ako magsasabit ng medal mo sa’yo!”
“JD! Wala pa ngang enrollment, graduation agad? Ang advanced masyado, baka ma-jinx!” Reklamo ni Baekhyun na kumatok pa ng tatlong beses sa mesa nila kahit fake wood lamang iyon.
“I-manifest mo na agad! Okay lang ‘yan para magkatotoo! Teka, kailan ba enrollment niyo? Sama ako!”
Inilabas ni Baekhyun ang kanyang cellphone para i-double check ang natanggap na email mula sa unibersidad kaninang umaga. Sa susunod na buwan pa naman ang enrollment pero kailangan nilang personal na magconfirm ng acceptance at magsubmit ng files para ma-evaluate ng College of Law board. Sa enrollment na rin nila malalaman ang block nila at mga subjects. At taos-pusong idinadasal ni Baekhyun na sana makasama niya ang mga kaibigan dahil kung hindi, mahihirapan siyang mag-adjust bilang isang introvert.
“Ikaw ba, kailan ka magu-umpisang maghanap ng work? Or magpapahinga ka muna? Ano bang balak mo?”
Uminom muna si Jongdae bago sagutin ang tanong niya. “Magpapahinga muna…habang naghahanap na rin ng work. Sayang din kasi baka makahabol pa ako na makatanggap ng 13th month pay sa November. Para maibili ko kayo ng kung anong kailangan ng mga babies ko.”
“Bwisit ka! ‘Yan talaga naisip mo!” Tawang-tawang komento niya, binato pa niya ng binilog na tissue ang kaibigan dahil sa kabaliwan nito.
“Hindi nga! Gusto ko kayong i-date that time. Feeling ko pagdating ng November, sukong-suko na kayo sa law school. No problem, ako ang bubuhay sa inyo!”
“Sigurado ka, ikaw magpapakain kina Six at Jongin?”
Kitang-kita ni Baekhyun paano mapaisip si Jongdae sa ibinira niyang sagot. Bluffer kasi ang kaibigan, siguradong hindi nito kakayaning mapakain ang dalawa sa mga kaibigan nila. Baka mamulubi kasi ito dahil halos mabankrupt ang mga eat all you can restaurants na napuntahan nila sa lakas kumain ng dalawa. Kulang na lang ay pagbayarin sila ng extra charge dahil halos simot ang mga nakahain sa buffet, isang beses na kumain sila sa isang seafood restaurant.
“Kakayanin. Para sa inyo, mga anak ko!” Patuloy na pagrole play ni Jongdae. Feel na feel nitong mag-ala “adult” since siya lang ang sasampa na sa adulting life habang sila Baekhyun ay mananatili pa sa school blues.
“Ewan ko sa’yo.” Iiling-iling na lang si Baekhyun bago ubusin ang house blend iced tea na order niya. “Anong oras tayo kila Sixto?”
Sakto namang tumunog ang cellphone ni Jongdae at pinanuod siya ni Baekhyun na sumimangot matapos mabasa ang message. “Wala daw siya sa bahay nila. Pumuslit na naman at naki-overnight daw kila Junmyeon. Siya na sagana sa love life!”
Natatawang magsimulang magligpit si Baekhyun. “Bitter masyado. Maghanap ka na rin kung nai-inggit ka!”
“Excuse me, hindi pa ako jowang-jowa. Ayoko naman ng ganun kila Sixto na suyo ng suyo ‘no. Parang mas madaming araw na in bad terms kayo kaysa sa good times. Pero nakakaasar lang kasi kahit ganun, tumatagal sila.”
“Hoy,” saway ni Baekhyun sa kaibigan. “Deserve naman nila maging masaya kahit patago muna sila. At susunod ka na din kaya antay lang. Malay mo, sa unang work mo siya makikilala.”
Natawa naman ng pagak si Jongdae. “Huwag ka nga, dyan. Ikaw nga tiklop kay Park eh. Ayaw pa kagatin kantyaw namin pero yung tension niyo, sobrang lala. Baka kayo talaga ha, isinesikreto niyo lang sa amin.”
“Tanga ka! Salawahan ‘yun eh, bakit ko siya jojowain? Halos i-date na niya buong student body ng UP ‘nung college.”
“Defensive mode on naman, B. ‘Wag ka pahalata.”
“Hindi naman ah, mga paandar mo, Jongdae. Hotseat bigla? Bini-build up ko na nga love life mo eh.”
“Eh bakit ba kasi awkward kayo? Apat na taon na ‘yan ah. Bakit walang improvement?”
“Anong awkward? Okay naman kami ah.” Pagtatanggol ni Baekhyun. Pero sa loob-loob niya, uncomfortable ang topic na napuntahan nila.
Barkada niya si Chanyeol, oo. Pero ewan niya, ang matangkad lang ang hindi niya close sa circle nila. Hindi niya kasi ka-block ang lalaki. At ang mga unang kaibigan nito ay sila Jongin at Sehun. Pero madali niya namang nakasundo ang dalawa. Baka sa lifestyle? Party boy kasi at kung sino-sino ang napapabalitang dinedate nito. Hindi niya din sigurado. Pero…ay, basta!
“Sige nga, kayo lang matira sa isang room, okay lang? Baka magkukumahog ang isa sa inyong lumabas, isang segundo pa lang ang nakakalipas?”
“OA kayo masyado. Alam niyo, pinupuna niyo kasi kaya ganyan. Pero okay lang kami, promise.”
“Sigurado ka? Baka umamin kang crush mo siya noon at hindi ka niya type kaya ganyan?”
Halos mabilaukan si Baekhyun sa tanong ng lalaki. Ang likot ng imagination ni Jongdae, sa totoo lang. Sana nai-channel niya iyon noong college sila, baka naka-Laude pa ito nung graduation nila.
“Hindi! Para kang timang talaga. Aalis tayo o iiwan kita dito?” Pagi-iba ni Baekhyun habang patayo na para makawala sa mapang-asar na tingin ni Jongdae.
“Ako unang tatawa talaga sa’yo Baekhyun Byun kung maging kayo ni Park.” Huling sabi ng kaibigan bago siya sundan papalabas ng fastfood restaurant.
“Hindi ‘yan magkakatotoo, JD. Kaya itigil mo na pangma-matchmake mo sa amin. Tropa-tropa lang tayo dito.”
Hindi naman kasi niya type si Chanyeol talaga. Hindi lang siya komportable maiwang mag-isa kasama ang matangkad. Kaya sana kung maka-block man niya ito sa enrollment, sana kasama pa nila sila Sehun at Jongin.
“Block 1 ako,” sabi ni Sehun habang tinitignan ang enrollment slip na hawak nito.
“Block 3 ako,” singit naman ni Jongin na humahangos pang dumating sa silong ng puno kung saan nila napagdesisyunang magkita-kita ng lunch.
Halfway na sila sa registration at konting pila na lang bago sila tuluyang makapag-enroll bilang first year law student. Pero dismayado si Baekhyun dahil mukhang hindi niya makakasama ang mga kaibigan. Block 2 kasi siya ayon sa slip na hawak niya.
“Asan na ba si Park?” Tanong ni Sehun na ipinampapaypay ang hawak nitong slip habang tinatakpan ng isa pang kamay nito ang mukha panangga sa mainit na sikat ng araw. Ayaw na ayaw kasi niyang mangitim.
Ang sabi niya, pumangit na siya at lahat, huwag lang siya mangitim!
Pasado alas-dose na at gutom na rin siya pero pa-importante na naman si Mr. Topnatcher Chanyeol Park. Matalino nga, di naman punctual. I-petition niya kaya sa Dean nila sa NCPAG na bawiin ang award nito noong graduation?
“Oh ayan na siya,” nakatinging sabi ni Jongin sa paparating na kaibigan. Malayo pa lang ito pero kita na nilang wala ito sa tamang gising. Nakakunot-noo ang lalaki at parang hindi makausap sa itim ng aura na inilalabas nito. Naka-all black pa ang suot!
“Bakit busangot mukha mo ‘dyan?” Tanong niyang nagpapaypay pa rin dahil pinagpapawisan na siya sa sobrang init. Napansin niyang napaatras naman si Baekhyun nang makalapit ang matangkad nilang kaibigan. Humahalimuyak kasi ang suot nitong pabango.
Asar na sumandal si Chanyeol sa bench na kinauupuan ni Jongin. “Cut off na daw kasi sa pila, ako na susunod. After lunch na daw ako bumalik sabi nung staff,” reklamo nitong tumingala at pinindot ang nosebridge nito.
“Syempre inaway mo. Nirecite-an mo siguro ng bill of rights o kung ano pang clauses sa consti.” Hula ni Jongin na natatawa pa.
Hindi naman sumagot si Chanyeol na malamang iyon nga ang ginawa. Hindi nga lang 100% tumpak ang sagot ni Jongin dahil hindi naman consti ang inihain niya bilang rebuttal sa staff. No noon break at iba pang policies ng government offices ang inilapag niya sa staff. At sa huli, ibinigay din ang enrollment slip niya matigil lang siya.
“Oh, nakuha mo naman na. Maglunch na tayo, gutom na ako.” Patiuna ni Sehun na nagsimula nang maglakad papuntang cafeteria nila. Mas malapit kasi ang lugar na iyon kumpara sa mga nakahilera sa kabilang dako ng Diliman.
“Parati ka namang gutom,” bira ng asar ni Jongin na napatakbo na rin dahil akmang aalayan siya ni Sehun ng black eye kung hindi pa siya kakaripas dahil sa sinabi.
Napatawa naman si Baekhyun na kanina pa nanahimik sa sulok. Para kasing mga bata ang mga kaibigan kung mag-asaran. Parehas naman silang matakaw kumain.
Bigla niya tuloy namiss si Jongdae na malamang isa sa may pinakamalakas na tawa habang pinapanuod nilang maghabulan ang dalawa nilang kaibigan ngayon kung nandito siya. Nasakto kasing interview nito sa isang firm na ina-apply-an nito kaya hindi ito nakasama gaya ng gusto nito. Top priority kasi ni Jongdae na makapasok sa firm na iyon kaya ayaw niyang magpass. Kikitain na lang siya nina Baekhyun mamaya matapos makapagpaenroll. Tutugtog din kasi sila sa bahay nila Sehun. Mahigit isang buwan din kasi silang natigil dahil abala silang magsettle sa kanilang mga buhay bilang graduates at soon to be law school students.
Nakarating sila sa cafeteria at puno na ang mga mesa. Matalas ang tinging ipinukol ni Sehun kay Chanyeol na parang model kung lumakad papasok ng dining area. Pero hindi ito alintana ng matangkad at dire-diretso lang ito. Pansin tuloy ni Baekhyun na pinagtitinginan silang mga bagong dating. Nahihiya tuloy siyang umusod para makatago sa likod nina Sehun at Jongin. Buti na lang matangkad ang mga ito.
“Wala ng seats. Bagal mo kasi Park eh,” komento ni Sehun na palinga-linga para humanap ng bakante.
“Ayun oh, mag-isa ni Minhyun.” Turo ni Jongin sa lalaking tahimik na kumakain habang nanunuod sa phone nito.
Lumapit sila dito at tinawag pero hindi ito kumibo. Hanggang sa tuluyan silang makarating sa tabi nito saka lang ito tumingin sa kanila. Tinanggal nito ang earpods nito at bumati. “Uy, kayo pala ‘yan. Upo kayo,” sabi nitong umusog pa para maka-pwesto silang apat.
Blockmates ito ng tatlo noong undergrad kaya si Baekhyun lang ang nahihiya sa lalaki. Although naging classmates sila sa ibang mga subjects, hindi naman niya ito naka-interact dati.
“Mag-aaral ka din pala ng law.” Pagbubukas ni Sehun ng usapan. Nakaorder na silang apat at kakabalik lang nila sa mesa. Hindi pa rin tapos kumain ang lalaki dahil abala itong manuod ng kung ano sa cellphone nito kanina. Ngayon ay nakaharap naman na ito sa kanila para makipag-usap.
“Oo naman, baka palayasin ako nila Dad kung hindi ako magla-law.” Biro nito matapos uminom sa coke in can na hawak nito.
“Oo nga pala, Dad mo pala ‘yung co-director sa Hwang & Sy. I know your struggles, bro.” Kunwari close na komento ni Sehun dahilan para i-rolyo tuloy ng tatlong natitira ang kanilang mga mata.
Natawa naman si Minhyun at umiling. “Biro lang, gusto ko din naman mag-aral ng law. Park, blockmates tayo ulit.” Baling nito kay Chanyeol na tinanguan lang naman ng isa.
Civil na siya ng ganun, okay. Yamot pa rin kasi siya dahil sa staff kanina. Although partly may kasalanan siya sa nangyari dahil tinanghali siya ng gising.
“May friend pala kami na may ongoing interview for vacancy sa firm niyo. Si JD, naalala mo ba siya?” Singit ni Sehun na sobra talaga FC sa lalaki.
“Siya ‘yung nakauno kay Judge Conde sa elective natin noong third year? Kayang-kaya na niya ang interview kina Dad.”
“Oo, kinontra ba naman si Judge doon sa lesson,” sabat ni Jongin na natatawa pa habang hinahalo ang sisig with rice nito na may 1 cup of extra rice pa sa side. “Ano palang block mo?”
“2,” sagot ni Minhyun at tuluyang inubos na ang iniinom na coke.
“Oh, blockmates din kayo ni B, sakto!” Naibulalas ni Jongin na muntik nang makapagpabuga ng kinakain ni Baekhyun.
Kung blockmates sila ni Minhyun, at blockmates si Minhyun at si Chanyeol, ibig-sabihin, kaklase niya din si Chanyeol buong law school years niya!
Naubo-ubo si Baekhyun na inaabot ang bote ng C2 na binili niya kasama ng lunch niya. Pero malayo sa kanya ang bote at halos mapanawan na siya hininga. Mabuti na lang at inabot ni Minhyun iyon dahil katapat niya ang lalaki sa mesa.
“Uy, dahan-dahan lang blockmate,” natatawang sabi nito habang pinapanuod siyang uminom ng iced tea mula sa bote.
“Dahan-dahan lang kasi! Hinahabol ka ba?” Saway ni Jongin na nag-abot na rin ng tissue kay Baekhyun pamunas nito ng bibig. “Ay oo nga, Park, block 2 din si B. Buti pa kayo magkasama.”
“Oo nga, may kasama ka na, B. Hindi ka na malulungkot,” gatong pa ni Sehun na may diin sa boses nito. “Tatlo na kayo ni Minhyun na maghahati-hati sa digests. Share niyo sa akin ha.”
Pigil na pigil ni Baekhyun irapan ang dalawang kaibigan sa pang-aasar nila sa kanya. Hindi niya na mahintay na matapos silang lahat sa pagkain, pagbubuhulin niya talaga sila mamaya.
“Sige, mukhang kayo pa lang kilala ko sa block section natin,” sabi ni Minhyun at nagsimula nang magligpit ng pinagkainan nito. Napansin ni Baekhyun na nilinis talaga ng lalaki ang space na nagamit nito ng mabuti. Saka ito nag-spray ng alcohol sa mga kamay nito pagkatapos.
“Sabay-sabay na tayong magproceed sa next steps ng enrollment. SUV naman dala ko, kasya tayong lima doon.”
“Yan, the best ka talaga, Minhyun Hwang! Sana pasado ka parati sa mga subjects na makukuha mo!” kantyaw ni Sehun na ikinatawa ulit ng lalaki, naiiling pa.
Halos mapatayo naman sa gulat si Baekhyun sa sipa ni Jongin sa kanyang paa sa ilalim ng mesa nila. “Gwapo no? Pero straight ‘yan. Huwag ka na ‘dyan.”
“Ina mo, Jongin! Anong pinagsasabi mo,” matalas na sagot niya sa may tenga nito. “Para kang timang, hindi ko naman type si Minhyun eh.”
“Eh sino type mo, si Park?” Napalakas na tanong ng isa dahilan para mapalingon ang natitirang tatlo sa mesa nila.
Kurot ang inabot ni Jongin mula sa kanya. Samantalang ang nadamay na isa pa ay patay-malisyang tinapos ang pagkain nito. Tawang-tawa naman si Sehun na siyang katabi ni Minhyun na parang nahihiwagaang palipat-lipat ng tingin kina Baekhyun at Chanyeol.
“Are they…” nahihiya nitong ituloy ang itatanong sana na sa sobrang suggesting, napahalakhak sina Sehun at Jongin na nakaagaw ng atensyon sa iba pang mga estudyanteng kanina pa ata sila jina-judge.
Napahinga na lang ng malalim si Baekhyun at parang walang narinig na nag-ayos ng pinagkainan, pero sa loob-loob niya, gusto niya na lang maglaho.
“No,” sabi ni Jongin sa gitna ng pagtawa. “Hindi sila, pero parang may nangyari between them kaya sila awkward, for that…hindi din namin alam,” dugtong nitong, nagpupunas pa ng luha kakatawa.
“Oh,” tanging sagot ni Minhyun at nakita ni Baekhyun kung paano ito nakipagpalitan ng mga makahulugang tingin kay Chanyeol.
Nayamot si Baekhyun sa itinakbo ng lunch time niya. Pero wala naman siyang masabi para kontrahin ang mga kaibigan. Dahil kahit mismo siya ay hindi masagot ang tanong kung bakit ba siya naa-asiwa sa matangkad na kaibigan.
“So, okay na ba kayo? Malapit na rin mag-1 baka mahaba na pila sa registrar.” Maya-maya ay yaya ni Minhyun na nakatingin sa rolex nito.
Parang mga walang ginawang kasalanan na nagsipagtayuan ang mga kasama nila Baekhyun. Nahuhulaan atang babawi siya sa mga ito kaya iniwan siya kasama ng mga blockmates niya.
Humanda na lang sila mamaya pagkarating nila sa tambayan nila.
“Baekhyun!”
Parang inang matagal na nawalay sa kanyang anak na tawag ni Jongdae sa kaibigan. Na-miss naman niya talaga ang lalaki. Kaba-kaba siyang nag-antay ng oras para sa kanyang interview. Buti naman at mukhang pasado naman siya sa HR kaninang umaga.
Bilang around QC lang din naman ang firm na pinanggalingan niya, nagpasya na lang siyang pumasok sa Diliman at kitain na lang ang mga kaibigan para sabay-sabay na lang silang magpunta kila Sehun.
Doon niya nakitang magkakasama ang mga ito sa may Sunken Garden. Mukhang mga hapong-hapo at init na init.
“Huy Minhyun, magla-law ka din pala!” Pansin niya sa anak ng soon-to-be-employer niya na kasama din ng kanyang mga kaibigan. Bigla niya tuloy naisip na what if akitin niya ito para ipasok siya nito sa Hwang & Sy?
Pero honor and excellence, ika nga ng sintang unibersidad nila. Kailangang legit ang kanyang employment, walang dungis ng backer system! Kinasusuklaman niya pa naman iyon.
“Yeah, kailangan eh.” Natatawa naman nitong sagot. “Galing kang firm? Kamusta interview mo?”
“Ayun na nga!” Pag-uumpisa ni Jongdae ng kwento. Sumingit pa siya sa maliit na espasyong inuupuan nina Baekhyun at Jongin. Na malamang, kinaanihan niya ng reklamo mula sa dalawa pero parang wala siyang narinig na nagtuloy magkwento.
“Mabait naman yung HR, mukhang may chance naman matawagan ulit for the second evaluation. At yun na ‘yung associate na makakasama ko sa firm ang magi-interview sa akin. Baka kilala mo kung sino, pabulong na lang ng ugali at work ethics para makapaghanda ako.”
“Sadly, hindi ko masyadong kilala mga associates ni Dad. Halos hindi din kasi ako doon nagagawi. Feeling ko, nape-pressure ako kapag pumupunta ako doon,” nakangiting sabi ni Minhyun.
“Same, bro.” Singit naman ni Sehun. “Parang mahihiya ka pang makasabayan sila sa elev kasi ang kakapal ng dala nilang files sa mga hawak nilang kaso.”
“Weh? Eh halos araw-arawin mo pagpunta doon para humingi ng baon. Pabibo ka talaga, Sixto,” komento ni Jongin para ibisto ang kaibigan. Nakikibagay lang kasi ito para hindi mawala sa usapan. Bida-bida nga kasi.
“Ina mo, kasama ka ba sa usapan,” kunyari ay naiinis nitong sagot pero tinawanan lang siya nina Jongdae at Baekhyun.
“Anyway, mauuna na ako. May pinapadaanan pa kasi sa akin si Mom,” paalam ni Minhyun na inayos na ang bag na dala.
“Sige, ingat ka. See you na lang sa class next month!” Sabi ulit ni Sehun na akala mo ito pa ang ka-block ng lalaki. Samantalang inis ito sa grupo ni Minhyun noong undergrad pa sila.
“Plastic ni Sixto. Ang kapal ng mukha,” bulong ni Jongin habang inihahatid ng tingin ang papalayong lalaki.
“Eh bakit, sila Aron lang naman ang ayoko. Mabait kaya ‘yan si Minhyun. Hindi snob at matulungin sa groupworks. Kung hindi niya kasama yung mga kaibigan niya eh di hinila ko sana siya sa atin,” depensang sabi ni Sehun.
“Naku, ayaw mo lang naman sila dahil naiinis ka kay Ren na out and loud ang pagkagusto sa’yo.” Sabat ni Jongdae at doon na nagsimula ang mas maingay at mas mahabang diskusyon kung bakit may issue si Sehun sa ibang ka-block noong undergrad.
Natatawa na lang si Baekhyun na pinapanuod ang mga kaibigan. Akala mo kasing parang hindi mga maga-abogado sa pagka-childish.
“Tuloy pa ba tayo?” Singit ni Chanyeol na walang emosyong mababakas sa mukha nito. Doon lang tumigil ang mga kaibigan sa kanilang pagtatalo.
“Libre ni Jongin pamasahe, ang daldal eh.” Pang-aasar ni Sehun na halos pagsimulahan ulit ng pagtatalo ng dalawa kung hindi lang sumingit si Jongdae.
“Sagot ko na 50% okay? Mga buraot kayo, kayong dalawa ang pinakamayaman sa ating lima pero ang sasahol niyo pa mamulubi!”
Makikisilong na
Magpapalipas ng ulan
Kwentuhan lang ang katapat
Pero mas masaya kung ilabas ang gitara
Umiindak pang kinakanta ni Jongdae ang lyrics ng napili nilang kanta. Siya rin kasi ang pumili nito. Feeling niya, calm before the storm ang nararamdaman nila bago sila sumabak sa kanya-kanyang daang tatahakin nila isang buwan mula ngayon.
Isinusunod din ni Jongin ang pag-headbang sa bawat pagstrum niya ng kanyang gitara. Katulad ng nararamdaman ni Jongdae, kinakabahan siya sa mga susunod na buwan na paparating. Kahit kagustuhan niyang mag-law, hindi naman kasi ito biro. Talagang papatunayan mong karapat-dapat ka bago ka makapagtapos. Hindi man siya ganun kagaling, alam naman niya sa sarili niya na kakayanin niya law school. At sana, sabay-sabay din silang magkakaibigan na makarating sa finish line.
Tumatambay at nagkakatitigan
Alam naman nila kahit na di mag-aminan
Tumatambay at nagkakaigihan
Ito ang ating kwento (abot tenga ang ngiti ko)
Ituloy mo lang ang kwento
At tayo’y gagawa ng kanta
Sabay ng pagtipa sa bass guitar ni Sehun ang pagtapik ng kanyang paa sa kanilang sahig. Siguro dahil sa pagpapalaki sa kanya ng mga magulang na kapwa nasa larangan ng abogasya, confident siyang tahakin ang law school. Kahit pa na UP College of Law ang napasukan niya. Sabihin na lang nating konti lang ang inaalala niya dahil may access naman siya sa mga bagay-bagay. Advantage na lang din ang background ng pamilya niya. Idagdag pang kasama niya ang mga kaibigan sa puntong ito ng buhay niya. Mula first year college hanggang ngayon, sanggang-dikit sila sa kahit ano pa man na mangyari sa kanila. Somehow, assured siyang magiging okay ang lahat.
Ramdam ni Baekhyun ang bigat na kanyang dinadala sa bawat pindot niya sa keyboard. Nakangiti man siyang nakaharap sa mga kaibigan, hindi ‘nun maitatago ang lungkot na nararamdaman niya. Oo nga at nakapag-enroll siya, pero hindi pa rin niya nakakausap ng matino ang mga magulang pagkatapos ng sagutan nila. Hindi pa rin kasi niya matanggap na madadagdagan ulit sila. Pero as long as kasama niya ang kaibigan at ang kanilang musika, kahit pansamantala ay nakakalimutan niya ang patong-patong nilang problema.
Tuma-tambay at nagkakatitigan
Binulong ko na to dati kung nakikinig ka lang
Tuma-tambay at nagkaka-igihan
Ito ang ating kwento (abot tenga ang ngiti ko)
Ituloy mo lang ang kwento at tayo'y gagawa ng kanta
Sabay sa pagkanta ni Jongdae ang bawat hampas ni Chanyeol ng drum sticks sa snare drum. Kalagitnaan ng kantang tinutugtog nila at kahit drum solo lang ang tunog ay hyped na hyped pa rin ang mga kaibigan. Siya rin kasi ang pumili ng tutugtugin nilang kanta bilang moderator ng grupo. Hindi kasi magkasundo ang natitirang apat sa pipiliin kanina dahil iba-iba ang gusto nila. At ang last resort ng grupo ay ang kung ano ang sasabihin niya, which is most of the time ay nagiging scenario nilang magkakaibigan. Never siya nagvolunteer magpinch in ng kanta.
Kung wala siya siguro baka naubos na ang oras ng mga kaibigan at hindi pa rin sila nakakapili. Yun ang role niya bilang drummer ng Malcolm Hall, tawag sa bandang nabuo nila noong first year out of sheer luck.
Hindi mahilig si Chanyeol sa mga school programs kaya yamot siya tuwing may ginaganap na student assemblies lalo na ang freshman orientation. Accustomed na siya sa UP traditions bilang buong buhay niya ay sa Dilaman siya nag-aral, around the area lang kasi ang bahay nila ng mama niya dati, until kinailangan nilang lumipat sa Makati dahil sa trabaho ng mama niya.
Bored na bored siyang lumabas ng hall nang makita niya ang dalawang magkaibigang parang nahihiya lang pumasok. Mga late siguro. Hindi niya pinansin ang mga ito at dire-diretso siyang bumaba sa sunken garden para matulog. Pabiling-biling siya sa higaan kagabi dahil siguro sa jitters. As if hindi pa niya alam kung ano ang kakaharapin niya bilang UP student.
Pagkarating niya sa favorite spot niya ay may dalawang matatangkad nang nakapwesto doon. Naglalaro ang mga ito at seryosong-seryoso ang mga mukha. Nang masilip ang kanilang screens, pigil pigil pa ang sarili niyang magsabi ng komento sa nilalaro nilang two-player mode na fruit ninja.
Mukha silang mga freshmen din kaya inignora na lang niya ang pag-okupa ng mga ito ng pwesto sana niya. At sa halip ay pumwesto sa ilalim ng puno na una niyang nakita. Pero kakapikit pa lang ng kanyang mga mata ng may umistorbo.
“Excuse me, tapos na ba ‘yung orientation? Kakarating lang kasi namin.” Sabi ‘nung isa.
“Kakasimula lang actually. Pwede naman kayong pumasok.”
“Ang tagal mo kasi JD, eh.” Komento ng isa na parang gusto na lang nitong umuwi kaysa makita ng daan-daang freshmen na late sa pagdating sa kanilang orye.
“Kakasimula nga lang daw, B. Wag kang praning.” Sagot naman ng nagtanong sa kaibigan saka ito lumingon ulit sa kanya. “Eh ikaw? Bakit ka nandito kung kakasimula pa lang?”
“Gago naman Sixto! You only have one job! One job at yun ay ang kunin yung mga extra time!” Singit ‘nung isa sa mga naglalaro.
“Ayos ah, mas madami nga akong nas-slice kaysa sa’yo eh. Ayusin mo kasi ‘yang paningin mo, chismoso amp!”
Nakakapagtakang nag-click silang lima kahit parang polar opposites ang kanya-kanya nilang personalidad. Basta ang naalala ni Chanyeol, napagbuklud-buklod sila ng musika kahit na abogasya ang hilig nilang lima.
Sakto na sigurong masabi na the rest is history ‘no?
“Baekhyun,” kakababa pa lang niya sa ikot nang tawagin siya ni Sehun na pinangunutan niya ng noo sa aga pumasok kahit na alas dose ng tanghali pa ang first class nito. 9 pa lang ng umaga.
“Anong ginagawa mo dito?” Takang tanong niya sa kaibigan habang hinahawi pa ang medyo mahaba ng buhok at tumutusok na sa mga mata niya.
“Makiki-sit in,” medyo hiya-hiya nitong sagot at sumabay sa kanyang maglakad papuntang Malcolm Hall. Kung saan ito ang magiging tahanan nila ng apat na taon bilang law school student.
Napatawa tuloy si Baekhyun at iniayos ang pagkakasukbit ng bag sa balikat niya. “Ayos ah, ang sipag naman, attorney. Hinay-hinay lang.”
“Simulation, tignan ko kung kakayanin ko,” natatawang sagot din ng mas matangkad. Nakatakip pa ang isang palad nito sa mukha panangga sa sikat ng araw kahit alas nuwebe pa lang naman at hindi pa mainit sa balat.
“Hindi ba dapat sa class schedule mo tignan? Swerte mo na nga sa sched mo this sem eh, palit na lang kaya tayo?”
“Bago kasi ‘yung sa hahawak sa inyo sa Basic Fieldworks. Eh kilala ko naman na si Atty. Sanchez sa amin mamaya. Makikikilatis lang sa inyo eh, ang damot.”
May intel na kasi itong si Sehun sa mga magtuturo ng law courses ngayong sem. FC sa mga Professors kaya akala mo memorize ang schedule ng lahat ng blocks ng batch nila.
Sa halip na sumagot, humakbang na lang si Baekhyun papasok ng Malcolm at nakita niyang nasa may bukana lang ng hallway si Minhyun…kasama si Chanyeol.
Close pala sila? Komento niyang napapaisip. Akala kasi niya ay hindi dahil sa naging obserbasyon niya noong enrolment nila.
“Minhyun, Park!” Tawag ni Sehun at napaatras tuloy si Baekhyun noong lumingon ang dalawang lalaking tinawag. Halos lahat kasi ng mga tao sa hallway ay nagsipaglingunan din.
“Uy,” Sagot ni Minhyun at tango lang ang isinukli ni Chanyeol sa kanila saka sila sabay-sabay pumasok sa classroom nila para sa una nilang klase. Basic Fieldworks in Law at “to be announced” ang instructor/Professor kaya curious ang lahat ng Block 2 sa kung sino. Maaari kasing guest Prof lang ito o kaya ay ikinubli lang ng College of Law talaga para hindi pag-enlist-an ng lahat kung silat na Prof ang magtuturo. Kahit kasi upperclassmen ay pwedeng maging kaklase ng mga freshmen sa kursong ito.
Pagkapasok nila sa loob ay mga mga gamit na sa teacher’s table. Prepared na rin ang projector pati ang screen. First day na first day pero magka-klase na ata ang Prof nila ngayon.
“Huy, dito ka nga! Sit in ka lang bakit sa harap ka uupo. Pabibo amp,” tawag ni Baekhyun kay Sehun na naupo na sa pinakaharap, harap mismo ng teacher’s table.
“Wag ka maingay! Camouflage ang tawag dito, B. Bakit ka nangbibisto dyan?” Sagot naman ng mas matangkad pero sumunod din naman sa kaibigan.
“Ang aga mo for your noontime schedule, Six. Pressure naman sa amin ang study attitude mo this sem,” komento ni Minhyun na natatawa pa.
“Sa umpisa lang ‘yan magaling. Next week baka ang pasok niyan ay maaga para bukas nang klase.” Singit ni Chanyeol na komportable na sa inuupuan nito.
“Tumigil ka nga ‘dyan, Park!”
“‘Wag nga kayong maingay! Nakakahiya baka madatnan tayo ng Prof.” Pagpipigil na Baekhyun sa kanyang mga kaibigan. Kanina pa din kasi nakatingin ang isa nilang kaklase sa may likuran nila. Matalas pa tumingin at parang naiirita na. Nahiya tuloy siya dito.
Tumigil naman na si Sehun at umupo ng maayos sa tabi ni Chanyeol. Bale ang nangyari, apat na armchairs sa isang row at ang nakaupo sa unang upuan sa may aisle ay si Minhyun. Katabi ito ni Baekhyun na hindi niya napansin kung paano nangyari. Na katabi naman ni Chanyeol at nasa duluhan na si Sehun. Doon ang perfect spot para ma-achieve ng lalaki ang “camouflage” agenda nito bilang isang sit in.
Halos sampung minuto na ang nakalipas pagpatak ng alas nuwebe at hindi pa rin pumapasok ang Prof nila. Mukhang buong Block 2 plus Sehun na rin naman ang nasa loob ng silid.
“Asan na Prof niyo, amp! Ang aga ko para dito tapos baka free cut pala,” malakas na bulong ni Sehun.
“Sit in-sit in pa kasi,” pasaring ni Chanyeol at inilabas ang cellphone niya. Sinilip niya ang kanyang twitter account para makibalita habang naghihintay. Nababagot na rin kasi siya. At naiinis na. Parang paimportante naman kasi ang Prof nila samantalang first day na first day.
No, hindi siya excited. Pero sayang kasi sa oras. Kung hindi ito sisipot, sana nag-announce. Para saan pa ang modern technology diba?
Usually, 15 minutes ang grace period, estudyante man o sa magtuturo. Pero nearly 30 minutes na ay wala pa rin ang Prof nila. Hanggang sa may isa nang tumayo sa likod nila. Kanina pa ito napansin ni Chanyeol na bored itong nagmamasid, mukhang antisocial.
Napansin din ni Sehun iyon kaya nagsimula na rin itong mag-ayos at akmang tatayo na. Pero muling humarap ang lalaking nauna nang tumayo kanina at tumigil ito sa likod ng teacher’s table saka may pinindot sa nakaset up nang laptop.
“I was actually waiting for someone to leave, it’s been 30 minutes but no mentor hasn’t shown up yet. I’m quite surprised to see no one did,” sabi nito sa pormal na tinig at huminto ang tingin sa nakatayo nang si Sehun. “Except for our sit in.”
Tumikhim si Sehun, nahihiya at muling naupo.
“I was told that UP students do this every time. Free cut? Tamad lang siguro magturo Prof niyo that time.”
Asar ang unang naging reaksyon ni Sehun. Ito ba ang guest Prof na sinasabi ng source niya? ‘Yung pinakabatang Junior Partner sa isang major law firm? Ang gaspang ng ugali. Outsider ngang maituturing dahil punung-puno ito ng bias laban sa UP.
“I’m Attorney Minseok Kim. Your mentor for Basic Fieldworks in Law this semester. My philosophy as a lawyer is to serve justice to my clients. And you have to do the same. After all, you all will become like me. And the first step you need to do to become one is to pass my course.”
Gustung-gusto nang umalis ni Sehun at hindi na patapusin ang sinasabi ng Atty. Minseok na ‘to. Wrong move na nag-sit in siya dito. Sinayang na nga nito ang 30 minutes nila, ine-erehan pa sila nito.
“Isang tango, Paps, lalayasan ko ‘to. Ang yabang eh,” bulong niyang lumapit ng mabuti kay Chanyeol na nakasimangot na rin. Outspoken kasi ang lalaki lalo na sa mga bagay na ayaw nito. Nagtataka pa nga si Sehun bakit hindi pa nagsasalita ang kaibigan.
“Parang gusto ko na nga rin mag-change mat. Wala ata akong matututunan dito.” Sagot naman ni Chanyeol na kinokonsidera talagang lumipat ng ibang klase o Prof. Sobrang na-badtrip siya sa attitude ni Atty. Minseok. Junior Partner ba talaga ‘to ng isang major law firm? Ang laki ng insecurity niya sa school nila eh.
Lumingon siya sa kanan niya at nakitang walang reaksyon si Baekhyun. Usually kapag ganun ang lalaki, ibig sabihin, badtrip na rin ito. Sino ba naman kasing hindi maiinis sa pakikitungo ng bago nilang Prof? Kung magturo na lang kaya agad siya?
Tumingin din si Chanyeol kay Minhyun at napansing nakikiramdam lang din ang lalaki. May konting amusement pa nga sa kung paano ito tumingin sa abogadong nakatayo sa harap nila.
“Alright before anything else, let me just share this information to all of you to disclaim any biases whatsoever towards one of your classmates. Besides being your Prof for this semester, I am also a full time lawyer at Hwang & Sy Law Firm. And therefore, I am somewhat related to Mr. Minhyun Hwang whose father is the co-director of our firm. Whatever will be his final grade in this class, it will be purely based on his performances as my student. I hope I made myself clear.”
Biglang napalingon si Baekhyun sa katabing lalaki. Hindi niya kasi kakikitaan ng ere ang blockmate. Kung hindi pa siya naremind ulit ni Atty. Minseok na si Minhyun ay anak ng co-director ng Hwang & Sy, hindi niya mare-realize na magkaiba sila. Kung ang katabi ay may generational wealth, siya siguro ay eternally damned.
Hindi niya ide-deny na bitter siya. Kasi bakit ganun? Bakit ang iba, favorite ni Lord. Tapos siya, halos hindi man lang mabiyayaan? Kung mapagbigyan man, parang labag pa sa loob ibigay yung swerte sa kanya. Pero hindi naman niya ituturing na kaaway ang katabi. Hindi lang naman kasi si Minhyun ang nakapaligid sa kanya na paborito ni Lord.
Ang mga kaibigan ay may sinasabi rin sa buhay. Si Sehun Oh VI nga na anak ng may-ari ng OS Law Firm. Si Jongin Kim na anak ng Mayor ng QC. At kung hindi nagkakamali si Baekhyun, may farm sila Jongdae sa probinsya nila. Hindi na siya magtataka kung ang kaibigan man ang magmamana ng management sa mga susunod na panahon. Panganay kasi itong apo. At si Chanyeol na galing sa family of doctors, palaisipan nga sa kanya bakit naisipang mag-abogasya ng kaibigan.
Napapaligiran si Baekhyun ng blessed na mga kaibigan. At natutuhan niyang tanggapin na mayroon talagang mga nakakaluwag-luwag at mayroong mga gipit na katulad ng pamilya niya. Pero sana nagkaroon man lang ng equal distribution of wealth noon diba? Para sana hindi naman masyadong malaki ang agwat ng mga upper class sa tulad nilang mga aliping saguiguilid, diba?
“Group of three daw, automatic na kayong tatlo,” singit ng boses ni Sehun sa balintataw niya. Napabalik tuloy si Baekhyun sa kasalukuyan at absent minded siyang napa-“okay” nang hindi naiintindihan ang mga bagay-bagay.
“The cases you will have to analyse will be given to you at our next meeting. 50% of your grade will come from this activity so I expect everything to put their best forward on this output. Three smart heads should produce the project. Not just one, and not even just two. I strongly condemn free riding, ngayon pa lang mag-drop na kayo or lumipat if hindi niyo kaya. I wouldn’t care.
Any objections? None? Class adjourned,” mahabang litanya ng kanilang Prof at nagsimulang umingay ang loob ng kanilang classroom galing sa pagliligpit ng gamit ng kanilang mga kaklase.
“Ganun ba talaga ‘yun, Minhyun? Ang angas eh, galit na galit sa mga taga-UP, san ba graduate ‘yun?” Asar na tanong ni Sehun habang nakalinya silang apat na palabas ng classroom.
“Don’t know eh. Pero siguro siya yung naririnig-rinig ko na terror Associate dati.” Sagot naman ng isa. At bigla siyang hinila ni Sehun para mapagiwanan sila nina Baekhyun at Chanyeol. Tuluy-tuloy kasi ang dalawa na naglalakad.
“Pero hindi ‘yan ang main concern ko,” bulong ni Sehun. Inakbayan pa si Minhyun para mas maibulong pa ang mga susunod niyang sasabihin. “Anong observations mo tungkol sa dalawang ‘yun?” Nguso niyang tinutukoy ang dalawang kaibigan.
“Ah,” naiintindihang sambit ni Minhyun at natawa. “How should I put it…may tension?” Sa sinabing iyon ng lalaki ay napatango si Sehun. “Hindi sila magkagalit pero parang hesitant sila pareho na i-acknowledge yung presence ng isa’t isa?”
“Napansin mong hindi sila nag-usap man lang, ano? The whole time, nakatalikod si B kay Park. Si Park naman, nakaharap lang sa akin. Paano na lang kung silang dalawa lang ang magkasama?”
“What really happened ba?” Curious na tanong ng lalaki kay Sehun.
“Walang alam ang barkada, honestly. Dini-deny nila pareho na awkward sila sa isa’t-isa pero halata naman. Kung hindi sa aming tatlo nina JD at Jongin, hindi mo mapagsasama ang dalawang ‘yan sa iisang kwarto.”
“Eh paano ‘yan, sila lang blockmates sa group niyo?”
Napangiti ng maluwag si Sehun sa itinanong ni Minhyun. “That’s where you’ll take the crucial role.”
“Ha?”
“Yes,” pagtutuloy ni Sehun, nae-excite sa iniisip na plano. “Bilang neophyte ng Malcolm Hall, ang misyon mo ay ang maging bridge ng dalawang ‘yun!” Taas-baba pa ang mga kilay ng matangkad na akala mo brilliant idea ang naisip. “Ano? G ka ba?”
Hindi mahulaan ni Sehun ang iniisip ng katabi dahil blangko ang ekspresyon ng mukha nito. Kaya laking gulat niya sa isinagot nito. “They, indeed, look good together. Kaso, kayo ngang four years nang magkakasama, hindi niyo sila maayos. Ako pa kaya?”
“Minhyun, my friend.” Iniangat ni Sehun ang brasong nakasampay sa mga balikat ni Minhyun sa ulo ng lalaki. “Ikaw ang pinaka-close na pinsan ni Park. Nakikinig siya sa’yo kahit third degree of consanguinity na kayo.”
“At hindi pa kami close ni Baekhyun. Baka maging intruder lang ako.”
Umiling-iling si Sehun at pinaharap ang lalaki sa kanya. “Look at me, Minhyun. You can do this! You can do it! Para sa dalawang kaawa-awang mga kaibigan ko.”
Natatawa na lang tuloy si Minhyun dahil niyuyugyog pa siya ni Sehun sa balikat. Determinadong mapag-matchmake ang mga kaibigan. Naniniwala siya sa sexual tension na lumalabas tuwing magkasama sila Baekhyun at Chanyeol. May pagtingin ang dalawa niyang kaibigan sa isa’t-isa.
Ipusta pa niya ang buong law school life niya!
“Hoy, ano ba ‘yan? May prayer meeting ba kayo ‘dyan? Tara na gutom na ako.” Putol ni Jongin sa kanilang pag-uusap. Kasama na pala siya ng dalawa at mukhang kanina pa sila hinihintay.
“I’m counting on you, man.” Tinapik pa niya ang kasama bago siya magpatiunang maglakad papunta sa mga kaibigan niya. At habang papalapit siya, nakatingin siya kina Baekhyun at Chanyeol na parang invisible ang isa’t-isa kung magturingan.
Napangiti tuloy si Sehun ng nakakaloko. Mag-aaminan din ang dalawa niyang kaibigan. At sila ang kikilos para mangyari ‘yun.
Ayoko na munang makita ka
Ayoko na munang makasama ka
Gusto ko sanang mapag-isa
'Di na yata tayo masaya
'Di na yata kakayanin pa
Gusto ko munang mapag-isa
Sobrang fitting ng napili nilang kanta ngayong gabi. One month into law school at gusto na nilang makipag-cool off sa lahat ng cases na kailangan nilang i-digest.
At kahit pagod na pagod sila araw-araw, hindi sila nawawalan ng oras para tumugtog. Ito na lang kasi ang outlet nila para makacope.
Napa-buntonghininga si Baekhyun. Pagod na pagod talaga siya. Pero parang may electrifying feeling na dulot ang bawat keys ng organ na tinutugtog niya. Somehow, nade-destress siya. Kaya kahit wala sa nakasanayan niya, sumasabay siya sa mga salitang kinakanta ni Jongdae.
Palayain ang isa't isa
Kung tayo, tayo talaga
Palayain ang isa't isa
Kung tayo, tayo talaga
Sa sobrang busy sa law school isama mo na ang kanya-kanyang personal na problema, sobrang nakakapuno na rin. Okay naman sila ng pamilya ni Baekhyun sa bahay. Simula nang magkasagutan sila three months ago, hindi na naulit iyon.
At iyon ang problema.
Dahil walang closure ang problema. Itinuring ng kanyang mga magulang na parang walang nangyari. At hindi alam ni Baekhyun ang gagawin.
Gusto niyang i-bring up ang nangyari. Pero simula ng ma-busy sa mga aralin, nabusy din ang kanyang mga magulang sa kani-kanilang trabaho. Siguro ay dahil ayaw siyang pag-alalahanin. At doon siya nagui-guilty.
Hindi pa rin niya gusto ang pagbubuntis ng mama Sela niya. Dahil nakikita niyang nahihirapan ang ina lalo na ngayong halos magdoble kayod sa pagbebenta ng kung anu-ano sa tindahan nila. Nag expand ito na magtinda ng home-cooked meals. Malapit kasi sila sa mga kompanya kaya maraming customers.
At alam niyang ginagawa iyon ng ina para paghandaan ang panganganak nito. Pati na rin maipandagdag sa pag-aaral niya.
Dagdag sa pagod niya ang pagkalungkot dahil sa nakikitang sakripisyo ng mga magulang niya. Kaya kahit pasuko na siya sa law school, mas humihigpit ang kapit niya sa pag-aaral.
Inaamin niyang wala siyang maitutulong sa mga magulang kung hindi ang mag-aral ng mabuti sa ngayon. At sisiguraduhin niyang susuklian niya ang lahat ng paghihirap ng mga magulang kapag isa na siyang ganap na abogado.
For now, kailangan niyang magmatigas pa ng kaunti. Para sa kanilang buong pamilya naman ang ginagawa niya.
Hinihingal siya pagkatapos nilang tumugtog. Para siyang na-restart na computer. Properly booted at running na ulit. Ito ang nagagawa ng musika sa kanya. Kaya sana maipagpatuloy nilang tumutugtog kahit halos hindi na sila makahinga sa dami ng gagawin.
“Grabe! Sobrang satisfying!” Narinig niyang naibulalas ni Jongdae matapos makahabol ng hininga. Maging ang lalaki kasi ay na-busy sa trabaho nito bilang litigation officer sa Hwang & Sy. Lalo pa at ang inaalalayan nitong partner lawyer ay ang kanila ring terror Prof na si Atty. Minseok Kim. Small world kung small world.
“Nice jam!” Nakangiting sambit ni Jongin habang ibinababa nito ang electric guitar sa stand at patakbong lumapit kay Sehun, isinampa ang sarili sa nakatalikod nitong kaibigan. “Nag-aaway na naman kayo? Parang simula magpasukan, hindi na kayo natigil ah.” Komento niya ng makita ang conversation ng kaibigan at ang kasintahan nito.
Malalim na buntong hininga naman ang isinukli ni Sehun sa kanya kaya humarap siya sa natitirang tatlong kaibigan. “Tara inom? Kailangan ata ni lover boy ng counseling,” sabi niyang bagamat may halong biro ay seryoso at determinadong nakatingin sa mga kaibigan. Automatic namang um-oo sila Jongdae, Baekhyun at Chanyeol.
Sa loob ng isang buwan, naka-ilang beses nang magkatampuhan sila Sehun at Junmyeon. Kawalan ng sapat na oras ang kadalasang nagiging rason ng pag-aaway nila. Madalas walang time si Junmyeon para kay Sehun. Kahit sobrang busy na din ng law school student sa kanyang mga digests ay naglalaan siya ng oras para sa kasintahan. Pero ni kakarampot lamang na minuto ay hindi pa siya mapaglaanan ng kasintahan.
Para silang LDR kahit less than thirty minutes away lang sila sa isa’t-isa. At imbes na magkatoon ng matinong usapan kapag nagkatugma sila ng schedule, nauuwi pa iyon sa away na hindi naman maayos na napagu-usapan sa huli.
Siya ang parating nagdedemand ng oras. Siya parati ang humahanap pero para silang naglalaro ng hide and seek. Hanggang sa napagod siyang sumabay sa galit ng kasintahan. Hanggang sa pinapabayaan na lamang niya sila kapag uminit na ang usapan.
Malapit na ba silang matapos?
“Eh paano ba naman, ang toxic niyong dalawa! Baka kailangan niyo muna ng space. Kaya hayaan mo muna ‘yang jowa mo. At ikaw, atupagin mo ang law school.”
Mahabang sagot ni JD matapos ikuwento ni Sehun ang nangyayari sa kanilang relasyon. Alam ng barkada ang secret relationship ng dalawa mula sa pamilya ni Sehun. Nagsimula sila bilang tutor-tutee highschool pa lang si Sehun. Bilang Public Ad graduate din ang nakakatanda, itinalaga si Junmyeon ng Dad ni Sehun na maging tutor ng nahuhuli.
“Hindi lang naman siya ang bumubuhat sa aming dalawa. Ginagawa ko din naman lahat para magustuhan siya ni Dad.” Sagot naman ni Sehun, halatang halata ang hinanakit niya sa kasintahan.
Masaya si Baekhyun para kay Sehun kahit patago sila ng kasintahan. At ngayong nakikita niyang nahihirapan ang kaibigan, mas tumitindi ang kagustuhan niyang i-forgo na lang ang pagpasok sa relasyon. Hindi sa iniisip niyang magjowa anytime soon. Ayaw niya lang maradaman ang nangyayari ngayon kay Sehun dahil unang-una, wala siyang panahon sa ganyan. Hindi niya na nga mapagkasya ang pag-aaral 24/7, makipagsuyuan pa kaya sa boyfriend?
Bumuntong hininga siya at napatingin kay Chanyeol na tahimik lang umiinom sa beer mug nito.
Muli niyang nasabi sa sarili na wala talaga siyang time magjowa.
“Tama si Jongdae, Six.” sa wakas ay sambit ni Jongin. Kanina pa kasi ito tahimik at pinapakinggan lang ang side ni Sehun. “Kailangan niyong dalawa magpahinga muna. Hindi na healthy eh. Sa kakademand mo ng time niya, nasu-suffocate siya. Iniiwasan ka niya, at akala mo nago-ghost ka na.”
“Pero kung hahayaan ko lang siyang umiwas, baka tuluyan na siyang mawala, Ni. Hindi ako makakapayag,” basag na ang tono na sabi ni Sehun at napaiyak na lang habang nakahawak ang isang kamay sa mga mata.
Alam kasi ng buong barkada kung gaano kamahal ng kaibigan ang boyfriend nito. Susuway ba naman sa Dad niya kung hindi? Malayo kasi ang agwat ng dalawa sa buhay. Anak ng dati nilang katulong si Junmyeon. Nakitaan ito ng talento at talino kaya pinag-aral siya ng Dad ni Sehun. At ngayon ay apprentice na nga ang nakatatanda sa OS Law Firm. Hindi din nila masisi ang lalaki kung ipa-prioritize nito ang career sa ngayon. Pero malungkot ding makita na nasasaktan ang kaibigan nila dahil din sa rason na iyon.
“Trust him. And trust the process. This is just a bump you both have to overcome.” Singit ni Chanyeol sa malumanay pero mababa nitong tinig. “Malaki din ang tiwala namin sa’yo na ayusin ito at ang sarili mo.”
Umakbay si Jongdae kay Sehun habang tinapik ni Jongin ang balikat nito. Si Baekhyun na awkward sa skinship ay ngumiti na lamang sa kaibigan. Tahimik na ipinagdarasal na lamang na magiging okay din ang lahat paradito. At si Chanyeol, binatukan lamang ang mga kaibigan habang natatawa.
Again, except kay Baekhyun.
“Panira ka talaga ng moment, Park.” Umiirap pang sabi ni JD na bumitaw na sa kaibigan at tinungga ang laman ng bote nito hanggang sa maubos iyon.
Pero natapos ang gabi na tuluyan na ring nagtapos ang limang taong relasyon nina Sehun at Junmyeon. Good thing, kasama pa rin ng lalaki ang mga kaibigang nagsipag-uwian na pero nagsipagbalikan ulit para damayan siya hanggang mag-umaga.
Ito yung mga panahon na naidadasal na lang ni Baekhyun na sana ay kasama niya ang mga kaibigan. Kaso off the grid si Sehun simula nung break up nila ni Junmyeon. Nakita ang potential ni JD sa Hwang & Sy kaya napapadalas siyang maisama sa mga court hearings at meetings. At si Jongin, MIA din. Halos hindi na sila magkitaan lahat.
Except silang dalawa ni Chanyeol. Blockmates eh.
At ang tagal din dumating ni Minhyun. Para tuloy silang tanga ni Chanyeol magkatabi nakaupo pero hindi nag-uusap. Wala kasi siyang maisip na sasabihin sa kaibigan.
Ano ba maganda? Na maalinsangan ba ang umaga? Kung traffic ba sa may terminal? Bakit hindi pa naiinuman ni Chanyeol ang tubigan niya? Nataposniya ba magdigest ng cases?
Inang yan! Hindi niya alam paano magsimula ng conversation. Bakit din kasi hindi mag-initiate itong si Chanyeol. Hindi iimik kung hindi tatanungin.
Ilang beses na rin niyang tinangka maglabas ng cellphone para magsearch ng “how to start a conversation with a friend” pero nahihiya siyang baka akalain ng isa na ini-ignora niya ito. Ilang beses niya na rin binasa ang mga labi para bumwelong magsalita pero nauunahan siya ng hiya.
Nahihiya siyang kausapin ang kaibigan niya ng halos limang taon na!
Sobrang ewan ni Baekhyun bilang isang kaibigan. Pero on his defense, introverted lang talaga siya. Doon siya sa pinakadulong part ng spectrum. Excessively introverted, at kung mas may hihigit pang superlative d’yan, ‘yun si Baekhyun.
Pero lumalabas na siyang gago kasi hindi man lang niya ma-acknowledge ang presensya ng kaibigan niya sa tabi niya. Na parang anino lang ang lalaki kahit more or less 6 foot tall si Chanyeol.
Pero bakit hanggang ngayon wala pa rin si Minhyun?
Matatapos na ang grace period nila pero wala pa rin ang kaklase. At hindi pa rin niya alam kung ano ang sasabihin niya kay Chanyeol. Magha-hi na lang ba muna siya? Tama, as a convo starter.
Huminga siya ng malalim at pumikit. Nag-iipon ng lakas ng loob bago magsalita. “Hi Ch-“
“Hi guys!” Nalunod ng humihingal pang si Minhyun ang naipong lakas ng loob ni Baekhyun para kausapin si Chanyeol.
Saved by the bell siguro.
“Bakit ngayon ka lang?” Tanong ni Chanyeol sa pinsan matapos itago ang cellphone nito sa bag.
“Traffic sa may bukana. May aksidente ata,” tugon naman ng isa pagkatapos makainom sa tumbler nito.
“At 9AM?” takang bulalas niya na ang intensyon lamang ay itanong sa sarili pero lumabas pala iyon sa bibig niya.
“You can go into an accident any time, B.” Nakangiting sagot ng kakarating lang. Sa maikling panahon ay naka-close niya na ang lalaki kaya okay na lang sa kanya na makigaya ito sa kung paano siya tawagin ng apat.
Tatlo pala, never kasi siyang tinawag ni Chanyeol sa pangalan niya.
“Edi mag-ingat ka dapat parati pala,” harmless niyang sabi bilang isang taong parating naf-freudian slip.
“Salamat blockmate. Pero borderline pa-fall ka, baka mami-interpret ko. Sige ka,” pang-aasar ni Minhyun na ikinatawa nilang pareho.
Walang kaso naman sa kanya kung ganun ang clapback ng lalaki sa kanya. Gaya ng sabi ni Jongin noong enrollment nila, straight ito. At mukhang may hinihintay lang bumalik kaya single pa rin ito ngayon.
Buti nga at meron si Minhyun, nililigtas sila ni Chanyeol parati ng nauuna sa pagiging awkward.
Oo, pagkatapos ng halos limang taon, inaamin na ni Baekhyun na awkward nga sila. Mas napansin kasi niya iyon pagkatapos nilang maiwang dalawa ng barkada. Biglang nailabas siya sa outsider’s point of view kaya nakikita niya na ngayon ang kung anumang nakikita ng mga kaibigan niya sa kanila ni Chanyeol.
At hindi niya alam kung ano ang gagawin para maayos iyon. Siguro hindi na lang? O kaya hayaan niya na lang na maging close sila sa pagdaan ng mga taon?
Wala naman siyang hinanakit sa lalaki. Hindi din naman siya galit dito. Hindi din naman sila nag-away dati. Kaya hindi niya din alam bakit sila awkward sa isa’t-isa.
Sadyang nahihirapan lang siyang i-approach si Chanyeol. Dagdag na din sa pagkailang niya ang pangangantyaw ng barkada nila sa kanila.
“B, patanong nga kay Park kung may extra copy siya ng cases. Naiwan ko ata yung akin,” siko ng katabi sa kanya kaya napahinto siya sa pagiisip.
Kanina pa pala pumasok ang Prof nila at nangangalahati na ang lesson nila. Mabuti na lang hindi pa siya natatawag para sa recit. Pero hindi ang naisip na recitation ang nagpakaba sa kanya. Kundi ang pagkausap sa isa pang katabi na kanina pa tahimik.
“‘Wag ka malikot baka makita tayo ni Atty. Paran. Kalabitin mo na lang siya,” pagsubok niyang umiwas at buti naman ay kinagat ni Minhyun dahil naiiling-iliang lang itong tumawa saka inabot ang pinsan nitong busy makinig.
Naramdaman niyang pinagpawisan siya ng malamig sa nangyari. Bwisit na Minhyun, na-brainwash na ata nila Sehun! Masyado ng maraming nalalamn ang lalaki, kailangan na niya itong patahimikin!
Kaya matapos ang klase nila ay hihilahin niya sana ang lalaki kaso nauna itong makapaglakad dahil naiihi na daw ito. Iiling-iling na lang si Baekhyun sa loob niya dahil tama nga ang kasabihan na “you really can’t have it all”. Gwapo nga ang lalaki pero maliit naman ang pantog nito. Madalas itong nagmamadali pagkatapos ng mga klase nila para magbanyo.
Naiwan tuloy ulit siya kasama ni Chanyeol sa labas ng classroom nila. Vacant kasi nila ng isa at kalahating oras pero napagkasunduan nilang tatlo na maglagi sa library para ipagpatuloy ang project nila sa klase ni Atty. Minseok. Sobrang pahirap ng ibinigay nitong gagawin. Kailangan na nilang umpisahan ang final output nila kahit kakasimula pa lang ng semester.
Pinapanood lang ni Baekhyun ang mga dumadaan sa hallway habang hinihintay nila si Minhyun. Napapitlag lang siya noong magvibrate ang cellphone sa bulsa niya. Kinuha niyo ang aparato para tignan kung sino ang nagmessage. Pangal ng papa niya ang nasa notification screen kaya agad niyang itong binuksan para basahin.
Anak, tawagan mo ako kapag nabasa mo ito.
Hindi naman basta-basta nagtetext ang papa niya kung hindi naman importante. Kahit pagloload kasi ay nasasayangan pa sila sa ipambabayad nila. Pangtext lang ang kadalasang pinipili ng papa niya. Siya naman ay ‘yung pang-isang ligguhan na subscription. Nagtatabi na lang siya sa baon niya kaya kahit papaano ay may maipampaload siya.
Agad-agad niyang i-dinial ang number ng papa Leon niya at hinintay magring ang kabilang linya. Pero isang automated voice ang narinig niya at hindi pumasok ang tawag niya. Expired na pala ang subscription niya. At wala siyang extra para magpaload ngayon.
Hihintayin na lang niyang bumalik si Minhyun para makitawag sa lalaki. Nahihiya kasi siya kay Chanyeol. Pero muling nagvibrate ang phone niya at galing ulit iyon sa papa niya.
Anak, tumawag ka kaagad ha. Importante.
Kinabahan na si Baekhyun dahil puno ng typos ang pangalawang message sa kanya ng ama. Tumingin siya sa matangkad na nakasandal sa may pader at lumunok para kapalan ang mukha. Hindi niya muna iisipin ang hiya sa ngayon.
“Chanyeol,” tawag niya dito sa maliit na tinig. Hindi tuloy siya narinig ng kaibigan. Para na siyang maiihi sa pinaghalo-halong kaba, hiya at pag-aalangan pero pinilit niya ang sarili. “Chanyeol.”
Lumingon naman ang lalaki na kababakasan pa ng gulat ang mukha. Hindi siguro nito inaasahan ang ginawa ni Baekhyun.
“Pwede bang makihiram ng phone? Makikitawag lang,” pikit-matang tanong niya. Dali-dali namang inabot ni Chanyeol ang phone sa kanya, naka-ready na sa dial pad.
“Hello pa, si Baekhyun po ito.” Sabi niyang nakatingin sa matangkad na kaibigan, lumapit kasi ito sa harapan niya, hinihintay din ang sagot mula sa papa niya.
“Anak,” sambit ng papa niyang nabitin pa sa ere ang susunod nitong sasabihin. Mukhang balisa ang ama sa kabilang linya. Hapong-hapo ang boses nito. “Anak, ang mama Sela mo. Nandito kami ngayon sa hospital.”
“Po? Anong nangyari kay mama? Saan pong hospital? Puntahan ko po kayo. Vacant ko pa, wala akong malilibanan na klase. Hintayin niyo po ako.”
“Anong nangyari kay tita, Baekhyun?” Tanong agad ni Chanyeol matapos niyang maibaba ang tawag.
Naiiyak siyang tumingin sa matangkad. “Hindi muna ako makakatulong sa project, kailangan ko lang puntahin sila papa.”
“Hey guys, tara na!” Sakto namang dating ni Minhyun dahilan para hindi makasagot si Chanyeol.
“Minhyun, pass muna ako ha. Kailangan ko lang umuwi saglit.”
“Saan ka naka-park?” Singit ni Chanyeol sa pinsan.
Nagtataka man ay sumagot naman ang isa pa. “Dyan lang sa may labas ng building.”
“Tara, hatid ka na namin, B.”
“Ha?” Wala ng time i-process ni Baekhyun ang sinabi ni Chanyeol. Pero napansin niyang nagpalotan ng makahulugang tingin ang magpinsan saka sila parehas na bumalik ng tingin sa kanya.
“Saang hospital daw dinala si tita?”
Pero hindi makasagot si Baekhyun. Hindi niya maprocess ang mga nangyayari sa paligid niya.
“Baekhyun?” Ulit ni Minhyun, hawak na ang car key nito. Ready sumibat sa saanmang hospital ang sabihin niya.
“Makati. Makati Med.”
“Nandoon si mama, tara na.” Hinila siya ni Chanyeol sa kanyang palapulsuhan. Patakbo nilang tinungo ang sasakyan ni Minhyun sa may parking. At agad din silang umalis pa-Makati.
Abot-abot ang kaba niya habang naghihintay silang makarating sa hospital. Idinaan na ni Minhyun ang sasakyan nito sa short cut. Kaya walang thirty minutes nang makarating sila doon.
“Mauna na kayo, park ko lang ‘tong sasakyan.”
At iyon ang ginawa nila. Mabilis na binuksan ni Chanyeol ang pinto sa gilid ni Baekhyun at iginiya siya sa may emergency room. Mabuti na lang at kasama niya ang kaibigan. Hindi din kasi niya alam ang pasikot-sikot ng hospital. Mabilis nilang napuntahan ang ER.
“Chanyeol, anak? Bakit ka nandito?” Salubong sa kanila ng isang ginang na halos kaedadan lang mga magulang niya. May kaunting pagkahawig ito kay Chanyeol.
“Si B, ma. Nandito daw parents niya.”
“Anong mga pangalan nila?” Agad namang dumalo ang mama ni Chanyeol sa kanya para tumulong.
“Sela Byun po. Buntis ang mama ko,” sabi niyang halos hindi na makahinga kakapigil sa paghikbi.
“Ah, sila ‘yung bagong pasok kani-kanina lang. Baka tinitignan pa siya ng OB. Chanyeol anak, hatid mo si B doon sa may mga bleachers. May coins ka ba dyan? Bilhan mo na rin siya ng maiinom.”
“Okay na ma. Ako na bahala sa kanya,” sagot naman ni Chanyeol na agad siyang hinawakan sa mga balikat para i-guide papunta sa mga upuan sa may dulong parte lang ng ER.
Tumayo ulit ito ang lumapit sa vendo machine sa may tabi ng pintuan at kumuha ng mga maiinom. Tatlong canned drinks para sa kanilang tatlo. Umupo din siya pagbalik sa tabi ni Baekhyun habang binubuksan ang isang bote at iniabot sa kaibigan pagkatapos mabuksan.
Humihikbi na pala ito ng mahina habang mabilis na pinupunasan ang mga luha. Nanatili namang nakaupo si Chanyeol sa tabi ng kaibigan. Tahimik lamang at naghihintay kasama ang isa.
Humahangos namang dumating si Minhyun. Saka ito inabutan ni Chanyeol ng isa pang bote ng maiinom. “Thank you,” sabi niya sa pinsan.
Ngumiti lamang ang lalaki at uminom. “No worries.”
Hindi rin nagtagal at nakita ni Baekhyun na pabalik na ang mga magulang sa ER at agad niya silang tinakbo. “Ma, pa!”
“Baekhyun, anak!” Bulalas naman ng papa niyang mamula-mula pa ang mga mata. Mas lalo tuloy naiiyak si Baekhyun pagkakita sa ama.
“Kamusta si mama?” Tanong niya ng makalapit. Hindi kasi tumutugon ang ina. Hindi pa din siguro ito nakakahuma sa nangyari kanina.
“Okay na siya. Pero ang kapatid mo,” pabitin pang sambit ng papa niya. Naiiyak kasi ito ulit.
“Anong nangyari sa ipinagbubuntis ni mama, pa?”
Humikbi ang mama niya sa tanong niya. At kahit hindi siya pabor sa pagdadalang tao ng ina niya, nagaalala pa rin siya sa safety ng kapatid at ng mama niya.
“Muntik na siyang mawala sa atin, Baekhyun. Muntik nang makunan ang mama Sela.”
“Kasalanan ko ‘to. Kasalanan ko ang nangyari,” histerikal na pag-iyak ng mama Sela niya.
“Ma,” hindi niya na mapigilang humagulhol. Nagpupunas na rin kasi ng luha ang kanyang papa. Pakiramdam niya ay kasalanan niya ang lahat. Kung naging mas understanding pa sana siya sa mga magulang, hindi sana magi-guilty ang mga ito. Hindi sila magpapagod kung tumutulong sana siya.
Ang selfish niya. Hindi niya naisip ang mga magulang. Hindi niya naisip ang magiging kapatid niya. Basta na lang niyang inuuna ang pansariling interes.
“Baekhyun,” malumanay na tawag ni Chanyeol sa kanya. Nakalapit na pala ang kaibigan nang hindi niya napapansin. “Gusto mong magpahangin muna?”
Kahit nahihiya, nagpatangay na lang din siya sa mungkahi ng kaibigan. Mas nahihiya kasi siya sa mga magulang. Ang sama-sama ng tingin niya sa sarili niya ngayon.
Iniupo siya ni Chanyeol sa isa sa mga plant boxes. Makapal naman kasi ang gilid ‘nun at pwedeng maupuan. Nakaharap sila sa puting pader na naghahati sa hospital at sa ibang mga establisyemento doon. Mahangin dahil may malaking puno sa gilid ng pader at kahit papaano ay naginhawaan si Baekhyun.
Ang peaceful ng pag-ihip ng hangin. Buti pa ito, parang walang mabigat na dinadala. Malaya at payapa.
Pumikit ng mariin si Baekhyun at nilunok ang parang nakabara sa lalamunan. “Parang all at once, nakita mo ang lahat-lahat sa akin,” sabi niyang nakatingin pa rin sa malayo. Pero alam naman nilang dalawa ni Chanyeol sa para sa matangkad iyon. Nandoon pa rin kasi ang lalaki. Nakaupo din sa tabi niya at nakatingin din sa puting pader.
“Kung hindi naman ako, sino pa ba ang sasama sa’yo,” ang tugon naman ni Chanyeol.
“Hindi ko sinasabi sa barkada. Kasi hindi ko matanggap.” Baling niya sa kaibigan at ngumiti ng tipid.
“It’s okay. I understand.”
“Kasi bakit? Bakit ngayon pa? Bakit pa? Okay naman kami ng tatlo lang. Bakit kailangan pa nilang dagdagan.
Hindi namin ma-afford ang magpalaki ulit ng bata sa panahon ngayon. Hindi ako pwedeng magsacrifice. Kasi maantala ulit ang pangarap kong maahon ko kami sa hirap. Mas lalo kaming magsa-suffer. Pero hindi nila ako maintindihan. Ang akala nila, nagta-tantrum lang ako.
Pero ngayon ko narealize na whatever happens, sila pa rin talaga ang dapat kong unahin. Kasi kami-kami lang ang meron ng isa’t-isa. Napapalayo ako sa kanila kakahanap ko ng pangarap ko. When in fact, kasama sila sa pangarap ko. Hindi ko dapat sila iniiwan lalo na ngayon dahil kailangan din nila ako.”
Ngumiti siya sa gitna ng mga luhang lumalandas sa mga pisngi niya. Finally, nawalan ng bigat sa dibdib niya. Finally, nakahinga siya ng maluwag. Masyado niya na palang binubugbog ang sarili sa mga pasaning dapat ay pinapakawalan niya.
Siguro dapat niyang matutunan magbahagi ng mga piraso niya sa mga kaibigang nagmamahal sa kanya. Dahil hindi siya nag-iisa. At handa silang iabot ang kanilang mga kamay kapag kailangan niya sila.
“I hope you’re feeling better.” Tipid na sabi ni Chanyeol pagkaraan ng ilang tahimik na sandali.
“I am.”
“Then let’s go back?”
Tumango si Baekhyun at nagpatiuna nang maglakad pabalik ng ER nire-remind ang sarili na magpasalamat sa kaibigan mamaya once maayos na ang lahat sa magulang niya.
Na hindi nangyari.
Moment of weakness lang pala kaya siya nakapag-confide sa kaibigan. At nang humulas na ang lahat ng vulnerability niya, naunahan ulit siya ng hiya.
Nagpaiwan na si Baekhyun kasama ang mga magulang at liliban na lang sa natitira niyang dalawang subjects para sa araw na iyon. Hinatid niya ang magpinsan hanggang sa makaalis sila ng hindi siya nakakapagpasalamat kay Chanyeol.
Sobrang hiyang-hiya kasi siyang mag-overshare ng tungkol sa kanya. Glitch lang ‘yun sa sanity niya bilang na-overwhelm sa mga emosyong nararamdaman niya nang malamang may nangyari masama sa mama Sela niya.
Kaya agad niya ding nakalimutan ang pagiging gago niya sa mga kaibigan nang makabalik sa ER. Nalulungkot pa rin ang mama niya sa muntikang miscarriage ng dinadala niya. At sobrang nagi-guilty si Baekhyun doon. Pakiramdam niya kasi, isa siya sa mga rason kung bakit sobrang napagod ang mama niya.
Tinitigan niya ang kanyang magulang na magkayakap. Naluluha pa rin ang papa niya habang nakatulala ang ina niya. Doon narealize ni Baekhyun na gustung-gustong magkaanak ulit ng mga magulang niya. Kaya sino siya para pigilan sila? Kung siya ang nasa posisyon ng magiging kapatid niya, hindi ba siya masasaktan kung malaman niyang ayaw siya ng magiging kuya niya? Na hadlang siya at dagdag pasakit lang ulit sa kanyang pamilya ang isilang siya?
Sa naisip ay nadurog ang puso ni Baekhyun. Ang selfish niya ngang talaga. Kaya lumuluha siyang lumapit sa mga magulang at yumakap sa kanila. Tahimik na humihingi ng kapatawaran sa mga maling inaasal niya bago mangyari ang lahat ng ito.
“Mahal na mahal ko kayo,” mahinang sambit ng kanyang papa habang nakakulong silang dalawa ng mama niya sa mga bisig nito.
Mas naiintindihan niya na ang lahat. Na hindi mababawasan ang pagmamahal ng kanyang mga magulang sa kanya kahit madadagdagan sila ng isa pa.
Matapos nilang kumalmang tatlo ay nagprocess na rin agad ang kanyang papa ng hospital fees. Hindi naman na in-admit ng hospital ang kanyang mama Sela dahil okay na na ito, sabi ng OB na tumingin dito.
Hanggang sa matapos ang lahat ng mga kailangan papeles sa hospital ay umasiste ang mama ni Chanyeol sa kanila. Kaya abot-abot ang pasasalamat ng kanyang mga magulang sa ginang. At kahit nahihiya si Baekhyun, niyakap niya ang Dra. para sa lahat ng tulong nito sa kanila.
“Walang anuman, hijo. Ibinilin ka ni Chanyeol sa akin at hindi naman ako masyadong busy kaya natutukan ko kayo. I would like to know you and your other friends more. Pwede mo ba silang i-gather para sa akin at magdinner tayo minsan?” Magiliw na imbitasyon ni Doc Yumi. At bilang nahihiyang tumanggi ay nag-“okay” na lang siya half-heartedly. Busy naman siguro parati ang ginang. At sila naman ay halos hindi na makahinga sa dami ng cases. Hindi naman siguro sa madaling panahon mangyayari ang dinner na sinasabi ng mama ni Chanyeol.
Kaya laking gulat niya nang ilang araw matapos iyon ay nagiimbita si Chanyeol. Pero more like ni-relay lang ang sinabi ni Doc Yumi bilang nagdisclaimer pa ito bago niya sabihin.
Sa kanya pa lang nasabi iyon ni Chanyeol kaya hindi niya alam ang isasagot. Hindi pa rin kasi nagpapakita si Sehun sa kanila. Habang halos hindi na din mabakante si JD sa trabaho. Active kasi si Atty. Minseok at madaming napuointang cases sa lalaki kaya pati si Jongdae ay bitbit nito kahit saan para mag-imbestiga. Si Jongin naman ay halos hindi na rin nila makita. Parati daw kasi nitong kasama ang isang blockmate nito aton kay Minhyun. Nakita daw kasi sila ng lalaki once habang nagpapark sa gilid ng Sunken. Akalain mong may kotse na pala si Jongin pero ayaw man lang mag-brake in kasama sila?
At paano niya papaunlakan ang imbitasyon ni Chanyeol eh mas naiilang siya ngayon sa kaibigan? Napapansin niya na nga ring parati silang iniiwan ni Minhyun ng silang dalawa lang. ganun ba kalala ang dead air sa pagitan nilang dalawa at nagiging uncomfortable na rin si Minhyun sa kanila?
“So ano? Pwede ka ba later? Ilang araw na rin kasi ako ginugulo ni mama.”
“I-gather muna natin ang barkada. Baka kasi hindi sila pwede.” Sabi ko namang nag-aalangan at hindi matignan ang kaibigan sa mata. Naaalala pa rin kasi niya ang nangyari three days ago.
Kabigan niya na si Chanyeol for almost five years pero ang pinakaunang-una niyang sinabi dito ay kung pwede ba siyang makitawag? Sobrang ewan! Second choice pa niya ang kaibigan dahil hinihintay niya talagang makabalik si Minhyun para manghiram. Peak gago era, diba?
“Alright, text ko si Se. Pakitanong na lang din JD.” Tugon naman ni Chanyeol na parang walang nakapagitan sa kanilang awkwardness. Maaari bang si Baekhyun lang ang problema in the first place at casual naman talaga si Chanyeol sa kanya?
Pero natapos na at lahat ang mga klase nila ay wala man lang nag-reply sa mga kaibigan. Nakakahiya man sa mama ni Chanyeol ay ayaw naman niyang pumunta mag-isa. Kaya humarap siya sa kaibigan para tumanggi muna. “Raincheck muna tayo? Wala sila eh.”
Hindi siya nasagot ni Chanyeol dahil bigla itong kumaway sa may entrance ng building. Nakita pala nito si Jongin. Nagmamadaling naglalakad papasok ng Malcolm. May kasunod itong lalaki na halos katangkaran lang ni Baekhyun.
“Jongin! Free ka later?” ‘Yun ang sabi ni Chanyeol.
Tuluyan nang nakalapit ang lalaki na hinihingal. “May class kami hanggang 6:30 eh,” malat pa ang boses nito. Napakunot noo tuloy si Baekhyun dahil parang nabagyo itong halos maging bird’s nest pa ang buhok sa gulo. Gusut-gusot din ang suot na t-shirt sa ilalim ng bomber jacket nito. At ang labi nito ay namamaga. “Sorry, next time na lang.”
Hindi na sila nakaangal dahil tumakbo na ito pa-2nd floor. Naiwan sila doon na nakasunod na lang ng tingin sa kaibigan.
“Alright, rainchek muna tayo, ako na bahala magpalusot kay mama.” Napabuntong-hiningang sabi ng kaibigan saka nagsimulang humakbang palabas pero humarap ulit sa kanya. “Pauwi ka na ba? Sabay na tayo.”
Biglang namawis ang kanyang kamay sa biglaang tanong ni Chanyeol. Ano bang gagawin niya? Anong isasagot niya? Nahihiya siyang um-oo pero mas lalo naman kung aayaw siya.
Bahala na nga. Dapat niya nang sanayin at tanggapin na parati silang magkakasama ni Chanyeol sa buong law school life na ito. Magka-block sila eh. “Okay.”
Hindi naman sila nahirapang makasakay. Hindi pa naman kasi rush hour ang 4:30 kaya pasado alas-singko pa lang ay naghahanda na si Baekhyun para bumaba ng bus. Malapit na kasi siya sa bababaan niya.
Nagcocompose pa siya ng mga sasabihin para magpaalam kay Chanyeol na abalang nanunuod sa mga ibang pasahero. Nasa may aisle kasi ito at siya naman ang nasa tabi ng bintana.
“Ah… Chanyeol, excuse me,” mahinang sambit niya na hindi niya alam kung nakarating pa sa pandinig ng matangkad. At base sa kawalan ng reaksyon nito, hindi nga nito narinig ang sinabi niya. Napakagat labi siya dahil ‘yun na lahat ‘yung lakas ng loob na inipon niya para magsalita. Pero hindi pala siya narinig.
Hindi na lang siya magpapaalam at tatayo na lang siya bigla. Kaya hinihintay niya na lang ang landmark na ginawa niyang queue para tumayo na.
Pero ilang metro pa lang ang layo ay humarap si Chanyeol sa kanya. “Malapit na babaan mo, B.”
Napaawang ang mga labi sa gulat na napatingin siya sa kaibigan. Utal-utal pa siyang sumagot saka tumayo para pumunta na sa pinto ng bus. “Ingat ka,” sabi niya bago bumaba ng tuluyan. Hindi niya din alam saan galing ‘yung urge na magsabi ng ganun kay Chanyeol samantalang sobrang hiyang-hiya siyang makipag-usap sa kaibigan.
Ngumiti lamang ang matangkad bilang tugon nang silipin ni Baekhyun ang pwesto nila pagkaandar ng bus. Napangiti rin tuloy siya na bigla niya ding pinawi nang marealize kung ano ang ginagawa niya. Ewan siguro ang second name niya at parati siyang ewan pagdating kay Chanyeol.
Naglalakad siya papasok ng eskinita sa kanilang bahay na lumilipad ang isip. Ina-assess niya ang improvement ng pagkakaibigan nila ni Chanyeol at kumbinsido siyang so far may development naman. Dati kasi hindi niya matatagalan ang presensiya ng isa ng silang dalawa lang ang magkasama. Ngayon naman ay nakakapagsabay na silang umuuwi.
Siguro next time na magkakasama silang magbarkada ay proud na siyang makipag-usap kay Chanyeol sa harap nila JD.
Malapit na siya sa bahay nila nang makita ang mama Sela niyang nagsasarado na ng tindahan nila. Kita na rin ang baby bump nito dahil nasa simula na siya ng second trimester niya. Kaya lakad-takbo siyang lumapit para tulungan na ang ina.
“Ako na, Mama. I-check niyo na lang po kung may naiwan pa kayo sa loob,” sabi niyang sinalo na ang medyo mabigat na takip ng harapan ng tindahan nila. Ngumiti lamang ang kanyang mama at bumalik sa loob para nga tignan ulit kung may kailangan pa silang kunin.
Hindi na nagawang magsorry ni Baekhyun sa mga magulang tungkol sa inasal niya sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis ng mama Sela niya. Habang buhay niyang dadalhin ang guilt sa kasalanang iyon. At sa halip ay mas magiging mabait siyang anak sa mga ito. Isang malaking kasalanan bilang anak ang ginawa niya at walang wala ang paghingi niya ng paumanhin para maging panatag siya.
Magkatabi silang naglakad pauwi nang bigla siyang tanungin ng mama niya tungkol sa law school. “Kamusta naman ang pag-aaral mo, anak? Hindi ka ba nahihirapan?”
Magsisinungaling si Baekhyun kung sasabihin niyang hindi. Halos mangalahati na ang sem at hirap na hirap pa rin siyang pagsabayin lahat ng mga klase niya. Hindi lang naman kasi iisang kaso ang pinapabasa sa kanila per subject at 24 hours lang ang meron sa isang araw kaya mahirap pagkasyahin lahat. Pero kinakaya niya. Pangarap niya ‘to eh.
“Okay pa, ma. Malapit na ang first long exam namin kaya kailangan kong i-manage ang time ko sa susunod na dalawang linggo para mareview ko lahat.” As if namang may ima-manage pa siya sa jam-packed niyang araw-araw.
“Tapos tumutulong ka pa sa mga gawaing bahay. Mamaya pagkatapos mong kumain, mag-aral ka na agad. Ako na bahalang maghugas ng mga plato at magsarado ng bahay.”
Napailing si Baekhyun. Hindi sang-ayon sa sinabi ng ina. “Ako na po, ikaw ang magpahinga na agad, mama. Maaga ka gumigising at buong araw ka pa sa tindahan. Kasama sa schedule ko ‘yung mga ginagawa ko sa bahay kaya okay lang.”
“Pero,” pakikipagtalo pa ng mama Sela niya pero hinila niya lang ang ina sa kabilang balikat nito para makapaglakad sila ng sabay.
“Huwag niyo na alalahanin ‘yun ma. Namamanage ko naman ng tama ang pag-aaral ko.”
Sa huli ay hindi na nagreact ang mama Sela niya at diretso silang pumasok ng kanilang bahay. Ang mama niya, pumanhik sa taas para magpahinga saglit at siya naman ay nagsimulang magsaing ng kanin. Isiningit niya ang magdigest ng cases habang hinihintay niyang maluto ang hapunan nila pero natapos pa rin siya sa lahat ng kailangan gawin ilang minuto bago mag-alas diyes ng gabi. Mala-late na siya ng tulog at maagang magigising pero hindi ‘yun alintana ni Baekhyun. Hangga’t kaya pa ng katawan ay ginagawa pa rin niya.
Kaya noong magsimula sila sa mga long exams nila, halos hindi na alam ni Baekhyun ang uunahin. Halos ma-late pa siya sa pagpasok sa mismong araw. Puyat at halos walang focus.
“Buti nakahabol ka, B!” Bati ni Minhyun na all set na sa upuan nito. “Sinasabing hindi na nagpapasok ng late comers si Atty. Benedicto sa exams.”
Hingal-hingal pa siyang umupo sa gitna ng dalawang kaklase. At tumingin kay Chanyeol na hinawakan pa ang upuan niya para hindi ‘yun gumalaw. “Sana pala nagsabay tayong pumasok para hindi ka na-late. Nagtext ako sa’yo kanina.”
Nakita niya nga ang message ni Chanyeol pero hindi niya na magawang magreply dahil abala siyang murahin ang sarili niya habang naghahanda sa pagpasok. “Late talaga akong nagising. Napuyat magreview.” Sagot niya na lang matapos makainom ng tubig. Tinakbo na niya kasi ang papasok ng Malcolm dahil natraffic ang sinakyan niyang ikot jeep sa may Palma Hall. May inter-school competition ata para sa mga high school at doon ang venue.
Matapos ang ilang saglit ay pumasok na rin ang guro nila at nagpalitan pa silang tatlo ng mga tingin dahil nga muntik na si Baekhyun. “Alright class, I want nothing but your ballpen on your desks. You have until the end of the class to turn in your exam papers.”
Dalawang oras naman ang klase nila sa subject na ito kaya kampante si Baekhyun na maayos niyang masasagutan ang exam nila. Magaan pa ang loob niyang inabot ang exam sheet na ipinasa ng nasa harapan niya. Pumikit siya saglit para magdasal saka binasa ang laman ng exam sheet nila.
Pero teka, bakit hindi niya alam ang case na ibinigay sa kanila ni Atty. Benedicto? Hindi niya naaral iyon. Inisip niya kagabi king ano ang mga dinigest niyang cases at naalalang halos ala-una na ng madaling araw siya natulog at hindi niya natapos ang mga kaso. May itinira siyang isa na babasahin sana ngayong umaga pero dahil late siyang nagising at natataranta na siya kanina, hindi niya nadala ang kopya niya ng case na iyon.
Which happens to be their exam this morning.
Paano na siya? Titigan man niya ang mga tanong, wala naman siyang mapipigang sagot dahil wala siyang ideya sa nilalaman na facts maging pati ang ruling ng korte sa kasong napili ng professor nila.
Nanginginig siyang tumitig sa papel na hawak niya para kalmahin ang sarili. Malalalim na hininga din ang kanyang binitawan bago marealize na may mga patak ng luha sa kanyang answer sheet.
Alam niya sa kanyang sarili kung gaano niya ginawa ang lahat ng makakaya niya para paghandaan ang LE na ito. Pero inang buhay ‘to wala nang naging tama para kay Baekhyun. Gaano pa ba kasapat ang dapat niyang ibuhos para maging maayos ang lahat para sa kanya? Ano pa ba ang dapat niyang gawin para maging tama at least, isang beses man lang ang lahat para sa kanya?
At bakit ba never siyang naging favorite ni Lord kahit sa anong aspeto ng buhay bilang isang tao? Gaano pa ba katagal dapat siyang magdusa?
Labinlimang minuto matapos maibigay sa kanila ang kanilang exam paper ay tumayo na si Baekhyun. Hindi niya na tatapusin ang oras ng klase nila para magpanggap na nasagutan niya ang exam nila.
“Tapos ka na agad?” Gulat at amused na bulong ni Minhyun habang nakayuko pero nakatingin sa kanya.
Ngumiti lang siya ng tipid saka lumingon kay Chanyeol na nagtataka ding nakatingin sa kanya. Tumango lang siya at walang emosyong naglakad papunta sa harap para ipasa ang papel. Assistant na lang ni Atty. Benedicto ang proctor kaya walang sabi niyang ibinigay ang blankong papel niya rito.
Nakatingin sa kanya ang lahat ng kaklase pero bagsak ang mga balikat niyang walang lingon sa paglabas. Naiiyak dahil bagsak siya sa unang LE niya sa klase ni Atty. Benedicto. Ibig sabihin ‘nun, kailangan niyang i-uno ang mga susunod na recits at LEs sa klaseng iyon para makabawi. Dahil kung hindi, uulitin niya ang kurso sa susunod na sem. Malaki ang chance na mag-extend siya ng taon sa law.
Naglakad siya dire-diretso, nanlalabo na rin ang kanyang paningin dahil sa namumuong mga luha sa mata pero hindi iyon tuluyang bumabagsak. Kahit sa pagkalungkot ay hindi siya pinapayagan ni Lord ng pagkakataon.
Pero hindi siya basta-basta susuko. Baka mapapakiusapan niya pa ang guro nila na bigyan na lang siya ng special exam para makabawi. Papunta siya sa Faculty Room para magbakasakali.
Nakita niya naman agad si Atty. Benedicto sa desk nito kaya tahimik siyang lumapit. “Prof Ben,” tawag niya sa pansin ng nakatatanda.
“Aren’t you my student for this class time? Tapos mo na ang exam niyo?” Taka itong nag-angat ng tingin mula sa kumpol ng mga papel na hawak nito.
“About that po,” sabi niya sa mahinang tinig. Kahit siya ay halos hindi marinig ang sinabi. Pero nanatili namang tahimik si Prof Ben para makinig kaya humugot siya ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang sasabihin. “I would like to request for a special exam. I was not able to read the given case and I’m afraid I won’t be having any answer on it so I opted to pass a blank answer sheet instead.”
Napataas ang kilay ng kanilang guro. “Were you not aware of our exam coverage? I believe I have fully disclosed the lists of cases the class have to review.”
“I am, Prof. However I was not able to read it due to time constraints.” Pikit-mata niyang sagot.
“Is this a negligence on my part, Mr. Byun?”
Bagsak ang mga balikat niya pagkarinig sa sagot ng Professor nila. “No Prof.”
“So was that a valid reason for me to give you a special exam when it was your time mismanagement that caused your unpreparedness for it? I’m afraid I can’t permit you with that kind of excuse, young man. Are we clear?”
Nanginginig ang mukhang pinigilan ni Baekhyun na maiyak sa harap ng guro nila. Bilang tugon, tumango na lang siya at mabilis na umalis dahil hindi niya alam kung hanggang kailan niya pa mapipigilan ang pag-iyak niya.
Suntok sa buwan ang pagbabakasakali niya. Napamukha pa niya ang sarili na iresponsable siyang estudyante sa harap ng Prof nila. Kumpirmado ngang ang middle name niya ay malas!
Napahagulhol na lang siya sa gilid ng Sunken Garden habang nakatago ang ulo sa gitna ng mga hita niya. Naglalaro sa isipan niya na bakit ba parati na lang siyang talo sa lahat ng mga bagay na ginagawa niya. Na bakit parating hindi umaayon sa kanya ang lahat. Dahil sa lahat-lahat ng readings nila bakit yung nag-iisang hindi niya nabasa ang lumabas pa sa exam nila? Hindi ba sobrang kamalasan naman ‘yun?
Iniisip niya tuloy kung para ba sa kanya talaga ang pagiging abogado. Na kahit ‘yun ang pangarap na gustung-gusto niyang abutin ay hindi naman talaga para sa kanya kaya ang dami-daming nangyayaring mali.
Eh ano ba dapat ang gagawin niya? Ano ba dapat ang para sa kanya?
Hindi na namalayan ni Baekhyun kung gaano katagal siyang nakayukyok ang ulo at umiiyak. Noong nangawit ang kanyang leeg at napagod sa kakaiyak saka lang siya nag-angat ng tingin at muntik pang mapatalon sa gulat dahil katabi niya na pala si Chanyeol sa gilid niya.
Pumaling siya sa kabila para itago ang namamaga niyang mga mata. Lumunok pa siya para itago ang pagas niyang boses. “Kanina ka pa?” Pahinto-hintong tanong niya dahil sisigok-sigok pa siya mula sa sobrang pag-iyak.
“Hindi naman.” Maikli namang sagot ng matangkad mukhang tinatantya pa niya kung pwede siyang manghimasok.
“Si Minhyun?”
Napakibit-balikat si Chanyeol habang natatawa. “CR.”
Muli silang natahimik, nakatingin lang sila sa harapan at pinapanood ang ibang mga estudyanteng palakad-lakad sa may Sunken. Okay naman na ang pakiramdam ni Baekhyun. Nakahuma na siya mula sa sobra-sobrang anxiety na nararamdaman niya kanina.
Huminga siya ng malalim at napapikit. Hindi sila naghahabol para sa susunod nilang subject dahil bakante naman nila. “Maybe law school isn’t for me.” Bigla niyang nasabi.
“Ha?” Gulat namang tanong ni Chanyeol. Hindi nito inaasahan ang sinabi ng isa.
“Mukhang hindi para sa akin ang maging abogado.” Ulit niya at muling bumuntong-hininga.
Namayani ulit ang katahimikan sa pagitan nila. Pero sandali lang iyon dahil nagsalita si Chanyeol. “This one LE doesn’t define your capability to be a lawyer, Baekhyun.”
“Iyon na nga. Unang LE pa lang ito pero hindi ko na kinaya. Paano pa ang mga susunod?”
“Losing your first chance isn’t a dead end yet. You can try again ang win the next attempts.” Nasabi na ba ni Baekhyun na attorney-in-the-making talaga si Chanyeol? Parati kasi itong may sensible comeback.
“And if I still fail? Where would it take me?”
“Eh bakit kasi failure agad? It’s just the first LE of your first semester in your first law school year, Baekhyun. You have the rest of the semester to make up for it.”
Nasabi na rin ba ni Baekhyun na parati rin siyang may sagot na negatibo sa lahat ng bagay? “I have already done the best of what I can do for this. Pero wala pa rin eh.”
“And that’s where you start to pick up where you left off. Pwede din tayong sabay-sabay magreview nina Minhyun para hati-hati na tayo sa mga digests. It’s not the end for you yet. Grit harder, Baekhyun.”
Napalabi si Baekhyun dahil naubusan na siya ng bala. Kung nasa loob sila ng korte, naipatalo niya na ang kaso laban kay Chanyeol.
“Kaya nga B,” singit naman ni Minhyun. Nakatayo na pala ito sa likod nila. At mukhang nakikinig sa usapan nilang dalawa. “Tulung-tulong tayo sa mga cases at sa mga digests. In that way, hindi tayo pare-parehong mabibigatan. Besides, three heads are better than one!” May ngiti sa labing dagdag nito habang nag-iinat pa. Na-maximize kasi ng dalawa ang oras para magsagot.
Umayos na ng upo si Baekhyun at nagpunas ng natuyong luha sa mukha gamit ang panyo niya. Mahirap naman talaga ang law school. Hindi lang talaga niya ine-expect na bukod pa sa hirap ng mga tinuturo, may mga uncontrollable variables pang mga nangyayari na mas lalong nagpapahirap ng lahat.
“Tara mag-brunch na lang tayo sa UP Town Center. Mahaba pa naman ang vacant natin.” Aya ni Minhyun nang makitang ayos naman na si Baekhyun.
Mabuti pa nga. Ikakain na lang ni Baekhyun ang nangyari.
Pero nabusog lang ang tiyan ni Baekhyun. Buong araw pa rin niyang dala-dala ang nangyari hanggang sa matapos ang huling subject nila para sa araw na iyon. Kung hindi lang sa mga random jokes nina Chanyeol at Minhyun, baka parang namatayan siya buong araw.
“Sabay ba ulit tayong uuwi?” Tanong ni Chanyeol nang hindi nakatingin sa kanya. Inaayos din kasi ng matangkad ang bag nito.
“Okay lang,” tugon niya namang hindi diretsong sinagot ang tanong ng kaibigan. “Ikaw Minhyun?” Balik niya naman sa isa pang kasama nila. Para kasi silang nakalinyang tatlo papalabas. Kaya magkakasunud-sunod lang sila.
“Susunduin ko daw si Mommy sa may Eastwood. Nandoon daw siya kasama ng mga kaibigan niya kaya mauuna na ako.”
“Okay,” sabay nilang sagot ni Chanyeol at tumigil muna sa may hallway para paunahin ang ibang mga estudyanteng palabas ng Malcolm Hall.
“Ingat!” Pahabol pa ni Baekhyun kaya ngumiti lang ang lalaki at nakisabay na rin sa iba palabas ng building.
“Mga tarantado!” Nagulantang si Baekhyun sa pasigaw na tawag ni Jongin sa kanila mula sa hagdan pa-second floor. Nagsipagtinginan tuloy ang iba sa lalaki at halos itago ni Baekhyun ang sarili mula sa secondhand embarrassment na nadama niya sa ginawa ng kaibigan.
“Ang ingay mo Jongin. Nakakahiya ka,” komento naman ni Chanyeol na nakakunot-noo na. Katulad din siguro siya ni Baekhyun na nahihiya para sa kaibigan.
“Ngayon na nga lang ulit makakapag-kita, kinakahiya niyo pa ako,” pamaktol naman nitong tugon. Pero umayos na rin ito maya-maya at seryoso na nakatingin sa kanilang dalawa. “Nagpapatawag ng meeting ang hukom.”
Inside joke na sa kanilang magbabarkada ang mga call names nilang “hukom” o kaya ay “alkalde”. Si Sehun ang hukom bilang gusto nitong maging isang Judge pagkatapos maglaw. Si Jongin naman ang alkalde, pang-asar lang bilang City Mayor ang ama nito. Pero hindi nabawasan ng itinuran ni Jongin kay Sehun ang tensyon sa sinabi nito. Halos dalawang buwan na ang nakalipas mula nang mabalitaan nilang nagbreak sila ng kanyang kasintahan. Hindi naman sila nagkulang sa pag-reach out sa kaibigan pero nanatiling unread messages ang mga ipinapadala nila kay Sehun.
“Kamusta na ba siya?” Nag-aalalang tanong ni Baekhyun sa kaibigan bilang ito naman talaga ang bestfriend ni Sehun.
Napabuntong-hininga si Jongin at nagpatiuna nang maglakad. “Unresponsive siya kahit anong tawag o text ko sa kanya. Hindi din niya ako nilalabas kapag sinasadya ko na siya sa bahay nila. Kaya nga nagulat ako na nagtext siya kanina. Kita-kita daw tayo sa basement nila.”
“Eh si JD? Nasabihan na ba siya?” Singit ni Chanyeol na naglalakad sa likod ni Baekhyun. Maluwag-luwag na rin ang hallway ng building nila kaya nagdesisyon na silang lumabas.
“Nagtext ako sa kanya kanina at susunod na lang siya kung malelate siyang uuwi.” Saad ni Jongin at huminto sa may parking.
“Hoy, dito ang labasan diba?” Biglang sabi ni Baekhyun.
“Naka-Cooper na siya, B.” Si Chanyeol na ang sumagot sa kanya at bumaling kay Jongin pagkatapos. “Sa wakas naman makakasakay na kami sa sasakyan mo!” Tinampal pa nito ng mahina ang likod ng kaibigan.
“Ina mo, Park! Hand me down nga lang eh!”
“Nice, iba na talaga ang alkalde ng QC!” Panggagatong ni Baekhyun saka sumakay sa back seat matapos i-unlock ni Jongin ang sasakyan gamit ang car key nito.
“Kay Tito Mickey ito! Mapapabili mo ba si Dad ng mamahaling sasakyan? Pinakakuripot ‘yun sa lahat eh!” Depensa naman ni Jongin na tahimik namang sinang-ayunan ni Baekhyun.
Naiingit nga sila nina Jongdae sa mga taga-QC dahil sobrang tino ng papa ni Jongin bilang Mayor ng siyudad. Ultimo pati sahod ni Mayor Kim ay halos ipamigay pa nito sa mga constituents nila pantulong sa mga nangangailangan. Mayaman lang talaga ang pamilya nina Jongin kaya afford nilang magka-Cooper, BMW at Benz.
“Isabay na natin si Mingyu pauwi. Baka kung saan-saan na naman magpalaboy-laboy ‘yun.” Dagdag nito habang nagmamaniobra. Kaya pala pinasakay nito si Chanyeol sa tabi niya. Akala niya ay inaasar na naman sila ng kaibigan.
“Buti pa nga si Mingyu parati namin nakikita around campus. Ikaw na ka-building lang halos hindi pa tayo magkakitaan ng anino.” Komento ni Chanyeol habang paikot sila sa may NIMBB.
Molecular Biology and Biotechnology kasi ang kurso ng kapatid ni Jongin na si Mingyu at nasa second year undergrad na ito. Kung hindi nalihis ng linya si Chanyeol, iyon din sana ang kukunin niya bilang pre-med. Pero dahil sa agreement nila ng kanyang Mama, tumuloy-tuloy siya ng Law.
“Busy lang. Parang kayo hindi magkandaugaga sa mga cases.” Sagot naman ni Jongin na abala sa pagmemenor dahil pakaliwa na sila sa may Regidor.
“Busy kamo sa jowa. Akala mo hindi namin alam?” Mapang-asar na sabat niya sa kaibigan. Napapansin kasi nila na parating may kasama si Jongin na blockmate nito. Mukhang lowkey sila dahil hindi sila PDA pero madalas nilang mahuli ang mga ito na bumababa sa sasakyan ng kaibigan.
“Hindi ko jowa si Kyungsoo.” Defensive mode on agad ang lalaki kaya mas lalong nilakasan nilang dalawa ang pang-aasar.
“Come on Jongin, hatid-sundo mo siya, hindi mo boyfriend? Hindi mo siya mapasagot?”
“Ang gago mo, Park. Hindi nga. He’s just a…” bigla itong tumigil dahil napapreno ito sa may kanto ng Quirino Ave. May mabilis kasing sasakyang dire-diretsong dumaan. Late na ata sa klase.
“He’s just a what?” Hindi makapag-antay na tanong ni Baekhyun. Ready na siya para hatakin ang buhok ng kaibigan sa anumang isasagot nito.
“Relax! He’s just a fubu. No more, no less.” Swabe pa nitong dagdag na may maliit na ngisi sa mga labi. Nagpalitan tuloy sila ng tingin dahil napansin nilang dalawa ni Chanyeol ang mukha ng kaibigan mula sa rearview mirror.
Mukha itong tangang nakangisi? Fuck buddies lang ba talaga ang turingan nila?
“Pustahan tayo, B kung sino ang unang mahuhulog.” Bulong ni Chanyeol na umabot naman sa pandinig ng nagdadrive.
“I can hear you, Park. Parang tanga sa pustahan. We’ve made it very clear before we started this set up. It’s a no strings attached thing. Clear at safe tayo dito,” sobrang confident pa nitong pag-dodge sa pang-aasar nila. Akala mo talaga ay sigurado ito sa sinasabi nito.
Nagmakeface na lang silang dalawa sa may backseat dahil hindi na sila makapagreact. Pasakay na kasi ang kapatid nitong naghihintay sa may gilid ng daan.
“Ang tagal naman kuya, may kailangan pa akong gawin para sa assignment namin.” Bungad ni Mingyu nang maisarado ang pinto ng passenger seat. “Hi mga kuya. Parang nakita ko lang kayo sa may UP Town kanina ah.” Nakangiti itong bumati sa kanila kaya mapapansin ang pagkakahawig nila ng kanyang kuya. Moreno din kasi silang parehas. Matangkad at maporma din. Mapagkakamalan nga silang kambal sa unang tingin.
“Parati ka na lang kumakain sa UP Town, huwag kang uutang sa akin kapag na-short ka sa allowance mo ha!” Banta ni Jongin na natatawa pa dahil inaambahan na siya ng suntok ni Mingyu.
“Ano ka, hati-hati naman kami ng mga kaibigan ko sa bayaran. Eh ikaw, puro pinagbalatan ng trojan ang pakalat-kalat sa Cooper. Mahiya ka naman kay Tito Mickey! Hindi niya ipinamana ang sasakyang ito para gawan mo ng mature and indecent roles!” Malakas na pang-aasar ng kapatid ni Jongin. Napamulagat tuloy ng mga mata si Baekhyun sa narinig.
“Hindi niyo ba naaamoy kuya Chanyeol, kuya Baekhyun? Amoy tamod itong Cooper. At least get a room! Hindi ka na nahiya sa mga kaibigan mo kuya!“
Halos mabulunan siya sa idinagdag ni Mingyu. Walang preno ito kung magsalita pero hindi inaasahan ni Baekhyun na ganito ka-prangka ang nakababatang kapatid ng kaibigan.
“Isa Mingyu, napakasinungaling mo!” Namumula na sa inis si Jongin at humarap sa kanila sa rearview mirror. “Hindi totoo ang sinasabi ng mokong na ito!”
Natawa na lang tuloy si Chanyeol habang siya ay hindi alam kung ano ang ire-react. Gusto niya lang naman ng kapayapaan sa Miyerkules na ito pero naeskandalo lang siya sa magkapatid na nasa harapan nila.
Buong byaheng nagbabangayan ang magkapatid at halos pababain ni Jongin si Mingyu sa tabi ng daan dahil hindi ito tumitigil kakaasar sa nakatatanda. Halos makalimutan tuloy ni Baekhyun na may kaibigan silang naghihintay sa kanila.
“Hinding-hindi ka na makakasabay sa akin, tandaan mo ‘yan! Bahala kang mag-commute!” Asar-talong pasaring ni Jongin sa kapatid pagkababa nito na ang tanging nakuha niyang sagot ay isang belat lang mula sa nakababata.
Natatawa na lang si Baekhyun na umayos ng upo sa backseat dahil lumipat na si Chanyeol sa tabi ni Jongin na dating pwesto ni Mingyu. Mukhang badtrip na ang driver nila dahil hindi na ito kumikibo at tanging mga kanta sa stereo na lang ang bumubuhay sa paligid nila.
At dahil malapit na lang naman na ang bahay nila Jongin kila Sehun kaya nakarating agad sila. Sakto rin namang kakarating lang din ni Jongdae na lulan pa ng isang kotse. Heavily tinted kasi kaya hindi nila mamukhaan kung sino ang nagdrive paalis.
Hindi naman overly curious si Baekhyun pero ito ang unang beses niyang makita si Jongdae na napakalawak ng ngiti. Parang sobrang saya niyang version ni Jongdae sa lahat ng nakita niyang pagkakataon sa kaibigan.
“Sino ‘yun?” Takang tanong niya sa kaibigan nang makababa mula sa Cooper ni Jongin. Nakita na kasi sila ng kaibigan kaya hindi ito tumuloy pumasok at hinintay na lang sila.
“Ha?” Pagmamaang-maangan pa ng isa. Pinaninkitan tuloy niya ito ng mga mata. “Katrabaho lang. Isinabay na ako dahil on the way naman daw ang pupuntahan niya dito.” Nailibot na ni Jongdae ang paningin sa lahat maliban kay Baekhyun kaya lalo siyang nagduda sa reaksyong iyon ng lalaki.
Pero hindi na muna niya iha-hot seat ang best friend. Mas mahalaga kasi sa ngayon kung kamusta na ba si Sehun. Ilang beses nilang tinangka kausapin ang kaibigan pero parati itong umiiwas. Pero ngayon, mukhang hindi na nito kayang dalhin ang dinadamdam kaya kailangan na sila nito.
Tahimik ang bahay nila Sehun nang papasukin sila. Mukhang wala pa ang Dad nito at tanging mga kasambahay lang ang kasama nito. Kaya dumiretso sila sa kwarto ng kaibigan dahil kabisado naman na nila kung nasaan iyon. Pero nagulat sila, lalo na si Baekhyun nang makita ang estado ng kaibigan na nakahiga sa ibabaw ng kama nito habang may hawak-hawak na bote ng alak.
“Gago, anong nangyari sa’yo?!” Nagmamadaling lumapit si Jongin kay Sehun. Maging si Jongdae na number one sa pang-aalaska sa lalaki ay natigilan. Mukhang lahat sila ay hindi inaasahan na magiging ganito kamiserable ang kaibigan.
Si Chanyeol ay lumapit din pero hindi nagsalita. At sa halip ay umupo sa may sofa sa gilid ng kama ni Sehun. Doon na lang din nagtungo si Baekhyun. Hindi niya din kasi alam ang sasabihin o gagawin.
“Akala ko ba okay ka lang? ‘Yun ang pinapasabi mo kapag nagpupunta ako dito! Eh ano ‘to? Bakit ganito hitsura mo ngayon?” Naupo na si Jongin habang hinahablot ang bote ng alak na tangan ni Sehun.
Naiintindihan ni Baekhyun ang matangkad. Ito kasi ang best friend ni Sehun. At hindi niya alam ang gagawin niya kung ganito rin ang mangyari kay Jongdae. Baka maiyak na lang siya kahit minsan-minsan lang siya makita ng mga kaibigan na ganun.
“It’s been two months, Six. You should need to move on. You should now take a step forward to heal. Hindi pwedeng ganyan ka palagi,” sa wakas ay sambit na ni Chanyeol. Hindi na maipinta ang mukha nito. Pero ang kabigan nila, tulala pa rin sa kawalan.
“Gagi, ampangit mo na! Sa tingin mo babalikan ka pa ni Kuya Junmyeon sa hitsura mo ngayon?” Sabi naman ni Jongdae kaya pinalakihan nila ito ng mata.
“JD!” Tawag niya dito at saka umiling. May tendency lang talaga ang best friend niya na umatake ng taliwas sa kailangang marinig ng kung sino man ang may kailangan ng payo. Pero hindi nila pwedeng i-tolerate na below the belt ang nasabi nito.
At dahil doon, nakakuha sila ng reaksyon mula kay Sehun. Humagulhol ito ng impit. Halatang pinipigilan lang ang sarili. “Gago, iiyak mo lang ‘yan.” Galit nang saad ni Jongin. Frustrated na rin ito sa nakikitang sitwasyon ng matalik na kaibigan.
“Mahal ko pa eh,” basag ang tinig na simula ni Sehun. At parang maiiyak na rin si Baekhyun nang marinig iyon. “Mahal ko talaga eh.”
“Eh paano mo nga siya makukuha pabalik kung ganyan ka?” Saad ni Chanyeol, mukhang nauubusan na rin ng pasensya. Tumingin si Baekhyun sa matangkad at sinusubukan niyang basahin ang seryosong mukha nito pero wala siyang makuha dito.
“I think I lost him forever.” Sagot namin ni Sehun na itinakip na ang braso sa mata nito. Ang mukha ay lukot pa rin dahil sa pag-iyak. “I thought I was doing the right thing to get him back but I was wrong.”
“Ano bang ginawa mo?” Kumilos si Jongin para paupuin ang kabigan mula sa pagkakahiga pero ayaw naman sumunod ng isa.
“Gumawa ka siguro ng eksena sa harap ng madaming tao. Or worse, sa harap ng bago niyang jowa?!” Excited namang sabi ni Jongdae. At gusto nang tapalan ni Baekhyun ang bibig ng kaibigan dahil parang oblivious pa ito sa kung gaano kabigat ang tensyon sa loob ng kwarto ni Sehun.
“JD, tama na ‘yan. Hindi ‘yan nakakatulong kay Six.” Awat niya sa kaibigan. Hinila niya na ito sa braso para makatabi ito sa kinauupuan. Nakalabi naman itong sumunod sa kanya.
“Tell us what happened,” pag-encourage ni Jongin para magsalita ang kaibigan. Huminga naman ng malalim si Sehun at akmang aabutin ang bote ng whiskey sa may bedside table pero maagap naman si Jongin na agawin iyon. “Enough of this! You’ve been using this to cope up. Gumising ka na, Sehun Oh!”
Umaalingawngaw ang boses ni Jongin dahil sa diin ng mga sinabi nito. Natahimik tuloy silang lahat dahil parang mababasag si Sehun kung magkamali naman sila ng sasabihin. Kaya binigyan na lang nila ito ng oras para magsabi.
“Binigyan ko siya ng space kasi baka spur of the moment lang ‘yung pagkakasabi niya na break na kami. Pero it’s been two months. Kaya pinuntahan ko siya sa condo niya kahapon. To beg and promise him that I’ll be better than I ever had. I vowed everything just to make him stay but we’re really over…for him.”
Ramdam na ramdam ni Baekhyun ang bigat na dinadala ni Sehun. Saksi kasi sila kung paano inalagaan ng kanilang kaibigan ang dati nitong kasintahan. Lahat “para kay Junmyeon” ang motto ni Sehun.
“I kissed him. Hindi ko siya kayang mawala at ipinarating ko ‘yun sa paraan na alam ko. And that kiss lead us to us having sex.” Pag-amin naman ng matangkad. Lahat sila ay napatanga sa sinabi nito. “And I thought it happened because there’s still hope for us. Pero naging cold siya kinaumagahan at sinabihan niya akong huwag ng magpapakita sa kanya ulit. And that no matter what I do, we will not be together anymore.”
Sa ikalawang pagkakataon, nabasag ang boses ni Sehun dulot ng kakaibang sakit sa dibdib nito. Na hindi niya alam kung paano papatigilin. Kung paano niya tatanggalin. Dahil para na siyang mababaliw sa sobrang sakit.
“Anong gagawin ko? Hindi ko kaya ng wala siya. Hindi ako papayag na mawala siya.”
“Paano eh sobrang toxic na nga ng relationship niyo.” Singit ni Jongdae na sa ikinagulat pa niya ay hindi sinalungat ng tatlong natitirang kaibigan nila. Totoo naman kasi.
Hindi healthy ang relasyon ng dalawa kahit noong nagsisimula pa lang sila. Kung tatanungin silang magkakaibigan, si Sehun lang ang bigay ng bigay sa kanilang dalawa ni Junmyeon. Pero hindi sila nakakarinig ng reklamo mula sa matangkad.
“Pwede naman namin i-work out ng hindi naghihiwalay bakit bumitaw siya agad?”
“You know what?” Naasar ng pagsagot ni Jongin. Sa kanilang lahat, ito ang mas nakakaalam ng mga bagay-bagay tungkol kila Sehun kaya mas matindi ang reaksyon nito ngayong nagkakaganito ang matalik nitong kaibigan. “Dahil kailangan niyong i-unlearn ang mga naging ugali niyo bilang magkasintahan. Hindi ba bigay ka lang ng bigay kay Kuya Junmyeon? At siya, kailan ka ba niya inalagaan? Parati na lang kayong nag-aaway kapag magkasama kayo. Pero hindi niyo naman nare-resolve ‘yung mga issues niyo. You, both, can’t work it out anymore.”
Tumawa ng pagak si Sehun. Tama nga silang hindi mo mapapansin ang nakikita ng iba na nasa labas na ng isang relasyon. Katulad ng kanila na parang isang hard pill to swallow para sa kanya. Ganun ba kalason ang relasyon nila at tanging break up na lang ang tanging solusyon para masalba silang dalawa?
Paano naman siya? Paano ang lahat-lahat ng nainvest niya para sa kanilang dalawa? Sino ang aako ng responsibilidad sa mga lahat ng nagawa niya para sa kanilang dalawa? Hindi niya matatanggap na isa lamang “lesson learned” ang nararamdaman niya para sa dating kasintahan. Mapait pa nga para sa kanya na ituring na lamang na dati si Junmyeon.
Sa naisip ay muling naluha si Sehun. Itinago na lamang niya ang mukha sa kanyang mga braso habang nakaupo na sa ibabaw ng kama niya.
“It was really hard to even think about letting go and moving on at first, Six. But you’ll be fine.” Tahimik na sabi ni Chanyeol.
“Tama! Trust the process. We’ll be with you on the way.” Pagsang-ayon naman ni Jongin. “Kaya bumangon ka na d’yan dahil hindi na tayo nakakatugtog. Tama na ang pagmumukmok.”
“Ang pangit mo na sobra, Six.” Singit na komento ni JD na hindi naman kinainisan ni Sehun. Bagkus, natawa pa ito sa kaibigan at nahawa na rin ang iba pa. “Ang baho mo pa, eew.” Dagdag nitong pindot-pindot pa ang ilong para i-exaggerate ang puna.
Wake up call na siguro ito para kay Sehun. Mukha ngang tumigil ang mundo niya simula noong ginawa niyang iyon si Junmyeon. Pinunasan niya ang mga bakas ng luha sa kanyang mukha at saka tumayo mula sa kinauupuan.
Kailangan niya lang palang makausap ang mga kaibigang tatlong buwan niyang pinagtataguan para sarilinin ang dinadalang problema. He feels lighter and better now that he’s with them.
Napatunayan niya na ngang ang apat na kolokoy na ito ang ride or die niya.
“Wow, na-miss ko ang amoy kulob na basement na ito!” Malakas na bungad ni Jongdae pagkapasok. Isang linggo matapos ang redemption ni Sehun saka lang ulit sila nakapagkita-kita para tumugtog.
Dati noong undergrad sila, halos tatlong besses sa isang linggo sila nakakapag-jamming. Ngayon, maswerte na ang once a week na session kung may oras pa sila.
“Gago, amoy kulob ka ‘dyan. Weekly ko pinapalinis ito para sa inyo!” Sagot naman ni Sehun. Abala nang kinakalikot ang bass guitar habang nakapatong sa mga hita nito.
“Asa! Si Atty. Oh ang nagpapalinis kamo!” Singit ni Jongin na dahil back to normal na ang kaibigan ay ganun din ito. Pero halos hindi pa rin mahagilap dahil sa studybuddy nito.
“Shut up! I-define mo muna relationship mo with your blockmate. Fuck buddies pa. Type mo naman.” Balik ni Sehun kaya natawa si Jongdae ng malakas.
“Tawa-tawa ka ‘dyan? Pakilala mo muna ‘yang ka-fling mong Prof.” Clapback ulit ni Sehun kay Jongdae.
Napangiti tuloy si Baekhyun habang pinapanuod ang mga kaibigan na nag-aasaran. Hindi pa man tuluyang okay si Sehun, malayo-layo naman na ang narating nito kahit isang linggo pa lang ang nakakalipas. Tama nga si Chanyeol, it gets better in time.
Pero sa kanya kaya, bakit parang hindi naman bumubuti ang lahat? Bakit parang hindi matapos-tapos lahat ng problema niya at bagkus, nadadagdagan pa ito?
Mas naging maselan pa ang pagbubuntis ng mama Sela niya ngayong nasa second trimester sila. At ang status niya naman sa subject niya kay Prof. Ben ay parang walang pag-asa dahil naging mainit siya sa mata ng Prof niya.
Buti na lang, parati siyang ginaguide nina Chanyeol at Minhyun sa mga digests. Oo, tinotoo talaga ng dalawa na tulong-tulong sila sa mga cases per subject. At dahil sa kanilang set up, magkakasama na sila most of the time. Feeling nga niya, nagkakapalitan na rin sila ng mga mukha.
And for the first time in five years, masasabi niyang, hindi na sila awkward ni Chanyeol.
Napakislot siya sa pagmumuni-muni nang sundutin siya ni Jongdae sa tagiliran. Buti na lang hindi siya yung tipong napapasigaw kapag nagugulat. “Dae naman! Anong trip mo sa buhay ha?”
“Kanina ka pa namin tinatawag! Ano ba iniisip mo at napapa-daydream ka dyan?” Mas lumapit pa ang kaibigan sa kaniya bago ibulong ang huling sasabihin nito. “Si Park ba?”
“Uy hindi ah, pauso mo talaga Jongdae. Doon ka na nga!” Defensive niyang sagot ngunit malakas na tawa na lang ni Jongdae ang tanging naani ng pagpapalusot niya. Alam niyang alam ng matalik na kaibigan kung kailan siya nagsisinungaling. Pero hinding hindi niya aaminin na tama ang kaibigan! Never!
Huminga na lang siya ng malalim habang nakapikit para pakalmahin ang sarili. Forte kasi ng kaibigan na i-take advantage ang moments of weakness niya. Nakangiti nga ito ng nakakaloka noong mapatingin siya dito. Nagkunwari na lang siyang walang nakita habang minumura ang kaibigan sa isip-isip niya kasabay ng pagtipa niya sa keyboard.
Sa wari ko'y
Lumipas na ang kadiliman ng araw
Dahan-dahan pang gumigising
At ngayo'y babawi na
Namayani ang banayad at malamig na boses ni Sehun sa apat na sulok ng basement nila. Siya kasi ang pumili ng piyesa na tutugtugin nila. At by default, ang pumili ng kanta ang siya ring magbibigay-boses.
Ito na rin siguro ang culmination ng pagiging immature niya sa loob ng relasyon nila ni Junmyeon. Ngayong nakalabas na siya sa bubble ng kung anong meron sila, nakita niya na at naintindihan niya na kung ano ang nakikita ng mga kaibigan niya noon. At kahit masakit man tanggapin, toxic nga ang naging pagsasama nila ni Junmyeon.
Narealize nga niyang kailangan nilang bumitaw para maisalba pa ang mga sarili nila. Kailangan na nilang ihinto ang di kaaya-ayang pagsasama na nabuo nila. At siguro, yung thought na lang na somehow, yung sa kanila ni Junmyeon ay nagpasaya sa kanya sa halos kalahatan ng pagkakataong nagsama sila ay sapat na para tumuloy-tuloy siya ng nag-iisa na lamang.
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin
Pero tang ina. Ang hirap pala talaga.
Sa tatlong hakbang pausad, parang atubili pa siyang humakbang pabalik ng isa. Hindi din kasi madaling kalimutan ang limang taon ng buhay niya ng may Junmyeon. Limang taon na ginawa niyang sentro ng buhay niya ang pinakaimportante sa kanya.
Andami niyang kailangang i-unlearn para makapagsimula ulit. May mga pagkakataon pa nga na automatic niyang imemessage ang dating kasintahan para lamang burahin iyon at titigan hanggang sa ma-convince niya ang sarili na wala na nga pala sila.
Panibagong adjustment. Kung dati ay halos by twos ang mga binibili niya, ngayon magdadalawang isip pa siya kung bibili pa ba o hindi na. Kasi may spare pa. Dahil wala na palang gagamit doon sa extra pair na nauna nang nabili niya.
Kay hirap nang maulit muli
Ang naiwan nating pag-ibig (alam ko na 'yan)
Tanggap na at natututo pang
Harapin ang katotohanang ito oh
Pero hindi naman pala siya nag-iisa. Hindi naman pala siya mag-iisa. Dahil kasama naman niya ang mga kaibigan habang kinakaharap niya ang pinagdadaanang ito.
Dahil all this time, kasama naman pala niya sila kahit habang may Junmyeon pa. Binabantayan pa rin siya at to the rescue sila sa kanya kung sa tingin nila ay napapalihis na siya.
At kaya niya nakakayang humakbang paabanye ay dahil din sa kanila. Kasi sa totoo lang, kung wala sila baka hanggang ngayon cooped up pa rin siya sa kwarto niya at naghihintay na lang lumipas ang mga araw. Kung wala sila, hindi niya kakayaning ipagpatuloy maglaw sa gitna ng pagiging pressured din since lawyer ang Dad niya.
Andaming aspeto ng buhay niya na naka-angkla na siya sa mga kaibigan niya. Kaya as long as humihinga siya, susuklian niya lahat ng mga bagay na ginawa sa kanya ng apat.
'Pagkat tuloy pa rin
Mabagal lang naman ang tempo ng tinutugtog nilang kanta pero humahangos itong tinapos ni Sehun ng nakapikit.
Punung-puno ng damdamin niya itong nilapatan ng boses. At matapos nilang matugtog ang pinakahuling nota, pakiramdam ni Sehun okay na siya.
Na okay lang na maglakad na siya palayo.
Na okay lang kung bumitiw na rin siya.
Dahil iyon ang kailangan niya.
“Nice one, Sixto! Ang ganda ng register ng boses mo sa lyrics ng kanta.” Komento ni Jongin habang malawak na nakangiti sa kanya. Hawak-hawak pa nito ang rhythm guitar na tinugtog kanina.
“Hugot na hugot ba naman kasi,” singit ni Jongdae na kahit mahihimigan ng pang-aasar ang tinig, makikita namang proud siya sa kaibigan.
“Masaya kaming sumasaya ka na ulit, Six.” Hindi mapigilang sambitin ni Baekhyun. Totoo ngang everything will be better in time. Siguro kailangan niya ring matutunan kung paano siya dapat unti-unting bumitaw sa mga alalahanin niya. Na hindi dapat niya kailangang buhatin lahat.
Kasi may kasama naman siyang mga kaibigan sa pagharap ‘nun.
“Hep, ayoko na umiyak! Lagpas na ako sa stage na ‘yun. Ang gusto ko lang ay tumawa at maging masaya parati!” Sambit ni Sehun habang iwinawagayway pa ang mga kamay ng pa-X.
“Talaga lang ha, Sehun Oh VI?” Natatawang tugon ni Jongin, tapos nang iligpit ang ginamit na instrumento. “Ang weird mo talagang tawaging Sehun Oh. Parang barkada ko lang si Tito at ang mga kanunununuan mo!”
“Sinabi mo pa! Pang anim na henerasyon nang ginagamit ‘yang Sehun Oh. Baka dapat na nating patigilin ‘yan. Baka umabot pa ng pang-dalawampu ‘yan?” Singit ni Jongdae na tinawanan tuloy nilang lahat.
As long as ganito silang lima, sapat na iyon para kay Baekhyun. Sila ang matatawag niyang silverlining sa gitna ng maproblema niyang mundo. Na kapag magkakasama sila, makakahinga siya ng maluwag kahit pansamantala lang.
“Don’t forget the dinner on Friday ha. Matagal na akong kinukulit ni Mama, utang na loob sumipot kayong lahat.” Paalala ni Chanyeol habang palabas sila ng basement.
“Oo na! Hahabol ako after work. Si Jongin ang sabihan mo. Baka unahin ang tawag ng laman kaysa sa atin.”
“Gago, iiwan ko lahat para sa inyo! Eh ikaw, tinatago mo pa ‘yang ka-fling mo. Parang hindi friends eh,” balik naman ni Jongin sa pang-aalaska ni Jongdae.
“Tama na ‘yan, mga bata. Magsipag-uwian na at baka gabihin pa kayo sa daan. Diretso ang uwi ha. Huwag na magpunta pa sa kung saan,” panggagaya ni Sehun sa kanyang ama sa mga panahong naaabutan sila ng nakatatandang Oh noong undergrad pa sila. Umani tuloy si Sehun ng tawa mula sa apat.
“Hindi mo bagay, Six.” Hagalpak ang tawa ni Jongin. Maging sila Chanyeol at Baekhyun ay halos hindi rin makahinga kakatawa.
“Hi, finally nakita ko na rin kayo ulit!” Masayang sambit ni Dr. Yumi Lee nang makarating ang lima sa restaurant kung saan ito nagbook ng reservation.
Maliliit na hakbang at nahihiyang mga ngiti lang ang tugon ng apat habang si Chanyeol naman ay sinalubong ng yakap at halik sa pisngi ang ina.
“Good evening po, Ma’am. Thank you po for the invite.” Nilakasan na lang ni Baekhyun ang loob para batiin ang ginang. Halos ayaw kasi magsalita ng tatlo.
“Baekhyun, hijo! Muntik na akong magtampo sa’yo, akala ko ayaw mo na akong makita.” Sagot ng nakatatanda dahilan para mamilog ang mata ng tatlo pa niyang kaibigan. Hindi pa nga pala niya nasasabing buntis ang mama niya at malapit nang manganak dahil sa halo-halong iniisip. At yun ang rason kung bakit niya madalas i-meet ang mama ni Chanyeol.
“Naku Doc, hindi naman sa ganoon. Na-busy lang po sa law school.”
“I know, parati ngang sinasabi ni Chanyeol na busy kayo parati. Pero let go of all your law school worries for a while and enjoy the food. Masasarap ang mga pagkain nila dito. Ikaw din JD, mag-unwind ka muna from your work. Ang babata niyo pa pero stressed na stressed na kayo.”
“Tita, JD finds pleasure at work po. Kaya hindi ‘yan stressed kasi nakakalandi during office hours,” singit ni Sehun na hindi alam ng apat kung saan nakuha ang energy para dumaldal when minutes ago para silang mga tutang maamo dahil sa hiya sa mama ni Chanyeol.
“Is that so?” Amused namang turan ng ginang. “It’s good to actually feel motivated at work. Okay lang naman ‘yung mga ganyan. But when it starts to get serious, of course, set some boundaries para hindi naco-compromise ang professionalism.”
“Yes tita.” Nahihiyang sagot naman ni Jongdae at matapos ay sinamaan ng tingin si Sehun.
Maayos naman ang daloy ng kwentuhan nila sa gitna ng hapag. Nakakatuwa lang na easy-going si Doc Yumi at nakakasabay siya sa kanila. Maging ang naging maikling banter nina Jongdae at Sehun ay kinaaliwan nito.
“May boyfriend si Sehun, no? Sayang, he and JD look so cute together.” Sambit ng ginang nang maiwan sila ni Baekhyun na dalawa sa mesa. May sinagot kasi na tawag si JD kaya lumabas. Si Chanyeol at Sehun naman ay nagpunta ng washroom. At si Jongin ay nag-oorder ng takeout. Nalaman kasi ni Mingyu na naroon sila sa paborito nitong restaurant at nagpapabili ng pagkain sa kuya nito.
Natawa naman si Baekhyun. “Kung alam niyo lang, Doc. Halos magpatayan sila most of the time.”
“Hay, some relationships start with how they are with each other. Hindi ako magtataka kung sila ang magkakatuluyan sa huli.”
Napakamot sa ulo si Baekhyun. “I don’t know, Doc. Mukha silang aso’t pusa eh. Parating nagka-clash. And relationships within a circle can be a hassle.”
Sa sinabi ay nakuha ni Baekhyun ang atensyon ng nakatatanda. “Paano mo naman nasabi ‘yun?”
“When things starts to go downhill, hindi lang sila ang apektado. Lahat ng parte ng barkada ay madadamay. It can make or break the friendship.”
“Ganun? Sayang naman, you and Chanyeool look good together. Wala palang pag-asa.” Parang malungkot pa na tugon ng ginang.
“Ha? Friends lang kami ni Chanyeol, Doc.” Defensive naman si Baekhyun. Parang lumalabas tuloy na ayaw niya ang anak ng nakatatanda. Kayadinagdagan niya ang sasabihin. “We’re very good friends. And I hope we stay that way.”
“He won’t stand a chance if ever?” Natahimik siya. Mabait si Chanyeol. Gwapo, matalino, magaling sa acads. Package nga siya kung ituturing. Pero hindi naman kasi niya ito nakikita bilang isang partner. Kaibigan niya kasi ang matangkad. Bakit niya bibigyan ng malisya ang pagkakaibigan nila?
“I’m just kidding.” Bawi agad ng ginang sa pananahimik niya. “I was just trying to match you, two. But I know you're important to Chanyeol. Alam mo ba, hindi ko hawak ang oras ko bilang isang doktor. Parati akong on-call lalo na kapag hectic ang mga schedules ko. Uuwi lang ako para makakuha ng mga damit pamalit. Dahilan iyon para mawalan ako ng sapat na oras para sa anak ko. At dahil din doon, lumaking overly independent ‘yang si Chanyeol. Hindi nagsasabi ng kung ano ang kailangan niya. Parati siyang ‘ako na ‘Ma. Alam kong pagod ka.’ And you know, it feels like nawalan ako ng karapatan maging ina sa kanya. Not until when your mother was rushed to the hospital. For once nakita kong kailangan ako ng anak ko ‘nung ipinakiusap ka niya at ang pamilya mo sa akin. That’s how I knew you were important to him. And I can see that you also do that’s why I’m assured for my son’s sake. Dahil sa barkada niyo, masaya ang anak ko.”
Maraming nasabi si Doc Yumi pero iilan lang ang naintindihan ni Baekhyun sa mga iyon.
Importante siya kay Chanyeol.
Nag-aalala si Chanyeol sa kanya.
“Naku, pasensya ka na sa pag-over share ko. Ngayong nakita ko kayo ulit, mukhang hindi ko na kailangang mag-alala pa para sa unico hijo ko. Makikisuyo na lang ako sa’yo ha, Baekhyun. Ikaw na lang ang bahala sa kanya kapag magkakasama kayo. Magsabi ka lang kung may mga kailangan kayo, kahit ano pa ‘yan. And Baekhyun, call me ‘Tita’, okay?”
Pakiramdam ni Baekhyun naging lightheaded siya dahil sa mga narinig niya. Pero aware siya noong umoo siya sa pinakisuyo ng mama ni Chanyeol sa kanya. Kaibigan niya naman ang matangkad, blockmate pa niya ito kaya hindi naman mahirap sa kanya para gawin iyon.
“Tapos alam mo ba, hindi siya nagbibigay ng considerations. Halos magdrop mga classmates namin sa klase niya dahil parang kanta ng PNE ang standing nila.”
“Gagi, bakit favorite daw siya ng mga seniors and alums?”
Rinig ni Baekhyun na usapan ni Chanyeol at ni Sehun. Hindi naman sa hindi siya komportable kasama si Doc Yumi pero lumuwag ang pakiramdam niya nang makabalik ang dalawa. Kung anu-ano kasi ang naiisip niya sa mga sinasabi ng ginang.
“Oh, okay na kayo?” Tanong ni Doc Lee pagkarating ni Jongdae. Kababalik lang din ni Jongin dala-dala ang take-out bag para sa kapatid nito. “I have to go back to the hospital. Mukhang hectic na naman sa ER. Pero I can drop some of you off on the way. Ikaw din, Chanyeol, kasama ka.”
Hindi naman sumagot si Chanyeol pero nakatingin siya kay Baekhyun. Hindi tuloy alam ng lalaki kung ano ang irereact. Para kasing sinasabi ng matangkad na sumabay na siya. At parang naninikip na naman ang dibdib niya knowing na baka kung anu-ano na naman ang marinig niya habang byahe. Pero bago pa siya makaalma ay naunahan na siya ni Jongdae.
“Kailangan ko rin pong bumalik sa office, Tita. May mga kailangan pa po kaming asikasuhin.”
“Tara sabay ka na sa amin ni Six pabalik ng Katip, JD.” Aya naman ni Jongin para hindi na mahirapan ang lalaki na magcommute.
“Ay hindi na, nag-aantay na sa labas actually si Atty. Okay na ako. Tita, Si B na lang po isabay ninyo. Rush hour pa naman na.”
Tahimik na napabuntong-hininga si Baekhyun. Mukhang hindi siya makakaligtas na makasama pa ng mas mahaba si Chanyeol at ang mama nito.
“Alright, thank you for making time to dine with me, mga hijo. I hope this won’t be the last, ha?” Sabi nitong patayo na dahil nakapag-bill out naman na sila kanina pa. Sabay-sabay na rin silang lumabas ng restaurant. “Oh paano, mag-iingat kayo ha. Jongin, drive safely. Nasaan ang sundo mo, JD?”
Parang nahihiya naman ang lalaki na sumagot. “‘Yang Fortuner po,” turo nito at mabilis na tumalikod sa kanilang lahat. “Bye tita. Thank you po sa dinner.”
Napakunot noo si Baekhyun dahil parang pamilyar sa kanya ang sasakyang itinuro ni Jongdae. Hindi lang kasi kita ang plate number ni to kaya hindi niya masigurado talaga. Narinig niya namang natawa ng mahina si Chanyeol na nasa gilid niya kaya napalingon siya dito. Umiling lang ang lalaki nang magtama ang paningin nilang dalawa. Nagpaalam na rin sina Sehun at Jongin kaya nauna na sila sa Cooper ng nahuhuli.
At ang naging siste, siya ang naupo sa shotgun seat. Bwiset na Chanyeol Park, inunahan siya sa back seat. Alangan namang tabihan niya doon ang kaibigan, nagmukha namang driver ang mama nito. Sinamaan niya na lang ng tingin ang kaibigan sa may rearview mirror kahit hindi ito nakatingin.
“Kamusta na ang mama mo, Baekhyun? Due month niya na ata ngayon?” Pagsisimula ng usapan ng ginang pagkaalis ng sasakyan nila sa parking ng restaurant.
“Yes po, namamanas na rin sila kaya hindi na namin po sila pinapayagan gumalaw masyado sa bahay.”
“Eh di mag-isa niya lang kapag may pasok kayo ng Dad mo?” Balik ulit ng ginang habang ang mga mata ay abala sa daan.
“Yes po, pero magstart na mag-Paternity Leave si Papa sa susunod na linggo. Para may makasama si Mama kung sakali maabutan na siya ng panganganak.”
“How about you?” Napatingin si Baekhyun sa isinunod na tanong ng mama ni Chanyeol. “I’m sure you’ve taken charge of almost everything dahil hindi na mahaharap ng mama mo. More so if she gives birth. How are you handling everything?”
Hindi alam ni Baekhyun kung saan nanggaling ang biglang sumundot sa dibdib niya. May bumikig sa lalamunan niya at nagsimulang manlabo ang mga mata niya dahil namumuong luha. Parati siyang kinakamusta ng mga kaibigan niya. Siya lang naman ang hindi totoo sa sarili at parating sinasabing okay lang siya. Pero ibang-iba din pala kung may ina ring magtanong sa kanya kung okay ba siya at kung paano niya nakakaya ang lahat.
Mabilis niyang pinaling ang tingin sa may bintana para itago ang mukha niya saka tahimik niyang pinakalma ang sarili. Taliwas pala sa madalas niyang sinasabi ang tunay niyang nararamdaman.
Hindi pala siya okay.
Nahihirapan pala siya. Pero kinakaya niya. Kasi mahal naman niya ang pamilya niya. Naiintindihan niya rin na halos hindi na rin niya makausap ang mga magulang tuwing nasa bahay siya. Malapit na ang finals nila kaya kailangan niyang mas magbuhos ng oras para hindi na maulit ang 1st LE kay Prof Ben. At ang kanyang mga magulang naman ay abala na sa paghahanda para sa panganganak ng mama Sela niya. Kaya hindi naman na sila nakakapagharap-harap na magpamilya para mag-usap-usap.
Hindi na siya nakakamusta. Kung okay pa ba siya. Kamusta ba ang pag-aaral niya. Masaya naman ba siya.
And that’s okay.
Okay lang naman kay Baekhyun ang mga isinasakripisyo niya para sa mga magulang niya. Para naman talaga sa pamilya niya kung bakit siya nagsisikap. Ano ba naman itong kaunting kalungkutan at kahungkagan na nararamdaman niya lately? Mababawasan naman siguro iyon sa pagdaan ng mga araw.
Iwinalit niya sa isipan ang sumundot na kalungkutan at muling tumingin sa mama ni Chanyeol ng may maliit pero genuine na ngiti.
“I’m truly okay, Tita. Minamanage ko na lang ang oras ko para tumulong sa bahay at sa pag-aaral ko. Unti-unti na rin kaming nagrereview para sa finals. So I think, I doing things just fine.”
“That’s good to hear! Hindi din naman biro pagsabay-sabayin lahat. We only have 24 hours a day. At most of the time eh hindi ko pa mapagkasya ang lahat ng kailangang gawin. I’m glad you’re doing great. Saan nga ulit ‘yung sa inyo?”
“Naku Tita, dyan lang po ako sa may Bonifacio. Lalakarin ko na lang po ang papasok sa amin, mahihirapan pa po kasi kayo palabas.”
“I can still drop you off naman. No worries, Baekhyun.” Paga-assure ng ginang sa kanya pero gusto din kasi ni Baekhyun na maglakad-lakad muna. Gusto niya lang ng kaunting oras para magmuni-muni.
“Okay lang po, maglalakad-lakad muna ako para magpahangin.” Tanggi pa rin niyang tinatapik na ang balikat ni Chanyeol mula sa side na hindi nakikita ni Doc Yumi para humingi ng saklolo.
“Ma, let Baekhyun go. Invite mo siya ulit next time if he likes.”
“Chanyeol!” Sabay namang sabi nina Baekhyun at Doc Yumi.
Naging awkward tuloy ang lahat. Nagpasalamat na lang siya sa mag-ina at agad-agad na lumabas ng sasakyan pagkarating nila sa bababaan niya.
Bwiset na Chanyeol Park talaga! Napakapanira!
Umihip ang mabining hangin at nagpakawala ng magaan na paghinga si Baekhyun. Somehow, parang naibsan ang bigat na nararamdaman niya sa sinabi ng ginang. Ngayon alam na ni Baekhyun na kailangan niya lang i-acknowledge kung ano ang mga nararamdaman niya. And from there, he should learn how to swim through it. Kahit magbale-balentong siya sa pool of emotions niya, basta alam niyang i-handle, siguro ay hindi siya ganun mahihirapan buhatin ang lahat.
There’s still so much to learn. At kung dadahan-dahanin lang ni Baekhyun, baka hindi naman pala malaking problema ang mga bagay-bagay na iniisip niya. Hindi sa ini-invalidate niya ang maproblema niyang buhay. Kung matututunan niyang isagawa ang kasabihang one step at a time, hindi siya mao-overwhelm.
Natawa siya sa sarili sa naisip. November palang pero mayroon na siyang new year’s resolution. Sana ay magawa niya nga ang ipinapangako sa sarili.
Tahimik na ang bahay nila pagkarating niya kaya mabilis na rin niyang ginawa ang mga kailangan pang ayusin sa kusina nila saka siya nagpunta sa kwarto at naghanda na rin para mag-aral. Sinilip na rin niya ang cellphone na nasa loob pa ng bag niya para sa mga kailangan niyang aralin para bukas. Nakapagdigest naman na silang tatlong magkaka-block dahil mahaba ang vacant nila kanina kaya ire-review niya na lang ‘yung summary para may maisagot siya sa recit bukas. Mahirap na, kay Prof Ben pa naman ang subject at hanggang ngayon ay mainit pa rin siya sa mga mata nito.
Nakita niyang may message si Chanyeol na nareceive niya twenty minutes ago.
Hi B, nakauwi na ako.
Ngayon lang napansin ni Baekhyun habang ini-scroll niya pabalik ang conversation nila ni Chanyeol na puro mga message lang ng lalaki ang halos lahat ng nandoon. Madalas kasi silang sabay umuuwi at inu-update siya nito kapag nakauwi na ang kaibigan. Siya din naman kasi ang nagsabi rito na mag-update ito para lang alam niya na ligtas itong nakauwi.
Don’t you know you’re always doing great? You’re fine, Baekhyun. You’re doing a good job on everything that you do. Good night.
Napahawak siya ng mahigpit sa cellphone niya nang mapindot at mabasa ang new message ng lalaki. Hindi niya alam na binabasa pala siya ng kaibigan kahit wala siyang sinasabi. At bakit parang kilalang kilala na siya nito kahit iilang buwan pa lang silang close?
Sa naisip ay napalunok si Baekhyun. May sumundot din kasing kung ano sa kanya dahil sa sinabi ng kaibigan. Kailangan niyang mag-pause kasi parang may namumuong hindi niya maintindihan sa kanya.
Malaking bagay sa kanya ang words of affirmation. At busog na busong siya roon mula kay Jongdae. Pero never naman siyang sinundot ng mga iyon sa bituka niya na akala mo may mga nagkawalang mga paruparo.
Ano ba naman ‘to. Kung kailan naman nawala na ng tuluyan ang pagkailang niya sa kaibigan saka naman may ganito siyang naramdaman. And for just a single message! Anong nangyayari sa kanya?!
And from the moment na naging hyper aware si Baekhyun sa sumisibol na kung ano para kay Chanyeol ay napahdesisyunan niyang pigilan iyon. Okay na eh, bakit niya ulit gagawing komplikado ang lahat sa kanila?
“Oh gagi, tapos na rin sa wakas! Tara inom!” Malakas na bungad ni Sehun sa kanila pagkalabas ng Malcolm Hall. Ang lalaki kung makaasta akala mo ga-graduate na siya. First sem pa lang ng first year ang natapos nila! Marami-rami pa silang bubunuing panahon para makapagtapos.
Pero sino si Baekhyun para tumanggi sa inom? Kailangang kailangan na rin niya iyon.
Mula kasi ng makapanganak ang mama Sela niya, halos domoble ang nga kailangan niyang gawin sa bahay nila. Na-emergency CS ang mama niya dahil hindi ito naglelabor kaya hindi niya din pinapayagan ang ina na magkikikilos para hindi mabinat.
Hindi niya nga alam paano niya na-survive ang hell week nila ng buhay pero masaya siyang nakarating sa dulo. Siguro isa na ring naging malaking parte eh yung dalawa niyang blockmate na grabe ang pag-alalay sa kanya habang nagrereview sila. Kung wala si Chanyeol at Minhyun, hindi niya alam kung saan siya pupulutin.
At yung pagka-crush niya kay Chanyeol, tawagin ng weak siya dahil wala namang nagbago sa pakikitungo ng kaibigan sa kanya pero hyperaware siya lahat ng mga ginagawa ni Chanyeol sa kanya. Namumula pa siya na akala mo highschool. Parang tanga!
“Si JD ba?” Tanong naman ni Jongin na wow, buti nagpakita pa. Most of the time itong missing in action at parating nakadikit sa ka-fubu nito. Madalas na nga nilang inaasar ito na ipakilala na sa kanila si Kyungsoo pero ayaw ng lalaki. Limitations daw. Umiikot na lang ang mga mata ni Jongdae kapag yun ang parating sagot ni Jongin. Halata namang hulog na pero nagsisikuhan na lang sila kapag out of line na yung pagkilos ng kaibigan nila sa tuwing nakikita nila ang dalawa.
“Susunod naman ‘yun,” sagot ni Chanyeol na sanay nang lulubog-lilitaw ang adulting friend nila. Medyo hectic din kasi ang trabaho nito at akay-akay siya parati ng mga lawyer kapag may iniimbestigahan silang mga kaso. Namimiss niya na nga si Jongdae eh.
“Kaya ba, B?” Baling sa kanya ni Chanyeol na ikinagulat niya. Normal na sa kanya na lumipad ang isip pagkatapos ng exams. Ibig sabihin ‘nun, nagrereboot na ang utak niya. Pero ayan na naman siya, paano niya papatayin yung pagkacrish niya sa kaibigan kung ganito ito umasta?
“Oo naman. Kailangan ko lang um-exit ng maaga para hindi mag-alala si mama at papa.” Sagot niya habang mentally bina-brush off yung konting kilig niya.
“Ganito, around Makati na lang tayo pumunta tapos hatid na lang namin kayo ni Jongin pauwi.” Suhestyon ni Sehun na akala mo siya ang may-ari ng sasakyan. Nagmake face tuloy si Jongin pero agad din namang um-oo kaya mabilis silang naglakad na papunta sa kung saan nag-park si Jongin at doon nila nakita ang isang pamilyar na Fortuner.
Napakunot noo tuloy si Baekhyun at napatigil sa paglalakad. Saktong bumukas naman ang pinto sa may driver seat at nakitang si Atty. Minseok ang umibis mula doon. Nakita siya nito kaya tahimik siyang bumati na sinuklian naman ng abogado ng tango. Muli siyang nagpatuloy maglakad habang napapailing.
Nakarating sila ng Poblacion na nagsisimula na ang happy hour. Traffic kasi sa EDSA at may nagkagitgitan pang mga SUV kaya mas lalo silang nastuck sa traffic jam. Agad silang dumiretso sa counter at umorder muna ng makakain. Tamang groove naman si Baekhyun sa intro ng kanta na naabutan nila. Isa kasi sa mga pinapakinggan niya ang piyesa.
When you smile, everything’s in place
I’ve waited so long, can make no mistake
All I am reaching out to you
I can’t be scared got to make a move
“While we’re young, come away with me. Keep me close and don’t let go,” narinig niyang pagsabay ni Chanyeol sa lyrics. Gulat siyang napatingin sa matangkad ng nakanganga at nakaturo ang hintuturo sa dito.
Gets naman ni Chanyeol at kumibit-balikat, bumulong ng “my jam,” at saka sinabayan ang chorus na ewan ni Baekhyun at sumabay na din siya sa kaibigan.
Inch by inch, we're moving closer
Feels like a fairytale ending
Take my heart, this is the moment
I'm moving closer to you
I'm moving closer to you
“I didn’t know you were into ‘Never the Strangers’.” Komento ni Chanyeol sa kanya matapos ang chorus. Dumating na rin ang inorder nilang pagkain at ang unang bucket ng inumin nila.
“I’m keeping their songs close to my heart,” masayang sagot niya saka tinanggap ang alok ng kaibigan na ‘cheers’ sa kanilang mga bote.
“Oo nga, parehas pala kayo ng taste sa music. Hindi lang namin sinasabi,” singit ni Sehun na hawak-hawak din ang unang bote nito at ngangalahati na.
“Hoy, hinay-hinay lang. Ikaw ang designated driver, akala mo.” Awat naman ni Jongin sa matalik na kaibigan na mukhang ikinalugi ni Sehun.
“Ano ba ‘yan ako nag-aya eh.” Sagot nitong nakasimangot dahilan para ikatawa nilang dalawa ni Chanyeol.
Maingay at mausok sa loob. Madilim din at mainit pero hindi iyon naging dahilan para hindi ma-enjoy ni Baekhyun ang gabing ito. Bukod sa magaganda ang setlist ng bawat banda na tumutugtog, tawa din siya ng tawa dahil sa mga kaibigan niya. Sobrang simple pero pakiramdam niya ang gaan ng lahat.
Maya-maya ay dumating na si Jongdae. Sunod-sunod sila nitong binatukan matapos maingay na bumati. “Ang traffic gagi, sinong nag-aya na dito uminom?”
“Ako, bakit?” Maangas namang tugon ni Sehun, mukhang tipsy na kaya matalim ang titig ni Jongin sa kanya dahil alam na nito ang ending nila mamaya. Hindi pa tuloy nito masyadong nababawasan ang unang bote nito.
“Kaya pala, laos pumili ng venue. Kaumay,” pang-aasar nito pero dumakot ng sandamakmak na chips para kainin. “Gutom na ako anong kinain niyo?”
“Tara order tayo?” Yakag ni Baekhyun dahil pakiramdam niya, namumula na siya. Nasa pangatlong bote na rin kasi siya at nararamdaman niya ng umiinit.
“Baby ko Baekhyun, hulog ka talaga ng langit.” isinampay ni Jongdae sa kanya ang halos kalahati ng katawan nito kaya bigat na bigat siya sa kaibigan. Halatang worn out ang kaibigan kaya hinayaan niya lang mag-asal baby ang lalaki.
Nakapag-order na sila nang mamataan niya na naman si Atty. Minseok sa may di kalayuan. May mga kasama din itong sa tingin niya ay mga kasamahan nitong abogado rin kaya agad siyang umiwas ng tingin. Awkward bumati sa guro lalo na at nasa inuman sila.
Dala-dala nila ang tray na may lamang dinner ni Jongdae, bagong set ng pulutan nila at isusunod ng service crew ang panibagong bucket ng alak para sa kanila. Sagot daw ni Jongdae bilang tamang-tama at nakasahod siya ngayong araw.
“Andito din si Sir Minseok,” bungad niya kay Chanyeol na akala mo bored na at nakapangalumbaba na lang. Hindi din naman kasi ito mahilig uminom kaya nagtataka siya bakit party boy ito noong undergrad sila.
“Hindi na ako magtataka kung nandito siya,” makahulugan nitong sagot kaya naguluhan tuloy si Baekhyun.
“Oy oy, Park. Sabi inom, bakit hindi ka umiinom ‘dyan,” singit ni Jongdae na inabutan ang matangkad ng malamig pang bote ng beer.
“Kaya nga, ikaw naman unang ihahatid.” Medyo bulol nang gatong ni Sehun.
“Gagi at ako ang maghahatid. Sabing ikaw designated driver eh,” komento din ni Jongin na kanina pa nakabusangot. Sa halip kasi na alak ang binabanatan nito, yung mga finger foods na pulutan nila ang tanging kinukuha nito. Natawa tuloy si Baekhyun doon.
Pero hindi na rin siya makainom. Iniisip niya kasi ang mama Sela niya at ang kapatid niya. Mas dumalas na rin kasing mag-overtime ang papa Leon niya pandagdag sa gastusin nila. Mas lalo tuloy nagdadalawang isip si Baekhyun kung tutuloy pa siya ng Law. Kung magtatrabaho na kasi siya, hindi masyadong mabibigatan ang Papa niya para sa mga gastusin nila. Napabuntong-hininga siya ng wala sa sarili.
“Okay ka pa?” Tahimik na tanong ni Chanyeol na ikinagulat niya. Magkatabi kasi sila kaya siguro napansin nito ang pananahimik niya.
Naisip ni Baekhyun magsinungaling para hindi maapektuhan ang mood ng gabi pero si Chanyeol pala ang kausap niya. Mahuhuli at mahuhuli siya ng kaibigan, mapapahiya lang siya. Kaya ang tanging ginawa na lang niya ay ang ngumiti ng malungkot sa matangkad.
“Do you want to talk about it?”
Tumango siya saka tumayo noong sumenyas ang matangkad na lumabas sila. Occupied ang tatlo nilang kaibigan kaya hindi sila napansin na umalis.
Malamig ang simoy ng hangin kaya huminga ng malalim si Baekhyun pagkalabas. Nakatulong naman iyon para mawala ang mga sumulpot na agam-agam sa isip niya.
“Ano, game?” Tanong ni Chanyeol pagka-settle nila sa may sidewalk. Inabutan pa siya nito ng bottled water na wala na siyang ideya kung paano ito nagkaroon ng ganun. Tinanggap naman niya iyon at nabuksan na pala ang takip kaya nilagok niya ang laman ‘nun para mahimasmasan siya.
“Hindi, it’s just yet another episode of me worrying about…everything.” Panimula niya saka umupo sa gutter. Hindi niya din kasi matagalang tumayo. “Hindi ko alam, I was always reminding myself to keep calm and wing through everything just fine. Pero hindi ko magawa. Para akong main character na walang development. Kung isang fiction ang istorya ng buhay ko, mabo-bore ang mga readers sa akin.” Hindi niya maiwasang matawa. Kailan lang noong ginawa niyang life resolution ang pagkontrol sa mga alalahanin pero heto na naman siya. Walang usad.
“Baekhyun, kapag iniisip mo ba ‘yung mga problema mo, nababawasan ba?”
Bumuntong-hininga si Baekhyun kasi natamaan siya sa tanong ng kaibigan. “Hindi.” And actually, all of his problems are only wearing him down. Pero hindi niya lang kasi maiwasang isipin na masyado siyang focused sa future niya pero hindi niya sigurado kung kakayanin pa ng kasalukuyang estado nilang pamilya ang lahat. Hindi niya rin masisi ang sarili na isipin ang ganito kasi kahit siya mismo ay inis na inis na sa sarili niya.
“I think you have to start unlearning feeling guilty for dreaming. Baekhyun, you can’t just get what you want overnight. I also know that between the two of us, you know best that you have to do something about it. And while doing something to get it, you have to sacrifice some things. Kasi Baekhyun, you really can’t carry everything all at once.”
Sa sinabi ni Chanyeol, bigla siyang na-overwhelm ng katotohanan. Tama naman kasi talaga ang kaibigan. At ‘yun ang problema sa kanya. Hindi niya ma-let go-let go lahat kasi recurring problems siya. Oo, nasurvive nila ang isang araw, pero paano pa ang mga kasunod? Kaya hindi din maalis-alis sa isip niya ang pagtigil muna ng pag-aaral. Siguro mag-iipon muna siya para makabalik siya. ‘Yun kasi ang naiisip niyang solusyon para mabawasan, kung hindi man totally mawala, ang guilt niya.
Naiyak na siya sa naisip. Hindi niya din kasi kayang pakawalan ang pangarap niya. Humahagulhol siya sa labas ng bar. Hindi na rin kasi niya alam ang gagawin niya. Buti na lang walang masyadong tao. Naramdaman niyang umupo sa tabi niya si Chanyeol at maya-maya ay nasa tuktok ng ulo niya na ang isa nitong palad. Mas lalo siyang naiyak sa gesture na iyon. Siguro epekto na rin ng alak sa sistema niya kaya nawala ang alinmang hiya niya para sa kaibigan.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal umiyak. Ang napansin niya lang, hindi siya iniwang nag-iisa ng kasama. Tahimik lang ito at hinintay siya hanggang sa makalma siya. Somehow, naramdaman niyang gumaan ang pakiramdam niya. Kanina kasi ay parang sasabog na siya. Gusto niyang sumigaw, magwala, gawin kahit ano para mailabas niya ang sakit. But crying did ease his pain.
Sisinghap singhap siyang tumingin kay Chanyeol. Na all this time ay nakatingin din pala sa kanya. Napatigil tuloy siya ng magtama ang mga tingin nila. Kasingdilim ng gabi ang mga bilugang mata ng matangkad at hindi makabitaw ng tingin si Baekhyun dahil gusto niyang malaman kung anong emosyon ang nasa likod ng mga matang iyon pero para lang siya nalulunod. Hindi niya namamalayang pati paghinga niya at natigil niya na rin pala kaya hingal-hingal siyang umiwas para putulin ang koneksyong naramdaman niya sa kaibigan.
Ano ‘yun?
“Did it help?”
Naguluhan siya sa biglang tanong ng kaibigan. “Ha?”
“Did you feel better?” Ulit nito para mas maintindihan niya. Wala sa sariling tumango siya at binuksan ang boteng nasa gilid nila at uminom. Nakahinga siya ng maluwag noong nawala ang bikig sa lalamunan niya. Pakiramdam niya parang hindi siya nagkaroon ng meltdown sa harap ng kaibigan niya. Mukha nga siyang refreshed.
“You can always tell me these things everytime it gets unbearable for you. You know Baekhyun, everything gets better if you share your pains and worries. No one said you have to deal with all of them alone.”
Sumilip ang genuine na ngiti sa mga labi niya. Napapansin niyang parating nagagawa iyon ng kaibigan sa kanya. Tapos siya, binibigyan iyon ng kulay. Para siyang tanga. Samantalang ang laki-laki ng naitutulong ni Chanyeol sa kanya.
“Hoy!” Untag ng matangkad sa kanya dahil natahimik siya.
“Ano?”
“Sabi ko, you can turn to me when things get rough. Huwag ka mahiya. Magsabi ka lang kung ano ang kailangan mo. Basta kaya ko, tutulungan kita, okay?”
Lord, diba dapat kaibigan lang siya? Ang daya naman eh.
“Alright,” maikling sabi niya pagkatapos huminga ng malalim. Paraan niya iyon para pigilang kiligin. Grabe ‘yung shift from breakdown to kilig, scam ata si Baekhyun ah.
Hindi naman sila nagtagal sa komportableng katahimikan dahil biglang tumunog ang cellphone niya. Pangalan ni Jongdae ang nandoon at nahuhulaan na ni Baekhyun na hinahanap na sila ng tatlo. Halos mag-iisang oras sila sa labas pero ngayon lang sila naalala ng mga kaibigan.
“Oh,” sabi niya pagkasagot sa tawag ng kaibigan.
Saka niya binulungan si Chanyeol na si JD ang kausap niya. Tumango lang naman ang kasama.
“Asan ka? Hello, B? Naririnig mo ba ako?”
“Oo, nandito pa kami ni Chanyeoll. Bakit?”
“Gagi, kanina pa namin kayo hinahanap. Jongin, takpan mo nga bunganga ni Six. Ang ingay!” Natawa tuloy siya sa mga sinasabi ng kaibigan sa kabilang linya. Nakikinita niya na kung gaano kagulo ang mga kaibigan. “Hello, B. Mauuna na ako, ha. Kayo na bahala sa dalawang ito. My God, akala ko ba chillnuman lang bakit may mga shenglot na?!!”
“Okay sige, pabalik na rin kami. Paano ka uuwi? Abangan ka namin Taxi dito sa labas?”
“Hindi na, kailangan namin bumalik sa office. Nandito din ‘yung kasama kong babalik. Puntahan niyo na sila dito, please. Gaging Six, wasted na.”
Natawa si Baekhyun dahil damang-dama niya ang please ng kaibigan. Tataas naman kasi talaga ang altapresyon ng isang tao kapag nalalasing ang isang Sehun Oh VI.
Dahil literal na nasa labas lang talaga sila ni Chanyeol, madali lang silang makakabalik sa loob pero bigla siyang hinawakan ng matangkad sa braso niya kaya siya napatigil.
“Bakit?” Takang tanong ni Baekhyun pero sinenyasan lang siya ng kasama doon sa may exit.
At doon nakita niya si Jongdae kasama ang guro nila sa Law School na si Atty. Minseok. Magka-holding hands habang nakangiti silang dalawa.
Pupuntahan niya sana sila pero hinila siya ni Chanyeol at nagtago sila sa sasakyang katabi ng Fortuner ng abogado. “‘Yung mga kaibigan mo, okay na sila? Pwede naman natin silang ihatid.” Narinig nilang sabi ng guro nila.
“Huwag na, naibilin ko na ‘yung dalawa kina Baekhyun at Chanyeol. And this isn’t the right time yet. Tapos na ang klase nila pero hindi pa naman tapos ang semester. Give me more time to tell my friends, Min.”
Nagkatinginan tuloy sila ni Chanyeol sa sinabi ng kaibigan. It was a shock to see the two together. Naaalala niya kung paano halos murahin ng kaibigan ang guro nila dati dahil sa dami ng mga pinapagawa nito sakanya tapos ngayon may ‘something’ sila?
Nakapagtataka lang dahil natawa lang naman si Chanyeol sa nalaman nila. “Bakit parang hindi ka shocked sa nakita natin?”
Kumibit-balikat lang si Chanyeol. “Si Atty. Minseok ang sundo ni JD noong nagdinner tayo with Mama.”
“Ha?” Nginitian lang siya ng matangkad saka siya marahang itinulak para makapasok sila ulit ng resto-bar.
Pagkabalik nila doon, napakamot na lang sila ni Chanyeol ng ulo. Ang matalik na magkaibigan, nagpapasiklaban tumagay. Mabuti na lang alam ni Chanyeol magmaneho at may lisensya naman na ito. Ang ending, ang matangkad ang nagdrive at iniuwi nila ang dalawa sa bahay nila Chanyeol. Natuwa naman si Doc Yumi dahil nakita sila ulit ng ginang.
Siguro sa graduation na lang sila ulit magi-inom pagkatapos ng gabi na ito.
“Ano sagot?” Akala mo naman ay detective kung makapag-interrogate si Sehun sa kaibigan nila. Umabot ng ilang linggo ang lumipas bago nila na-corner ang kaibigan para i-confirm ang real score nila ni Atty. Minseok.
Safe na rin sigurong maituturing dahil tapos na ang first sem nila at technically, hindi na nila guro ang abogado. Pero itong si Jongdae, parang umiiwas sa kanila. Napilitan na lang itong magpakita dahil ni-raid nila ang condo nito sa may QC.
Pinayagan na rin kasi ng mga magulang ng lalaki na bumukod ito. At napili nitong sa QC dahil malapit sa trabaho nito.
“Gagi, itatawag na ba natin kay Atty. Minseok, Sir Pare?” Dinugtungan pa niya ng malutong na tawa ang punchline na binitawan. Hindi nakaiwas si Baekhyun at natawa siya ng mahina sa sinabi ng kaibigan. Si Chanyeol at Jongin naman ay naiiling na lang. Pero si Jongdae nanatiling diretso ang mukha nito. “Oh eh di sige, Atty. Bro!”
Nakatikim tuloy ng sapak si Sehun sa kamay ng matalik na kaibigan nito. “Six, learn to read the room.” Umirap lang ang lalaki habang sapo-sapo nito ang nasaktang likod ng ulo. “We’re fine if you’re dating Atty. Minseok. Ako, wala akong hard feelings sa kanya. Ewan ko lang sa block 2.”
“Gagi, okay lang kami kay Sir. Mataas grade ng group namin nina Minhyuk sa kanya,” tugon naman niyang nginitian si Jongdae. Pang-assure sa matalik na kaibigan na okay lang sa kanila na umamin na ito. Alam niyang nahihirapan din naman ng kaibigan itago ang sa kanila. At naiintindihan niya anuman ang dahilan nito. Suportado naman niya parati si Jongdae.
Pero malungkot ang ngiti ng kaibigan sa kanila. “Hindi niyo naman na kailangang mag-adjust. Wala naman na.”
“Oh yun naman pala eh! Ha?” Napataas pa ang boses ni Sehun nang mapagtanto kung gaano ka-cryptic ang sinabi ng kaibigan.
“Anong nangyari, JD?” Automatic namang naging attentive ang lahat sa kaibigan. Biglang nag-alala si Baekhyun kasi ang akala niya may pinagkakaunawaan naman ang dalawa base sa mga narinig nila three weeks ago.
“Hindi, we’re just meeting with good feelings kasi.”
Napaismid naman si Sehun sa narinig. “Meeting with good feelings? Ano kayo, showbiz?”
“Sixto!” May babala sa tinig na sabi ni Jongin.
“Baekhyun and I thought you’re a thing. We actually saw you outside of the bar a few weeks ago. And well, we heard a few things too.” Sabi ni Chanyeol na nagtataka.
“Clear naman sa akin ang feelings ni Atty. Na-establish niya naman sa akin bago kami magkakabutihan.”
“Pero?” Saad ni Baekhyun na hindi makapaghintay. Feeling niya kasi bitin siya sa pasakalye ng kaibigan. Eh usually, direct to the point ito.
“He wants us to take it to the next level. He wants us to be officially exclusive.”
“Oh ‘yun naman pala eh. Nagpabebe ka siguro?” Nakaani na naman ng matatalas na tingin ang matabil na si Sehun.
“But?” Hindi na rin makapaghintay si Chanyeol. Basta problema ng mga kaibigan nila, serious mode on ito. Parang gustong malaman ang side A at B ng istorya.
Yumuko lamang ang kaibigan nila. Mukhang itinatago nito ang lungkot sa mukha nito. Masayahin at maingay kasi si Jongdae. Kahit si Baekhyun ay hindi sanay sa gawi ng kaibigan niya lately.
“Sabi ko, bigyan niya lang ako ng kaunting time. Alam niya din naman kasi na gusto ko siya. Pero ako, hindi ko alam kung kaya kung pantayan ‘yung nararamdaman niya,” pag amin ni Jongdae.
For some reason nagulat pa si Baekhyun sa naririnig mula sa matalik na kaibigan. Hindi naman sa jowang-jowa ang lalaki pero open ito in case na may makilala itong mabuting tao. Eto pa nga ang madalas mag-encourage sa kanya na pumasok din sa isang relasyon. Bakit ito masyadong maingat? Bakit parang may reservations ito?
“Sabi niya ‘he can wait’ naman. Kaya naging komportable naman ako ulit. Kinikilala ko pa siyang mabuti. Kasi gusto kong magwork ito kaya gusto ko sure na sure na ako the moment na sasagutin ko siya.”
“Hindi nakahintay, no? Pa-hard to get ka pa kasi,” singit ulit ni Sehun kaya tinakpan na ni Jongin ang bibig nito bago pa lumala ang mga pinagsasabi ng kaibigan at makaapekto kay Jongdae.
Normally, dito magsisimulang magbangayan sila Jongdae at Sehun pero surprisingly, hindi pinapatulan ni JD ang mga patutsada ng isa. Kitang-kita ni Baekhyun kung gaano nalulungkot ang matalik na kaibigan dahil sa nangyari. Hindi siya palayakap sa mga kaibigan pero agad niya itong sinugod ng yakap para iparamdam sa kaibigan na hindi ito nag-iisa.
“Nainip nga siguro siya,” nakangiting pagsang-ayun ni Jongdae kay Sehun matapos niya itong bitawan mula sa yakap, pero ang mga mata nito ay nanunubig na. Basag na rin ang boses nito. “Grabe ‘yon. Ang alam ko ghosted ako pero hindi ko sure kung na-ghost nga talaga ako kasi araw-araw naman kaming nagkikita sa office.” Iyak-tawang dagdag nito.
“Until now, hindi ka pa rin niya kinakausap?” Seryoso ang mukhang sabi ni Chanyeol, mukhang nainis sa narinig niya. “For someone na terror sa klase, may ikakagago din pala siya.”
“Nagkausap na kami kahapon. Nagsorry naman siya, sabi niya, baka nga masyado daw siyang mabilis at ako naman mabagal. And if we keep that way, hindi daw kami magme-meet sa gitna. Baka daw ang maging ending, magsimula na siyang magdemand sa akin. So best na lumayo daw muna siya because it will be a chance for us to evaluate how we really feel. And if we ever have a change of heart, at least, it won’t be too hard for us.”
“Did it even work?” Singit ni Jongin. Hindi mapakaniwala na na-justify ng abogado ang maling ginawa nito. In fact, gusto niyang matawa. Mali pa rin na iwan sa ere ang nililigawan dahil lang hindi siya makapagantay. Big dick energy ang tawag doon.
Tumingin sa kanila ang lalaki, tumutulo na ang mga luha sa mga mata nito. “It did. It made me realize na mahal ko pala siya.”
“Eh bakit ganyan? Shouldn’t you be boyfriends by now? Bakit malungkot ka?” Tanong ulit ni Jongin.
“Change of heart daw eh,” ngumiti si Jongdae pero alam ng lahat na masakit para sa kaibigan ang nangyari sa kanila ni Atty. Minseok.
Almost.
Totoo nga ang balita ni Nikita Gill. Ang salitang ito ang pinakamalungkot sa lahat ng mga salitang nabubuo ng mga letra.
They almost happened.
Almost
“Sabihin mo gago siya, huwag niyang sisimulan kung wala naman pala siyang balak tapusin. You were left hanging, JD.” Nagulat ang lahat nang bigla na lang magsalita si Sehun. Kanina, dinodogshow lang si Jongdae, tapos ngayon bigla itong naging seryoso.
“But I can’t let him take the responsibility. I was the indecisive one. Fault ko na hindi ko siya sapat na na-assure tungkol sa nararamdaman ko.”
“And that justifies him ghosting you? Ang labong kausap naman ng taong ‘yan. Sabihin mo, red flag lang talaga siya.” Balik ni Sehun. Naa-amaze si Baekhyun na sa kabila ng pagiging childish ng kaibigan, sensible itong kausap sa mga seryosong pagkakataon. Siguro ‘yung mga realizations niya after ng break up nila ng ex nito ay nakatulong para magkaroon ito ng mature outlook sa mga ganitong bagay.
“I agree with Six,” segunda ni Chanyeol. “He could have told you that he’ll distance himself for a while and that he’s not leaving you hanging. Tapos ginagaslight ka pa niya ngayon about him backing out on you? Dick lang talaga siya.”
“I think what happened was the best for both of us.” Biglang bawi naman ni Jongdae. Sinamaan tuloy ni Baekhyun ng tingin ang kaibigan.
“Paano ka naman?” Hindi mapigilang pagsali ni Baekhyun sa usapan. Naiinis na rin siya para sa kaibigan. Alam niyang gusto lang naman ni Jongdae maranasan mahalin at magmahal ng wasto at sigurado. Tadtad na ng mura sa isip niya ang dati nilang guro dahil sa ginawa nito sa matalik na kaibigan niya.
“I’ll be fine. Siguro naman knee-deep pa lang feelings ko sa kanya. I can still walk backwards from my feelings.”
“That’s right, my friend. At ang first step ng ‘operation: JD’s retropedalling’ ay inom! Tara shot!” Pumalakpak pa si Sehun para kunin ang atensyon nilang lahat.
“Gago, anong retropedalling?” Naguguluhan namang tanong ni Jongin sa matalik na kaibigan.
“Backward walking daw eh, retropedal! Ano, tara na! Ako na talaga ang magda-drive sa atin pauwi!”
“Hard pass,” sabi agad ni Chanyeol.
“Ako din, pass.” Sunod ni Baekhyun. Grabe yung war flashbacks noong nagpunta sila sa Poblacion three weeks ago. Ayaw niya na magbabysit ng wasted na Sixto at Jongin combined! Ang laki ng hirap nila maiuwi lang ang dalawang ‘yun.
“JD, oh. Hindi loyal na friends. Lalo na si B!” Parang batang sumbong naman ni Sehun.
“Hindi ko pa kayang lumabas. Kung gusto niyo, dito na lang tayo. Pa-housewarming ko na rin.”
“Yown!” Bulalas ni Sehun pero matatalim pa rin ang titig sa dalawang kaibigan. Nagkibit-balikat namang nagtinginan sina Chanyeol at Baekhyun, pang-asar lang sa nauna.
Pakiramdam ni Jongdae para siyang nasa marathon na konti na lamang ang distansya sa finish line ay natigil bigla at walang naideklarang panalo sa huli. At wala siyang masisi dahil partly at fault siya sa kinahantungan nila ni Atty. Minseok.
Kung narealize niya lang agad.
Kung hindi lang niya in-overthink ang lahat.
At kung nahintay lang sana siya ni Minseok ng kaunti pa. Siguro iba ang ending nila ngayon.
“Alam kong alam mo na mahal kita,” rinig niya sa mahinang tinig ni Baekhyun. Simple lang itong nakangiti pero ‘yung bigat ng assurance ng sinabi nito ay nakapagpa-overwhelm sa kanya.
“Baekhyun ko,” pakiramdam ni Jongdae naiiyak niya na lahat mula kagabi hanggang kanina lahat pero sa sinabing iyon ng kaibigan ay bumaha na naman ang mga luha sa mata niya. Hindi kasi vocal ang lalaki, maging sa mga skinship ay hindi din ito ganun ka-expressive pero damang-dama niya ang pagdamay ng kaibigan sa kanya ngayon.
Dito niya narealize na as long as may magpapadama ng pagmamahal sa kanya, in any form, magiging okay siya.
Sapat na iyon sa kanya.
Dahil alam niyang mahalaga siya. Sa apat na kaibigang kaharap niya ngayon.
May hihilingin pa ba siya?
“Hey! Woo hoo hoo hoo”
Nakita kita sa isang magasin
Dilaw ang 'yong suot
At buhok mo'y green
“Nakita ko nga siya. Yellow ang suit pero hindi green ang buhok. Bawal, baka ma-insubordination.” Hagalpak ang tawa ni Baekhyun sa side comment ni Jongdae sa mga lyrics ng tinutugtog nilang kanta.
Ilang buwan na rin matapos ang heartbreak ng kaibigan at sa tingin ni Baekhyun, madali naman itong naka-move on lalo na at bumalik ang pagkaasar nito sa abogado. Magkatrabaho pa rin sila pagkatapos ng lahat dahil hindi naman nalaman ng mga katrabaho nila ang nangyari. Sabi nga ni Jongdae, “trabaho lang, walang personalan.”
Pero inaasar tuloy siya ng mga kaibigan nila dahil nga sa “history” nila. Pero parang hindi na apektado si Jongdae doon. At masaya si Baekhyun para dito.
“Hey!”
Iba na ang 'yong ngiti
Iba na ang 'yong tingin
Nagbago nang lahat sa'yo
“Wala kasi siyang balls,” pagsali ni Sehun sa pagbibigay ng side comment. Natawa na tuloy silang lahat.
Sana'y hindi nakita
Sana'y walang problema
Pagkat kulang ang dala kong pera
“Pambili ooh, pambili sa mukha mong maganda. Okay lang, no thanks. Hindi ako nagbabasa ng cosmopolitan,” halos mapaupo si Baekhyun kakatawa dahil sa sinabi ni Jongdae.
Totoo namang na-feature si Atty. Minseok sa isang women’s magazine. Tinagurian itong rising star attorney noong may maipakulong itong high-profile kamakailan lang. Naging maingay sa media ang kabuuan ng hearing at na-discover ito ng mga mamamayan dahil ito ang lead attorney ng defendant. Ayun, nagt-trending kahit sa twitter ang abogado. May fanbase na rin ata.
Hindi naman bitter si Jongdae pero napapa-make face na lang siya kapag nab-bring up ang abogado. Eh paano na ngayong halos lahat ng tignan niya ay may mukha nito?
Hingal-hingal silang natapos tumugtog hindi lang dahil sa hype ng kanta. Dahil din kasi sa pagtawa dala ng maya’t mayang pagkomento nina JD at Sehun tungkol kay Atty. Minseok. Parang aso’t pusa ang dalawa noon pero ngayon mukhang sila pa ang mag-best of friends.
“Siguro kasi parehong nasawi sa pag-ibig at nakakarelate sa isa’t isa kaya ganun.” Ang naging reaksyon ni Jongin habang pinag-uusapan nilang tatlo nina Chanyeol ang dalawa noong mapansin nila ang biglaang closeness ng mga kaibigan.
“Eh ikaw? Kamusta naman kayo ni fuck buddy?” Hindi maiwasang itanong ni Baekhyun. Dumadalas kasi ang pagsama ng kaibigan sa kanilang dalawa ni Chanyeol nitong mga nakaraang araw.
“Baekhyun, may pangalan si fuck buddy,” panggatong naman ni Chanyeol na ikinatawa nilang dalawa. Sumimangot tuloy ang inaasar na kaibigan.
“Huwag nga kayo. Nai-stress lang ako.”
Nagkatinginan ang magka-block, natatawa sa isinagot ni Jongin. Pero agad naman silang sumeryoso dahil baka iwanan sila ng matangkad na ito. Asar talo pa naman ang isang Jongin Kim.
“Hell week mo ba?” Concern na balik ni Baekhyun. Kalagitnaan na rin kasi ng second sem nila. Maya-maya lang finals week na dahil sa bilis ng takbo ng mga araw.
Nawala naman na sa isip ni Baekhyun ang tumigil ng pag-aaral. Nakakatulong na rin kasi ang mama Sela niya sa gastusin dahil nakabawi na ito mula sa operasyon nito. Binuhay nilang muli ang maliit na sari-sari store nila kaya kahit papaano may pumapasok na daily income ang pamilya nila. At tinitipid ni Baekhyun ang baon niya araw-araw kaya kapag may pagkakataon, siya na ang sumasagot ng ulam nila.
Hindi nagkukulang si Chanyeol na kamustahin siya tungkol sa lahat ng aspeto ng buhay niya. Siya na nga ang naririndi sa kaibigan sa dala nitong mangumusta. Pero malaking bagay sa kanya ang gesture na iyon ng matangkad. At ang sinusupil niyang feelings para dito ay wala na siyang nagawa pa.
Habang pinipigilan niya kasi, doon naman mas lalong yumayabong. Ang labo din ng sarili niya eh. Kaya sana lang ay hindi napapansin ng mga kaibigan at ni Minhyun ang pamumula ng mukha niya kapag magkakasama sila.
Kasalanan kasi ng kaibigan bakit kasi ito masyadong mabait sa kanya. Gumwapo din ito dahil sa bagong gupit na buhok nito. Napabuntong hininga siya dahil lahat na napapansin niya sa kaibigan. Nasabi na rin ba niyang ang bango-bango rin nito parati kahit galing silang arawan?
“Hoy, gagi naman ni Baekhyun. Tatanong-tanong tapos hindi pala ako pinapakinggan. Sinong iniisip mo ‘dyan, si Chanyeol?”
“Gago, hindi! Parang tanga, Jongin.” Nasabi niya na lahat ng pwedeng masabi para magdeny sa kaba. Sana hindi ma-offend si Chanyeol doon.
“Oh Park, paano ba ‘yan? Never daw oh.”
“Para ka kasing ewan, Jongin. Ikaw ang topic tapos iba iha-hotseat mo. Hindi ka makakatakas.” Malaki ang ginhawa ni Baekhyun nang makitang hindi naman apektado si Chanyeol.
“Wala nga!” Sabi nitong nakakunot na ang mga noo. “Bahala siya sa buhay niya.” Sa narinig ay nagkatinginan na naman sila Baekhyun at Chanyeol sa isa’t-isa.
“LQ?” Patuloy na pangtutudyo ni Baekhyun. Akala mo hindi kinabahan kanina.
“Tinigil niyo na?” Pangsesegunda naman ulit ni Chanyeol. Isang bagay na naging development nila bilang magkaibigan ay naging click sila sa isa’t-isa. Gets ng isa’t isa ang gusto nila at game sila kung ano man iyon.
“Ewan. Ang labo niya eh.”
“Tell us more about it,” nagpalitan ng makahulugang ngiti ang dalawa. Sabik sa kung ano ang kwento ng kaibigan nila. Hindi kasi ito masyadong nagsasabi sa kanila. Magaling lang ito mang-asar. Siguro payback time nila ang pang-aasar nila sa sitwasyon nito ngayon.
“Sabi ko maging exclusive na kami. Ayoko naman na pagkatapos ko o bago ako may nakasama na siyang iba. Parang hindi ako komportable.”
“Ha? Jowa mo na ba?” Naguguluhang tanong ni Baekhyun.
“Of course not. Pero hindi kami exclusive na fuck buddies. Kumbaga pwede kaming makipag-sex sa iba kung gusto namin.”
Mas lalo siyang naguluhan. Dahil kahit hindi niya iyon ginagawa, may kaunting ideya naman si Baekhyun kung ano ang set up na ganun. At normally, open naman talaga ang mga ganun dahil no strings attached ang dalawang party. Bakit biglang nagiging territorial ang kaibigan nila sa buddy nito?
“Dude, gusto mo na ba si Kyungsoo?” Biglang tanong ni Chanyeol na ikinagulat nilang dalawa. Lalo na si Jongin. Nanlalaki pa ang mga mata nito at napatigil. Maya-maya ay naging diretso ang mukha nito at matamang tumitig kay Chanyeol. Parang nag-uusap ang dalawa mata sa mata.
Unang nagiwas ng tingin si Chanyeol at tumango-tango. “Anong meron?” Siyang medyo slow ay clueless pa rin.
Ngumisi si matangkad at tumango sa direksyon ng isa pang kaibigan. “He’s doomed, real bad.”
“Hala!” Ang unang reaksyon niya. Bigla siyang na-excite para sa kaibigan. Pero ‘yung intonation niya ata ay na-misinterpret ng dalawa kaya nagtataka ang mga itong napatingin sa kanya. “Gagi Ni, bakit hindi niyo na lang itigil ‘yang set up niyo saka mo siya ligawan? Bagay kaya kayo!”
“It doesn't work that way, Atty. Byun,” mapait ang ngiti ni Jongin sa sagot niya. Ngumuso naman siya dahil parang sinasabi nito na baguhan siya sa mga ganitong bagay. “Kyungsoo is very clear about what he wants from me. At ‘yun nga lang. Company and intimacy, nothing more, nothing less.”
“How about you? Were you clear with him about what you wanted?”
May mga pagkakataon na nagugulat si Baekhyun sa mga rhetorical questions na ibinabato ni Chanyeol sa kanila. Masyado itong philosophical. At pinag-iisip talaga sila nito sa tuwing binibirahan sila ng mga ganitong tanong.
Mahabang katahimikan ang namayani sa gitna nila. at sila namang dalawa ni Chanyeol ay matuyagang naghihintay sa kung ano ang makukuhang sagot ni Jongin sa sarili niya. “I don’t know, I was the one who offered him this set up eh. I was also the one who laid out our conditions. Nag-agree naman siya sa lahat. Gago, I was trying to spoon him one time, biglang bumangon at nagbihis. Umalis ng walang sabi. I really felt bad that night.”
“He’s just threading in within your set boundaries, Jongin. Did he directly tell you he’s not open with you, two, getting serious?” Muling balik ni Chanyeol.
At this point, parang nanunuod na lang si Baekhyun ng badminton match. Pabalik-balik na lang siya sa dalawang kaibigan dahil wala naman siya masyadong mai-ambag sa usapan nila. Siya pa nga ang nakaka-gain ng do’s and don’ts galing sa mga experiences ng mga kaibigan niya. Hindi naman niya alam kung saan niya ia-apply.
“Eh nag-no siya doon sa sinasabi kong exclusive set up.”
“Gago, wala naman pagkakaiba ‘yung gusto mong mangyari eh. You’re just trying to pin him down to your friends-with-benefits agreement. Hindi mo naman siya niyayang maging boyfriend ka niya. How can you differentiate what he wants? And Jongin, don’t make the decision for Kyungsoo.”
“I know, Park but I don’t know how to do this.”
“Kyungsoo won’t know what you really feel if you don't tell him.” Napatingin si Baekhyun kay Chanyeol. How can he make sense of every single thing?
Lord, wala bang pangit na aspeto si Chanyeol?
“And that’s the only way I can let him know? Tell him what I feel? Hindi ba sapat ‘yung katawan ko?”
“Kingina mo,” malutong na tugon ni Chanyeol kasabay ng mahinang pagsapak sa likod ng ulo ni Jongin.
“Bakit? I was just trying to make use of what I do best. Masama ba ‘yun?” Pagpilit pa nito. Pati tuloy si Baekhyun ay naasar na. Ang ganda ng payo ni Chanyeol dito tapos ganito ang balik ng kaibigan. Ang ayos kausap.
“Halika dito, ipapabalik ka na lang namin sa sperm ni Mayor Kim.” Hindi niya mapigilang sabihin habang nire-ready ang kamao niya.
“Joke lang eh! Oo na, I’ll think about it. Binibigyan ko din muna ng space si Kyungsoo para ma-miss niya ak—aray naman, mga gago!”
Sabay nilang sinapak ang kaibigan sa ulo saka sabay ding tumakbo palayo para hindi sila mabawian. Ipagdadasal na lang nila na sana matagumpay itong makaamin sa fuck buddy nito.
“Minhyun Hwangs, my boy,” napalingon naman ang lalaki pagtawag ni Sehun sa kanya. Naki-appear pa ito doon sa naka-abang na kamay ng nahuhuli. “Kamusta?”
“Same old, same old. Finals week na next week ah. Ready ka na, Six?” Sagot naman nito habang ipinapaypay ang kamay sa harap nito. Tag-init na rin kasi tapos uulan sa hapon kaya hindi nila alam ang susuotin nila kung short sleeved or long dahil wala naman silang uniform.
“Oo naman, easy! Ikaw, ready ka na ba magreport sa akin?” Balik nitong ipinaypay na ang payong na hawak sa kanilang dalawa ng lalaki dahil konti na lang mahe-heat stroke na siya sa init.
“Ha?”
“Don’t tell me nakalimutan mo na ‘yung assignment mo sa akin?” Tuloy pa rin ni Sehun kahit ang lalim na ng kunot ng noo ni Minhyun sa pinagsasabi niya. “Si Baekhyun at Chanyeol? Naalala mo pa?”
“Ah!” Bulalas naman ng lalaki pagkaalala. Natawa pa ito dahil sa kulit ni Sehun. Kahit sobrang alinsangan sa school grounds nila, mukha pa rin itong fresh, napakadaya. “Hindi naman na nila kailangan ng magic trick, Six eh.”
“What do you mean?” Napatigil tuloy sila sa daan. Buti na lang sa lilim kaya ibinaba ni Sehun ang hawak na payong at umihip ang hangin. Mainit naman pero ito.
“They can do it on their own na, Six. Swear, hindi ko nga sila kailangan i-set up eh. They’re doing just fine. Just sit back and watch. Nakakatuwa nga sila panuorin eh.”
“Talaga ba? Bakit hindi naman halata?” Sabi naman niyang inaalala lahat ng pagkakataon na magkakasama sila. Wala nga siyang makapang malisya sa dalawa eh. Gusto niya lang talaga silang i-matchmake kasi bagay sila.
‘Yun lang talaga.
“You just have to observe them, Six. You have to be keen on those teeny tiny details.”
“Ha?” Naguguluhan pa rin si Sehun. Wala naman kasi siyang makita. Kaya dali-dali siyang nag-send to all kahit pati mutual friends nila noong makapagpaalam siya kay Minhyun para magtanong.
“Ikaw na lang ata ang huli sa balita, Six. Gagi, makiramdam ka kapag magkakasama tayo.” Ang unang sinabi ni Jongin dahil instead na magreply, tumawag ito.
“Anong pakikiramdaman ko? Eh wala naman?” Sabi pa rin niyang walang ideya sa nangyayari sa mga kaibigan.
“Figure it out. I have to go.”
“‘Dyan ka na kay Kyungsoo,” tugon niyang naiinis pero taliwas naman iyon sa totoo dahil gusto lang niyang asarin ang kaibigan. Pero ang gago, pinatayan lang siya ng telepono.
Hindi pa ba sila? naman ang reply ng kapatid nitong si Mingyu.
Kahit si Jongdae ay napa-reply ng emoji na malabo ang ibig-sabihin sa kanya. Siya naman ‘yung tipong head on, kaya sisiguraduhin na lang niya ang totoo sa mga taong involved. On cue ay paparating naman ang dalawang magkaibigang pakay niya. “Hoy!”
Napalingon naman ang dalawa na abalang nagkukwentuhan habang naglalakad sa direksyon niya. “…nag-aaya makipag-inuman. Sabi ko naman hell week na kaya pass.”
“Hindi ba frat man ‘yun?” Tanong naman ni Baekhyun kaya na-curious si Sehun sa pinag-uusapan ng mga kaibigan.
“Sino?”
“Oo din, nagi-scout ata ng marerecruit kaya ganun. Hindi naman kami close, maka-aya parang tropa.” Tugon ni Chanyeol kay Baekhyun, inignora lang ang tanong niya. Mga gagong ‘to.
“Interesado ka ba?” Balik naman ni Baekhyun, parang hindi pa rin siya nakikita. “Sumama sa mga greek organizations, I mean.”
“Hindi.”
Napuno na si Sehun kaya nakapamaywang siyang pumagitna sa dalawa. “Kayo na ba ha?”
Naptigil naman ang dalawa sa biglaang tanong niya. Sabay pa silang tumingin sa kanya at nagsikuhan. Saka tumawa sila ng malakas na akala mo parang nagbitiw ng sobrang nakakatawang joke si Sehun.
Paano niya aakalaing may something sa dalawang ‘to kung ganito sila sa kanya? Tampulan lang siya ng tukso ng dalawa. ‘Yun lang naman ang development na napansin niya sa mga kaibigan.
“Hell week mo na ba? Lutang ka na eh.” Ang sabi ni Baekhyun, nagpupunas ng mata dahil naluha na ito kakatawa.
“Hallucinating pa nga eh. Hoy, gising! May klase ka pa,” natatawa pa ring gatong ni Chanyeol saka siya tinapik sa balikat niya.
Napasimangot na tuloy siya ng tuluyan. Kapag itong dalawang ‘to talaga, nagkatuluyan, tatawanan niya silang dalawa at walang sawa niya silang aasarin.
“Hoy, di ka pa papasok? Malapit na matapos grace period niyo.” Untag ni Baekhyun sa likuran niya dahil nakalagpas na pala ang mga ito sa kanya.
Inirapan muna niya ang mga ito bago lakad-takbong sumunod sa kanila. Halos magkatabi lang kasi ang room nila para sa subject nilang Penal Code. Magkasabay na klase pero magkaiba sila ng Prof.
May araw din ang mga kaibigan sa kanya! Siya din ang tatawa sa kanila!
“Kaya pa?” Tanong ni Chanyeol kay Baekhyun. Napansin niya kasing hingal na hingal ang kaibigan sa maghapon nilang klase. Ilang linggo na rin matapos magsimula ang klase nila bilang second year law school student. Sa bilis ng pagdaan ng araw, pwedeng ma-squeeze ‘yung buong first year nila sa isang minuto kahit andaming nangyari.
At isa doon ang pagkakalapit nila ni Baekhyun na akala niya mangyayari lang kapag naging dalawa na ang buwan sa gabi. Hindi pala imposibleng mangyari.
“Kayang-kaya pa!” Tugon nitong walang kasing cheerful. Saksi siya sa mga kinaharap ng kaibigan na problema noong first year sila at masaya siyang nakikita na parati itong nagba-bounce back ng mas malakas everytime.
“May pupuntahan ka pa?” Balik niya ulit sa isa dahil uwian naman na nila. Naging routine na nilang magsabay pauwi dahil iisang sakayan lang naman sila. Magkaiba pa rin ang klase nila sa mga klase nila Jongin at Sehun kaya hindi naman sila parehas ng uwian. Isa pa, may kanya-kanyang pinagkakaabalahan ang mga ito at ayaw naman niya nang makigulo pa roon.
“May bibilhin ako pero pagkababa na lang sa Boni.” Sagot nito matapos maitago ang phone nito. “May pinapabili si papa para kay mama at sa kapatid ko,” dugtong nitong humigpit ang hawak sa strap ng bag nito para ayusin iyon sa likod niya.
Bigla niyang naalala ‘yung mga pagkakataon na bigla-bigla silang mapapasugod sa ospital dahil sa pagbubuntis ng mama ni Baekhyun. Kahit siya ay abot-abot ang kaba habang nakikitang maiiyak na ang kaibigan dahil sa pag-aalala. Kahit noong na-emergency CS ang mama ni Baekhyun, kung pwede lang hindi niya iwanan ang kaibigan ay gagawin niya. Pero buti na lang, doon din ang mama Yumi niya. Pinagbilin niya na lang ang kaibigan at ang pamilya nito. At siya naman, nag-notes sa mga klase nila kahit hindi niya iyon ginagawa para kay Baekhyun. At least, kahit ilang araw lumiban ang kaibigan, hindi naman ito masyadong mahuhuli sa lessons nila.
“Hoy, Chanyeol!” Untag sa kanya ng kaibigan. Nasa may sakayan na pala sila at medyo marami ang kasama nilang naghihintay makasakay. “Makikisiksik na lang tayo ha, kailangan kong makauwi kaagad eh.”
“Sige,” wala sa sariling sabi niya dahil pinapakalma niya ang sarili. Pinapagalitan na rin ang sarili dahil nawawala na naman siya sa isip niya kapag kasama ang lalaki.
Na hindi dapat!
Pero hindi niya maiwasan eh.
“Chanyeol,” napakunot noo siya nang marinig ang boses ng kaibigan sa malayo. ‘Yun pala, malapit na ito sa may pinto ng bus at siya, naiwan sa kinatatayuan nila. Napakamot tuloy siya ng ulo at saka ginamit (to his advantage) ang malaki niyang bulto para makasiksik.
“Excuse me,” pasintabi niya habang nakikihawi sa may pinto.
“Aray naman,” sabi ng isa. “Maghintay makisingit kapag malaki.”
Nagpanting ang mga tenga niya pagkarinig doon. “Kung hindi ka sumisingit, kita mong may nakasunod eh. Ikaw maghintay kung ayaw mo masiksik.” Matalim niyang tinignan ang lalaki saka umakyat papasok ng bus. Halos puno na ang loob ‘nun at may mga nakapila pa ein sa aisle para makaupo.
“Chanyeol dito!” Tawag naman ni Baekhyun sa di kalayuan. “Pasensya na po, may kasama ako.” Hindi niya maiwasang mapailing dahil sa lalaki.
“Hinihila kita kaya kanina kaso para kang timang na nakatayo doon. May problema ka ba?” Ani pa ng maliit pagkaupo niya.
Sigurado itong tinatanong niya talaga kung may problema siya? Kung sabihin niya kayang oo at siya ‘yun?
“Mabilis ka lang kumilos. Sorry naman na ang laki ko ah,” pang-aasar niya para pagtakpan kung ano namang weird feeling sa loob-loob niya considering na ang lapit na naman nila.
“Ay, sorry ah maliit kasi ako. Madali akong makasiksik naiwan ka tuloy ha.” Pagsali naman nito saka sila natawang dalawa ng tahimik. Nakakahiya din naman kasi doon sa mga naka-standing. Pero ganun sila ka-click sa isa’t-isa.
Naalala pa ni Chanyeol paano niya sila unang nakita ni Jongdae sa freshie orye noong undergrad pa sila. Literal na nag-upside down ‘yung mundo niya kahit ang corny. Malakas ang impact ni Baekhyun sa kanya that time at ginawa na lang niyang guise yung pagiging masungit dahilan para mailang tuloy ang lalaki sa kanya. At nagtuluy-tuloy ‘yun hanggang sa maka-graduate sila ng college.
Hindi niya na mababawi pa pero naging awkward tuloy sila. Na hindi niya alam kung paano pa aayusin. Kaya dinidistract na lang niya sarili niya sa pagsama sa mga party ng mga organizations. Ngunitnpati iyon ay nakasama pa sa dahilan para mas lalo silang lumayo.
Narating niya ‘yung punto na fuck it! Bahala na. pagdating ng law school at doon naman nagsimula ang lahat para maayos niya ‘yung pagiging gago niya dati.
Ngayon, hindi na niya sasayangin ‘yung chance na maging malapit kay Baekhyun. Kahit pati ‘yung pagkagusto niya dito ay lumala din, itatago niya na lang hanggang sa hukay niya ang nararamdaman para hindi masira ang binubuo nilang pagkakaibigan ngayon.
“Chanyeol, anong playlist natin today?”
Araw-araw din silang may pinapakinggang playlist pauwi. Tig-isa sila ng earphone sa tenga. Pero mga out of whims lang na added to queue ang mga kantang iyon at hindi naman talaga curated playlist na akala ni Baekhyun. Inililinya niya lang ‘yung mga kantang gusto niyang iparinig dito.
“Oh,” inabot niya ang kabilang bahagi ng earphones niya saka pinindot ang play ng unang kanta.
“Uy! Si Adadie! Hindi mo naman kasi sinesend ‘yung mga playlist mo napakadamot.”
Ano bang isesend niya eh wala namang playlist? Paano niya ba sasabihin na para sa kanya ang lahat nga mga kantang kaya niyang maisip na nasa queue nila kada uwian?
Sa araw-araw
Tanging ikaw ang
Palagi kong hinahangad
Laging tanaw sa 'yo ang ilaw
“Na nagsisilbi kong liwanag,” napahinga ng malalim si Chanyeol. Gustung-gusto niya ang tunog ng boses ni Baekhyun sa mga kantang ipinarinig niya dito.
Lord, may way out pa ba dito?
Pumikit na lang siya, kunwaring pagod para mapakinggan ng mabuti ang malamyos nitong pagsabay sa kanta. Okay naman na sa kanya na gustuhin ang kaibigan sa malayo pero may mga panahon talagang sumisidhi yung pag-udyok ng utak sa kanya na magsabi kay Baekhyun ng nararamdaman niya.
Parang ngayon.
Pero hindi niya gagawin.
Kasi ayaw niyang isugal naman ‘yung kung anong meron sila para lang ma-satisfy ‘yung kagustuhan niyang maging sila ng kaibigan. Alam niyang madaming reservation si Baekhyun. At wala pa sa isip nito ang pumasok sa isang relasyon kaya bakit niya guguluhin ang kaibigan?
Dito ka sa piling ko
O dito ka lang
Dito ka lang
Bumabagal ang ikot ng mundo
Kapag ika'y nariyan
O aking tahanan
Narinig niya ang pag-harmonize ni Baekhyun sa adlib ng kanta at gusto niya na lang matunaw sa kinauupuhan niya.
Kung hindi man siya ang makakatuluyan ng kaibigan, ang hihilingin niya na lang ay sana masaya ito parati. Iyong genuine na happiness na mararamdaman ng isang tao sa tanang buhay niya.
Okay na siyang masaksihan ‘yun kahit sa sideline man lang.
Dito ka lang
O aking tahanan
Mabagal ang byahe nila dahil rush hour. Hindi niya na din nalingatan kung ilang kanta ang dumaan at sinasabayan ‘yun lahat ni Baekhyun. Pumipikit-pikit na rin ang mga mata niya nang maramdaman ang marahang pagbagsak ng ulo ng kaibigan sa balikat niya.
Napangiti siya habang nakapikit. Naalala niya rin ulit ‘yung unang pagkakataon na natulog si Baekhyun na nakasandig ang ulo nito sa kanya.
Antok na antok ang kaibigan at maalinsangan dahil full house ang bus. Hindi din nito mahanap ang tamang pwesto dahil masikip. Naawa naman siya sa kasama kaya in-offer niya na lang na humilig ito sa kanya para hindi ito mahirapan makatulog kahit konting oras lang. Sagad-sagaran din kasi ang pag-aaral nila dahil finals week at kailangan nitong bumawi sa subject nila.
Ngayon parang araw-araw na iyong nangyayari tuwing uwian nila na parang wala lang sa kaibigan pero para sa kanya ay ilang minutong kasiyahan, kasabikan, kalungkutan at panghihinayang na rin.
Pero hindi naman siya nagrereklamo. Sapat na iyon para sa kanya.
Sapat nang maging kaibigan ni Baekhyun at maging kakampi nito sa lahat ng problema nito.
“Nakita niyo ba si kuya?” Bungad ni Mingyu sa kanilang dalawa ni Chanyeol dahil nagkasalubungan sila sa may UP town center.
Nagtataka naman si Baekhyun na napaharap sa kapatid ni Jongin. Hindi nga nila nakakausap ng madalas ang lalaki nitong mga nakaraan at nabu-busy na rin sila sa acads dahil sunud-sunod ang LEs nila. Hindi din ito sumasagot kapag nagkakamustahan sa GC ng barkada. Pero hindi naman nila ino-overthink ang pagiging unresponsive nito dahil madalas naman iyon gawin ng kaibigan.
“Hindi eh. Bakit may problema ba sa kuya mo?” Si Chanyeol na ang sumagot dahil hinihintay niya pang makuha ang in-order niyang frozen yogurt sa may stall.
Napakamot naman si Mingyu at mukhang naa-aburido na. “Ilang araw na kasing hindi umuuwi. Pati si Dad hindi siya ma-contact. Nagtanong na rin ako sa blockmates niya, hindi nga din daw pumapasok.”
“Natanong mo na ba si Six?” Singit niya naman nang marinig ang isinusumbong ng mas bata sa kanila.
“Hindi pa nagrereply si kuya Sehun eh. Hindi ko kabisado sched nila.”
“Consti II ata niya, diba Chanyeol?” Inaalala niya ang schedule ng kaibigan dahil minsan nitong ipinakita sa kanila iyon.
“Oo, may isang oras pa bago sila matapos sa klase. Pero teka, tatawagan ko si Jongin.” Sabi naman ni Chanyeol na agad-agad ginawa ang sinabi.
“Nakapatay cellphone ni kuya. May ideya ba kayo kung ano nangyari sa kanya?” Balisa si Mingyu at naawa naman si Baekhyun para dito. Aso’t pusa ang dalawa pero alam nilang concern ang magkapatid sa isa’t-isa.
Ang last time na nag-open up ang kaibigan ay dahil sa ka-block nitong si Kyungsoo noong mga nakaraang buwan. Wala na nga silang balita tungkol doon at hindi na niya nabalikan ang kaibigan.
“Si Kyungsoo! Teka, may mga blockmates sila ngayon dito eh.” Inilibot ni Baekhyun ang mga mata at nakita niya ang grupo ng mga ka-block ni Jongin. Isa na doon ‘yung lumapit kay Chanyeol na nagrerecruit sa frat nila. Alanganin tuloy si Baekhyun na yayain ang kaibigan na magtanong kasama siya.
“Oo, sila Lay Zhang. Tara B, tanungin natin,” naunahan siya ng matangkad. Saka sila lumapit.
“Hi,” bati nito sa pitong nagkukumpulan sa isang mesa.
“Man,” bati naman ni Layby nakipag-bro hug pa kay Chanyeol at naniningkot ang mga mata nito sa lawak ng ngiti. “What’s up?”
“I was wondering if you saw Kyungsoo with Jongin?” Hindi na nagpaligoy-ligoy si Chanyeol. Nalingunan kasi siya nitong hindi komportable sa tabi niya. Nahihiya din naman kasi siya sa mga kasama nitong Lay. Matatangkad sila at mga brusko ang pangangatawan. Parang feeling niya, ang liit niya kapag itatabi siya sa mga ito.
“Ah, no eh. Jongin isn’t showing up lately and Kyungsoo hasn’t shown up since last week. Hinahanap na nga sila actually ng mga Professors but no one knew where they are. Sila lang ang close eh.”
Nagtinginan silang dalawa ni Chanyeol dahil sa sinabi ng lalaki. Mukha ngang may mali sa dalawa. “May I, perhaps, have Kyungsoo’s number?”
“Oh? Our blockrep has it.” Sagot ulit ni Lay at itinuro sila sa isang lalaking may maliit at magandang mukha. Medyo masungit lang itong tignan pero agad naman nitong inilabas ang cellphone nito para ibigay ang number ni Kyungsoo.
“Salamat. We’ll go ahead, thank you!” Paalam ni Chanyeol saka sila bumalik sa kinatatayuan ni Mingyu para i-contact si Kyungsoo. Pero unattended ang cellphone ng nahuhuli. Dahilan para mas lalo silang mag-alala.
“Triny ko na rin humingi ng tulong sa blockmates ko kung makita nila sinuman sa kanila.” At on cue ay may tumawag kay Mingyu. “Hello, oo, bilog ang mata at may makapal na round glasses. Mga nasa 5’4. Oo, baka siya nga ‘yan. Registrar? Okay sige. Salamat ng marami!”
Ready naman sila agad sa sasabihin ng nakababata kahit na may ideya na sila kung saan nila makikita si Kyungsoo.
“OUR daw mga kuya eh. Saglitin ko lang tapos tawagan ko kaya kung ano update.” Sabi ni Mingyu, nag-aayos na rin para umalis pero pinigilan siya ni Chanyeol.
“Kami na lang pupunta sa kanya. Tatawagan na lang namin si Six pagkatapos ng klase niya, hintayin mo tawag niya para hanapin niyo Kuya mo. Balitaan ka namin kay Kyungsoo.”
Takbo sila agad matapos um-oo si Mingyu. Agad siyang pumara ng ikot papuntang OUR. Medyo may sense of urgency sila dahil baka mawala nila si Kyungsoo, mahihirapan ulit sila hanapin ang lalaki.
“Okay ka lang?” Sabi sa kanya ni Chanyeol na hingal na hingal. Sumang-ayon naman siya agad saka inabutan ang kaibigan ng panyo. Pawis na rin kasi ito dahil sa init ng panahon. “I’m fine. You should help yourself. Asan tubigan mo?”
Hala! Naiwan niya sa may town center! Nagmamadali na rin kasi siya at naiwan niya sa may harap ng counter ng froyo stall. Pailing-iling si Chanyeol nang mabasa ang isip niya at inilabas ang vacuum flask nito saka ibinigay sa kanya. “Here, kung hindi ka laway conscious.”
Hindi naman siya choosy kaya agad naman niya iyong tinanggap at uminom mula roon habang umaandar ang jeep. Madali kasi siyang uhawin kaya two liters ng jug ang tubigan niya araw-araw.
Buti na lang patay na oras kaya hindi naman traffic papasok ng UP campus. Nakarating sila agad sa may OUR. At lakad-takbo nilang sinilip ang mga bintana ng office para tignan king nandoon ang pakay. Buti na lang palabas na ito ng pinto kaya agad niyang hinila ang matangkad para subungin si Kyungsoo.
“Hi,” hingal-hingal niyang bati sa lalaki nang matigil ito dahil mababangga niya na sila. “Mga kaibigan kami ni Jongin.”
Agad na namutla ang lalaki at mabilis na naglakad palayo sa kanila. Pero hinabol nila ito at sinalubong ulit siya. “May problema ba?” Tanong ni Chanyeol dito pero wala itong imik at humahanap ng malulusutan. Pero hindi nila ito pinapakawalan.
“Please,” nanghihina nitong sabi. Butil-butil na rin ang pawis nito sa noo.
“Okay ka lang ba.” Hinawakan na ni Baekhyun ang palapulsuhan ni Kyungsoo at nasalat na nanlalamig ang lalaki. “Chanyeol,” untag niya sa kasama na naintindihan naman ng isa.
“Can you call us once you see Jongin?” ‘Yun na lang ang sinabi ni Chanyeol para hindi ma-stress ang lalaki. Ayaw din nila kasing ma-anxiety ito kung umiiwas man talaga ito sa kaibigan nila. Tumango lang ang lalaki at hinayaan na itong makalayo.
Mabilis na inilabas ni Chanyeol ang cellphone nito para tawagan si Sehun pero nakaribignsila ng mahinang kalabog at napatingin sa gawi ng lalaking umalis. Nakahandusay na ito sa may hallway kaya dali-daling tumakbo si Baekhyun papunta dito para daluhan.
Mabilis nilang nadala ang lalaki sa school infirmary para patignan. Nag-aalalang tinawagan ni Baekhyun si Sehun dahil abalang nagrereport si Chanyeol tungkol sa nangyari kay Kyungsoo sa nurse. Mabuti naman at nasagot agad ng kaibigan ang tawag niya kahit halos thirty minute spa bago ang tapos ng klase nito.
“Hello, Six. Nasa klase ka?” Bungad niya agad pagkasagot ng tawag.
“Hindi na. Early out kami, bakit? Pati si Chanyeol may missed call din.”
“Hinihintay ka ni Mingyu sa UP town. Hanapin niyo si Jongin at sabihang nandito sa infirmary si Kyungsoo.”
“Ha? Kyungsoo?” Nagbuffer pa nitong tanong sa kabilang linya. “Ah! Yung kasama parati ni tukmol? Oh bakit, napaano ‘yun?”
“Gagi, dalian mo na lang. Mukhang may malalang silang problema. Hanapin niyo si Jongin ha. Message ko kayo agad kung tutuloy kaming hospital.”
“Hala, teka. Tumatawag si Jongin. Baba ko muna ‘to. Then balikan kita maya-maya.”
Abot-abot ang kaba niya dahil wala pa ring malay si Kyungsoo. Balak din pala nitong magfile ng leave of absence dahil kailangan nilang makita ang contact nito in case of emergency at ‘yung mga forms na nasulatan nito ang nakita nila kanina. Hindi din nito dala ang ID nito kaya wala talaga silang matawagan.
“Kamusta sila Jongin? Ano sabi ni Six?” Balik sa kanya ni Chanyeol nang makaupo sa tabi niya. Ini-recap naman niya ang usapan nila ni Sehun kaya agad nitong tinawagan ulit ang cellphone ni Jongin dahil active na pala ito.
Sumagot naman agad ang nasa kabilang linya. “Nasa infirmary pa rin kami. Hihintayin daw munang magising si Kyungsoo bago bigyan ng paunang lunas. Pero ang ina-assume nilang cause ay fatigue at dehydration. Asan ka na? Nakausap mo na si Six at Mingyu? Okay, diretso na lang kayo agad dito.”
Tumango sa kanya si Chanyeol pagkababa nito ng tawag. Pero hindi pa rin niya maiwasang kabahan sa nangyayari sa kaibigan nila. Mahirap din naman mag-conclude agad dahil hindi naman buo ang istoryang alam nila. Kaya ang tanging kaya nilang magawa sa ngayon ay maghintay.
Magta-tatlumpong minuto na at wala pa rin ang mga kaibigan. Natutulog pa rin si Kyungsoo. Mabuti na lang at matagal pa ang vacant nila kaya pwede pa silang manatili sa infirmary. Pero habang dumadaan ang mga minuto, mas lalo naman silang hindi mapalagay ni Chanyeol.
“Nasabihan mo na ba si JD?” Bulong ni Chanyeol habang parehas silang nakasandig sa pader ng infirmary. Nakaharap sila sa natutulog na Kyungsoo.
“Oo,” sabi niya na muling chineck ang chat sa kaibigan pero delivered lang iyon. May ongoing investigation din silang ginagawa ngayon, ayon dito noong mga nakaraang araw, kaya mahirap itong ma-reach. “Wala pa ring update kina Jongin?”
“Baka nandito na rin sila maya-maya. We can't really bother Jongin dahil nagda-drive ito. And for sure, more than anyone else, siya ‘yung pinakakinakabahan ngayon. Ikaw? You don’t need anything?”
“Okay ako. Pinapadala ko na kay Six yung tumbler ko.” Nakangiti niyang sagot saka bumalik sa pagkakasandal sa pader. “I wonder what happened to them. Bakit out of radar si Jongin? At bakit kailangan mag-LoA ni Kyungsoo?”
“Let’s wait for them. Maybe they have their reasons.” Malumanay na sagot ni Chanyeol saka siya tinapik sa balikat niya.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok mula roon ang humahangos na si Jongin. Puyat at mukha itong nangangayayat. Malakas din ang amoy ng alak sa katawan nito. “Kyungsoo!”
“Andito kami,” sagot naman niya ng mahina para hindi magising ang binabantayan nila. Mabilis i itong nakalapit at inunang tignan si Kyungsoo.
“What’s happened? Bakit siya walang malay?” Histerikal nitong tanong. Bloodshot eyes si Jongin. Mukhang wala pa itong tulog at mas lalong wala ito sa huwisyo.
“Pinagdrive niyo itong lasing na ‘to?” Nang-aakusang tanong ni Chanyeol kina Six pero sinagot lang sila ng nakataas nitong kamay na parang sumu-surrender. Maging si Mingyu ay guilty rin. “Nakita namin siya sa may registrar. Nagsubmit ata ng papers for LoA. Umiiwas nga eh pero nahimatay na siya .”
“Ha?” Takang tanong naman ni Jongin. Saka ito tumawa ng pagak. “Umamin lang ako, gusto niya na i-give up ang law school. Ganun niya ba ako kaayaw?”
“‘Wag ka muna magconclude. Wait for him to explain his side.” Awat naman ni Baekhyun. Nagiging emosyonal na kasi si Jongin.
“Wait for him to explain? He’s pushing me out nga eh. Ayaw niya na daw akong makita. How can I do what you’re telling me?”
“Jongin, it’s not Baekhyun’s fault. Calm the fuck down!” Ma-awtoridad na sabi ni Chanyeol. Alam naman ni Baekhyun na may impluwensya lang si Jongin ng alak at hindi naman nito sinasadya ang mga sinasabi nito kaya hindi naman niya minasama ang sinabi ng kaibigan.
At dahil naasar na rin si Chanyeol, hinawakan na lang niya ito sa may braso nito sala uniling noong mapatingin sa kanya. Sumunod naman ang matangkad saka ito huminga ng malalim.
“Okay ganito,” panggigitna naman ni Sehun. “I’ll take Jongin outside for some air. Tawagin niyo na lang kami kapag nagising na si Kyungsoo.”
“Mabuti pa nga.” Sagot niya saka hinila agad si Chanyeol paupo sa dati nilang pwesto. Ang dalawang kaibigan naman ay lumabas kasama. ni Mingyu. “Ikaw naman, emosyonal lang ‘yung tao. Huwag mo na patulan.” Saway niya sa kaibigan.
“Eh gago siya eh. Tumutulong ka na nga tapos siya pa ‘tong nagagalit?”
“Oh, tama na. Again, nakainom lang si Jongin. Rational naman siyang tao eh. Moment of weakness lang ‘yung kanina at nao-overwhelm na rin siya. Be the bigger person, okay?”
“Okay,” sabi nito pero nakakunot pa rin ang noo kaya hindi ko siya nilinayan ng tingin hangga’t hindi siya nito napapansin. “Bakit?” Tanong nito saka niya itinuro ang noo nito na agad din nitong itinuwid. Tumango siya pagkatapos saka siya umayos ng upo.
Mahigit isang oras na rin palang tulog si Kyungsoo kaya baka maya-maya ay magising na rin ito. Nilapitan sila ng nurse para silipin ang binabantayan nila at sakto naman dahil naalimpungatan ang lalaki. Napabangon ito biglang nang ma-realize na nakatulog pala ito.
“It’s okay, remain lying.” Agap ng school nurse nila dito. “May questions lang ako para accurate ‘yung diagnose natin, okay?”
“Kailan ang last mong kain?”
“Kahapon pa po.” Maikling sagot ni Kyungsoo sa malat na boses.
“Ilang oras ang tulog mo kagabi?”
“Isa o dalawang oras lang po.”
“May mga nararamdaman ka bang pagbabago sa katawan mo?” Maging si Baekhyun ay napatingin sa nurse dahil sa tanong nito.
“Po?” Ang tanging naisagot ni Kyungsoo.
“Okay, carrier ka ba?” Pati si Chanyeol ay nagreact na sa tanong ng nurse. “Oo o hindi?” Follow up nito dahil hindi makasagot si Kyungsoo.
Bumaba ang tingin ng lalaki sa mga kamay nito bago sumagot. “Oo po.”
Nagkatinginan tuloy sila ni Chanyeol.
“Bibigyan kitang PT, take mo siya sa CR ha. Then sabihan mo ako kung anong lumabas na result.”
“Hindi na po kailangan.” Putol naman ng lalaki saka dahan-dahang tumayo. Napatayo na rin tuloy sila ni Chanyeol dahil hindi pa stable si Kyungsoo.
“Kailangan nating makasiguro, hijo.”
“Okay na po. Alam ko na po ang result.” Sabi ulit ng lalaki saka ito bumaling sa kanila na namimilog ang mga mata at nakaawang ang mga labi. “Maraming salamat sa tulong. Aalis na ako.”
“Teka,” habol ni Baekhyun at si Chanyeol ay naiwan pa para i-clarify sa nurse ang mga nangyayari. May ideya na sila pero may room pa rin for doubt.
Kingina ni Jongin!
“Kyungsoo, wait!” Tawag niya dito at napatigil naman ang lalaki sa may pinto pero dahil nandoon na ulit si Jongin.
“Soo,” sambit ni Jongin na nahihirapan. Kahit si Kyungsoo ay maiiyak na at gusto nang makaalis sa lugar na iyon.
“Please,” iyon lang ang tugon ng lalaki sa kaibigan. At na-estatwa naman si Baekhyun. Hindi niya kasi alam ang gagawin.
“Tell me,” tuloy pa rin ng kaibigan. “Tell what should I do dahil, tangina Kyungsoo, hindi ko na alam ang gagawin ko!” Umaawat na rin pati si Sehun pero mas malakas pa rin si Jongin. “Sabihin mo lang na ayaw mo ako, titigil ako. Hindi ‘yung pinapaalis mo ako sa harap mo everytime na magkaharap tayo, kasi Kyungsoo, it feels like shit! I love you and so? Was it a sin? Hindi mutual ang feelings mo? And so? Can’t I love you still? Why are you pushing me away? It’s not like I’m projecting my feelings to you, for you to love me back. No! I won’t ever beg you to do that. But can you, at least, let me?”
Tumutulo na ang mga luha ni Kyungsoo habang umiiling. Pero hindi ito nagsasalita. Kahit si Baekhyun ay caught up sa tensyong bumabalot sa dalawa. Naapektuhan siya. Sumasakit din ang dibdib niya.
“Ganun mo ba ako kaayaw para umabot sa puntong maglo-LoA ka dahil lang sinabi kong mahal kita? Do you think I can’t give you what you deserve? Kyungsoo, I can bet on everything that I have for you, for us! Kaya kong isugal lahat.”
“Jongin,” pigil niya sa kaibigan. Nao-overwhelm na rin kasi si Kyungsoo sa mga sinasabi nito. Baka mas lalong lumala ang dinadamdam ni Kyungsoo kung hindi pa titigil si Jongin.
“What should I do? Give law school up and disappear from your sight? I can do that. Teka, give me an hour, I’ll give you the receipt of my drop out form.”
Walang ano-ano’y mabilis na nakalapit si Chanyeol sa kaibigan at binigyan ito ng suntok. “Shut up and give Kyungsoo some space.”
“Okay na, ako na bahala sa kanya.” Sabi naman ni Sehun saka hinila palayo ang matalik nitong kaibigan. Naiwan si Kyungsoo na napaupo na sa may pinto at malalang umiiyak.
“I’m sorry,” bulong nito habang nakatingin pa rin sa papalayong si Jongin. “I’m sorry.”
“Kyungsoo, it’s okay,” alo niya sa lalaki saka tumabi dito ng may sapat na distansya.
“We’re sorry for our friend. He’s a total dickhead.” Dugtong naman ni Chanyeol na tumabi sa kanya. Lumingon siya dito at nginitian ng maliit ang kaibigan.
“I’m sorry din for the inconvenience. Thank you sa pagtulong kanina. Hindi ko na din alam gagawin ko kung may mangyari din dito.” Tukoy ng lalaki sa sinapupunan nito. Doon nila nakompirma na buntis nga si Kyungsoo. At ang ama ay si Jongin.
“LoA? Aalis ka? Hindi mo sasabihin kay Jongin?” Sabi ni Baekhyun matapos makalma ang lalaki.
Tangina talaga ni Jongin!
“Hindi na. I can’t make his life miserable too. He really loves pursuing law. And we can’t hold him down from his passion.”
Napalabi si Baekhyun sa sinabi ni Kyungsoo. Pero wala siyang maipanlaban dito dahil hindi naman niya pwedeng ipilit ang gusto. Isa pa, siya nga din hindi matanggap noon ang kapatid niya.
“You think you’re cutting off Jongin’s wings to succeed? Weren’t you a bit ahead of him? Why are you making the decision for him?” Sabi naman ni Chanyeol.
Ngumiti naman ng mapait si Kyungsoo dahil doon. “I can’t be the reason why Jongin slows his way down the finish line.”
“And how about yours?” Balik ulit ni Chanyeol. Para na namang nanunuod ng badminton match si Baekhyun sa palipat-lipat na paglingon niya sa dalawa. “Mahihinto din ang mundo mo ah. You will have to sacrifice for you and your child. Why do you have to put someone else first before you? Unless you feel the same way too?”
Suminghot si Kyungsoo saka napangiti. Hindi katulad kanina, maaliwalas na ang mukha nito. “Maybe I do.” Nagkatinginan tuloy silang dalawa sa sinabi ng lalaki. “But what happens next? Love can't solve everything.”
“But at least you have your truest ally in the world,” sagot ulit ni Chanyeol.
Lord, wala ba talagang maling masasabi ang lalaking ‘to?
Natahimik si Kyungsoo matapos ‘nun. Maging si Baekhyun ay napaisip sa huling sinabi ni Chanyeol. Hindi nga naman masosolusyunan ng pagmamahal ang lahat. Pero kung may kahit nag-iisang mahal ka na makakatuwang mo sa pagharap sa lahat, malalagpasan mo pa rin ang mga ‘yun gaano man kahirap.
Napatingin tuloy si Baekhyun sa katabi. Si Chanyeol kaya, may naiisip na ba itong makakasama nito para ma-survive ang mundong ito?
Naalimpungatan si Baekhyun dahil umaalingaw-ngaw ang ringtone ng cellphone niya. Balak niya sanang ignorahin na lang iyon pero hindi ito tumigil hangga’t hindi magsawa ang nasa kabilang linya!
Nakapikit pa ang mga mata na inabot niya ang tumutunog na aparato lsaka inaantok na sinagot iyon kahit niyaala kung sino ito. “Ano?”
“QC City Hall, 10 am.” Maikling sabi ni Jongin habang may mga kaluskos siyang naririnig sa background nito.
“Ano kamo?” Himihikab pa siyang nagtanong ulit para linawim ang sinabi ng kaibigan.
“QC City Hall. 10am, semi-formal ha.”
“Okay,” wala sa sariling sagot niya saka pinatay ang tawag. Itutuloy niya ulot ang tulog pero biglang tumatak sa kanya ang oras noong pinatay noya ang tawag ng kaibigan. 9:00am.
9:00am!
Biglang nawala ang antok niya at dali-daling bumangon para maligo at mag-ayos. Gagong Jongin, basta-basta mag-aaya tapos rush. Hinayupak!
Agad niyang tinawagan si Chanyeol matapos makaligo at nakakonekta naman agad ang kaibigan. “Gising ka na?”
“Oo,” mas mababa ang boses ng kaibigan kapag bagong-gising ito. “Gagong Jongin, gusto ata masapak ulit eh. Weekend na weekend eh.”
“10am daw. Bilisan mo ah. Kita na lang tayo sa may harap ng City Hall.”
“Hintayin mo na ako 20 minutes. Hiramin ko kotse ni Mama, sunduin kita.” Hindi naman na nakasagot si Baekhyun dahil pinatay na ng lalaki ang tawag. Limang minuto bago 9:30 pa lang naman kaya okay pa. Mabilis naman ang byahe dahil sabado.
Chineck niya na lang muna ulit ang ayos saka ang mga dadalhing gamit sa bag niya at maya-maya lang ay kumakatok na si Chanyeol sa kanila. 20 minutes matapos nila mag-usap sa tawag.
“Gagi, ano ka si flash? Nakapag-ayos ka kaagad?” Bungad niya dito pagkabukas ng pinto. “Ma, alis na kami ni Chanyeol.” Paalam niya sa ina at saka isinarado na rin ang pinto matapos sumagot ng ginang.
“Nagjogging ako ng maaga. Kakatapos ko actually maligo noong tumawag ka. Tara?” Akay nito sa may passenger seat ng Mazda 3 ni Dr. Yumi na bagong-bago pa kahit tatlong taon na itong nagagamit. Maalaga kasi ang ginang.
Nakaalis na sila noong tumawag si Jongdae sa kanila. “Hello Baekhyun ko! Nakaalis ka na? Hinayupak na Jongin basta-basta nag-aaya kakagising ko lang!”
“Paalis pa lang ng Manda. Ready ka na ba?” Sagot niya naman ng natatawa. Na-miss niya ang matalik na kaibigan. Parati na kasi itong missing in action dahil sa ka-busyhan nito sa trabaho. Halos hindi na nila mahagilap.
“Hindi pa nga eh, pasabi na lang kay Jongin male-late ako. Bawal siya magreklamo dahil siya naman ‘yung nagru-rush, sapakin ko ‘yun eh.”
“JD,” singit naman ni Chanyeol kaya inilapit niya ‘yung phone niya sa lalaki.
“Ay sosyal, kasama pala ang jowa lalala. Yes, Park?”
“Be ready in ten minutes, sunduin ka namin.”
“Gago, ten minutes?!”
“Yep, take it or leave it.”
“Yabang, porket may kotse. B, Baekhyun ko! Sabihan mo nga ‘yang kaibigan mo na bagalan onti.”
Natawa tuloy si Baekhyun. “Oo na, magready ka na. See you in a bit.” Pinatay niya na ang tawag saka umayos ng upo. Pero true to Chanyeol’s words, 10 minutes after saka sila nakarating sa condo ni Jongdae. Hindi niya din alam kung bakit ganun kabilis tahakin ang EDSA at almost 10am today.
“Masyadong ginalingan ang pagdrive. Bakit hindi mo bagalan next time,” komento ni Jongdae matapos ito makasakay sa backseat. On time pala sila makakarating, thank you sa swabeng pagdrive ni Chanyeol, ayon kay JD.
Nandoon na rin si Sehun na naghihintay pagkarating nila. Kahit ito ay nagtataka dahil bukod sa place, time at dress code, iyon lang din ang sinabi ni Jongin dito.
“Oh ayan na pala siya eh,” sabi ni Chanyeol na prenteng nakatayo sa likod niya. Papalabas nga si Jongin sa loob ng city hall at naka-formal attire din ito. Maging ang buhok nito ay nakapomada.
“Kumpleto na pala kayo eh. Akala ko male-late si JD.” Sabi nitong may malawak na ngiti.
“Hoy, alam nating lahat na hindi ako ang tardy sa barkadang ito,” mayabang nitong sabi saka inismiran si Sehun na parang walang narinig naman ang lalakit at pasipol-sipol pa kahit wala namang tunog.
“Tara na nga,” sabi na lang ni Jongin at nagpatiuna nang maglakad pabalik sa loob.
“Ano bang meron?” Curious niyang tanong pero nginitian lang siya ng kaibigan.
Pagdating nila sa second floor ay dumiretso sila sa isang hall. Walang katao-tao sa loob maliban kay Kyungsoo na nakaupo pala sa pinakaunang row ng mga upuan. Lumingon ang lalaki sa kanila at matipid na ngumiti kay Baekhyun. Kumaway naman siya dito.
“Okay na ba ang lahat? Wala ka nang ine-expect?” Bungad ni Mayor Kim at dire-diretsong naglakad sa harap. “Oh, be seated na mga sponsors. ‘Yung mga groom, dito na sa harap.”
“Groom?” Naguguluhang chorus nilang dalawa ni Jongdae at palipat-lipat ang tingin nila kay Jonging, Kyungsoo at kay Mayor Kim.
“Tara na dito sa harap. 15 minutes lang free time ni Dad,” tawag ni Jongin sa kanila kaya sumunod na lang sila kahit nagtataka pa rin.
“We are gathered here today to witness the civil union of Jongin Kim and Kyungsoo Do,” napanganga silang lahat dahil sa pag-officiate ni Mayor Kim sa kasal pala ng kaibigan nila.
Hindi sukat-akalain ng barkada na isa sa kanila ang ikakasal in the near future dahil busy silang abutin ang mga pangarap nila. Pero huwag pala dapat i-underestimate ang power ng extrinsic variables dahil kung oras na, oras na talaga. Sa kaso naman nina Jongin at Kyungsoo, handa naman na nilang tahakin ang susunod nilang kabanata at masaya sila para sa dalawa.
Pakiramdam ni Baekhyun, maiiyak siya dahil sa bumabahang emosyon dulot ng kasal ng kaibigan nila. Sobrang surreal pero sobrang nakakataba ng puso.
There I was, an empty piece of a shell
Just minding my own world
Without even knowing what love and life were all about
Sa reception of six people and delivery meals, tumugtog ang banda ang tanging hiling ni Kyungsoo bilang wedding gift ng barkada sa kanila. At masaya naman nilang pinaunlakan ang bagong parte ng barkada nila. Si Jongin ang naglalapat ng boses sa lyrics ng napili nitong kanta.
Then you came
You brought me out of the shell
You gave the world to me
And before I knew
There I was, so in love with you
“You gave me a reason for my being, and I love what I’m feeling,” hindi na nakatapat ang mikropono kay Jongin dahil mabilis niyang nahila ang asawa para maisayaw. Hindi din maituturing na mga matalik na kaibigan ang apat kung hindi mangangtyaw ang mga ito kaya natawa na lang siya.
Pinuntahan niya si Kyungsoo sa condo nito noong araw ding iyon sa infirmary matapos siyang mahimasmasan. Kinausap siya ng mga kaibigan at kahit ayaw nilang manghimasok, sinabi sa kanya na kailangan niyang makipag-usap sa blockmate niya.
Kahit walang ligo at may hangover pa rin, byinahe niya ang Maynila para puntahan ang lalaki. At doon niya nalaman ang lahat-lahat. Kung bakit ito umiiwas. At kung bakit siya nito pinapalayo. Dahil ayaw pala nitong makasagabal sa kanya. Ayaw nitong malimitahan siya dahil sobrang dami pa niyang magagawa at mararating.
“I can’t bring you down with me.” Lumuluhang sabi ni Kyungsoo. Nakaupo ito sa sahig dahil ubos na ang lakas nito. Si Jongin naman ay hindi makapasok sa loob dahil baka kasi ayaw niya nang pakawalan pa ang lalaki kung malapit siya dito.
“Then don’t. We’ll both get through it. You and me.” Tugon ni Jongin, nahihirapan na din. Ayaw niyang makitang ganito ang lalaki. Parang pinipiraso-piraso ang puso niya.
“But there’s so much more ahead of you. Forget about me. Forget about us and chase your dream. I know how much you love what you're doing, attorney.”
“How can I do that? Kasama ka naman sa binubuo kong plano.”
“Ha?” Naguguluhang sambit ni Kyungsoo. Puno pa rin ng luha sa mata pero hindi nito alintana iyon. Pinanuod niyang unti-unting pumasok si Jongin at lumuhod sa tabi niya. May inilabas itong maliit na kahon mula sa bulsa nito.
“Funny how I was so sure to keep you only as a fuck buddy. But I bought this on impulse thinking it would look good on your finger while I intertwine our hands as we do it.” Binuksan niya ang kahita at tumambad sa kanila ang isang manipis na silver band. Wala itong dekorasyon o bato pero kumikinang ito na parang may mga diyamante. “Aimer, sabi pwede nila i-engrave ang gusto kong ipalagay. Free service daw since doon naman ang suki ni Dad sa mga sponsored wedding rings niya. Who would have thought this ring would come handy two years later.”
Wala pa ring sinasabi si Kyungsoo sa mahabang litanya niya. Kaya nakangiting hinawakan ni Jongin ang mukha ng lalaki para hawiin ang mga natuyong luha sa mukha nito. “Kyungsoo, this ring is only worth a few hundred but I am sincerely ready to take your hand and cross these new chapters with you hand in hand. Will you marry me?”
You taught me how to love
You showed me a tomorrow and today
My love, that's different from the yesterday I knew
You taught me how to love
And darling, I will always cherish you
Today, tomorrow, and forever
Sobrang saya niya ngayong araw. Walang pagsidlan iyon at gusto niyang malunod sa magandang pakiramdam na ito. Hindi niya inaakalang in a span of one month, ibibigay sa kanya ng langit ang lahat ng rason ng kasiyahan niya. Si Kyungsoo, ang anak nila at ang pag-ibig nila. Wala na siyang mahihiling pa.
Nahahapong napaupo si Baekhyun sa gitna nina Chanyeol at Minhyun. Kakapasok pa lang niya pero pagod na pagod na siya. Nasiraan ang sinakyan niyang bus at tinakbo niya pa ang papuntang LRT para lang makaabot sa una niyang klase. Masyadong pahirap sa mga commuters ang transportation system ng bansang ito! Basura!
“Napaano ka?” Nag-aalalang tanong ni Minhyun sa kanya.
“Badtrio ‘yung nasakyan kong bus. Nasiraan,” tugon niyang naasar pa rin.
“Manggagaling akong Ortigas ngayong week dahil umuwi kami doon ni Mommy, sabay na kita sa mga susunod na araw.”
Hulog ng langit talaga itong si Minhyun sa kanila. Pinakamabait sa lahat. “Sige, maraming salamat!”
Pero ang ipinagtataka ni Baekhyun ay wala man lang imik si Chanyeol sa kanila hanggang sa magsimula ang klase nila.
Napaano itong si Chanyeol? In-scribe niya iyon sa gilid ng readings niya saka pinabasa kay Minhyun. Kumibit-balikat lang naman ang lalaki kaya hindi naman na niya ito inabala. Nilingunan niya ulit ang matangkad na kaibigan pero diretso ang tingin nito sa harap at matamang nakikinig sa Prof nila. Kakausapin na lang niya ito pagkatapos ng klase. Baka masama lang ang gising nito.
Natapos ang klase at mabilis itong tumayo para umalis. Hindi man lang ito nagpaalam sa kanila na mauuna na ito. Na-offend ng kaunti si Baekhyun sa iginawi ng kaibigan pero siguro ay iintindihin niya na muna ang matangkad. Baka madami itong iniisip. Third year na rin kasi sila at halos lahat ay tutok na sa pag-aaral dahil isa sa importanteng taon ng law school ang third year. Dito na kasi malalaman ang standing ng mga estudyante kung makaka-graduate sila on time.
Kahit siya ay parang naglalakad na rin sa eggshells. Kailangan niyang doblehin ang pagsisikap lalo na at lahat ng subjects nila ngyong sem ay seasonal. Kung maibagsak man nila ang mga ito, sa susunod na school year na lang nila ito ulit makukuha. At ibig-sabihin ‘nun, mage-extend sila.
“Umalis na si Park?” Tanong naman ni Minhyun nang makabalik galing restroom. Hinintay niya lang ang kaklase kaysa naman mag-isa niya kumain sa UP town. Nalulungkot tuloy siya.
“Oo eh, baka nagmamadali. Tara kain na lang tayo.” Matamlay niyang aya pero hindi naman siya nakakain. Iniisip niya ang matangkad na kaibigan. Sa tatlong taon nila sa law school, bihira lang naman ito mag-ignora. Palagi nga silang magkadikit eh. Pero ngayon para tuloy siyang kulang.
Wow, ang oa niya! Baka nga kailangan lang ni Chanyeol ng space. Masyadon naman siyang self-centered agad.
“B, shake it off. Baka may importanteng lakad lang si Park. Kung hindi, eh di isumbong mo kina Jongin at Six.”
“Nakakapanibago lang kasi.” Tipid siyang ngumiti pero naging awkward lang ‘yung ginawa niya sa mukha niya. Umiling-iling tuloy si Minhyun sa kanya.
“Tinatago mo pa kasi. Pwede namang ilabas ‘yan. Nahihiya ka pa.” Cryptic nitong tugon kaya napamaang siya dito.
“Ang alin?”
“Gusto mo si Park, hindi ba? Kaya ka nag-aalala ngayon sa kanya?” Dugtong nito dahil hindi niya gets ang kaibigan. Namula tuloy siya saka ibinaba ang tingin para maitago ang mukha kay Minhyun. “B, huwag kang masyadong mag-alala. Nao-observe ko lang.”
Ganun ba siya kahalata sa mga ikinikilos niya? Nakakahiya tuloy!
“Hindi ah, syempre magkaibigan kami. Normal lang mag-alala sa kanya.” Pagdedeny pa niya. Pero hindi na kumbinsido ang kaharap sa kanya.
“Doon ka magdeny kay Oble. May chance ka pang makalusot.” Sabi nitong natatawa pero agad din nitong binawi iyon. “Relax, I won’t force you to admit it. Si Park ang may deserve na makarinig niyan.”
Napalabi tuloy siya na parang maiiyak na. He thought he’s doing fine keeping his feelings a secret. Pero ang hirap pala.
Hirap na hirap na siya.
Lalo na ngayon at parang wala siyang magawa kung may problema man ang kaibigan. Kung magiging honest siya sa sarili, may mga times nga na hindi niya matanggap na hanggang kaibigan lang siya ni Chanyeol. Pero ayaw niya naman mag-take ng chance. Masisira lang kasi ang lahat.
Marerealize niya din na okay na siya sa kung nasaan siya. At least, within reach pa rin niya ang kaibigan.
Tama. Kailangan niya lang pigilin ang sarili. Para walang gulo. Para walang sakit.
“Oh diba, nasasaktan ka pa rin kahit ganyan,” komento ni Minhyun sa pananahimik niya. Kaswal lang itong ngumunguya sa pagkain nito pero siya, parang buhangin ang isinusubo.
“Eh wala naman kasi akong choice, Minhyun. Ayoko kong makasakit.” Ngumiti siya ng mapait sa naisip. “Kaya okay lang kahit ako na lang ang masaktan.”
Napabuntong hininga ang kaharap sa sinabi niya. “You, silly masochist. You do have a choice. Hindi ka lang makapag-decide kasi gusto mong mag-playsafe.”
Simple lang na umaga sana ngayon pero nauwi iyon sa counselling. Ganun siguro ang mga tao no, maghahanap at maghahanap ng ikasasakit ng ulo kapag nalagpasan na ang mga dating problema.
“Teach me the know-hows sunbae,” sabi niya na lang para mabawasan ang bigat ng mood nila. Pero hindi siya sinakyan ni Minhyun.
Napasimangot na lang tuloy siya saka pinilit ang sariling ubusin ang in-order na pagkain dahil sayang naman.
Akala ni Baekhyun a day or two lang ang huramentado ni Chanyeol. Pero magdadalawang linggo na ay umiiwas pa rin ito. May mga araw nga na lumiliban din ito sa mga klase nila at wala siyang magawa kundi panuorin ang kaibigan na ganito. Hindi ito nagrereply sa mga messages niya para sana ibigay ang mga kopya ng notes niya. Pati nga sila Sehun at Jongin ay napapansin na rin ang panlalamig ng kaibigan.
Naiyak na nga minsan si Baekhyun dahil nakita niyang kasama ng kaibigan sila Lay na blockmate ni Jongin. Mukhang neophyte na si Chanyeol sa greek org nila. Oa na kung oa pero pinanghawakan niya ang sinabi nitong hindi ito interesadong sumama sa alinmang frat groups ng College of Law. Pakiramdam niya pinagsinungalingan siya ng kaibigan.
Hindi kasi lingid sa kaalaman nila ang kung anu-anong mga initiation rites ng mga orgs sa mga recruits nila. At iniisip pa lang niyang kasali doon si Chanyeol, naiiyak na siya.
Oo na, hindi na lang pagkagusto ang nararamdaman niya sa kaibigan. Dahil kung gaano ang pagpipigil niya doon, ganun din nagpumilit itong lumalalim. May magagawa pa na siya doon?
Noong sumunod na linggo ay nakapasok na ito. Pero para naman itong nilalamig sa suot nitong hoodie at pantalon. Kadalasan ay nakashort nga lang ito at graphic tees dahil pawisin ito. Kaya hindi na nakayanan ni Baekhyun na huwag pansinin ito.
Mabilis niya itong hinila sa braso matapos ang klase nila para komprontahin na ito. Nakita niya kung paano ito napangiwi sa hawak niya kahit hindi naman iyon mahigpit. “Okay ka pa?” Hindi niya mapigilan ang naiinis na tono sa pagtanong niya.
“Oo naman,” tugon nito kahit papaano pero ang mga mata nito ay hindi makatingin sa kanya. Inililibit nito ang paningin para makaiwas sa kanya. At dahil sabay naman ang klase nila sa block ni Jongin, nakita nito agad si Lay. “I have to go,” paalam nito saka mabilis na pinuntahan ang lalaki.
Naiyak na sa inis si Baekhyun. Para kasing andaling nawala sa tabi niya si Chanyeol, literally at figuratively.
“Oh anong nangyari sa’yo?” Dalo sa kanya ni Jongin na kakagaling lang din sa klase. Kasama na nito si Kyungsoo na kakabalik lang din mula sa ilang buwan nitong LoA sa klase.
“Tanungin mo si Chanyeol,” hindi niya na mapigilang sumbong saka umalis ng hallway. Naaasar na talaga siya sa binata. Kung ayaw siya nitong kausapin, eh hindi naman na niya susubukan ulit.
“Hoy teka,” habol ni Jongin. “Chanyeol Park!” Umalingawngaw sa hallway ang boses ni Jongin at wala ng pakialam si Baekhyun kung makita man siya ng matangkad na ganun. Ayaw niya na rin munang makita ang kaibigan dahil sa inaasal nito.
Malaki ang naging tampo niya kay Chanyeol na kahit ang mga kaibigan ay walang magawa para magkaayos sila. Hindi siya pumupunta kapag nagyayaya silang magkita-kita. At hindi niya na rin kinakausap si Chanyeol sa klase nila. Halos si Minhyun na lang ang kasama niya kapag may pasok. Sa weekends naman ay isinusubsob niya ang sarili sa pag-aaral. Kung bibilangin niya ang mga araw, dalawang buwan na silang hindi magkausap ni Chanyeol. Para silang bumalik sa dati. Ang pinagkaiba lang ngayon, hindi na sila mapagsama sa isang kwarto.
“Ano ba kasi talaga ang problema niyong dalawa?”
Hindi na nakatiis si Jongdae at sinugod na siya sa bahay nila. Ilang aya na rin kasi ng matalik na kaibigan ang nahindian niya. Isa pa, wala na rin siyang energy magpanggap na okay lang siya. Kaya hindi na lang siya sumisipot. Masisira niya lang din kasi ang mood nila.
“Busy lang sa acads, JD. Malapit na rin kasi ang finals kaya nagre-ready na ako ng digests.”
Bigla siyang iniharap ng kaibigan sa sarili nito saka siya tinitigan mata sa mata. “Kabisado kita, Baekhyun. At hindi mo ako maloloko ‘dyan sa palusot mo. Pero ang akin lang, bakit ninyo isinasali ang barkada sa personal ninyong problema?
Sure, pwede kayong hindi sumali sa amin twice, thrice. Pero yung kakalimutan ninyo na kami dahil ayaw niyo nang makita ang isa’t-isa, ibang usapan naman na ‘yan. Hindi lang naman kayo ang bida sa barakadahan natin.”
“Sorry,” maikli niyang sabi pagkababa ng tingin sa kamay niya. Naubusan na rin kasi siya ng idadahilan. Guilty siya na pati ang barkada ay hindi na rin niya pinapansin. Pero sawa na siyang magpanggap na okay lang siya. Gusto niya na rin i-acknowledge na nasasaktan siya. In that way, baka makapag-move on na rin siya.
“Ano bang nangyari?” Ulit ni Jongdae matapos ang ilang saglit na katahimikan. “Baka kasi makatulong kami.”
Nag-angat siya ng tingin saka bumuntong-hininga. “Hindi ko din talaga alam, JD eh. Bigla na lang siyang naging ganun. Parang nabitawan ko siya bigla tapos hindi ko na siya pwedeng hawakan ulit. Nawalan na ako ng chance na hawakan siya ulit. Kasi ako naman ang naglagay sa sarili ko kung saan ako nakatayo ngayon. Ako ang nagset ng boundary. Kaya hindi ko din alam kung paano makakalabas sa loob ng limitasyon na ginawa ko.”
“Bakit ka ba kasi nagset ng line? Para saan ba ‘yun?”
Ngumiti siya sa kaibigan, isa-isang pumatak ang luha sa mga mata niya. “Para sana walang masaktan sa aming dalawa.”
Sa sinabi ay niyakap siya ng kaibigan. “Baka kailangan lang din nating hintayin si Chanyeol. May rason din siguro siya kaya siya umaakto ng ganito. Baka kailangan niya ring mag-isip-isip dahil iyon ang kailangan para masolusyunan niya ang problema niya?”
“Pero alam mo ang nakakatawa, JD?” Sabi niyang natatawa kahit may mga luha pa rin sa mga mata niya. “Masyado akong apektado eh hindi ko naman alam kung kasama ba ako sa mga iniisip niya. Masyado akong pa-bida eh wala naman akong karapatan.”
“Huwag mong sabihin yan, B. More than anyone else, alam mong mahalaga ka sa lalaking ‘yun. Hindi ba’t hindi ka niya iniwan sa mga pagkakataong feeling mo buhat-buhat mo ang lahat?”
“Pero hindi naman niya ako binigyan ng chance para damayan siya kung may problema man.”
Tinapik-tapik ni Jongdae ang likod niya habang magkatabi silang naupo sa sahig ng kwarto ni Baekhyun. “Give him some more time, B. He’ll come back once he’s come to terms with his own self.”
Bigla ulit bumuhos ang mga luha ni Baekhyun. “Mis na miss ko na siya, Jongdae.”
“Hindi kita dapat tawanan pero saka na kita aasarin kapag okay na kayo. Kita mo ‘tong lalaking ‘to. Kinain mo rin lahat ng sinabi mo dati,” tumatawang sabi ni Jongdae habang binubunot ang cellphone sa bulsa nito dahil may tumatawag. Pasado alas diyes na rin ng gabi ayon sa wall clock niya.
“Oh, nandito pa ako. Ha? Teka titignan ko pa. Ano, malapit ka na? Gagi, oh sige, teka lang.” Agad nitong ibinaba ang aparato saka humarap sa kanya. “Mago-overnight talaga sana ako, B. Pero pasensya ka na ha, may kailangan lang akong puntahan.”
Sanay naman na siya na maya’t-mayang umaalis ang kaibigan kaya hindi naman na niya ito pinigilan. Sisinghot-singhot pa siyang nagpaalam dito. “Ingat ka.”
“Ikaw ang mag-ingat! ‘Wag ka masyadong nag-iisip babalikan ka rin ni Park!” Natawa na lang si Baekhyun habang inaabot ang cellphone niya sa may kama. Tumunog din kasi iyon. “Alis na ako ha!” Sabi ni Jongdae saka nito isinarado ang pinto.
Siya naman ay kinakalma pa ang sarili bago tignan kung sino ang tumatawag. Pero lahat ng naipon niyang lakas ay bigla din nag-evaporate nang makita caller ID sa screen niya. Nanginginig pa siyang sinagot iyon.
“Hello?” Malakas ang tunog ng bass sa kung nasaan man ang nasa kabilang linya. Pero ang pinangunutan niya ng noo ay ang hindi pamilyar na boses ng nagsalita. “Hello, is someone still there? Ikaw ang nasa speed dial ni Park and I want to inform you na nandito kami sa BGC and Park is dead drunk. Can you come to pick him up?”
Naglalakbay sa gitna ng dalampasigan
Pinagmasdan ang alon na humahampas sa nakaraan
Umihip ang hangin, sa langit, ako'y napatingin
Ulap ay sadyang kay dilim, tila yata may bagyong parating
Para siyang de-susing manika na hindi na namalayan ang mga ginawa pagkatapos niyang marinig ang sinabi ng nasa kabilang linya. Agad-agad lang siyang nagsuot ng sapatos at kumuha ng jacket para habulin si JD. Makikisakay na lang siya sa kaibigan para makarating agad.
Hindi niya na pinansin na si Sehun pala ang kasama nito at mukhang may lakad silang dalawa lang. Ang nasa isip nga ngayon ay mapuntahan agad ang kaibigan.
Nakarating naman sila sa isang bar at nandoon nga si Chanyeol. Nakadukdok ang ulo nito sa counter at lasing na lasing.
Bakit ka lumuluha? Bakit nagtataka?
Akala mo ba, ika'y iniwan na?
“Chanyeol,” pagas ang pagtawag niya sa binata pero hindi naman ito tumugon.
“Anong nangyari sa kanya?” Humahangos namang tanong ni Sehun. Sumunod pala sila sa kanya papasok.
“There you are,” sabi ni Lay. “Ikaw pala ‘yung parati niyang nababanggit. Baekhyun, right?” Tumango lang siya, walang energy para sumagot pa. “He actually has a lot to tell you but he doesn’t know how. We may not know each other well but just a pro tip. Don’t be afraid to take the chance.”
Hindi, pasan kita, hindi mo ba nakikita?
Hindi ka na sa akin ay luluha pa
Naiuwi na nila ang matangkad at maging ang ina nito ay nag-aalala na rin. Matapos nilang maiayos ang kaibigan sa pagtulog, iniwan na rin siya nina Jongdae dahil nagpaiwan naman talaga siya.
“Pasensya ka na, Baekhyun ha. Naabala ka pa ng anak ko,” panimula ni Dr. Yumi. Niyaya siya kasi nitong maupo muna sa dining table para uminom ng mainit na gatas.
“Okay lang, Doc. Wala naman pong problema.” Matipid niyang sabi, nahihiya sa ginang dahil naaalala niyang ipinakiusap nito ang anak nito sa kanya pero wala naman siyang ginawa. Bagkus ay naging self-centered pa siya at ginawang issue ang lahat sa kanya.
“I thought he’s fine, pero hindi pala. Dinibdib niya pala ang naging pagkikita nila ng papa niya.”
“Po?” Nagtataka niyang tanong. Naguguluhan sa mga nalalaman. Alam niyang dalawa lang si Chanyeol at ang mama nito sa buhay dahil umalis ang papa ng kaibigan noong bata pa ito. Huling kita ng lalaki sa ama nito ay noong three years old ito. At malaki ang sama ng loob ni Chanyeol sa ama dahil mas pinili nitong iwan sila para sa pansarili nitong interes.
“Akala ko, maiintindihan niya na rin ang mga nangyari dati at mapatawad nito ang ama nito. Pero parang pinayagan ko lang ulit masaktan si Chanyeol noong hinayaan kong makipagkita ang papa nito sa kanya. Ngayon, pati sa akin ay lumayo ang loob ng anak ko,” malungkot ang ginang na nakatingin sa sarili nitong mug. Umiiwas sa kanyang ipakita na nasasaktan din ito.
“Gusto kong ibigay ang lahat para sa anak ko, Baekhyun. Pero hindi pala ako superhero. At pakiramdam ko, kulang na kulang ang mga nagagawa ko para sa kanya.”
“He wants the best for you, too, tita. Kaya siya nag-aaral ng mabuti. Dahil alam niya ang lahat ng isinakripisyo ninyo para mapalaki siya. And tita, he loves you so much.”
Hindi ko naman hangad ang anomang bagay sa mundo
Ang tanging hinihiling ko lamang ay yakapin mo
He failed Chanyeol. He didn’t trust him enough. Kung anu-ano ang mga bagay na pumasok sa isip niya samantalang nasasaktan pala ito ng mag-isa. May karapatan pa ba siyang mahalin ito?
“Thank you, Baekhyun. For seeing the good in my son. ”
Napaangat siya ng tingin sa ginang. Halos bumitaw na siya kanina pero heto ang ginang, hindi siya hinahayaang isipin na hindi niya deserve si Chanyeol. Kaya ngumiti siya dito saka hinawakan ang kamay ng nakatatanda.
At ngayon, pasan kita, ngayon mo na makikita
Hindi ka na sa akin ay luluha pa
Ngayon, pasan kita, ngayon mo na makikita
Hindi ka na sa akin ay luluha pa
Countless times siyang pinasan ni Chanyeol kahit pauli-ulit niyang prinoproblema ang lahat. Hindi ito nagsawang makinig sa mga hinaing niya kahit ito rin ay may dinadala pa lang mabigat.
Kaya bakit siya panghihinaan ng loob kung hindi naman nawalan ng pag-asa sa kanya ang kaibigan?
“Tita, this isn’t the right thing to do right now but can I ask your permission to love your son?”
“Baekhyun,” singit naman ni Chanyeol na muntik nang magpatalon sa kanya mula sa kinauupuan niya. Of all the times na pwede itong sumingit bakit ngayon pa?
“I can’t be the one to tell you you may or may not. Itanong mo sa kanya ngayon.” Sabi naman ni Dr. Lee saka sila iniwan doon sa dining.
Teka, hindi pa pwede! Hindi pa siya handa!
Tatakbo ba siya palabas? Tatawa na lang ba siya at sasabihing “joke lang”? Hindi niya alam ang gagawin niya. Bigla siyang nawalan ng apog bigla.
Pero ang ginawa ni Chanyeol ay kumuha ng baso ng tubig at pitsel sa may ref saka iyon binuhusan ng tubig. “Here,” abot nito saka naupo sa tabi niya. Lahat ng iyon nangyari habang siya ay nakamulagat na sumusunod ng tingin sa lalaki. “Drink the water, B. Parang ikaw ang mahihimatay sa ating dalawa dahil sa pagkalasing.”
Tahimik niyang inabot ang baso sa harap niyabat sinimot ang laman ‘nun hanggang sa mapatid ang uhaw niya.
“I’m sorry,” tahimik na sabi ng matangkad. Tahimik ang paligid nila at ang maliit na wall lamp sa may entrance ng kitchen ang nagsisilbing liwanag nila. Pero kitang-kita ni Baekhyun ang sinseridad sa mukha ni Chanyeol.
Para tuloy siyang maiiyak dahil sa pagka-overwhelm. Ngayon niya na lang ulit nakita ito ng maayos pero mukha pa itong walang pahinga. “We can talk some other time. Uuwi na ako.” Pinigilan niyang hindi mabasag ang boses niya pero kahit sarili niya ay ipinapahamak siya.
“Stay,” pigil naman ng kaibigan. Parang nahihirapan din ito. “Please.”
Bumalik siya sa pagkakaupo at itinuwid ang tingin sa harap. Natatakot kasi siyang ibalik ang mga mata sa mukha ni Chanyeol dahil baka hindi niya na mapigilan ang damdamin niya. Gusto niya itong yakapin. Sabihin itong magiging okay din ang lahat. Maging kakampi sa lahat ng laban nito pero hindi niya gagawin dahil sa huli, pansariling interes niya lang ang sasaya doon. Paano naman si Chanyeol? Hindi na naman niya ikokonsidera ang lalaki kapag ganun.
“Can you please look at me?” Nagmamakaawa ito pero walang ginawa ang lalaki para hawakan siya. Maging ito ay alanganin din. Huminga siya ng malalim at ipinikit ang mga mata bago unti-unting humarap dito. “I’m sorry, Baekhyun.”
Nang magmulat siya, nakita niya din ang mga bilugang mata ng lalaki na kumikinang sa luha. Agad siyang napahawak sa mukha nito para punasan ang mga iyon. “Don’t cry.” Nahihirapan niyang sambit, nanlalabo na rin ang mga mata.
Nag-iyakan sila doon habang hawak-hawak niya ang mukha ng kaibigan. Umaapaw na rin kasi lahat-lahat sa kanya, wala na ring salitang makakapaglarawan ng nararamdaman niya para sa lalaki.
Mahal nga niya ito.
Mahal nga niya si Chanyeol.
Bakit andami pa niyang kailangan pag-isipan para lang marealize iyon. Nasa harap naman na niya ang sagot. Ang lalaki mismo.
Si Chanyeol mismo.
Ni-let go niya na lahat ng mga agam-agam at sumugod sa lalaki para yumakap ng mahigpit. ‘Yung tama lang para hindi na ito makawala pa ulit. ‘Yung tama lang para ma-assure ang lalaki na hindi niya ito iiwan.
“I’m sorry Baekhyun,” garalgal na ang boses ni Chanyeol pero niyakap lang niya ito. Hindi niya ito pipigilan mag-sorry hanggang sa mawala lahat ng guilt nito. Tatanggapin niya lahat ng paghingi nito ng tawad hanggang sa lumuwag ang bikig sa dibdib nito. “I’m sorry.”
Tinapik-tapik niya ang likod ng lalaki. Ina-assure niyang hindi siya mawawala. At mananatili lang siya parati sa tabi nito. Hinintay niyang kumalma ito saka niya binitawan si Chanyeol. Pero hinuli nito agad ang isa niyang kamay at mahigpit na humawak doon.
“I’m sorry for shutting you off. I’m sorry for letting you down. I’m sorry for leaving you hanging. Hindi ko na din kasi alam ang gagawin ko. Gusto ko na lang mag-self destruct that time kasi parang hindi ko na din kayang dalhin lahat.
Seeing him had just opened the deep scars within me that I thought had been long healed. Natakpan ko lang pala ng band aid at hindi ko pinapalitan at nililinis kaya hindi naman pala gumaling.
I thought I was back in time and that I’ll see mama again devastated, beyond repair and hurt. And I don’t know what I can do if that happens so I started shutting people off to protect them from the awakened inner demon in me.
Kasi doon ako pinakanatatakot. Ang makasakit. Lalo na ikaw. Kasi I can’t lose you. I’m afraid to lose you, Baekhyun.” Halos ibulong lang lahat ng iyon ni Chanyeol. Pero rinig na rinig niya lahat. Kahit pati ang kabog ng dibdib nito.
“You’re the one I treasure the most,” dagdag pa nito saka pinagsalikop ang mga daliri nila. At sa dilaw na ilaw ng wall lamp ng kitchen ng bahay nila Chanyeol, nagkaintindihan sila sa wakas sa kung ano ang totoo nilang nararamdaman.
“Akala namin mabubuwag na ang barkada, kingina ninyo!” Mangiyak-ngiyak na bungad ni Jongdae nang sa wakas ay makompleto din sila sa basement ng bahay nila Sehun.
“Oo nga, mga duwag kasi, ayaw pa umamin.” Segunda naman ni Jongin na katabi ang asawa nitong si Kyungsoo sa may sofa. Maganda ang boses ng lalaki at marunong din itong maggitara kaya isinasama ito ni Jongin sa mga sessions nila.
Critic daw. Para ma-improve ang skills nila. Makaasta naman ang may asawa akala nito nasa talent show sila. Mabait din si Kyungsoo. Nakakasakay siya sa trip nilang lahat. Baka nga talaga destined na maging parte ito ng barkada nila.
“Shut up! Akin na ang singko mil!” Maingay naman na bulalas ni Sehun mula sa entrada ng basement. Suot-suot nito ang bag ng gitara nito sa may balikat habang nakalahad ang dalawang palad sa direksyon nina Jongdae at Jongin.
“Anong singko mil?” Takang tanong naman niya habang ikinokondisyon ang organ sa harap niya.
“Ang labo niyo pa rin kahit nag-aminan na eh. Tiwalang-tiwala itong dalawang tukmol na magiging kayo din agad pero mas malaki tiwala ko sa sarili ko. Diba, instant ten thousand!”
“Gago,” ang tanging komento ni Chanyeol habang iniaayos nito ang pwesto ng mga drums. “Mag-out muna kayo ni Jongdae, dodoblehin ko ‘yan,” hamon nito habang mayabang na inilabas ang wallet mula sa back pocket nito.
“Ano?!” Gulat na sambit niya. Hindi niya inaakalang si Six pala ang madalas kausap ni Jongdae nitong mga nakaraang buwan. Hindi naman niya inuusisa dahil baka ma-jinx ulit tulad ng dati. Naging ninja pala ang mga kaibigan nila.
“Kingina, ano pang tinatago ninyong lahat na hindi ko alam?! Akala ko tropa tayong lahat dito?” Kunwari’y masama ang loob na ani Jongin. Natawa lang si Kyungsoo sa tabi niya.
“Salamat Kyungsoo ko, isa kang secret keeper,” hinabol ni Jongdae ang lalaki habang nakaumang ang mga braso nito para yumakap. Bilang reaksyon, mabilis na nagtago si Kyungsoo sa likod ng asawa nito.
“So kayo nga?” Ulit ni Chanyeol, inilalabas na ang sampung tig-iisang libo mula sa wallet niya.
Tumatawa na lang siya sa gilid dahil nakikita nilang parang nag-iisip pang mabuti ang dalawa kung aamin.
“Isa,” pagbibilang ni Chanyeol saka isa-isang ibinababa ang mga bank notes. “Kapag umabot ‘to ng tatlo, forfeited ito.” Dugtong nito saka ibinaba ang pang-anim na blue bill. “Dalawa.”
Huminga ng malalim si Jongdae habang si Sehun naman ay hindi alam ang gagawin kung lalapit kay Chanyeol o mananatili sa pwesto nito.
“Tat—“
“Sorry na babe, pangdate din natin ‘to.” Mabilis na binagtas ni Sehun ang distansya nila ni Jongdae saka ito hinalikan ng mabilis sa pisngi at tumatakbong inagaw ang pera kay Chanyeol. “Masaya ka na, ha?”
Natahimik ang buong silid habang masayang ipinapaypay ni Sehun ang mga paperl sa harapan niya. Napakunot noo pa ito nang may mapansin. “Bakit may graffiti ‘to?” Saka niya inilahad ang mga papel na pera at namumulang napatingin ulit kay Chanyeol na naasar. “Tangina mo, fake money?”
Hindi mo maintindihan
Kung ba't ikaw ang napapagtripan
Ng halik ng kamalasan
“Kaya pa?” Tanong ni Chanyeol sa kanya. Kakalabas lang nila ng huling klase nila pero parang wala ng energy si Baekhyun na hilahin ang mga paano niya sa sakayan para umuwi.
“Okay pa. Pero dinner muna tayo, gutom na ako.” Sagot niyang nakasandal na sa may pader ng hallway. Hinihintay nilang makalabas si Minhyun ng CR para makaalis na rin sila.
“Pass ako, sunduin ko si Dabin, anniversary namin.” Nakangiting sabi ni Minhyun, medyo basa ang fringes nito at umaalingasaw ang pabango. Nag-freshen up na rin pala sa loob.
Pabiro namang ipinaypay ni Baekhyun ang isang kamay sa ilong at itinakip naman ang isa doon. “Sige na, ang baho. Bye!”
“San tayo?” tanong naman ni Chanyeol habang palabas sila ng Malcolm Hall. Medyo dumidilim na dahil 6:30 ang tapos ng huling klase nila.
“Tara ramen?” Yaya niyang dire-diretso papunta sa Osmeña Ave para mag-abang ng ikot.
“B, dito.” Pigil ni Chanyeol at iginiya siya sa may parking. Oo nga pala. Kahit hindi nito kinakausap ang ama, tinanggap pa rin nito ang regalong kotse mula dito. Peace offering anang papa nito hindi iyon pinansin ni Chanyeol. “Deserve ko ito. Kaya dapat lang.”
Natatawa pa rin si Baekhyun kapag naalala niya ang mukha ng kaibigan noong dumating ang kotse sa school nila dala ni Dr. Yumi. Pero agad siyang namula noong binulungan siya ng ginang na kaya lang tinanggap ni Chanyeol ang kotse para daw mahatid-sundo siya ng komportable. Nahiya tuloy siya dahil doon.
Ginapang mong marahan ang hagdanan
Para lamang makidlatan
Sa kaitaas-taasan ngunit
“Pagod na rin naman ako. Andami kong readings na gagawan ng digests. Hindi ko kakayanin ng isang buong weekend ‘yun lahat. Hindi ko na din kaya ang antok kaya nakatulog na rin ako. Hindi ko naman sinasadyang pabayaan ang anak ko. Pero hindi niya ma-gets ‘yun.”
Pagmamaktol ni Jongin isang araw bago matapos ang unang buwan ng fourth year first sem nila. Konting-konting gapang na lang pero parang malayo pa rin. Kailangan pa rin nilang higpitan pa ang kapit para makatawid sa finish line.
Pero dahil sa mga kanya-kanya nilang responsibilidad, syempre nalilimitahan sila para ma-maximize ang oras na pwedeng igugol sa pag-aaral.
Pero sa kabila noon, masaya si Jongin makita na pwede naman pala mapagsabay ang lahat. Basta alam mong pahalagahan ang bawat isa sa mga ito.
At kaya kahit nagtatampo siya sa asawa, hindi pa rin niya maiwasang hindi suyuin ang lalaki dahil alam niya na sa lahat ng tao, ito ang pinaka nagsakripisyo hindi lang para sa kanya kundi para sa kanilang tatlo.
“I love you everyday, amier.” Hinalikan niya ang asawa pagkauwi habang yakap-yakap ito at ang anak nila sa bisig niya.
Masaya siyang akap-akap niya ang buong mundo niya na nagbibigay ng comfort at peace sa kanya tuwing umuuwi siya galing school. Plus points na rin siguro ‘yung buong araw pa rin niyang kasama ang asawa sa klase. Kaya Laude standing din siya sa pagtatapos nila.
Kaibigan
Huwag kang magpapasindak
Kaibigan
Easy lang sa iyak
“Remind ko lang ulit ha, kung sinong sira-ulong nagpasilaw sa ten thousand na fake money para pangdate,” sabi ni Jongdae na inis na inis na sa pagkakaupo sa passenger seat dahil late na sila ni Sehun na night meeting niya.
Kung hindi din kasi hinayupak ang atty. Minseok na ito, nagpatawag ng meeting kung kailan maisipan tapos gusto ora-orada na nandoon agad. Akala niya may pakpak ang lahat at kayang-kaya makapunta agad na parang nagte-teleport lang.
“Hindi nga nagload agad ‘yung maps. Sorry na. Hindi ko naman kabisado ‘yang restaurant na sinasabi mo.”
Hindi halata sa barkada nila pero parating level headed si Sehun kapag silang dalawa na lang. Hindi nito sinasabayan ang toyo niya at parating rational mag-isip. Nagui-guilty na nga si Jongdae pero hindi naman niya maiwasan. Gusto niya lang naman kasing ibigay ang hundred percent effort niya sa trabaho. Dahil ‘yun naman ang bumubuhay sa kanya (at paminsan kay Sehun. Salamat sugar daddy JD).
“Matagal pa ba? Doon na lang sa bukana ha para hindi ka na mag U-turn.” Inayos nito ang suot na polo shirt saka tinignan ang bag baka kasi may maiwan siya ulit katulad ng maraming beses na nangyari na.
“Nagpapa-gwapo ka? Huwag ka na kaya tumuloy?” Nakataas ang kilay na suhestyon ni Sehun, binagalan nito ang takbo para makapagmenor agad kapag sumang-ayon si Jongdae.
“Gago, hindi ko na gusto ‘yun.” Sagot niyang nagwisik pa ng pabango para at least fresh pa rin siya kahit gabi na. “Thank you, baby ko. Ingat ka pauwi.” Sabi niya noong pahinto na si Sehun gaya ng sinabi niya sa may entrada. Pero bago siya umibis ng sasakyan, bigla siyang humarap sa lalaki at mabilis na hinalikan ito sa labi. “I love you. You’re the only one that I want and need, okay. Lablab, bye!”
Napangiti naman ng malawak si Sehun at hindi na iyon nakita ni Jongdae. Mabilis naman na umalis na ang lalaki pabalik ng QC para mag-aral na rin.
Dahil wala ring mangyayari
Tayo'y walang mapapala
Wag mong pigilan ang pagbuhos ng ulan
“Gago, graduate na tayo!” Sabay-sabay nilang pinag-umpugan ang mga bote nila ng alak at masayang uminom mula roon.
“Gagi, who would have thought masusurvive natin ang UPCL without a scratch! Gusto kong maiyak,” hawak ng tipsy ng si Sehun ang mukha nito. Umaarteng parang umiiyak, umaalog pa ang balikat nito.
“Oo nga, absent absent ka pa noon kasi nakipag-break ‘yung ex mo sa’yo.” Tudyo ng kasintahan nito pero mabilis din namang humalik sa pisngi nito.
“PDA, ew.” Pagsali din ni Jongin sa kulitan. Maingay na rin ito dahil namumula na sa alak. At kahit dito ay ayaw pakawalan ang asawa nito. Kanina pa kasi nito hindi binibitawan ang lalaki.
“Suffocated na si Kyungsoo sa’yo! Bitiwan mo nga ang Kyungsoo ko,” sinubukang ilayo ni Jongdae ang lalaki pero mahigpit itong niyakap ni Jongin.
Natatawa na lang si Baekhyun dahil parang bata ang mga kaibigan. Pero hindi siya nagrereklamo dahil deserve nilang maging sino o ano man sila ngayong gabi. Kahit man siya gusto niyang sumigaw, magwala, magpagulung-gulong dahil wala namang mangju-judge sa kanila. Masaya sila ngayong gabi.
At simula ngayon, magiging masaya lang sila parati!
Lumingon siya kay Chanyeol na tahimik na umiinom sa bote ng alak nito. Walang imik niyang hinawakan ang isang kamay nito at pinagsalikop ang kanilang mga daliri. At ngumiti noong tumingin ito sa kanya.
May panahon para maging hari
May panahon para madapa
Dahil ang buhay natin ay sadyang ganyan
“Gagi, tignan niyo nga kung nandyan ako?”
Tapos na rin ang apat na araw na pinaka pinaghandaan nilang mabuti. Aaminin ni Baekhyun walang makakapantay sa kung paano niya inialay ang lahat para sa apat na araw ng bar exam nila.
At ang tanging naiiwan na lang, ang results.
Na halos hindi niya na katulugan kagabi dahil iyon ang makakatukoy ng magiging kinabukasan niya.
Ng kinabukasan nilang apat.
Pagkatapos ng gabing ito, magbabago ang buhay nilang lahat.
“Chanyeol Park, topnotcher! Walang kupas, gago!” Parang dejá vu ang nangyayari dahil nasa basement sila ulit nila Sehun at nasa harap ng laptop niya sinJongdae para tignan ang lisatahan ng mga pasado sa bar.
Mabilis niyang hinanap si Chanyeol sa silid at nakita itong prenteng nakatayo lang sa likod ng tatlong nagkukumpulan sa harap ng laptop. At siya, nakatayo malayo sa kanila, naghihintay ng ibabalita ni Jongdae dahil kinakabahan siyang parang mahihimatay.
Nang magtama ang mata nila ng matangkad, maluwang ang ngiting nag-“congrats” siya dito ng pabulong at sinuklian naman nito iyon ng ngiti at pagtawag sa kanya na lumapit siya dito. Mabagal siyang naglakad papunta dito at sinalubong ang nakaumang na mga braso nito para yakapin siya.
“Pasado ka din, B. Congrats.”
“Ha?” Hindi makapaniwalang tanong niya pero mabilis lang siya nitong hinalikan sa labi bago ito umaktong parang walang nangyari. Hindi din sila napansin ng mga kaibigan dahil abala ang mga ito sa harap ng laptop ni Jongdae. Mabuti na lang kaya bilang parusa, marahan niya itong kinurot sa pisngi nito saka humilig sa dibdib ng matangkad.
“Atty. Baekhyun ko!” Sigaw ng matalik na kaibigan at mangiyak-ngiyak itong tumingin sa kanya. Hindi ito makaalis sa kinauupuahn nito dahil nakabalandra pa ang dalawang natitirang matangkad sa kanya. “Abogado na ang Baekhyun ko!”
“Atty. Alkalde, Jongin Kim.” Tawag ni Jongdae sa kaibigan nila na napaluhod na lang sa sahig. Mukhang bumigay ang mga tuhod nito dahil makakahinga na ito ng maluwag. Pasado rin kasi si Kyungsoo at magkayakap ang mag-asawa ngayon.
“Eh ako? Nakapasa ba ako?” Si Sehun na lang ang hindi pa nalalaman ang kapalaran. Ang lalaki na lang din ang hindi pa malaman ang gagawin dahil hindi pa nila nakikita ang pangalan nito sa listahan.
Pero biglang isinarado ni Jongdae ang laptop. “Wala ka eh,” seryosong sabi ng lalaki sa kasintahan nito. Natahimik tuloy silang lahat.
“Ha? Sigurado ka? Patingin nga.”
“Wala ka nga sa dulo eh. Wala ka din sa gitna.” Sabi ulit ni Jongdae. Parang maiiyak na si Sehun dahil doon.
“Kasi nasa top 10 ka! Congrats Atty. ko!”
Parang naka-slow mo trick na camera ang naging mukha ni Sehun. Kitang-kita nila kung paano ito nagulat sa sinabi ng kasintahan nito.
“Gago, nasa top passer ako?!” Nagsisigaw ito habang tumatalon. Hinila pa silang lahat sa gitna at sabay-sabay silang niyakap ng matangkad. “Tangina! Pasado tayong lahat!”
Natutuwa si Baekhyun para sa kanilang lahat. Nobody pa sila noong una silang magkakilalahan. Pero ngayon, mga abogadoang karamihan sa kanila at successful naman sa trabaho ang isa.
Saksi ang lahat kung gaano kadaming balde ng dugo, pawis at luha ang inialay nila makarating lang ngayon sa puntong ito ng buhay nila.
At ang pinakamahalaga sa lahat, narating nila ang finish line ng magkakasama.
Nang makahuma ang lahat, nanatili pa rin silang nakapaikot sa gitna ang may malalaking ngiti sa mga labi. “Okay,” basag ni Jongdae kaya napatingin ang lahat sa lalaki. “This was planned a long time ago pero hindi ko matuluy-tuloy dahil gusto ko kasama ko kayo sa kung anuman ang kahihinatnan ng lahat ngayon.” Masaya ang mga mata nito pero may namumuo na rin mga luha doon. “At dahil wala naman na akong alalahanin dahil mga abogado na kayong lahat (tangina niyo!) maitutuloy ko na rin sa wakas ang plano ko.
I will be gone for a while. Okay siguro mga four years tops para mag-Masters sa London.” Maikli nitong pagbitiw ng balita na akala mo simpleng bibisita lang siya sa probinsya ng ilang araw.
Kahit si Sehun ay natahimik din at hindi nagrereact. Alam na rin siguro nito ang napipintong pag-alis ni Jongdae.
Umaaraw umuulan
Umaaraw umuulan
Ang buhay ay sadyang ganyan
Umaaraw umuulan
“Hindi ka na ba mapipigilan?” Pagbabakasakali ni Baekhyun. Naglalakad na sila papuntang boarding at kompleto ulit silang magbabarkada para ihatid ang kaibigan.
“Ngayon ka pa magbabakasakali kung ready na ang lahat-lahat. Sayang naman ‘tung ticket ko kung hindi ako tutuloy. Irerefund mo rin ba enrollment, matriculation at lodging fee ko?”
“Gagi, umalis ka na nga.” Pabiro niyang tulak sa kaibigan pero agad din niya itong hinila para yakapin. “Mag-iingat ka doon ha.”
“Para naman akong bata. Kaya ko ang sarili ko. Let me live independently.” Irap nito sa kanya pero yumakap din ulit pabalik. “Mamimiss kita Baekhyun ko.”
Tumigil silang maglakad hanggang sa may entrada ng boarding. “Oh paano, aalis na ako. Mag-ingat kayo!”
“Teka asan si Six?” Lumilingon-lingon pa si Jongin dahil bigla itong nawala kanina.
“Ayun,” turo naman ni Chanyeol na tumigil maglakad sa gilid ni Baekhyun. Lahat sila napatingin kay Sehun na tumatakbo palapit sa kanila.
“Tara?” Sabi nito kay Jongdae at nilagpasan silang lahat.
“Anong trip mo?” Ani Jongin. Nawe-weirdohan na naman sa kaibigan.
“Sasama ako sa kanya.” At iwinagayway nito ang plane ticket nito sa kanila
“Ha?!”
“Ihahatid ko lang siya. Uuwi din ako after…three months?”
“Three months?!”
“One year? Basta. See you!” Saka nito inakay si Jongdae sa bewang at sabay silang pumila para mag-board.
Kumaway sila ulit bago tuluyang pumasok. Naiwan tuloy silang hindi makapaniwala sa ginawa ni Sehun.
Pero kailan ba naging normal ang barkada nila?
