Chapter Text
Sabi nga nila, mahirap maging eldest daughter in an Asian household.
Scratch that, nahihirapan din si Baekhyun kahit hindi siya eldest daughter in an Asian household.
Maraming bagay ang bumabagabag sa kanya bilang bunsong anak na lalaki in an Asian household.
Malapit na siyang grumaduate (insert Mama Byun’s salamat sa Diyos but in mixture of Filipino and Korean), nag-aayos na siya ng resume (curriculum vitae?) para makapaghanap ng trabaho as early as May dahil wala naman na siyang iniisip na subject at tapos na siya sa internship (nag-e-edit na lang sila ng pinapaayos ng prof nila sa thesis). May kaya naman sila sa buhay (dahil pinanganak siyang nasa middle class) at iilan sa mga maswerteng tao sa mundo na hindi naman kailangang magmadali maghanap ng trabaho. Pwede rin naman siyang magtuloy na sa grad school (nag-alok ng sponsorship ang favorite at nag-iisang Kuya Beom niya in the whole wide world, bless him), kasi di sapat na graduate lang siya ng Bachelor’s degree sa kurso niya (calling niya ang magtrabaho sa clinical setting). Pwede naman din siyang mag review na for board exam at mag-oath taking sa PICC kung makapasa (pampahaba lang ng pangalan, if we are being honest), at bumalik sa pag-aayos ng resume dahil kailangan na niyang ilagay ang professional qualifications at rating niya as an (possible future) RPm.
May isa pa, pero sa totoo lang, hindi niya alam kung valid bang idagdag ‘to sa listahan niya ng mga bagay na kailangan niyang isipin as a young adult in the Philippines (parang listahan lang ng utang, pero ang kabayaran ay emotional turmoil at isang litro ng luha na pinunas sa unan).
Drum roll.
Si Chanyeol. Chanyeol Park.
Si Chanyeol. Pogi. Mabango. Matangkad. Mayaman. Cool. Cute. Singer. Composer. (SoundCloud) Rapper. Producer. Basketball player. Guitar player. Drums player. Piano player (pwede na siyang maging one man band). Commander ng ROTC. Crush ng Bayan. Crush ng university. Running for Summa Cum Laude. Suki sa university confession pages. Suki sa university spotted pages. Suki sa Taguig Spotted page. Suki sa isang Korean resto sa BGC. Favorite ni Mama at Papa. Favorite ni Kuya. Favorite ni Ate. Favorite ni Lord. At higit sa lahat, Boyfriend ni Baekhyun.
Kung may kaakibat na mga name extension lang ‘tong mga ‘to, baka mahaba na rin yung pangalan ni Chanyeol kagaya nung mga tao sa LinkedIn.
Hindi rin alam ni Baekhyun bakit nasa listahan niya ng mga palaisipan si Chanyeol. Okay naman sila, tambay nga sila madalas doon sa suking Korean resto sa BGC (na ginawa nilang karinderya), they communicate regularly, give each other gifts dahil ayun ang kanilang love language, love naman ng Papa at Mama ni Baekhyun si Chanyeol na parang anak na nila, love din naman ng Papa at Mama ni Chanyeol si Baekhyun na parang anak na rin nila, rumerenta at naghaharutan (keyword: nagkakantunan) sa AirBNB (“Kept the place clean, pero may questionable stains sa couch,” ika nga ng review sa kanila ng isang condo owner sa Tagaytay).
Pero, pero, may something lately na makes Baekhyun question every aspect of his existence. Sabi nga ng isang local wise philosopher, aka Kyungsoo Do, in his bilugang glasses and black turtleneck glory kahit mainit sa Pinas, “you, my friend, are experiencing an existential crisis.”
Wow, big words! Parang kala mo di alam ni Baekhyun, pero minsan talaga kailangang may magsabi sayo. Siguro, applying humanistic psychology, baka may incongruence ang ideal self sa actual self niya or something something yada yada. Hindi siya sure, 2.25 lang kasi siya sa Theories of Personality.
22 pa lang si Baekhyun (inabutan kasi siya ng K12, sad noh). Pero feeling niya yung mga pasan niya sa buhay, pang 35 years old na.
“Okay, 10 minutes are up.” rinig yung boses ni Jongdae from the headphone speaker at napaupo nang maayos si Baekhyun sa pwesto niya sa gulat. “Tapos na ang 10 minutes downward spiral break.”
“Tangina naman, Jongdae,” daing ni Baekhyun, “pwedeng open time?”
“Gago, hindi ito computer shop,” sabi ni Jongdae, naka pull up na yung review of related literature ng thesis nila sa screen dahil nag-e-edit silang dalawa bago i-submit for final checking then printing then bookbinding. “Generous na nga ako sa 10 minutes, yung iba 5 minutes lang.”
Tama nga siguro. Baka may meaning in suffering.
Hindi naman panganay si Baekhyun pero malapit na siyang humingi ng advice sa r/PanganaySupportGroup.
Or maybe he’s just confused.
