Chapter Text
“Happy birthday, Jeonghan.”
Inangat ni Jeonghan ang kaniyang ulo mula sa kaniyang paanan upang pagtuunan ng pansin ang taong bumati sakaniya. Mayroong namuong ngiti sa labi ni Jeonghan nang makita ang binatang naroroon sa kaniyang harapan, si Mingyu.
“Thanks, Gyu.” Ani ng mas nakatatanda, ang ngiting naipinta sa kaniyang mga labi ay hindi nawala. “Hindi kita narinig na pumasok. Akala ko umuwi ka na kasama ng iba.” Tumango si Mingyu, “I did. Pero sabi mo uuwi ka bago mag nine o’clock. Anong oras na kaya!”
Naglibot ang mga mata ni Jeonghan hanggang dumapo sa orasan na nakasabit sa pader ng silid. Saktong alas-diyes ang basa ng mga kamay sa orasan.
Nagpaiwan si Jeonghan sa kanilang dance studio dahil sa paningin niya’y kailangan niya pang pagbutihin ang bago nilang choreography. Sapagka’t malapit na rin ang comeback nila, at tanging bagabag ang tumangay sakaniya para magpaiwan sa studio sa araw ng kaniyang kaarawan.
Sinubukang kumbinsihin ng ibang miyembro na hindi dapat pinapagod ni Jeonghan ang kaniyang sarili, lalo’t lalo na ngayong birthday niya.
—
“Ha? Birthday na birthday mo tas magpa practice ka dito mag-isa, sira ka ba?” Sabi ni Joshua.
Sumang-ayon si Soonyoung at sumabat, “Oo nga! As the leader of the performance unit, I say: inom nalang tayo mam
—
Aray!” Dumapo ang kamay ni Seungcheol sa ulo ng binata at mahinang hinampas ito. “Anong iinom? Hindi ka iinom. May practice pa tayo ng kinabukasan.”
Tumawa si Jeonghan sa pagtatalo ng dalawa. Alam naman ni Seungcheol na kayang kaya mag practice ni Soonyoung kahit lasing. Wala talagang ni-isang matamlay na araw basta kasama ang minamahal niyang mga kaibigan. “Pero may point naman kasi sila, Han. May bukas pa naman eh.” Sabi ng pinakamatanda. “Tsaka, didn’t we agree to celebrate tonight?” Dagdag naman ni Joshua.
Bumuka ang bibig ni Jeonghan ngunit ay bago pa man ito makapagsalita, sumabad si Mingyu sa usapan. “Uwi nalang siya before nine.” Tinignan ito ng apat na lalaki. “Hmm,” Inisip muna ni Seungcheol bago ito ipasya, “pwede naman. Jeonghan?” Tinignan nila ang tanging birthday celebrant.
“Sige lang, I’m fine with that condition.”
“Okay, then it’s settled! See you before nine!”
—
Madaliang tumayo si Jeonghan mula sa sahig na kaniyang inuupuan at sinimulan nang magligpit ng kaniyang mga gamit. “Gagi, nadala ako sa pag practice. Sorry.” Pagpapatawad ng nakatatanda. “Di bale, tapos na rin naman ako minutes before you came. Nag-abala ka pa. Sorry talaga, Gyu.”
“It’s okay, Han. Plus, may kinailangan din akong daanan.” Inalok ito ng katiyakan ni Mingyu. Naligpit na ni Jeonghan ang kaniyang mga kagamitan at handa nang umalis, “Okay. Tara na then.” Aya ng nakatatandang lalaki.
“Sandali lang.” Napunta ang mga mata nito sa kaniyang nakababatang miyembro. Ngayon lang nito napansin na mayroon palang dala-dala si Mingyu. “Oh, ano ‘yan?” Sinimulang ilabas ng nakababata ang nasa loob ng kahon. Ito ay isang cake, sa ibabaw nito ay nakasulat ang mga salitang ‘Happy Birthday, Han! Love, Gyu’
Hindi napigilan ni Jeonghan ang pagtaas ng sulok ng mga labis nito. “Aw, Gyu, you didn’t have to.” Umiling ang ulo ng nasabing lalaki, “I wanted to,” mayroong hinablot na kandila at lighter si Mingyu sa kaniyang jean pocket. Bumaba siya upang ilapag ang cake sa sahig. Inilagay ang kandila sa gitna at saka naman ay sinindihan ito, sabay ani. “Make a wish.”
Sinamahan ni Jeonghan ang kaniyang nakababatang miyembro na nakaupo sa sahig. “Ngi, hindi ba parang masyadong matanda na ‘ko for that?” Patawang sabi ni Jeonghan. Humagikgik din dito si Mingyu, “Syempre hindi. Sige na! Natutunaw na yung wax sa cake oh!”
Tumigil sa pagtawa ang lalaki at tinignan ang mas nakababata niya, tingin na nagsasabing ‘Seryoso ka ba talaga?’ Tinutulan naman ito ng tingin na nagsasabing, ‘Oo nga!’ Inirapan na lamang ito ni Jeonghan bago isara ang mga mata.
‘Sungit.’ Patawang sabi ni Mingyu sa kaniyang isip.
Nasa kalagitnaan ang dalawa ng dance studio, ang tanging pinanggagalingan ng liwanag ay mula sa ilaw na nasa sulok ng silid at sa kandilang nakasindi. Pinagmasdan ni Mingyu ang magandang lalaki sa kaniyang harapan. Napansin nito ang mahabang pilikmata ng nakatatanda; ang nunal nito na namumukod-tangi sa maputi nitong balat; ang mga pisngi nitong pinintahan ng kulay rosas. Saka naman ay dumapo ang titig nito sa labi ng nakatatanda, mga labing kasing kulay ng pisngi ni Jeonghan; mga labing gusto niyang halik— Luh!
Matagal nang gusto ni Mingyu si Jeonghan. Gaano katagal? Hmm. Siguro magdadalawang taon na rin. Dalawang taon nang bumibilis ang pagtibok ng puso nito sa tuwina nasa malapit ang nakatatanda; dalawang taon nang kumikirot ang kaniyang puso sa tuwina may nababanggit na ibang lalaki sa mga kwento ng nakatatanda; dalawang taon nang nais sabihin ni Mingyu ang nararamdaman para kay Jeonghan.
—
“Nakauwi na ba si Han sainyo?” Tanong ni Mingyu. Sumagot naman ang nasa kabilang linya ng tawag, “No pa nga eh.” Sagot ni Seungkwan, “Tinadtad ko na rin ng messages, pati sina Cheol at Shua,” dagdag ng mas nakababata.
“Nasa studio pa siguro siya, ‘no? Sunduin ko na siya.” Ani ni Mingyu habang sinisimulan ang makina ng sasakyan.
“Sus, Mingyu, you’re so halata! Like, I think everyone knows except for Han. And naaamaze ako kasi hindi pa niya narerealize.” Biro ni Seungkwan.
“Luh? Susunduin lang naman eh.” Sagot ng lalaki sa panunukso ng kaibigan. Nakarinig ito ng tawa sa kabilang linya, umirap ang mga mata ni Mingyu dito. Matagal ng binabalak ni Mingyu na aminin ang nararamdaman para kay Jeonghan, at sa tingin niya’y ngayong araw na ‘yun.
“Okay, mister may nalalamang ‘Love, Gyu’ sa birthday cake!”
“Bahala ka na nga diyan!” In-end call ni Mingyu ang tawag. Linapag niya ang kaniyang phone sa ibabaw ng dashboard. Ngumiti ito sa sarili at sinimulan na ang pag maneho.
—
Hinipan ni Jeonghan ang nakasinding kandila, nawa’y nagpawi naman kay Mingyu sa malalim na titig sa magandang lalaki. “Anong wish mo?” Tanong ng nakababata. “Secret! Sabi nga nila, hindi matutupad pag sinabi ko.” Napatawa si Mingyu at tumango na lamang sa sagot ni Jeonghan.
Pinauna na niya si Jeonghan ngunit ipinilit ng nakatatandang lalaki na sabay na silang lumabas, kaya naman ay madalian nang ibinalik ni Mingyu ang cake sa box. Anong oras na rin, at ayaw niyang mas mapagod pa ang kaniyang ginugusto na miyembro.
Tumayo na rin ito, sabay ani, “Uwi na?” Inalokan siya ng matamis na ngiti ni Jeonghan, “Mhm, tara na. Baka nag-aantay na rin sila.” Binalik niya ang ngiti sa nakatatanda.
Sa sandaling ‘yun, inisip ni Mingyu na araw ito ni Jeonghan, at ayaw niyang agawan ito ng halaga. Pinasya ni Mingyu sa kaniyang isip-isipan na ayaw niya munang may magbago sa relasyon nilang dalawa.
Saka na lamang siya aamin.
