Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Character:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2025-01-06
Updated:
2025-01-06
Words:
1,182
Chapters:
1/?
Hits:
7

Ang Kamatayan

Summary:

Pagninilay sa kaiksian ng buhay at ng pagsisikap, galing sa isang mag-aaral na si Flora, na namatayan ng isang pusa ng maaga. 

Notes:

Hello. Bulok po ang Tagalog ko, patawad. Pinoy ako, pero mas nasanay ako mag-Ingles. Sinulat ko ito, bahagya para umiyak, bahagya rin para mabutihan ko ang kakayanan ko sa pagsusulat at wika.

(See the end of the work for more notes.)

Chapter Text

 

 

Tik, tik, tik.

– • — ● — • –

Kamatayan.

Ang hindi maiiwasang kapalaran.

At sa aking kamay, lahat ay darating.

Gaya ng patuloy na pagdaloy ng ilog, ang malayang pag-ihip ng hangin, at ng matibay na tungo ng kontinenteng bato; hindi niya’y maiiwasan ang kaniyang kapalaran.

Gaya ng pag-ikot ng mundo, ng araw at gabi, at gaya ng taon-taong pag-init at pag-ulan: darating rin ang kaniyang kamatayan.

At sa aking kamay, ang malupit kong paalala.

Sa aking kamay, ang pagdalos ng Oras.

Tik, tik, tik.

– • — ● — • –

Ano ang plano mong kurso sa kolehiyo? Ano ang plano mong kuning trabaho? 

Ano ang pangrap mo sa buhay?

Hunyo. Nagising si Flora sa kama niya.

Lumabas na ang araw. Umaga na. Hindi, hapon na. Anong oras na ba? Alas dos? Alas quatro? 

Humiga lang si Flora. Antok siya, pero ayaw rin niya matulog. Mabigat at tuyo yung mata niya. Masakit yung likod niya. Nalulunod ng mukha niya ang electric fan. Ganunpaman, mainit sobra. Mas malala, napawisan siya at natuyuan. Tila malamig ang katawan niya pero mainit pa rin.

Sa kamay ni Flora, ang cellphone niya. Nasimula nang magising ang isip ni Flora, at habang nakahiga, tiningnan yung kaya niyang makita.

Yung kumot nasa sahig. Mayroong mga tisyu na nakakalat sa kama. Bahagyang natanggal nanaman ang kober ng kama. 

“Ugh.”

Binuhat ni Flora ang mabigat niyang katawan at pinuwersang bumangon.

Tiningnan niya kwarto niya. Nakakalat ang papel niya sa lamesa, nasa sahig parin ang kaniyang mga lapis. Magulo pa rin ang kaniyang aparador, at ang hindi pa nasasampay na sampayin sa batsa. 

Para sa isang segundo, at isang segundo lang, naikuyom ni Flora ang kamay niya. Ngunit, nagbuntong hininga lang siya at humiga ulit.

Gagawin ko mamaya. Ang sinabi rin niya kagabi.

Pero ngayon, magcecellphone muna siya! Kailangan niyang tingnan kapag may bagong kabanata ang paborito niyang fic! Ah, at baka mayroon ring bagong video ang paborito niyang Youtuber! 

Sa antisipasyon, medyo ngumiti si Flora.

Pero pagbukas niya ng Cellphone, Sinalubong Siya ng Home Screen.

Ang isang puti na pusa, at ang kaniyang muning na namatay na.

Tik, tik, tik.

– • — ● — • –

Pero, hindi naman akong buong pusong malupit, no? 

Sa pagdaloy ng tubig, ang sustansiya ng tao na lumaki. Sa pag-ihip ng hangin, ang kalayaan ng nabubuhay na kumilos. Sa matibay na bato, ang kalakasan ang nabubuhay na lumaban.

Ang tinanim kong buto ay inaalagaan ko. Pinapalakas, pinapatalino. At sa huli, maaani ko ang buto nila, ang buhay puno ng memorya at kalakasan.

Isang araw, darating rin ang Oras ng lahat.

Tik, tik, tik.

– • — ● — • –

Nasa ikalawang palapag ang kwarto ni Flora.

Pagbaba niya, mayroong ulam sa lamesa.

Mamaya na lang ako muna kumain. Inisip ni Flora sa sarili niya habang naghahanda ng baso.

Habang pinupuno niya nang tubig, may naramdaman siyang balahibo sa paa niya, isang pusa. “Luna!”

Sinara agad ni Flora ang tubig at umupo sa sahig. Kinati niya ang kamay niya, at sinimulan agad himasin si Luna. Sinimulan niya na dalhin yung kamay niya sa ilong ni Luna. “Ano gusto mo? Ano gusto mo? Ay, ang cute mo sobra, potek kampusa ka, Luna!”

Tumaas ng ilang oktaba ang boses ni Flora. “Ano gusto mo? Gusto mo isda? Iyon ba gusto mo?” 

Ngayon, kinakati na niya ang leeg ni Luna, habang sinasandal ni Luna ang kaniyang ulo sa kamay ni Flora. “Balastuga ka Luna, palaging gutom, kagaya mo lang ako!”

Masayang tumatawa si Flora para kay Luna. “Gusto mo rin ba sa tainga mo, gaya ni…”

“Gaya ni Sol?”

Si Sol ang anak ni Luna.

Patuloy na hinimas ni Flora si Luna, pero bagalang nahirapan si Flora huminga. Kung bahaghari siya nong nakita si Luna, siya’y naging kulay-abo.

“Ah, ah, potek, bakit…” Suminghot si Flora ng sipon.

Pinigilan niya ang paghihimas kay Luna. Hindi, hindi rin niya siya matingnan, kahit kung pinapahid ni Luna sarili niya kay Flora. 

“Potek.” Nararamdaman niya, at pinigilan niya tumulo yung luha.

“Potek…” Subukan niya hangga’t maaari, nagsimulang magbaha yung mata niya.

Sa totoo, nag-isang buwan na nang namatay si Sol ng pabigla-bigla.

Tik, tik, tik.

– • — ● — • –

Ang isang puno ay mayroong matagal na buhay.

Sa pagdaloy ng tubig, siya’y lumalaki at siya’y nabubuhay ng malakas. Aasahan mo na siya’y mabubuhay hanggat masustansiya ang lupa.

Ngunit sa pagtrotroso ng tao o sa pagsalakay ng kabuti siya’y nawawala.

Tik, tik, tik.

– • — ● — • –

“Paano kaya kung tanggalin ko na yung isang larawan ni Sol sa lock screen ko?” Inisip ni Flora. 

Tuyo parin yung mata niya, at nakaupo kasama si Luna. Si Flora ay mayroong application na nagsisikulo sa maraming iba’t ibang larawan sa lock screen niya.

Humiga si Flora. “Ang sakit nig tiyan ko.” 

Binuksan niya ang kaniyang larawan sa cellphone. “Si Sol…”

Nagsimulang lumuha nanaman mata ni Flora. Mga sampung buwan na nakalipas, isang larawan ni Luna at ang kaniyang tatlong kuting. Pinamigay nila ang dalawang kuting, pero hindi sila nakahanap ng mang-aalaga sa kaniya, kaya nakibuhay nalang si Sol sa kanila.

“<Sol, Sol, ano ginagawa mo diyan sa lamesa!>”

“<Luna, Sol, tignan niyo yung daga na ito! Ay, ay–>”

“<Grabe! Ang excited nilang dalawa!>”

“<Nay, nay, tingnan mo tumalon si Sol. Wait, wait… Iyan!>”

Linulunok ni Flora yung sipon.

Yung mga susunod na imahe at video, wala nang kilos si Sol.

Biglaang humina lang si Sol. Hindi sya kumain, hindi siya gumalaw. Yung larawan… pinapakita si Sol sa beterinaryo. Tiningnan dugo ni Sol, sinabi may immunodeficiency virus raw.

Binigyan siya ng Fluid Therapy. Pinaalaga siya sa beterinaryo. 

Araw araw. Abril 5, Abril 6, Abril 7, 8…

Binisita ni Flora si Sol sa beterinaryo. Binigyan raw ng fluid na eletrolytes, pampalakas lang, para sana malabanan ni Sol yung virus. Pero, araw araw, sa larawan, si Sol ay tahimik lang. Minsan umiiyak, nagpapanic at sinusubukang umalis ng kaniyang hawla.

Nagbuntong-hininga si Flora. Tiningnan niya si Luna. 

“Alam mo Luna…” Sinabi ni Flora ng mahina.

Ah, ito nanaman ang luha. “Sampung buwan lang tanda ni Sol noon.”

Ang bobo ko namang bata. Tinitigan lang ni Flora si Luna.

“Hindi ko talaga akala mauuna si Sol sa iyo.” Bakit ako sobrang nagmahal sa putang pusa?

“Ikaw yung nanay, akala ko, mga apat na taon pa bago maghanda ako na mamatay ka.” Umalis si Luna at humiga sa ibang puwesto sa kama.

“Di ko akala mamamatay agad si Sol.”

"Kung sana nandoon rin ako nang mga huling segundo niya.”

Tik, tik, tik.

– • — ● — • –

Ang Kapalarang Kamatayan, sa lahat ng aking ani, kaunti ang naging handa at masaya mamatay. Lalo na ang mga hayop.

Tik, tik, tik.

– • — ● — • –

“Ang bigla rin ng kamatayan, no?” 

“Dapat nagsisikap ako, hindi ko alam yung huli kong paggising…”

Binulong ni Flora sa sarili niya. Mga alas tres na ng gabi, at nakahiga lang siya sa kama, nag-iiscroll ng kung ano.

“Kung tutuusin… Hindi ako nagsikap. Hindi ako mabuting tagapag-alaga. Si nanay yung palaging nag…” Sinara niya ang cellphone.

“Bubutihin ko sarili ko… Maglilinis ako. Magpaplano ako. Simula na lang ako ngayon at…” Binuksan niya cellphone niya.

“Ahh. 3:23 pa naman, 3:30 ako magsimula…” 

“3:45.”

“4:00”

“5:00”

“6:0…”

Sa araw na iyon, nagising nanaman si Flora ng alas quatro ng hapon.

Tik, tik, tik.

– • — ● — • –

Mabagal ang pag-aani ng kamatayan, at mabagal rin ang pagbulok niya.

– • — ● — • –



Notes:

Salamat po sa pagbabasa. Kung tutuusin, hindi ko pa ito nabasa uli at naayos ang mga maling gramar o sulat. Mababa ang kalidad nito, kumpara sa ibang sulat ko. Patawad, at kung binasa niya to, salamat.