Work Text:
[listen to this playlist, while reading!]
ayon sa statistics, 90% umano sa mga iskx ay single. unfortunately, kasali si haechan sa porsyentong iyon, isa siya sa sangkatutak na iskong naghahangad na sana’y tuluyan na siyang biyayaan ng poong maykapal ng kabiyak at kaagapay sa kaniyang daily life. ilang ubas pa ba ang lalamunin ni haechan sa ilalim ng mesa pagpatak ng bagong taon para lamang maging masagana na ang lovelife niya?
‘yan tuloy nakaismid at bitter na nagsscroll ito sa mga tiktok posts na dumadaan sa for you page niya, nagcocomment na nga ito ng mga latin na escucha las palabras—ama namin, nasaan ang akin moment niya ulit eh. gaya ng ibang mga tiktok users, aba siyempre, humihiling din si haechan sa mga magjowang nasa fyp niya na sana macommunity guidelines ang mga ito, para naman maubos na ang mga naglipanang posts nila, ang insensitive lang kasi (joke).
di pa nakakatulong na pag lilipat naman siya ng application at ioopen ang instagram ay bubungad naman ang tropa niyang may mga jowa rin! kaya halos umiyak nalang talaga ang binata at siyempre kagaya naman ng libo libong mga chronically online na pinoy, ioopen nito ang private account niya sa twitter na 0 followers at magrarant at ilalabas ang mga hinanakit sa buhay at para mag—
“shit, 11:11 na”
user jowalangpls: 11:11 jowa cutie!
walang palya talaga ang binata sa pag 11:11 nito sa twitter, halos ginagawa niya naman ang mga tips at teknik ng iba para magkajowa pero wala, olats pa rin. parang ito na ata talaga ang oras na tanggapin niyang magagansilyo nalang siya sa pagtanda at maiinggit sa mga kaibigan, kapatid, at mga taong nakaapalibot sa kaniya na may mga katuwang sa buhay.
natapos na ni haechan ang pag-aaral para sa quiz niya sa susunod na araw, at nakapag advance reading na rin ito sa isa pang course, kung kaya’t bored itong nagsscroll nalang talaga sa tiktok at naghihintay mag 12:30 para makapunta na sa 1 PM classes nito.
not until, nakita niya ang bagong trend. ‘yan tuloy medyo napatunganga siya’t tinungo ang sound para makita ang iba pang entries.
“teh, ano ba ‘yang pinapanood mo’t kanina pa ‘yan paulit ulit ang music” napabalikwas sa gulat naman si haechan sa biglang imik ng roommate at kaibigan nitong si jaemin na siyang kakarating lang sa dorm nila. galing pa ata ‘to sa class kung kaya halata ang pagkastress ng isa.
“may bagong trend, teh. chinecheck ko lang.” sagot nito na siyang kinataas ng kilay ng kaibigan. “wow, si influencer! gagawa ka rin content?” pabirong utas ni jaemin habang nilalapag ang bag at ipad nito sa mesa. “alam ko ‘yan…” dagdag nito
“ikaw, hyuck? ano ba ang fantasy mo?” tanong ni jaemin na siyang nagpatulala sa isa. ano nga ba ang fantasy ni haechan?
“fantasy kong makagraduate?” pabalang na sagot nito, na ikinaismid naman ng isa “corny mo teh, if i know, dami mo ng iniisip diyan about sa future boyfriend mo” pabirong nirolyo naman ni haechan ang mga mata nito, tsaka ito tinawanan ni jaemin.
“sabi ko naman sa’yo! patulan mo nalang yung reto namin ni jeno!” sambit ni jaemin habang naglalakad patungo sa desk ni haechan at kinuha ang upuan nito tsaka hinarap ang isa. “at sabi ko rin naman sa’yo, ayoko sa mga engineering student!” sagot ni haechan habang nakatitig sa kaibigang may hawak na biskwit.
“jusko teh, ‘yang pagiging hater mo talaga ang magdadala sa’yo sa kagipitan! pogi ‘tong immeet mo” sagot nito, na siyang inirapan ni haechan.
“kahit ano pa siya teh, ayoko sa mga engineering student! awa nalang, mga red flag ‘yan sila!”
“naghost ka lang ng isang taga engineering, inaaway mo na lahat…. tsaka hindi naman ‘to civil, computer engineering ‘to, teh!” excited na pagkukuwento nito
“ayoko pa rin.” sambit nito at tuluyan ng tumayo sa higaan para magprepare sa next class niya, medyo malayo layo pa ang building kaya need niyang agahan ang pagpunta para naman hindi malate, nakakahiya at major pa naman ‘yun.
“ewan ko sa’yo teh. if you change your mind, sabihan mo lang ako, ah?” imik ni jaemin sabay wink sa kaibigan na pabirong inirapan lang ni haechan.
“alis na ako, jaem.” maya-maya’y paalam ni haechan sa kaibigan na kavideocall ang jowang si jeno. di ba nagsasawa ‘tong dalawang ‘to, araw-araw na ngang nagkikita.
“sige, ingat ka!”
>>
kasalukuyang binabagtas ni haechan ang daan patungo sa building niya, nang biglang maisip ang sinabi ni jaemin. ayun ay napahinto ang binata sa paglalakad at dumungaw sa kawalan.
ano nga ba ang fantasy niya today?
actually, ang dami. napakadami. halos hindi mabilang sa kamay sa napakaraming fantasy niya na will always stay as fantasy. hindi na ata ito makakalabas sa realidad, malabo. napakalabo.
pero hindi naman ata maling magfantasize paminsan-minsan. minsan need niya na ring tumakas sa nakakasurang realidad, putangina. pero ano nga ba ang fantasy niya?
siguro, isa siyang isko na bokalista ng isang banda na gumigig paminsan-minsan at may bf na isko, pogi, may substance, at higit sa lahat nakasuporta at nakaantabay sa mga gigs at ganap niya sa buhay bilang isang musikero—and oh! dapat tambay sa library na kung saan sila magmmeet.
half fantasy, half true-to-life, para naman hindi masiyadong lubog sa kathang-isip, at least may certain parts ng fantasy kuno niya na totoo. haechan “dong” lee, 20, communications major sophomore sa up, secret nalang anong CU (eme). bokalista ng isang banda, paminsan-minsa’y gumigig as a band or as a solo artist. ‘yun nga lang, wala siyang isko bf na may talent sa pagsusulat—kaya mananatiling fantasy nalang talaga ‘yun.
napahinga ng malalim ang binata habang papasok na sa building nito at ayun ay nakita niya ang classmate nitong si chenle—kaclose niyang freshie.
“kuya! hello, wala daw si prof today.” bungad nito
“talaga?” sambit ni haechan habang kinukuha ang cellphone nito upang icheck kung may announcement ba ito, at talaga naman! walang klase at ngayon lang ipinaalam ng propesor, kainis. MAJOR PET PEEVE!
“ah, puta. sayang lakad ko” sambit ni haechan habang kinakamot ang batok nito, ngumiti naman si chenle. “late na nga nagpaalam kuya, nakakainis lang” tumawa naman si haechan nang makita ang pagmumukha ng nakababata. cute talaga nito.
“may pupuntahan ka, le?” tanong ni haechan habang magkasabay silang lumabas ni chenle paalis ng building
“pupuntahan ko si jisung, kuya. may need daw siya” napangiti naman si haechan sa sinabi ng isa “magdedate na naman kayo! buti naman at di pa kayo nagpapalit ng mukha, parang palagi nalang kayo magkasama, ah” haechan teased na ikinatawa naman ni chenle
“lapit na kuya, eme! ikaw ba kuya, saan ka na niyan?” tanong pabalik ni chenle
“baka tatambay lang ako lib, may 2:30 pm class pa ko, tinatamad na akong bumalik sa dorm, eh.” sambit ni haechan habang nakangiti sa isa.
“sige kuya, ingat ka! alis na ako, hinahanap na ako ni ji.”
“ingat le! enjoy sa date” sambit ni haechan habang pabirong kinindatan ang nakababata, na nagpatawa rito.
“baliw talaga, kuya! alis na ako bye! labyu” sagot nito habang pabirong nagflying kiss na siyang ikinatawa ni haechan habang umiiling.
ngayon ay naiwan na namang mag-isa ang ating bida, ipinasak niya sa tenga ang airpods dupe nitong galing pa sa palengke, wala namang umiilaw pero may nag b-bluetooth devayz iz ready to pair.
>> library
bumungad ang malamig na simoy ng aircon sa mukha ni haechan pagpasok niya sa library, binati niya naman ang guard rito na binati rin siya pabalik. nang matapos sa paglog-in, umakyat ito sa taas para maupo na at makaidlip sandali, ang kaso nga lang… puno na ang library, kung di ka ba naman minamalas oh.
aalis na sana ito ng may naaninag itong bakanteng upuan, nagningning ang mata nito’t naglakad na patungo sa puwestong iyon, baka maunahan pa siya. “kuya, may nakaupo ba rito?” agad na bungad na tanong nito sa taong nakaupo sa harap habang tinatanggal ang nakapasak na airpods sa tenga nito. umangat naman ang tingin ni kuyang busy sa librong binabasa, kung kaya’t nakita niya ang … napakagwapong mukha nito, maaliwalas, halatang may substance. type niya.
“wala, upo ka lang diyan.” nabalik sa realidad ang animo’y nakalutang na haechan dahil sa boses na nanggagaling sa kaharap niya. “t-thank you po.” nauutal na sagot nito habang inaayos ang upuan at nilabas ang gamit nito. akmang ilalabas na sana nito ang laptop niya, nang nagsalita ulit ang poging kaharap niya.
“haechan, right?” tanong ng kaharap nito na siyang ikinagulat ipinagtaka ni haechan. bakit kilala siya nitong nasa harap niya, putangina! “ikaw yung kumanta last time sa music fest” nagloading saglit ang ating bida kaya ngumiti ng matamis ang kaharap nito. cute bulong nitong siyempre hindi narinig ng ating bida.
“ay, opo. bakit po?” nahihiyang tanong ni haechan nang makarecover, di niya naman kasi inaakalang may makakapansin pa pala ng mini-performance niya sa stage that time—knowing na yung mga bigating artists at banda na invited sa music fest lang naman ang sadya ng mga estudyante sa unibersidad.
“i love you…” ha
“...po?”
“i said, i loved your performance, i’m a fan.”
putangina, ‘eto na ba ‘yun?
