Work Text:
Mikael arrived exactly within 10 minutes after he told Adriel that he was on his way. The latter scolded the taller dahil akala niya ay nagmadali ito. Turns out that he was already near their house when he received Adi’s text. Iginilid lang niya yung kotseng pinagipunan nilang dalawa para ma-replyan ang nobyo. Talk about being so down bad.
“Kaya pa ba ni Keldi?” Adi asked.
Keldi was the name they gave their car, which is a second hand Hyundai Accent in Silver. Si Dong ang nag-isip. Since first baby daw nila, okay na daw yung ship name ang pangalan ng kotse nila. Hindi na sila nag-protesta dahil wala rin naman silang maisip na iba.
“Kaya naman. Chineck ko na rin siya kanina bago umalis. Syempre, ayokong maabala ang baby loves ko,” Mikael teased making Adi roll his eyes.
Just when Adi was about to retort back, he heard his mom calling his boyfriend’s name.
“Mikael, anak ko.”
“Hay nako, ayan na naman sila,” Adi said; to which his mother replied with, “Hayaan mo yang si Adi natin Kel. Matampuhin ang baby boy.”
Mikael chuckled, “Wag ka mag-alala, My, ako ang susuyo diyan.”
“Perfect!” Taehee happily replied. “Halika sa kusina, nak. Nagluto ako ng maruya. Advance birthday merienda mo. Uuwi ba kayo ni Adi sa Laguna bukas sa birthday mo?”
“Baka po, My. Nagsabi na rin po si Mama eh. Gusto niyo po bang sumama ni Tito?”
“Bakit Tito pa rin? Sabi ko sayo Daddy na rin ang itawag mo kay Jihoon eh.”
Mikael can only touch his nape. While he is close with Adi’s dad, pakiramdam niya kasi meron pa siyang pader na kailangan pang basagin bago niya ito matawag na Daddy talaga. Wala namang kaso kay Mikael yon, handang-handa naman siyang harapin kahit na ano para kay Adi.
“Baby, maligo ka na dun, aba” saad ni Taehee nang mapansin na nakaupo pa rin si Adriel sa sala nila.
“Mamaya na, My. Mamayang alas tres pa naman kami aalis. Ala una pa lang jusko kasi yang Mikael. Atat na atat makita ako.”
“Talaga,” Mikael confidently answered.
“Kailan niyo balak bumili ba ng apartment niyo? Mag-aapartment ba kayo or condo?”
“Naghahanap pa, Mommy,” sagot ni Mikael. “Chinecheck namin yung possible locations na malapit sa mga work naming dalawa.”
“Just tell us if you guys need help ha? Marami kaming kakilala ni Dad that can help you.”
“Thank you po, and we’ll ask for help when we need na po,” sagot ni Mikael.
Taehee only nodded bago muling ibaling ang atensyon sa anak, “Ikaw, maligo ka na dun. Magchichikahan pa kami ni Kel.”
“Ih, sali ako,” sagot ni Adi.
“No, you take a bath na anak. Oh my god so bantot ka na kaya.”
“Wow, Mommy. Ganyan ka na ba sa nag-iisa mong anak .”
Taehee and Mikael only laughed as Adi pouted and stomped his feet toward their bathroom.
“Pasensya ka na kay Adi, Kel ah? Sa akin ata talaga nagmana ng kaartehan.”
Mikael chuckled, “Don’t worry, My. Willing naman po akong pasundan lahat ng kaartehan ni Adi.”
University of Pledis .
Oh how they’ve missed their university. It has only been around two years since they graduated pero parang ang tagal na panahon na yung lumipas. Nothing much about their university has changed, pero alam at ramdam nila na may nagbago.
“Naalala mo, Kap,” Mikael said, “Dito tayo nag-date nung indenial ka pa sa feelings mo sakin oh.”
“Pinagsasabi mo diyan?” sagot ni Adi.
“Yung ginabi ka na sa pag-eedit ng docu mo tapos dinalhan kita ng kape.”
Adi sarcastically laughed, “Ang kapal! Baka ikaw diyan yung indenial.”
“Nope. Never ko namang dineny na attracted ako sayo.”
That honestly shut Adi up. When they finally reunited with their friends (both Adobe and Naevis) after their announcement na sila na, pinagkantsawaan sila ng mga ‘to. The group teased them how painfully obvious they were about their attraction for one another despite being so in denial. But Mikael cleared them out when he said, “Hey, I never denied my attraction kay Adi. Unang araw nga na ininterview niya ako nagpa-cute na ako eh.”
That earned a round of cheers and teasing na pinangunahan ni Seungkwan. After how many years, narinig na naman niya ang “Ganda ka, Adi? Ganda ka?”
“Okay, so nasaan sila?”
Mikael chortled with how expert Adi is when it comes to dodging things. Mag-dadalawang taon na sila pero ganito pa rin siya mag-react sa tuwing kinikilig siya kay Mikael.
“Kaka-chat lang. Papunta na raw si Dong at Min. Si Jun at Yong, baka maya-maya pa, late daw nagising si Yong. The rest of the guys, on the way na rin daw.”
“Eh sila Cheng?”
“Hindi pa sumasagot. Baka pinapapak na naman ni Cheng si Shu.”
“Ano ba yang mga yan, kuneho ba yan?”
Mikael laughed so loud, they gained the attention of the people around them.
“Tawang-tawa jusko. Hindi ko po kilala ‘to,” nahihiyang sabi ni Adi but Mikael wants to tease Adi even more. So he clung unto his boyfriend and shouted “Cute cute talaga ng boyfriend ko” with his loud voice. Napatakip na lang si Adi ng mukha. Jusko talaga.
It was around 5 PM when they were finally complete. Late daw magpapapasok sabi sa gates dahil may kailangan pang ayusin sa loob. Medyo nakakainis dahil Filipino time na naman, pero ano bang magagawa nila bukod sa mag-antay? Eh para rin naman sa kaligtasan ng lahat yun.
Kaya ang ginawa nilang magkakaibigan, nag-food trip na lang. They bought the usual food they were buying noong mga estudyante pa sila–isaw, pancit canton, siomai, kwek-kwek, fishball, at kung ano-ano pa. Hindi nga nila alam kung mauubos ba nilang lahat ‘to.
At 6:30 PM, the gates were finally open. Mabilis namang nakapasok ang mga tao. But just like any other UP fair, mahirap talagang humanap ng pwesto lalo para sa mga kagaya nilang malaking grupo. Fortunately, they found a space where the thirteen of them can fit, sa likod na nga lang. Pero ayos lang, gusto lang naman talaga nilang pumunta at makinig sa mga banda na tutugtog. Tapos na sila sa era na makikipagsiksikan pa sila sa unahan.
Any Name’s Okay is among the bands na inaabangan talaga nila. Sayang nga at hindi ngayong araw yung Shirebound and Busking, isa rin sana sila sa mga gusto nilang mapanood. Pinili na lang din nila ang araw na ‘to dahil bukod sa may mga trabaho sila, they wanted to watch Kitchie Nadal and TJ Monterde perform.
By 9 PM nakakaramdam na si Adi ng pagod. Alam nilang matagal-tagal pa ‘to dahil medyo dulo pa kakanta yung mga inaabangan nila talaga.
“Pagod na, Kap?” Mikael asked. Since he was hugging Adi from behind, naramdaman niyang bumigat ang sandal nito sa kanya.
“Medyo. Pero kaya pa naman.”
“You want to sit first? Latag ko yung mat.”
“Hindi na,” Adi assured his lover. “Kaya pa ‘to.”
Mikael cackled lightly, “Sige na Kap. Baka mapagod ka ng sobra.”
“Eh ako lang uupo? Nakatayo yung iba.”
If Mikael can only put Adi in his pocket, he would have done it the very first day they met. Sobrang cute talaga.
“Uupo rin po ako para tabi tayo. Tapos sandal ka na lang sakin. You can close your eyes din muna. Baka sumakit na ulo mo with the lights, dami pang tao.”
Adriel stopped protesting after that. Pagod na rin kasi talaga siya. Ayaw naman niyang sagarin yung katawan niya ngayon dahil gusto niyang gising siya pagsapit ng alas dose, so he just let Mikael do whatever he wants to do for him. Mamaya, si Adi naman ang bahalang mag-alaga kay Mikael.
By around 11:50 PM, it was finally TJ’s turn to perform. Tumayo na rin si Adi sa pagkakaupo. Nag-enjoy pa rin naman siya sa mga bandang narinig niya, pero si TJ kasi talaga yung sobrang inaabangan nila. Nag-speech lang ng konti si TJ bago nagsimulang kumanta. His first song? Tulad mo.
When he started singing, bahagyang natawa si Mikael. “Parang yung yearning days natin sa isa’t isa ‘to Kap ah.”
Natawa rin si Adi sa tinuran ng nobyo. Mas lalo pa siyang natawa nang narinig si Mikael na sumabay sa kanta. Feel na feel pa nito yung pagkanta, may papikit-pikit pa.
“Ano ang iyong pangalan? Nais kong malaman. At kung may nobyo ka ba, sana nama’y wala”
The rest of the group also chuckled nang makita si Mikael. “Damang-dama niya oh,” pang-aasar ni Dong.
“Paanong di niya madadama yan eh ayaw magpatawag ni Adi ng Adi sa kanya. Adriel daw siya kay Mikael,” sagot naman ni Cheng.
“Paka-maldita, akala mo masikip eh,” kantyaw naman ni Seungkwan. Adi just rolled his eyes at his cousin. Eto yung literal na dedma sa bashers.
Mikael continued to sing along, and Adi can’t help but realize na oo nga, parang simula ng kwento talaga nila yung kanta. Silang dalawa naman talaga ang lumaban para mangyari yung relasyong ‘to. Adi gave Mikael a chance, just as Mikael had given Adi one.
Na ang isang katulad mo, ay 'di na dapat pang pakawalan.
Pangako ko, 'pag naging tayo'y araw-araw kitang liligawan
And that they did.
Parehas naman silang nag-effort na ligawan ang isa’t isa. Both stepped up para ipakita sa isa’t isa na seryoso sila sa sisimulan nilang relasyon. Both took their time to make sure na pareho silang buo para simulan ang kwento nilang dalawa.
At 12, TJ’s Palagi started playing. Sakto, sobrang sakto. Kagaya ng pagdating nila sa buhay ng isa’t isa, sakto lang.
“Happy birthday, Kap,” Adi greeted with a chaste kiss on Mikael’s lips.
“Thank you, kapalaran ko. Nag-best biirthday na namana ng Mikael dahil may kasamang Adi.”
Adi chuckled, “Ang OA talaga, ang OA.”
Ngumiti na lang si Mikael before back hugging Adi once again. With TJ’s Palagi playing, Mikael whispered in Adi’s ear.
“Thank you, Adi. For coming into my life. Walang halong pagloloko, ikaw palagi ang best birthday gift ko.”
Adi turned his head to smile and kiss his boyfriend on the lips again. Narinig niyang hihirit pa sana si Seungkwan pero inunahan na niya. “Kahit pa laplapin ko ‘to ngayon dapat wala kayong pakielam. Birthday niya.”
“Papansin jusko, papansin!” It was Ji who said that kaya natawa ang lahat.
“Wag mo silang pansinin. Gusto ko yun,” biglang sabi ni Mikael.
“Ang alin?”
“Momol mo ko dito.”
“Ewan ko sa’yo,” tatawa-tawang sagot ni Adi bago lumapit sa tenga ni Mikael para bumulong, “Mamaya na lang.”
“Happy birthday talaga yan,” sagot ni Mikael, earning a cackle from his boyfriend.
Kitchie Nadal was the last artist to play at tinapos nila yun. When they hear her sing, pakiramdam nila bumalik sila sa high school, singing their hearts out na akala mo nasa classroom sila at nag-jajamming kasama ang mga kaklase nila.
It was already around 2 AM when the event concluded. Nag-bonding pa silang magkakaibigan ng saglit at naghiwahiwalay lang noong mga alas kuwatro na. Adi wanted to drive sana to surprise Mikael, kaso parang hindi naman ata kaya ng astigmatism niya mag-drive pa ng ganitong oras. Kaya wala rin siyang choice kundi i-spoil ng konti yung plano niya kay Mikael.
Both of them filed for a week-long leave dahil plano nilang mag-stay sa Laguna for Mikael’s birthday. Pero bukas pa naman kasi sila dapat aalis so the taller was expecting na ihahatid niya si Adi sa bahay nito at susunduin na lang bukas. But Adi had other plans and booked a one-day stay sa AirBNB na silang dalawa lang. Alam na rin naman ito ng pamilya ni Mikael dahil nagpaalam na si Adi.
“San tayo Kap? Bakit mag-wewaze? Alam ko naman papunta sa inyo,” nagtatakang tanong ni Mikael.
“Hindi tayo uuwi sa bahay. May binook akong AirBNB para satin,” Adi explained.
Mikael looked at Adi and smirk, “Ikaw ah anong binabalak mo sakin? Hindi pa ako ready sa mature roles, Kap. Nako!”
“Eto puro kabastusan,” Adi retorted and Mikael howled. Ang cute cute ni Adi kapag inaasar talaga.
“No, but seriously, love? Bakit tayo mag-AirBNB?”
“Basta. May damit ka na rin naman diyan, kasama sa pinack ko. Yung damit mo sa bahay nilagay ko.”
“Prepared ka ah?” Mikael smirked. “Sige na nga, papayag na akong masolo mo.”
“Ewan ko sayo, mag-drive ka na diyan.”
“Copy, boss!”
Tinola.
Eto yung surpresa ni Adi sa kanya. Just like his first birthday that they spent together, nagdala si Adi ng frozen tinola at ininit na lang ito. At first sip of the broth, Mikael already knew how much effort Adi put in this. Wala nang mag-chechaser ng tubig, this is exactly how his mom’s tinola tastes like.
As Mikael continued eating, pakiramdam niya hindi na lang yung nanay niya ang nakayakap sa kanya, kasama na rin si Adi. Every sip of the broth felt like a warm embrace, and every bite of the chicken and veggies felt like an assurance na okay lang tumanda basta kasama niya yung mga taong totoong nagmamahal sa kanya.
His birthday celebrations have always been perfect for Mikael dahil kasama niya ang pamilya niya. So he never expected na may ipeperpekto pa pala ito. And that only happened after Adi came into his life. He never thought he’d be able to give this much love until Adi happened. Akala niya swerte na siya sa buhay dahil lumaki siya sa pamilyang mahal at suportado siya, pero meron pa pala siyang mas maiseswerte. At eto yun, yung lalaking nakatingin sa kanya ngayon, yung lalaking nag-aantay sa kung anong sasabihin niya tungkol sa niluto niyang tinola.
“Pefect na, Kap. Sobrang perfect na. Best birthday na talaga.”
