Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2025-04-07
Words:
3,701
Chapters:
1/1
Comments:
7
Kudos:
198
Bookmarks:
41
Hits:
2,535

Minwon: Alipin ng Salapi (Pati Na Rin Daw ng Pag-ibig)

Summary:

Pula ang kulay na makikita sa buong paligid. Puno ng mga pusong gawa sa papel ang nakabitay sa dingding, at isang malaking bersyon naman sa isang gilid kung saan maaari kang magdikit ng post-it notes.

Ang masasabi lang ni Wonwoo dito ay: corny niyo.

Sino ba naman kasi ang hindi maiinis, ‘diba? Araw ng mga puso— araw ng pag-ibig, tapos pagtatrabahuhin siya? Alipin siya ng salapi, that's a given. Wala siyang ka-date, that's also, well unfortunately, a fact. (Fuck that jollibee crew, he said.) Pero ganoon ba kahirap pagbigyan siya ngayong araw?

or,

wonwoo!bagger × mingyu!jollibee crew

Notes:

(See the end of the work for notes.)

Work Text:

Pula ang kulay na makikita sa buong paligid. Puno ng mga pusong gawa sa papel ang nakabitay sa dingding, at isang malaking bersyon naman sa isang gilid kung saan maaari kang magdikit ng post-it notes.

 

Ang masasabi lang ni Wonwoo dito ay: corny niyo.

 

Sino ba naman kasi ang hindi maiinis, ‘diba? Araw ng mga puso— araw ng pag-ibig, tapos pagtatrabahuhin siya? Alipin siya ng salapi, that's a given. Wala siyang ka-date, that's also, well unfortunately, a fact. (Fuck that jollibee crew, he said.) Pero ganoon ba kahirap pagbigyan siya ngayong araw?

 

Single na nga, imo-morning shift pa, was the only thing his mind could mutter.

 

He goes on with his morning routine— gigising ng alas singko ng umaga, bibili ng pandesal sa harap na bakery, magtitimpla ng kape para sa sarili, at maghahanda na pagpasok. Pagka-log in niya, sasabak na naman siya sa madugong pagba-bagger sa mall.

 

Alas otso ang simula ng shift niya, at ngayon ay saktong alas dose na ng tanghali. Finally ang tanging nasabi niya.

 

Eto na lang ata magpapatuwa sa kaniya ngayong araw. Ang lunch break. Pagkatapos kasi neto ay puwede na siyang umuwi.

 

Asa'n muna kasabay mo? Tanong ng demonyo sa utak niya.

 

Putangina talaga.

 

Oo na, wala na siyang kasama kumain. Ano naman, ‘diba? Hindi niya naman ikamamatay ‘yon. Ano naman kung wala siya sa jollibee ngayon habang kumakain ng luto ni the-guy-who-shall-not-be-named? O minsan naman, kapag paldo, ay chicken joy na libre rin ng crew dito? Makakahinga pa rin naman siya! May makakainan naman sa mall! Magma-mcdo siya ngayon! Deserve naman niya ‘yon!

 

Joke lang. Boycott tayo, tol. Sagot ni Wonwoo sa gagong bulong nang bulong sa kaniya.

 

“Sa'n ka na niyan?” Tanong ni Han, katrabaho niya na dati niyang kasabay kumain. Key word: dati. May nobyo na kasi ito ngayon.

 

“Uuwi,” Balagbag na sagot niya. 

 

Tumawa si Han. “Gagalit na naman si jollibee princess.” Sabi niya na ikinairap naman ng kausap.

 

“Absent si Doks ngayon, ah. Baka ipatoka ka.” Napalingon naman si Wonwoo dito.

 

Tarantado lang?

 

“Seryoso ka ba?” Mapait na itsura ang namutawi sa mukha niya, na hindi alam ni Han kung tama bang tawanan niya.

 

“Oo, pero di ko sure kung ika—”

 

Hindi pa natatapos ni Han ang sasabihin niya nang may biglang kumalabit kay Wonwoo na agad naman nilang nilingon. Mas lalong lumukot ang mukha nito nang mapagtantong si kalb— este si Sir Hansol pala nila ito.

 

Hindi pa nga nagsasalita ang kanilang manager ay alam na agad ni Wonwoo ang nais nitong sabihin. Wala siyang galit sa mga kalbo, okay? Naging patatas na nga rin ang gago na ‘yon (jollibee crew ang tawag niya kapag di siya galit) noong nagpatabas ito, pero ngayong andito si Sir Hansol sa harap niya na walang ibang bitbit kung hindi ang balitang sisira sa kaniyang araw (kung hindi pa nga tuluyang nasisira dahil hindi pa rin nagre-reply ang isa pang dating kalbo sa buhay niya)— baka ngayon mayroon na.

 

“Yes po, sir?”

 

“Extend ka muna ngayon, Jeon. Absent papalit sa ‘yo.”

 

Tangina nga naman ng mga kalbo.

 

Wala ng ginawang tama!

 

Hingang malalim. Pera ‘yan.

 

“Sige po, sir. Balik po ako agad after lunch.” Mahinahong sagot niya bago siya talikuran ng manager.

 

Tuluyan niya ng naramdaman ang pagkainis sa araw ng mga puso. Tarantadong buhay nga naman.

 

Imbis na mabusog sa pagkabanas, pinili niya na lamang punuin ang kaniyang tiyan ng baon niyang pagkain. Chickenjoy sana ‘to kung nagparamdam lang si Mingyu.

 

Mingyu! Mingyu! Mingyu! Tangina, puro na lang ‘yang malaki at masarap na lalaking ‘yon!

 

Erase. Erase. Wala dapat siya pake ngayon. Ngayon lang. Pagbigyan niyo na.

 

“So bakit ka nga galit, teh?” Walang prenong tanong ni Jeonghan nang magsimula na silang kumain. Napagdesisyunan nilang tumambay na lang sa staff room, dahil mamaya pa naman daw siya susunduin ni Seungcheol, ang kaniyang nobyo, para kumain sa labas. May duty pa kasi ito.

 

Gustuhin mang sabihin ni Wonwoo na patas ang mundo dahil pareho sila ni Cheol na may trabaho pa, lamang pa rin talaga yung isa, e. May kadate ba naman pagkatapos ng nakakapagod na shift? Muntik ng mapa-sana all si Wonwoo, pero ayaw niya naman magmukhang desperado sa pag-ibig, hindi niya branding, uy!

 

Kaya kahit walang ‘eat well, babi’ ngayon mula kay Mingyu— na madalas (kung hindi lagi) niyang nakukuha dito, hindi dapat siya malungkot. Hindi naman hawak ni Mingyu ang kubyertos. Yung sa jollibee siguro, oo. Pero suwerte siya, wala naman siya sa jollibee ngayon. Bukod sa wala siyang pera at may ayaw siyang makita, wala namang rason para pumunta doon.

 

Bakit? Kasi ‘yung pinupunta mo doon ay hanggang ngayon wala pa ring ‘good morning?’

 

Kung nasa kwarto lang siguro si Wonwoo ngayon, kanina niya pa sinabunutan sarili niya. But he didn't, awa na lang kay Jeonghan. Baka bigla siyang layuan, e. Siya na nga lang nakakausap nito pagkatapos o habang nasa trabaho.

 

“Di ako galit.” Sagot niya sa kanina pang tanong ni Han.

 

“Sus. E, inaya kita sa jollibee kanina— libre ko pa nga, ayaw mo naman!” Nanunudyong aniya bago lumamon ng kalderetang pinabaon sa kaniya ni Cheol.

 

“Magtipid ka nga. Saka, ‘yan oh, pinaglutuan ka na ng asawa mo, magfa-fastfood ka pa?” Sabi niya naman at saka inikutan ito ng mata.

 

Agad namang namula si Han. “Tarantado nasa kasalan ka naman agad.”

 

“Dun din papunta ‘yon!” Natawa nang marahan si Wonwoo.

 

Napaka-pabebe talaga, e.

 

Akala ni Wonwoo ay hanggang doon na lamang ang usapan nila nang biglang magsalita ulit ang kasama.

 

“Kayo? Saan ba kayo papunta?” And boy did it knock some senses upon him.

 

Grabeng tanungan, tito boy! Shoot na shoot sa banga! 2 points po kay Jeonghan kasi masakit na po siya magsalita.

 

May plano na si Wonwoo mamaya pag-uwi. Pagkarating niya sa bahay, kakain siya, maliligo, kakausapin ang nanay niyang lalapit lang tuwing kinsenas o katapusan, breakdown nang very light, magdo-doomscroll sa tiktok at magrerepost ng mga video ng may sound na ‘oo nga pala, hindi nga pala tayo..’, at dahil nabalik na ang comment option ng repost, magco-comment pa ‘yan ng “wala na ngang pera, wala pang label.” Grabe ang atake ni bading!

 

 

Napansin naman ata ni Jeonghan ang pananahimik nito kaya tumikhim siya. “Mahirap ‘yan, baks.” Sambit niya bago nagpatuloy sa pagkain.

 

Tango lang ang naiambag ni Wonwoo sa usapang ‘yon at pinilit na ubusin ang kare-kare na niluto pa ng tatay niya, kahit na parang naging barado bigla ang kaniyang lalamunan.

 

Puta. He might as well create a note on Instagram.

 

Mabilis lang ang lunch break nila. Nang makapagligpit ng pinagkainan, bumalik na sa istasyon si Wonwoo habang nagpaalam naman sa kaniya si Jeonghan dahil tapos na ang shift nito. 

 

“Uy, Wons,” Bati ng kahera na kasama niya sa Counter 5. Pagod niya lang itong nginitian.

 

“Wala pa nga, pagod na agad?”

 

“Kanina pa ‘yang umaga, Reese.” Natatawang sabi ni Joshua, ang bagger sa kabilang counter.

 

Hindi man nakikita dahil nakatalikod siya dito, inirapan pa rin siya ni Wonwoo. “Kung di ba naman absent ‘yang boyfriend mo, edi wala ako dito.”

 

Narinig niya naman ang mahinang pagtawa ni Joshua. “May sakit si lovey, Wons. Pagpasensyahan mo na.” Pabirong saad niya, pero halata pa rin ni Wonwoo ang alala sa boses nito.

 

Hindi alam ng nakababata kung kanino ba siya maaawa— kay Dokyeom ba dahil may sakit pala ito o sa sarili niya kasi wala siyang lovey.

 

Kung normal na araw lang, puwede niyang sabihing may babi siya, e. Kung normal na araw lang.

 

“Hala, kaya pala ang tamlay mo na. Okay ka pa ba? Kumain ka naman siguro, noh?” Naga-alalang tanong ni Reese na tinanguan niya na lamang.

 

Normal naman na sa kanila ang magkamustahan. Lalo na't sila-sila lang din naman ang lubos na nakakaintindi kung gaano nakakapagod ang buong araw na pagtatrabaho at maghapong walang upuan. He really appreciated the question. Pakiramdam niya kahit papaano ay may naga-alala sa kaniya.

 

 

Ngunit bilang isang dakilang bakla (na nangungulila, di niya na madeny), napapaisip na lang din siya na paano kung si Mingyu ang nagtanong ng mga ‘yon? Siguro aantayin siya non matapos ang shift niya sakaling mauna siyang mag-out, tapos papaupuin sa isang tabi ng mall at papakainin ng take-out niyang manok ng Jollibee na pang-tanghalian niya sana pero pinili nitong kumain na bago sumibat at magtrabaho para may maipapakain siya kay Wonwoo. Mag-uusap sila kung ano ang mga nangyari sa trabaho, baka maikwento ni Wonwoo na good mood na naman si Sir Hansol kasi binisita ito ng nobyo niyang si Seungkwan na bagong bleached na naman, o kaya kapag masiyado ng pagod—si Mingyu ang maaatasang magkuwento. Sasabihin niya kung gaano kaingay si Soonyoung sa trabaho, at kung ano na namang pagpapapansin ang ginawa niya sa manager nilang si Jihoon. Pero kapag pareho silang wala sa wisyo para magsalita man lang, tahimik na lang siyang susubuan ni Mingyu at papainumin ng tubig paminsan-minsan. Hahayaan na lamang ang katahimikan nilang dalawa na punuin ang espasyo sa pagitan nila.

 

Sapat na sana iyon para mapawi ang pagod ng buong araw. Sapat na sa kanila ‘yon upang maipagpahinga ang isipang binabagabag ng sari-sariling problemang pinansyal. Sapat na sana iyon kay Wonwoo.

 

Pero wala, e. Siguro di lang siya favorite ng universe kasi saktong sa araw pa talaga ng mga puso siya piniling tarantaduhin.

 

“Kaya mo ‘yan, Wons. Konting oras na lang,” ang huling sinabi ng katrabaho bago nagpatuloy sa pagpu-punch ng mga items.

 

Hindi na namalayan ni Wonwoo ang oras. Ginawa niya na lamang ang best niya para matapos na ang paghihirap niya. Pack dito, pack doon. Mabilisan, para walang oras makapagisip-isip. Walang oras para maramdaman ang ngalay ng likod. Walang oras para pansinin ang bahagyang kirot sa kaniyang dibdib dahil hindi pa rin siya kinakausap ng lintek na Jollibee crew ‘yan.

 

Tangina, e. Nakakainis.

 

“Good afternoon, sir.” For the nth time, Reese greeted the customer. Busy si Wonwoo mangalikot ng kung ano-ano doon kaya hindi niya na ito nailingon. Nakita niya lang sa peripheral vision niya na bulaklak ang binili nito.

 

Hay, tarantadong buhay ‘to. Kuya, sana malaman mong mag-pinsan kayo.

 

“Para sa jowa mo, sir?” Rinig niyang tanong ng kasama.

 

Talagang naki-chismis pa si Reese, dami energy, ha. Me when?

 

“Kung papalarin.” 

 

Puta.

 

Kilala ko boses na ‘yon, ah?

 

Hindi alam ni Wonwoo kung ano ang mararamdaman niya nang iangat niya ang tingin at magtama ang kanilang mata ni Mingyu na awkward na nakatayo sa harap. Talagang nakangiti pa nang bahagya ang loko, na para bang alam nito na andito siya.

 

Saka, ano?! ‘Kung papalarin?’ Sino naman kinakalantari ng mokong na ‘to? Edi ayos lang pala sa kaniya na marinig ko? Ayos, ha!

 

Hindi niya talaga alam kung ano ba dapat niyang maramdaman. Mainis ba kasi matapos siyang ighost ng tatlong araw, magpapakita ito ngayon at ngingitian siya na parang walang nangyari? May karapatan ba siyang umiyak kasi totoo namang miss na miss niya na? Puwede ba siyang magsumpong, magpasuyo, o manumbat man lang? Puwede niya bang sabihin sa binata kung gaano siya kagago, and despite all that, he missed him still? Puwede niya ba itong yakapin habang sinusuntok dibdib niya? Ganoon yung takbo ng utak niya, e. Ganoon kagulo ang ritmo ng puso niya ngayon.

 

Pero imbis gawin ang lahat ng iyon, muli na namang pinaalala ng mundo na wala siyang karapatan, at wala siya sa lugar— so he did what he thinks he does best; ignore him.

 

Ayan na naman yung kirot.

 

Pinilit na lang ni Wonwoo na hindi pansinin ang paglusaw ng ngiti nito at tuluyang nag-iwas ng tingin. He focused on the computer's screen, tila ba interesado na siya bigla.

 

“Ibabalot pa po ba? Baka masira po kasi.” Naramdaman ni Wonwoo ang pagbaling ng tingin ni Mingyu kay Reese nang magsalita ito.

 

“Ah, hindi na.” Tumango naman ang babae at dama inabot ang resibo. Bahagyang nanginginig, inabot ni Wonwoo ang isang bungkos ng baby's breath.

 

Nagtama muli ang kanilang mga tingin. This time, Wonwoo didn't look away. Inangatan niya ito ng kilay, nag-aantay kung sakali mang may gusto itong sabihin.

 

Ano? Magso-sorry ka bang gago ka?

 

“Usap tayo mamaya, please?” Bulong ni Mingyu. Naramdaman naman niya ang pagbaling sa kanila ni Reese, na ngayon ay nagpupunch na ng items, halatang gulat na magkakilala pala silang dalawa.

 

“Thank you for shopping with us, sir.” Binigyan niya ito ng pekeng ngiti bago nagsimulang ibalot na ang pinamili ng sumunod na customer. Narinig niya ang buntong hininga ng lalaki saka tuluyang umalis ng grocery. Hinatid niya pa ito ng tingin, at hindi naman ito muling lumingon.

 

Tangina niya pala.

 

Sa mga natitirang oras ng kaniyang trabaho, walang ibang laman ang utak niya kung hindi ang nangyari kanina.

 

Tatlong araw. Tatlong araw siyang walang narinig mula kay Mingyu. Walang ‘magandang umaga’, ‘kumain ka na?’,’kamusta araw mo?’, o simpleng hi man lang para alam niyang buhay pa ito. Wala. Walang kahit anong paramdam. Na para bang nagising na lang siya noong araw na iyon at wala ng kahit anong balita mula kay Mingyu. 

 

Tapos ngayon, magpapakita ito na parang walang nangyari? Bibili ng isang bungkos ng paborito niyang bulaklak, at ipangalandakan sa buong mundo na para ito sa taong umaasa siyang magiging sila sakaling dumating ang panahon? Nakuha pang makiusap ng isa pang oras para (siguro) magpaliwanag.

 

To think that Wonwoo was hurt is an understatement.

 

Gusto niyang umiyak, pero hindi niya magawa. Kasi baka magsunod-sunod na naman yung mga luha. Baka one moment, he was crying because of whatever happened today, and then the next, he was crying because of money. He can't afford losing himself right now, because there will be no more Mingyu to keep him grounded.

 

Tangina ng mundo. Ang daya-daya. Si Mingyu na nga lang meron siya, e. Lahat ba kailangan bawiin sa kaniya?

 

Pagkatapos ng napakahaba niyang shift, finally ay makakauwi na siya. Wala pa sa alas kwatro nang pumunta ito sa locker's room para kunin ang mga gamit. He bid his co-workers goodbye before officially marching his way outside the store. Binati niya pa si Dino, ang kanilang guard, pagkalabas ng building.

 

“Ingat, kuya Wons!”

 

“Bawasan ang kape, ha!” Paalala niya na tinawanan lamang ng nakababata bago ito nag-thumbs up.

 

Madilim na ang kalsada. Poste at ilaw mula sa mga bukas na fast food chains na lang ang nagsisilbing liwanag sa gabi. 

 

Tahimik lang siyang naglalakad habang sinisipa ang iilang bato, sinusubukang ibaling doon ang inis niya. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay natanaw niya na ang pamilyar na pigurang nakaupo sa may fountain, nakayuko ito at tinititigan ang bugkos ng bulaklak na binili niya kanina.

 

Hindi ata sinipot. Buti nga!

 

Pinili na lamang ni Wonwoo na huwag ito pansinin. Dinaanan niya ito na parang hangin. Tuloy-tuloy lang sana siya sa paglalakad nang bigla siyang tawagin nito.

 

“Won!” Sigaw ni Mingyu, dahilan para tumigil siya sa muling paghakbang.

 

Huminga siya nang malalim bago ito nilingon. Tinakbo ni Mingyu ang pagitan nilang dalawa.

 

“Ano?” Mataray na saad niya, na bahagyang kinatakot ng kausap.

 

Natahimik siya sandali. “Galit ka?” Marahan at puno ng lambing na tanong niya. God did he miss that voice.

 

Mahinahong tao si Mingyu. Kailanman ay hindi siya nito pinagtaasan ng boses, kahit pagod o galit— not like he ever got mad at Wonwoo anyway. Sabi nga ni Mingyu, kayang-kaya niya intindihin lahat ng pag-iinarte ni Wonwoo kasi alam niyang paraan lang nito ng nakatatanda ng magpalambing. Kapag pagod, magsasabi lang ito agad na wala siya sa tamang ulirat para ibuka ang bibig, so Wonwoo will remain silent and let Mingyu rest into his shoulder as they hold each other's hands, but then Mingyu would complain and ask him to tell him about his day, and he'd willingly obliged.

 

Marahang haplos. Malambing na tono. Malumanay na tapik. Mahigpit na yakap. Panandaliang halik. Ganoon siya magmahal.

 

Banayad magmahal si Mingyu.

 

At hindi alam ni Wonwoo kung kaya niya bang tanggapin na may iba ng makakaranas nito.

 

“Galit ka nga.” Sabi niya muli nang hindi sumagot ang binata, bahagyang humina ang boses. Yumuko rin ito, and it took everything for Wonwoo not to hug him and soothe his worries away.

 

“Gyu.” Tawag niya dito. Wonwoo hated how foreign it sounded, like a bitter taste resting on his tongue.

 

“Ginagago mo ba ako?” Mabilis na umangat ang tingin ni Mingyu, nakakunot ang mga kilay.

 

“Hindi! Saan mo naman nakuha ‘yan, Won?”

 

Wonwoo heaved a sigh. “You disappeared without a word, Gyu.”

 

Lumambot ang ekspresyon ni Mingyu, as if he was taken off-guard on how straightforward Wonwoo is. Like he had been waiting for answers, and it hurt Mingyu little by little— making Wonwoo wait, that's what.

 

Nanatiling nakatikom ang kaniyang bibig, hindi makapa ang tamang sasabihin. Doon nawalan ng pasensya si Wonwoo.

 

“Saka mo na lang ako kausapin kapag handa ka ng magpaliwanag.” He said before turning his back to Mingyu, pero hindi pa man siya makahakbang ay naramdaman niya na agad ang braso ng binata na nakapulupot sa kaniya. Isiniksik ni Mingyu ang kaniyang mukha sa leeg ng nakatatanda.

 

“Bitaw.” Aalisin niya na sana ang pagkakayapos ng lalaki nang bigla niyang maranig ang mahihinang hikbi nito.

 

“I-I'm sorry… Babi… I'm sorry…” Agad na hinarap ni Wonwoo ang ngayong umiiyak na Mingyu. Hinawakan niya ang mukha at pinilit itong tignan siya. Marahan niyang pinalis ang mga luha nito.

 

“Bakit ka umiiyak?” Naga-alalang tanong nito, na para bang nawala lahat ng tampo at galit niya sa katawan makita lang ang mga luha ng binata.

 

“I'm sorry… Babi, p-please…”

 

“Sshh. Dito na ako.” Hinigit niya ito sa mahigpit na yakap. 

 

Nanatili sila sa ganoong posisyon hanggang si Mingyu na mismo ang bumitaw, medyo kalmado na.

 

“Handa ka na po bang sabihin sa ‘kin?” Malambing na tanong niya na tinanguan naman ng kausap.

 

Jusko. Ang cute cute talaga ng Mingyu niya.

 

Mingyu ko? 

 

Sana.

 

Naupo sila sa gilid ng fountain, magkahugpong ang kamay. Wonwoo figured that's how he’d comfort the younger. Nevermind his tampo for now.

 

“Anong nangyari?”

 

Sandaling katahimikan ang namutawi sa kanila.

 

“Kamusta araw mo, babi?” Pag-iiwas niya na naramdaman agad ni Wonwoo.

 

“Kapagod. Double shift ako ngayon. Ano nga nangyari?” Pagpupumilit niya pa. Wonwoo was never the kind to push it, but he thought he at least deserves to know.

 

“Ang babi ko talaga. Nakakain ka naman ba nang maayos?”

 

Wonwoo let out a sigh. “You don't get to call me babi hangga't di mo sinasabi sa akin. Ano nga meron, Gyu?”

 

Yumuko naman si Mingyu at pinaglaruan ang kamay nilang magkahawak pa rin.

 

“Nakita kita nung isang araw sa Starbucks. May kasama ka.”

 

Huh?

 

“You were smiling from ear to ear. Wala namang kaso sa akin ‘yon, ganda mo kapag masaya, e.”

 

Hindi ito ang tamang panahon para kiligin, pero tangina, bakla lang naman siya!

 

“Oh?” Pagbaling ng usapan ni Wonwoo.

 

“Kaso, ewan ko.. babi, sorry..”

 

“Bakit?”

 

“Naisip ko lang nun.. hindi pa pala kita nadadala sa starbucks. Palaging tig-trentang iced coffee lang sa tabi-tabi na yelo pang red horse pa yung gamit.” Natawa sila pareho, pero ramdam ang bigat ng bawat salita ni Mingyu.

 

Natahimik sila sandali. “Sabi ko no’n.. yung mga kagaya mo, parang hindi bagay sa katulad ko.”

 

Humigpit ang hawak ni Wonwoo sa kamay ni Mingyu, pero hinalpos lamang ito ng binata gamit ang libre niyang kamay.

 

“You deserve so much more, babi..”

 

Doon na tuluyang umiyak si Wonwoo. Dali-dali naman siyang inalo ni Gyu, pinunasan ang mga luha at pinatakan ng halik ang noo niya.

 

“Gyu naman..”

 

“Kaya iniwasan kita nun.. pasensya ka na, babi.. nadala lang, e.. pasensya ka na talaga..” Umiling-iling si Wonwoo, patuloy pa rin ang pagbagsak ng kaniyang mga luha.

 

“Pero, Won…”

 

Hinawakan niya ang mukha ng lalaki at dahan-dahang nagtagpo ang kanilang mga tingin. Tinitigan niya nang maayos ang nakatatanda, sinasaulo ang bawat parte ng kaniyang mukha.

 

Ang ganda, sabi ni Mingyu sa sarili. Hindi na ‘to puwedeng pakawalan.

 

“Sa tatlong araw na hindi kita nakausap.. para akong mamamatay nun. Iniisip ko.. ganito pala kahirap nang wala ka? Paano pa kaya kapag pinakawalan na kita?”

 

Lumakas ang hikbi ni Wonwoo.

 

“Hindi ko ata kaya, babi.. Hindi ko ata kayang simulan ang mga susunod pang araw nang hindi ka kausap. Hindi ko ata kayang umuwi nang walang yakap galing sa ‘yo. Sino na lang uuwian ko kapag wala ka? Sino na lang hahagkan sa akin kung hindi ikaw?”

 

“Babi.. I may not be deserving of you yet, pero gagawin ko lahat para magkaroon ako ng karapatan na mahalin ka.”

 

“Magta-trabaho ako.. Sisipagan ko ang pag-aaral.. Mag-iipon.. Gagawin ko lahat, Won. Hanggang sa hayaan mo na akong iparamdam sa ‘yo kung gaano kita kamahal.”

 

“Hanggang sa puwede mo na akong piliin nang walang paga-alinlangan. Yung wala ng masasabi ang mundo. I will do everything for you, babi. All you have to do is to name it.”

 

Pinunasan muli ni Mingyu ang pisngi ni Wonwoo na punong-puno ng luha.

 

“Nakakabanas ka..” Walang lamang sabi ni Wonwoo.

 

“I love you.”

 

Napatigil si Wonwoo.

 

“Tangina mo naman, e.”

 

Lumawak ang tingin ni Mingyu.

 

“Liligawan kita. Bawal kang humindi. Hindi ako nanghihingi ng permiso, manliligaw ako talaga.” Mahinang tinampal ni Won ang braso ni Gyu.

 

“Sige na nga. Mapilit ka, e.” Doon na tuluyang natawa si Mingyu bago niyakap muli ang nililigawan niya. Pinatakan niya ng halik ang tuktok ng ulo ng nililigawan niya nang ilang libong beses.

 

“Pero bab..” Tawag ni Wonwoo habang magkayakap pa rin sila.

 

“Po?”

 

“Yung kasama ko nung isang araw, si Jun.”

 

Mingyu scoffed. “I don't need a name, baby.”

 

Wonwoo chuckled. “Makinig ka kasi muna!”

 

“Ih.” Pag-iinarte ni Mingyu pero kumalas naman siya sa yakap at tinignan nang maigi ang nililigawan niya.

 

“Si Jun.. pinsan ko ‘yon.”

 

Ha?

 

“Nilibre niya ako kasi tinulungan ko siya mapasagot nililigawan niya, si Hao.”

 

Ha?!

 

“Hao as in..?”

 

“Oo, babi. Tropa mo.”

 

Tangina lang.

 

“We should work on our communication skills from now on, bab.” Ang tanging nasabi ni Mingyu na ikinatawa naman ni Wonwoo.

 

Hay. Pag-ibig nga naman.

 

“Ay, bago ko makalimutan..” Kinuha ni Mingyu ang bulaklak at saka inabot sa kaniya.

 

“Happy valentines day, babi. Mahal kita.

 

Naramdaman na lang ni Mingyu ang malambot na labi ni Wonwoo na dumampi sa pisngi niya.

 

And God did he walked back home smiling like a teenager.

 

Dahil sa gitna ng mausok na syudad, magulong kapaligiran, at maingay na responsibilidad—nahanap niya si Wonwoo.

 

Nahanap niya ang marahang pagmamahal na kayang patahanin ang bawat tangis ng kaniyang pagkatao.

 

 

 

 

 

 

 

 

Notes:

eme eme lang ‘yan ngik haha try ko lang kung marunong ba ‘ko magsulat WEWZ anyway catch me on twitter, @/mwonine