Actions

Work Header

Para Po! (Sa 'yo)

Summary:

Simple lang naman ang bawat araw ni Kino (ww).

Gigising nang maaga, minsan sa alarm ng kaniyang telepono, o di kaya'y sa ingay ng kaniyang kapatid. Paghahandaan niya ito ng almusal, kasabay na rin ng baon nilang dalawa. Kapag makitid kumilos si Hiro (ksn), tutulungan niya pa itong magbihis bago tuluyang mag-ayos pagpasok.

Pag nasiguro niya ng nakasuot na ng uniporme ang kaniyang kapatid, bitbit ang lunch box nito, habang siya naman ang may dala ng stroller bag nitong may apat na gulong, ay sabay silang lalabas ng bahay para pumasok sa kaniya-kaniyang paaralan.

Pag na-lock na ni Kino ang gate nila, sakto namang dadating ang service ng kaniyang kapatid.

“Kuya Tin!” Masayang sigaw ni Hiro, tila biglang excited na pumasok.

“Oh Hayro, ‘gandang umaga!” Maligalig namang bati ni Justin (mg), ang drayber ng tricycle na araw-araw hatid-sundo ang kapatid ni Kino.

Tapos minsan, siya rin mismo.

(Kapag sinusubukan niya nang ibaon sa kailaliman ang namumuong pagnanasa niya dito)

Notes:

ewan ko rin kung ano 'to e basta bakla sila ayos ba 'yon? (insert my minwonsun agenda)

as always, not proofread !! expect grammatical errors and typos TT enjoy pi MWA

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Malamig ang simoy ng hangin. Huni ng mga ibon ang namutawi sa paligid, at iilang tilaok ng manok na pagmamay-ari ng kanilang kapitbahay. Nakabukas ang bintana ng kuwarto, hinaharangan lamang ng kurtina kaya kita pa rin ang madilim na kalangitan.

 

Masiyado pang maaga, alam ni Kino iyon, ngunit hindi ata marunong makiramdam ang kapatid niyang si Hiro dahil kahit alas singko pa lamang, base sa orasan na nakasabit sa kaniyang pader, ay malakas na ang katok nito sa kaniyang pinto.

 

Nanatili siyang nakahiga at tumitig sa kisame, nag-iisip kung dapat na ba siyang tumayo o magkunwari na lamang na tulog. Sa huli, napagdesisyunan niyang pagbuksan ang kapatid dahil baka nasusunog na ang kanilang bahay. Minsan ay napagtitripan pa naman nitong mangalikot sa kusina na akala mo'y abot na ang kalan.

 

Pagkabukas niya ng pintuan, bumungad sa kaniya si Hiro na may maliit at pilyong ngiti sa labi.

 

“Ano?” Masungit na bati nito, na tinawanan lamang ng bulinggit.

 

“Mali-late na ako.” Kung hindi lang siguro pinalaking may mahabang pasensya si Kino ay matagal niya ng napingot ang tainga ng kaniyang kapatid. 

 

Huminga muna siya nang malalim. “Maligo ka na, magluluto na ako.”

 

Tumango ito at agad na sumunod sa utos ng kaniyang kuya. Pumunta muna siya sa sariling kuwarto para kumuha ng tuwalya bago dali-daling bumaba at muntik pang madapa na tinawanan lamang ni Kino.

 

Nagtungo siyang kusina at nagsimula ng magluto ng kanilang almusal. Dahil lunes pa lang, nagsaing siya ng kanin, dinamihan niya pa para sa kanilang baong tanghalian, at nagprito ng hotdog at itlog. Nang matapos, hinain niya na ito bago nilabas ang adobo na niluto niya pa kagabi upang initin na lang ng umaga.

 

Saktong natapos si Kino sa paghahanda nang dumating si Hiro, nakatapis lamang ng tuwalya niyang may disenyong spiderman .

 

“Sarap naman n'yan, kuya!” Komento nito na para bang espesyal ang niluluto niya. Sabagay, paborito kasing umagahan ni Hiro ang hotdog. 

 

Inirapan lang siya ni Kino. “Magbihis ka nga muna doon!” Pagpapaalis niya sa kapatid. Tumawa lang ang bata at tuluyang umakyat.

 

Tinakpan niya muna ang pagkain dahil napagdesisyunan niyang magsimula na ring mag-ayos. Alas nuebe pa naman ang kaniyang klase ngunit aagahan niya na lamang ang pasok para makapag- review sa paaralan. Nagtungo siya sa kuwarto at kinuha ang tuwalya bago bumaba ulit at pumuntang banyo.

 

Simple lang ang bawat araw ni Kino. Umiikot lang sa pare-parehong gawi. Gigising nang maaga, minsan sa tunog ng kaniyang alarm o di kaya’y sa kalabog ng kaniyang kapatid. Pag natapos na siyang magreklamo nang kaunti dahil bakit ba sa kaniya iniwan ng kaniyang magulang na OFW ang sutil niyang kapatid ay saka lamang siya kikilos. Maghahanda ng umagahan at kanilang baon pananghalian, tutulungan si Hiro sa pagbihis sakaling naglalaro na naman ito ng tamad-tamaran , bago siya magsimula na ring maghanda pagpasok. Tuwing Miyerkules at Biyernes lamang nagkakasundo ang iskedyul ng pasok nilang magkapatid, siya na ang pasok ay 6:30 sa araw na iyon, at ang kapatid niyang 7:00 ang simula ng klase araw-araw. 

 

Ibig sabihin, dalawa sa isang linggo lang sila sabay pumasok ni—

 

Shut off ka na, self. 

 

Matapos ng halos trenta minuto niyang pag-aayos, taliwas sa karaniwang sampung minuto, nadatnan niya ang kaniyang kapatid na nakaupo na sa hapag-kainan, tila inaantay siya.

 

“Di ka pa kumakain?” Tanong niya at naupo sa tapat nito. Napansin niyang sinandok na siya ng kanin ni Hiro, nilagyan na rin ng dalawang hotdog at itlog ang kaniyang plato.

 

“Kawawa ka naman pag walang kasabay.”

 

“Gumaganyan ka lang kasi hotdog ulam. Bukas, dila-dila naman.”

 

Napasinghap naman ang bata. Oa . “Kuya?! Huwag naman! Pakainin mo na lang ako ng ampal—”

 

Tumigil si Hiro sa pagsasalita nang pinagtaaasan siya ng kilay ni Kino. Napagtanto naman ng nakababata na hinuhukay niya ang sariling patibong kung sakaling ituloy niya ang sasabihin. Alam niya kasing papakainin talaga siya ng kuya niya ng ampalaya kung sakali.

 

“Ah basta! Huwag dila-dila, please?” Halos pagmamakaawa ni Hiro, na tinawanan lamang ng kapatid.

 

“Oo na. Kumain ka na d'yan.” Lumawak naman ang ngiti ni Hiro sa narinig, tila nagpintig ang tainga. Energetic siyang sumubo, bukod sa favorite niya ang ulam, masaya rin siya na hindi dila-dila ang kakainin nila bukas.

 

Bahagya namang napangiti si Kino, na para bang hindi siya nag-aalala sa kung anong ipapakain niya sa sutil na ‘to na ubod ng kaartehan sa katawan.

 

Bahala na. Bibili na lang siguro siya sa tindahan nina Aling Theresa ng pandesal bukas.

 

Edi makikita niya na naman ang anak nito.

 

Okay. Salamat sa impormasyon, self. Wala akong pake.

 


 

“Kuya, bilis na!” Sigaw ni Hiro mula sa labas ng gate. 

 

“Eto na!” Balik naman ni Kino nang matapos i-lock ang pinto ng bahay. 

 

“Ang tagal mo.”

 

“Ang atat mo.” Hindi nagpapatalong sagot niya, na inirapan lamang ng nakababata. Sinarado niya na rin ang gate at siniguradong naka-lock ito nang maigi. 

 

Hindi rin nagtagal ay may tumigil ng tricycle sa harap nila. Ang service ni Hiro.

 

Sa halos limang taon nitong paghahatid-sundo sa kapatid niya, nasaulo na rin ni Kino ang plate number ng sasakyan. 1123.

 

At sa kay tagal nitong service ni Hiro, hindi rin maiwasan ng kaniyang kuya na makabisado ang iilang detalye tungkol sa drayber—si Justin.

 

Si Justin ay matagal na nilang kapitbahay, anak ni Aling Theresa. Mayroon silang lumang tricycle na hindi na ginagamit simula noong yumao ang kaniyang tatay. Kaya naman, noong malaman ni Justin na magsisimula ng mag-aral ang nakababatang kapatid ni Kino, na ngayon ay nasa ikalimang taon na ng elementarya, nag-boluntaryo itong maging taga-hatid sundo ng bata, at kung minsan ay kabilang ang kuya.

 

Alam ni Kino na nasa huling taon na ito ng high school kagaya niya. Kasalukuyang nag-aaral sa strand na STEM sa parehong paaralan kung saan siya nag-aaral ng ABM. Alam niya rin ang buong family tree nito, gano'n kalalim ang pagkakaibigan ng kanilang mga pamilya. Alam niya kung saan ito pinanganak, anong oras at petsa, kailan ito natutong gumapang at maglakad, kailan unang nagpabunot ng ipin, at marami pang iba na natutunan niya lamang mula sa nanay nitong ka-chismisan niya tuwing nagmimiryenda sa tapat ng kanilang munting tindahan.

 

Alam na alam niya nga rin kung papaano ito magsimula ng maikling kuwentuhan sa tuwing ihahatid niya ang kapatid.

 

“Kuya Tin!” Maligayang sigaw ni Hiro nang tumigil sa kanilang tapat ang sasakyan.

 

Oh, Hayro, ‘gandang umaga. With matching nang-aasar voice.

 

“Oh, Hayro, ‘gandang umaga!” Bati niya sa bata na nakasimangot na pumasok ng tricycle.

 

“Hiro nga kasi,” Oo nga, Hayro. Tatawa pa ‘yan nang bahagya.

 

“Oo nga. Hayro.” Tumawa ito na lalong ikinainis ng pasahero niya.

 

Sa kabila ng halos pagkabisado niya sa detalye ng pagkatao ni Justin, hindi niya pa rin alam ang paborito nitong kulay. Paboritong kanta, paboritong banda.

 

Hindi niya naman kasi iyon malalaman kung hindi niya kakausapin.

 

Ayun lang. Mahina siya sa ganiyan. Bigyan na lang daw siya ng clone ni Hiro at nakangiti pa niya itong aalagaan kaysa magsimula ng maikling pakikipag-usap kay Justin.

 

Pero nakalimutan niya atang kabisaduhin ang pinakaimportanteng detalye na bumubuo ng pagkatao ni Justin—pagiging madaldal.

 

“Uy Kins, hindi ka sasabay?” Maglalakad na sana paalis si Kino nang tawagin siya nito.

 

Medyo gulat, lumingon siya. “H-huh? Hindi na. Out of the way.”

 

Talagang ngayon pa siya nautal. Parang gago lang.

 

“Di ‘yan. Tara na.” 

 

“Di ka pa naman papasok, e.” Pagmamatigas niya pa, akala mo ay hindi pa malapit ma-late ang kapatid niyang inip na sa loob.

 

Tinaasan siya nito ng kilay. “Ano naman?” 

 

“Edi wala ka pang rason pumuntang school.”

 

“Sumakay ka na lang para meron na.”

 

Natigilan si Kino.

 

Tangina. Puwede na ba siyang kiligin? Puwede na ‘yan!

 

“Kuya, huwag ka ng magpakipot d'yan! malilate na ako!” Sigaw ni Hiro mula sa loob, kaya wala ng nagawa si Kino kung hindi ang sumakay na ng tuluyan.

 

Ayos. Baka puwede pati Lunes, amin na rin, Lord.

 


 

Pagkahatid nila kay Hiro, agad na ring nagpaandar si Justin. Tahimik lang. Doon naman sanay si Kino. Kailan man ay hindi naman siya nagkaroon ng lakas ng loob makipag-usap habang sabay silang pumasok ni Justin tuwing Miyerkules at Biyernes, na suhestiyon din ni Justin, sakto kasing parehong maaga ang klase nila sa mga araw na iyon.

 

“Bakit pala ang aga mo ngayon?” Panimula ni Justin.

 

Nagulat naman si Kino. It's not an everyday occurrence for them to have a small talk like this

 

Ito na ba ang tinatawag nilang slowburn? Joke! Walang gano'n.

 

“Ah. Magrereview pa kasi ako.” Sagot niya, and if it took everything for him not to stutter, no one needs to know.

 

Pero wala, e. Siya siguro bumaril kay Jose Rizal nung past life niya kasi hindi kampi mundo sa kaniya ngayon.

 

In other words: pansin ni Justin ang bahagyang pagliit ng boses ng kasama. 

 

But he cares for the latter too much for him to actually say it out loud.

 

Sapat na sa kaniyang malaman na kahit papaano, may ganoong epekto siya kay Kino.

 

Hindi rin naman patas ang mundo, dahil kahit pa alam ni Justin ang maliliit na pagkakaiba sa paraan ng pakikipagtungo ni Kino sa kaniya, hindi niya rin naman alam ang nakatagong dahilan ng bawat ito.

 

Siguro nasa isip ni universe: figure it out yourselves, bading!

 

“Studious ka pala, ah.” Komento ni Justin at mahinang tumawa.

 

Marahang tawa naman ang namuo sa bibig ni Kino. “Minsan lang.”

 

Balimbing ka, nhak! wala pa man sa school ay rinig na ni Kino ang boses ng kaniyang kaibigan na si Kwan.

 

“Nga pala, birthday ng kapatid ko sa sabado. Punta kayo.” Di pa rin pala tapos si Justin makipag-kuwentuhan sa kaniyang pasahero (passenger princess daw, sabi ni Kino.) Buti naman.

 

“Ge lang. Ano ba hilig no'n? Bibili ako regalo.” Hindi agad nakasagot ang kasama. Nakarating na rin sila sa paaralan ng dalawa. Bumaba si Kino at umikot pa para lang tumayo sa tapat ng drayber.

 

Inabot niya ang bayad na tinignan lamang ni Justin. Pabalik-balik ang tingin nito sa binata, tila nagdadalawang-isip. Nang magtama ulit ang tingin nila, tinaasan siya ng kilay ni Kino.

 

“Bakit?”

 

Tumikhim si Justin. “Wala, ayos na ‘yon. Huwag ka na magbayad.”

 

Nahihiya man, hindi na nakipagtalo si Kino. Dadagdagan niya na lamang ang bayad sa Miyerkules.

 

“E, yung regalo? Ano ba hilig ni Christine?”

 

Pansin naman agad ni Kino ang pananahimik ng lalaki.

 

Huminga muna nang malalim bago muling nagsalita. “Ah.. mahilig ‘yon sa mga baril.”

 

Sandaling natigilan ang binata, nakatayo lamang sa harap ng drayber. Nabahala naman dito si Justin at medyo.. nadismaya. Pero pinilit niyang huwag isipan ito nang masama, hindi niya rin naman kasi mabasa kung ano ang nasa isip ni Kino. Nakatayo lang talaga ito sa harap niya.

 

At nang unti-unting namuo ang ngiti nito sa labi niyang halatang nilagyan ng vaseline , laking pasasalamat niya na pinatay niya muna ang motor dahil baka bigla niya na lang ito maharurot sa sobrang kaba. Ang ganda ba naman kasi raw.

 

“Okay. Isasama ko si Hiro kasi maalam siya sa gano'n.” 

 

Tango lang ang naging sagot ni Justin.

 

“Una na ‘ko. Salamat sa paghatid.” Nginitian niya si Kino na may maliit na ngiti pa rin sa labi. Pinanood niya ang mabagal na paglakad at pagpasok nito sa gate ng paaralan. Pinagmasdan niya itong tuluyang mawala sa kaniyang paningin bago lumawak ang kaniyang ngisi.

 

Wala man lang nagsabi sa kaniya na gano'n pala kaganda ang unico hijo ni Aling Lorna.

 


 

Mabilis na lumipas ang Miyerkules at Biyernes, pero tandang-tanda pa rin ni Kino ang mga nangyari sa mga araw na ‘yon. Tila ininda ang bilis ng bawat kilos, na para bang noong sabay silang pumasok ni Justin at sabay ding umuwi—bumagal ang pag-ikot ng mundo. Huminto ang lahat, and Kino could never be more grateful for having that much time to immortalize those fleeting moments.

 

Tandang-tanda pa ni Kino kung paano niya sinimulan ang munting pag-uusap nila habang tinatahak ang daan patungo sa kanilang paaralan.

 

“Uy Justin, maaga pala uwian nina Hiro mamaya, ha. Alas kwatro raw puwede na sila sunduin.” Tamang desisyon talaga na uminom siya ng milo imbis na kape dahil hindi rumaragasa ang tibok ng puso niya ngayon.

 

Pero andoon pa rin yung kaba. Syempre, si Justin Kim na ‘yan ng Sta. Anna! Malamang ay kakabagin siya.

 

“Oke doks.” Simpleng sagot ni Justin.

 

Akala ni Kino ay hanggang doon na lang ang pag-uusap nila, malapit na rin sana siyang madismaya. Sayang naman ang effort niyang magsimula ng small talk! 

 

Wow, siya may crush sa ‘yo teh? Rinig niya na agad ang boses ni Soons.

 

“E ikaw?” Sinilip niya si Justin mula sa loob ng tricycle, at wala nga talagang kapantay ang mga naka -Montero niyang manliligaw dati sa itsura ng drayber niya ngayon.

 

Tanginang visuals ‘yan. Papapakin, your honor! Guard may bakla.

 

“Ano?” Naguguluhang tanong niya. 

 

Tumawa nang marahan si Justin. Ang cute naman. Gulong-gulo siya, e. “Ano oras kako uwian mo?”

 

“Ah.. alas sais pa. De bale, sabihan mo na lang si Hiro na antayin ako sa bahay.” Nilingon siya panandalian ni Justin. Mabilis lang, ni hindi nga siguro nag limang segundo. Nagmamaneho kasi ito.

 

Shet. Hindi kamote driver. Good boy, pakiss!

 

Kung tatanungin si Kino, mas pipiliin niya ang probinsiya kaysa sa syudad. Bukod sa sariwa ang hangin at hindi masiyadong magulo, mayroon din silang Justin . Bakit? May poging matipuno ba sa Maynila? Meron naman siguro. Pero hindi pa rin naman sila kasing guwapo netong taga-hatid niya. Hindi rin masiyadong matrapik, lalo na kapag umaga. Kayang-kaya niyang makarating sa paaralan sa loob ng bente minuto.

 

Pero matindi nga naman ang pag-ibig, kasi what do you mean gusto na bigla ni Kino magkaroon ng kahit kakaonting kumpulan sa daan para lang matuloy ang naudlot nilang titigan?

 

Stand up, nhak! Hindi galawang masikip ‘yan!

 

“Di na. Baka mapano pa yun sa bahay niyo.” Lumingon ulit siya kay Justin at tinaasan ito ng kilay. Para naman di niya ramdam kaba ko, noh.

 

“Sinasabi mo bang delikado sa bahay namin?” At may gana pa nga siyang mangbintang, your honor! Baka enemies to lovers atake niyo dyan, mha.

 

Tumingin sa kaniya si Justin at tuluyang tumawa. Nag-pokus na ulit siya sa daan habang si Kino naman ay nanatili ang titig sa kaniya, tila nag-aantay ng sagot.

 

Tapos tamang pagkabisado na rin ng bawat arko ng parte ng mukha.

 

“Hindi po. Sinasabi ko lang na susunduin po kita mamaya para maka-uwing ligtas ang kuya ni Hiro.” 

 

Paladasal si Kino. Malapit siya sa Panginoon. Kabisado niya ang bawat dasal, ang buong kanta tuwing misa, ultimong ang buong rosaryo. Kayang-kaya niya nga i-recite lahat ng Santo, e.

 

At siguro sa lahat ng maaaring pagkakataon, ngayon niya ito magagamit nang husto—dahil hindi niya alam kung ilang Santo na ba ang natawag niya para lamang bigyan siya ng lakas at hindi magkaroon ng altapresyon sa lambing ng boses ni Justin.

 

Ang gaan, ang lumanay. Parang kinakantahan lang siya ng mga kantang pambata para makatulog siya nang mahimbing at hindi gambalain ng kung sino mang nasa ilalim ng kaniyang kama. Para siyang nasa duyan na noon ay nakasabit sa puno nila ng Narra sa labas ng kanilang bahay—ang hangin ay marahang nilalaro ang kaniyang buhok.

 

Wews

 

Hingang malalim. Diyan naman siya magaling, hindi ba? Nakaya niya ngang ibalewala ang daing ng kaniyang mumunting puso nang iwan siya ng nanay niya para makipagsaparalan sa Canada, na kalaunay sinundan din ng kaniyang ama—panigurado ay kaya niya ring itago ang pag-iinit ng kaniyang pisngi, kabilang na ang pusong kumakalabog sa kaniyang dibdib dahil lamang narinig niya ang isang timbre na kasing lumanay ng pagmamahal ng kaniyang pamilya.

 

Kino, miss mo lang nanay mo. Tawagan mo mamaya at nang mawala ‘yang kabag mo.

 

“Huh? Hindi na. Hassle pa, e. Ano oras ba tapos ng klase mo?” Sunod-sunod na tanong niya. Anong nangyari sa huwag kabahan , Kino?

 

“4:30. Kaya medyo late ko rin masusundo kapatid mo.” Tumango na lamang ang lalaki, hindi alam ang sasabihin.

 

Basta . Susunduin kita. Ihahatid ko muna si Hiro sa bahay namin para makipagkulitan siya doon sa mga pinsan ko tapos sunduin kita agad.” Desididong saad niya.

 

“Huh?! Hindi na, baliw! Sayang gas.” Pagpupumilit pa niya. Nakarating na rin sila sa kanilang paaralan kaya agad naman siyang bumaba. Ipinarada naman muna ni Justin ang kaniyang tricycle kaya hinintay pa ito ni Kino. Nakatayo lamang siya sa waiting shed hanggang sa lumapit sa kaniya si Justin.

 

“Susunduin po kita, okay ? Kesa naman mapahamak pa kuya ni Hiro, paano na lang kami?”

 

Kami .

 

Kami?

 

Tangina.

 

“Ewan ko sa ‘yo.” Lumawak naman ang ngiti ni Justin sa narinig, tila nanalo sa lotto.

 

Di na rin makikipagtalo pa si Justin, totoo naman kasi.

 

Masusundo niya mamaya si Kino tapos bente minuto ulit nilang tatahakin ang madilim na daan pabalik sa kanilang baranggay? Pasensya ka na, Pepito, pero ikaw yata talo dito.

 

Doon nagsimula ang small talks nila. Progress , kumbaga. Huwag niyo kasi mamaliitin ang galawang Jeon . Darating din tayo sa kasalan!

 

Nabuang na, sabi ni Jeonghan sa utak niya.

 

Sabi nga nila, mabilis lumipas ang mga araw kapag masaya ka. Totoo nga, dahil ngayon, Sabado na.

 

Nasa labas ng pulang gate sina Kino. Dahil sa tangkad, kita niya agad ang nakaparadang tricycle na may plate number na 1123.

 

To: Aa Justin

 

uy nasa labas na ako

 

Hindi rin nagtagal ay tumunog na agad ang kaniyang telepono.

 

From: Aa Justin

 

wait lang po palabas na

 

Isinilid niya ang cellphone sa bulsa at inayos ang sarili. Hindi niya na lamang pinansin si Hiro na pinalingkitan siya ng mata.

 

Nang matapos, sakto namang bumukas ang trangkahan ng bahay nina Justin, iniluwal nito ang lalaki na naka pambahay lang— black sando at sweat shorts. Sabagay, di naman siya ang birthday.

 

E bakit parang siya pinunta mo, Kino? Kung makatitig, akala mo siya ang isha-sharon .

 

“Pasok kayo. Hi Hayro!” Masiglang bati niya sa kapatid.

 

“Kuya naman, e.” Pagmamaktol ng bulinggit at nauna ng pumasok. Tambay naman kasi lagi ‘to kina Justin kapag hindi mapakali sa sariling bahay.

 

Naiwan tuloy ang dalawang binata sa labas. Nakapamulsa lang si Kino sa kaniyang pantalon na plantsado, habang ang regalo ay nasa kabilang kamay.

 

“Tara na.” Tuluyan na silang pumasok sa loob. Pagkapasok, bumungad sa kaniya ang napakaraming bisita, karaniwan ay bata. Paniguradong kaklase ni Christine. Medyo kinabahan naman tuloy si Kino na baka ma-left out ang kapatid niya pero nang mahagip niyang nakikihati na ito sa hotdog na may marshmallow sa isa sa mga kaibigan ni Christine, hindi na siya nag-alala pa.

 

 “Kino! Buti nakapunta ka!” Bati ni Aling Theresa, ang ina ni Justin, nang makita siya nito sa sala. Abala ito sa paghahain ng mga handa sa mesa.

 

“Hi, tita.” Bati niya pabalik at nagmano.

 

“Oh siya sige, maiwan ko muna kayo. Tenten , dun kayo sa kusina kumain para may mesa.” Bilin ni Aling Theresa sa anak na tinanguan lamang nito.

 

Tahimik silang pumunta sa kusina. Walang tao doon dahil ang lahat ay nasa sala at nagkukuwentuhan. Pinaupo siya ni Justin at kumuha ng plato.

 

“Anong gusto mo?” 

 

Iniangat niya ang paningin sa lalaki na ngayon ay taimtim siyang tinitignan, nag-aantay ng sagot.

 

“.. Kahit ano na lang.” Tumango si Justin bago tumayo upang magtungo sa sala at paghainan ang kaniyang plato. Kumuha siya ng spaghetti, dalawang chicken, lumpiang shanghai, at saka maja. Pagkatapos ay bumalik naman agad siya at inabot ang pagkain kay Kino at naupo sa tabi nito.

 

“Thank you.. Tenten .” Pilyong ngiti ang namutawi sa labi ni Kino, habang ang mukha naman ni Justin ay namula, nahiya bigla.

 

“Huwag kasi..” Hindi makatinging saad niya na tinawanan lamang ng katabi.

 

“Bakit ka nahihiya? Cute nga, e.” Pabirong ani Kino.

 

“Sabing maangas ako, e.” Sagot naman ni Justin at napakamot sa batok.

 

Tuluyan nang natawa si Kino. Napalingon naman sa kaniya ang kasama.

 

Hindi mawari ni Kino bakit natatawa siya. Naiimagine niya lang kasi na ang angas tignan ni Justin tuwing nakikita niya ito sa labas. Laging naka sando, flaunting his big body, tapos naka backwards pa lagi ang itim na sumbrero habang may hawak na sting —tapos Tenten lang pala palayaw sa bahay? Tanggal angas ka talaga.

 

Pero okay lang. Cute naman Tenten niya.

 

Hoy! Over naman sa ownership!

 

Hindi talaga gusto ni Justin ang palayaw niyang ‘yon. Lagi kasi siyang tinatawag na Ben 10 dati e laking Power Rangers siya. Nakaka-offend daw. Kaya noong nagkaroon na siya ng mga tropa sa kalye gaya nina Dokyeom at Cheol, hindi niya talaga pinaalam sa mga ito na Tenten ang tawag sa kaniya. Pakilala niya pa rito nung Grade 7 sila ay, “yo zup it's yo boy Justin,” tapos pag-uwi, ang bungad sa kaniya ni Aling Theresa ay, “Hoy tenten magbantay ka nga muna sa tindahan!”

 

Pero nang makita niya ang napakalawak na ngiti ni Kino nang malaman ang kaniyang palayaw, siguro panahon na para magpasalamat siya sa kaniyang tatay dahil ito ang napili nilang itawag sa kaniya.

 

Grabe naman pong ngiti ‘yan, Lord. Kung si Ben may hero time , sana soon mayroon na rin siya ng kino time. Isang chance lang talaga. Sana mapagbigyan. Araw-araw na raw siya magdadasal. 

 

Inismiran siya ni Justin. “Kumain ka na lang d'yan.” Tatayo na sana ito nang hawakan siya ni Kino, tumigil na sa pagtawa.

 

Tumingin siya dito, biglang umamo ang mukha ng binata. “Galit ka?” 

 

Huh?

 

“Hindi na, stop na. Cute naman talaga, e. Huwag ka umalis, please. Di ako sanay mag-isa.” Sunod-sunod na sabi ni Kino, bakas ang pagmamakaawa sa boses.

 

Huh?!

 

Tumikhim si Justin. “Arkin.. kukuha lang ako ng pagkain.” Siya naman ngayon ay may lakas ng loob ngumisi, habang si Kino ay tinubuan ng hiya saka agad na inalis ang pagkahawak sa braso ni Justin. Awts . Thanks pa rin sa skinship, Lord.

 

Umiwas siya ng tingin at nagsimula ng kumain, pinilit na huwag pansinin ang nakakaasar na tawa ng binata.

 

“Kuha lang po ako, ha? Reserve mo po seat ko. Baka may biglang umupo. Clingy pa naman ang master.” Biro niya na ikinairap ni Kino.

 

“Wala akong pake. Huwag ka na bumalik.” Lalong natawa si Justin bago niya ginulo ang buhok ni Kino at tuluyang lumabas ng kusina.

 

Hindi alam ni Kino kung saan ba siya kikiligin; sa pagtawag ba sa kaniya ni Justin sa tunay niyang pangalan, o sa pagtukoy sa kaniya bilang master? Kahit alin man sa dalawa, isa lang ang kaniyang sigurado—hindi na lang basta Kino ang palayaw niya.

 

Sorry na lang, si Tenten lang ang puwedeng tumawag sa kaniya ng ganoon.

 

Over sa inclusiveness! Ganiyan po ba ang galawan ng magka-baranggay, ser ?

 


 

“Kuya! Bakit andito ka?” Ani Hiro nang makita si Kino sa labas ng kaniyang classroom. Kasama nito si Justin na nakapamulsa lamang sa gilid.

 

“Ay, bawal ka na pala sunduin? Malaki ka na gano'n? Di mo na kailangan kuya mo? Ganun na ba ‘yon, Hiro ha?” Sunod-sunod na sabi ni Kino, rinig niya naman ang mahinang tawa ng katabi niya.

 

“Di naman kasi, kuya.” Ang tanging naisagot ng kaniyang kapatid habang kumakamot ng ulo. Gaya ng nakasanayan, kinuha ni Justin ang stroller ni Hiro at siya na ang umusong nito. Wala na rin naman ng nagawa si Kino kahit pa medyo nahihiya siya.

 

Napaka-princess treatment talaga.

 

Sabay silang naglakad palabas ng paaralan ni Hiro, na pinapagitnaan ng dalawa niyang kuya . Biyernes na ulit, at dahil maagang natapos ang klase ng dalawa, napagdesisyunan nilang sabay ng sunduin ang bata. Madalas kasi ay si Justin lang ang sumusundo dito, gaya ng napag-usapan, pero medyo nagseselos na si Kino dahil silang dalawa na lang lagi ang magkasama.

 

Huwag niyo na lang daw siya tanungin kung kanino ba siya nagseselos.

 

“Sinundo ka n'yan kasi gusto makita ‘yung crush mo.” Sambit ni Justin. Napalingon naman sa kaniya ang bata na para bang nabagsakan ng langit at lupa.

 

“Kuya?! Sinabi mo?!” Mapagbintang na sigaw niya.

 

“Ah, so may crush ka nga?” Si Kino naman ngayon ang may ganang manloko. Bumaling sa kaniya ang kapatid.

 

“H-huh?” Nagmaang-maangan pa nga.

 

“Huli!” Sabay na natawa ang dalawang binata. Pinagtulungan pa talaga.

 

“Nakakainis naman!” Padabog na naunang maglakad si Hiro. Hindi na sila nag-abalang habulin ito dahil kahit tumakbo pa ang sutil , sa haba ng biyas ng dalawa ay imposibleng hindi nila ito mahabol.

 

“Nagtampo amp,” Sabi ni Kino sa katabi.

 

“Ganiyan talaga pag may crush.” Medyo pasigaw na sagot naman ni Justin, sapat lang para marinig ng batang nagmamaktol. Mas binilisan pa nito ang lakad, mabigat ang bawat hakbang.

 

Natawa na naman ang dalawa.

 

Mag-iisang buwan na simula noong kaarawan ni Christine, kapatid ni Justin. Mag-iisang buwan na rin siyang hatid-sundo ng kuya nito, hindi na lamang tuwing Miyerkules at Biyernes, bagkus ay buong linggo. Suhestiyon ito ni Justin nang malaman niyang nagco-commute ito sa mga araw na hindi ito sumasabay sa kaniya, na para bang hindi ito ang nakasanayan ng lalaki. Sabi niya pa, “Sumabay ka na lang sa akin lagi. Sabay naman pala lagi simula ng klase natin, e.” At kung nagtataka man si Aling Theresa dahil kahit alas onse pa ang klase ng anak (maliban pag Miyerkules at Biyernes), ay nakauniporme na ito ng alas nuebe, hindi na ito kailangang malaman ni Kino.

 

Aba matindi! ang masasabi na lamang ni Cheol, tropa ni Justin, nang malaman ang pinaggagawa ng kaibigan.

 

“Hiro! Uuwi ka na?” Napalingon ang dalawa sa nagsalita. Lumapit ang isang batang lalaki sa kapatid ni Kino.

 

“H-ha? Oo.. Sige, ingat ka, Jungwon. Bye!” Nagtaka naman si Kino sa inasta ng kaniyang kapatid. Dali-dali itong tumakbo hanggang sa mawala na ito sa paningin nila.

 

Lumingon sa kaniya ang batang nagngangalang Jungwon at nginitian siya, dahilan upang magpakita ang biloy nito.

 

Lumapit ito sa kanila.

 

“Hello po! Kayo po ba ang kuya ni Hiro?” Magalang na saad ng bata.

 

Tumango naman si Kino. Ramdam niya na pinagmamasdan lamang sila ng kasama. “Ah oo. Kuya Kino nga pala.” Pagbati niya at kumaway nang bahagya.

 

Ka-cute na bata. Isip ni Arkin.

 

Ka-cute na kuya . Isip ni Justin.

 

“Nice to meet you po. Classmate po ako ni Hiro. Jungwon po.” Pagpapakilala ng bulinggit .

 

“Sige po, mauuna na ako. Nice to meet you po ulit! May pinagmanahan naman pala si Hiro. Hehe .” Ang huling sinabi niya bago tuluyang umalis. Hinatid pa siya ng tingin ni Kino at nakitang pumunta na ito sa kaniyang mga magulang.

 

“Cute naman no'n. Nagka-baby fever yata ako.” Pagbibiro ni Kino. Napalingon naman sa kaniya si Justin.

 

Ah. May balak palang magka-pamilya. Olats siya.

 

“May.. balak ka pala magka-pamilya?” Subok ni Justin.

 

Hindi naman siya masasaktan sa sasabihin ni Kino. Hindi talaga. Promise. Bakit naman masasaktan? Ano naman kung straight pala crush niya? Diba? Katapusan na ba ‘yon ng mundo? Madami pang pogi d'yan! Siguro panahon na para kalikutin buong Sta. Anna sakaling makakita siya ng chinitong nakasalamin na matangkad at malapad ang balikat, na maalaga at maasikaso sa nakababatang kapatid, matalino, mahiyain, hindi marunong makihalubilo pero kapag siya ang kasama, marunong na bumuka ang kaniyang mga labi na palaging may vaseline sa sobrang lambot. Hindi naman ikamamatay ni Justin kung hindi niya mahalikan ang mga labi na iyon. Hindi nga. Paniwalaan niyo na kasi. Paiyak na nga siya.

 

Sandaling natahimik si Kino, tinitimbang ang bawat salita.

 

Hindi naman tago ang kasarian ni Arkin. Alam na ‘yon ng mga magulang niya. Kailanman ay hindi pinaramdam ng mga ito na kulang siya, na may kailangan siyang patunayan. Na hindi siya katanggap-tanggap sakaling isa siyang bakla na walang narating man lang. Minahal siya ng kaniyang mga magulang bilang anak—kaya kahit ang ilan nilang kamag-anak ay tila hindi matanggap ang kaniyang kabuohan kung hindi pa pamilya niya ang sumagot ng halos kalahati ng gastusin tuwing family reunion ay hindi pa nila titiisin ang kaniyang pagiging bakla—he never did once feel the void. 

 

Pero hindi rin naman masisisi si Kino na kahit papaano ay takot siyang ipakilala ang sarili kay Justin. Si Justin na ‘yan, e. Iyong lalaking tinahak ang lakas ng ulan para lang madalhan siya ng lugaw nang malaman nitong may sakit siya kahit pa hindi naman sila nag-uusap talaga. Si Justin na tagahatid ng ulam noong mga panahong hirap pa siya magluto para sa kanilang magkapatid, ilang linggo matapos mag-abroad ng tatay nila. Si Justin na nagprisintang maging service ni Hiro kahit alam niyang takot si Justin na galawin ang tricycle ng kaniyang tatay. Takot siyang matakot sa kaniya si Justin.

 

Hindi niya ata kakayanin.

 

Pero, si Justin ‘yan, ‘diba? Iyong Justin na muntik ng mapa-baranggay dahil nakipag-suntukan sa tambay nilang si Jerome, matapos nitong tawaging tomboy si Christine na naglalaro lamang ng tumbang-preso. Si Justin na nagshi-share sa facebook ng plataporma ni Risa Hontiveros . Si Justin na nakipag- trashtalkan pa dati sa comment section dahil sa usaping same-sex marriage

 

Bakit ba siya takot? Si Justin kasi ’yon .

 

Pero, si Justin din naman ‘yon. Bakit ba siya takot?

 

Humingang malalim si Kino. “Pag napatupad na SOGIE.” Marahan siyang tumawa, tinatabunan ang kaba.

 

Napalingon si Justin. Nanatili lamang ang tingin ni Kino sa harap, inaantay ang maaaring reaksyon ng kasama.

 

Sandaling katahimikan ang namutawi sa paligid. Mayroon pa ring araw sa kalangitan, ngunit hindi na ito mahapdi sa balat. Palubog na rin kasi ito. May mga batang naghahabulan sa paligid, at ang batang sinundo nila ay paniguradong nasa tricycle na.

 

Kung sakali mang huli na ‘to, hihilingin na lamang ni Kino na mabigyan siya ng kaunti pang oras para masaulo ang bawat bahagi ng pangyayaring ito. Let him immortalize this moment, just like what he did when he finally managed to start a conversation with Justin—years after living in the same neighborhood.

 

Ngumiti si Justin kahit na hindi naman ito makikita ni Kino. “Mapapasa ‘yan. Magpo-post pa ‘ko ng plataporma ni Risa. Akong bahala sa ‘yo.” 

 

Napabaling sa kaniya si Kino, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ng kausap.

 

Nahawa na rin tuloy si chinito.

 

Let our response be: Ipanalo natin ‘to!

 

Another win for the gays, ika nga.

 


 

From: Aa Justin

 

tulog ka na ba?

 

Alas onse na ng gabi nang matanggap ni Kino ang message ni Justin. Kanina pa sila nakauwi mula sa eskwelahan ni Hiro na ngayon ay paniguradong mahimbing na ang tulog sa kaniyang kuwarto.

 

To: Aa Justin

 

hindi pa naman, bakit?

 

From: Aa Justin

 

labas ka. okay lang?

 

Napalabi si Kino.

 

To: Aa Justin

 

ge lang. san tayo?

 

Tumagal ng isang minuto bago nakatanggap ng reply ang lalaki.

 

From: Aa Justin

 

labas niyo lang. may dala akong ice cream

 

Hindi na nagtipa ng reply si Kino at dali-daling nag-ayos. Tinignan niya lamang ang sarili sa salamin bago bumaba. Pagkalabas niya ng gate, bumungad sa kaniya si Justin na may dalang dalawang cornetto, itinaas niya ito at bahagyang ngumiti.

 

Nilapitan ito ni Kino. “May problema ba?” Panimula niya.

 

Hindi agad sumagot si Justin. Bagkus ay nagtungo siya sa gilid at naupo bangko na naroon. Sumunod naman agad si Kino at naupo sa tabi niya.

 

Inalok ng lalaki ang ice cream. rocky road. “Salamat.” Ang tanging sagot ni Kino.

 

Nagsimula na silang kainin ang ice cream na dala ni Justin. Walang nagsalita. Nanatili silang tahimik, pinapanood ang pagdaan ng iilang sasakyan. Tanging ilaw lamang mula sa poste ang nagsilbi nilang liwanag, dahil hindi sapat ang buwan upang makita ang mukha ng isa't isa. Hindi ito sapat kay Justin upang mapagmasdan si Kino. Hindi ito sapat para kay Kino upang mabasa ang mga mata ni Justin.

 

“Arkin..” Pagtawag ni Justin. Lumingon naman ang binata.

 

Sa lagpas isang buwan nilang pagiging magkaibigan, ramdam pa rin ni Kino kung gaano kalayo si Justin. Alam niya na ang paboritong ulam nito ay sinigang. Alam niyang mahilig ito sa mga filipino movies gaya ng Seven Sundays o Four Sisters and a Wedding. Alam niya na Parokya ni Edgar ang paborito nitong banda, at Harana ang paborito niyang kanta. Alam niyang hilig nito ang pagguhit, at nangangarap siyang maging arkitekto kung papalarin. Alam niya ang iilan sa mga disgusto nito. Alam niyang ayaw nito sa isaw. Ayaw niya sa amoy ng sigarilyo kaya hindi siya mahilig tumambay sa labas ng kanilang tindahan. Hindi rin niya hilig ang matitingkad na kulay. Hindi niya gusto ang mga musikang rakrakan, masakit daw kasi sa tainga. 

 

Marami na siyang alam kay Justin. Iyong mga kaalaman na natutunan niya sa halos araw-araw na pakikipag-usap dito, may sense man o wala. Pero yung mas malalim na impormasyon tungkol sa pagkatao ni Justin? Yung mga bagay na bumuo sa kaniya? Yung mga rason ng hilig at disgusto niya? Wala siyang kaalam-alam doon.

 

Nakakatawa nga naman. A month ago, all Kino wanted to know was his favorite band, but now, he wanted to learn the reason behind it, too.

 

Sa isip naman ni universe: Kaunting kalikot pa, Kino. Makikita mo rin ang repleksiyon mo.

 

“Arkin.. bakla ako.” Nanatili ang titig ni Kino sa kaniya, naghananap ng rason sa biglaang pag-amin. 

 

“W-why are you telling me this?” Namuo ang maliit na ngiti sa mukha ni Justin. He then looked at the latter, still holding the sweetest smile.

 

Lumawak ang arko ng kaniyang labi. “I want you to know me, too.”

 

Tangina. Thank you for the answered prayer, Lord. Lakas ko talaga sa ‘yo .

 

“Salamat sa pagtiwala. Salamat sa pagpapakilala ng sarili mo sa akin. Thank you for entrusting me with your heart and identity.  Ang sarap mong kilalanin, master.

 

Ngumiti si Kino bago umiwas ng tingin. Andiyan na naman yung kaba, lumalakas na naman ang tibok ng puso niya.

 

“Wala ‘yun. Di mo naman kailangan ipakilala sarili mo sa ‘kin dahil lang ganoon ginawa ko. Do it at your own pace, Tin. Walang nagmamadali sa ‘yo.” Nilingon niya si Justin na nanatili ang titig sa kaniya.

 

Justin heaved a sigh. “Baka you didn't hear me the first time.”

 

Natahimik sila.

 

“Arkin..”

 

Kino smiled lightly. “Hm?”

 

“Pinapakilala ko sarili ko kasi gusto ko. Hindi dahil kailangan, pero dahil gusto ko.”

 

“Study me like a book for all I care. I just want you to learn me, too .”

 

Hindi nalusaw ang ngiti ni Kino. Marahil dahil gusto niya ‘to. Gustong-gusto .

 

Gusto niyang aralin ang buong pagkatao ni Justin.

 

“Kasi ako, master? Gusto ko rin na kilalanin ka. I want to learn you.”

 

Hindi naniniwala si Kino sa magic . Kahit noong bata pa siya, hindi talaga siya naniniwala sa superpowers . Kaya lumaki siyang walang paboritong superhero . Pero kung totoo man ang freezing power, o kahit slow motion lang, walang-sawa niyang hihilingin na bumagal ang oras sa mga sandaling iyon. Sana bumagal ang ikot ng relo—ang ikot ng mundo, para magkaroon siya ng sapat na oras na makabisado ang lahat, mailagay sa kahon, at maibaon sa kalalim-laliman ng kaniyang puso. Na kung sakaling hindi umayon sa kaniya ang panahon, puwede niya lamang buksan ito upang makita na kahit sa saglit na pagkakataon, totoo ito. Sa maikling panahon, nagkaroon siya ng Justin . Na mayroon siyang palatandaan ng isang banayad na pagkaka ibigan .

 

Lucky enough, even if he wasn't able to catch everything and put it nicely inside the box, Justin was fast enough to do so. At kung nais itong balikan ni Kino, nais ng isa pang sandali ng pag-alala sa kagaanan ng mundo sa tuwing kasama siya, maaari lamang siyang kumatok sa puso ni Justin kung saan ito matiwasay na nakatago.

 

Isang katok lang ni Kino, and Justin would lay bare his heart out.

 

Tapos doon, makikita niya ang kaniyang repleksyon mismo.

 

But that's for another day.

 

Sa ngayon, hindi niya pa naman kailangan kumatok, dahil hindi pa naman nawawala.

 

Sana nga ay hindi na.

 


 

 

“Congratulations, Tenten!” 

 

Maingay ang tahanan nina Justin. Dumating kasi ang iilan nilang kamag-anak. May munting handaan din na iginanap ang kaniyang ina na akala mo'y graduate na siya ng kolehiyo. High school pa lang, ma. Ikalma mo.

 

“Thank you po, tita.” Sagot nito sa kaniyang Tita Kar na kumakain sa sala. 

 

“Nako, There, ilang taon na lang ang igagapang mo!” Pagbibiro niya sa ina ni Justin na nakaupo naman sa tabi ng babae.

 

Tumawa naman si Aling Theresa. “Kaunti na lang, magpapakilala na ‘yan ng boypren niya.”

 

Sasabat na sana si Justin sa usapan ng dalawa nang biglang tumunog ang kaniyang telepono.

 

From: master ganda

 

labas ka, may iaabot lang ako

 

Ma, yung ipapakilala ko sa ‘yo, nasa labas na.

 

Napangiti siya sa mensaheng natanggap. “Ma, labas lang po ako. Ando'n si Kino, e.”

 

Napalingon naman ang dalawang babae na nag-kukuwentuhan. Tinanguan siya ng ina. “Oh sige, papasukin mo dito ‘yang soon-to-be-nobyo mo.” Pagbibiro naman nito na umani ng tawa mula sa kaniyang Tita Kar.

 

“Kino? Ayan ba iyong anak ni Lorna, teh ? Naku, close kami nun, e.” Bumaling sa kaniya si Tita Kar. “Galingan mo ang panliligaw, Tenten!”

 

Napailing na lang si Justin sa kakulitan ng dalawa bago tuluyang umalis ng bahay. Pagkalabas niya ng gate ay wala pa doon si Kino.

 

To: master ganda

 

wer na u

 

From: master ganda

 

kaliwa mo po

 

Lumingon siya sa kaniyang kaliwa, at doon, nakita niya si Kino, nakauniporme pa, paniguradong kakauwi lang matapos kumain sa labas, mabagal na naglalakad—all while looking at him intently, may maliit na ngiti sa labi.

 

“Kamusta celebration niyo?” Panimula ni Justin nang makarating ito sa tabi niya.

 

“Okay lang, ang daming kinain ni Hiro.” Natawa naman sila pareho. 

 

“Tumawag na sina tita?” 

 

Umiling naman si Kino. “Mamaya pa.”

 

Kahit sa mismong graduation ni Kino ay hindi nakauwi ang kaniyang mga magulang, at dahil nauna ang ABM umakyat ng stage, ang nanay niya muna ang nagsabit ng medalya kay Kino. Pagkabalik ng kaniyang ina sa upuan ay nagbiro pa nga ito sa kaniya ng, “ ang galing naman ng manugang ko.”

 

“Ano pala ibibigay mo?” Tanong muli ni Justin.

 

Bahagyang nanahimik si Kino. Sa halos limang buwan na nilang magkakilala, madali na para kay Justin na mahalata ang pag-aalinlangan ng lalaki.

 

Kaya naman, alam na rin ni Justin ang solusyon dito. “Pasok muna tayo?” Tumango si Kino at sabay silang pumasok sa bahay.

 

Nadatnan pa nila sina Tita Kar at Aling Theresa na nagdadaldalan sa sala. Nagmano naman dito si Kino at nagpaalam na aakyat sa kuwarto ni Justin. Tinapunan sila ng mapanlokong tingin ng dalawa na hindi naman nakatakas sa paningin ng huli. Laking pasasalamat niya na lang na hindi naman ito napansin ni Kino.

 

Sabi nga ni Charo Santos; prosti, callgirl, kalapating mababa ang lipad.

 

Tuluyan na silang umakyat sa kuwarto ni Justin. Hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapasok dito si Kino. Minsan kasi ay nakikitambay si Hiro sa bahay nila upang makipaglaro kay Christine, habang sila naman ni Justin ay mag-aaral sa kuwarto.

 

Sa loob talaga, baks? Tanong ni Kwan sa utak niya.

 

Maingay kasi sa sala! Depensa niya naman.

 

Naupo si Kino sa malambot na kama ni Justin. Sanay na sanay. Tumabi naman sa kaniya ang isa.

 

“Tenten,” Tawag niya dito. Gusto mang mainis ni Justin sa ginamit na palayaw ni Kino ay hindi niya magawa dahil masiyadong nakakatunaw ang boses nito.

 

In other words: bakla lang siya.

 

May kinuha ito sa kaniyang bulsa. “Congratulations,” Sabay abot ng isang box .

 

Nagtataka man at bahagyang gulat, kinuha pa rin ito ni Justin. “Ano ‘to?” Tanong niya habang unti-unting binubuksan ang maliit na kahon.

 

Hanggang sa bumungad sa kaniya ang isang relo . Hindi ‘yung relo kagaya ng rolex o ano mang mamahaling brand, pero iyong relo na galing sa shoppee na ang tagal niya ng gustong bilhin.

 

You see, Justin was never the materialistic type. He absolutely disliked being given gifts, especially expensive ones. He'd prefer cheap or DIY gifts any day. So, the fact that Arkin thought of and did just that made him feel a little more special tonight. 

 

Ang sarap lang isipin na kahit gaano pa kagusto ni Kino bigyan siya ng regalo, inirespeto at isinaalang-alang niya pa rin ang kagustuhan at kaginhawaan ng lalaking makakatanggap ng binili niyang relo.

 

It was never about the watch , it was the thought behind it.

 

Na siguro nakailang pasimpleng tanong din sa kaniya si Kino ng kung ano ba ang nasa cart nito ngayon. Masuri niya sigurong hinalughog ang shoppee app para lang mahanap ang mismong wrist watch na gusto niya. Nagpuyat pa siguro ito para lang mag-antay ng sale , o di kaya ng free shipping vouchers .

 

And those thoughts alone made his heart swell even more.

 

Carson, pasensya ka na, hindi na yata ako makaka-graduate dito. Umabot pa tayo ng kolehiyo o pagreretiro.

 

“Nagustuhan mo?” Nagaalangang tanong ni Kino matapos ang sandaling katahimikan. Kinabahan siya kung hindi. Sayang naman ang huli niyang free shipping voucher e, noh!

 

Pero nang umangat ang tingin ni Justin sa kaniya at binigyan siya ng napakalawak at matamis na ngiti, napasabi na lang siya ng salamat shoppee!

 

“Thank you for this, master.” 

 

Ngumiti si Kino at bahagyang ginulo ang buhok nito. “Deserve mo ‘yan. With High Honors ba naman.” 

 

Aanhin naman ang medalya at pagkilala kung ang tunay na pagkapanalo ay matatamasa sa mga ngiti niya?

 

Itinabi niya muna ang kahon sa kaniyang side table bago bumaling kay Kino.

 

“Master..”

 

Kino looked at him. “Hm?”

 

Hindi impulsive na tao si Justin. Rational siya mag-isip. Hindi siya nagpapadala sa basta-basta lang. Kailangan ng sapat na pangangatwiran ang bawat galaw niya. But something about Arkin made him lose every rationality he has in his body, and just straight up wrapped his arms around him and let his warmth embrace Kino's whole.

 

Katahimikan.

 

Isang minuto.

 

Dalawa.

 

Hindi pa rin kumawala si Kino.

 

Bagkus, pinulupot niya rin ang kaniyang braso sa baywang ng lalaki at diniinan ang yakap.

 

“Arkin.. proud ako sa ‘yo.”

 

At siguro dala na rin ng kalaliman ng gabi, init ng yakap ni Justin, sinseridad ng bawat salita, at ang nakalahad nilang mga sarili—umiyak si Kino.

 

Nakakaintindi naman siyang inalo ni Justin. Hindi kumalas. Hinayaan lamang siyang magdamdam sa mga bisig nito.

 

“Hangga't wala sina tito at tita.. ako muna aalo sa ‘yo.”

 

Hindi na nga niya yata kakayaning may mawala pa sa kaniya, lalo na ang tenten niya.

 


 

“Kuya, nabalitaan mo na ba?” Isang gabi, habang kumakain si Justin ng manggang hilaw na may bagoong ay tinanong siya ni Christine habang nanonood ng Batang Quiapo sa sala.

 

“Alin?” Walang lingong sagot niya, tutok sa pinapanood sa telepono habang nag-aantay ng reply ni Kino at makatawag na sila.

 

“Aalis na raw sina Kuya Kino bukas.” Halos mabilaukan si Justin sa narinig at napatingin sa kapatid niya na abala pa rin sa pinapanood.

 

“Saan naman pupunta?”

 

Lumingon naman sa kaniya ang babae. “Ewan ko. Basta ang sabi sa akin ni Hiro ay susundan daw nila sina tita.” Nanlumo naman si Justin sa narinig at hindi na tuluyang nanguya ang mangga. Tangina, kailan pa naging mapait ‘to?

 

Aalis? Wala man lang pasabi? At bukas agad? Imposible naman ata iyon.

 

Muntik ng hindi maniwala si Justin pero nang pumasok ang kaniyang ina sa sala dala-dala ang nakakapanlumong balita, hindi na mawari ng lalaki ang gagawin. “Tenten, maihahatid mo raw ba bukas sina Kino sa airport?”

 

Walang pasabi siyang tumayo at lumabas ng bahay, mabigat ang bawat hakbang. Rinig niya rin ang sigaw mula sa kaniyang ina, panigurado ay nagtataka sa kaniyang kilos. Pasensyahan, mas malakas ang unti-unting pagkadurog ng puso niya.

 

Hindi niya alam kung bakit, hindi niya alam kung para saan, pero nagtungo siya sa bahay nina Kino, limang bahay mula sa kanila. Ang sigurado lang siya ngayon ay kailangan niyang makita si Kino.

 

Mahirap man sabihin, pero para sa huling pagkakataon.

 

Hindi na siya nagpapigil at pinindot ang doorbell nito. Sunod-sunod, walang tigil. Desperado .

 

Ilang sandali pa ay may lumabas na na pamilyar na pigura. Pinagbuksan siya nito ng gate, salubong ang mga kilay, halatang inis sa kung sino man ang gagong mangbubulabog ng ganitong oras.

 

Pero nang mapagtanto niyang si Justin pala ang gago, tila napawi ang lahat ng inis niya.

 

“Ano? Bakit? May kailangan ka?” Bakas ang pag-aalala sa tono niya, taliwas sa itsura nito pagkalabas ng trangkahan nila.

 

Imbis na sumagot, nanatiling tahimik si Justin. Hanggang sa naramdaman na lamang ni Kino ang init ng katawan nito—completely pressed against his own. Balat sa balat. Ramdam niya ang bawat kibo. Tila takot kumawala. Takot mawala.

 

“A-anong nang—”

 

Isinubsob ni Justin ang kaniyang mukha sa leeg ni Kino. “Huwag ka na umalis, please..”

 

Rinig na rinig ni Kino ang pagkabasag ng tinig nito, and it breaks him, too. Little by little. Ramdam niya ang bawat pagkadurog.

 

“Master.. dito ka na lang po, please?”

 

Humigpit ang yakap niya, and Kino lets him—afraid to let the latter go. Scared to shatter him even more.

 

“Hindi n-naman sa pinagkakait kita.. baka oo nga.. Pero anong m-magagawa ko?”

 

Suminghot si Justin. “Eh sa mahal kita, e..”

 

“Ayokong mawala ang mahal ko ..”

 

Doon tumigil ang mundo ni Kino. Ang mabilis na tibok ng puso niya ay unti-unting kumalma. Ang mga nakakarinding busina ng mga sasakyang dumadaan ay hindi na umaabot sa tainga niya. Ang iilang tao sa paligid ay parang naestatwa, hanggang sa tuluyan na silang mawala.

 

Hanggang sila na lamang dalawa ang natira.

 

“Huwag ka na doon, ha? Dito ka na lang po, master..”

 

Kinakabahan man, pinilit ni Kino na kumawala sa yakap at pinatingin sa kaniya si Justin.

 

Mata sa mata. Parehong mapaghanap.

 

“Justin.. hindi kita maintindihan. Ano bang pinagsasabi mo?” Naguguluhang tanong niya.

 

Pinalis ng lalaki ang kaniyang mga luha, hawak pa rin ni Kino ang kaniyang mukha. “Aalis ka, ‘diba? Iiwan mo na kami.. ako.. hindi ka man lang nagsabi..”



Nagsalubong ang kilay ni Kino. “Oo nga, aalis ako.”

 

Tuloy-tuloy naman na nagbagsakan ang luha ni Justin, na marahan namang pinunasan ni Kino. 

 

“Huwag na po, please.. Dito ka na lang, Arkin..”

 

Kino once again made Justin look at him. “Tenten? Ilang araw lang naman po ako sa Maynila..” Mahinahong saad niya.

 

Huh?

 

Natigilan naman si Justin. Gulat siyang napatingin sa kaharap.

 

“M-maynila?”

 

Arkin nodded. “Opo.”

 

““S-sabi ni Christine.. susundan mo raw sina tito?” This time, Justin wasn't sure anymore.

 

Lumalim ang kunot ng noo ni Kino. “Oo nga.. nasa Maynila sila ngayon. Susunduin namin ni Hiro. Bakasyon na rin..”

 

Huh?!

 

Doon tinubuan ng hiya si Justin. Biglang umatras ang mga luha niya. Hindi na rin siya makatingin nang diretso sa kasama.

 

“Tenten.. look at me po.” Subok ni Kino, pero nanatili ang tingin nito sa kalsada.

 

Kino sighed. “Justin, mahal mo ako?” Walang preno. Nangangapa ng sagot. Nagkakandarapa marinig ang inaasam niya.

 

Justin lowered his head. Despite the darkness, pansin na pansin pa rin ang pamumula ng tainga nito.

 

“I need words, baby .” Wala pa sa alas kuwatro nang umangat ang tingin nito. Napangiti si Kino.

 

“Sabihin mo ulit sa ‘kin. ‘Yung may malisya. ‘Yung rinig ko talaga.” Pamimilit niya.

 

“Alam mo naman na, e.” 

 

Kino smiled. “But I want to hear it again, Tenten ko .”

 

Justin heaved a sigh. May magagawa pa ba siya? Nasabi niya naman na.

 

Bahala na si batman.

 

Paniguradong ang nasa utak ni batman ngayon ay : damay sibilyan na naman.

 

Tinignan siya ni Justin. Tinitigan — ang tamang salita. 

 

Wala ng mas gaganda pa rito.

 

“Arkin Jeon.. mahal po kita.” 

 

Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagkinang ng mata ng kaniyang sinta.

 

“Simula noong bumili ka ng pandesal sa amin. Na kahit limang piso ang benta namin, ginawa kong tres para sa ‘yo. Simula noong naging taga hatid-sundo ako ng kapatid mo.. hanggang sa ikaw na mismo.”

 

“Kino.. noong nginitian mo ako kasi sakto sa dala mong pera iyong pambili mo ng pandesal, palagi ko ng pinagmamayabang sa mga kaklase ko na may crush na ako.”

 

“Na kahit pa naging laman ako ng chismis dahil no'ng tinanong nila ako kung maganda raw ba, ang naging sagot ko ay guwapo ka—inisip ko na lang noon ay baka hindi ka pa nila nakikita.”

 

“Mahal kita, master. Wala na akong masabi basta mahal kita. Dito ka lang sa Sta. Anna, ha?”

 

Dito ka lang po sa tabi ko .”

 

Natahimik si Kino.

 

Nagsimula na ring kabahan si Justin.

 

Baka mali ‘to. Baka mali lang interpretasyon niya sa lahat. Baka kaibigan lang talaga ang tingin sa kaniya ni Kino. Baka hindi naman siya ang tipo nito. Baka wala naman talagang pag-asa. Baka pinagti-tripan lang siya ng mundo. Baka ganti na ‘to sa lahat ng nasuntok niya dati dahil sa pangungutya sa kasarian niya. Baka karma niya na ‘to sa pagiging bakl—

 

“Justin Kim.. mahal din po kita. No, scratch that. Mahal kita . Walang din, hindi naman kita mahal dahil mahal mo ako.”

 

Mahal kita dahil mahal lang kita.

 

Sunod-sunod na namang tumulo ang mga luha ni Justin.

 

“Simula noong inangkas mo ako sa bisekleta mo noong naglalakad ako pauwi kasi wala akong pamasahe. Hanggang sa maging service ka na ng kapatid ko. Tapos ako na rin ‘yung naging passenger princess mo.”

 

“Noong naging laman ka na ng bawat kuwento ko kina Kwan, hanggang sa ikaw na mismo nakakarinig ng mga iyon.”

 

“Tenten..”

 

Puno ng pagmamahal si Kino. Growing up, his family showered him with love. Hinding-hindi nakaligtaan, kahit na noong nagkaroon siya ng kapatid. Kung ano ang binibigay sa kay Hiro, mayroon din siya. Walang lamangan. Patas magmahal ang kanilang magulang. Kahit sa kaibigan, Kino never did once feel like he's lacking of something. Walang espasyong hindi napupunan. His surrounding was so full of love there's no room left for emptiness or anything close to it. Pakiramdam niya nga ay punong-puno na siya ng pagmamahal kaya hindi niya na kaya pang tumanggap ng isa pa mula sa kahit na sino.

 

But for Justin Kim..

 

“Mahal po kita.”

 

Of course, he can make room for another more.












Notes:

HII thank u so much for reading! nangangapa pa rin sa pagsusulat so please be gentle :( anw if u want to see more of me, visit me on X @mwonine

your words and kudos are highly appreciated, so if it wasn't too much to ask, please leave some ^_____^ I love reading each one of themmm