Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandoms:
Characters:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2025-06-16
Updated:
2025-06-16
Words:
1,062
Chapters:
1/?
Kudos:
6
Bookmarks:
1
Hits:
64

Pangarap

Summary:

Walang magawa si Joshua kundi sundin ang kanyang mga magulang at umuwi sa probinsya nila at mamuhay malayo sa siyudad na ginagisnan niya, ‘di niya akalain na bukod sa magagandang tanawin sa probinsya ay may isang gwapong lalaki rin na naninilbihan sa kanila

Chapter 1: Simula

Chapter Text

Wala na atang araw na hindi narinig ni Joshua mula sa bibig ng maraming tao kung gaano siya kaarte. Hindi naman niya iyon itatanggi dahil totoo naman. Ni hindi rin talaga alam ni Joshua ang kahalagahan ng pera kaya naman madali para sa kanya ang magwaldas ng pera, at tsaka bakit naman niya titipirin ang sarili niya kung marami naman silang pera? Hindi ba’t ginawa naman ang pera upang gastusin?

Kaya naman grabe ang inis niya sa mga magulang niya pagkatapos nilang ifreeze ang kaniyang bank account, maging ang kanyang credit cards! Para kay Joshua, ito ay isang malaking bagay. Sa isang araw, hindi pwedeng wala siyang binibili na bagong bagay. Naiyak na lamang siya sa inis habang pauwi, tinawag din ng kanyang tatay ang kanyang driver na kaagad na umuwi dahil kailangan nilang kausapin si Joshua. Pagtapak pa lang ng mga paa ni Joshua sa kanilang bahay ay kaagad itong tumakbo sa kanyang ina, waring nagsusumbong.

“Huwag kang magpapadala sa mga luha ng anak mo, Felicia.” Kaagad na sinabi ng kanyang tatay, lumingon naman agad si Joshua dito ay tsaka ngumuso. He’s a daddy’s boy, he knows that his daddy will give in but right now his dad is not even looking at him. Talaga bang napuno na ito sakanya?

“Joshie baby, I know you love shopping and spending money but your daddy had enough of it. You should learn how to handle money. Hindi ka na bata, my love.” Paglalambing ng kanyang ina. Kaagad namang tumango si Joshua, naiintindihan naman niya pero ang hirap lang talaga kapag nasanay ka sa ganun. ‘Di niya alam kung paano tumigil at sobrang hirap iwasan.

“Joshua, you’re going to the province. Tutal bakasyon mo naman na, you should learn how to manage our manggahan business there and watch how everyone is working hard.” Wika ng kanyang ama, nanlaki naman agad ang mata ni Joshua.

“I know you are galit to me, Dad. But no.”

“Hindi kita pinapapili, Joshua. Gagawin mo ‘yan. There’s still people who will guide and take care of you there. Maigi pa at makilala mo si Seungcheol, kaedad mo lang din yun pero grabe ang sipag para makatulong sa pamilya miski pag-aaral hindi na nagawa para lang tumulong tapos ikaw lahat ng prelebehiyo nasayo na pero sobrang pasaway ka.” Pagbibigay leksyon sa kanya ng kanyang ama, naiiyak na si Joshua pero pinili na lamang niyang hindi magsalita at tumakbo nalang papunta sa kanyang kwarto. Joshua is scared of changes, he knows his parents will never be around for a long time but he is scared to try, to explore, and to fail. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.

Kinabukasan, nagising nalang si Joshua sa marahang tapik sa kanya ng kanyang ina. Nang makabangon siya ay nakita niya ang kanilang mga kasambahay na nag-iimpake ng kanyang mga gamit. Nanlaki ang mata ni Joshua at kaagad na tumingin sa kanyang ina. Marahan siya nitong tinapik at tumango. Seryoso nga talaga ang daddy niya. He is really going to the province. Hindi na lang umimik si Joshua at kaagad na bumangon para magbihis.

He was now sitting inside of the car, there’s a driver and one maid in the car. He was pissed but also trying to think that this change will help him to discover a new side of him, and maybe this is the opportunity for him to find a hobby and maybe a new skill. Hindi naman nakakapagod ang byahe, nang makarating sila sa hacienda ay nakita niya ang malaking bakal na nakaukit ang Hacienda Hong may kalumaan na pero okay pa rin naman. Pagbaba niya ng sasakyan ay hindi kaagad siya pumasok sa mansyon, hinintay niya ang kanyang Nana Lucing habang pababa sila ay may nakita naman siyang lalaki mula sa ‘di kalayuan na kaagad na naglakad papunta sa kung nasaan sila. Pawisan, may twalya sa balikat, nakatali ang buhok, malaki ang katawan, at may malalim na dimples. Iyon agad ang napansin ni Joshua sa binata, kaagad binuhat ng taong iyon ang maleta na puno ng kanyang gamit. Magsasalita pa lamang si Joshua ng marinig niya ang boses nito.

“Ay Manang Lucing yung kwarto po sa ikalawang palapag ang saiyo, kay Sir Joshua raw po ay itong nasa baba. Nalinis ko na po lahat ng gamit niyo.” Sabi ng binata at tsaka ngumiti kay Nana Lucing. Nanatiling nakikinig at nakatingin si Joshua sa kanila.

“Ay mabuti naman, Seungcheol. Sige salamat. Ihatid mo nalang si Joshua sa kwarto niya tsaka mo balikan ang ibang gamit.”

“Sige po, tara na po Sir Joshua.” Lumingon na kay Joshua si Seungcheol habang nakangiti. Tumango na lamang si Joshua bago sumunod dito. Pagka bukas pa lamang ng pinto ay kaagad na bumungad kay Joshua ang silid na punong-puno ng asul na mga bagay. It was his favorite color. Kaagad na inilagay ni Seungcheol ang maleta malapit sa kama. Nagpunas muna ito ng pawis sa kanyang noo bago pinunasan ang pawis sa kanyang mga braso.

“Kapag may gusto po kayong ipagawa at ipaayos sabihin niyo lang saakin sir.” Wika sa kanya ni Seungcheol.

“Drop the sir, magka edad lang naman tayo sabi ni Dad.” Sagot naman ni Joshua.

“Nakakahiya naman po, kayo nagpapasweldo samin eh.” Nahihiyang sambit ni Seungcheol at tsaka napakamot sa kanyang batok.

“It was my parents but anyways, wag ka na mag po.” Tumango na lang si Seungcheol bago lumabas sa kwarto para kunin ang iba pang gamit, samantala pinanuod naman ni Joshua kung paano dalhin ni Seungcheol na walang kahirap-hirap. If his friends are with him, they will drool over him. When he’s done, nagpaalam si Seungcheol na uuwi na. Joshua was kinda sad, akala niya kasi he can talk to him more but he guess tomorrow is another day for Seungcheol to work hard. Habang iniikot ni Joshua ang kwarto ay binuksan niya ang binta. Sa hindi kalayuan nakita niya ang isang maliit na kubo, siguro bahay iyon ng isa sa mga trabahador. Nagulat siya ng lumabas si Seungcheol sa kubo na iyon at walang damit at may dalang timba, pinanood ni Joshua kung saan ito pupunta at napagalaman niyang may poso pala sa hindi kalayuan. Seungcheol carried the two buckets effortlessly.

Oops! He’s cute and strong too. Kinda want him. Joshua thought before he closed the window with a big smirk on his face, and he did not know that Seungcheol was aware that he was watching him.