Work Text:
Sabihin na nating unang nakita ni Jovien sa isang event ng kanilang university ang chinitang kung ngumiti ay nawawala ang mga mata. Parang siyang mahihimatay dahil sa mga ngiti nito.
It occurred at a one-time event during the mid-year of their university. The event will last for a week. Inaabang-abangan ito ng mga estudyante dahil sabi nila ay baka kapag hindi sila makapag-relax ay tuluyan na silang malunod sa mga school works at mamatay nang maaga. It was a perfect time to create memorable experiences for students like Jovien.
Hindi mawawala rito ang iba't-ibang mga booth, food stalls, activity, laro at ang pinaka sa pinaka ay ang mga performances at competition sa gabi. The best event nga raw ika ng mga estudyante.
"Jov, samahan mo ako mag-ikot sa university!" hirit ng kaibigan ni Jovien na si Malee. Inaalog-alog pa nito ang braso ni Jovien.
"Mamaya na, Ate Mal. Nagbabantay pa ako ng booth namin e."
Mahal na mahal talaga ni Jovien ang org niya. Nasa puso at adhikain na niyang sumali sa mga organisasyon na layuning makatulong sa komunidad. Hindi nabigo si Jovien nang makasali sa isang organisasyong kanyang minata noong freshman college siya. Kaya ngayon ay binabantayan niya ang kanilang simpleng pakulo sa event na ito.
"Robles, go with your friend. Kanina ka pa naman nandito. Have fun naman!" nakangiting sabi ng kanilang presidente.
Hindi na nakapalag si Jovien dahil alam niyang makulit din ang presidente nila, lalong lalo na ang kaibigan niyang si Malee. Agad siyang nagpasalamat dito at nagpadala na sa hila ng kanyang kaibigan.
Alas kwatro na ng hapon at mas naging aktibo pa ang mga estudyante. Halatang sinusulit ang mga palaro sa booth. Nakakatakam din ang mga pagkain sa iba’t-ibang food stalls na nagkalat.
May mozzarella sticks kaya sila?
Nakatutuwang titigan ang mga estudyanteng halatang nage-enjoy. Lingid sa kaalaman ng lahat ay hindi talaga madali ang kolehiyo, dito susubukin ang iyong pasensya at pati-tiyaga. May mga araw na masaya at may malungkot. Pero mas marami ang araw na nakakapanghina. Bagsakan ka ba naman ng mga patong-patong na gawain, dagdag pa ang mga quiz na mas mahirap pa yata sa board exams.
Hinding-hindi mawawala ang pressure na dala ng mga estudyante. Ngunit, nandito rin naman ang mga aral na madadala nila kapag nasa totoong hamon na sila ng buhay. Ika nga nila ay nagsisimula pa lang ang mga estudyante pagtungtong ng kolehiyo.
Sa kanilang pag-iikot ay si Jovien na lang napagod para sa kanyang kaibigan na sige ang hila sa kanya sa kung saan-saan. Kain dito, kain doon. Laro sa gilid, chismis sa daan. Ang taas naman kasi ng energy ng kaibigan niya. Halos lahat pa ng makasalubong nila ay kilala niya.
Social butterfly pa ba tawag dito? Amputa, dragon na ‘to e.
"Ate Mal! Nasaan ba sila Sheia at ako ang ginugulo mo?" reklamo ni Jovien habang nakanguso pa at pumapadyak nang kaunti.
"Jov, ang arte!" sabay tawa nito.
"'Di ba nga sumali si Sheia sa dance competition para mamaya?” dagdag pa nito. “Nagpa-practice 'yon ngayon. Magtatampo 'yon sa'yo!"
"Ha? Ngayon pala 'yon?" takang tanong ni Jovien.
"Teh, magbasa ka kasi sa gc natin. Hala siya!"
“Ang daldal niyo kasi ro’n e, hindi ko ma-backread lahat!”
Sa patuloy na paghila sa kanya ng kanyang kaibigan ay naparaan sila ang isang booth na may palarong balloon and darts. Kailangan nilang putukin ang mga lobo na nakadikit sa board para manalo ng prize. Kulang na lang ay magningning ang mga mata ni Malee sa mga nakita niyang prize.
Alam na alam ni Jovien na hindi magpapatalo ang kanyang kaibigan sa mga ganoong laro kaya naman hindi na siya nagulat nang walang alinlangan itong nagbayad at nanghingi ng darts sa nagbabantay ng booth na iyon. Hindi niya agad napansin ang dalagang taga-bantay ng booth.
"Ate, hinay n–"
Pucha .
Standing tall with a grace that seemed effortless, the girl behind the booth had a smile that could undo even the most guarded hearts.
Her bayoneta glasses framed her face just right—hindi masyadong malaki, sakto lang para sa mga mata nitong tila may sariling liwanag. Her long, wavy hair cascaded down her back, slightly tousled by the afternoon air, like she just stepped out of a dream.
She wore a simple baby pink sando na magaan sa paningin—kulay na bagay na bagay sa maputi at makinis niyang balat. It hugged her gently, not to flaunt, but enough to make someone like Jovien stare a moment too long.
She wears faded denim jeans—walang arte pero may dating. She looked soft. Like cotton on warm skin. Like sunrise on sleepy eyes.
Masaya nitong ini-abot kay Malee ang mga darts na hinihingi nito. Higit na higit ni Jovien ang hininga niya sa paglapit ng dalaga sa kanyang katabi na tila ay walang alam sa nangyayari.
Mahihimatay yata ako.
"Hello po! Ito 'yung mga darts."
Walang duda—tipo ‘to ni Jovien.
Kikay. Singkit. May ngiting nakakabaliw sa tamis. At parang prinsesa kung kumilos. 'Yung tipong kahit hindi mo kilala ay gugustuhin mong makilala, kahit sa pangalan lang muna.
She wasn’t just pretty—she was glowing. As in literal na parang may sariling spotlight kahit wala namang ilaw sa booth.
Hindi madalas magkagusto si Jovien. Choosy siya, at study first. Pero ngayon? Para siyang high schooler na unang beses nakakita ng ultimate campus crush.
Her outfit said it all: light colors, soft textures, and tiny details that were thoroughly picked. Mula buhok hanggang kuko, halatang kikay, maarte pero hindi nakakasawang tignan. Hindi OA—saktong pang-prinsesa. And she wore it like it was second nature.
At si Jovien? Wala na. Mesmerized. As in tulala.
Sa pagtama ng darts sa lobo ay siya namang ikinabalik sa wisyo ni Jovien. Napaigtad ito nang kaunti sa gulat.
"Jov, gusto mo i-try?" Lingon sa kanya ng kanyang Ate Mal.
"Ha? Ang alin?"
"Teh, ano pa ba? Baka i-try magpakamatay!"
Baka nga mamatay ako sa ganda nito.
Hindi naman si Jovien ang lobo para tamaan ng kilig at kabadingan noong nasilayan niya ang isang kikay na kapag tumatawa ay hindi na halos makita ang mga mata.
Patay.
-
The event ended that leave smiles and memories for students. Isa na ro'n ang mga ngiti sa labi ni Jovien dahil tila sumasang-ayon sa kanya ang tadhana.
Kataka-takang simula noong nakita niya ang dalaga sa booth nito ay madalas na niya itong masilayan sa kahit saan. Mapa-library, favorite niyang coffee shop, sa court kapag P.E. nila, at maging sa building nila!
Shet talaga.
"Hoy, babae! Grabe ka makangiti dyan." sabat ng kaibigan niyang si Malee habang kumakain sila sa cafeteria ng kanilang university.
Mainit ang tanghali, 'yung tipong kahit anong pilit mong maghanap ng lilim sa campus, parang may sariling misyon ang araw na paalalahanan kang tag-init nga talaga. Kaya naman sa halip na magpa-tostang buhay sa labas, napagdesisyunan ng tropa na magpalamig muna sa cafeteria ng university—ang paborito nilang tambayan tuwing break.
Kumpleto ang barkada. Nakabilog silang nakaupo sa isa sa mga lamesang medyo tago sa mga tao pero sapat pa rin para mapansin ang daan-daang estudyanteng abala sa kani-kanilang kwentuhan, kain, at ilang nagmamadaling mag-review para sa susunod na klase.
Maingay, pero masayang ingay. Tawa ng mga kaibigan, kaluskos ng tray, at ang masarap na halimuyak ng campus food kahit alam naman nilang hindi laging pasadong masarap.
May kanya-kanyang baon at binili ang bawat isa. Si Malee may spaghetti, si Cian na may burger at fries, at si Sheia may healthy na sandwich na parang laging may diet.
Pero si Jovien? Hindi nawawala ang paborito niya—mozzarella sticks, at ang sobrang lamig niyang Coke na may butil pa ng hamog sa gilid ng cup. Solid UTI.
"Ay nako 'te. Kanina pa 'yan! Ngayon lang ako nakakita ng tao na nags-solve ng problem set nang nakangiti. Piskit man uy!" simangot na sabi ni Cian, kaibigan ni Jovien na blockmate rin nito sa kursong inhinyero.
"Nakangiti ba ako kanina?" Kunwaring clueless na sabi ni Jovien habang pinaglalaruan ang straw sa kanyang pinakamamahal na coke.
"Oo, para kang tanga."
Sabay silang nagtawanan. Tumawa si Jovien, 'yung tawang may kasamang pagyuko, tapos sinabayan pa ng mahina pero mapanakit na hampas sa braso ng katabi niyang si Sheia, na agad namang napasimangot habang patuloy sa pagnguya ng sandwich.
Nakita kasi niya sa library ang crush niya habang nagre-review siya para sa isang quiz sa araw na rin na iyon. Nakapag-review naman siya… konti.
Patuloy ang asaran ng magka-kaibigan hanggang sa mas lalo pang inasar ni Malee si Jovien.
"Ayan!” Sabat ni Malee habang walang paalam na dumukot ng fries kay Cian. “Palibhasa may bago siyang crush! Huli-huling ko 'yan sa event noong nakaraan!"
Natigilan si Jovien. Nanlaki ang mata, parang batang nahuli ng nanay habang nagtatago ng kendi sa ilalim ng unan. Hindi niya alam na may nakapansin pala sa pagtitig niya noon sa singkit na dalaga.
"Amps, ngiting aso si bading." tusok pa ni Malee sa tagiliran ni Jovien.
"Hoy! Paano mo 'yon napansin?" Sabay takip ni Jovien sa kanyang mukha.
"Halatang-halata ka teh, parang high school! Kung makatitig parang tigang."
"Ang sama mo sa'kin! Grabe sa tigang, parang hindi ka ganyan kay an–"
Hindi mapagkakaila kung gaano sila ka-close. Si Ate Malee na laging OA pero laging may baon na chismis. Si Cian na masungit sa tono pero magugulat kang may dalang paracetamol kapag may sakit ka. At si Sheia, ang bebe nila, na laging game sa kahit anong kalokohan, basta’t may spam musubi sa dulo.
"Aray!" Tili ni Jovien habang iniilagan ang hampas ni Malee.
"Teh, magtigil-tigil ka! Hindi ko talaga sasabihin sa’yo pangalan niya." tawa ni Malee habang naka-amba kay Jovien.
“Demonyo ka a!”
"Ang ingay niyo mga piskit!" reklamo ni Cian, pero hindi rin maitago ang ngiti.
"Ate Jov, magtatampo na ako sa'yo, hindi ka nagkukuwento!" hirit pa ni Sheia.
“Ate! Anong pangalan niya?” Pagpupumilit ni Jovien.
“Anong kapalit?”
“Para namang hindi kaibigan,” ungot ni Jovien.
“Business-minded kasi ako teh.”
“Gahaman ka talaga kahit kailan,” busangot na sabi nito na agad din namang binawi. “Sige, ano bang gusto mo?”
Tawang-tawa ang magkakaibigan kay Jovien. Halatang crush na crush nito ang babae.
“Si Summer ‘yon,” pabulong na sambit sa wakas ni Malee na may kasama pang pag kindat. “Akala ko pa naman ay kilala mo. BFF ‘yon ni Ate Amari, ‘yung president niyo sa org.”
“Huh? Legit ba? Bakit ngayon ko lang siya napansin,” gulat na tanong ni Jovien.
“Panay aral ka kasi,” sambit ni Malee. “Kung ‘di pa kita hinila no’n e hindi ka magkakaganyan.”
Masaya si Jovien sa mga simple nilang salu-salo at pagba-bangayan. Pero tila mas sasaya siya kapag nakita niya ulit ang crush niya na kanya nang mapapangalanan.
-
It was a dreamy, soft kind of afternoon for Jovien—the kind you don't always get in the chaos of college life.
Mag-a-alas singko na, at sa wakas, walang hinahabol. Walang quiz bukas. Walang deadline. Sa wakas, tahimik ang mundo niya. Tahimik din ang utak niya. Katamtaman ang init na nanggagaling sa tahimik na araw kasama na ang malamig na simoy ng hangin.
Feel na feel ni Jovien dahil para siyang nasa isang teleserye. Dahan-dahang lumalagas ang mga dahon galing sa mga puno. May dala pa siyang palamig na binili niya sa labas ng kanilang university. Katatapos niya lang din kumain ng tusok-tusok.
All is well. Napasa niya ang mga sandamakmak na quiz sa iba't-ibang subjects kaya naman ay maluwag sa kaniya na umuwi. Nauna nang umuwi ang kanyang mga kaibigan dahil may mga sarili-sariling lakad daw ang mga iyon.
Sus, kung 'di ko lang alam na may ka-date 'yong mga 'yon e.
Tanaw na ni Jovien ang waiting shed malapit sa kanilang school. Madalas kasi na mag bus lang siya pauwi dahil gustong-gusto niyang mag senti habang naka-earphones at nasa may tabi ng bintana. Nakahiligan niya talagang makinig sa mga OPM songs habang pauwi.
Napakaganda talagang makinig sa mga kanta dahil parang ang saya-saya ma-in love. Sobrang ganda ng mga kanta ngayon. Nabubuhay ang dugo ni Jovien kapag nakakarinig ng mga soul crushing na kanta. 'Yung feeling na parang ang saya mabuhay sa mundo dahil sa pakikinig mo nito.
Habang papalapit ay hindi nakatakas sa paningin ni Jovien ang isang dalagang nakaupo sa dulo ng upuan sa waiting shed.
Pucha. Pamilyar ‘to a.
Ang dalagang dahilan ng kanyang pag ngiti kapag dumadalaw ito sa kanyang isip. Sporting with a washed denim jeans and a spaghetti strap tank top. Tahimik ito at busy sa kanyang cellphone kaya hindi na rin niya napansin si Jovien na umupo sa kabilang dulo ng upuan.
"Puta, ba't ako kinakabahan?" pabulong na pakikipag-away ni Jovien sa sarili.
Palihim itong nagnanakaw ng tingin sa dalaga. May papikit-pikit at higit hininga pa siyang nalalaman kapag hinahangin ang buhok ng crush niya, dahilan para mas makita niya ang mukha nito kahit sa gilid niya lang.
Napaayos si Jovien nang upo ng saglit na lumingon sa gawi niya ang dalaga. Puta, 'pag ako namatay. Na-conscious pa siya nang wala sa oras kaya inayos niya ang kaniyang sarili at nagpabango kahit malabo para sa kanyang maamoy siya nito.
Dalawang bus na ang dumaan na pwede naman niyang sakyan.
Pero hindi niya pinara.
She don’t want to end the moment yet, not when she can freely stare to the girl. Hindi naman pala masamang maghintay at umupo muna sa may waiting shed.
Madalas kasi na uwing-uwi si Jovien. Talagang hahabulin niya ang bus kahit na lumagpas na ito sa kanya. Jovien enjoyed her time and company sa babae kahit na siya lang ang aware dito.
Sa pangatlong bus na lang ako sasakay.
Unti-unti nang dumami ang mga estudyanteng nag-aabang. Maingay na muli ang paligid, may halakhakan, may reklamo sa init, may patak ng pawis mula sa mga galing sa late class. Pero si Jovien, tahimik lang sa tabi—nakasandal, may munting ngiti sa labi, at buong puso pa ring nakatingin sa dalaga mula sa kanyang kinauupuan.
Hindi niya maalala kung kailan siya huling na-excite ng ganito sa simpleng presensya lang ng isang tao.
At nang sa wakas ay may dumating na bus—ang pamilyar na ruta niya—handa na sana siyang sumakay. Hihintayin ko na lang siyang makasakay, isip niya, parang pahabol na rason sa sarili. Pero nang lumingon siya sa dulo ng upuan—
Wala na ang dalaga.
Agad siyang nataranta. Tumayo siya, tumingin sa kaliwa’t kanan, umaasang baka lumipat lang sa likod ng waiting shed, baka may iniwasan lang na kakilala, baka... baka nandoon pa.
“Sasakay na ba ako?” bulong niya, hawak pa rin ang strap ng bag niya, habang paulit-ulit na tumitingin sa paligid.
Nasa tapat pa rin niya ang bus. Parang hinihintay siya. Pero ang hinihintay niya—wala na.
Napakamot na lang siya sa ulo, parang bata na naiwan sa palaruan.
“Sige na nga…” bulong niya sa sarili.
Umakyat na siya sa bus habang napapailing sa sarili. It was enough for her. Seeing the girl—even just for a fleeting moment after such a stressful week—was already enough to make her heart skip and her soul hum quietly.
Pangalan pa nga lang alam ko sa kanya, ba’t namimiss ko na ‘yon?
Napailing na lang siya ulit habang naghahanap ng mauupuan, suot ang ngiting sumakses katititig sa crush. Pagkaupo niya ay ganoon na lang ang gulat niya nung nakitang nakasunod sa kanya ang babae.
Tangina.
Nakatitig lang siya rito ngunit hindi niya inaasahang uupo ito sa kanyang tabi. Pigil na pigil ni Jovien ang kanyang hininga. Todo sandal pa siya sa bintana, parang doon kumukuha ng lakas. Halos lahat na yata ng dasal ay nasabi na ni Jovien sa kanyang isip. Takang-taka si Jovien dahil kailan pa naging dito ang ruta ng dalaga.
Ilang beses nang nahugot ni Jovien ang kanyang hininga. Pinapakalma ang sarili dahil naaamoy niya ang pabango ng dalaga.
“Saan po sila?” tanong ng konduktor. Napatingin si Jovien sa konduktor. Agad niyang inayos ang kanyang pagkakaupo at nagsalita.
“A-ah, pagkalagpas lang po ako ng boundary,” mahinhing sabi ni Jovien sabay abot ng bayad.
Puta, kailan pa ako naging mahinhin?!
Ayaw namang niyang ipahalata sa dalaga na kinakabahan at balahura siya magsalita. Nah-uh, not today.
“Magkasama kayo?”
“H-Ho? Hindi po.” sabay lingon niya sa katabi.
Ganoon na lamang ang gulat ni Jovien nang makitang nakatingin din sa kanya ang dalaga. Umiwas siya ng tingin saglit ngunit binalik din naman agad.
Ba’t nakatingin pa rin?!
“B-bakit?”
“Uh, can I ask you something?” the girl hesitantly said.
“H-ha? Sige, okay lang,” utal na sambit ni Jovien.
Hindi inaasahan ni Jovien na lalapit ang dalaga sa kanya para bumulong.
“Hoy, ba’t ka lumalapit? ‘Di pa ‘ko ready!” Tarantang sambit ni Jovien habang todo sandal pa siya sa bintana.
“What?” Hindi makapaniwalang sagot ng dalaga.
“Ba’t ka lumalapit?”
“Sorry, can I bulong?” May paga-alinlangang sabi ng dalaga. Natigilan naman si Jovien at inilapit na lang ang kanyang tainga sa dalaga. Kinakabahan pa rin sa pagkakalapit nito.
“Do you know where I can get off if I’m going to the BN Village?” Nahihiyang bulong nito habang nakakunot ang noo kay Jovien.
Saglit na natigilan si Jovien. Ang cute naman nito. Dahan-dahan kasi itong bumubulong sa kanya, parang tinatantsa pa kung tama ba ang sinasabi niya.
“Doon ka ba pupunta?” Ngiting bulong din ni Jovien. “Yes, I live there,” she said hopefully.
“My driver’s not available to pick me up. I have to commute, but I forgot where I should get off,” she smiled sheepishly while tucking her hair.
Fuck.
Napaiwas ng tingin saglit si Jovien, hindi niya kayang titigan nang matagal ang dalaga. Summer looks insanely good. And Jovien’s a fucking simp. Napailing na lang siya nang wala sa oras.
Jovien did not hesitate to pay for her fair, “Ah kuya, kasama ko pala siya. Sa may BN Road kaming dalawa, dagdagan ko na lang ‘yong binayad ko kanina,” ngiting ani ni Jovien sa konduktor sabay abot ng bayad.
Pagkaalis ng konduktor ay agad na bumaling si Jovien sa kanyang katabi. Nakita niya itong bumubunot ng wallet sa kanyang bag at umambang magbabayad sa kanya.
“Uy ‘wag na, hayaan mo na,” iling na sabi ni Jovien. Pinigilan niya pa ang kamay nito sa pag-abot.
Jovien might combust any moment. Nakatabi niya ang crush niya sa bus. Nakausap niya ito. At … Puta, nahawakan ko pa kamay niya!
“No, I’ll pay you,” angal ng dalaga. Nahihiya pa itong nakangiti. “Nakakahiya na sa’yo.”
“Promise, okay lang. Libre ko na.”
“Sa BN Village rin ba house mo?”
“Ah, hindi. M-may dadaanan lang.”
Hindi na nakatanggi ang dalaga sa libre nito at nagpasalamat na lang.
Saglit silang natahimik. Pinapakiramdaman ang galaw ng isa’t-isa.
Mabagal ang pag-usad ng kanilang sinasakyan dahil sa trapik. Rinig na rinig din ang malamyos na patugtog sa loob ng bus. Tutok man ang mga mata ni Jovien sa labas ng bintana ay parang mahihilo pa rin siya dahil nakatapat ang peripheral vision niya sa dalaga. Natatawa na lang si Jovien sa kanyang isip.
Napansin niyang nilalamig ang dalaga sa kanyang tabi. Hinihimas kasi nito ang kanyang braso, dagdag pa na naka-sando lang ito. Hindi siya nag-alinlangang i-adjust ang vent aircon na nakatapat sa kanila kahit init na init ngayon si Jovien.
Aware naman si Jovien sa buhay ng dalaga. She’s been hearing a lot of stuff from her. Summer’s parents are a well-known business company owner kaya hindi naman na siya nagtaka sa mga kilos ng dalaga. Mukha kasi itong nawawalang pusa dahil tingin ito nang tingin sa paligid. Parang ngayon lang nakasakay ng bus.
Kakausapin ko ba siya? Chance ko na yata ‘to!
Nagda-dalawang isip pa si Jovien kung kakausapin niya ito. Iniisip niyang baka ma-wirduhan ito sa kanya.
Mga 15% lang. ‘Di naman sig-
“I’m Summer,” biglang pagpapakilala ng dalaga.
Napaigtad si Jovien sa kanyang pwesto. Hindi nito inasahang magsalita ang dalaga. Saglit pa siyang napatigil bago sumagot.
Hindi niya alam kung ano ang nauna—ang kilig, kaba, o ang biglang pagkarupok ng utak niya sa harap ng kagandahan nito.
“Crush mo ba ‘ko?” bigla niyang tanong. Parang galing sa ibang dimension ang dila niya.
Tangina ka, Jovien. ‘Yan talaga ang naisip mong unang linya?!
Pero wala na. Nasabi na. Paninindigan na lang ang pagiging kupal niya.
Napataas ng kilay si Summer, “How are you so sure?”
“Marami pa kayang bakanteng upuan tapos ako ang tinabihan mo,” mayabang na sambit ni Jovien, umakto pa itong lumilingon-lingon sa mga malalapit na upuan dahilan para mapalapit siya sa dalaga. Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mga labi.
Summer’s left dumbfounded. Slightly impressed and annoyed by how Jovien’s confidence radiates from her whole being.
“Wow,” she sarcastically said. “You’re so assuming.”
“Maybe I am,” Jovien smuggly said while behaving herself.
“Tinabihan lang kita kasi mukha kang—!” Natigilan pa ito saglit, “Mabait!”
Napahagalpak nang tawa si Jovien. Hindi niya kasi inaasahang ito ang isasagot ng dalaga sa kanya.
“Palusot ka pa rin! Crush mo talaga ako e,” patuloy na pang-aasar ni Jovien. “Sa mukha ko ba namang ‘to?” Ngiting aso pa ito habang nakaturo sa sarili.
“Binabawi ko na, sa mukha ka lang pala mukhang mabait!” Kunot at salubong na kilay na sabi ni Summer. “Amoy santol,” hirit pa ni Summer.
“G-grabe ka,” tila natatauhan na banggit ni Jovien. Nanlaki pa ang mga mata nito at pasimpleng inamoy ang sarili na siyang kinatawa ng dalagang nasa harapan niya.
“Hindi naman a!”
“Now, sinong talo sa atin,” tawang ani pa rin ni Summer.
“Panalo pa rin ako,” may yabang na sabi ni Jovien habang nakangisi.
“Whatever, assuming girl.” Summer said while rolling her eyes.
Jovien chuckled, “Whatever, princess.”
Summer can’t believe it. Salungat kasi ang kayabangan nito sa pisikal na itsura nito. Jovien has this hot loser vibe. She wears black, thick-rimmed glasses that match her face well. She has moles on her face. Hot.
“Jovien nga pala ang pangalan ng crush mo. Sa engineering department at single,” she introduces herself with a playful smirk plastered on her face.
Napataas ng kilay si Summer.
“I can see you everywhere. Kaya nga ikaw ang tinabihan ko, e kaso assuming ka.”
“Saan naman ‘yang everywhere na ‘yan?” Hamon na amba ni Jovien.
“You’re from KP Org, right?”
“Crush mo talaga ako e.”
“You’re so annoying, Jovien. Crush na lang ba alam mong sabihin?”
Jovien chuckled. She’s clearly enjoying the annoyed pretty face of Summer. Ang sarap pakinggan ng boses nito habang binabanggit ang pangalan niya, pa’no pa kaya kapag love na.
Ano kayang endearment ang maganda…
“I remember your face. Ikaw ‘yung parang tuod sa booth namin noong nakaraan,” mapang-asar na balik ng babae. Tuwang-tuwa dahil makakabawi na siya sa babae.
Agad namang namula sa hiya si Jovien. “H-ha? ‘Di ako ‘yon ha!” utal na sabi niya sabay iwas nang tingin sa dalaga. Umiwas man ng tingin ay hindi niya rin naman napigilang kumawala ang maliit na ngiti sa kanyang labi.
Tangina talaga.
“It was you kaya!” Tumatawang ani nito. “Sino kaya ngayon ang may crush sa’tin?”
Napatingin si Jovien sa babae. Crush nga kita.
“Mama mo!” agad na bawi ni Jovien.
Summer was laughing her heart out, enjoying the presence of Jovien by her side.
“I’m Summer Sevilleja,” pakilala nito matapos humupa ang tawa.
Kulang na lang talaga ay himatayin si Jovien dahil nakita na naman niya ang ngiti nitong nakakapagpawala ng mata nito.
Katatapos lang ng nakakahawa nitong tawa, may kasunod pa pala. Awa na lang kay Jovien.
It’s like passing a major subject in engineering, having the first meal of the day. O kaya ay manalo sa lotto nang hindi tumataya.
Hindi niya rin alam kung anong siyensya ang nangyayari dahil bakit ‘Love Is’ ang kantang pinapatugtog sa bus? Budots naman ‘to lagi a!
“Ikaw nga laging naka-pink e!” Pang-aasar ni Jovien sa babae. Halatang wala nang maisip na pambato sa asar nito.
“Excuse me? That’s fashion!” Asar na balik ni Summer.
“And what do you mean lagi? I’m not wearing pink naman ngayon a!” Kunot na kunot ang noo nito, tinitignan pa ang sariling suot habang ang babaeng kausap niya mayroon lamang mapang-asar na ngiti sa labi nito.
Ginaya pa ito ni Jovien na mas lalong kinaasar ng babae.
“Ugh, you’re so annoying talaga!”
-
Hell week na ng university dahil malapit nang matapos ang school year ngunit na-stuck si Jovien sa Valentines.
Napasalamatan niya na yata ang lahat ng santo sa kapitolyo nila. Ilang linggo na ang nakalipas noong nagkasabay sa bus at sinamahan ni Jovien si Summer makauwi. Dumiretso agad si Jovien sa simbahan, ilang kanto lang ang layo mula sa kanyang bahay upang magpasalamat sa diyos matapos nito.
Halos mapatalon din siya sa tuwa at kilig noong in-add siya ni Summer sa social media. Nasapak na niya yata lahat ng stuff toy niya sa kilig.
Hindi na niya pinalagpas ang pagkakataon at kinulit nang kinulit ang dalaga sa chat. Naging streak buddies na nga rin sila sa kilalang social media app. They became close, starting with annoying each other, learning each other’s favorite foods and pet peeves, going out in their free time, and becoming textmates.
It was addictive for Jovien. From the way Summer furrows her brows when confused, irritated when it’s hot, smiles when Jovien’s annoyed, and laughs whenever Jovien throws her dumb jokes. Everything. And Jovien can see it all. Sobrang linaw kahit hindi bente-bente ang linaw ng kanyang mga mata.
Sabi pa naman nila ay mahirap mag jowa habang nag-aaral.
Pero kay Jovien?
Mas mahirap magpigil ng kilig sa kaibigan.
From time to time, Jovien would summon just enough courage to toss a pick-up line at Summer—some cheesy, some witty, most of them borderline embarrassing. But Summer always laughed. And that was enough.
Hindi na lang puro pang-aasar. May halong, crush na sana kita kaso maarte ka.
E gusto niya pa rin naman si Summer kahit anong sungit nito sa kanya e.
It was Jovien’s little way of keeping her sanity in check—because everything else about Summer was driving her insane.
The stolen glances from across the table. The casual shoulder brushes when they walk side by side, too close, yet never close enough. The way their fingers would accidentally graze when they reached for the same book. And sometimes… when Summer didn’t pull her hand away.
God, Jovien would freeze. Smile. Then pretend like it meant nothing.
But inside? Chaos.
She wanted to lean in, take Summer’s hand fully, interlace their fingers, and not have to let go after three seconds. She wanted to rest her head on Summer’s shoulder while they waited for their order at the café.
She wanted to look at her longer than she was allowed to.
But she held back.
Because something this good? It takes time. And she didn’t want to scare her off. So Jovien bit her tongue, pulled back when she wanted to stay longer, and smiled even when her chest was already aching from all the almosts.
It was like trying to hold water in her hands—the more she held on, the more it slipped through her fingers.
Some nights, Summer would laugh at one of her lines and softly say, “You’re so annoying, Jov,” while nudging her arm.
But it wasn’t the words that killed her—it was the way Summer said her name. Soft. Familiar. Like it belonged to her.
And when Summer would fall asleep during late-night calls, Jovien would stay on the line a little longer, just listening to her breathing. Just… staying. Because even silence with her felt like poetry.
She badly wanted to be with the girl. To drown in her laugh, to get lost in her eyes, to kiss the curve of her smile when she teased her again.
But she also knew how delicate this was.
So instead, she whispered to herself in the middle of all those almosts:
“Pa’no pa kaya ako makakaahon?”
When every glance, every touch, every giggle she caused—felt like waves pulling her deeper.
Jovien's favorite part of the day wasn’t lunch break, wasn’t dismissal, not even the soft morning. It was this.
The late afternoon hush. The warm, sleepy sun. The bus stop where they always—somehow—ended up together.
Noong una ay ilang dipa ang layo ni Jovien mula sa kinauupuan ng dalaga sa may waiting shed.
But now? Now, not even air could slip between them. Their shoulders brushed so naturally, like they belonged there.
Her heart? Not as natural. It thundered with every accidental graze, every shared laugh, every stolen breath.
"Anong nangyari sa driver mo?" tanong ni Jovien, trying her best to sound casual, though the tremble in her tone betrayed her.
It was only four in the afternoon, still too early for the evening rush, and they were both tucked into the same spot on the waiting shed’s old wooden bench.
“Parang lagi naman yata siyang hindi available?” dagdag pa niya, teasing. But half of her was hoping.
Hoping Summer is meant to be here. With her.
"I don’t know," sagot ni Summer, sabay kibit-balikat, her gaze trained on the road, but her body so close—Jovien could feel the heat of her.
Then a beat of silence.
"Why do you like riding a bus?" tanong ni Summer, almost lazily, almost too casually. But her voice was dipped in curiosity. Her head tilted just slightly in Jovien's
direction. "I heard you have your car."
Jovien blinked, heart racing.
“Bakit mo naman natanong?” she asked, pretending to stretch her legs out.
“Just curious,” sambit ni Summer. Kibit-balikat ulit. Pero this time, nakatingin na siya kay Jovien. Direct. Unblinking. And Jovien… almost forgot how to speak.
“Lagi ka rin kasing nagb-bus,” pasimpleng bulong ni Jovien, na parang sinabi sa hangin, hindi sa kanya.
"Hm?" Summer leaned in slightly. "What?"
Jovien panicked, of course. “Sabi ko… alternative sa kabayo,” sabay ngisi, taas-kilay pa, the mask of humor coming to the rescue—again.
Summer squinted at her, unconvinced. Jovien could practically feel the girl reading right through her, pulling her apart with those eyes.
“Kailan ka pa nag-ride ng kabayo?” tanong nito, deadpan.
"Joke lang, princess,” Jovien replied, laughing now, trying to hide how her heart skipped when she said it—princess. Like she was allowed to call her that.
Summer scoffed, but the way the corners of her mouth twitched gave her away. “Alam mo, nakakainis ka. Trip na trip mo ako!”
Jovien could only laugh. But in her head, she was already screaming.
Buti alam mo.
If only Summer knew.
Napailing na lang si Jovien, resting her head slightly on the post behind her, eyes on the sky. She wondered sometimes—can Summer feel it? The weight of everything she couldn’t say? All the tiny hints she dropped like breadcrumbs, hoping Summer would follow?
Because really, what else could she do? Her chest swelled with every minute spent beside her, and yet, her lips betrayed her—always hiding behind humor, behind banter, behind that familiar smirk.
She knew Summer deserved more. Deserved words with spine, gestures with certainty, not just shoulder bumps and jokes half-meant.
But she was scared. Terrified, even. Because one wrong move might push her away, and Jovien would rather sit here in silence, heartsick but beside her, than not at all.
“Busangot na naman ang princess na ’yan!” she said aloud, just to cover the ache swelling inside her.
“Shut up!” sagot ni Summer, pero natawa rin.
And for now, that was enough. A laugh shared, shoulders touching, and the space between them slowly shrinking.
“Relax, princess,” pagpapakalma ni Jovien sa dalaga. Sinungitan lang siya nito. Napatahimik saglit si Jovien bago sagutin ang dalaga.
Jovien went quiet for a second, letting the air hang between them before finally speaking again, this time softer, deeper— almost honest .
“I just love the feeling it gives to my heart,” sabi niya, sabay iwas ng tingin.
She said it too gently for it to be a joke. And too quickly, as if she was afraid she’d say more than she should.
“School’s been... overwhelming,” she continued, voice dropping to something almost vulnerable.
“Stressful. Lalo na ‘pag sunod-sunod ‘yung deadlines. Ayoko magmaneho. Parang lahat ng bigat ng mundo, ako pa rin may dala kahit nasa kotse ako.”
Summer stayed silent beside her, pursing her lips, listening—really listening—as if every word mattered. As if her silence was permitting Jovien to open up more.
“I love taking my time. Ang solid kaya no’n, sight seeing lang sa bintana habang pauwi. Plus,” she excitedly said. “I get to senti and listen to OPM peacefully!” Jovien explains like a kid.
Summer chuckled softly. Jovien turned to her, only to realize—damn, ang lapit ng mukha nila.
Her breath caught in her throat.
Pucha. Sa movie ko lang ‘to napapanood.
Their knees almost touched, their shoulders already pressed together. But this— this —was different. Their eyes locked, and Jovien suddenly understood why people said the world could stop spinning.
She gripped the edge of the bench, fingers curling into the wood, silently begging her heart to calm down. But it didn’t. It just kept racing faster.
In the back of her mind, she wanted to tell the truth. That it wasn’t just the OPM, or the sunsets, or the bus rides.
It was her .
It was always her .
“At tsaka…” pabiting bungad ni Jovien, testing fate. “…gusto…”
Kita.
The word sat heavy on her tongue. So near her lips.
The tension was there. Parang mabibingi si Jovien sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Summer looks like a dreamy afternoon from Jovien’s eyes. Rosy cheeks and pinkish lips, those eyes that make her knees weak. Those expressive eyes. Jovien licked her lips.
Fuck.
But instead—
“Gusto ko ‘yong mani sa may bus,” biglang putol niya, halos mabulunan sa kabang bigla niyang pinagtakpan ang sarili.
“O-oo, favorite ko ‘yon,” she laughed awkwardly, eyes darting to the ground.
Coward.
But she was smiling. So was Summer, even if they weren’t looking at each other now. The tension between them was thick—an unspoken truth, waiting to be acknowledged.
After a moment, Jovien tried again, tone playful but tinged with sincerity.
“Gusto mo bang palit muna kami ng driver niyo?”
Summer turned to her, brows furrowed. “What did you say?”
Jovien opened her mouth to repeat herself, but fate— as always —had other plans.
A loud honk.
A sudden screech.
The bus stopped right in front of them, stealing her moment. Summer didn’t hear.
“Never mind,” she said, standing with a grin that tried to mask her frustration. “Let’s go na, princess.”
But Summer paused, eyes narrowing ever so slightly.
“Hindi naman ‘yon ang sinabi mo kanina e.”
Jovien swallowed hard, suddenly unable to look away from her.
“Baka bukas... sabihin ko na talaga.”
She didn’t say it out loud. But maybe—just maybe—Summer heard it anyway.
Tumayo ito mula sa kanyang pagkakaupo at maingat na kinuha ang kamay ng dalaga na nakanguso upang makaakyat na sa bus.
Umupo sila sa may bakanteng upuan bandang likod. Sa sobrang dalas nilang magkasama pauwi ay nasanay na si Jovien sa mga maliliit ngunit kapansin-pansing bagay tungkol kay Summer.
Summer settled near the window like she always did, and Jovien—though she personally hated how cold it could get near that vent—sat beside her with no protest. It had become a pattern. A rhythm.
One of those quiet routines that formed when two people orbit the same soft, unspoken affection.
Summer liked her side cool, but not freezing. Jovien had already figured out the perfect angle of the vent above them. She reached for it discreetly, twisting it just enough so Summer wouldn't shiver, but still have the breeze she liked. She never told her to do that. She just did.
And though Jovien adored the quiet world her headphones gave her—she still carried her wired earphones instead. Because it meant she could share one with Summer. And lately, sharing songs felt more intimate than holding hands.
So there they sat—wired together, music playing, their arms brushing slightly. Jovien stared out the window, watching the city pass by in slow motion. Her mind raced with thoughts she didn’t know how to say aloud.
Until she felt it.
Summer’s head slowly leaned over, resting gently on her shoulder.
Jovien froze for a second.
Napalingon siya. At doon niya lang napansin—Summer had fallen asleep. Head slightly bowed, lashes brushing her cheeks, lips parted ever so slightly. She looked tired. Peaceful. And utterly beautiful.
Jovien’s heart tightened.
Summer’s posture looked uncomfortable, and instinct took over. With the softest touch, Jovien guided her head so that it rested more fully on her shoulder—careful, as if any sudden movement would ruin the moment, or worse, wake her up.
She stayed still, barely breathing.
Song Playing: Love Is by The Ridleys
The melody starts to corrupt Jovien’s consciousness. Napatingin siya sa kamay nilang magkahawak. It’s like their hands were made to be with each other. Hindi niya rin alam kung paanong naging ganito sila ka-close. Biglaan na lang na hinahanap-hanap nila ang pakiramdam ng kamay nila sa isa’t-isa. It feels so surreal.
Napaisip si Jovien. Dati naman ay masaya na siyang pasado siya sa mga subjects niya. O kaya naman kapag nakakatapos siya ng plates, pati na kapag may mozzerella sticks siya. Bakit ngayon may mukha na ang kasiyahan niya? Pati ba naman sa kasiyahan ay nagtaas na rin ang standard.
She didn't know it was possible to feel this much happiness just sitting quietly next to someone. Or that her heart could ache—not from longing, but from actually being this close to what she’d been longing for all along.
Is it possible to love someone this quietly?
To want to press pause on time, not because you're afraid to lose them—but because this version of the present feels too good to ever want to move on from?
But Summer wasn’t just anyone.
She wasn’t just the reason for Jovien’s giddy smile.
Summer had become her peace.
Her chaos.
Her new favorite kind of silence.
Her all of these and many… many more.
Enough naman ‘yong naipaparamdam ng parents ni Jovien sa kanya. Sobra nga siyang bini-baby ng parents niya.
Siya rin ang favorite ng lolo at lola niya (nag-iisa lang naman siyang apo). Sa mga kapit-bahay niya, siya rin ang favorite dahil sobrang bibo niyang bata.
Pati sa mga kaibigan niya, mahal na mahal siya ng mga ito lalo na kapag manti-trip. Sa lahat ng aspeto ay punong-puno siya ng pagmamahal. All these love she continuously receiving, and yet she wants more of it from a certain person.
Summer.
Just like her name, it was a testament to how comforting the summer season is. She comes like a soft breeze, warm and full of light. Her presence feels like the sun gently resting on your skin, like the smell of salty waves, and the ocean breeze in the air at night.
When she’s near, the days feel slower, softer — as if even time wants to stay with her a little longer. Summer is the kind of beauty that doesn’t shout, but stays with you—like the glow of sunset on a quiet beach on the shore, unforgettable and calm.
Hulog na hulog na talaga siya.
