Actions

Work Header

Our Main Character

Summary:

Bata pa lamang, pangarap na ni Joshua na maging isang aktor. Pero bakit imbis na sa big screen, mukhang sa dalawang binata pa ata siya makakakuha ng big break.

Notes:

hello! eto ang unang lapag kong fic this 2026. sana ma-enjoy nyo!
disclaimer: this is a shua-centric fic na focus sa yoonhong, cheolsoo at jihancheol. may contain inaccuracies so pikit na lang po tayong lahat. eme.

Also, the first part will be the prologue kaya medj short and bitin.

Chapter 1: JOSHUA HONG, 30, Natural Acting Practitioner

Chapter Text

────୨ৎ────

“Puro ka lang visual, na-try mo na mag-audition sa mga commercial auditons?”

 

“Baka di talaga para sayo ang pag-aartista? Pero Telegenic ka naman.”

 

“I can refer you sa kakilala kong may-ari ng model agency. You can get casted right away. Naging Candy Cutie ka ba dati?”

 

Bata pa lamang ay gusto nang maging aktor ni Joshua. Naka-ilang audition na siya para mapasali sa mga TV series, pelikula o kahit webdrama. Suki na rin siyang pumila noon sa Starstruck at Star Circle Quest, pero hindi siya mapasok-pasok. Nakailang palit na rin sya ng talent coordinator pero wala naman nangyayari kaya nagsarili na lang siya sa paghahagilap ng mga auditions. Kung makakakuha siya na role, mostly mga extra lang, or reserba. Nakakakuha siya ng gig kapag may random waiter role, oh kaya naman isa sa mga taong dadaan sa lugar kung saan umiiyak ang bida. 

 

Kakagaling niya lamang sa audition para sa isang gagawing indie film pero sadyang ayaw pa rin ng universe this time. Dumiretso agad si Joshua sa apartment unit ng kaibigan niyang si Seokmin.

 

Nakahiga si Seokmin sa sofa habang nanunood ng paborito niyang movie na Coincidence in the Jungle. Agad naman na napaupo si Joshua sa isang couch.

 

“Si Direk Kwannie, may bagong siyang gagawing film. Bigay ko sayo sched kapag nakuha ko na. Anong feedback sayo this time?” 

 

Napabuntong hininga na lamang si Joshua. Paano na lang kapag wala siyang matalik na kaibigan na namamayagpag sa teatro? Halos lahat ng audition niya lately ay galing kay Seokmin, at walang sawa niyang pinupuntahan lahat ng mga yon. 

 

“Bagay daw ako dun sa kuya ng bida role.”

 

“Oh ayun naman pala bakit ka malung—”

 

“Na na-tegi! Need lang nila ng photo ko! Binibigyan mo naman ako ng acting tips, bakit di gumana?” Pangalawang buntong hininga nya na ito.



“At ilang beses mo rin kinakalimutan ang sinasabi ko na yung pagbigkas ng lines articulately at overexpressing ng emotions ay suitable kapag sa teatro. Lagi kong sinasabi sayo, Shua! i-align mo yung energy at level ng emotions mo, based sa role na gusto mo. Ginawa mo ba kanina? Or nag-mala-Kaplan Heiress or Ms. Lyn from Las Beygas actingan ka na naman sa audition?”

 

“Ayoko na masabihan na puro ganda lang ako, at walang expression!”

 

“See? What if para sa teatro ka talaga, bes?” Napaupo si Seokmin sa sofa, ilang beses na rin niya kaseng sinasabi na mag-audition sa mga plays ng Teatro nila.

 

“Ayoko! Walang take 1 take 2 or cut kapag nagsimula na yung play sa stage. Baka mahimatay lang ako kapag nakalimutan ko yung lines. Remember nung school play natin? Isang line na nga lang sasabihin ko, nakalimutan ko pa!”

 

“Parang kang sira! Hmmm, basta need mo ng natural na acting practice. Yung tipong hindi halata pero umaarte ka? Yung kusa mong naisasabuhay yung role? Why not do that?”

 

“Pano ko naman gagawin yun aber? Wala na rin akong extra pang-enrol sa acting workshop. Kaya ikaw magbayad ka ng upa dito sa apartment. Okay? Walang bestie bestie rito. Ipapagawa ko pa yung kisame ng sa third floor may tulo daw!”

 

Dahil nga focus si Joshua na maging aktor, hindi na niya nagawang makahanap ng stable 9-6 job. Pero hindi naman naging mahirap dahil naiwanan siya ng limang palapag na apartment building ng kanyang mga magulang. Siya na ngayon ang nagma-manage ng mga ito, kaya tuloy tuloy ang passive income pero hindi rin sapat dahil malaki ang napupunta sa maintenance, mortgage at kung ano-ano pang taxes, dapat lang na paikutin niya ang income. Dito niya nagagamit ang pagiging accountancy graduate niya. 

 

────୨ৎ────

Kasalukuyang nasa labas ng coffee shop si Joshua, kakatapos niya lang kunin ang kanyang dirty horchata. Ito ay nasa unang palapag ng Hong Apartment, ang first floor at alloted sa commercial establishments (katabi ng Magna Cum Laundry shop at Palawan Pawnshop). Paalis na sana siya ng nakita niya ang isang babae na tila di mapalagay sa lumapit na lalaki at pilit na hinihila siya palabas. 

 

Nararamdaman ni Joshua na kailangan ng tulong ng babae kaya pumasok ulit siya sa loob at umarte na parang magmadali at humahangos.

 

“Hi Ms. Tracy! Sorry, got stuck sa traffic. Sana di ka naghintay. By the way, I’m Atty. Hong. On the way narin si Officer Matias in a bit.” Ngiting sabi ni Joshua. Naramdaman naman niya ang pag-atras ng lalaki at ng makarating ito sa pinto ay agad kumaripas palayo.

 

Nang makaupo na si Joshua sa tapat ng dalaga ay agad siyang napaiyak.

 

“Maraming salamat po. Alam ko po na kanina pa kayo sa labas at napansin nyo po agad yung tingin ko. Salamat po talaga.” Napaiyak na ang dalaga.

 

“Tahan na Ms. Tracy, narinig ko rin kanina yung pangalan mo. Pero kilala mo ba yun?” Tanong ni Joshua. Magkasunod na iling naman ang sagot ng dalaga.

 

“Hindi po. Sinasabi nya na ako yung ka-meetup niya pero hindi po ako yun. Kung di po dahil sa kapani-paniwalang pag-arte nyo kanina baka po nakuha niya na ako.” 

 

Pagkarinig ni Joshua sa sinabi ng dalaga ay parang may suminding bumbilya sa ulo niya. Eureka!

 

Baka nga ito na yung pwede niyang gawin. Kailangan niyang mahasa ang natural na aktingan sabi ni Seokmin diba? 

 

────୨ৎ────

“Joshua Hong! Yung sinabi kong natural na acting practice, hindi ko sinabing maging con artist ka!” Napasabunot sa sariling buhok si Seokmin pagkatapos ikwento ng matalik na kaibigan ang nangyari kanina.

 

“Pero effective Seok! At con artist man ako, wala naman illegal na ganap. Natulungan ko pa nga si Ms. Tracy! Anyways, san ba ko pwedeng magpost ng listing? Tsaka hello? Sa Korea, Japan at China uso to! Yung mga oppa, parent, children for rent! Parang ganun lang ang gagawin ko, ano ka ba! Tsaka ikaw ang nag-suggest nito, sinunod ko lang and look, effective! Kaya thank you, Bes!”

 

This time, si Seokmin naman ang napabuntong hininga. Alam niya na kase ang ugali ng kaibigan. Hindi na yan papaawat sa plano niya.

 

Hindi kagaya ng pag-e-extra, na 500 to 1,500 ang bayad, kumikita si Joshua ng 5,000 pataas per NAP or Natural Acting Practice. Na-refer siya ni Ms. Tracy sa iba nitong kakilala. In a span of a month, nakapagpanggap na siya bilang teacher, kuya from abroad, pizza delivery man, insurance agent, etc. 

 

Nag-eenjoy siya na nagagawa niya ang requests ng mga clients niya at napapaniwala ang mga taong nakakasalamuha niya. Pero don’t get him wrong, namimili siya ng client. Kapag may masamang balak ang nag-reach out sa kanya ay hindi niya ito tatanggapin. He’s doing this con artistry in good faith nga daw eh.

 

Pauwi na si Joshua galing sa kanyang NAP for today bilang isang figure skating coach. Buti na lang marunong sya kahit paano, at isa ang Yuri on Ice sa mga best animes on his list. 

 

Agad naman na nag-ring ang kanyang phone kaya sinagot niya ito agad. Si Seokmin ang nasa kabilang linya.

 

“Josh, binigay ko number ni Seungkwan sayo. Gusto ka daw niya makausap.” 

 

“Oh akala ko ba di muna tuloy yung film niya kase babalik siya ng US?” 

 

“Hindi ata dahil dun eh pero natanong nya yang NAP business mo.” Napangiti ni Joshua dahil inassume nya agad na si Seungkwan ang client nya.

 

“Aba, Bes! Sige abangan ko na lang tawag niya. At kailangan good review ako.” Excited na sabi ni Joshua. Nararamdaman niya na malapit na ang big break nya (OA, big break agad).



────୨ৎ────

“Hi Direk!”

 

“Hi Kuya Josh! Buti na lang at pumayag ka tonight! Sorry now lang ako nagka-free time.”

 

“Ano ka ba, okay lang no! Nabanggit na rin sakin ni Seok. Sige, i-brief mo ko.” Napangiti si Seungkwan dahil buti na lang, free si Joshua. Siya lang kase ang naiisip ni Seungkwan na sakto sa hinahanap ng kuya niya. And feeling niya na bagay sila ng Kuya Jeonghan niya (pero di niya na to sasabihin, kimkimin niya muna ang chemistry na nakikita niya sa dalawa, na para bang balak niya itong gawing love team sa kanyang pelikula).

 

Hindi naman totally free si Joshua, kapag alam niya na malalayo at hindi connected ang mga clients ay tumatanggap siya ng another requests. Hangga’t kaya pagsabayin? Go! Income and acting experience pa rin yan! 

 

“Ahm, yung request ko Kuya Josh ay para sa older brother ko. And hindi lang siya one time thing sana. Super simple lang naman, magiging plus one ka lagi sa mga galas at events na need siya para di siya lapitan ng mga taong nirereto ng mga parents namin.” 

 

Naalala nga ni Joshua ang kwento ni Seokmin na galing sa mayamang pamilya si Seungkwan pero nagsolo siya para i-pursue ang kanyang pangarap na maging film director. 

 

Galas at events? So talagang mayaman pala sila. 

 

“At tsaka Kuya Josh, padating na kuya ko dito, nagpark lang. He’ll be the one to explain and talk to you sa  mga need mo gawin. He’s a bit cranky and has a suplado vibe pero I know you can manage.” 

 

Biglang nag-ring ang phone ni Seungkwan, at agad siya nag-excuse kay Joshua para sagutin ito sa labas.

 

If need ng plus one sa events, ibig sabihin, jowa ang requested role? Napaisip na lang si Joshua. Meron din kase siyang on-going na jowa ang NAP request, pero naka-on hold dahil nasa bakasyon ang isa niyang client. On-call rin ito at hindi one time thing. 

 

Fuck, ipapa-renovate ko yung buong third floor ng apartment, baka ma-short ako. Sige na nga. Wala pa naman paramdam yung isa kong on-call client jowa and advise niya na baka ilang months pa yun uuwi ng bansa.

 

Biglang naputol ang kanyang pagiisip ng may nagsalita sa gilid niya. 

 

“You’re Joshua Hong, right?” 

 

Agad na napatingin si Joshua. And oh damn! Ang pogi pala ng kuya ni Seungkwan? Pinilit niyang bumalik sa ulirat at nginitian ang lalaki.

 

“Yes, Hi! You must be Seungkwan’s brother. Maupo ka, and let’s start.”

 

Pagkaupo ay agad na nilabas ng kapatid ni Seungkwan ang envelope. 

 

“I’m Jeonghan. This is the contract. You can read it, and if you have additional builds, let me know. If all is good, sign,” Malamig and straightforward na sabi ni Jeonghan. Walang paligoy-ligoy. 

 

 “Nabanggit naman na ni Seungkwan na this will not be a one-time thing. So from your end, don’t get another request na magpanggap na boyfriend. Or as much as possible, don’t accept anymore offers. Mahirap na kapag may nakakilala sayo sa events. 

 

“Ahm Jeonghan, I do make sure na before ako tumanggap ng request ay walang conflict with my previous or ongoing clients.” Paliwanag ni Shu, manghihingi na laman siya sa kapatawaran sa white lies niya sa Sunday mass.

 

“I know, but it’s better if you’re cautious.” Nakatingin lang si Jeonghan habang sinasabi niya ito kay Joshua, na binabasa pa rin ang contract. 

 

“This is all good.” At agad na kinuha ni Joshua sa loob ng kanyang bag ang pen. Lagi siyang may baon na ganto for contract signing. Oha!

 

“Good. I’ll contact you before the gala next week. Be ready.” Sabi ni Jeonghan sabay alis. 

 

Napaikot na lang ng mga mata si Joshua. Kung ano ang kinabait at friendly ni Seungkwan, ayun naman ang kina-sungit ng kuya nito.



“How was it, Kuya Josh? Pasensya ka na kay Kuya ah! Facade niya lang yun promise! Medyo busy lang sya sa work and nagging na parents namin.” Si Seungkwan naman ang umupo ulit  sa harap ni Joshua pagkaalis ng kuya nito.

 

Umiiling naman si Joshua, pagkainom ng orange juice. “Ano ka ba, Direk! Ok lang. Sa daming ng taong nakasalamuha ko, sanay na ako. Don’t worry! May mas masungit pa sa kuya mo!”



────୨ৎ────

“Huy, baks. Pumayag ka? Eh pano kapag kinontak ka ulit nung isa mong client na si Mr. Dimples? Yung poging basketball player mong jowa-jowaan?” Sagot ni Seokmin pagkatapos ikwento ni Joshua ang napagusapan nila ng bago niyang client na si Jeonghan.

 

“Medyo malaki kase ang alok nya Bes, need ko ng extra sa renovation diba? Nasaid ako nung pinagawa ko yung mga kisame last month nung tuloy tuloy yung pag-ulan. Tsaka yung kay Cheollie, off season pa naman kaya nasa bakasyon pa siya sa Hawaii. Sabi naman sa contract ni Jeonghan, 3 months lang yung pagiging on-call partner ko sa kanya dahil may long business trip siya next year. Don’t worry, mukha naman walang friend yung kuya ni Direk. Di naman sila magkakadaupang palad nung isa kong client. Di naman to tunay na relasyon. Kayang kaya ko sila pagsabayin at hinding hindi nila malalaman.” Paliwanag ni Joshua sa kaibigan na may kasama pang kindat. Tinanong niya kanina si Jeonghan kung active ba to sa social media at ang sagot ay hindi. Wala daw siyang time sa ganun. Kaya safe naman. Basta, sa NAP niya lang to gagawin dahil pagdating sa love life, napakaloyal niya no! (Sa sobrang loyal, ang tagal niya nang single dahil alam niyang once na magkaroon siya ng boyfriend, ititigil nya na tong NAP nya).



Patulog na sana si Joshua ng bigla siyang makatanggap ng message sa isang unknown number.

 

+6399510041995

The event is on saturday. Be ready at 6PM and send your location. 

Already sent the payment plus extra for your suit. 

-Jeonghan

 

Pagtingin niya ng bank account niya ay nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita kung gano kalaki ang nabigay. Mas malaki sa napagkasunduan nilang rate. Sa amount pa lang na to, kaya niya agad ituloy yung renovation, kahit pakyawan pa yan.

 

Hi Jeonghan! Noted. But are you sure with the money you sent? Masyadong malaki to. Reply niya sa number. 

 

Buy a good suit or tuxedo. Whatever you want. As long as you’re presentable. 

 

Ay, ang bilis naman sumagot. Nalito siya saglit if client ba to or sugar daddy niya na. Well pwede naman both? HUEY! Dahil sa naisip ay napatapik siya ng kanyang pisngi!

 

“Itigil mo yan, Shua! This is work. This is business! Do your job well di porket pogi ah! Ganto ka rin kay Mr. Dimples noon!” Sermon niya sa sarili.