Actions

Work Header

This Time

Summary:

Lucian (sh) grew up with sheltered upbringing, luxury cars, and people who measure worth in profits. Money flowed freely in his world. Adriane's (sn) reality was a stark contrast. Every peso was earned with sweat. Hearts that measure life in struggle.
Two different worlds collided. But as what they've said, love does not ask permission. Love has a way of finding us when we least expect it— softly, quietly, and then all at once.

(Alternatively: Inspired sa kanta ni Taylor Swift, "You grew up in a silver-spoon gated community. Glamorous, shiny, bright Beverly Hills. I was raised on a farm, no, it wasn't a mansion.")

Notes:

Cast:
Sunoo - Adriane “Adeng” Ignacio
Sunghoon - Lucian Joaquin Uytengsu
Ni-Ki - Renzo "Renz" Miranda
Jake - Yvez Thompson
Jay - Mikkelsen "Miks" Ford Uytengsu
Heeseung - Evan Fernandez
Jungwon - Samuel "Sam" Acosta

Chapter 1: Chapter 1

Chapter Text

"Adeng! Ang kanding atimana kay ni takas na sad! ('Yung kanding kunin mo kasi tumatakas na naman!)" Malakas na sigaw ni Nanay Beth. Napahinga si Adriane ng malalim habang pinapahid 'yung pawis na tumutulo sa kanyang noo.

Litsi! Eto talagang si Ding napaka hilig gumala.

Tumakbo siya bago pa man makawala sa bakod si Ding. Tinawanan lamang siya ni Tatay Andres habang nag-aani ng tubo.

Sila Nanay Beth at Tatay Andres ang tumayong magulang ni Adriane Ignacio. Kahit na hindi nila ito tunay na anak, trinato pa 'rin nila itong parang sarili nila.

“Hindi man kami binayayaan ng anak, binigay ka naman ng Panginoon sa amin. Sapat na 'yun sa'min.” Parating sabi ni Nanay Beth sa batang Adeng. May problema sa matres si Nanay Beth kaya nahihirapan silang magkaanak ni Tatay Andres.

Isang araw,  habang papabalik si Nanay Beth galing sa palengke, nakita niya ang isang batang lalake na umiiyak sa labas ng simbahan. Nung una, akala niya ay batang babae ito dahil may pink at mint green na clip pa ito sa kanyang buhok. Tinanong niya ang bata kung nasan ang kanyang mga magulang at kung anong pangalan nito ngunit walang matandaan na kahit anong bagay ang batang lalake kaya dinala na lang muna ni Nanay Beth ang bata sa kanilang bahay.

Sa mga sumunod na araw, sinamahan ulit ni Nanay Beth si Adriane upang magtanong malapit sa simbahan ngunit wala talagang nakakakilala sa batang Adeng kaya napagpasyahan na lang nilang kupkupin ito pansamantala.

"Siya ang iyong Tatay Andres." Pagpapakilala ni  Nanay Beth kay Tatay Andres.

"Tay Adis!" Pagsunod ni Adeng ngunit sa murang edad, halatang hindi ito marunong magbigkas ng 'N'.

Natawa ang mag-asawa sa wika ng dati'y limang taong gulang na bata.

"Oo, ako ang iyong 'Tay Adis. Okay lang bang Adeng ang itawag ko sa'yo?" Tumango naman ang pilyong bata habang may malaking ngiti sa mukha.

Simula nun, naging Adeng na ang pangalan niya at kinupkop ito nila Nanay Beth. Simpleng buhay lang meron ang pamilyang Ignacio. Namamasukan bilang kasambahay si Nanay Beth sa pamilyang Uytengsu samantalang si Tatay Andres naman ay magsasaka ng nasabing pamilya.

Ang mga Uytengsu ay isa sa mga maimpluwensyang pamilya sa Cebu. Sa katunayan pa nga ay nakapangalan sa kanila ang bayang ito, ang Poblacion Uytengsu. Naninilbihan ang pamilya namin kay Mayor Felipe Uytengsu.

Nakikitira sila sa hacienda nila dito sa probinsyang bahagi ng Cebu. May mga mall at kumpanya rin sila sa iba't ibang bahagi ng Pinas. Bukod sa negosyante, maimpluwensya rin ang mga Uytengsu sa politika.

Mapapasana all nalang talaga.

Habang tinatali ni Adeng si Ding sa kanyang kulungan, hindi nito namalayan na may kung sinong bwisit na lumalapit papalapit sa kanya para gulatin ito.

"Boo!"

"Letche kang yawaa ka kolera kang dako!" Sunod sunod na mura nito nung lumitaw sa harapan niya ang kaibigan niyang si Renz na tuwang tuwa sa kanyang ginawang pananakot. Humahalakhak pa ito sabay palakpak.

"Bwisit ka. Kalami jud kumuton sa imo nawng (Ang sarap pigain mukha mo)." Inis na sabi ni Adeng. Hindi na bago sa kanya 'tong mga kalokohan ni Renz.

Anak rin si Renz sa isa sa mga kasambahay sa pamilyang Uytengsu. Sabay niyang lumaki ng siraulong 'to. Mula pagkabata, may pagkapilyo talaga ang isang 'to kaya naman ay si Adeng ang nagsisilbing tagasaway sa batang Renz.

"Aray! Sakit uy." Reklamo nito nung nakatangap ng sabunot sa buhok galing kay Adeng.

Bleh, deserb.

"Teka naman! Baka madamay 'tong pogi ko na mukha." Grabe naman talaga 'yung pagbubuhat ng bangko ng isang 'to.

"Pogi? Asan?" Hinawakan ni Adriane ang baba niya at tinignan ng maayos ang kanyang mukha. "Parang wala naman." Biro ni Adeng. Kumunot ang noo nito.

Pogi naman talaga ang isang 'to. Hindi naman siguro madaming magkakacrush sa kanya 'kung hindi 'to gwapo.

Mapula at buo ang mga labi. Matangkad. Matangos ang ilong. Yung mga mata niyang magiliw, na para bang nangungusap. Pero syempre, di ko sasabihin sa kanya. Baka mas lalong lumaki ulo nito.

"Palagi mo nalang akong ginaganyan babycakes. Hindi mo ba alam na ako 'yung nanalo sa pinakaunang Niyog Festival at pinangaralang Mr. Butong ng Poblacion Uytengsu?" Pagmamalaki pa nito sabay hawi sa buhok 

Inirapan lang siya ni Adeng.

Kita niyo na? Kaya hindi ko 'to pinupuri eh.

"Ba't kasi nangugulat! Kita mong may ginagawa 'yung tao oh."

"Seryoso mo kasi." Wika niya sabay upo sa kabila ni Adeng.

Binalatan niya ang saging na saba at tsaka ibinigay kay Adeng. Nagbalat rin siya ng saging para sa sarili. Tahimik ang dalawang kumakain ng meryenda habang nakaupo sa ilalim ng malaking puno ng mangga.

Sa kalayuan, kita nila si Ma'am Ellese sa hardin ng mansyon na may kausap sa kanyang cellphone habang nakaupo sa breton black chair na gawa sa metal. Bakas sa kanyang mukha ang pagkairita at pagkaproblemado.

"I swear to God Lucian! You're already turning 20! Hindi pwedeng puro pagpaparty na lang ang inaatupag mo. Learn to act your age!" Napasapo ito sa noo. "I'm so fed up with your excuses. You're coming home here sa ayaw at sa gusto mo."

Let's run through with Uytensu family tree, shall we? Taray English! Kaya mo 'yon? Like is this Tagalog? 

Si Ma'am Ellese ay ang nanay ng nag-iisang Mikkelsen Ford Uytengsu aka Sir Miks na siyang asawa ko- este crush ko. Ang asawa naman ni Ma'am Ellese ay si Sir James na siyang anak ni Sir Felipe. 

Sila ang pamilyang Uytengsu. Isa sa mga old money sa Cebu.

"Mukhang probelado si Ma'am Ellese ah." Sabi ni Adeng pagkatapos uminom ng buko juice na ginawa nila ni Renz.

"Balita ko dahil daw 'yan sa anak nila ni Sir James. 'Yung sakit sa ulo nila."

Kumunot ang noo ni Adeng sa narinig. "Hindi naman sakit sa ulo si Sir Miks ah! Bait nga nun. Napakaresponsible. Malumanay magsalita. Matalino. Magalang. Malaging sa lahat ng bagay. Tas pogi pa!" May halong kilig na sabi ni Adeng.

Tinignan siya ni Renz na para bang jinu-judge niya buong pagkatao ko. "Grabe, hindi naman halatang crush na crush mo 'no?"

Totoo naman eh. Crush na crush ko talaga 'yung si Sir Miks unang kita ko pa lang sa kanya. Nung nagka eye to eye kami feeling ko talaga nun bumukas 'yun langit tas narinig ko 'yung mga huni ng ibon tas may mga anghel na umaawit ng Halelujah.

"Pero hindi si Sir Miks. 'Yung bunso nila. Si Sir Lucian. Yung nag-aaral sa Manila."

Ah. Oo nga pala, may kapatid si Sir Miks.

Hindi pa nila nakikita 'yung kapatid ni Sir Miks. Madalang lang kasi kung bumisita ito sa Cebu. Sa Manila yata yun nag-aaral.Tas nung pumunta pa rito hindi naman lumalabas ng kwarto. Pero ang bali-balita ay napakapasaway raw nito. Babaero tas hilig ng party. Gastador at mabisyo rin daw kaya laging napapagalitan.

At sino ang source ng chismis? Syempre si Ate Sais Mary Yosef. Ang pinakatsismosang katulong ng mga Uytengsu.

"Ngek. San kaya 'yun nagmana no? Ang bait kaya ng mga magulang nila. Kaya nga ang perfect ni Sir Miks eh." Sabi ni Adeng habang pinapagpag ang kanyang short.

"Oo na crush mo na nga si Sir Miks. Idiin mo pa. Nakakasakit ka na babycakes ah." Umakto si Renz na parang sumasakit 'yung dibdib niya.

May pagkabaliw rin talaga 'tong isang 'to. Lakas ng amats.

"Nga pala, sabay ka sakin luluwas ng lungsod sa Lunes? Sabay tayo mag enroll." Pagbaling niya sa usapan. Kakatapos lang nilang grumaduate ng SHS. Tumigil kasi si Adeng ng isang taon dahil nagkasakit ito sa baga at kailangang magpahospital ng ilang buwan.

Napag-usapan nila dati na sabay silang magcocollege sa lungsod. Balak ni Adeng na kunin ay architecture tapos siya naman ay engineering kaso mukhang malabong mangyari 'yun.

"Ah.. tungkol d'yan..." Pano ko ba sasabihin 'to na hindi madidismaya ang kaibigan ko.

"Hindi kasi ako tutuloy." Mahinang sabi ni Adriane, sapat lamang para marinig ni Renz.

"Ano?! Bakit?!" Napatayo si Renz. "Diba usapan natin sabay tayong magkaka-college? Adeng naman."

"Renz..." Malakas itong napabuntong-hininga. "Hindi talaga pwede. Kapos sa pera eh."

"Diba may itinabi kang pera pang college? Matagal na nating pinag-ipunan 'to Adeng. Ngayon ka pa ba hindi tutuloy? Gusto mong mag college diba?"

Pangarap talaga ni Adeng makapagtapos ng pag-aaral. Gusto niyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Kaya naman lahat ng raket nung high school ginawa niya para makapag-ipon.

Nagbenta ito ng mga pagkain sa skwelahan. Pag may nagpapagawa ng assignment, projects, o essay ay ginagawa niya basta may bayad tas iniipon niya pambayad sa kolehiyo.

Hindi kasi pwedeng i-asa nito sa mga magulang niya 'yung pag-aaral niya sa lungsod. Sapat lang kasi 'yung kinikita ng kanyang magualang pangtustos sa pagkain nila araw-araw. Isa pa, may diabetes din si Tatay Andres kaya 'yung sobrang pera na kinikita nila, ipinambibili ng maintenance.

Kaya natuto rin ang batang Adeng na dumiskarte sa sariling paraan. Hindi man malaki, sapat na 'yung itinabi niya para sa pang college.  May mga state university rin naman sa Cebu na pwede niyang pasukan kaya mas makakatipid siya sa matrikula.

Yun ang plano nila. Kaso, mukhang malabong mangyari.

"Ginamit ko 'yung pera pambili ng gamot ni Nanay. Tsaka para sa pampadialysis niya." Pag-amin nito.

Malala na rin kasi ang sitwasyon ni Nanay. Sabi ng doktor sa bayan, may CKD Stage 5 na si Nanay. Sira na 'yung kidney niya kaya kailangan siyang magpadialysis kada buwan.

"Adeng naman!"

"Anong gusto mong gawin ko Renz? Hindi ko pwedeng pabayaan si Nanay Beth." Malungkot na wika ng nakatatanda. “Ano ba naman kung isasakripisyo ko 'to diba? Pwede naman akong mag college pag nakaluwag luwag na sa pera. Sa ngayon, mas importante sa'kin ang kalusugan ng Nanay ko.”

"Edi 'di rin pala muna ako magco-college kung ganun. Diba nga, walang iwanan?" Pagmamatigas ni Renz.

"Pano na lang kung may magkagusto sa'kin dun tas wala ka? Sinong magagalit sa mga secret admirers ko kung wala ang babycakes ko?" Pagmamaktol pa nito.

"Pakealam ko sa mga admirers mo aber? Tsaka isa pa, tanggap ka na sa entrance exam ng UC diba? Sayang naman ang slot pag 'di mo kinuha." Hindi siya nagsalita at tinitigan lamang si Adriane, nagbabasakaling magbago pa ang desisyon nito.

"Sige na tumuloy ka na. Susunod naman kasi ako." Hindi pa rin ito umimik. "Pangako."

"Iba pa rin 'yung sabay tayong nag-aral." Reklamo niya habang ngumunguso pa.

Kinurot ni Adeng ang labi ni Renz, "Clingy mo talaga. Kaya tayo napagkakamalang magjowa eh." Umakto si Adeng nasusuka sa sinabi siya.

"Wow. Diring-diri? Swerte mo pag nagkataon. Ako na 'to huy!"

"'Di ka ba kinakabag sa mga sinasabi mo? Utot-utot din pag may time." Sabi ni Adeng habang tinatawanan ang reaksyon niya.

"Ka damak nimo oy (Dugyot mo naman)."

"Mas dugyot ka. Mabaho pa paa mo." Inamoy ni Renz 'yung paa niya pagtapos. Kung hindi ka naman kalahating uto-uto.

"Di naman ah. Fake news ka."

"Kasalanan ko bang uto-uto ka?" Hinila niya si Adeng at inipit sa braso niya dahilan para hindi ito makahinga ng maayos.

"Yawa jud ka Renz!" Pagmura ni Adeng nung mas inipit niya pa ito at idiniin mukha ni Adeng sa dibdib niya.

Nadatnan kami ni Nanay Beth na nagkukulitan sa ilalim ng mangga. "Tama na 'yan! Nagpipisikalan na naman kayong dalawa. Para kayong bata." Saway niya dahilan para mabilis na pakawalan ni Renz si Adeng at umaktong walang ginawang katarantaduhan.

"Si Renz 'yung nauna Nay!"

'Sumbungero' Renzo mouthed.

"Nga pala. Adeng, punta ka muna sa mansyon. Hinahanap na ni Ma'am Ellese." Utos ni Nanay Beth.

"Ako po? Bakit daw po?"

"Hindi ko rin alam, nak. Baka may i-uutos."

Sumenyas si Renz ng 'hala, lagot ka'. Hindi na lang ito pinansin ni Adeng. May mga tao talagang pinanganak para ubusin ang pasensya mo, gaya ni Renz.

Tinungo ni Adeng ang napakalaking mansyon ng mga Uytengsu. Habang papalapit ito ay nakita niya ang itim na Sedan ni Sir Miks sa may garahe. Binagalan niya ng kaunti ang lakad niya para magkasabay silang pumasok ng mansyon.

Umuwang ang mga labi ni Adeng ng nakitang bumaba sa kotse si Sir Miks.

Jusko! Ang pogi talaga. Mga mata nitong chinito, 'yung matangos niyang ilong, at mga kutis nitong may pagka-honey like skin tone. Isama mo pa 'yung matalas na hulma ng kanyang panga at yung heart-shaped birthmark niya sa leeg.

Nagkasalubong ang mga mata nila at agad niya itong binigyan ng napakagandang ngiti.

Mikkelsen Ford Uytengsu. Pangalan pa lang ang bango na!

Nakakalula talaga! Feeling ko may mag-eedit nang naka slow motion. Kayo na bahala mag isip kung anong kanta as bgm:

A. Tadhana by Up Dharma Down

B. Tingin by Cup of Joe

C. RomCom by Rob Deniel

D. Tingin by TJ Monterde

Lord, kung hindi mo pa nakikita ang para sa'kin, may suggestion po ako.

"Hi Adeng!" Bati niya. "Kumusta?" Oo. I do kaagad!

"Ano 'yun? I didn't catch what you were saying?"

Litsi! Hindi ko namalayan na kusang nagsasalita ang bibig ko. Nakakahiya!

"Ah... Okay lang po ako Sir Miks! Ikaw po? Nakauwi ka na pala galing Palawan." Mahinhin niyang sagot. Napakamot si Adeng sa kanyang batok habang namumula pa rin ang pisngi. Kasi naman, nakaka-intimidate talaga.

"Yup. Kaninang umaga lang."

Nakita ni Adeng 'yung mga dala-dala niyang mga gamit. "Ako na po, Sir." Inalok ni Adeng si Miks ng tulong ko pero tinanggihan niya lang ito.

"It's okay. I can manage." Sagot niya. "And how many times did I tell you Adeng, just call me Miks na lang. Nakakatanda pakinggan ang 'Sir Miks'."

"Oo na, Miks..." Mahinang bulong ni Adeng habang kinikilig pa rin. 

Babe, ayaw mong 'yun itawag ko? Eme. Feeling ko ito na start ng love story namin. Love reax only please.

Inilapag niya muna sa lamesa ang kanyang dala bago lumapit ito kay Ma'am Ellese at binigyan siya ng halik sa pisngi bilang pagbati.

Pwedeng ako rin?

"Di tiya beh? Di ai tiya siah mih? (Have you eaten? What do you want to eat?)" Tanong ni Ma'am Ellese habang tinatawag 'yung ibang kasambahay para kumuha ng inumin para kay Sir Miks. Hindi masyadong naiintindihan ni Adeng 'yung sinasabi nila. Madalas Hokkien ang ginagamit ni Ma'am Ellese.

"I'm fine, Laobu." He replies. "By the way, Lucian called me. Nagsumbong na naman kasi pinagalitan mo daw."

"Great! Ako na naman ang pinagmukha niyang masama."Hinilot niya ang kanyang noo na para bang na-i-stress sa kanyang bunsong anak. "Your shoti never learns. I swear to God tatanda ako ng maaga dahil d'yan sa kapatid mo."

"He mentioned you're bringing him back in Cebu. Is that true?"

"He needs to learn. Hindi pwedeng puro pasarap lang ang gagawin niya sa buhay. Hindi pwerket he's far from us ay ibig sabihin he'll do what the hell he wants." Litanya ni Ma'am Ellese. "Kaya nagkakaganyan 'yan kasi pinapabayaan lang ng Guama niya."

"Alam naman natin ang reason kung ba't siya nagkakaganyan." Bakas sa boses nito ang pagsisimpatya.

"The world is not going to stop moving just because some girl broke his heart." Matalim sa sagot ni Ma'am Ellese. "I'm doing this for him. Mahihirapan siya mag move on kung palagi niyang nakikita ang babaeng 'yun."

"But what about his studies?"

"I'm sending him to USC. I already talked to the dean and he agreed."

"Pano 'yan he's not familiar dito sa Cebu. And that school takes about 3 hours from here." Pagre-reason out ni Sir Miks, bakas ang pag-aalala para sa kapatid niya.

"Bumili na ako ng condo para dun siya mag stay." Agarang sagot ni Ma'am. "And besides, I already have that figured out." Tinignan ni Ma'am Ellese si Adeng. Kanina pa ito tahimik sa gilid habang pinagmamasdan silang mag-usap.

"Adeng. I'm hiring you to watch over my son.You're almost the same year as Lucian so that won't be a problem." Nagulat ito sa sinabi ni Ma'am Ellese.

Kaya niya ba ako tinawag dito? 

"Po?"

"Diba magcocollege ka na? I've heard from Beth na hindi ka pa nakapag-enroll. I know you want to take up college so I'm giving you this opportunity and at the same time, you have to help me with my son in return." Yung pagka sabi ni Ma'am Ellese ay para bang ang dating niya ay “I can buy you, your friends, and this club” lang.

Napag-isip isip si Adeng. Kakayanin ko ba? Marami akong narinig tungkol sa bunsong anak nito. Kesyo maldito, suplado, babaero, sakit sa ulo. Lahat na yata ng negatibong bagay na sa kanya.

Bago pa man makapagsalita si Adeng ay nagsalita ulit si Ma'am Ellese.

"I have arranged the schedule para pareho kayo as much as possible. I've got your tuition fee covered, your monthly expenses, I also shouldered where you're going to stay and on top of that, may sahod din ang pagbabantay mo sa anak ko. All you have to do is look after him and make sure to keep him away from doing stupid things." He saw her smirked. Sinigurado niya talagang hindi ito makakatangi sa alok niya.

Lumunok si Adeng at tinignan siya sa mata.

"Kailan po ako magsisimula, Ma'am?"