Chapter Text
“So ano, babygirl? Kanina ka pa tulala diyan. May gusto ka bang sasabihin? Sige na, while the night is still young.” At doon na sinabi ni Seonghwa lahat ng gusto niyang sasabihin kay Hongjoong.
“Alam mo, since nakita kita doon sa hospital, na love at first sight ako sayo. Pero natakot ako, akala ko mahusgahan mo ako dahil isa akong single parent, natakot ako na di tayo magkita ulit, maliban nalang kapag either si Harin o ako ang magpa-xray sa hospital niyo, at natakot ako na dahil sa trabaho mo, hindi kita makikilala ng mas malalim pa.” Huminga si Seonghwa ng malalim.
“Before I had Harin, I dated and almost married her biological dad, but just the moment bago ko siya ipanganak, I caught him cheating with someone. Nasaktan ako ng todo, and I called the wedding off, kasi sino naman ang may gustong mag asawa ng manloloko, ‘di ba? It costed me being hated by his family, pero wala na akong pakialam diyan.”
“I took care of Harin myself since then, tapos naghihire lang ako ng caretakers or ask for my parents’ help kapag nagwowork naman ako. Kinaya ko naman, pero yung puso ko, nananabik.”
Ino-obserbahan ni Seonghwa na tumitingin si Hongjoong sa kanya, at nakikinig ng mabuti sa kanyang mga sinasabi. ‘Sige na, ilabas ko na lahat. Kahit hindi maging kami, basta malaman niya lang gaano ko siya willing mahalin.’
“It was yearning for love. For someone na mahalin ako kahit sino man ako at yung mag-aalaga kay Harin ng mabuti. That’s why, kahit trabaho mo lang man yun, I fell in love with you, unang kita palang. Kagwapuhan mo aside, I knew you would be someone na mag-aalaga at magmahal kay Harin kahit hindi ikaw ang tunay niyang tatay. I knew that you are someone willing to do anything for me, I knew that you will make sure na feel ko yung love mo, and I knew. I knew that you will love me, kahit magiging sino pa man ako.” Umiiyak na si Seonghwa.
“Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo maging parte ng buhay namin, kung ayaw mo maging tayo. Pero pwede ba, kahit ngayon lang, mahalin mo ako? Tapos ako na bahala magkalimot na nangyari ito lahat.”
Nilabas na ni Seonghwa lahat ng damdamin niya kay Hongjoong. At this point, wala na siyang pakialam kung humagulgol na siya sa harap niya, basta lang mailabas niya ang kanyang feelings sa kanya. Tanging gusto niya lamang ay maging sila sana ni Joong at magkasama sila habang buhay, kung papayag naman siya.
Bago siya kumuha ng tissue sa kanyang bag para punasan ang kanyang luha, hinawakan ni Hongjoong ang kanyang pisngi at pinunas ang luha ni Hwa. “So, ganito pala ang nafifeel mo about sa akin.” Si Joong nanaman ang huminga ng malalim, bago ilabas ang kanyang damdamin kay Seonghwa.
“You know, nung estudyante pa ako, ako yung competitive type, I always wanted to be number 1 in everything, sa scores, sa ranking, at sa pagiging best intern sa school namin. Alam mo na, for someone like me, that costed me enemies sa aking mga blockmates ko. Pero I did not give a fuck about them, as I just really wanted the best for myself. Aside from that, I picked up a lot of hobbies, and that’s where I found DJ-ing to be one of my passions.”
“Just like the people na umattend ng mga sets ko sa every bar, I get lost in the music myself too, so much that I forget to feel everything. Kahit gaano pa ako ka reklamador sa aking work both as a radtech and DJ, I still do it regardless, kasi it fills the emptiness that I have in my heart. But deep inside, I know that was not enough, and I know my heart also yearned for love, just like you.”
Tumigil muna sandali si Hongjoong sa pag usap kay Seonghwa para lumipat ng pwesto. Nung nakahanap na sila ng tamang pwesto, nagpatuloy siya sa kanyang kwento.
“Honestly, whenever nakikita ko na magkasama sila Yunho at Mingi since nung mga araw namin as radtech students, nagseselos ako. Because they got each other to lean on, and kahit friends ko naman sila at si Jongho, I can’t just rely on them three at all times naman, kasi may sarili rin silang iniisip. Pero yun nga, nagseselos ako kasi silang dalawa, they could just talk to each other tapos mawawala agad kung ano man ang iniisip nila, and they could just get lost in each other’s company.”
“I wanted that for myself too. Pero dahil napaka competitive ko talagang tao, maraming lumayo sa akin, and for those na may gusto naman sa akin? I did not want them, and of course, ayoko naman maging gago sa kanila, so I just rejected them directly. Until now, nananabik talaga ako na may magmamahal sakin, kahit sino pa man sila. Just like you, gusto ko rin may makasama ako hanggang sa dulo.”
“And for that, I am so glad that we got here, Park Seonghwa. Masaya ako na dito tayo pinalad ng kapalaran natin. I’m happy I finally got to know your name.” ‘Ito na, Hongjoong. Wag mo sayangin ang oportunidad. Huwag ka na matakot na aamin sa kanya, deserve din niya malaman ang feelings mo.’
“Gusto ko maging tayo, Hwa. Mamahalin kita habang buhay, hindi lang ngayon, hindi lang bukas, hindi lang sa mga pinipili na araw. Gusto kong ikaw palagi ang nasa tabi ko pag umuuwi ako galing sa trabaho. I want you to be mine and I want to be yours as well. All those pain you got in your past relationship? I will always make sure that you will never feel that way. Pwede ka maging assured na I would never replace you with someone else, kasi ikaw lang ang laman ng puso ko.”
“So, Park Seonghwa, can I be your boyfriend?”
Oh shit.
Umiiyak na si Hwa ng malakas.
“Yes! Of course, yes! Oh my god, totoo ba ito?!” Ani ni Seonghwa, na agad natatawa si Hongjoong habang lumalabas na rin luha niya. “Yes, babygirl ko, this is all true. I want to be your boyfriend. Also, the bar’s about to close. Gusto mo bang umuwi muna sa condo ko?”
“Yes, Hongjoong. I’m so happy na you reciprocated my feelings.” Tumigil na ang iyak ni Hwa, pero may bakas ng luha parin ang mukha niya. Pinunasan naman siya ni Joong gamit ng tissue niya.
“Come out. Let’s go home to my condo na.”
