Actions

Work Header

ajinami

Summary:

a short jeongcheol filo fic kung saan hindi pang casual si jeonghan (nami) kaya sabi ni seungcheol (aji) seseryosohin naman daw niya si nami

kaso ay!

ex ni nami si tropa (byeon woo seok/kiyo)

eh kaso may laban naman si boss aji diyan, sabi niy nga, “ako naman nauna eh.”

edi paano na yan?

Notes:

jeonghan — namiel
seungcheol — aji
woo seok — kiyo
mingyu — ryker
kenzo — dino
hoshi — yshin
wonwoo — aoi
seungkwan — vannie

for visual purposes: https://x.com/souslesouffle/status/2050167365514764762?s=46

(See the end of the work for more notes.)

Chapter Text

Alejandro Choi is a direct man.

Napapangitan siya sa ugali mo? Sasabihin niya.
Nalukot mo yung plate niya nung pinapasa ng mga kaklase niya? Sasabihin niya.
Naiinis siya sa’yo? No hesitation, sasabihin niya.
Gusto ka niya? Sus, “Pwede ka bang ligawan?” ang sasabihin niya.

Pero parang naumid ang dila niya dahil kay Namiel Yoon.

Ayaw naman talaga gumawa ng paraan ni Aji para pormahan si Nami eh. Ex ng tropa niya eh, alam naman niya ang salitang bro code. Pero kasi, nauna siya kay tropa.

Freshman year pa lang, nakuha na ni Namiel Yoon ang atensyon ni Aji. Eh paanong hindi? Ayun ata naging reward niya galing sa universe nung maaga siyang pumasok sa nag-iisa niyang subject noon. Tapos andon si Nami, naka-org shirt habang nakikipagtawanan sa mga kaibigan nito sa harap niya.

Paano hindi makukuha ang atensyon niya? Ang puti, tapos mukhang ang lambot ng balat. Parang never nagkaroon ng peklat, parang mahal na mahal ng magulang at hindi pinapalabas ng bahay. Tapos ang pula pa ng pisngi at labi. At isa pa, kuhang-kuha siya ng buhok eh. Hindi nga kayang sabihin na gwapo lang si Nami kasi maganda rin. Pero kulang pa rin sabihin na poganda lang si Namiel. Parang nung ginawa ni Lord, tinake talaga yung time.

Doon nag-start maging crush ni Aji si Nami.

Ilang buwan pa lang ng freshman year, crush na crush niya na ’yon. Kaso doon din na-realize ni Aji na torpe pala siya pagdating kay Namiel. Paano niya nasabi?

  1. Nabunggo siya ni Namiel sa harap ng clinic nung nakitulog siya roon. Nag-sorry si Namiel pero parang naiwan ni Aji yung dila niya sa panaginip niya at natulala lang kay Nami.

  2. Nasa tabi niya si Nami sa cashier nung bayaran ng tuition fee nila, pero parang naging puno ng kahoy si Aji kasi halos magkaroon na siya ng stiff neck wag lang lumingon kay Nami.

Oh, last na. Marami pa, pero parang mauubos ata ang oras sa dami ng interaction nila ni Nami na naging puno lang siya.

  1. Inabutan siya ni Nami ng drink nung one time na nag-bar sila ng mga tropa niya. Tinanong pa pangalan niya pero anong response ni Aji? Wala.

Kung susumahin, pwede naman umamin si Aji eh. Single naman siya. Gusto niya na nga raw magbago at iwan ang pagiging chickboy niya nung high school, pero parang nasobrahan naman ata pagiging weak shit niya at pati sa crush niya, di siya makaamin.

After no’n, natapos na ata freshman year nila tapos bago magpasukan, may ipapakilala raw si Kiyo—tropa nila na nakilala lang nila nung first day of school.

Tangina.

Ayon lang nasabi ni Aji eh. Paano ba naman, gago, sino yung pinakilalang boyfriend sa kanila? Edi si Namiel Yoon! Yung crush ni Aji na maganda, pogi, at mukhang malambot!

“Ito si Ryker, tapos ito—” humarap sa kaniya si Kiyo pagkatapos magkamayan ni Namiel at Ryker. “Si Andro ’yan, tropa rin. Matalino ’yan. Kapag nagpagawa tayo bahay, pwede agad si Andro sumagot.”

Ngumiti nang matamis si Namiel sa kaniya. Yung tipong ikaw na lang lalanggamin sa sobrang tamis.

“Namiel.”

Tangina. Tangina. Tangina.

After ata ng encounter na ’yon, ilang araw uminom si Aji. Kasi tarantado ’yon si Kiyo pero napasagot si Nami? Eh naging isa nga sa dahilan kung bakit di niya na tinuloy yung plano niyang magpakilala kay Nami kasi baka masabihan siya ni Nami na gago dahil sa dami rin ng naging chiks niya eh.

Ayon, halos walong buwan na sina Kiyo at Namiel. Halos naging close na rin si Aji at Namiel dahil lagi siyang sinasama ni Kiyo sa hangout eh. Tipong nasa close friends na siya ni Namiel, tapos sa mga exclusive cute pics? May subscription na rin si Aji eh. Sa isip-isip niya, “Ah, pwede na rin ’to. Friends.” Tangina, mas legal pa nga siya sa friends ni Nami kaysa kay Kiyo.

Paano, ang gago ni Kiyo. May usapan na susunduin si Namiel nung umuulan pero mas pinili mag-billiards kasama ibang tropa niya. Ang ending? Siya pa naghatid kay Namiel sa bahay nila kasi nakita niya na nakasimangot na ito sa labas ng Uncle John’s sa tapat ng condo niya.

Nasabi na ba ni Aji na legal na rin siya as a friend sa parents ni Nami? Friends na nga sila ni Mama Yoon sa Facebook, lagi pa siyang sinesendan ng FB reels tungkol sa mga AI fruits videos at mga salita ni Father.

Parang simula nung nag-fuck up si Kiyo nung hindi nasundo si Namiel, nag-sunod-sunod na. To the point na parang si Aji na yung boyfriend ni Namiel. Hindi naman sa tina-try ni Aji kunin loob ni Namiel ah. Huwag niyo naman siya husgahan. Naka-buzz cut man siya, di siya katulad ng mga marinong nasa dms mo.

Paanong hindi magiging proxy boyfriend si Aji—ayan tawag sa kaniya ng mga friends ni Nami—eh pag disappointed si Namiel sa tropa niya, sa kaniya magra-rant. Pag pumasa sa exam, siya agad pagsasabihan. Pag gusto kumain ng nakita ni Nami na food sa fyp niya sa TikTok, siya agad sinesendan. Halos nasa ilang daan na nga rin yung streak nila. Full gear na rin yung pet streak nila, so imagine mo na lang kung gaano na sila katagal close.

Hindi naman sana magiging gano’n ang setup nila Aji at Nami kung hindi lang gago si Kiyo eh. Dito galit na galit si Aji eh, parang single umasta. Imbes na makipag-date sa boyfriend, makikita mong nakikipaginuman sa Pobla o kaya sa Taft. Minsan naman nasa bilyaran o kaya nasa karerahan. Ikaw mamili ng side quest dahil lahat ’yan napupuntahan ni Kiyo.

Tangina, si Aji hindi na nakakagala nang hindi kasama si Nami eh. Pati nga si Ryker na best friend niya, tinatanong kung kailan siya pwedeng makasama sa gala.

Kung legal na si Aji sa side ni Nami, aba hindi naman papatalo si Aji.

Kilalang-kilala na ng mama ni Aji si Nami. Alam kung anong favorite flavor sa mga binebake niya. One time nga, tinuro pa kay Nami yung pinamanang recipe ng apple pie ng lola ni Aji. Eh sa pamilya nila, pinapasa lang daw ’yon kapag naging pamilya ka. Eh kaso diba, mag-best friend nga lang yung dalawa.

Yung papa ni Aji, mas nami-miss pa si Nami kaysa sa kaniya eh. Tatanungin niyan kailan ulit dadalaw si Nami kasi paglulutuan niya raw ng lechon paksiw. Eh siya nga pag nagre-request ng menudo, napapanguso na lang papa niya at sasabihin, “Kuya, marunong ka naman magluto niyan. Laki-laki mo na.” Pero pagdating doon kay Nami, ganito ang papa niya: “Kuya, tanungin mo si Nami kung gusto niya menudo. Sinisipag ako ngayon eh.”

Minsan nga feeling ng pamilya niya, nobyo niya si Nami eh. Mas lalo na yung bunso niyang kapatid, jusko.

“Kuya Nami, sana bigyan niyo na ako ng pamangkin ni Kuya. Mas prefer ko sana babae, wala kaming kapatid na babae eh.”

Parang nawalan ng hangin noon si Aji kasi bakit nanghihingi ng pamangkin yung kapatid niya kay Nami?!

Ayun, lumipas na ata isang taon. Third year na sila. Ilang buwan nang hindi nag-uusap si Aji at Nami. Eh paano, parang nasa verge na ng breakup yung dalawa.

Ang gagong si Kiyo, nahuli ni Nami na nakikipaglaplapan sa library. Ayun, galit na galit si Nami. Yung tipong napagalitan na siya ng librarian pero wala pa ring paki kasi nandidiri siya. Hindi naman naiyak si Nami eh, minake sure ’yan ni Aji, pero gago, sa pula ng ilong noon ni Nami parang mas nakakatakot eh.

Kaso parang di lang dahil doon kaya di siya pinapansin ni Nami eh. Eh paano, gago, kiniss siya ni Nami.

Hindi alam ni Aji kung dahil ba nakainom si Nami o ano, pero gago, parang nawala yung amats niya no’n tapos si Nami parang nothing happened. Pero kinabukasan, gago, umuwi na mag-isa tapos blinock siya sa IG? Eh gago, hindi alam ni Aji yung phone number no’n. Kabit na kabit datingan niya eh, sa IG lang sila nag-uusap.

Ayon, nakipag-FO na rin sila Aji doon kay Kiyo kasi gago. Tangina, mas tropa pa ni Aji si Nami eh kaya syempre kakampihan niya.

Ang lala nga eh. Natiis siya ni Nami ng ilang buwan. Parang pa-end na yung first sem tsaka lang ulit siya in-unblock. Halos lumuhod na siya sa church para magpasalamat eh. Kaso parang di na kaya ibalik yung dati. Parang nagkaroon ng lamat dahil sa ginawa ng ex-tropa niya kay Nami. Which is understandable naman. Ang gago lang talaga ni Kiyo.

Edi nag-move on na lang niyan si Aji. Parang nagiging bahay na niya yung bar kakainom nila. Tangina, parang dinaig niya pa yung isang gago kung makawalwal at maka-move on kay Nami eh.

Fourth year. Gano’n katagal na ang nakalipas pero hindi pa rin talaga pinapansin ni Nami si Aji eh. Na-busy na rin si Aji kasi nag-OJT na siya, kaya medyo nakalimutan na niya si Nami.

Highlight natin yung “medyo” kasi naka-on pa rin notifs ng account ni Nami kay Aji. Siya lagi first viewer ng IG story ni Nami, pati first like sa posts. Tapos sa TikTok, naka-on din notifications niya kay Nami. Yung pet streak nila matagal nang wala pero yung pagiging top 1 sa notifications ni Nami? Pangalan pa rin ni Aji ’yon.

Naging social media influencer na kasi si Nami. Dati yung gago lang niyang tropa yung kaagaw niya, ngayon parang nasa 500k na. Tanginang ’yan, nasa unahan kaya siya ng pila. Sana alam nila.

Grabe na nga pagpapapansin ni Aji kay Nami eh, kaso di niya alam kung sadya ba ’yon o masyado lang maraming bagong moots si Nami kaya di nakikita IG story niya. Papapogi pa siya nang ilang oras para may ma-story tapos halos mag-expire na, di pa rin nakikita ni Nami. Halos makotongan na nga siya ni Ryker kasi napipikon na kakapicture sa kaniya.

Hindi nga alam ni Nami na hindi na buzz cut buhok ni Aji eh. Lagi pa naman siya inaasar noon na itlog o kaya marino. Minsan mas malala pa, criminology student daw siya.

Eh pero one time, di pa pala siya tinatanggal ni Namiel sa close friends nito. Nag-story ng:

“Hindi ako pang-casual lang.”

Eh si Alejandro Choi, pinanganak atang papansin ni Terry Choi. Ayun, nag-reply ba naman. Sa totoo lang, hindi alam ni Aji kung anong sumapi sa lakas ng loob niya eh.

alejandroochoi replied to your story:
Seseryosohin naman kita.

Ayan reply niya sa Instagram story ni Namiel eh. Gago, kung siya si Nami, di niya rereplyan sarili niya eh. Chickboy datingan nung binasa niya ulit.

Eh kaso parang mahal na mahal siya ni Lord, nireplyan siya.

itsnamiel: ?? HAHAHAHAHAHA raulo ka talaga Aji

alejandroochoi: Ay
alejandroochoi: Ex ka nga pala ng tropa

Halos mapunit labi ni Aji nung araw na ’yon kakangiti. Parang gusto niya sabihin kay Engineer na siya na maghahalo para matapos agad OJT niya tapos makikipag-bebe time na lang siya kay Nami.

Di talaga ineexpect ni Aji na rereplyan siya eh. Pwede naman palang gano’n—mag-reply lang sa story. Nagpapapansin pa siya sa sarili niyang IG story na di naman vini-view ni Nami tapos halos makotongan pa siya.

Nireplyan pa siya no’n ni Nami eh.

itsnamiel: crazy ka talaga!!!
itsnamiel: mga ugali niyong magtotropa ah
itsnamiel: I dunno talaga bakit ikaw naging close ko

alejandroochoi: ikaw eh, di mo sineseryoso sinasabi ko

Tinetest na ni Aji yung tubig eh, kung maiilang ba si Nami pag tinry niyang i-joke yung panghaharot niya rito. Pero parang di naman ata naiilang si Nami kasi nirereplyan pa rin siya eh.

itsnamiel: my gosh Aji 🙄 spare me with your kalokohan
itsnamiel: my relationship with your tropa was a disaster

Napa-luh na lang mukha ni Aji eh. Bakit siya parang idadamay ni Nami doon sa gago na ’yon eh iba nga siya.

alejandroochoi: di nga kalokohan boss
alejandroochoi: palagan mo ’ko isang beses lang
alejandroochoi: ako na bahala

Ayan. Try lang.

Kaso gago, sinabihan lang siya ni Nami ng, “Ewan ko sa’yo,” tapos biglang nag-bye. Na-wrong move pa ata siya. Pero hindi basta susuko diyan si Aji. Hindi siya pinalaking quitter ni Mama Terry niya, tsaka parang nakikiisa naman universe sa kaniya.

Nasa labas sila ni Ryker, Kenzo, at Yshin—boyfriend ni Ryker. Nagce-celebrate sila ng achievement ni Kenzo dahil nakapasa raw ng major niya. Sino mag-aakala na first year college na yung kapatid niyang dati nanghihingi lang ng pamangkin kay Nami?

Edi nanlibre siya ng pizza kasi ’yon ang request ng kapatid niya. Sino ba naman siya para humindi eh bunso ’yon.

Nung nag-vibrate phone ni Aji, napatingin agad siya. Eh paano, konti lang naka-on na notifications sa kaniya. Messenger, iMessage, Teams, Instagram, TikTok lang. Priorities kumbaga.

Edi syempre alam niyang either work ’yan o yung bebe niya. At hindi naman siya mali.

Nag-post lang naman si user itsnamiel sa Instagram niya. Mukhang brand sponsorship pa ata. Fifteen seconds pa lang nakakalipas pero naka-heart na agad si Aji. May sound pa ngang kanta ni Kali Uchis tapos title na Sugar! Honey! Love! Gano’n kaagap mata ni Aji kapag connected kay Nami eh.

Syempre as a papansin, tamang send lang ng message kay Nami. Congrats tapos konting harot. Nalaman pa nga niya na first big sponsorship ni Nami yung collab niya eh. Di alam ni Aji kung improvements ba tawag doon o para may ma-topic lang, pero tinanong siya ni Nami kung ano ganap niya. Edi sinabi niya. Napagkuwentuhan pa nga nila si Kenzo na ang bilis daw lumaki. Napatawa pa nga niya si Nami sa joke niya, so baka nga improvement ’yon.

Ilang araw nakalipas, di pa rin nagpo-post ng updates si Nami. Hindi na busy si Aji kaya feel na feel na niya yung pangungulila.

Again, pinanganak siyang papansin ni Mama Terry. Kaya ang solusyon ni Aji? Edi mag-IG story. Pero naka-mention si Nami.

Well… mukhang effective naman kasi nag-reply si Nami. Tinanong bakit daw siya naka-mention eh honest nga si Aji, diba? Edi simple.

alejandroochoi: Para makita mo agad
alejandroochoi: Baka pa-expire na ’yan wala ring view
HAHAHAHAHAHA

Kaso parang Namiel is not having it kasi nireplyan lang siya ng:

“Mga linyahan niyong magtotropa talaga.”
“At ang corny mo.”

Tapos nung nireply ni Aji na:

“Seryoso ako sa’yo.”

Bigla na lang siyang sineen.

Sa pikon ni Aji, napa-tweet siya at unblock kay Kiyo eh.

Andro @alejandrochoi
Di talaga makaporma dahil sa’yo eh, @kiyouy tangina mo

Gago. Ayaw niya talaga mapareho kay Kiyo eh. Kahit itabi lang pangalan niya kay Kiyo, naiinis siya. Eh gago ’yon eh. Siya nga nag-retire na simula nung makilala niya si Nami.

Gago, ewan ba ni Aji pero parang naka-hide na ata story ni Nami sa kaniya. Eh paano, magkasama sila ni Ryker tapos biglang sabi:

“Pre, nasa Pobla din pala si Nami ngayon?” sabi ni Ryker sabay pakita pa ng picture ni Nami kasama mga tropa nito.

Tapos pagtingin niya sa Instagram account niya, wala namang post.

“Luh, baka blinock ka, Kuya,” dagdag pa ni Kenzo.

Tangina. Nanghina si Alejandro doon eh. Ang sakit ni Nami sa puso kamo. Hinide yung story sa kaniya? Eh ayun na nga lang nakukuha niyang update dito eh.

Edi napainom na lang si Aji to the max. Napawalwal eh wala naman ’yon sa plano kasi ihahatid niya pa si Kenzo sa bahay nila.

Mag-CR lang sana si Aji eh kaso may bumangga sa kaniya. Eh matabil dila ni Aji edi nainis siya. Nahihilo na nga, binunggo pa.

“Hindi man lang mag-sorry eh no?” ani Aji habang hawak pa noo niya.

Nakatalikod lang sa kaniya yung bumangga. Di niya nga maaninag kasi tangina, ang sakit sa mata nung ilaw tapos may astigmatism pa siya. Edi parang siya so Rue sa Euphoria sa nakikita niya.

“Tsk. Di man lang humarap.”

Lasing na ata talaga si Aji kasi pagkapagsabi niya no’n, humarap sa kaniya yung bumunggo tapos gago. Lasing nga ata talaga siya at naghahallucinate o kaya siya talaga si Rue kasi parang high na high siya at nakikita niya si Namiel Yoon.

Pinukpok tuloy ni Aji ulo niya sa pader habang bumubulong ng, “Gago, gago, gago.”

Tapos naramdaman niyang may humawak sa braso at noo niya, pinipigilan siyang ituloy yung pagpukpok.

“Aji…”

Gago, para siyang tinatawag ng mga anghel o kaya fallen angel na si Lucifer kasi naaakit siya sa boses nung nagsasalita. Nababaliw na ata siya.

“Aji, tigilan mo nga ’yan. Namumula na forehead mo.”

Hawak-hawak na talaga ni Nami noo niya.

“Tangina, nagsasalita yung anghel.”

Nakapikit pa nga si Aji habang nagsasalita eh. Baka kasi pagdilat niya mawala yung boses.

Narinig niya pang may mahinang tumawa.

“Para ka talagang tanga.”

Gago, sino ba yung nagsasalita? Sinabihan pa siyang tanga eh nakita niya nga kanina si Nami nung nasanggi siya. Napadilat tuloy si Aji.

Tapos ayun. Parang gusto niya pumikit ulit kasi totoong si Namiel pala kaharap niya.

Nakasuot si Namiel ng fitted long sleeves tapos naka-open pa yung bandang dibdib. May clips pa sa buhok tapos namumula labi niya. Ang ganda-ganda, may pink glitter eyeshadow pa.

Parang di makapaniwala si Aji sa nakikita niya. Wala nga rin siyang masabi eh.

“Gusto kitang i-kiss.”

Tangina, ayan na lang nasabi ni Aji eh. Sobrang lakas ng amats nung nainom niya parang nawawala na talaga siya sa ulirat.

Kaso gago, hindi alam ni Aji ano nangyari bakit nasa smoking area na sila tapos naghahalikan na. Tangina, pumayag ba talaga si Namiel? Nararamdaman niya kumikirot ulo niya pero dedma kasi gago, ang sarap nung nalalasahan niya.

Ramdam na ramdam ni Aji yung paglalaban ng mga dila nila eh. Humahalinghing pa si Nami. Nakakabaliw.

“Aah…”

Napaungol na lang si Aji nung sinabunutan siya ni Namiel. Kinagat pa labi niya.

Ang bango ni Namiel, gago. Totoo nga first impression niya rito—malambot nga. Dati nung kiniss siya ni Nami, di niya naramdaman kasi nagulat siya eh. Ngayon feel na feel niya. Parang first kiss niya ulit ’to.

“Baby, wait lang… Yung zipper ng damit mo bumaba na,” sabi ni Aji.

Nababa na kasi niya zipper ng fitted long sleeves ni Nami.

Napakunot pa noo ni Nami nung tumigil sila mag laplapan eh, napapadyak pa kasi sinara ni Aji yung damit niya eh gusto niya nga mag pa-dede mamaya.

 

Hindi na talaga alam ni Aji kung si Nami ba talaga yung kahalikan niya kasi sobrang sabik eh. Parang tumutugtog yung Halik Sobrang Diin habang naghahalikan sila. Nararamdaman niya pa yung kamay ni Nami na humahawak sa tite niya.

Again, hindi siya pinalaki ni Mama Terry na weak shit kaya binawian niya si Nami. Hinawakan niya balakang nito at hinila palapit tsaka nilamas yung pwet, hindi pa nga nakuntento si Aji pinasok pa talaga yung kamay sa pantalon ni Nami para maramdaman mabuti.

Good choice naman, ang lambot eh.

Hindi nila alam kung ilang minuto sila naghahalikan o kung minuto lang ba ’yon o isang oras. Ayaw pa nga huminto ni Nami kung hindi lang panay vibrate ng phone ni Aji sa back pocket niya eh.

Hingal na hingal silang naghiwalay. Kitang-kita sa mukha ni Aji na galing laplapan eh. Yung black sando niya gusot na, yung necklace niya napunta na sa likod, may hickey pa siya sa leeg tapos may sugat labi niya kasi gigil na gigil si Nami. Gulo-gulo pa buhok niya.

Si Nami naman parang galit pa rin. Nakabusangot kahit namumula labi. Yung damit niyang naka-open sa dibdib nasa kalahati na ng tiyan niya. Yung buhok niya magulo na rin.

Gano’n sila kasabik sa isa’t isa.

“Tumatawag si Kenzo.”

Pero parang hindi talaga natutuwa si Nami kasi tinaasan niya lang ng kilay si Aji na parang nagtatanong ng, “Ano gagawin ko?”

“Hahatid ko pa ’to sa Bulacan,” paliwanag ni Aji.

Eh kaso mas lalo ata hindi natuwa si Nami at inapakan paa niya.

“Tanga ka talaga. Nakainom ka tapos uuwi ka?!”

Naku, nasigawan si Aji. Ganitong-ganito sila nung second year college sila eh. Pinapagalitan siya ni Nami kapag di siya nag-iisip.

Para makabawi, hinalikan na lang ni Aji mukha hanggang balikat ni Nami. Kaso parang di effective kasi nakabusangot pa rin yung isa.

“Ano ba! Naiinis ako!”

Jusko. Naiinis daw pero kapit na kapit sa kaniya. Buhat-buhat na nga niya si Nami habang nakasandal sila sa railings ng smoking area.

Edi syempre tama naman si Nami. Bakit magda-drive pa siya pa-Bulacan eh nakainom nga? Bakit hindi na lang daw patulugin muna si Kenzo sa condo o kaya ipa-Grab na lang.

Si Namiel Yoon ang amo, edi ano nangyari? Nag-Grab na lang si Kenzo from Pobla to Bulacan. Chinat pa niya si Mama Terry para sabihin na—

Alejandro Choi: Mama, pinag-Grab ko na lang si Kenzo pauwi. Pinagalitan ako ni Nami eh, nakainom daw ako tapos magda-drive.

Terry Choi: Jusko, buti andiyan si Nami. Ikaw bulok ka talagang bata ka. Alam nang nakainom magda-drive pa papunta dito? Susumbong na kita kay Nami!

Tingnan niyo? Parang hindi nila anak si Aji. Kahit parang isang taon na nakalipas, mas turing pa rin nila kay Nami anak kaysa sa kaniya eh.

Pagbaba ni Aji ng cellphone niya, tinitingnan niya lang si Nami na nag-aayos ng buhok at damit. Nandito sila ngayon sa loob ng CR. Oo, nakalabas pa sila ng smoking area.

Napansin ata ni Nami na nakatingin siya kaya tinaasan na naman siya ng kilay. Ang attitude talaga. Ano bang nangyari sa bebe niya?

Grabe magsungit si Nami ngayon eh. Parang maldita na ’to dati pero mas malala ata ngayon. Buti na lang cute.

“What?” tanong ni Nami sa kaniya kasi dedma sa taas ng kilay niya eh, titig na titig pa rin siya.

“Kiniss mo ’ko eh. Binigyan mo pa ’ko ng hickeys. Hindi isa lang eh.”

Napangunot lalo noo ni Nami. “Bakit? May magagalit sa’yo? Mawawalan ka babae?”

Napatawa nang mahina si Aji. Babae raw eh bagong buhay na nga siya.

“Di ah… Di ako gano’n.”

“Whatever, Alejandro. I’ll go na,” paalam nito habang sinusuot bag na kinuha niya ulit sa table nila.

“Luh? Uuwi agad?” pagpigil ni Aji habang hinahawakan braso ni Nami.

“Alangan?”

Parang gusto ni Aji mawalan ng malay sa tono ni Nami. Yung tipong kasalanan mo na agad kahit huminga ka lang nang mali.

“Kiniss mo ako, tayo na ba niyan?” tanong ni Aji, parang high pa sa make-out session nila.

Napanganga si Nami, parang natatawa sa tanong ni Aji.

“Ano?”

Napakurap si Aji. Oo nga naman—ano ba sinasabi niya? Dati ba siyang tanga? O baka tama talaga si Nami na tanga siya. Kiniss lang, nanghingi na agad si Aji ng label? Kahit si Kuromi, hindi alam gagawin eh.

“Wala…”

Ayan, mahinang sagot na lang ni Aji kay Nami kasi parang na-realize niya—seryoso ba talaga siya sa tanong niya? Alam na niya agad ang sasabihin ni Nami sa kaniya eh.

“Tanga.”

Oh, diba? Sabi na ni Aji eh. Pero ngayon, nag-a-agree na rin talaga siya kay Nami kasi parang totoo naman pala.

“Labas na tayo?” tanong ni Aji, pero lumapit pa talaga kay Nami para halikan ang pisngi nito na kaka-retouch lang. Pati labi, hindi pinalampas kaya nagkaroon din ng lipstick si Aji.

Hinampas pa siya ni Nami sa inis kasi kaka-retouch lang, tapos pinasa naman ni Aji sa sarili niya yung make-up.

Tinulak pa siya ni Nami paalis para mabuksan yung pinto ng CR kung nasaan sila. Buti na lang walang tao.

Nakasunod lang, parang aso, si Aji kay Nami. Ni hindi na nga niya alam anong oras na o nasaan na ang mga kasama niya o kung nasaan na banda ang kapatid niya—wala siyang ibang nasa isip kundi ang mga halik at labi ni Nami.

Huminto si Nami sa table ng mga pamilyar na tao kay Aji. Friends pala ni Nami. Nagngitian naman agad ang mga ito sa kaniya—eh paano, kilalang-kilala siya.

“Si Dararatdat Daddy pala ’to eh!” rinig ni Aji na tawag sa kaniya ng kaibigan ni Nami na si Aoi.

“Gaga! Si proxy BF!” sambit naman ni Vannie.

Natatawa na lang na napailing si Aji. Ganyan talaga ang mga kaibigan ni Nami—lagi siya inaasar ng kung anu-ano. Pero hindi niya talaga gets kung bakit parang ngayon may hidden messages yung pang-aasar nila, o hindi niya lang ma-absorb ang mga nangyayari kasi lulong pa rin siya sa mga halik ni Nami.

Umupo muna sila doon ni Nami—kumustahan, ganon. Kinamusta si Aji kung anong ganap sa buhay, kung kumusta ang paghahalo ng semento, kung bakit ganyan na buhok niya, at buti raw hindi pa siya napapanot kasi ganoon daw kapag nasa engineering program. Tawa lang nang tawa si Aji, nawala na rin ang amats niya eh.

Pero yung isa rito—yung katabi niya, walang imik, nakikinig lang at umiinom. Pinagapang tuloy ni Aji yung kamay niya sa likod nito. Hinagod-hagod paakyat-baba, parang inaalo ang nakababata. ’Di kasi siya pinapansin eh. Baka mamaya pinagsisisihan na ni Nami yung palitan nila ng laway—talagang sasama ang loob ni Aji kapag oo.

Pero mukhang nahalata ni Nami yung tingin ni Aji—yung pantanga, ayon sa words ni Nami.

“Para kang tanga sa iniisip mo.”

Mahina yang bulong ni Nami, naniningkit pa yung mata, tapos nakataas ang sulok ng labi.

Tanginang labi ’yan—’yan na lang talaga ang nasasabi ni Aji sa utak niya. Parang wala siyang naintindihan sa sinabi ni Nami kasi nabubuhay na naman ang dugo niya.

Ewan niya siguro ganoon siya kasabik kay Nami to the point na tinitigasan siya kahit nakatingin lang sa kaniya si Nami, tapos sinasabihan pa siyang tanga.

Tinaasan pa siya ni Nami ng kilay, pero wala na namang paki si Aji kasi alam na alam niya simula pa lang, alam na niyang hindi niya pakakawalan si Nami. Like, oo na, Taylor Swift—tama ka na sa advice mo na “always ruin the friendship,” pero ’di mo sinabi na kailangan maghintay ng ilang taon para matuloy.

Pero on a serious note, seryoso na talaga si Aji. Siguradong-sigurado siya kay Nami. Walang pakialam si Aji kung corny man pakinggan, pero totoo pala na sa unang kita pa lang sa isang tao, alam mo na agad kung pang-hanggang dulo kayo. Kasi ganoon ang nararamdaman niya kay Namiel Yoon.

Lumapit si Aji sa tenga ni Nami para bumulong. Yung kamay niya, nandoon pa rin sa likod at humahagod. Nakasandig na nga rin si Nami sa kaniya.

“Gustong-gusto talaga kita.”

Wews. Ang tamis.