Actions

Work Header

sapantaha

Summary:

Siniguro naman ni Wonwoo Enrico na tago sa kaalaman ng mga tao sa paligid niya ang pagkapit sa patalim. Kaya naman, palaisipan sa kaniya kung paano nabisto ni Mingyu Arvin ang pinakamalaking sikreto niya.

Notes:

thank you for commissioning me to write this, mx lyn :)

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

“Pre! Enrico!” Palakpak ni Chan para kunin ang atensyon ng kaibigan. Pati mismong tindera sa ihawan ay nagulat sa akto ni Chan.

“Natusta na ng usok ng barbecue ‘yang utak mo?” Natatawang ani Chan.

Kinuha ni Wonwoo ang kanina pa nakababad sa suka na paa ng manok at sinimulang ngatngatin ang bawat daliri no’n hanggang sa iyong gitna na lang natira. 

“Lalim ng iniisip, ah.” Narinig ni Enrico sa kabilang gilid niya. 

Sigurado siyang hindi si Chan ‘yon dahil pagkarinig pa lang niya ng boses ay parang nayamot na agad siya.

Sumenyas si Chan kay Arvin. Binalaan na ‘wag hulihin ang pika ni Enrico, sapagkat bakas sa mukha ng binata ang pagkabalisa. 

“Inang ‘yan! Walang imik ah.” Asik pa ni Arvin.

Tinapat ni Enrico ang hawak na stick na may paa ng manok sa mukha ni Arvin. “Kita mo ‘yan? ‘Yan ka, pre.”

“Masarap?” May ngisi sa labi na sagot ni Arvin sa binata.

Tinaas ni Enrico ang gitnang daliri niya. Maliban sa paa ng manok, pati si Enrico ay napa-dirty finger na lang din talaga sa kaharap.

“Bungol! Fuck you ka!” Malamig ang boses ni Enrico.

Sanay na sanay na si Arvin sa ikli ng pasensya ng binata. Ilang beses na ba niyang nasagad ang pasensya ni Enrico? Hindi na mabilang. Mabuti na lang talaga at hindi pa nagkakasapukan ang dalawa.

“Tawagan mo lang ako. Bibirahin ka naman, pre. Payag ako.” Asar pa muli ni Arvin, sabay sibat bitbit ang pinamiling ihaw-ihaw.

“Babangasan ko pagmumukha ng gagong ‘yun.” Bulong ni Enrico, ngunit sapat upang marinig ni Chan at matawa. 

“Ilang beses mo na sinabi ‘yan. Tagal na naming inaantay. Kailan ba kayo mag-square ni Arvin?” Natawa na lang din si Chan sa sariling tanong.

“Basta… Lakas mangpikon.” Maikling sagot ni Enrico.

Simula pa noong unang taon nila sa kolehiyo, madalas na talaga magkapikunan sina Arvin at Enrico. Tipikal na asaran na madalas nauuwi sa pikunan, pero kahit kailan ay hindi umabot sa suntukan. 

Bagama’t hindi magkasundo, hindi rin naman talaga masabi ng dalawa na magkaaway sila. Sa tuwing nagkakataon na sila ang magkagrupo sa klase, maayos naman ang kinakalabasan ng trabaho. Madalas naman mataas ang grado, pero siyempre, sangkatutak na reklamo at mura muna ang titiisin ng iba pa nilang kaklase. 

Wala ni isa sa kanila ang nakakaalam kung bakit ganoon na lamang ang init ng ulo ni Enrico kay Arvin. Wala rin silang ideya kung bakit nga ba laging si Enrico ang siyang bunot ni Arvin para bwisitin. 

⊹₊⟡⋆

Tuluyang binagsak ni Enrico ang katawan niya sa kama nang marating niya ang munting bahay nila. Halo-halo ang boses na tumatagos sa pader ng kwarto niya. Kahit pa sementado ang apat na sulok ng kwarto, rinig pa rin niya mula sa labas ang iyak ng pamangkin niyang pilit pinapatahan ng nakatatanda niyang kapatid. Nariyan din ang huntahan ng ina kasama ang kapitbahay, kung saan gastusin at utang na naman ang siyang usapan.

“Pukingina! Akala ko pa naman puwede na akong magretiro.” Buntong-hininga ni Enrico habang mulat ang titig sa kisame ng kwarto. 

Patong-patong na gastusin ang nasa isipan ni Enrico; ang pagtaas ng matrikula kung kailan naman huling semestre na niya sa kolehiyo, ang mga utang nila na lumobo na nang lumobo, maging ang pangbili nila sa mga pang-araw-araw na pangangailangan ay suliranin din. Sumabay pa sa gastos ang ate niyang nabuntis at nagkaanak bago pa man makahanap ng trabaho.

Halos mautangan na ng ina ni Enrico lahat ng 5, 6 at tindahan. Mabuti na lamang at malaki ang tiwala ng mga tao sa barangay nila sa mag-anak. 

Hindi ganoon katalino si Enrico, kaya hindi siya nakapasok sa mumurahing unibersidad sa lugar nila, kaya napilitan na lamang siyang pumasok sa pribadong unibersidad. Kaya pa naman noong una, ngunit sa isang iglap ay nagkanda-leche-leche na. 

Hindi tamad si Enrico. Hindi rin siya mapili o ambisyoso. Simpleng buhay lang naman ang gusto, pero kahit iyon mismo’y pinagdamot sa kaniya ng mundo. 

Lingid sa kaalaman ng iba, ay napilitang kumapit sa patalim si Enrico. Nakakita ng oportunidad, agad niyang kinagat; dahil kung pipiliin pa niya ang daang marangal ay baka sa kangkungan na lang siya damputin.

Napagod na lang siya sa kakahanap ng trabahong pasok sa siksik niyang schedule sa kolehiyo; isama pa na hindi nga siya kagalingan, kaya dobleng oras ang dapat niyang ilaan para lang pumasa. Ayaw naman niyang gawing alay na lamang ang pag-aaral dahil isang taon na lang din naman at hindi rin pumayag ang ina niya na huminto siya. 

Bago pa man siya sumuko at mapunta sa konklusyong tumigil na lang sa pag-aaral, isang mahalay na litrato ang tumambad sa Twitter account ni Enrico noong minsan na idadaan na lang dapat niya sa mabilisang salsal ang lahat ng problema. 

Agad pinuntahan at kinalkal ni Enrico ang account ng taong ‘yun. Halos isang libo lang ang naka-follow sa naturang account, ngunit tambad kung paano pagnasaan ng kung sino-sino ang mga hubad niyang litrato at video. Kita rin niya ang ilan sa mga suki no’n na palaging nagpapadala ng pera sa GCash ng alter account na nakita niya. 

“Tangina! May gugusto naman siguro bumili ng video ko habang nagjajakol…”

“Pinoy size, pero mataba naman tapos malaman ‘yung ulo. Mukha naman ding ang sarap ko.” Parang gago kung bilugin ni Enrico ang sariling ulo para sa ideyang sumagi sa taong problemado.

“Magsasalsal na lang din naman, pagkakitaan ko na.” Isip ni Enrico. 

Hinalungkat ni Enrico ang luma niyang Twitter account na may benteng followers na hindi niya alam kung saan galing dahil ginawa lang naman niya iyon upang panoorin ang porn na suhestiyon ng isa niyang kaklase. Ni hindi nga alam ng mga account na iyon kung sino ba ang tao sa likod no’n.

“Sapat na ‘tong lamig ng Baguio para patayuin ’yung tite ko. Pwede na ‘to.” Sambit ni Enrico sa sarili at nagsimula nang kunan ng litrato ang sariling tite. 

Sunod din ay ang video kung saan hinihimas niya ang sariling burat. Sinigurado niyang wala ni kahit anong pagkakakilanlan ang siyang mahahagip sa ginawa niya.  

Anak ng teteng! Kahit si Enrico mismo ay hindi makapaniwala na ang nakasanayan niyang “Jabol the pain away” ang mismong mabilisang sagot sa bigat na nadarama niya. 

Hindi niya alam kung swerte lang ba siya o sadyang sobrang sarap niya. Isang litrato pa lang ng tite niyang lupaypay, na sinundan ng video niyang nagsasalsal at unti-unting iyong binubuhay, ay agad na umani ng atensyon mula sa iba’t-ibang account. 

May mga puri na pakiramdam nila gwapo raw iyong may-ari ng tite, pagnanasa at pantasya na sana makantot daw sila, at siyempre, nagsimula na rin ang ulan ng mga resibo ng transaksyon sa GCash niya. 

Aaminin ni Enrico na masaya siya sa bilis ng pera na dumaan sa kaniya. Ngunit kung papipiliin pa rin siya at mabibigyan ng mas mabuti pang pagkakakitaan, handa siyang iwan at ibaon sa limot ang alter account niya. 

Oras ang kalaban ni Enrico, at ayaw niyang maubos ‘yun nang wala man lang nasolusyunan ang kahit isa man lang problema nila ng pamilya niya.

⊹₊⟡⋆

Tahimik na silid at nababalot ng pinaghalong lamig ng simoy ng hangin at buga ng bentilador ang siyang naging sanhi upang buksan ni Arvin ang sariling Twitter account at simulang puntahan ang mga paborito niyang porn accounts. 

“Account suspended!” Bulyaw ni Arvin sa kawalan nang mabigo siyang makita ang mga paboritong porn accounts.

“Tangina naman! Walang mapagjabolan!” Inis na inis si Arvin nang wala siyang mapiling pornograpiya sa mga nagsisilabasan na accounts.

Pasuko na sana ang binata. Ibabalik na sana niya sa loob ng sariling brief ang tigas na tigas na burat at dadasalan na lang iyon na sana malanta na. 

“Ah—ah—ah!” Mabigat ang ungol ng lalaki sa video. 

“Umabot na ako dito sa kakahanap ng bold, amputa!” Natatawang ani Arvin.

Hindi niya alam kung paano umabot doon ang algoritmo ng sarili niyang Twitter account. Basta lumitaw ang isang video ng lalaking nagsasalsal ng sariling burat habang mabigat ang paghinga sa bawat hagod niya. 

“Iba talaga kapag homemade! Sarap!” Ngising ani Arvin habang nilabas na nang tuluyan ang nagmamakaawa nitong tite.

Kalahating parte ng katawan lamang ang kita sa video. Ang abs nito, pababa sa tite ang siyang tanging mapapanood. Madilim din ang silid, at maliban sa ungol nito, rinig din ang tunog ng senswal na kanta.

Isang minuto at kalahati ang haba ng video na iyon. Tuloy-tuloy na paghagod lang sa burat ang siyang mapapanood; at sa mga huling minuto, kita rin sa video kung paano nilabasan ang lalaki.

Kasabay ng bawat himas sa tite ng lalaki sa video, ganoon din ang ginawa ni Arvin. Ani mo’y magkasama sila at naisipang sabay magsalsal. 

“Ah! Tangina! Enrico—ah!” Ungol ni Arvin sa kawalan habang nadarama ang unti-unting paglapit sa rurok ng kasarapan. 

Ilang hagod pa at nilabasan na rin siya. Tumilamsik ang tamod sa kama, at nang balikan niya ang video na pinapanood ay sakto namang ipinakita rin ng lalaki ang mga katas na nilabas niya. Anak ng pating! Kakaibang sensasyon ang dulot no’n kay Arvin. 

“Salamat kung sino ka man.” Sambit ni Arvin nang mahimasmasan sa makamundong ginawa. 

“Naks! May mga suki pa. Sa susunod na ako magse-send sa GCash mo. Kumbaga trial muna ‘to.” Natatawa pang ani Arvin habang tinitingnan ang mga komento sa video na pinanood.

“Bookmark ‘to sa akin. Stalk nga kita, baka may iba ka pa diyan.” At sinimulan na ngang tingnan ni Arvin ang iba pang laman ng account na iyon.

Noong una’y dire-diretso lamang siya sa pag-bookmark ng mga video ng alter account na iyon. Habang tumatagal, napapalitan ng kuryosidad ang kanina lang na libog na nadarama ni Arvin. 

Tila isang sapantaha, pakiramdam ni Arvin ay kilala niya ang tao sa likod ng account na pinagsalsalan niya. Hindi niya maipaliwanag, ngunit malakas ang kutob niya na kilala niya ang lalaki. Kinukutuban na nasa paligid niya lang din iyon.

Ilang scroll pa. Ilang basa ng komento. Lumitaw ang isang litrato ng lalaki; nakahubad, tirik na tirik ang burat. Bahagyang mas maliwanag ng kaunti ang paligid sa kuha ng litratong iyon; ibang-iba sa mga naunang nakita.

Parang imbestigador, unti-unting zinoom ni Arvin ang litrato. Kita ang tatlong maliliit na nunal sa bandang dibdib ng lalaki. May isang tao agad na pumasok sa utak niya. 

“Hindi… Hindi naman siguro siya ‘to.” Iling ni Arvin.

Patuloy pa siya sa pag-zoom ng litrato. Sinisipat ang bawat sulok ng litrato. Laking gulat ni Arvin nang mahagip sa litrato ang isang pamilyar na papel sa gilid ng silid. May guhit ng isang tao sa papel. Lapis ang gamit sa obra, at sa bigat ng pagkakalapat ng lapis sa likuran no’n, bakat din ang sulat-kamay—sensyales na isang obra ang nasa harap ng papel, at dedikasyon naman ang nasa likod. 

Una, ang nunal sa dibdib ng lalaki, maging ang korte at hubog ng katawan nito. Pangalawa, ang obra sa papel. Isang bagay na lamang at maaari nang isipin ni Arvin na hindi sapantaha ang lahat ng iyon.

Dali-dali niyang kinuha mula sa ibang post nito ang QR code ng GCash account ng binata. Susubukan niya lang. Kapag mali siya ng suspetya, mabuti naman; at kung tama ang hinala, hindi na alam ni Arvin kung ano ang susunod na gagawin. 

Nanginginig ang kamay ni Arvin habang binubuksan ang sariling GCash account; kahit kakatapos niya sa walang habas na paglalaro sa sariling burat, alam niyang sa kaba na galing ang yanig na nadarama ng sistema niya. Huli atang nadama ni Arvin iyon noong nakita niya ang sabit sa laylayan niyang grado sa isa niyang kurso noong nakaraang semestre lamang. 

W****o En***o J.

“Putangina!” Malutong na mura ni Arvin nang makita ang pangalang ‘yun.

“Wonwoo Enrico Jeon…” Nangangatal pa ang boses ni Arvin habang binubuo ang pangalang iyon. 

“Fuck! Bakit?” Binagsak niya ang katawan sa kama at natulala sa kisame nang makumpirma na hindi isang sapantaha ang mismong kuryosidad niya.

Doon pa lang sa pigura ng katawan, may hinuha na agad siya. Mas lalo tumaas ang duda niya nang makita iyong papel—paanong hindi niya iyon pagdudahan—siya mismo ang may guhit no’n at siya rin mismo ang nagbigay kay Enrico ng obra na iyon noong unang taon nila sa kolehiyo. Kahit ata nakapikit, kaya niyang idikta ang maikling dedikasyon na nasa likod ng papel na ‘yon. 

Kung si Enrico ay may malaking sikreto, ganoon din si Arvin. Matagal nang gusto ni Arvin ang kaklase. Ilang taon na siyang laman ng pangarap at pantasya ni Arvin. Ilang taon na rin simula nang sinubukan niyang umamin, at sa ilang taon na iyon, hindi siya nakatanggap ng sagot kay Enrico. 

Ang bawat asar at pagpikon ni Arvin kay Enrico ay isang maskara para sa tunay na nadarama ng binata—dinadaan ang lahat sa biro, dahil alam niyang tanging ‘yun lamang ang paraan para mapansin siya ni Enrico.

Hindi alam ni Arvin kung ano ang dapat gawin ngayong nalaman niya ang sikreto ni Enrico. Hindi alam kung dapat na ba niya itong sabihin o habambuhay na lang mangapa sa dilim. 

Patuloy lang sa pagtitig sa kisame si Arvin nang makaramdam siya ng vibrasyon mula sa sariling cellphone; ang tunog na iyon ang nagpabalikwas sa kaniya mula sa pagkakahiga. 

Isang notipikasyon galing sa alter account ni Enrico.

ico @romanticismo

Dami niyo nagsasabi na makipag-collab ako. Pagbigyan ko na ba?

Relevant 

riri @aintriczz_

sana mapagbigyan na kami! punuin ko talaga cashg mo hahaha

🥟 @gyuwwza

makita na namin paano ka bumira 

zaio @lsjeons

tapos siya pala ang binibira haha 

“Enrico naman!” Alma ni Arvin na para bang naririnig siya ni Enrico.

Mabilis na nagpunta sa banyo si Arvin at inayos ang sarili. Sinigurong maayos ang hitsura niya. Hindi na rin niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob, pero isa lang ang tanging gusto niya at ‘yun ay ang hindi matuloy si Enrico sa kung ano man ang binabalak niya.

Kung magpapatikim man si Enrico sa iba, mas gugustuhin pa ni Arvin na sa kaniya na lang. Ewan. Hindi niya alam. Tanging kagustuhan na lang niya’y huwag matuloy anumang collab na binabanggit ni Enrico, pati ng mga followers niya. 

Kahit anong klase ng tulong. Kahit magkano. Kahit ano. Lahat ay handa si Arvin na ibigay kay Enrico.

⊹₊⟡⋆

“Enrico! May kaklase ka sa labas!” Bulyaw ng ate ni Enrico.

Takang-taka si Enrico. Sinong kaklase naman ang pupunta sa bahay niya dis-oras ng gabi? Napurnada pa tuloy ang dapat na pagkuha muli ng binata ng mga litrato at video na ibebenta niya sa alter account niya. 

“Bakit?” Malamig na sagot ni Enrico sa kaklase.

“Puwede ba tayong mag-usap?” Sagot ni Arvin habang nakadantay sa sariling motorsiklo.

“Nag-uusap na tayo. Dalian mo na! May gagawin pa ako!” Inis na sabi ni Enrico.

“‘Wag!” Maikling sagot naman ng isa pang binata.

Kumunot agad ang noo ni Enrico doon. “At bakit? Paki mo ba?”

“Basta. ‘Wag nga…” Seryosong pagkakasabi ni Arvin.

Biglang kinabahan si Enrico sa asta ng kaklase. Hindi siya sanay na kinakausap siya nito ng seryoso. Naninibago na hindi pabalang o pabiro ang tono ng boses nito. 

“Ano ba, Arvin! Dis-oras ng gabi, talagang nangtatarantado ka pa. Bukas na ‘yan!” Agit na sagot pa ni Enrico. Pilit na winawaksi ang kaba na unti-unting bumabalot sa kalamnan niya.

“‘Yung drawing… Sa akin galing ‘yun. Ako ang nagbigay no’n sa’yo.” Diretsahang ani Arvin. Nauubusan na siya ng salita, at ang pagkumpisal na lang sa katotohanan ang mayroon siya.

Kamot-ulo namang sumagot si Enrico. Halata pa rin ang inis sa boses, “Anong drawing? Ano ba?”

“Tangina naman, Enrico! ‘Yung sketch ng mukha mo… ‘Yung may sulat pa sa likod. Akin galing ‘yun!” Namumulang tugon ni Arvin.

Hindi pa rin mapagtanto ni Enrico kung ano nga ba ang pakay ng kaklase. Ano naman kung siya ‘yun? May hinuha na rin naman talaga siya na kay Arvin nga galing iyon. Kaya nga pikon siya sa binatang kaharap, dahil matapos iwan ‘yun sa mesa niya noong isang umaga, hindi na siya kinompronta o kinausap patungkol doon. Pakiramdam ni Enrico ay hinayaan na lamang siya ni Arvin na manghula kung tunay nga ba na kaniya galing iyon, at kung higit pa sa sapantaha ang nailahad na damdamin sa papel na iyon. 

“Tagal na niyan, Arvin. Ano naman ngayon?” Maangas na sagot ni Enrico.

“Nakita ko…”

“Ico… Romanticismo…” Mahina lamang ang boses ni Arvin, ngunit sapat ang dalawang pangalan na ‘yun upang gumuho ang mataas na pader na itinayo ni Enrico.

Agad na luminga-linga si Enrico sa paligid at  tinakpan ng sariling kamay ang bibig ni Arvin.

“Sakay!” Utos ni Enrico at agad namang sinunod ni Arvin ‘yun.

Hinarurot ni Arvin ang kalsada na walang tiyak na patutunguhan. Ramdam na ramdam nila ang malamig na simoy ng hangin. 

Agad na sinuntok ni Enrico ang likod ni Arvin nang mapagtanto na nakatigil na sila sa tapat ng bahay mismo ni Arvin. “Bakit dito?”

“Aray! Para walang tao. Sikreto ‘to, hindi ba?” Depensa ni Arvin.

Isang buntong-hininga na lang ang kumawala kay Enrico at bumaba na sa motor ng kasama. Dire-diretso si Enrico sa loob ng bahay ni Arvin, na para bang kabisado niya ang bawat silid at kanto ng bahay ng kaklase kahit pa unang beses niya pa lang naman na tumapak doon. Malakas ang loob ni Enrico na pasukin ang bahay dahil alam niyang mag-isa lang naman doon si Arvin. 

“Paano mo nalaman?” Tuwid lamang ang mukha ni Enrico habang nililibot ang sarili sa munting tahanan ni Arvin.

Hindi alam ni Arvin kung paano sasabihin at kung hanggang saan lang ang puwede niyang sabihin. Nauutal siya. Pambihira! Unang beses iyon na matikom ang bibig niya at walang masabi kay Enrico.

“Pinagjakulan mo…” May indikasyon sa tono ng pananalita ni Enrico.

“Alam mo na ba na ako, o hindi pa… ‘Yan na lang ang sagutin mo.” Dugtong pa ng binata.

“Hin–hindi pa. Pero kasi…” Pagdadalawang-isip ni Arvin.

“Alam mo na ‘yung sikreto ko. Sabihin mo na rin ‘yang sa iyo.” Natatawang ani Enrico.

Isang buntong-hininga. “Tangina!”

“Enrico… Ikaw ‘yung lagi kong iniisip sa tuwing nagpapasarap ako. Gustong-gusto kita. Gusto kitang alagaan, pero gusto rin kitang dungisan.” Pag-amin ni Arvin.

Isang halakhak ang kumawala sa bibig ni Enrico, “Kaya napabangon ka at dumiretso sa bahay noong nakita mo na baka makipag-collab na ako sa ibang alter?”

“Inisip mo ba na sana ikaw na lang? Na burat mo na lang isubo ko? Na ikaw ang maka-una sa butas ko?” Mayabang na sabi ni Enrico habang unti-unting pinuputol ang distansya sa pagitan nila.

Hindi makasagot si Arvin. Kahit tango, hindi niya magawa. Pero sa loob-loob niya, alam niyang “oo” ang sagot.

Magkapantay na ang dalawang lalaki. Mata sa mata, dineretsa ni Enrico ang kaklase. “Kailangan ko ng pera, Arvin. Tangina! Kailangang-kailangan ko. Kaya nabuo ‘yang Ico… Si Romanticismo.”

“Kung may kaya lang din ako… Libre kong ibibigay sa’yo. Lalo na kung dineretso mo rin ako noong binigay mo ‘yung lintek na drawing na ‘yun.” Bagama’t natatawa ang tono ni Enrico, bakas pa rin doon ang pait na nadarama—sa hindi pag-amin ni Arvin nang harap-harapan, maging sa reyalidad na kaniyang ginagalawan. 

Magsasalita pa sana si Enrico nang biglang lumuhod sa harap niya mismo si Arvin. Ang mga palad ay nakadantay sa sariling tuhod, habang diretso ang tingin sa kinatatayuan ni Enrico. 

“Ako… Ako, Enrico. Gamitin mo ako. Sa paraang gusto mo. Kahit hanggang kailan mo gusto.” Pagtatapat ni Arvin sa tunay niyang nararamdaman.

“Oo, sige, hindi mo ako type. Pero I’m clean. Wala pa rin akong naka-sex. Tapos… Tapos kilala mo pa ako. Hindi ba mas okay ‘yun?” Hindi na alam ni Arvin ang mga pinagsasabi niya. 

Basta. Gusto na lang niyang tumigil si Enrico sa trabaho niya, lalo pa’t alam na niyang napilitan lang ang binata na kumapit sa patalim. 

“Papagamit ka sa akin?” Tila nag-aamok na tanong mula kay Enrico.

“Oo, Enrico. Magpapagamit ako sa iyo. Sabihin mo lang kung anong gusto mo. Anong kailangan mo?” Tumatango-tango pa si Arvin habang sinasabi ang litanyang iyon.

“Tayo!” Utos ni Enrico, ngunit parang nabingi na si Arvin.

“Ang sabi ko, tumayo ka, Arvin!” Ulit pa ni Enrico kaya’t tumayo si Arvin kahit nangangatog pa ang tuhod.

“Hubarin mo ‘yan. Ibaba mo. Tapos umupo ka doon.” Segunda ni Enrico habang tinuturo ang ikatlong hakbang ng hagdan sa bahay ni Arvin.

Agad hinubad ni Arvin ang pambaba niya at halos matalisod pa siya papunta sa hagdan. Umupo rin siya agad sa ikatlong hakbang ng hagdan, at laking gulat niya nang lumuhod si Enrico sa sahig.

Tinitigan muna ni Enrico ang kaklase, “Ikaw ang magbabayad ng tuition ko, ayos ba tayo do’n?” 

Tango. Maraming tango. “Oo. Oo, Enrico. Ano pa? Ano pang kailangan mo?”

“Ikaw na bahala sa akin ngayong huling sem. Ilista mo. Babayaran ko kapag may trabaho na ako.”

Puro tango lang si Arvin. Natatanga na sa bilis ng bawat kilos at argumento ni Enrico. “Oo. Ikaw ang bahala, Enrico.”

Agad sinubo ni Enrico ang hindi pa ganoon katigas na tite ni Arvin. Unang beses pa lamang na sumubo ni Enrico, kaya hindi siya sigurado kung tama ba ang ginawa niya. Basta, iniisip na lamang niya na lollipop o ice cream ang tite ni Arvin; dila lang nang dila, sipsip kung sipsip, basta ‘wag isama ang ngipin. 

“Ah—Enrico–oh!” Halinghing ni Arvin habang mahigpit na ang kapit sa uwang ng hagdan. 

Rinig na ang laway at pagtama ng tite sa lalamunan ni Enrico. Nanlalabo na ang paningin ni Arvin sa sarap, pero pinilit niya pa rin na itinuon ang buong atensyon kay Enrico. Kinakabisa ang hitsura ng binata—nakaluhod, hawak ang bayag niya, taas-baba ang ulo kakasubo sa tite niya. 

Ramdam na ramdam na ni Arvin ang sensasyon nang alisin ni Enrico ang burat sa bibig niya at tumayo sa harap ng binata.

“Hubarin mo.” Utos muli ni Enrico.

Para pa ring ungas si Arvin. Hindi masabayan ang direksyon ni Enrico. “Short ko. Hubarin mo kako. Saan kwarto mo?” 

Agad na hinila ni Arvin ang kaklase patungo sa kwarto niya, at pagkapasok pa lang nila ay hinubad niya ang sariling damit, kasunod ang suot na pambaba ni Enrico. Inalis na rin ni Enrico ang pangtaas at agad na sinunggaban ang labi ni Arvin. 

Isang mainit na palitan ng mga halik ang namagitan sa dalawa habang unti-unting nilalakad ang mga sarili patungo sa kama ni Arvin. 

“Dito ba? Dito mo ako pinagjajakulan?” Mayabang na ani Enrico at tinulak si Arvin sa kama, sanhi para mapahiga ito. 

“Oo. Dito mismo, Enrico. Dito ko iniisip kung ano kayang pakiramdam kapag sinusubo mo tite ko. Anong pakiramdam ng daliri ko sa butas mo. Pati kung kakasya ba ‘tong burat ko sa pwet mo.” Bigla na lang lumakas ang loob ni Arvin, na siyang ikinatuwa naman din ni Enrico.

“Ayan… Pakita mo sa akin kung paano ka magsalsal. Anong hitsura mo sa tuwing pinagpapantasyahan mo ako.” Nakaluhod na si Enrico sa ibabaw ni Arvin, magkatapat na ang matigas nilang tite.

Mabilis pa sa alas kuwatro na binalot ni Arvin ang tite nila sa sariling kamay at sinimulang salsalin iyon nang sabay. Magkadikit na magkadikit sa kamay niya ang burat nila, sabay niyang hinahagod, sabay sa indayog ng kamay na nagtataas-baba.

“Kukunan ko. Sabihin ko, ayan na ‘yung collab. Pero pagkakakitaan ko, ha? Sayang din.” Ani Enrico sa gitna ng mga impit na ungol.

“Ikaw bahala. Basta… Basta sa akin ka lang. Para mo nang awa, Ico.” Paki-usap ni Arvin sa gitna ng libog na nadarama.

“Sige lang, Arvin. Hanggang sa pareho tayong labasan. Para alam nila kanino lang ako magpapagamit.” Sabay tutok ng lente ng kamera sa tite nilang labas na labas na ang ugat sa sobrang tigas, isabay pa ang mga ulo na namumula.

Ilang sandali pa ay pinatay na ni Enrico ang video at inagaw kay Arvin ang tite nila. Siya naman ang walang habas na nagtaas-baba sa tite nila.

“Ico… Pwede? Pwede ko bang laruin ‘yung butas mo? Kahit sa labas lang?” Hiling ni Arvin.

“Ah—tangina ka! Basta ‘wag mo na munang ipasok. Sa susunod mo na kalikutin tapos kantutin.” Tugon ni Enrico.

Habang abala si Enrico sa pagmasahe sa tite nilang dalawa, ay unti-unting inabot ni Arvin ang pwetan ng kasama—pinasadahan ang guhit nito at saka kinapa ang makipot na butas. Pikit na pikit ang butas ni Enrico. Tunay ngang wala pang nakakagalaw. Lalo tuloy nasabik si Arvin sa ideya na ipapakalikot ni Enrico iyon sa kaniya sa susunod, at lalo na ipapakantot din sa kaniya. 

“Putangina! Sige, Arvin—ah—dalawa.” Ungol ni Enrico, kaya dinagdagan ni Arvin ang daliri na bumibilog sa butas ni Enrico. 

Ramdam ni Arvin na namamasa at bumubuka na para sa kaniya ang butas ng pwet ng kaklase. 

“Fuck ka! Pasok mo kaunti ‘yung isa—ah—Arvin!” Sarap na sarap na si Enrico. Sumasabay pa ang hagod ng mga kamay niya sa magkadikit na tite nilang mukhang malapit nang labasan. 

Kaunting parte lang ng daliri ni Arvin ang pinasok niya at sapat iyon para mas malibugan pa. “Gago, Ico. Ang sikip…”

“Lapit na ako. Lapit ka na? Sabay tayo.” Halatang utos ang naturan ni Enrico.

Nang bilisan ni Enrico ang pagmasahe sa burat nila, ganoon din ang pagbilis ng daliri ni Arvin sa pagsundot sa pwet ni Enrico. At ilang saglit pa, sabay nga silang naglabas ng semilya at ang iba ay tumalsik pa sa mukha nila.

Naghabol pa ng hininga ang dalawa at nang tuluyan na silang magising mula sa pagpapasarap, natagpuan na lang nila ang mga sarili na magkatabi sa kama habang titig na titig sa kisame ng kwarto ni Arvin.

“Gusto mo na bang tumigil sa alter account?” Tanong ni Arvin.

“Tagal na.” Maikling sagot ni Enrico. 

“Kung gusto mo… Huli na ‘yan. Ako na muna ang magbibigay ng lahat ng kailangan mo. Bayaran mo na lang kung kailan mo gusto.” Presenta ni Arvin.

Agad naman siyang hinarap ni Enrico. “Seryoso ka ba?”

Tumango lamang ang binata. 

“Bigyan mo naman ako ng discount, tutal gusto mo naman ako. Tutal pinagjajakulan mo naman ako ilang taon na.” Asar ni Enrico sa katabi.

Natawa si Arvin at hinarap na rin ang binata. “Kahit pagmamahal na lang…”

“Kahit pagmamahal na lang ang ibayad mo, Enrico, ayos lang.” Kasabay pa niyan ay isang matamis na ngiti.

“Tarantado! Ayoko! Basta, babayaran kita, okay?” 

“Tapos… pagmamahal na lang ‘yung interes.” Sabay suntok ni Enrico sa dibdib ni Arvin.

“Aray! Ganyan ka ba talaga? Bayolente ‘to!” Natatawang sagot ni Arvin habang nag-iinarte na nasaktan sa suntok ni Enrico.

Ilang biruan at asaran pa ang nangyari sa kama ni Arvin bago sila tuluyang bisitahin ng antok. Wala pa ring saplot; magkayakap lang habang dinadama ang lamig ng Baguio. Sa wakas ay nabunyag na rin ang kani-kanilang sikreto. Mabuti at higit pa sa sapantaha ang daang tinungo ng kwento.

⊹₊⟡⋆

“Alam mo… May isa pa akong sikreto.” Sambit ni Enrico habang nakapikit ang mga mata at dinadama ang bawat haplos ng yakap ni Arvin sa tabi niya.

“Hm? Ano ‘yun?” Malambing ang boses ni Arvin. Malayo sa mapang-asar niyang tono sa tuwing pinipikon niya si Enrico.

“Sa tuwing gumagawa ako ng content…”

“Ikaw ‘yung iniisip ko. Iniisip ko ikaw ‘yung tanging nanonood sa video ko.” Pag-amin ni Enrico.

Napabangon si Arvin sa kumpisal ni Enrico. Nanatiling prente sa pagkakahiga si Enrico at pikit ang mga mata. 

Natawa na lang din si Arvin, “Tarantado ka talaga! Nakakabaliw ka, Enrico. Tunay ngang ikaw si Romanticismo.” 

Notes:

andito ako :) revospring