Work Text:
“Mingyu anak, paki-assemble muna yung cabinet ko ah, at kailangan mauna maayos ang mga China plates ko. Mamaya na ang iba.” Utos ni Aling Miriam sa anak.
“Eh, Mama, nasa labas pa yung mga sapatos at damit natin, di ba dapat unahin ’yon? Pwede naman to mamaya.” Reklamo naman ni Mingyu.
Bumusangot naman ang ina at muling hinarap ang anak.
“Ang mga sinusuot ay madaling palitan, pero ang China plates ko, hindi!” Diin nitong sabi. “Dalian mo na at baka ikaw ang palitan ko ha.” Muli nitong utos.
Yawa, mas mahal pa ni Mama China plates niya kesa sa akin.
“Baka mawala ang mga gamit natin sa labas.” Huling hirit ni Mingyu.
“Babantayan ko! Dalian mo na diyan, napakabagal kumilos!” At tuluyang iniwan ang anak.
Kalilipat lang ng pamilya nila Mingyu sa nabiling bahay ng kanyang ate na isang OFW nurse sa UK. Maagang namayapa ang kanilang ama at tanging ina lamang niya ang nagtaguyod sa kanilang magkapatid. And it was hard for them to have a home they can call their own, kasi madalas silang mapalayas sa mga inuupahan nila noon. It was a struggle to live off with a single parent earning twice a month, tapos public teacher pa. Kaya naman, noong nagkaroon ng pagkakataon ang kanyang ate na sumugal sa ibang bansa para maitaguyod ang kanilang pamilya, ay hindi na ito nagdalawang-isip pa.
It pays off naman, kasi he was able to graduate in college, and they can eat three times a day minsan sobra pa, at hindi na din need mag-tutor ng ina para kumita ng extra. Fast forward to today, mas magaan na ang buhay, all because tumayong breadwinner nila ang ate niya. Nakakabili na sila ng luho like itong China plates ng mama niya na mas itinuturing pang anak ni Miriam Kim kaysa kay Mingyu. Nakakapag-travel na rin paminsan-minsan at may sarili na ring sasakyan. Ang lahat ng iyon ay dahil sa pagsusumikap at sakripisyo ng kanyang Ate Jiwon.
Kaya naman noong mapasakanila na ang titulo ng bahay ay hindi na sila nag-aksaya pa ng panahon. Agad na silang lumipat and it feels surreal na finally may matatawag na silang sariling tahanan. Wala nang lipatan, wala nang kakatok para maningil ng renta at mga surprise utility bills na gawa-gawaan lang ng mga lessors.
Nasa gitnang shelf na si Mingyu ng pagkabit ng cabinet na paglalagyan ng kanyang bunsong kapatid na si China Plates, nang mapansin niyang hindi sapat ang mga turnilyong gagamitin niya sa pag-a-assemble.
“Kuya Richard, napansin niyo po kung saan nakalagay yung mga turnilyo?” Tanong ni Mingyu sa hinire nilang helper para sa paglipat.
“Parang nasa labas pa ata, ‘toy. Di ko pa nai-pa-pasok dahil pina-pa-una ng Mama mo itong pagkabit ng kalan. Magluluto daw siya.” Sambit naman ng lalaki.
Kamot naman si Mingyu sa ulo dahil ang daming gustong ipauna ni Miriam Kim na puwede namang ihuli. Pinagpapawisan tuloy siya sa nangyayari, kaya naman ay napahubad tuloy siya ng kanyang pang-itaas na damit dahil sobrang pawisan na rin. Patungo na sana siya sa labas nang may mapansing lalaki na hawak-hawak ang isang storage box na naglalaman ng kanyang shoe collections sa bungad ng kanilang pinto.
“Akin ’yan! Sino ka?” Gulat na tanong ni Mingyu. Nag-angat naman ng tingin ang lalaki sa kanya at tiningnan siya mula ulo hanggang pusod. Oo, di na ibinaba pa ng estranghero ang tingin hanggang sa paa kasi nakatukod lang ang mata ng lalaki sa kanyang tiyan.
“Wow. Bukas na ang bakery.” Mahinang sambit ng estranghero, ngunit dinig pa rin ni Mingyu ito. Nakaawang pa ang labi habang titig na titig pa rin sa kanyang katawan.
“Bakit mo hawak ’yan?” Sabay turo ni Mingyu sa storage box. Mabilis naman din naka-recover ang lalaki at ibinaba na ang buhat. Pero bago pa ito nakapagsalita ay pumasok na sa bahay si Aling Miriam.
“Oh, Mingyu, tapos na ba ang cabinet ko?” Tanong ng ina.
“Hindi pa, Ma, kulang ang turnilyo.” Sagot niya. “Sino siya?” Sabay turo sa lalaki.
“Ay naku, kapitbahay natin. Diyan lang sila sa kanto, yung maraming bogambilya. Nag-offer na tumulong magbuhat ng gamit, ang bait-bait!” Pag-explain ng ina na may halong kilig pa.
“Ano nga ulit, beh, ang iyong pangalan? Nuno?” Tanong ng ginang sa binata.
Tumawa naman ang lalaki at doon lang natitigan nang maigi ni Mingyu itong si Nuno.
Hayup, ang panget ng pangalan pero bumawi sa mukha, ubod ng ganda naman nito ni Nuno.
Medyo matangkad si Nuno. Maputi at may suot na makapal na salamin, ang kutis nitong walang pores at mamula-mulang pisngi, halatang laking aircon. Ang mga mata nitong singkit na nawawala kapag tumatawa, at nabanggit ba niyang ang cute-cute ng lips ni Nuno? Manipis na natural na mapula at mukhang laging hydrated, bagay na bagay sa matangos nitong ilong. Bihira magkaroon ng type ni Mingyu dahil gusto niya na kung magkakapartner siya ay yung tipong pagmulat niya ng mata sa umaga, magandang nilalang agad ang bubungad. And he thought if he wakes up and Nuno is the first person he sees, ay buo na agad ang araw niya. Ang ganda eh, tangina!
Kahit saang punso ka pa nakatira, Nuno. Tatahakin ko, makita lang kita ulit!
“Wonwoo po, Wonwoo Jeon. Hindi po ako Nuno.” Natatawang pagtama ng lalaki sa ina.
Hay, salamat, hindi Nuno ang pangalan.
Wonwoo Jeon.
Fuck, pati pangalan ang ganda. Di man lang ba nagtira sa iba itong si Wonwoo? Kumbaga, noong nagsaboy ang Diyos ng kagandahan, hakot awardee si Wonwoo. Halatang favorite ng Panginoon si Wonwoo at talagang pinag-aksayahan ng panahon ang paggawa sa kaniya. The most gorgeous man Mingyu has ever met.
Gusto ni Mingyu na ipakilala ang sarili niya, ngunit pinangunahan na siya ng ina niyang magsalita bago pa man siya makaporma.
“Anak, bakit ka naman nakahubad? Nakakahiya naman kay Wonwoo. Baka sabihin, wala tayong manners.” Sita sa kaniya ng kanyang ina. At siya naman ay noon lamang napansin na wala nga pala siyang saplot, kaya naman dali-dali niyang kinuha ang T-shirt na hinubad at isinuot muli ito.
“Okay lang po. Nasa loob naman po siya ng bahay. Di po siya mahuhuli ni Jonvic.” Sabat ni Wonwoo.
Natawa naman si Mingyu sa sinabi ng binata. Pakiramdam niya ay masayang maging ka-close ang binata at kung titingnan ay di rin naman sila nagkakalayo ng edad, siguro mas matanda lang siya nang bahagya kay Wonwoo.
“Ito pala ang bunso ko, si Mingyu. Kaniya yang storage box na pinasok mo. Ang daming sapatos, da-dalawa lang naman ang paa.” At wala na, sobrang hiyang-hiya na si Mingyu sa pinagsasabi ng nanay. Tila ba kalaban eh gusto niya nga sana maka-close si Wonwoo.
“Teka sandali muna, ipasok ko lang yung mga natira sa labas, kaunti na lang naman iyon.” Nagpaalam ang ginang sa kanila at naglakad na palabas ng tahanan.
“Hello, Mingyu. Nice to meet you at Welcome Sa Barangay Matipuno, bagay ka dito.” Natawa naman siya sa introduction ni Wonwoo dahil may pahand gesture pa sa katawan niya after niyang sabihin ang “matipuno”. Naglahad ito ng kamay para formal na silang magkakilala. Pinunas muna ni Mingyu ang kamay sa shorts bago niya tinanggap ang handshake ni Wonwoo. Napansin din niya ang mannerism nito na magpout naturally.
Ang lambot ng kamay, shet. Tapos nakanguso pa, nanghihingi ba sya ng kiss?
“Hi, Wonwoo. Thank you pala sa pagbuhat ng gamit ko. Napagod ka pa ata.” Nahihiya niyang sabi.
“Hindi, okay lang. Masaya rin ako na may bago nang nakatira dito. Ang tagal din walang tumira dito magmula noong..” Bitin ni Wonwoo. Luminga pa ito sa paligid na para bang ayaw nitong may makarinig ng kanyang sasabihin.
“Noong?” Lumunok pa muna si Mingyu dahil medyo nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Wonwoo, naging seryoso, mga matang may pag-aalala.
“Ano kasi, Mingyu…” Kinagat pa nito ang pangbabang labi. Si Mingyu naman ay pigil ang hininga at nakahawak pa siya sa kaniyang dibdib habang hinihintay ang mga susunod na ibubunyag ng binata. Hindi pa man din nila napapabless ang bahay, may multo pa ata.
“Wonwoo, anong meron sa bahay na ’to?!” Taranta niyang tanong. Yumuko naman ang binata at tinakpan ang mukha, sabay bumunghalit ng tawa.
“BWAHAHAHA hindi ko na kaya!” Halakhak ni Wonwoo.
“Mingyu, kung nakikita mo lang ang sarili mo, para kang maiihi sa takot.” Sabay palo sa braso ng naguguluhang Mingyu, at hindi pa nakuntento, ay pumalo rin siya sa sariling tuhod dahil sa kakatawa.
Gusto sana mainis ni Mingyu, pero ang sarap pakinggan ng tawa ni Wonwoo. Parang gusto niyang i-amats na patawanin ito araw-araw.
Lord, bigyan mo ako ng sign kung puwede kong patawanin si Wonwoo every day. Talagang i-e-execute ko 'yan, sabihin mo lang!
“Biro lang yun ha. Wala namang something dito. Huwag kang mag-alala.” Paliwanag nito.
“Grabe, Wonwoo pag ako binangungot.” Natatawa rin niyang sambit.
“Sorry! Gusto ko lang namang magbiro para maging friends tayo agad. Di ko inexpect na matatakutin ka pala.” Pangisi nitong sambit.
“Friends?” Inilahad nitong muli ang kamay at wow, ito na ata ang pinakamatamis na ngiting nakita ni Mingyu sa buong buhay niya.
Tanggal angas sayo, Wonwoo.
“Friends.” At saka pinagsaklob muli ang kanilang mga palad sa pangalawang beses noong araw na iyon.
Ah, sige, friends muna, tapos mafafall ka sa akin, tapos sasagutin mo 'ko, tapos magpo-propose ako, tapos ikakasal tayo at magkakaroon ng tatlong anak.
Lesson Learned: Buang si Mingyu.
── ⟢ ・⸝⸝
Friends pa nga daw, eh hindi na nga nya nakita pang muli si Wonwoo. Parang kahit anong dalas niyang lumabas ng bahay, ni anino ng buhok ng binata di niya muling nakita. Ginawa na nga lang excuse ni Mingyu ang pag-jogging. Pinagsalitan niya ang schedule, may umaga, may tanghali, at may hapon siyang time slot para dumaan ng ilang beses sa tapat ng bahay nila Wonwoo. Kaso ang madalas lang niyang makita ay ang nanay nito.
Minsang nag-walking siya, naabutan niya ang ginang na nagdidilig ng kanyang mga bogambilya sa labas ng bahay at hindi na rin siya nagdalawang-isip na batiin ito. Hindi pa nga sila magkakilala ng future in-law niya (claiming it!), pero siguro panahon na para i-introduce ang sarili. At baka sakali ring makita niya si Wonwoo.
“Good morning, po.” Magalang na bati ni Mingyu.
“Aba, magandang umaga rin sa’yo. Kayo ba ang bagong nakatira diyan?” Nakangiting turo ng ginang sa kanilang bahay.
“Opo, ako po pala si Mingyu Kim.” Ang mamanugangin niyo po, gusto niya pa sanang idagdag.
“Ah ikaw pala si Mingyu, nabanggit ka sa akin ng anak ko, friends na nga daw kayo. Ilang taon ka na ba?”
May friends po bang hindi man lang nagpaparamdam? Pagsabihan nyo po yang anak nyo, Tita :(
“24 po Mrs. Jeon.” Magalang niyang sagot.
“Naku, Tita Georgia na lang, masyado ka namang pormal.” Pagtama sa kanya ng ginang. “Ah, mas matanda pala si Wonwoo sa iyo ng apat na taon.”
And Mingyu all along thought na mas bata si Wonwoo sa kanya. He was on the verge of asking Wonwoo to call him Kuya Mingyu the first time they met. Kinikilig kasi siya sa thought na mas bata sa kanya si Wonwoo.
Ay ganun, Lord? Thank you ah, panira ng fantasy ah.
“Araw-araw ka bang nagjo-jogging?” Usisa ni Aling Georgia.
“Opo. Nakasanayan ko na rin po eh.” Napakamot siya sa ulo ng dahil sa kalokohan kasi ang totoo ay di naman talaga niya hilig maglakad, mas gusto niyang magbuhat sa gym. Pero sa gym wala kasing Wonwoo, kaso wala din palang Wonwoo kapag naglalakad siya so para lang pala din siyang tanga.
“Mabuti ka pa at healthy living. Diyos ko ang anak kong si Wonwoo, tanghali na nga gigising, tapos buong araw pa sa kwarto. Pang-aswang ang schedule. Maaga ’yon maglo-Losartan, sa palagay ko.” Napapailing na pahayag ng ginang habang tuloy-tuloy lang sa pagspray ng tubig sa kanyang mga halaman.
Ah, night owl pala ang bebe ko. Huwag kang mag-alala, Tita Georgia, kapag naging kami ng anak mo, sisiguraduhin kong malalagpasan niya ang lifespan ni Enrile. Ganoon ko siya katinding aalagaan.
At dahil sa bagong impormasyong napulot, mas lalo tuloy nawalan ng pag-asa si Mingyu na gumawa ng paraan para mapalapit kay Wonwoo. Because he is a morning person through and through at mukhang wala talagang pag-asang makatagpo niyang muli ang binata dahil hindi talaga lumalabas si Wonwoo kapag may araw pa.
Wonwoo, if plano mong magpa-miss, sige na panalo ka na. Lambing na please. :(
Pero sabi nga nila, hindi natutulog ang Diyos. Dahil, one night, he was able to finally see Wonwoo again after weeks of yearning. (YEARNING??!)
Kakagaling lang ni Mingyu mula sa usual get-together nila ng kanyang mga college friends at medyo na-late siya sa pag-uwi. It was past 10pm, at dahil hindi niya dala ang kotse, ay nagutom siya sa biyahe. Kaya naman naisipan niyang dumaan muna sa convenience store.
Kakakuha lang niya ng juicebox sa refrigerator nang may mapansin siyang familiar na pigura sa may noodle section.
“Wonwoo?” Pagtawag niya dito. He is wearing an oversized moss green hoodie and black shorts at tsinelas na kulay puti. He had just picked up a pack of Buldak and a bottle of Coke on the other hand. And he was frozen in place, his mouth slightly forming a small pout. Mingyu just thinks he is so fucking cute.
Tangina namiss kita, Wonwoo. Wala ka sanang ibang nakilala habang wala ako :(
“Mingyu!” Gulat na may halong excitement na tawag sa kanya ng binata.
“Gabi na ah, may pinuntahan?”
“Ah oo, mineet ko lang mga college friends ko.” A pause.
“Ano ’yan? Dinner?” Turo niya sa Buldak na hawak ni Wonwoo.
“Ah oo. Umalis kasi si Mama, hindi uuwi. Ikaw? Yan lang sayo?” Sabay nguso sa juice box na hawak. “Isabay mo na dito sa akin.” Suhestyon ni Wonwoo.
Tama nga si Tita Georgia, maaga mag-lo-Losartan ‘to.
“Wonwoo, forgive me, pero Buldak is a health hazard. Sobrang lala ng sodium content niyan. You're gonna die early if you continue eating that.” May pag-aalalang explain ni Mingyu.
“Well, I’m not here for a long time but for a good time.” Wonwoo mischievously said with matching nose scrunching pa and a thin smile. At kumuha pa ng isang pack just to probably spite Mingyu. Tiningnan pa siya at ngumiti, halatang nangiinis.
Mingyu clicks his tongue and grabs both of Wonwoo’s Buldak and places them back on the rack. “You’re not gonna eat that.” He sternly said.
Si Wonwoo naman ay nagulat sa kanyang ginawa at kinuhang muli ang hindi lang dalawa, kundi tatlong balot na ng Buldak, but Mingyu didn’t falter. Para silang tanga sa isle na yun na nag-aagawan ng Buldak, halos durog na ang noodles nung isang pack.
“Mingyu, please. I’m starving!” Pagmamakaawa ni Wonwoo.
Oh fuck. Nag-pout pa hala. Mingyu Kim, tatagan mo.
“Then I’ll cook for you. Tara sa bahay.” Anyaya ni Mingyu.
“I’ll cook a much better and healthier version of “Buldak”. Yung di ka ma-di-dialysis after kainin.” Dagdag pa niya.
Si Wonwoo naman ay tumigil at nag-isip. Pinaling pa nito ng bahagya ang ulo, and Mingyu just wants to cage him in a tight hug kasi sobrang fucking cute talaga ni Wonwoo.
Sweet Jesus, parang pagdurusa na ipinakilala mo siya sa akin tapos di ko puwedeng mayakap?? Tila ka dyan kalaban.
Kinuha pa rin ni Wonwoo ang isang pakete ng Buldak at tiningnan ng masama si Mingyu.
“Bibili pa rin ako ng isa, baka ’di naman masarap ang luto mo eh, i-ho-hostage ko muna ’to at lulutuin kapag sinungaling ka.” Mataray nitong sambit at medyo pinagsingkitan pa siya ng mata.
Si Mingyu naman ay napangisi lang, because Wonwoo isn’t aware of what he is about to taste.
“So?” Halos hindi na humihinga si Mingyu pagkatapos sumubo si Wonwoo ng kanyang lutong-stir-fried spicy noodles.
Nakapikit lamang ito, habang nakapisil sa kaniyang balingusan. Maya-maya pa ay tumayo ito at kinuha ang Buldak, at doon na nagsimulang manlambot si Mingyu.
Sobrang confident pa siya kanina while cooking na this will be his ace para mas lalong mapalapit sa binata. Baka dapat ata tinaktak muna niya yung sandok sa kawali at sumigaw ng “Okay na ‘to.” Baka sakaling mas sumarap yung luto niya.
Ngunit nagulat naman siya nang biglang binuksan ni Wonwoo ang kanilang basurahan at itinapon ang Buldak with dabog at dali-daling bumalik kung saan siya nakaupo kanina. Nagulat pa siya nang hinawakan nito ang kaniyang mga kamay, ang mga matang nagni-ningning at punong-puno ng kagalakan.
“Mingyu, pwede magmura? Kasi tangina, ang sarap ng luto mo!!” Halos maiyak-iyak nitong sambit habang hindi pa rin binibitawan ang kanyang kamay.
“You just ruined Buldak for me, and that says a lot kasi, I love Buldak!” Dagdag pa nito.
Muli nitong nilantakan ang luto niya at si Mingyu naman ay di maipaliwanag ang sayang nadarama dahil buong akala niya ay hindi nito nagustuhan ang kaniyang inihanda. Muli niyang tinitigan si Wonwoo at, oh, anong ligayang makitang ganado nitong sinisimot ang kaniyang pagkain.
“If you want, I can cook for you, kahit anong request mo, lulutuin ko.” Mingyu suggested, and he thought seeing Wonwoo smile was the best thing in the world, but it just hits differently kapag ang reason ng mga ngiti nito ay siya at ang luto niya. The way to a man's heart is through his stomach, ika nga.
Sana proud ka sa akin, Mommy Grace.
“Talaga? Lulutuan mo ’ko kahit ano?” Sabik na tanong ni Wonwoo, at para namang music to Mingyu’s ears ‘yon kasi cooking is one of his passions, aside sa magpalaki ng muscle at mag-basketball.
“Oo naman, punta ka lang dito anytime, lutuan kita.” At di na niya napigilan na pisilin ang pisngi ng binata. Ang cute-cute nito kumain, parang hamster dahil namumukol pa ang pisngi sa sobrang ganadong kumain. Pumapalpak pa sa sobrang tuwa sa kanyang luto. Sealion yarn.
“Ang sarap talaga nito! Kahit DDS, mapapayag mo na huwag iboto si SWOH sa 2028 kapag natikman nila ang luto mo, eh!” Muli nitong puri. Humagalpak naman ng tawa si Mingyu kasi parang for him incurable na ang mga kultong ‘yon, pero in Wonwoo’s opinion, they can still be changed only because he believes his dishes are too good.
“Alam mo, dapat kang magtayo ng eatery dito, Mingyu! This place cannot live off of convenience store food lang, and fast food. They need to eat real food like this.” Sumubo itong muli ng noodles at nang mapansing paubos na ang nasa kaniyang plato ay agad naman kumilos si Mingyu para dagdagan ito.
“Yeah? Kasi gusto ko mag-business talaga dahil I just recently resigned sa trabaho, and I’m considering some investments.” Sagot naman niya.
“Oo naman! Gusto mo tulungan pa kita eh!” Excited na sagot ni Wonwoo sa kaniya. In all honesty, Mingyu isn’t really considering establishing a diner lalo na mataas ang chance na malugi ang isang business in the food industry, pero the way Wonwoo cheered him on just hits something inside of him that he couldn’t explain with words.
Lesson Learned: Buldak = 0 Mingyu Kim = 1
── ⟢ ・⸝⸝
It continued like that for almost every day. Wonwoo visits him as they try to curate more dishes na sa palagay nila ay magiging mabenta sa mga tao sa lugar nila. They grew much closer as the days went by. Friends na rin sila sa social media ng isa’t isa, kaya naman mas lalo pang nakilala ni Mingyu si Wonwoo.
everywon posted a story (2 am)
*Mobile Legends Screenshot - Defeat 37 – 39
wonwoo17 (MVP) 7.2
woodzpecker 3.0
ediwew 4.4
nanakitngPWD 4.5
subomoto 5.0
Caption: Winstreak na sana, sumali pa kasi tong si @woodzpecker
@woodzpecker comment: sorry na baby 🙁
(Anong baby?! Hoy woodzpecker! Sumasalo ka ba ng bomba?)
@9yukim replied
Wons, puro Mobile Legends. Mag-sleep na. 🙁
@9yukim
Huwag mo ko i-long press dyan, wons. 😊
@everywon
Eh bakit ikaw gising pa?
@9yukim
Fair point. sino si woodzpecker?
@everywon
tropa ko yan, taga kabilang phase. Pakilala kita minsan, mahilig din yan mambola.
(Ah, tropa. Eh, bakit baby tawag sayo? Hirap pag online di ko makweluhan.)
@9yukim
mambola??
@everywon
Mambola = magbasketball. 🙄
Ano ba 'yan, Mingyu? 'Yan ba ang cum laude noong college?
@9yukim
Lol. I really need to know your language, Wons. 😂
Anyway, please catch some sleep. May trabaho pa tayo bukas. 😊
(And stop talking to woodzpecker.. tsk kalalaking tao, humihinga)
@everywon
Na para bang sinuswelduhan niya ako??
@9yukim
I’m cooking chicken pie tomorrow.
@everywon
AAAAHHHHH!!! Finally, matutupad na ang request ko. Totoo talaga ang Diyozzz! 😍
Puwede bang walang green peas?
@9yukim
👍
@everywon
Yay! Nakakumot na po. Good night, Mingyu! ❤️
@9yukim
👍
Sa pagkakaalam ni Mingyu, hindi naman siya seloso. May mga naging girlfriend naman siya noon, and he can confidently say na rational siya with an open mind, he didn’t really care if his past girlfriends have male friends. Pero when it comes to Wonwoo, para siyang nababaliw kapag naiisip niyang may tumatawag na baby dito, para siyang tinatrangkaso sa selos. What more pa kaya if may poporma or mapunta siya sa iba. Hindi talaga siya papayag! Kay Mingyu Kim lang si Wonwoo Jeon!
Lesson Learned: Malayo na pero malapit ko ng mabira si woodzpecker.
everywon posted a story (3 pm)
[Photo: 8 pieces of Lumpiang Shanghai with sweet chili sauce]
[Music: Ipagdadamot kita by OLG Zak]
caption: di ako madamot, kaso lang ikaw na yan @ shanghai ni @9yukim 😆
@9yukim replied:
sayo lang yan lol
everyowon’s replied:
akin lang pi 😋
Lesson Learned: Sayo lang ang Shanghai ko, Wonwoo.
Minsan naman, dinalaw si Mingyu ng kanyang friend at former officemate na si Minghao sa kanilang bahay. Isa si Minghao sa mga maituturing niyang matalik na kaibigan niya, a brother from another mother, sanggang-dikit, ika nga nila. Pero mukhang magbabago na ata ito today.
“Mingyu, may bisita ka.” Tawag ng ina sa kanya.
“Kuys!” Bungad ni Minghao sa kaniya pagkabukas ni Mingyu ng pinto.
“Sorry po, bawal po mabaho dito.” Biro niya sa kaibigan.
“Namu, ‘kaw na nga tong dinadalaw!” They did their usual fist and chest bump as they went inside to settle in.
“Wow, ganda ng balur nyo ah! Saludo kay Ate Jiwon.” May pakiss pa sa kamay, sabay turo sa taas na para bang sumakabilang buhay ang ate niya.
“Tangina neto, buhay pa ate ko!” Hinampas pa ni Mingyu ang tropa.
“May dala akong cake. Di ko sure kung anong flavor gusto mo, basta sabi ko sa tindera, yung pang-housewarming.”
“Sana pera na lang.” Dismayadong sagot ni Mingyu.
Ang dami na rin nilang napagkuwentuhan, from their experiences and memories sa opisina, hanggang sa NBA at kung anu-ano pa.
“May bago ngang recruit sa office, legit kuys ganun mga type mo, kawangis ng mga naging ex mo eh. Morena na mabilog mata. Saka malaki ang..” Nag-pause pa ito at malokong tumingin kay Mingyu, pareho naman silang bumunghalit ng tawa.
“Gago! Bastos!” Sabay supalpal sa mukha ng kaibigan.
“Malaki ang paa kasi! Di ako patapusin eh. Pero promise kuys, bagay kayo non. Pakilala ko sayo minsan.”
Huli ka na sa balita kuys, mas gusto ko na ang matangkad, malabo mata, laging puyat at pinagdadamot ako. (shanghai mo yung pinagdadamot niya, Mingyu, huwag ka delulu)
Ewan ba niya pero kakaisip pa lang niya kay Wonwoo, ay bigla nalang bumukas ang pinto at niluwa nito ang binata, hindi na kasi ito kumakatok sa utos na din ni Mingyu, gusto niya kasi ituring na ni Wonwoo na parang bahay na niya din ang bahay nila.
Doon naman na din iyon mauuwi. Huwag daw kayong astang kalaban diyan!
He’s wearing an oversized white tee and cargo pants na halos lamunin na ang katawan sa pagkabaggy, bitbit pa nito ang kanyang laptop, dahil nakaugalian na niyang gawin ang trabaho sa bahay nila habang si Mingyu ay nagluluto ng pagkaing i-a-add sa menu ng eatery.
“Ay, sorry, may bisita ka pala. Balik na lang ako.” Nahihiyang sambit ni Wonwoo.
“Ah Wons, pakilala ko mun—.” Naputol naman ang dapat na pagpapakilala niya sa kaibigan dahil bigla na lamang itong humarang sa harapan niya.
“Mingyu, di mo sinasabi na taga dito pala sa inyo ang mapapangasawa ko.” Ngiting asong sapaw ni Minghao sa kaniya habang titig na titig sa buong pagkatao ni Wonwoo. At syempre hindi natuwa si Mingyu, parang dumilim ang paligid tapos may imaginaring kidlat pa siyang narinig.
“Hello, Minghao Xu nga pala. Friend ni Gyu.” Sabay lahad ng kamay sa binatang kararating lang.
“Hello din. Wonwoo Jeon. Kapitbahay nila ako.” Nakangiting tinanggap ang kamay ni Minghao.
“Nice to meet you, Wonwoo Jeon…Xu.” Pinisil pa nang marahan ang kamay ni Wonwoo at hindi pa rin inaalis ang ngisi na akala mo ay asong ngayon lang nakakita ng karne. Si Mingyu naman, sa kabilang banda, ay pinapatay na si Minghao sa utak niya.
Eh, si San Pedro gusto mo ma-meet, Minghao?
Sumingit naman si Mingyu sa pagitan ng dalawa at pilit na pinaghiwalay ang mga kamay.
“Ano, Wons. Aalis na si Minghao. May lakad pa siya.” Hinawakan niya ang mga balikat ni Minghao at ipinaharap ng puwersa sa labasan. “Paano, kuys, chat-chat na lang ha.” Pagtataboy nito sa kaibigan, tinutulak pa palabas ng kanilang bahay.
“Huh? Saan ako pupunta?” Binibigatan pa ni Minghao ang sarili para hindi siya maitulak ni Mingyu nang tuluyan palabas, ngunit masyadong malakas ang kaibigan at madulas din kasi ang sahig, kaya naman umabot na sila sa may pinto.
“Sa barangay ka na magpaliwanag.” Dagdag pa ni Mingyu, at talagang hinahatak na niya palabas si Minghao. Si Wonwoo naman ay litong lito sa kaganapan, at nakatingin lang sa dalawang gago. It was so hard to watch, but Wonwoo found it entertaining.
Nagtagumpay naman si Mingyu na mapalabas ang kaibigan matapos ang ilang minutong pagtulak-tulak nito. “Huwag ka nang bumalik dito!” Pahabol pa niya, at tuluyan nang isinara ni Mingyu ang pinto ng kanilang bahay at nagpakawala ng malalim na hinga.
“That was weird,” Wonwoo said after Minghao had left the house.
“He is weird.” Sagot naman ni Mingyu pabalik sa binata.
Maya-maya ay nakareceive siya ng message mula sa kaibigan.
Minghao:
Ang lala mo Kuys! Homewrecker! Bakit mo ko nilalayo sa asawa ko??
Mingyu Kim:
🖕🏻
Wonwoo started settling into their dining area. Sobrang natural na tingnan na sanay na si Wonwoo gumalaw na para bang doon din siya nakatira. Mingyu likes the idea na komportable ang binata sa bahay nila. Wala na atang mas do-domestic pa sa asta nilang dalawa, kulang na lang talaga ng kiss every now and then.
“Wons, sorry hindi pa na-thaw yung lulutuin ko today, kain muna tayo ng cake while waiting?” Anyaya niya sa binata. Ang huli naman ay busy na magtipa sa laptop at tumango na lang sa kanya.
“Ano bang lulutuin mo?” Tanong ni Wonwoo.
“Pork Siomai, Dumplings at Hakaw.” Impit na tili naman ang sinagot sa kaniya ni Wonwoo at ang mga mata ay namimilog na sa kasabikan.
“ACCCKKK! Hala Mingyu, mind reader ka ba? Kagabi ko pa iniisip ’yang mga ’yan eh!!” Pumapadyak pa ito sa ilalim ng mesa sa sobrang excitement.
Hindi naman na napigilan ni Mingyu ang sarili kasi ang cute-cute sobra ni Wonwoo as he pinches his plump cheek. His heart really loves it whenever Wonwoo shows his excitement about eating his dishes. So how can he just let someone else swoop in and take this happiness away from him? No way he’s ever gonna let anybody ruin what they have.
“Here, Wons.” He offers a slice of chocolate cake to Wonwoo, who had gone back to his serious, number-cruncher alipin ng salapi face, which Mingyu finds super hot.
Wonwoo took a bite but immediately scrunched up his face after tasting the cake.
“Pota, ang pait! Wala bang chaser?” Nakalabas pa ang dilang reklamo nito. Natawa naman si Mingyu, but decided to taste the cake in question, but for him it’s not bitter, it’s more on the sweet side.
“Matamis kaya.” Sagot niya.
“Mapait! Anlala nung cacao na ginamit ano ba yun gawa sa ampalaya? It’s so bitter!” Explain pa ni Wonwoo.
“Hindi naman mapait, Wons. Try mo ulit.” Mingyu deliberately offered his own spoon, which Wonwoo gladly accepted.
Tinatanggap ko po itong indirect kiss namin pero dapat sa susunod sa lips na po sana.
“It’s still bitter, Mingyu!” Muling reklamo niya.
“There’s something wrong with your palate, ang tamis kaya.” Giit ni Mingyu.
“Huh? Ikaw ang mali, matamis daw, eh ang bitter nga!” Nagsaklob pa ng mga braso sa dibdib, sabay pout. At grabe, sobrang cute talaga niya, kaya naman napakurot na naman siya sa mapipintog na pisngi ni Wonwoo.
“Whatever, Bitterie.” Mingyu even made a slight nose scrunch when Wonwoo looked at him, then rolled his eyes.
“Deadma sayo, Sweetie.” At sabay balik na sa kanyang laptop at hindi na muling pinansin ang cake, fully unaware of what it did to Mingyu, who’s currently having a really severe case of downbadism kasi sino namang hindi kikiligin pag tinawag kang sweetie ng taong gustong-gusto mo.
“What did you just call me?” Mingyu, of course, wanted to hear it again. Gusto lang niyang ma-make sure na hindi ito guni-guni lang. But Wonwoo is too busy with his work at talagang hindi na siya pinansin muli.
“Say it again, please, Bitterie.” Muli niyang kulit. But Wonwoo kept on mumbling words na binabasa niya from his laptop screen, while inaalog ni Mingyu ang buong pagkatao niya.
“Bitterie.. Call me that again, dali na.” He even forcefully took Wonwoo’s chin to move his face towards him, para pansinin na siya. Kaso ayaw talaga, yung mukha nakaharap sa kanya pero yung mata nakatingin pa rin sa screen ng laptop.
Ah ayaw mo ah.
Mingyu began tickling Wonwoo’s side, and the latter just burst out laughing, and finally, after the longest 5 minutes of Mingyu’s life, tinawag na din siyang muli ni Bitterie.
“HA HA HA HA! Tama na, Sweetie! Awat na please, ayaw ko kiliti!” Mangiyak-ngiyak na pagmamakaawa nito sa kanya. But Mingyu just kept tickling him, while the latter was already on the floor, dying from laughing too much.
“Ayaw na Sweetie! Please. Sakit na tyan ko!” Nanghihinang pinipigilan ni Wonwoo ang mga kamay ni Mingyu, na pilit na inaabot ang kaniyang tagiliran.
“Okay, Bitterie. I’ll stop na.” He smiles as he pulls Wonwoo up and helps him settle on the chair where he was originally sitting.
“Nalagyan tuloy ako ng icing sa damit ko, ikaw kasi!” Sambit ni Wonwoo habang pinapahiran ng tissue ang T-shirt.
“Kuha lang ako ng pamalit mo, labhan ko na lang ’yan.” He even ruffles Wonwoo’s hair just because..
Pinagmasdan niya ang binatang bumalik muli sa ginagawa. The trace of a smile didn’t leave Wonwoo’s face, and something akin to fervor started seeping through Mingyu’s whole being. It’s the kind of warmth you never knew you needed, the kind of feeling that settles into your bones and makes your chest ache from wanting more of it. Every glance, every touch, every small moment became unbearable in the sweetest way, as if Mingyu’s heart could no longer contain how deeply it longed to be loved back.
He is helplessly in love.
Mingyu to Minghao Xu:
Kuys isa kang alamat, thank you sa cake 😚
── ⟢ ・⸝⸝
everywon posted a story (1pm)
[a photo of two people doing a half-heart pose in front of “Mary Grace Bayo Tayo”]
[Music: Hot Maria Clara by Sanya Lopez]
📍 SM Mall of Asia
caption: Welcome back, Asia’s Mekaniko @shuajeon
@9yukim replied
Mekaniko? Sabi mo Dentist si Kuya Shua?
everywon replied
Ewan sayo nhak.
@9yukim replied
not anak, I’m Sweetie po.
everywon reacted 😆 to your message
One of the constant people na madalas ikuwento ni Wonwoo kay Mingyu ay si Kuya Shua na nakatira sa America. Since separated ang parents nila Wonwoo, ay pati silang magkapatid napaghiwalay din before Wonwoo could even enter college. He stayed with his mom while Shua was under their father’s care. Wonwoo is very close to his brother, at madalas nitong banggitin kay Mingyu na miss na miss na niya ang Kuya niya, and kung gaano nito kamahal ang kapatid. Despite their distance and time differences, they remained connected.
Kaya naman sobrang galak ni Wonwoo ng malamang uuwi ang kapatid, and decided to stay with them for good. Halos araw-araw niyang ina-update si Mingyu with matching pa-countdown pa. So when Mingyu will finally have a chance to meet the said brother, he couldn’t explain why he had to put so much effort into impressing him. Siguro kasi Wonwoo looked up to Shua so much and Mingyu wanted a validation na bagay siya sa kapatid nito.
everywon posted a story [11 am]
[photo meme]
“Paano mo malalaman na mayaman pala kayo?
Mama: Gising na pala ang mahal na prinsesa!”
everywon caption: wahaha dalawa na kami sinasabihan ngayon @shuajeon
shuejeon commented: civilians getting involved
9yukim replied:
iyan na ba ang damay sibilyan, lumaki sa mansion version haha
everywon reacted 😆 to your message
everywon replied:
labas pala ulit kami ni Kuya Shu later, di muna ako makakadaan diyan. sowee sweetie 🥺
9yukim replied:
Oh, okay. magdala na lang ako sa inyo ng luto ko later. I’ll cook sopas 😊
everywon replied:
hala sopas 😭wait, sabihin ko kay kuya huwag na kami umalis! waaah I want sopas with quail eggs, sweetie! 😭😭
9yukim reacted 😆 to everywon’s message
9yukim replied:
antayin kita, bitterie. 😊
everywon replied:
huhu sowee sweetie, pass muna sa sopas. ayaw i-postpone ni kuya lakad namin today eh 😔
9yukim reacted 👍🏻 to everywon’s message
Siguro imagination lang ni Mingyu, or baka he is overthinking it, pero he can sense that Shua doesn’t like him. Nung pinakilala na siya ni Wonwoo, okay naman ang lahat. Shua may not smile much like Wonwoo, pero kinakausap naman niya si Mingyu, which he thinks is a good sign that the older one doesn't hate him. But then, nang minsang isinama ni Wonwoo si Shua sa bahay nila para sa kanilang usual taste testing, the older one became cold. Kulang na lang magkumot si Mingyu sa sobrang lamig sa pakikipag-usap sa kaniya ni Shua. After that, dumalang na din ang pagpunta ni Wonwoo sa bahay nila tapos minsan makakasalubong niya sa daan ang magkapatid, tatanguan lang siya ni Shua and then yayayain na si Wonwoo umalis. Hindi tuloy siya makaporma nang maayos kay Bitterie.
Si Lord naman, sana pinera mo na lang, nagpadala pa ng pagsubok, eh.
So ano pa nga bang ibang puwedeng gawin ni Mingyu if hindi niya naman pala makakasama si Bitterie? Ibuhos ang lahat ng frustration sa gym. Kulang na lang, pati gym instructor, buhatin na rin niya sa sobrang dismayado ng nadarama. Kaya ito siya ngayon after mag-gym, loading himself up with protein together with his gym-rat buddy, Jeonghan, hoping maibsan ang lungkot na nadarama.
“Mmm.. fuck sarap..” Ungol ni Jeonghan. Si Mingyu naman ay napahinto sa pagkagat ng burger dahil sa inaasal ng kaibigan.
“Can you please stop sexualizing everything?” Reklamo nya. Si Jeonghan naman ay mas nag-OA pa sa pagkagat at paglunok ng pagkain, nilabas pa ang dila para linisin ang bibig.
Medyo sanay naman si Mingyu sa kalokohan ng kaibigan, he had known him for some years now at ganito na talaga siya magmula noon. Kahit sa Instagram profile nito, may nakalagay pang “bio? hin kita” sa description. Some may think Jeonghan is a playboy or bastos na tao pero, that's the total opposite. To be honest, sya pa nga ang naloloko, he often gets cheated on by his past relationships, and if Mingyu is being honest, Jeonghan is a very good catch. Sobrang greenminded lang talaga at palaging may pa-double meaning na jokes.
Umiling na lang si Mingyu at tinuloy ang pag-ubos ng chicken burger niya. Akala niya, titigil na sa kaweirduhan ang kaibigan, ngunit nagulat siya nang biglang binugahan siya nito ng iniinom na tubig.
“Tangina naman Jeonghan eh, kakashower ko lang!” Reklamo niya habang pinupunasan ang sarili.
“Gago!! 6 o’clock!!” Gigil na bulong nito, may kasama pang hampas sa braso. Paglingon niya, kahit pati siya nasamid na sa iniinom niya. Lo and behold, standing there is none other than Wonwoo “the love of his life, period no erase padlock tapon susi” Jeon, together with his brother na nakapila sa counter kung saan sila kasalukuyang kumakain na fast food resto.
“Tanginuuhhh, man. Ang ganda niya!!” Sambit ni Jeonghan. Kilig na kilig na pinagmamasdan si Wonwoo with matching paghampas na naman sa kanyang braso na para bang teenager na nakita ang crush niya. At siyempre as Bakod of the Year Awardee of 2026, hindi papayag ang Mingyu na may aangkin na naman sa kanyang Bitterie.
“Hep! Huwag mo nang tingnan, akin na ’yan.” Sabay takip ng mata ni Jeonghan. He even tried to stuffed Jeonghan’s mouth with fries para hindi na ito makapagsalita, kaso mo biglang kinagat nito ang kanyang daliri.
“Aray!” Singhal ni Mingyu sabay bawi ng kamay.
“Paano naging sa’yo? May label na kayo?” Mapanghusgang tanong sa kanya ni Jeonghan.
“Wala. Pero darating na din kami doon, kaya, hands off!” Mariing banta ni Mingyu sa kaibigan. Jeonghan then clicks his tongue and gazes back again to where Wonwoo is.
“Cute din yung nakasalamin, sige yun na lang sa akin.” At akma naman na itong tatayo, ngunit pinigilan siya ni Mingyu sa gagawing pagpunta sa dalawa.
“Ano na naman? Huwag mo sabihin iyo pa din yon? Pota Mingyu, sayo lahat yan??” Ngunit hindi talaga siya nagpatinag at tumayo nang muli para puntahan na si Wonwoo, pero mas nagmatigas si Mingyu at dinaganan si Jeonghan kung saan ito nakaupo.
“Aray! Mingyu tangina ang bigat mo, gago!”
“Akin yung nakasalamin!” Sagot nito.
“Tapos sayo din yung isa? Ito na ba yung greed na binabanggit sa TikTok?!” Sabat naman ni Jeonghan.
“Galing bible yon! Tanga!” Pagtama ni Mingyu.
“Eh hindi naman ako nagbabasa ng bible. Umalis ka na nga, bigat-bigat mo!” Tinulak pa nito si Mingyu pero matigas talaga eh, the man who can’t be moved, literal.
“Mingyu?” Sabay naman silang napalingon sa tumawag ng kanyang pangalan, at there he is, Wonwoo “the love of his life, period, no erase padlock tapon susi” Jeon, together with his brother na may hawak na tray ng kanilang order, looking at them with judging eyes.
“Bitterie! Andito rin pala kayo. Hehe.” Sabay ayos ng upo sa tabi ni Jeonghan, pinausog pa niya ang huli sa dulo ng upuan para lumuwag ang space niya.
“Oo, galing kami dyan sa third floor, gusto kasi si Kuya mag-pa-facial kaso sarado, kakain na lang tuloy kami.” Sagot ni Wonwoo.
“Facial? Favorite ko din yan gawin.” Biglang salita ni Jeonghan habang nakatingin kay Shua. Si Mingyu naman ay tinakpan ang bibig ng kaibigan. Hindi na nga siya gusto ni Shua, tapos baka isipin niyang bastos siyang tao dahil sa bunganga nitong kaibigan niya.
“Shut up, Jeonghan,” Mingyu whispered seethingly to his friend. Pero Jeonghan ignored him and stood up to face the two individuals.
“Hi, I’m Jeonghan Yoon. Dito na kayo umupo, please?” Nakangiti nitong pakilala at pag-anyaya sa magkapatid. Malugod namang umupo ang dalawa sa kanilang harapan.
“Thank you, Jeonghan. I’m Wonwoo Jeon, and this is my Kuya Shua.” Pakilala naman ni Wonwoo. “Magkapitbahay kami ni Mingyu.” Dagdag pa nito.
“Ah.. Ako naman ang future ni Gyu.” Nakangisi nitong sabi.
“Future kita??” Gulat na sambit ni Mingyu.
“Oo, Future Kapitbahay. Hi Shua, puwede ba akong tumira diyan sa puso mo?” Sabay kindat kay Shua.
“Jeonghan naman parang tanga eh.” Bulong ni Mingyu at sinipa pa ang paa nito sa ilalim ng mesa.
“Aray ko! Bakit ba? Akala ko sa’yo yung nakasalamin?” Bulong naman pabalik ni Jeonghan.
“Oo nga, eh nagpapabango din ako sa kuya niya. Masama ata ang dugo sa akin. Baka mas lalo mainis sa akin dahil sa kalokohan mo, kaya behave na, please!” Muli niyang bulong sa kaibigan. Ngunit nagulat naman sila nang biglang tumawa ng malakas si Shua.
“AHAHAHAHAHAHA!” Tawa ni Shua at napapalo pa sa mesa sa sobrang saya.
“Ngayon ko lang na-gets.” Maluha-luhang sambit ng lalaki habang pinupunasan ng mga daliri ang gilid ng mata.
“Hi, Jeonghan. Na hopefully maging Future Neighbor ni Mingyu.” Makahulugan nitong sabi, sabay kumindat din pabalik kay Jeonghan.
Si Mingyu naman ay di makapaniwala sa pangyayari. The supladong Joshua Jeon is laughing wholeheartedly sa ubod ng baduy na pick-up line ng kanyang kaibigan na maginoo ngunit medyo bastos? Did Shua wake up on the wrong side of the bed for him to open up so easily like this? Samantala, siya ay hirap na hirap na makipag-close sa kuya ni Wonwoo.
At eto ngayon ang eksena, ini-invite pa si Jeonghan sa bahay ng Jeons para daw tulungan mag-set up ang biniling Mac ni Shua.
Kaya naman ay palihim niyang binulungan ang kaibigan para humingi ng tulong.
“Psst, help mo ’ko gumaan ang loob sa akin ni bayaw.”
Siniko pa niya si Jeonghan kasi ayaw sumagot.
“Anong tunog ’yon? Tunog ng isang hayop na humihingi ng tulong.” Ngising bulong pabalik ni Jeonghan. Hindi lang halata, pero pikon na pikon na si Mingyu, but dedma muna sa pang-aasar ng kaibigan. Mas kailangan niya ng tulong nito.
“Sige na, oh.” Muli niyang bulong.
Ngumisi naman si Jeonghan at hinarap siya.
“Sige, kiss muna.” Sabay nguso at nag-kissy face pa kay Mingyu. Nilayo naman ni Mingyu ang mukha at talagang nandidiri siya.
“What are you two doing?” Sita ni Wonwoo.
Sabay naman silang tumawa ni Jeonghan, halata mong pilit lang ang tawa kasi puro hinga lang ang lumalabas.
“Wala naman bayaw. Kain lang kayo.” At itinuro ni Jeonghan ang mga pagkain sa mesa.
Jeonghan then gazes back at Mingyu with that cunning expression that the latter finds scary. He, however, is amazed by how Jeonghan wooed Wonwoo’s brother, who is currently laughing his ass off with Jeonghan’s dirty jokes. He was so busy looking at Joshua that he forgot someone else’s eyes were on him.
── ⟢ ・⸝⸝
Hindi rin sure si Mingyu kung paano nagsimula at kung bakit humantong sa ganitong setup yung supposedly bonding time nila ng kanyang Bitterie.
It doesn’t bother him naman kung may nadagdag na dalawang tao na need niyang pakainin, kaso Jeonghan is really testing his patience, especially if pati pagporma niya kay Wonwoo ay nadadamay.
But again, sya naman ang humingi ng tulong to get closer to Shua, kaya heto siya ngayon, frying Okoy and Calamares, na another request ni Jeonghan na lutuin niya kasi Shua loves seafood — which is something Wonwoo wouldn’t be able to shove down.
“Sweetie, di ako kumakain nito. Alam mo naman yun diba?” Mingyu wanted to punch himself kasi he should have known better, dapat nagluto sya ng separate na kayang kainin ni Wonwoo. But then Shua had chimed in, which in anyone’s point of view is appropriately correct.
“Wons, you’re not the only customer of Mingyu’s diner. Of course, he has to make different types of dishes. It should be a no-brainer naman eh, and this syokoy is to die for! You need to try!” He said as he gobbled down a piece of the fried, battered shrimp.
Diyos ko, baka sugurin tayo ng undin dito at niluto ko ang syokoy.
Wonwoo made an icky face as he watched his brother finish a whole piece of okoy. Mingyu hates seeing that unhappy face of his beloved. Sana sinaksak na lang daw siya sa puso, mas less pain pa. However, he also needs to think of his business, tama nga naman si bayaw, hindi nga naman si Wonwoo lang ang bibili, and his mind is fighting between winning over his love for Wonwoo and the success of his diner.
“Sorry, Bitterie. I’m gonna whip something else for you. Hm?” He pinches Wonwoo’s plump cheek, but the latter is already in a bad mood. Alam na alam na ni Mingyu yang tingin na yan, malapit na to mag-walk out kaya naman he has to do something. But his thoughts were interrupted by Jeonghan.
“Saan ka bumili nito, Gyu? Ang fresh nitong calamares.” Tanong ni Jeonghan bigla.
“Doon sa bagsakan ng huli, gumising pa ako nang maaga para mabili ’yan. Kala ko nga maubusan ako eh.” Sagot niya.
“Ohh. Ganun ba ka-special sa'yo si Shu para mag-effort ka ng ganyan?” Nakataas pang kilay ni Jeonghan.
“Ah oo naman. He’s important, syempre.” Nakangiti niyang sagot. At nang magtama ang kanilang mga mata ni Wonwoo ay hindi niya maintindihan kung bakit may pait siyang nadarama sa pagtitig nito. He was about to explain na importante si Shua kasi kapatid siya ni Wonwoo, na Bitterie niya, na mahal niya. Kaso lang, hindi pa nga siya makaamin kung bakit naman biglang may pagtatampo pa ata'ng mangyayari.
“Thank you, Mingyu! You didn’t have to, but I appreciate your efforts, atsaka super yummy talaga! You have to put this as a staple food on your menu, this will surely be a hit!”
“Ako rin dapat may thank you kasi ako ang nagsabi sa kanya ng mga gusto mo. hehe.” Sapaw naman ni Jeonghan na sinuklian naman ng matamis na ngiti at pabulong na thank you galing kay Shua.
Napawi naman ang pag-aalala ni Mingyu at napangiti sa narinig kasi ito na ata ang pinakamahabang conversation nila ni Shua. Parang di siya makapaniwalang kinakausap siya nito at pinupuri, when usually ni hindi man lang siya tapunan nito ng tingin noon. Bumaling naman ang tingin niya kay Jeonghan na kasalukuyang ipinaghihiwa si Shua ng calamares, making sure they are bite-sized. Sa tabi nila ay si Wonwoo na pinagpapalitan ang tingin between Jeonghan and then to Mingyu, and he feels so uncomfortable with how all the attention is on his brother. It feels so wrong to feel that way, and he hates himself even more for even thinking that his feelings are being set aside. Ang selfish-selfish naman niya sa lagay na 'yon.
Wonwoo stood up and went straight to the refrigerator to get some refreshments. Alam niya kasi madalas may strawberry juice si Mingyu sa fridge kasi yun ang favorite niya. Kaso ang bumungad sa kanya ay litro ng grapefruit juice at wala yung kanya.
“Mingyu, kanino to?” Tawag niya sa binata.
“Ay, Bitterie, para kay Kuya Shua ’yan. Sorry, di pala ako nakapag-stock ng juice mo. Bili ako bukas din. Umiinom ka naman niyan, ’di ba?” Sagot ni Mingyu. At si Wonwoo naman ay binalik naman sa loob ng fridge ang bote dahil bakit naman daw niya iinumin ’yan. Hindi naman pala kanya.
“Siguro uuwi na lang ako. Wala rin naman akong silbi dito kasi di ko naman puwedeng kainin ’yang mga ’yan.” Malungkot na pahayag ni Wonwoo.
“Wons, sorry. Nawala talaga kasi sa isip ko na ayaw mo ng seafood.”
“Okay lang. Tama naman si Kuya, dapat naman yung ibebenta is for everyone.”
Mingyu really wanted to smack himself, kasi sobrang lungkot talaga ng mukha ni Wonwoo. Tapos biglang nagliligpit ng gamit ang binata. Napapaisip tuloy siya kung tama pa ba na magpalakas siya kay Shua kung kapalit naman ay mapapalayo ang loob ni Wonwoo sa kanya.
But then it went on for many more times after that. He is gaining more interactions with Joshua, mas naging close sila sa tulong na din ni Jeonghan. Sumasama pa din naman si Wonwoo kapag nagtataste testing, he is even the one who made a draft of his bookkeeping at ledger. Sumama din ito sa kaniya sa pagbili ng mga kagamitan sa diner, of course, kasama pa din yung dalawa sa mga lakad nila. To Mingyu, wala naman siyang nahahalatang kakaiba sa kinikilos ni Wonwoo, at doon siya nagkamali.
── ⟢ ・⸝⸝
(The food stall/resto names mentioned are real businesses)
ToRo Fam Group Chat
Jeonghan (Daddy Vince):
Mingyu, bakit wala pa name yang eatery mo?
Mingyu (Papi Galang):
ah, wala pa maisip haha
Shua (Mommy Oni):
Oh, it should be witty para madami macurious!
Jeonghan (Daddy Vince):
Ito magandang name Gyu!
Swab Taste - Positive sa Sarap, Negative sa dumi
Tyronia and Papi Galang reacted 😆to Daddy Vince’s message
Wonwoo (Tyronia)
HAHAHA! Ako din may naisip!
JayWok - Mapapatawid ka sa sarap
Papi Galang and Daddy Vince reacted 😆to Tyronia’s message
Jeonghan (Daddy Vince):
oh di kaya Jollikod, tutal nasa likod ng Jollibee bahay nyo HAHAHAHA tapos nakatalikod ka dapat sa poster mo 😂
Tyronia and Papi Galang reacted 😆to Daddy Vince’s message
Mingyu (Papi Galang):
I’ll keep these in mind 😂
Shua (Mommy Oni):
I do not understand a thing ☹️
Jeonghan (Daddy Vince):
@mommy oni okay lang yan madam, maganda ka naman yun na lang ambag mo 😎
Tyronia and Papi Galang reacted 🚶🏻to Daddy Vince’s message
One time, pinapunta ni Shua si Mingyu sa bahay nila dahil gusto nitong magpaturo magluto. Gusto daw lutuan ang Jeonghan. Ayaw nya sana kasi para kay Jeonghan lang naman pala, kaso nagpapalakas nga pala siya kay bayaw.
At siyempre, since nasa isang bahay lang nakatira si Wonwoo at Joshua, nag-e-expect siyang si Wonwoo ang magbubukas ng pinto. Sadly, tulog pa daw ang mahal na prinsesa (Wonwoo), si Tita Georgia ang nagsabi nyan ah! Sinabihan lang siyang akyatin na lang sa kanyang kwarto si Shua.
Pagbukas ni Shua ng pinto ay nagulat naman siya sa itsura ni Shua, his pajama buttons were open tapos parang mamula mula pa ang leeg at dibdib.
“May allergies ka ba?” Habang pumapasok siya sa loob ng kwarto.
“Ah, this?” Sabay turo sa katawan. “I momol Jeonghan kahapon kasi.” Walang kaabog-abog na bulalas nito. Samantala, ang Mingyu na nakarinig ay parang nawawalan na ng bait. Chikinini pala ’yon, akala niya kinagat ng lamok. May lahi pa lang lamok si Jeonghan, nanghihigop ng lakas!
Bayaw TMI!! Parang nag-announce lang ng balita galing dyaryo??
“I do not need to know that.” He cringely said.
“Oh, please.” Sabay roll eyes ni Shua. “As if di pa kayo nagmomol ni Wonwoo.” Biglang sabi nitong ikinapula ang mukha ni Mingyu.
Kami ni Bitterie? Hayup ni hindi ko pa nga nakikiss kahit sa pisngi eh :(
“And I know your huge crush on my brother!” Dagdag pa nito. Si Mingyu naman ay tuluyan nang napako sa kinatatayuan. Medyo nalilito siya sa nangyayari, and what do you mean alam ni bayaw na may gusto sya kay Wonwoo? Isa lang ang alam niyang puwedeng magsabi nito kay Shua.
“And no, Jeonghan didn’t tell me about your feelings. Mingyu, sobrang halata ka!” Diin pa nito.
“Okay lang sa'yo na may gusto ako sa kapatid mo?” Nahihiyang tanong ni Mingyu.
“Of course, I like you for him!” Madiin nitong sagot. “Para kang dog eh, you always follow Wonwoo’s command.” Natatawa nitong dagdag.
“Akala ko ayaw mo sakin.” Mahinang sambit ni Mingyu.
“Hindi ka kasi namamansin tapos madalas mo pang ilayo si Wonwoo sa akin noon, astang kalaban. Napilitan tuloy akong tulungan si Jeonghan na ligawan ka.” Nakanguso niyang paliwanag.
Si Shua naman ay mukhang nag-iisip nang malalim. He made a very big sigh and then moved closer to Mingyu.
“You misunderstood me, Mingyu. It’s not that I don’t like you, it’s because I was afraid na mas close na kayo ni Wonwoo. I’m jealous as a brother! Kasi, I just got home only for Wonwoo to spend more time with you. But I understand it now! My brother is no longer a baby, of course, he’s gonna want a relationship din.”
“I do not hate you for Wons, okay?” Dagdag pa nito. “Lalo pa, I know he likes you back. But—“ Mingyu grabbed both of Shua’s arms tightly, eyes gleaming with joy, interrupting whatever the older was about to say.
“Talaga?! Gusto niya ako? Sinabi niya?” Niyuyog niya pa si Shua at sobrang lapit pa ng mukha niya dito.
“Mingyu..” Shua knitted his brows as he wiped away the saliva that came out of Mingyu dahil sa sobrang pagka excited nito. “I do not appreciate the laway.”
“But hindi naman sinabi ni Wonwoo. I just know kasi kapatid niya ako, and we basically are brain twins, so yeah. Wonwoo feels the same.” Tuloy nito.
Si Mingyu naman ay di na mapigilan ang kilig sa narinig.
“IIIIIIHHHHHHHH!” Nagtakip pa ng mukha, sabay tingin kay Shua na parang nahihiya sa narinig.
“Kuya Shua, please sana boto ka talaga sa akin. I did everything para magustuhan mo ko as bayaw mo!” Pagmamakaawa nito at lumuhod pa sa harap nito habang nakahawak sa mga kamay ng nakakatanda.
“What the heck, Mingyu! Parang child! Of course, I like you for Wonwoo! You are mabait at masarap magluto. I don’t mind if you are a bit boring.” Mingyu made a dramatic gasp, and he even clasped his chest, which Shua rolled his eyes in return.
“Boring in my opinion, Mingyu! But Wonwoo thinks the sun shines right out of your butt. So yeah, I really like you for him.”
Mingyu made another dramatic gasp, but this time he was happy, ngiting ngiti. Di siya makapaniwala na he’s getting Shua’s blessing at sobrang desidido na siyang i-pursue si Wonwoo.
“Talaga gusto mo ako ah!” He is still kneeling and holding both of Joshua’s hands.
“Oo nga! So kulit!”
But then the door burst open, and there stood Wonwoo, mouth agape from the scene unfolding before him. His eyes were glued first to Mingyu and then to their connected hands. And finally, to the hickeys on Joshua’s chest and neck. Wonwoo’s shoulders were heaving slightly, breathing raggedly from what he was seeing. He tried his best to control his emotions. And finally, he found his voice.
“Tawag ka ni Mama.” He said while looking at Shua.
It took Mingyu a while to gain his footing kasi pati siya nabigla. Ang awkward nga naman ng position nila ni Shua, and it could be easily misinterpreted by anyone. And the last person na ayaw niyang mag-isip ng masama ay si Wonwoo.
He tried to catch up to Wonwoo as the latter was about to enter his own room.
“Bitterie!” Tawag niya dito ngunit di ito lumingon.
“Wons, sandali.” He grabbed Wonwoo’s elbow to stop him from entering the room. When Wonwoo faces him, his expression is seething with rage. Kinakabahan tuloy siya kasi feeling niya mali ang intindi ni Wonwoo.
“Nag-uusap lang kami ni Kuya Shua, wala lang ’yon.” Paliwanag niya.
“Ng nakaluhod ka at sya naka half-naked? Ganyan na ba mag-usap ngayon? Sige kung totoo, anong pinag-uusapan nyo na kailangan mo pa lumuhod?” Nakahalukipkip pa ang mga braso ni Wonwoo habang hinihintay ang explanation ni Mingyu.
Hindi naman alam ni Mingyu kung paano ba niya i-e-explain na nagmamakaawa siya kay Joshua na tanggapin siya as bayaw, kaya siya nakaluhod. At yung hickeys, di naman galing sa kanya yun, kaso baka bawal ipagkalat na nakipag-momol si Shua, so ang weird naman if sabihin niya pa yun.
“I invoke my rights against self-incrimination.” Bulong niya sa sarili.
“Ano?” Angil ni Wonwoo. Pero umiling lang si Mingyu nang sunod-sunod, natatakot talaga siya sa bagsik ng mga mata ni Wonwoo.
“Hindi ka makasagot?” At hindi na naman nagsalita si Mingyu, tumalikod na ulit ito, pero pinigilan na naman siya ni Mingyu.
“No, Bitterie, wait!” He held Wonwoo’s hands tightly. “Meron lang akong pinapakiusap sa kanya, kaya ako nakaluhod, tapos pumayag siya. Walang malisya talaga! Mamatay man ako ngayon.” Sabay hawak sa dibdib niya after mag-explain kay Wonwoo, hoping madama ng huli na seryoso siya. They stood there for about a minute. Just hearing each other’s breath.
“Okay.” Matamlay na sagot ni Wonwoo ngunit di pa rin siya tinitingnan nang derecho. Parang mas interesting pa ata tingnan yung sahig at dingding kaysa tapunan siya ng tingin. “Alam ko naman na walang namamagitan sa inyo because sabi ni Kuya, boyfriend na niya si Kuya Jeonghan. Nag-stay pa nga siya dito kagabi, so alam ko kung saan galing yung mga nasa dibdib ni Kuya.” Naparoll eyes naman si Mingyu kasi talagang hindi na nahiya si Jeonghan gumawa ng kalokohan. Dito pa mismo sa bahay nila Wonwoo! Nababahiran tuloy ng kalaswaan ang baby niya.
“Wala ka na bang kailangan? Kasi babalik na ako sa work.”
“Uhm.. Bitterie, lapit na magbukas yung diner. Chat kita bago mag-opening day, dapat andun ka.” Pagbago na lang ni Mingyu ng topic. Nagkibit-balikat naman si Wonwoo at akma na namang papasok sa kwarto. Pero pinigilan siyang muli ni Mingyu at mas hinigpitan na ang paghawak nito sa kanyang kamay, hanggang sa umangat ang mga ito sa kanyang braso upang siya ay paharapin.
“Please, Wons. Magtatampo talaga ako kapag wala ka.” Nakapout pang sambit ni Mingyu. Kasi kung wala si Wonwoo, ay ano pa ang silbi ng eatery. Kay Wonwoo nga niya ipapangalan eh.
At finally, tiningnan na siya ni Wonwoo. Yung tingin na nagniningning pa ang mata. Ito ba yung tinatawag nilang boba eyes? Kaya ba tinawag na boba eyes kasi nakakabobo ang pagtingin sa ganitong mata?
Q: Best President of the Philippines?
MG: Duterte.
Hayup, nabobo na nga talaga ako.
Mingyu can’t help but brush Wonwoo’s cheeks. Pakiramdam niya, sasabog ang puso niya sa sobrang ganda ni Wonwoo. Tapos tinitingnan pa siya na ganito.
Bibigyan ko 'to ng meaning, Wonwoo Jeon. Sinasabi ko sayo, magmula ngayon lahat ng gawin mo sa akin may kahulugan!
“Of course, Sweetie darating ako.” Malamlam itong ngumiti at hinawakan ang magkabilang pulsuhan ni Mingyu.
── ⟢ ・⸝⸝
sweetie (huwag ko daw palitan):
[photo of an ornament]
bitterie, do you think this is good i-add sa mga tables? hehe
bitterie jeon:
cute naman, natanong mo na si kuya shua?
sweetie (huwag ko daw palitan):
uh, no? kailangan ba?
bitterie jeon:
I thought mas important opinion niya kasi.
sweetie (huwag ko daw palitan):
hmm.. not really, mas gusto ko malaman opinion mo. saka busy na din siya kay jeonghan, hehe
bitterie jeon:
ah kaya ako na ulit kinukulit mo?
sweetie (huwag ko daw palitan):
wdym po?
bitterie jeon:
nvm. the ornament looks cute. okay na?
sweetie (huwag ko daw palitan):
napilitan? 😆 but okay! thank you, bitterie!
bitterie jeon reacted 👍🏻 to your message
Mingyu became extra busy as the diner’s opening day is almost near. Aside kasi sa diner, nagprepare din kasi siya ng surprise for Wonwoo now that he is going to officially ask him if pwede manligaw.
Mingyu:
Kuya Shua, okay lang early kayo tomorrow ni Jeonghan sa diner? Pahelp lang mag-ayos 😅
Shua Jeon:
Of course Mingyu! Sabihan ko na lang si Hannie kasi busy pa siya with work.
Mingyu:
Saka ano pala. Aamin na ko Kuya Shu 🙈
Shua Jeon:
Oh my gosh! Finally!! You already have my blessing na ha!
Mingyu:
Thank you, Kuya Shua! Please don’t let Wonwoo know about my surprise, okay? hehe
Shua Jeon:
You can count on me! I will drag Han with me kahit he is tamad! Pero me na ang bahala!
The night before the diner opens, Mingyu decided to take a leap of faith. Ewan din ba niya, pero dinadaga talaga ang dibdib niya kapag naiisip na umamin kay Wonwoo. Kasi si Wonwoo na ’yan eh, hanggang mamuti ang buhok! At sana ay hayaan siyang makatabi ito panghabambuhay.
“I really like you.”
.
.
.
.
Shua Jeon:
Hey..
Mingyu:
Kuya Shu! Good morning! Andito na balloons, and idk ano ang pinakain mo sa kanya pero andito na din si Jeonghan 😂 siya ang naghihipan ng balloons hehe.
Shua Jeon:
Gyu, ano kasi. Si Wons..
Mingyu:
Why, Kuya? Hindi pa niya binabasa ang message ko. Kinakabahan tuloy ako mamaya pagdating niya. Fffaaackkkk!!
Shua Jeon:
Gyu, he’s not here. Wonwoo left.
Mingyu:
Ha? Anong Wonwoo left? Saan pumunta?
Shua Jeon:
Idk where he went pero he sent a message to me. He said he doesn’t want to see you or even talk to you. Wala na raw siyang kilalang Mingyu. And huwag daw siyang hanapin, or else hindi na raw siya uuwi. What happened? Did you do anything to upset him that much?
Parang lantang gulay si Mingyu after mabasa ang message ni Shua. Gusto niyang umiyak, gusto niyang bawiin ang mga sinabi niya kay Wonwoo. It was a heartbreak he didn’t expect kasi he was almost sure Wonwoo felt the same. Mingyu couldn’t think of any reason why his bitterie would run away, tapos galit na galit sa kanya. Ruin the friendship pa nga. Pero at the back of his head, umaasa pa rin siyang pupunta si Wonwoo, for the sake of them being neighbors man lang. Or baka magbago ng isip. Or baka naman na-wrong send lang kay Shua. He was still in denial. Pero nagsimula na silang magbenta ng mga pagkain, ni hibla ng buhok ni Wonwoo ay hindi niya nasilayan man lang.
“Anak, bakit hindi pa palitan ang tarpaulin? Coming Soon pa ang nakalagay.” Tanong ng ina sa kanya.
Tipid naman siyang ngumiti.Gusto na naman niyang umiyak, kaso ayaw niya namang ipakita sa lahat na affected siya.
“Saka na, Ma. Wala pa siya, eh.” Mahina niyang sagot. Tumango naman ang ina na mukhang awang-awa sa kanya. Magaan nitong hinaplos ang likod ng anak at nagpatuloy na lang sa pagsisilbi sa mga umoorder.
The things Mingyu prepared, like the real name of his eatery and his surprise menu, pati na din yung gifts niya kay Wonwoo, ay hindi na din niya tinignan pa. He feels so defeated but also a bit relieved that the eatery Wonwoo suggested him to explore was a success.
Hi Bitterie, I did it. Ang daming umoorder sa eatery na ikaw ang nakaisip. I wish you could see it. I owe it to you. I miss you.
── ⟢ ・⸝⸝
Siguro naging escape na lang din ni Mingyu yung eatery. Dito na lang din niya binuhos lahat ng atensyon niya kaysa malugmok siya sa lungkot kada maiisip niyang binasted siya ni Wonwoo.
Today’s special menu is one of Wonwoo’s favorites — Lomi. Noong first time niyang lutuan ito, nagsasayaw pa si Wonwoo at pumapalakpak na para bang nanalo siya ng pera. Sa sobrang sarap na sarap siya sa lomi, pati yung ginagawa niyang trabaho, nakalimutan niyang i-render agad kasi inuubos pa niya yung nasa bowl. Ang nakakatuwa kay Wonwoo, palagi itong may request na ingredients na either aalisin o idagdag. Kaya naman, Mingyu always makes sure na halos kumpleto ang pantry niya para ibigay ang anumang hilingin ni Wonwoo.
Ang weird na kahit wala pang pangalan ang kanyang eatery ay dinadagsa pa rin sila ng customer. Kaya medyo nababaling na rin sa iba yung isip niya, pero sobrang miss na miss na niya pa rin si Wonwoo na kung saan-saan bagay na lang ata, lagi niyang naalala ang binata. Kagaya na lang ngayon na nagpe-prepare siya ng sahog for lomi.
Nagbabalat siya ng sibuyas - Ang cute naman, color purple, favorite color ni Bitterie.
Naghihiwa ng kikiam - Sabi ni Wonwoo kung gusto ko daw ba tikman ang kanyang kikiam, sabi ko oo, tapos tawa sya ng tawa. Hanggang ngayon di ko pa rin gets, eh kakain lang naman ng kikiam.
Tapos ito ngayon may umoorder ng Lomi, mukhang galing pang pagdedeliver ng parcel, nagrerequest ng extra fried tokwa na toppings. Ganyan din yung favorite ni Wonwoo ipadagdag sa kanya eh. Naalala na naman niya tuloy. Kaya tuloy, dinamihan na niya rin ang toppings noong umoorder.
Wonwoo, kung di ka lang galit sa akin, para sa'yo sana ang bowl na 'yon, oh, ang dami kong nilagay na tokwa. I miss you :(
Days had past and Mingyu didn’t notice na mag-i-isang buwan na pa lang bukas ang kanyang eatery. Nakasanayan na rin niya ang pagpapatakbo nito sa tulong ng kanyang ina. May helpers na rin sila kasi hindi na talaga kaya na dalawa lang silang nag-aasikaso ng business.
Today’s special menu ay twisted donuts sprinkled with sugar. Isa na naman sa favorite ni Bitterie, ang kaibahan lang mas gusto ni Wonwoo na walang sugar, as in plain donut lang tapos mag-ti-timpla lang ito ng Milo ka-partner ng donut.
“Hi, four pieces po nung twisted donuts pero pwede po ba yung walang sprinkled na sugar?” Ani ng customer.
Ah, siya na naman. Yung ka-same taste ni Wonwoo, at wow, ang on point na naman ng order niya, parang si Bitterie ang kakain.
“Naku sorry, suki. Nalagyan ko na kasi ng sugar lahat ng donut. Pasensya na.” Paghingi niya ng paumanhin sa customer. Maya-maya ay may tinawagan ito sa telepono at nang maibaba ay muli itong bumalik sa kanya para ituloy ang order.
“Ah sige po, push po sa order, sir. Okay lang daw po, sabi ng friend ko.” Sambit ng suki.
Oh? Hindi para sa kanya itong order? Interesting.
Hindi naman na rin binigyan ng kahulugan ni Mingyu ang coincidence na iyon. Kaso the following day, ang request ni suki, kapareho na naman ng request ni Wonwoo. Medyo nagdududa na siya ng mga 50%. What if it were Wonwoo who secretly orders pala? He really needs to find out.
Pero parang malapit na niyang malaman ang katotohanan, dahil coincidentally, nakita niya si Wonwoo na lumalabas ng kanilang bahay a moment ago. Hindi naman nagtagal, dumating na rin yung suking rider. Same na naman ulit ang request. Huwag daw lagyan ng chicharon ang goto niya.
Goto mo o goto ni Wonwoo? Gusto niya sanang itanong. At pagkatapos nitong umorder ay umalis din agad. Hindi rin nagtagal ay nakita na niya ring pabalik na si Wonwoo sa bahay nila, at may dalang ecobag na kanina naman, noong lumabas ito, ay wala naman siyang bitbit.
Ilang araw ding nagmatyag si Mingyu, and just like clockwork, Wonwoo will leave their house, then a few minutes later, darating na yung suking rider, tapos saka naman babalik si Wonwoo ng bahay after ilang minuto ng pagalis nung rider. Napaisip na tuloy siya, medyo malapit na nga siya kiligin eh, pero he really needs to make sure na si Wonwoo nga ang umoorder. Kaya naman may naisip siyang plano, a very cunning one, pero this will 100% prove na si Wonwoo talaga ang totoo niyang customer.
Hook, Line, and Sinker. I will trap you, Bitterie! Isip niya while villaniously rubbing his hands.
“Hi, paorder naman ng isang clubhouse sandwich.”
Na walang cucumber at bacon.
“Na walang cucumber at bacon. Tapos mais con yelo pero okay lang merong..”
Merong grated cheese na toppings.
“Merong grated cheese na toppings.” Order ng rider.
Checkmate.
“Huh?” Nasabi pala ng malakas ni Mingyu kaya medyo nagulat ang suking rider.
“Ah ibig kong sabihin, gotcha. I got your order, ganun.” Kamot ulong palusot ni Mingyu.
“Binago na pala meaning.” Pabirong sagot naman ng suki.
Wonwoo, ikaw nga to. Shet. Eh, bakit kailangan mo pang itago? Sobrang miss na miss na kita. :( Pag ako namatay!
Kaya naman, Mingyu always makes sure na prepared siya sa unusual request ni Bitterie. Today, turon with langka ang kanilang menu, pero since Wonwoo prefers ube in his turon, nag-set aside si Mingyu ng para sa kanya. Kasi ito na nga lang ang natitira nilang connection ng binata, kaya naman ibibigay niya kahit ano pa mang i-request nito through the suking rider.
Medyo muntik lang siyang atakihin sa puso sa sinabi nitong rider. What do you mean buntis si Wonwoo at kaya ganyan ang request kasi naglilihi? Halos tuliro si Mingyu buong magdamag, kakaisip kung totoo bang nagdadalang-tao na ang kanyang Bitterie. Kaya naman ay hindi na niya natiis na tanungin si Shua.
Shua Jeon:
That’s so impossible. He’s just playing ML all day, unless Balmond can make him pregnant then maybe he is. Where did you even get this rumor? Why ka marites, Mingyu?
So si Balmond lang pala ang tanging kaagaw niya kay Bitterie. Kaso kada oorder si suking rider palagi binabanggit na buntis si Wonwoo. Kaya minsan hindi na lang niya kinakausap yung rider, kasi medyo madaldal, sinasabi pa na gwapo daw yung tatay, matangkad na moreno, tapos malaki ang katawan.
Pota sino ba yan? Babanatan ko talaga ’yan kahit hindi siya totoo! Chief instigator ba 'tong rider na 'to sa pagpapainit ng ulo ko?
── ⟢ ・⸝⸝
Mingyu’s Emotional Support Group Chat (3 members)
Shua Jeon:
Guys, why is Leni included in the poll pa din diba she said she’s no longer running?
Jeonghan Yoon:
Kasi babe, past polls na yan nung di pa siya officially nag-announce na ayaw na niya.
Shua Jeon:
Isn’t that giving false hope to people? I’m sure there are other candidates with a good heart na gustong tumakbo.
Mingyu:
Tama si bayaw, hanap na ng iba.
Jeonghan Yoon:
Wow ayaw mo lang kay Leni.
Mingyu:
Hindi ah! LENI forever!
L - Lawyer
E - Ekonomista
N - Naninindigan
I - I miss you, Wonwoo
Shua Jeon:
OMG 😂
Jeonghan Yoon reacted 😆 to your message
Totoo naman, wala atang araw na hindi niya namimiss si Wonwoo. Kahit alam niyang Wonwoo secretly orders sa kaniyang eatery ay hindi pa din nito mapawi ang kalungkutan nadarama. Isa sa mga pinanghuhugutan niya ng lakas ay ang T-shirt na hindi na niya naibalik kay Wonwoo. Ayun yung shirt na suot niya nung may tumulong icing ng cake galing kay Minghao. Sobrang tagal na nun, pero hindi niya magawang labhan at ibalik sa kaibigan. Siguro kung may nakaalam man ng ginagawa niya, sobrang maccreepyhan at ma-weirduhan.
At night, before he sleeps, he puts Wonwoo’s used shirt on one of his pillows para gawing punda. Tapos yayakapin niya ’yon at kakausapin para sabihin ang nadarama. Ang weird nga din na hanggang ngayon may bahid pa din ng amoy ni Wonwoo yung shirt. Parang katabi lang din niya talaga ang binata. And it really makes him sleep better at night.
Isang araw, inutusan siya ng ina na kunin ang kanilang mga sampay na damit sa likod ng bahay, at laking gulat niya nang makitang nakasampay ang shirt ni Wonwoo doon. Malinis na, wala na ang bakas ng icing. Wala na rin ang amoy nito. Nagpupuyos ang damdaming pinuntahan ang ina para tanungin kung bakit niya iyon nilabhan.
“Mama! Bakit malinis na ’to?” Singhal niya habang hawak-hawak ang T-shirt ni Wonwoo.
“Malamang nilabhan ko! Ang dami dami nating punda, iyan pang nanlilimahid sa dumi ang ginamit mo, napakabalahurang bata!” Sagot naman ng ina. Wala naman ng nagawa pa si Mingyu kundi magkulong sa kwarto at doon maglabas ng sama ng loob. Umiiyak pang yakap ang damit ni Wonwoo habang nakapilipit sa kanyang kama.
“Ikaw na nga lang ang natitira kong alaala niya, tapos ngayon. Amoy Downy Antibac ka na.” Hikbing usal ni Mingyu.
Mingyu’s Emotional Support Group Chat (3 members)
Mingyu:
Hindi ko na kaya! Miss ko na talaga siyaaaaa 😭
Shua Jeon:
Aww.. If it makes you feel better, naglalaro lang siya right now ng Mobile Legends, sasali nga ako eh. Sali ka na lang din!
Mingyu:
baka mailang si wons kapag kasali ako..
Shua Jeon:
Use a different name na lang! Di naman niya malalaman it’s you! 😂
Mingyu:
Hindi naman din ako marunong niyan Kuya 🙁
Jeonghan Yoon:
Madali lang ’to, Gyu. Gawa ka na ng account. Sabihin ko sa'yo kung anong hero yung madaling gamitin.
Mingyu:
Sige. 🥺
Sa gabay na rin ng mga kaibigan ay tagumpay na nakagawa ng Mobile Legends account si Mingyu. Di talaga niya nakahiligan maglaro ng kahit anong mobile or online games, pero since isa ito sa mga hilig ni Wonwoo at talagang miss na miss na niya itong makausap, pag-aaralan na lang niya para maibsan ang lumbay na nadarama.
bitterie17: kulang tayo isa
honeyyoon: wait may i-aadd ako
woodzpecker: baka 8080 yan ah
joshuji: what’s 8080?
woodzpecker: edad po
bitterie17: haha
honeyyoon: huwag mo nga lokohin bebe ko @woodzpecker
woodzpecker: bibiro lang eh
matamis46 joined the group
honeyyoon: ayan, noob pa to guys, behave kayo ah
woodzpecker: hi po, anong role mo po?
matamis46: role?
woodzpecker: yes, role yung madalas mo po gawin
matamis46: ah, chef ako.
bitterie17: haha
joshuji: lmao
woodzpecker: chef boy logro
honeyyoon: ping, ping, ping, ping
bitterie17: haha
Na-enjoy naman niyang maglaro ng ML kahit na he was a disaster dahil natatalo sila dahil na rin sa ka-8080han niya. Buhat na buhat na nga sila ni Wonwoo, palaging MVP, tapos siya naman, chocolate.
Ayos lang, nakailang sanib naman ako kay bitterie today! Ikaw lang ang sasakyan! Chururut!
── ⟢ ・⸝⸝
May isang hindi pamilyar na babaeng madalas makita si Mingyu na labas-pasok sa bahay nila Wonwoo. Medyo may katangkaran ito, maputi at mukhang may lahi. Madalas din niyang makasabay itong nagwawalk. Binabati naman siya kahit di sila magkakilala. Sa palagay niya ay halos ka-edad niya lang rin ito. Di naman kalaunan ay nalaman niyang pinsan pala nila Wonwoo ito, si Somi, na kasalukuyang nagbabakasyon sa bansa.
Di kalaunan ay na-introduce na rin sa kanya ang dalaga. At tama nga sya, magka edad lang din sila ni Somi, mas matanda lang ang babae ng isang buwan. She’s always curious about everything, siguro kasi bagong lugar at walang masyadong alam sa kultura nila. There’s no harm naman in getting close sa dalaga, lalo na at palagi nitong kasama si Wonwoo kapag lumalabas. Kaya naman mas ginanahan siyang makipaglapit dito.
Pasensya ka na, Somi. Magpapaka-user friendly muna ako, miss ko lang talaga si Wonwoo :(
Somi Jeon:
Gyu! You wanna sabay mag-jog tomorrow? Sama cousin ko hehe
Mingyu:
Uy, sure! Umaga ba? 😁
Somi Jeon:
Yep! Around 6? G?
Mingyu:
Oks! See you 😁
Noong gabing iyon, parang di ata nakatulog nang maayos si Mingyu sa sobrang pagka-excited. 5AM pa lang ata, nakaligo at nakabihis na siya, dahil finally makakasama niyang muli si Wonwoo nang medyo matagal.
Pero ang kasiyahan ay napalitan ng lumbay nang makitang sina Somi at Shua ang nag-aantay sa kanya sa kanto.
“Uhm, sabi mo kasama mo ang pinsan mo? Asan si Wonwoo?” Halata ang pagkadismaya sa mukha ni Mingyu.
“Huh? I said cousin ko, not lang naman si Wons ang cousin ko ah. Saka, he is sleeping pa, maya pa yun mag-wake up.” At nagsimula nang mag-stretch ang dalaga.
Lumapit naman si Shua sa kanya at palihim na bumulong.
“Oh, Gyu, you of all people should know, Wonwoo is not a morning person.” Pangisi nitong sabi.
“Sorry akin, miss ko na eh.” Nakangusong sagot niya sa bayaw.
Somi became a constant customer ng eatery nila. Sakto naman din na kakauwi rin ng pinsan niya galing Amerika, kaya naman mas nawili ang dalaga na tumambay sa kanilang kainan. Ayos lang naman din kasi minsan nakakarinig siya ng kuwento about Wonwoo kaya hinahayaan niya lang ang dalawa magkamabutihan.
“Alam mo, Wonwoo might be dating na. I always see him leave the house around 4-5 pm tapos he’s gonna return all smiles then magkukulong sa room niya. Isn’t he acting suspicious?” Nagpanting naman ang tainga ni Mingyu sa narinig na kuwentuhan ng pinsan at ni Somi.
“Oh.. Who’s the lucky one?” Tanong naman ni Minjoo na pinsan niya.
Napahinto naman si Somi sa pagsubo ng pancit at mas lumapit kay Minjoo para ibulong ang pinaghihinalaan.
“I think it’s that Evan guy from Marikit Street. Na madalas nilang kalaro sa games.” Narinig pa rin naman ni Mingyu kahit binulong na lang. Siyempre about kay Wonwoo ’yan. Tatalas talaga ang pandinig niya.
Sus si woodzpecker ba yan? Tangina non ah! Akala ko ba friends lang kayo noon, Wons? :( Sabi mo di mo ‘yon type. Ano ba yan :(
Siyempre, tinry niya ulit i-confirm kay Shua if totoo, pero sabi ng nakakatanda, hindi rin siya sure and advised na huwag na siyang mag-overthink.
Kaso, kinabukasan, noong o-order na ang suking rider, aka special agent, tagabili ng pagkain ni Wonwoo, ay para siyang mamamatay sa narinig.
“Uhm ano kasi. Sabi niya, last na muna niyang order 'to, masama kasi ang pakiramdam niya lately eh. Sorry ah.” And there’s clearly something wrong. Anong last order? Bakit? Nagsasawa na ba ito sa luto niya? Baka nga totoo ang sinasabi ni Somi na may iba na. Biglang nanikip ang kanyang dibdib at hindi siya makahinga sa patung-patong na pangyayari.
Akala niya last na yung narinig niya kay suking rider, pero hindi pa pala doon nagtatapos ang lahat.
“Naku, Miriam. Magkakaroon na ng sanggol itong street natin!” Singit ng matandang babae na tsismosa nilang kapitbahay, na kasunod ng suking rider sa pila.
“Totoo ba? Sino naman ho?” Kyuryosong tanong ng kanyang ina.
Inilapit ng matanda ang kanyang bibig sa tainga ni Aling Miriam para bumulong, pero ang totoo, hindi naman talaga mahina itong magsalita.
“Iyong bunsong anak ni Georgia, nakasabay ko sa botika. Bumibili ng pregnancy test! Ku po! Naloko na, hindi naman iyon kasal!” Impit nitong pahayag. Gulat naman si Aling Miriam sa narinig at agad na tumingin kay Mingyu.
Wonwoo, hindi ka puwedeng mabuntis ng iba. Hindi ko kaya! Please sana hindi totoo. :(
Wala na siyang inaksayang panahon at agad na pinuntahan si Wonwoo para kausapin ito at magkaliwanagan sila. Tatanggapin naman niya kung wala na talaga siyang pag-asa sa puso ng binata. Pero ang dami pa niyang hindi nasasabi dito at umaasa pa rin siyang hanggang huli ay magkaayos man lang sila ng kanyang Bitterie.
── ⟢ ・⸝⸝
Naabutan niyang magkayakap sina Wonwoo at ang suking rider sa may tapat ng abandonadong bahay sa kabilang street. Ngayon lang niya nakitang umiyak si Wonwoo, and he wants to know why. He wants to be the one who comforts him when life is getting rough. He wants to be there in Wonwoo’s happiest and darkest days.
Ang plano niya ay hintayin na matapos mag-usap ang dalawa, saka siya lilitaw sa pinagtataguan. Pero biglang umatungal na naman si Wonwoo at bahagyang tumaas ang boses niya.
“....Gusto ko nang mag-move on kay Mingyu!” Angil ni Wonwoo.
Hearing that from Wonwoo is both relieving and worrying. Because you only need to move on from someone kung may gusto ka dito, which means, Wonwoo might have feelings for him too. But then hindi niya nagustuhan ang sinasabi nitong magmo-move on daw sa kanya?
Walang magmo-move on sa pamilyang ito, Wonwoo!
Kaya naman, lumabas na rin siya sa pinagtataguan at hinarap na nang tuluyan si Wonwoo.
Wonwoo confessed that he put him on restricted because he overheard from his brother that Mingyu doesn’t want him in his diner. He also thought na si Shua ang pinopormahan niya noon, and then biglang si Somi naman ngayon.
Hayup, Wonwoo. Kulang na lang, pati si Tita Georgia, paghinalaan mong nililigawan ko rin!
“...You have no idea how possessive I'm of you, Wonwoo. I don’t want to scare you pero, baliw na baliw talaga ako sayo.” Pag-amin niya sa binata. If only Wonwoo knew the depth of his love, baka tumakbo na ito palayo sa kanya kasi he’s really crazy CRAZY in love!
Mingyu walked him home. Medyo madami na rin silang napag-usapan at nagkabukingan na siya nga ang umoorder ng food sa eatery.
“Bitterie, may nakakita nga pala sa iyo sa botika. Uhm, can you enlighten me, please? Para saan ang pregnancy test?” Nasa tapat na sila ng bahay ni Wonwoo nang tinanong niya ito.
Kumurap naman nang mabilis si Wonwoo at biglang bumunghalit ng tawa, pinalo pa nito ang tuhod at halos di na makahinga sa pahalakhak. Sobrang na-miss naman iyon marinig ni Mingyu, kahit ang puso ay nag-aalala pa na baka nagdadalang-tao nga ito.
“Sweetie, hindi para sa akin ’yon! Para kay Georgia ‘yon!” Naiiyak na sambit ni Wonwoo.
“Di ba umuwi dito si Dad for a two-day stay lang naman? Ayun nagbembangan sila ni Mama, at mukhang napuruhan! Langya magiging middle child pa ata ako.” May halong irita na sambit ni Wonwoo. Si Mingyu naman ay napa-“oh” na lang kasi nakakamanghang puwede pa pala sa edad na ’yon?
Amazing, may acm pa si Tita Georgia kahit malapit na magka-20% discount?! LODI
“But aren’t they separated?” He curiously asked.
“Sa papel, oo, pero sa katawan? Heh. Parang raging hormonal teenagers kung umasta!” May paduwal-duwal pang sagot ni Wonwoo. And Mingyu’s glad that the pregnancy rumors are just rumors. Wonwoo is not pregnant, and more importantly, Wonwoo is not dating anyone. And he’s going to do his very best to make sure sa kanya lang si Bitterie.
Starting tomorrow, I’ll date you so hard until your heart finally realizes just how madly, deeply, and uncontrollably in love I am with you, Wonwoo.
── ⟢ ・⸝⸝
“Everywon’s Diner”
Mingyu started setting up the newly improved and rebranded Coming Soon eatery to Everywon’s Diner. Nag-start na rin siyang magdagdag ng lutong-ulam dahil marami-rami na rin ang nagtatanong na customers about it. May rice meals na din sila, and slowly added more variety sa drinks. Pero mas excited siya na finally, makikita na ni Wonwoo ang pinaghirapan nilang dalawa na itayo. Si Wonwoo na kanyang day zero, kasama niyang lumipad ng eroplano, sah! At hindi siya makaantay sa reaksyon nito pag nakita niya ang kabuuan ng kanilang eatery.
Wonwoo finally showed up, just right before the diner opens, utos niya din kasi para walang tao kapag dinala niya si Wonwoo sa loob. Just like his usual get-up, he’s wearing an oversized shirt with baggy shorts and his favorite white slippers. Di pa man sila nag-start mag-usap ay kinikilig na agad si Mingyu kasi finally, andito na ang mahal niya.
“Bitterie!” Akma namang yayakapin niya si Wonwoo, ngunit bigla itong umusog palayo. Nang tingnan niya ang mukha nito ay sobrang seryoso at nakakagat pa sa pambabang labi, tila ba may iniindang problema.
“Hey, what’s wrong?” Nag-aalala niyang tanong sa binata.
“Mingyu..” Tawag nito.
“No, I’m Sweetie po, not just Mingyu.” Pakiramdam niya kasi kapag tinatawag siya nitong Mingyu ay meron siyang nagawang masama.
Napapikit naman si Wonwoo at tumingala nang matagal. Pagharap niya kay Mingyu ay may namumuo na luha sa mga mata nito. “H-hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.” Garalgal nitong sambit.
“Totoo na buntis ako, Mingyu. Yung kagabi, palusot ko lang yun para hindi kita masaktan, pero mas hindi ko pala kayang magsinungaling.” Tuloy tuloy lang ang pag-agos ng luha sa pisngi ni Wonwoo, nanginginig na din ang mga kamay at humihikbing sumasabay sa bawat paghinga.
“I’m sorry, Mingyu. Hindi kami nag-ingat.” Dagdag pa nito.
Bigla na lamang napaluhod sa kinatatayuan niya si Mingyu. Ang dami niyang gustong itanong, at ang dami ding tumatakbo sa isip niya. Gusto niyang sumigaw sa sobrang sakit at hindi na namalayan ang sariling luhang umaagos sa kanyang pisngi. Wala siyang magawa kundi manlumo sa balitang hindi niya kailanman matatawag na kanya ang minamahal.
“S-sino.. Wonwoo.. s-sino?” Paos niyang tanong sa binata.
Lumunok muna si Wonwoo bago sumagot at pinunasan ang pisngi, ngunit tumulo lang muli ang mga luha. “Si..si Evan..” Kumpisal nito.
At doon na tuluyang bumagsak sa sahig si Mingyu, hindi na napigilan ang pagsigaw ng damdaming nagpupuyos sa sakit at galit.
“Aaaahh!” Galit niyang hinampas sa sahig.
“AARRGHH!!” Muli niyang sigaw.
“Ahhh!!!”
.
.
.
.
.
.
“SWEETIE!”
“SWEETIE! BABY!”
“MINGYU KIM!” At doon lang nagising si Mingyu sa malakas na pagyugyog sa kanya. Napabalikwas siya ng higa at nang maging malinaw ang paningin ay nasa harapan niya si Wonwoo. May pag-aalala sa mukha nito, iba na din ang suot at nasa loob na din sila ng kwarto.
“Sweetie, you're tossing and turning in your sleep. Nakakunot pa ang noo mo, baby. Bad dream?” Sunod-sunod na tanong ni Wonwoo habang inaabot ang isang basong tubig kay Mingyu. Inabot naman iyon ni Mingyu at ininom, medyo nahihilo pa siya pero parang unti-unti ng lumilinaw ang pag-iisip nya. Yes, he was dreaming, a really bad one, and fuck, he doesn’t even want that to ever happen for real.
“Where am I, Bitterie?” Iginala pa niya ang tingin sa silid, it looks so homey and very familiar.
“Hay nako ang Sweetie, you are here in our room! Grabe naman yang anesthesia nagka-bad dreams na with matching memory loss pa.” Natatawa nitong sagot. “Kuya Shu just removed your wisdom tooth kanina, and nandito ka na po sa house natin to recuperate.” Kinurot pa nito ang pisngi ni Mingyu.
“Aray!” Kaso ang kinurot pala na pisngi ay kung saan siya binunutan.
“Hala, sorry, baby! Nalimot ko!” At mabilis na nag-iwan ng mabilis na halik kung saan niya kinurot si Mingyu. “Ano ba ang napanaginipan mo? Natakot ako sa’yo eh, akala ko sinasapian ka na!”
Isa namang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ni Mingyu bago magsalita. “Nabuntis ka raw ng iba, Bitterie. Tapos hindi naging tayo.” Paos niyang sabi.
“Aww… hindi ’yan mangyayari, sa’yo lang ako magpapabayo noh!” Kumindat pa ito at doon lamang napansin ni Mingyu na may kakaiba kay Wonwoo. Hinawakan nito ang tiyan at hinimas.
“Akin to diba?” Wonwoo is five months pregnant. They’ve been married for six years now.
“Sabi ko nga, sa’yo lang ako magpapabayo! Ano pa bang katibayan ang gusto mo?” Nakangising tanong ni Wonwoo.
Humawak naman si Mingyu sa ulo niya, kunwari masakit, pero umaarte lang talaga siya. “Para akong na-amnesia. Paano natin siya nabuo, Bitterie? Patunayan mo nga sa akin, baby?” Kumukunot-kunot pa ang noo, na para bang nag-aral siya sa Ogie Diaz Acting Workshop.
Unti-unti namang lumapit ang mukha ni Wonwoo sa kanya at dahan-dahang pinaglapat ang kanilang mga labi. Dampi lang muna dahil nagdudugo pa ang bunganga ni Mingyu.
“I’ll show you, Sweetie na sayo talaga to. Just wait here.” Wonwoo whispers against his lips, another quick smack before he leaves his husband to go somewhere. Mingyu couldn’t wait, of course, alam niyang kanya yun, and he just wants to make lambing lang talaga. Di naman niya in-expect na pagbibigyan siya.
Maya-maya pa ay bumukas nang malakas ang kanilang pintuan sa kwarto at may matitinis na boses siyang narinig na tinatawag siya.
“Tatay!”
“We miss you, Tatay!” Umakyat sa kama ang kanilang kambal na sina Hyogo at Nara. Their names were derived from their favorite prefectures in Japan. Doon din kasi sila nabuo might as well honor them like this.
“I miss you too, babies!” At pinaghahalikan ang bumbunan ng mga anak, habang ang asawa naman ay nakasandal sa pinto at natatawa na lang sa eksena.
“Ang duga Bitterie!” Halakhak niya sa asawa.
“Sabi mo patunayan ko, ayan dalawa pa. Carbon copy mo parehas! Ako umire, tapos wala man lang akong kamukha!”
Nakangisi naman si Mingyu sa pagta-tantrums ng asawa kasi pati ang mga nunal niya sa mukha ay na-transfer successfully niya sa kambal.
“Mag-t-try tayo hangga’t kaya pa ng tuhod ko!” At sinugod naman siya ni Wonwoo para takpan ang bibig nito.
“Mingyu Kim! Ang harot, maririnig ka!” Kahit busy naman na ang kambal na mag-iPad sa tabi niya.
“Pero sige, game ako.” Sabay bawi ni Wonwoo. At tuluyan na talagang humagalpak ng tawa si Mingyu. He’s clearly stepped into the life he always wished for.
