Actions

Work Header

Rating:
Archive Warnings:
Fandom:
Relationship:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2026-05-28
Words:
3,004
Chapters:
1/1
Comments:
6
Kudos:
29
Bookmarks:
1
Hits:
358

moving on

Summary:

How

to

move

on

?

Work Text:

How

 

to

 

move

 

on



Tama ba?



Tama naman.



Ata? 



“Ay, kulang,”



How

 

to

 

move

 

on

 

?



Ayan, mas mukha na siyang tanong instead of advice. 



Effective ba manghingi ng tips sa google? I mean, effective pa ba? Aminado kasi ako na before ay super effective ng tips ni google. 



Ano gagawin kapag nalagyan ng tubig ang cellphone bigas 



Pano mawalan ng kuto natural



Paano makatulog agad sa gabi 



Paano matanggal ang sinok simple 



Hindi ko lang alam kung hanggang ngayon totoo pa mga tips ni google. Minsan kasi iba naman sinasabi nung AI. 



Sino ba kasi nag-request na maglagay ng AI feature sa bawat sites na meron online?



Isusumbong ko kay Sierra Madre ‘yan! 



Nakanguso kong tinignan isa isa ang mga lumabas na result sa sinearch ko. Marami namang articles and blogs ang nagsusulat tungkol dito. Sabagay, parang kalahati siguro ng population sa mundo eh nagtanong nito eh. 



Paano ba kasi talaga mag-move on? 



“Wil,” tawag ko sa kapatid kong talo pa ang model kung maglakad nang nakahubad. 



As usual, hindi na naman ako narinig kasi busy sa pakikipaglandian sa jowa niyang chararat. 



“William!”



“Oh?,” iritable niyang sagot sa’kin pero nasa cellphone pa rin ang tingin. 



“Paano mag-move on?” Ngiwi naman agad ang isinagot niya sa akin. “Paano nga?,” pagdugtong ko pa noong hindi siya sumagot agad. 



“Ewan ko? Wala naman ako reason para mag-move on,” pagyayabang niya na agad ko namang kinontra. 



“Weh? Eh bukas break na kayo niyan ni Anthony eh. Pustahan pa tayo oh,” pang-aasar ko sa kaniya. Akma naman niyang huhugutin ang saksakan ng router kaya agad akong sumigaw, “Ma oh! Si William!”



Hindi naman ako nabigo dahil agad kaming nakarinig ng sigaw mula sa likod ng bahay, “William! Wala ka bang ibang magawa at nanggugulo ka riyan?” 



“Ma, si Jhoanna nagsimula! Sabi niya magb-break daw kami ni Anthony!,” nagdadabog na sigaw ni William habang naglalakad paakyat sa kwarto niya. 



Eh totoo naman. Kung pwede lang na isali sa Guiness Book of World Records silang dalawa ng jowa nya sa paramihan ng cool-off at break na nangyari, baka taon taon nasa balita na kami. 



“Bakit ba curious ka? Kanino ka magm-move on? Sa concert ticket na naubusan ka?,” sigaw niya mula sa taas. Hindi na ako sumagot dahil alam kong magkukulong na naman siya sa kwarto. 



Excuse me, bawal na ba magtanong ngayon? Atsaka hindi ba pwedeng curious kasi need sa work? 



Kanina pa ako nakikipagtitigan dito sa report na pinapagawa sa akin ng boss ko. Actually, hindi siya report. More on essay. Story. 



Ewan ko! 



Wala naman sa job description ko ang gumawa ng essay sa kung paano mag-move on. 



Based sa kontrata ko. 



Pero kung i-bbase natin sa job description na nasa utak ng manager ko, kasali.  



Minsan hindi ko na rin talaga alam kasi anong kinalaman ng essay na ito sa finance? 



My manager suddenly appeared on my desk with a paper na may nakalagay na,

 

MOVING ON

 

Imagine my surprise diba kasi literal na hinahabol ko ang deadline ng financial report na hinihingi ng big big boss sa taas tapos bigla niya akong bibigyan ng ganung papel?



Urgent daw. In 2 days, dapat may output na. I asked, syempre. 



“Sir, me?”



“Yes, you”



“Sir, why me?”



“Why not you?”



Letse. 



May kung sino na investor ang nag-request at kapag nagandahan siya, makikipag-partner siya sa amin. Walang ibang demand maliban sa pa-essay niya. 

 

Sabi niya na sinabi lang din sa manager ko na sinabi lang din sa akin, “For a change”



Letseng change na ‘yan. At talagang sa mga taga-finace department pa niya naisipan ipagawa. 



Hello? May HR tayo???



Anyways, hanggang bukas ko na lang pwedeng gawin ‘to. Wala pa akong nasisimulan ni isa. 



Kasi ano bang alam ko dito? 



Move on? 



Tsk



Eh hindi nga kilala ‘yan ng sistema ko? 



“Jhoanna, dumaan pala kanina si Maloi at tinatanong bakit hindi ka raw pumasok,” bungad ni Mama sa akin matapos ang ilang minuto. May dala na naman siyang paso na may bagong variety ng bulaklak, nakuha niya lang daw sa daanan. 



May makukuha ka bang bulaklak sa daan na may tig-250 na paso sa shopee? 



Tinatago pa samin ‘yung pag-order niya sa facebook ng mga halaman eh. 



“Kapag ikaw talaga na-scam, mama,” pagbilin ko sa kanya. “Hindi nga, ang kulit naman eh”



At talagang ako pa makulit. 



“Di na talaga kita tuturuan gumamit ng gcash,”



“Edi ‘wag,” ang huling sabi sa akin ng nanay ko bago siya mawala na naman. Hindi ko na lang pinansin at binalik na lang ang atensyon ko sa pinapagawa ng boss ko. 



Ay, speaking of Maloi…



Agad kong tinawagan si Maloi, “Paano mag-move on?,” bungad ko. Iba’t ibang boses naman ang narinig ko mula sa kabilang linya. Sigurado ay nakatambay na naman sya sa cafe sa tapat ng gate ng kapatid niya. 



Cafe na accidentally, may babaeng type na type nya. 



“Accidentally”



Accidentally, my ass. Sa kuripot ng babaeng to, imposibleng gumastos para sa kape araw araw for nothing. 



“Ano na namang amats mo, Jho?,”



“Paano nga?,” pag-uulit ko. Tinawanan lang naman ako ni Maloi. “Malay ko sa’yo gago. Hindi naman ako ‘yung may ex?” 



Papansin. 



Paepal. 



Papampam. 



“Bakit nagtatanong ka pa eh diba dapat alam mo na sa sarili mo ‘yan?”



Pabida. 



Pavictim. 



Pashowbiz.



Pabili?



“Hindi ko alam ‘yan ‘no. H’wag ka nga fake news! Jusko, Loi, 2026 na tapos naniniwala ka pa rin sa fake news”



Hindi dapat tayo naniniwala sa mga fake news. Sa sobrang rampant ng propaganda articles and fake news sa internet, dapat we still know how to differentiate the credible news sa hindi. Uso rin mag-fact check. 



Pero hindi sa gemini ang fact checking ha? 



“Parang mas need mo masabihan niyan, Jho. Hindi naman ako ‘yung muntik magbayad sa bar kasi nagselos for nothing. Nagselos ka na nga lang, dahil sa fake news pa. Kapal ng mukha eh hindi naman na kayo?,” mahabang lintaya ng stranger. 



Sino nga ulit kausap ko? 



Another lesson for you guys ay don’t talk to strangers. Dahil d’yan, ibababa na natin ‘tong tawag. 



“Ano na teh? Walang imik kasi naalala na naman si ex?”



Bad talaga ang mga strangers.



“Dedma. Mali pala na tinawagan pa kita. Bye,” 



“Bakit nga teh? Lagi na lang tagal sabihin eh. Ewan ko sa’yo, Jhoanna. Best in pambibitin ka,” 



Sa lahat ng nakilala ko, si Maloi lang ang kayang pumantay sa nanay ko sa pagtatadtad sa akin ng tanong. The more na hindi ka sumagot, the more ang questions niya. 



Fast talk pero sya lang kasali. 



“Wala, need lang sa work,” sagot ko. Buntong-hininga kong sinara ang laptop kong bagong utang sa home credit. 



Charot. 



Hindi sa home credit. 



Ewan ko rin kung saan sa totoo lang. 



Ah, bigay nga pala ni ex. 



Anyways. Nagligpit na ako sa sala bago umakyat sa kwarto. Wala rin naman kasi akong nagagawa sa baba. Akala ko kapag lumabas ako ng kwarto, may makasasagot na ng tanong ko kung paano ba mag-move on. 



Apparently, wala. 



Ewan na lang talaga. 



“Gago anong work? Eh sa finance ka?,”



“Kapag sinabi ko, maniwala ka na lang,” 



“Ano ako teh, uto uto? Hindi naman ako BBS eh”



BBS? 



“Anong BBS?,” lito kong tanong sa kanya habang papasok sa kwarto. Nakita ko naman ang aso kong si Doggie na sa hindi na natigil sa kakangatngat ng kanto ng hagdan namin. 



Kapag ba shih tzu required na laging nagngangatngat ng kung ano? Sinabi ko naman kasi kay William na aspin na lang ang alagaan eh. Wala naman kasing ready mag-alaga ng may lahi dito sa bahay kasi laging nasa labas ang mga tao. 



“Mga supporters ng D family. BBS na lang para safe. Mamaya may ka-member sila dito edi sumikat pa ako sa X na nasabunutan bigla,” tawa ni Maloi. Natawa rin naman ako dahil sa kung ano ano na ang lumalabas sa bibig niya. 



Si Maloi ang type ng tao na walang control sa lumalabas sa bunganga niya. Kumbaga kasama sa involuntary movements ang talking sa kanya. Dapat binagsak na lang ni Ma’am sa Mapeh itong si Maloi dati eh. 

 

Nanduga pa ng height. 



“Ewan sa’yo! Basta sa work. Work lang po muna tayo,” hagikgik ko. Humiga naman ako sa lapag kasi umiral na naman ang kaartehan kong no ‘outside clothes’ rule kahit na nasa bahay lang ako. 

 

Ano naman kung sa lapag ka mahiga saglit diba. Atsaka lumabas ako ng bahay kanina ‘no. Nakasalubong ko pa nga si Mang Larry na may tatlong asawa, tig-isa kada kanto ng subdivision namin. 



“Feel ko mag-mmove on ka na eh,” ani ni Maloi matapos ang ilang segundo. Agad naman akong napailing kahit na alam kong hindi naman niya ako makikita. 



“Luh, ‘di uso sakin ‘yan. Walang move on sa akin, Maloi”



Hindi naman tayo mapapakain ng punyetang move on na iyan!



“Ano ‘yan teh, mahal mo hanggang end of the world?”



“Oo, totoo ‘yan. ‘Tsaka hey, you know how law-abiding citizen ako ‘no. Ang sabi, ‘mahalin at tanggapin ang nakatataas na binibini’, sinuod ko lang naman,”



Mahalin at paglingkuran, lagi’t lagi!



“Ewan ko sa’yo. Edi ‘yang pinakamamahal mo na lang na ex ang tanungin mo! Tutal naka-move on na siya at pinalitan ka na,” natatawang sambit ni Maloi sa kabilang linya. Hindi naman ako sumagot agad at tanging katahimikan ang nananig sa amin kaya natataranta niya akong tinawag. “Hoy, Jhoanna!”



Oo nga ‘no? 



Kumbaga sa usapang moving on, dapat ang tinatanong ko ang ex ko?



Bakit ba hindi ko agad naisip? I mean naiisip ko naman siya pero hindi talaga nag-cross sa mind ko na pwedeng siya na lang ang tanungin. Kung swertehin eh siya na rin ang pagsulatin ko tutal forte niya naman ‘yun. 



Another lesson eh kahit mag-ex na kayo, ‘wag mong hahayaang pigilan ka ng label na “ex”. 



Kung kaya pinatay ko na lang bigla ang tawag kasama si Maloi at tinipa ang numerong mas saulo ko pa kaysa sa student number ko nung college. 



Anong silbi ng delete contact kung kabisado ko ang number? Minsan hindi rin talaga maganda mga desisyon ko sa buhay eh



To:

+6392XXXXXXXXX

hello, paano mag-move on?



Oh, ayan may hello na. Baka kasi ang i-reply eh, “ano walang hi hello muna?”. Ayan, inunahan ko na. 



After ko masend, tinapon ko sa kama ang cellphone ko. Alam ko namang himala kung mag-reply siya. I mean, hello? Sinong magrereply sa ex?



‘Tsaka busy ‘yon. 



Laki ng minamanage eh. 



Hay nako, Jhoanna. 



Napatulala na lang ako sa kisame kong maganda pero may butiki. Literal na ‘ikaw galing manyon, ako galing kalye’ kasi sa kwarto niya, walang butiki sa kisame. 



Moving on. 



Sign siguro siya ni Lord. 



I mean super random and super weird, ‘diba? Out of all ng challenge new investor, ayun pa and sa dami ng tao sa finance department ng company, ako pa. Out of all topic, moving on pa. It’s like the whole world and whole alienverse eh nagkaisa na bigyan ako ng sign. 



Ang kaso, ayoko kasi. 



Parang…ayoko pa. 



Parang…’di ko pa kaya. 



Sorry na lang siguro sa’yo Loki kung ‘di ko pa kaya mag-move on. 



Basic lang sana ‘tong essay na ‘to kung hindi siya ‘yung lumalabas sa isip ko everytime na nagsusulat ako eh. Kumbaga kaya kong sumulat ng libong letra, kahit tula, basta hindi tungkol sa pagkalimot…sa kanya. 



Ewan ko ba. 



It's not that kaya hindi ako nagm-move on kasi I still hope na maging kami. Letse para naman akong baliw nun kung ganun. Well parang ganun na nga? Pero promise ko peksman na wala na talaga. Hindi ko lang siguro tanggap ang ikot ng mundo sa amin, sa akin. 



Parang tinarantado kasi ako ni Universe eh. 



Hirap talaga kapag madali ka maka-gets. 



“I need to go, Jhoanna,” bulong niya sa akin. 



Tapos ang nasabi ko lang eh, “Gets”



Kasi gets ko naman talaga?



Ilang beses ko na talaga pinagdasal na sana hindi ko na lang gets. Para sana may lakas ako mag-demand. Magtanong. Manumbat. 



Eh kaso wala eh. 



Gets ko nga. 



“I’m sorry, Jho,” humihikbi niyang bulong. 



Gets. 



“Bawi ako, promise”



Gets. 



“Family friend lang, Jho”



Gets. 



“My mother, Jho…,”

 

Gets.  



“Jhoanna…”



Gets.



Bubuksan pa lang niya bibig niya gets ko na eh. 



Letse. 



“Alexa, play any song ng Tubero,” utos ko sa pinakamahal kong investment. A random Tubero song played in the background. 



Papagalitan na naman ako ng nanay ko pero okay lang ‘yan. Pinanganak naman tayo sa mundo para mapagalitan. 



“Sayang talaga. Fantasy ko pa naman na magpatugtog ng Tubero song sa reception ng kasal ko,” bulong ko sa hangin habang pinupunasan ang mga luha ko. 



Wala namang nakakaiyak sa Tubero, Jhoanna. Mahiya ka nga. 



Ilang minuto pa akong nakahigang umiiyak parang uhuging bata sa sahig nang biglang tumunog ang cellphone ko. 



May tumatawag na number lang. Oo, alam ko kasi may desiignated ringtone ako para sa mga scammer o kaya sa mga naninigil sa home credit. 



Pero hindi naman ako sa home credit umutang ng laptop? Sa ex ko ‘to galing eh. 



Ay.



Ay….



Baka si ex ang tumatawag? 



Wow, himala. 



Kahit na himala, hindi ako tatayo at kukunin ang cellphone. 



Kahit na himala, hindi ako tatayo at kukunin ang cellphone. 



Kahit na himala, hindi ako tatayo at kukunin ang cellphone. 



Kahit na himala, hindi ako tatayo at kukunin ang cellphone. 



Kahit na himala, hindi ako tatayo at kukunin ang cellphone. 



Repeat until magkatotoo



Kahit na himala, hindi ako tatayo at kukunin ang cellphone. 



Kahit na himala, hindi ako tatayo at kukunin ang cellphone. 



Kahit na himala, hindi ako tatayo at kukunin ko ang cellphone ko. 



Ligwak ka na talaga Jhoanna sa listahan ni Lord ng strongest soldier. Simpleng tawag…



Decline.



Kinuha ko lang pero hindi ko sinabing sasagutin ko. 



Sana proud ang Tubero sa akin. 

 

From:

+6392XXXXXXXXX

Jhoanna?

 

From:

+6392XXXXXXXXX

hey

 

From:

+6392XXXXXXXXX

Are you okay?



Ito ba ang sign mo Lord na mahal niya pa ako?



Ngek, fake news ka rin Lord kung ganun kasi ikakasal na nga ni. 



Sa family friend…



To:

+6392XXXXXXXXX

Hello, oo, okay langs



To:

+6392XXXXXXXXX

 

sorry pala, wrong send…



Na-wrong send sa unknown number. 



Galing mo, Jhoanna. 



Pero gets. 



From:

+6392XXXXXXXXX

it’s my family’s doing



From:

+6392XXXXXXXXX

you know that, right?



Gets. 

 

Pero minsan napapaisip ako kung bakit parang same kami ng nararanasan ng mga bida sa pelikula at mga series. ‘Yung tipong maganda ka naman pero tutol pa rin sa’yo ang family…



Hindi naman sila tutol sa’kin. 



Kasi hindi naman nila alam. 



Baka kung alam nila…



From:

+6392XXXXXXXXX

jho?



From:

+6392XXXXXXXXX

ayusin ko



From:

+6392XXXXXXXXX

aayusin ko, jhoanna. please



Baka ito ‘yung dahilan bakit mahigpit na sinasabi ng google na delete and block ang number ng ex para maka-move on. 



Kaso nga, hindi naman ako nagm-move on. 



Kahit ang Tubero walang magawa sa pagkahumaling ko sa’yo, Maraiah. 



Letse lang. 



To:

+6392XXXXXXXXX

gets ko :) 



Pagkasend ko, tinapon ko na ulit ang phone ko. “Alexa, play Nicole”



You were all I'd ever known

And now I'm feeling stupid, you're forbidden

They say, yeah, we were something, too bad we were children

Ooh, I don't know where to go

And I don't know how or why you seem just fine

'Cause I'm looking at you and God knows you're not mine anymore

It's so cruel how things will never be the way they were before 




I woke up to the sound of banging in the door. “Jho, kain na! Andito sila Lolo kasama si Maloi,” William said behind the door. I grunted before checking the time sa cellphone ko. Halos tatlong oras din akong nakatulog, kung tama ang tantya ko. I’m not sure kung anong oras ako nakatulog and why ba ako nakatulog. 



Baka sa sorbrang…pagod. 



Hirap naman kasi magsulat paano mag-move on eh ako nga hindi makausad. 



Make it make sense. 



Nag-asikaso lang ako saglit at bumaba na. Maloi and my Lolo are not fond of waiting lalo na kung may pagkaing involved. Hindi naman sila magkadugo pero kung paano tignan ang mga bagay bagay eh halos iisa lang ng dugo at laman. 



William was watching something on his phone when I went down. My father is busy wooing my mother, again. Ewan ko kung ano na naman pero sure akong may bibilhin na naman siya. Maloi spotted me agad and smirked at me. Kinindatan pa ako kaya agad ko siyang inirapan. Si Lolo naman ay busy sa usapan with our Nanay Fely. 



Dumaan ako sa harap ni William para sabunutan sana si Maloi na malapit lang sa kaniya nang marinig ko ang pinapanood niya. 



“...paglilinaw ng prinsesa. Mabuting pagkakaibigan lang umano ang ugnayan nila ng bunsong anak ng mga Andrada, isa sa pinakamalaking pamilya sa bansa. Wala namang naging kumento ang Royal Family sa pahayag ng prinsesa. Matatandaang isa ang bunsong Anrada sa napipisil na magiging kapareha ng prinsesa. 



“We are in the same circle, but we are not close,” ani ni Prinsesa Maraiah



Nagkatinginan kaming dalawa ni Maloi. Patuloy pa rin ang reporter pero wala na akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Maloi looked at me, “Tell me, ikaw ba ang nag-break ng ‘no-contact’?” 



Parang ako nga? 



But that’s the least of my priority right now. 



The royal family is not happy, I’m sure of that. Masyado na silang bilib at lunod sa fantasy nila kay George Andrada na kahit sarili na nilang prinsesa ang magsalita ay hindi nila papansinin.



Maraiah knows that. 



“At kung ikaw nga, bakit mo pa pinaabot ng isang taon? Isang taon din tuloy naging artista ex mo. Acting na close and happy sya with Andrada,” tuloy ni Maloi. Agad ko naman nilingon ang magulang at lolo ko. 



“Hindi nila tayo rinig dito, Jhoanna,” ani ni William. 



Hindi ko na sila pinansin pa at dumiretso na lang sa hapag at ininom ang tubig na nakahanda. 



Jhoanna Robles, ang nag-iisang ex ng pinakamamahal na prinsesa ng bansa’, naks naman Jho. Lakas talaga–”



“Shut up, Loi!” putol ko sa pang-aasar ni Maloi at William. That’s the last thing na gusto kong marinig ngayong gabi. 



Feel ko masisiraan ako ng bait sa nangyayari. 




My phone dinged and my soul almost left my body when I read the message.




From:

+6392XXXXXXXXX

Jho, can we talk? Nasa labas ako, sa likod nyo. Please, Jhoanna. One year’s too long, just please