Actions

Work Header

etneb

Summary:

Saan aabot ang bente pesos mo?

Iyan ang mundong ginagalawan ni Sunghoon—isang estudyanteng sanay magbilang bago kumilos, sanay pumili sa pagitan ng pamasahe, pagkain, at kung minsan, wala. Sa bulsa niya, laging may nakatiklop na bente pesos na parang paalala: lahat ng bagay may hangganan, lalo na kapag pera ang usapan.

Sa parehong unibersidad, si Kim Sunoo ay kabaliktaran ng lahat ng iyon. Mayaman, conyo, at sanay sa mundong ang “let’s eat” at “my treat” ay simpleng tanong lang, hindi desisyon. Hindi niya kailangang mag-isip kung aabot ba ang pera—kaya niyang sabayan ang kahit anong gusto, kahit kailan niya gusto.

At sa gitna ng dalawang mundong iyon, nandoon ang isang simpleng linya na hindi nasasabi nang diretso:

“Mahal kita, pero bente lang pera ko.”

Chapter Text

Sanay na si Sunghoon sa timbang ng bulsa niya.

Hindi literal na bigat lang—kundi yung feeling ng laman nito.

Alam niya agad kapag may sobra. Alam niya rin agad kapag wala na talagang maaasahan.

That morning, habang nakasabit siya sa jeep na siksikan na parang wala nang hangin sa loob, hinawakan niya ulit ang bulsa ng bag niya.

Isang routine na hindi niya na kailangang isipin.

Nandoon pa rin.

Isang nakatiklop na bente pesos.

Dalawang tig-sampung barya.

Ilang barya pa na parang maingay lang pero walang tunay na silbi.

Paulit-ulit niyang kinakapitan yun sa isip niya habang umaandar ang jeep. Hindi niya binubuksan, hindi niya tinitingnan. Alam na niya ang itsura nun kahit nakapikit siya.

Sa bawat stop, may sumasakay na estudyante ng university. May naka-iced coffee, may naka-earphones, may mukhang bagong gising lang pero mukhang walang problema sa buhay.

Si Sunghoon, tahimik lang sa gilid ng bintana. Nakadikit yung ulo niya sa malamig na salamin, habang pinapadaan ang mga kalsadang sanay na siya makita araw-araw.

Pagdating sa campus, automatic na yung utak niya.

Pamasahe papasok—ok.

Pamasahe pauwi—ok.

Pagkain—bahala na.

Extra—wala.

Ganun lang lagi.

Pagbaba niya sa jeep, diretso lang siya sa gate ng university, nakasunod sa agos ng mga estudyante na parang lahat may kanya-kanyang mundo na agad pagpasok pa lang.

Lanyards, ingay, tawanan, yabag ng sapatos sa sementong basa pa sa umagang nilinis siguro ng janitor kanina.

Sunghoon tried to disappear inside the crowd the way he always did—hindi dramatic, hindi halata. Yung tipong nandiyan ka pero hindi ka talaga napapansin.

Hanggang sa—

“Sunghoon!”

Hindi siya tumigil.

Diretso lang.

Parang hindi niya narinig.

Pero syempre, narinig niya.

“Sunghoon!”

Mas malapit na.

Mas mabilis yung footsteps.

Tapos may humawak sa sleeve niya.

Do’n pa lang siya huminto.

Napabuntong hininga siya bago lumingon.

Kim Sunoo.

As usual.

Mukhang bagong gising pero presentable pa rin. White shirt na parang walang kahit isang gusot. Watch na kumikinang kahit hindi naman direct sunlight. Backpack na mukhang mas mahal pa sa buong allowance niya for a week.

At yung mukha niya—parang laging ready ngumiti kahit wala namang dahilan.

“Why are you walking so fast?” Sunoo asked, hinihingal konti, pero naka-hawak pa rin sa sleeve niya.

Sunghoon looked at the hand for a second.

Then gently tinanggal yung grip.

“I’m just walking.”

“No,” Sunoo said immediately. “You were leaving me behind.”

“I wasn’t.”

“You were.”

“I wasn’t.”

“You were.”

Sunghoon exhaled.

Ganito lagi.

Paulit-ulit.

Parang script na hindi pwedeng baguhin.

“Ang OA mo,” he said finally.

Sunoo smiled like he just won something.

“Thank you.”

“That wasn’t a compliment.”

“I’ll take it anyway.”

And just like that, parang wala na ulit yung issue.

Ganun si Sunoo.

Hindi niya pinapalaki yung bagay. Hindi siya nagtatanim ng weird tension. Parang lahat pwedeng gawing normal ulit after ilang segundo lang.

Kaya nga nakaka-danger.

Kasi kahit ilang beses sabihin ni Sunghoon sa sarili niya na iwasan siya—

lagi pa ring bumabalik.

“Let’s eat,” Sunoo said casually habang naglalakad sila.

Sunghoon didn’t even look at him.

“No.”

“Why?”

“I’m not hungry.”

“Lagi ka namang not hungry,” Sunoo said, parang nagtataka talaga siya.

“I am not lying.”

“Liar ka.”

“I’m not.”

“Liar.”

Sunghoon rolled his eyes.

Alam niya na naman kung saan pupunta ‘to.

Sunoo suddenly stepped closer.

“Okay fine. I’ll treat you.”

There it was.

The sentence.

Simple lang pakinggan.

Pero para kay Sunghoon, parang may biglang humigpit sa dibdib niya.

My treat.

Parang normal lang sa mundo ni Sunoo.

Parang wala lang.

Parang hindi kailangang pag-isipan.

Pero sa mundo ni Sunghoon—

hindi siya basta “treat.”

May katumbas siya.

May nawawala kapag tinanggap mo.

May utang na hindi mo naman kayang bayaran.

Kaya dahan-dahan, napasok ulit yung kamay niya sa bulsa ng bag niya.

Kahit alam niya na.

Kahit alam niya na sobra-sobra na yung alam niyang sagot.

“Pass,” he said.

Sunoo blinked.

“Ano?”

“Pass.”

“Bakit?”

“Ayoko.”

“Sunghoon naman,” Sunoo said, mas mababa yung boses ngayon. “Libre ko lang.”

At doon.

Doon lagi nagkakaproblema.

Kasi hindi naman bastos si Sunoo.

Hindi siya nanunukso.

Hindi siya nagpapahiya.

Kaya nga mas mahirap tumanggi.

Kasi genuine.

Kasi simple.

Kasi wala siyang idea kung gaano kabigat yung simpleng “libre ko lang.”

Sunghoon didn’t answer.

Nakatitig lang siya sa gilid ng daan, kung saan dumadaan yung ibang estudyante papasok sa café na nasa loob ng campus.

May nagbabayad ng iced coffee na parang routine lang.

May tumatawa habang hawak yung sandwich.

May isang grupo na parang walang iniisip na kahit ano.

Sunoo followed his gaze.

Tapos huminto rin siya.

“Sunghoon,” he said again, softer this time. “Okay ka lang?”

Saglit na natahimik si Sunghoon.

Then tumango siya.

“Yeah.”

Hindi convincing.

Alam niya yun.

Alam din ni Sunoo.

Pero hindi na siya nagtanong pa.

“Okay,” Sunoo said again.

Then ngumiti ulit siya, like usual.

Parang walang bigat.

Parang okay lang lahat.

Pero habang naglalakad ulit sila papunta sa building, Sunghoon kept his hand inside his pocket.

Doon, ramdam niya ulit yung bente pesos.

Same weight.

Same limit.

Same reminder.

Sa tabi niya, si Sunoo patuloy lang sa pagsasalita—about something random, something light, something walang mabigat.

And Sunghoon realized something he didn’t want to admit too clearly.

Hindi siya nahihirapan kay Sunoo dahil hindi siya mabait.

Nahihirapan siya kasi mabait si Sunoo.

At mas lalo siyang nahuhulog dahil doon.

Pagdating nila sa classroom, maingay na agad sa loob.

May mga estudyanteng naka-upo na sa harap, may iba na nakatayo pa sa likod ng chairs, may ilan na nagkakape pa kahit ilang minuto na lang magsisimula na ang klase. Typical university morning—parang lahat nagmamadali pero wala namang gustong umpisahan agad ang araw.

Sunghoon went straight to his usual seat.

Third row, near the window.

Hindi too front na kita kaagad ng professor, pero hindi rin too back na parang wala ka na sa classroom.

Safe spot.

Sunoo, as usual, followed him without asking.

Hindi na niya tinatanong kung pwede ba siyang umupo. Hindi na rin siya naghihintay ng permission.

Diretso lang siyang umupo sa tabi ni Sunghoon, parang doon talaga siya nakatalaga.

“Good morning,” Sunoo said, placing his bag down.

“Hmm,” sagot ni Sunghoon, hindi na tumitingin.

Sunoo leaned a little closer. “Ang init sa labas.”

“Mm.”

“May aircon ba dito?”

“Meron.”

“Good.”

Then silence.

Sandali lang.

Hindi naman awkward—hindi rin comfortable. Yung klaseng silence na natural na kapag nasanay ka na sa presence ng isa’t isa kahit hindi pa naman dapat ganoon kalalim ang connection.

Sunghoon opened his notebook.

Worn pages. May mga sulat sa gilid, may highlights na hindi na niya maalala kung bakit niya minarkahan. May maliit na dent sa cover dahil minsan nahulog ito sa jeep habang nagmamadali siya.

He started writing notes mechanically.

Pero sa gilid ng peripheral vision niya, si Sunoo hindi nagsusulat.

Hindi rin nakatingin sa board.

Naglalaro lang ng ballpen sa kamay niya.

Then suddenly—

“Sunghoon.”

“Hm.”

“Gutumin ka ba after class?”

Sunghoon paused for half a second.

“Hindi.”

“Sure?”

“Yes.”

Sunoo nodded slowly, parang ini-scan pa rin yung sagot.

Then he leaned back.

“Okay.”

Pero hindi pa rin siya tumigil doon.

A few minutes later, habang nagsisimula na yung professor mag-discuss, Sunoo bent slightly toward him again.

“May nakita akong bagong café,” he whispered.

Sunghoon didn’t even look up. “No.”

“Hindi pa nga ako nagsasabi kung saan.”

“Doesn’t matter.”

“Masarap daw yung matcha nila.”

“I don’t like matcha.”

“Sinungaling.”

Sunghoon finally looked at him.

Sunoo smiled immediately.

Yung smile na parang lagi siyang nananalo sa kahit anong argument kahit hindi naman dapat.

Sunghoon looked away again.

Dapat sanay na siya.

Pero hindi.

Hindi talaga.

Every time Sunoo smiled like that, parang may maliit na bahagi sa dibdib niya na gumagalaw nang hindi niya kontrolado.

As if something inside him kept forgetting the rule:

Don’t want what you can’t afford.

After class, mabilis na naglabasan ang mga estudyante.

May mga nagmamadali sa next subject, may mga nag-aaya na ng lunch, may mga nag-uusap tungkol sa exam na hindi pa naman nangyayari.

Sunghoon packed his things slowly, deliberate ang bawat galaw.

Sunoo waited for him.

As always.

“Let’s go,” Sunoo said.

“San?”

“Lunch.”

Sunghoon didn’t respond immediately.

Instead, his hand went to his pocket again.

Automatic.

Doon niya naramdaman ulit yung familiar na shape.

Twenty pesos.

Folded.

Flat.

Still there.

Still not enough.

He closed his bag.

“Pass,” he said.

Sunoo groaned softly. “Sunghoon, kakakain lang natin.”

“I’m not hungry.”

“You always say that.”

“I always mean it.”

Sunoo tilted his head.

Sandali siyang tumingin kay Sunghoon, parang may hinahanap sa mukha niya.

Then, in a quieter voice—

“Bakit lagi kang tumatanggi?”

Sunghoon stopped walking.

Just for a second.

Hindi niya agad nasagot.

Kasi kahit simpleng tanong lang iyon, hindi simple ang sagot.

Paano niya sasabihin na ang “oo” ay may presyo?

Na ang simpleng paglabas ay may kapalit na pamasahe?

Na ang simpleng pagkain ay hindi simpleng desisyon?

Na ang bente pesos sa bulsa niya ay parang pader na laging nasa pagitan nila?

So instead, he said the safest thing.

“Busy ako.”

Sunoo didn’t look convinced.

But he nodded anyway.

“Okay,” he said again.

Same word.

Same tone.

Pero ngayon, medyo mas mabigat na.

They walked out of the building side by side.

Sunoo was talking again—something about a new place he wants to try, something about food, something casual.

Sunghoon listened in fragments.

Not because he didn’t care.

But because his mind kept going back to one thing:

Saan aabot ang bente pesos mo?

Sa jeep pauwi.

Sa tinapay sa tindahan.

Sa isang araw na pilit mong pinapahaba.

Pero hindi kailanman aabot sa isang mundo kung saan “let’s eat” is just a sentence.

Beside him, Sunoo laughed at something he said.

Maliwanag.

Walang bigat.

Walang iniisip na limitasyon.

And Sunghoon realized something he didn’t say out loud.

Minsan, ang pinakamahirap hindi yung gutom.

Kundi yung gustong gusto mo ang isang bagay na alam mong hindi ka kayang abutin—kahit ilang bente pesos pa ang hawakan mo.

Even if he only had twenty pesos.

Even if that was never going to be enough.