Work Text:
Nagtatampisaw sa gitna ng ulan, dinaramdam ang bawat patak.
Nakadilat ang mga mata’t nakatingala patungo sa kalangitan.
Hindi alintana ang lamig, kahit ang mga ngipin niya’y nagngangatal.
Sapagkat ang daluyong ng hangin ang nagsilbing karamay.
Kumidlat man at kumulog, ang kanyang mga mata’y hindi pumipikit.
Ngunit ang tubig-ulan ay hindi nadadaan sa katatagan.
Dalawang mata sa langit, paa sa lupa.
Walang humpay ang pagtangis ng kalangitan.
Kasabay ang hindi malaang pag-init ng mga mata at pagkibot ng labi.
Unti-unti, ang katubiga’y tumaas nang tumaas, hanggang lumagpas ito sa kanya.
Dalawang mata sa langit, paa sa lupa.
Malulunod, ngunit hindi magpapalunod.
