Chapter Text
TWO RED LINES.
The first pregnancy test kit shows.
Pregnant.
The second one reads.
Two pink lines for the third.
Bailey just sighs in exhaustion.
Kaya pala nitong mga nakakaraan ay iba ang pakiramdam niya lagi. Parang lagi siyang matamlay at ang pili-pili niya sa pagkain. Ito na pala.
Maingat niyang niligpit ang mga ginamit at itinabi ang mga iyon bago siya lumabas ng banyo.
Nasa kama ang asawa niya— si Caleb, hawak nito ang cellphone at seryoso lang itong nakatutok doon.
Hindi alam ni Bailey kung ito na ba ang tamang oras para sabihin kay Caleb na nakabuo na sila pero parang hindi pa dahil pagsampa niya pa lang sa kama ay nagtanong na ito agad ng,
“Do we have time?” Sabay baling sa kanya pagkalapag ng cellphone sa bedside table.
Bailey knows what it means at kung hindi niya nalaman na may dinadala na siya ay papayag siya pero hindi ngayon. Mahirap na.
Marahan siyang umiling. “Pagod ako. Sa susunod na lang siguro,” sagot niya saka inayos ang sarili sa higaan.
Tumingin si Caleb sa kabuuan niya. Matiim, nananantiya pero wala itong sinabi.
“Sorry..” hindi niya alam kung bakit niya iyon sinabi.
“Don’t be. Matulog ka na,” sabi nito saka tumalikod na sa kanya at pinatay ang lampshade.
Madilim na madilim na sa kwarto nila. Tahimik. Tanging tunog ng aircon lang ang maririnig.
Hindi pa dinadapuan ng antok si Bailey dahil sa nalaman niya at doon, napahawak siya sa tiyan.
Napausal siya ng maikling dasal at muli, natutulala na naman sa madilim na kisame.
Alam niyang gising pa si Caleb at kahit gusto niya itong kausapin, hindi niya rin alam kung paano magsisimula dahil wala— wala naman silang dapat pag-usapan.
Hindi niya alam kung paano magbubukas ng topic na pwede nilang pag-usapan dahil hindi naman sila normal na mag-asawa. Arranged marriage lang.
Funny how it sounds but it’s true.
Arranged marriage still exists in the 21st century especially to rich people— like Bailey’s family and he was obliged to obey them by hook or by crook.
Admittedly, Bailey likes being rich because who wouldn’t?
He grew up rich.
He can say that they have everything he needs, wants and even the things that he doesn’t are there. Sunod lahat ng mga luho niya kaya hindi niya masuway ang mga magulang niya sa maraming bagay na pinapagawa nito sa kanya.
Lumaki siyang iyakan niya lang, bibilhan na siya ng mga gusto niya. Magdabog lang siya, masusunod na lahat ng mga gusto niya kahit pa bawal.
A typical spoiled brat, as is.
But growing up, as he met people around, his perspective in life changed.
Lalo noong ikasal ang pinsan niya ilang taon na ang lumipas. He was still in college and Bailey witnessed how devastating it was for Kuya Yael. Being forced to marry someone you don’t love for business, to continue the fucking tradition their family has.
It was a horror that traumatized Bailey and never in his wildest dream he ever imagined that he’ll get to experience the same. Totoo ang sabi nila— hindi lahat kayang lutasin ng pera.
It happened to his brother too, pero ang silver lining lang siguro doon ay talagang mahal ng kuya niya ang napangasawa nito. If you’ll ask Bailey what destiny means, he will surely tell the love story that Kuya Mico and Jandy have.
Muli ay napabuntong hininga siya.
Years later, siya na ang nasa exact scenario na nakita niya lang noon kay Kuya Yael.
Ayaw niya pang mag-assume pero parang mas malala dahil may bata ng magiging involve sa kwento nila ni Caleb. Dala-dala niya na ang dugo at laman nito.
Wala pa silang maayos na usapan, hindi pa nila alam kung ano ba ‘tong buhay talaga na pinilit silang ipasok ng mga magulang at bata pa talaga para sa pag-aasawa pero ito na at papunta na rin sila sa pagiging magulang.
“Bakit gising ka pa?”
Nagulat siya at napalingon agad sa katabi.
Nakatihaya na rin si Caleb at kahit madilim, parang nakikita pa rin ni Bailey ang blankong ekspresyon ng mga mata nito.
“Hindi pa inaantok,” sagot niya na lang. “Ikaw ba?”
Dinig niya ang malalim na pagbuntong-hininga nito.
“Hindi pa rin inaantok,” sagot nito pabalik.
Katahimikang muli pero sa pagkakataong iyon, parang may nag-uudyok sa kanilang pareho na ito ang tamang oras para mag-usap sila tungkol sa sitwasyon nila bilang mag-asawa.
“Bakit ka pumayag magpakasal?” tanong ulit ni Caleb makalipas ang ilang minuto.
Hindi makasagot si Bailey dahil hindi niya rin alam ang sasabihin. Pumayag ba siya? Oo na parang hindi.
Kasi isang araw, nagising na lang siya na sinabihan siya ng mga magulang na may kikitain daw silang business partners and the next thing he knew, pinakilala na sila ni Caleb sa isa’t-isa at iyon nga, na ikakasal daw sila.
The second meeting was planning on their wedding. The third, the fourth, the fifth, the sixth and so on was the longest discussion that he didn’t want to explain in detail because everything was just exhausting.
On their tenth meeting, they got married.
“May choice bang tumanggi?” tanong niya pabalik.
Bumangon ito at sumandal sa headboard. “Meron naman siguro lalo ikaw. Kasi ang sabi ng mga magulang ko, mangyayari lang naman ang kasal kung papayag ka.”
Nagulat si Bailey. “At kung tumanggi ako?”
“Edi hindi tayo ikakasal,” simpleng sagot nito.
Napailing si Bailey at napabangon na rin. “Hindi gano’n kadali ‘yon, Caleb. Hindi niyo kilala ang mga magulang ko. Lalo na ang pamilya ko.”
Because sometimes being wealthy is equivalent to being greedy. As much as Bailey does not want to agree, hindi exemption ang pamilya niya rito.
“Bakit tayo?” tanong nito ulit pero parang sumuko na lang don dahil kahit ano pang isagot ni Bailey, hindi naman magbabago ang sitwasyon nila.
“Hindi ko rin alam.”
“Masaya ka ba na nagsasama tayo? Na mag-asawa tayo sa papel, sa pisikal at sa mata ng mga tao pero hindi naman tayo nagmamahalan?” sunod-sunod nitong tanong.
Natahimik siya.
“Okay lang ba sa’yong paulit-ulit na may nangyayari sa’tin kasi kailangan nating magkaanak agad? Gusto mo bang magkaanak? Naisip mo na bang bumuo ng pamilya? Okay lang ba sa’yo na kapag nakilala mo ‘yung taong mamahalin mo talaga, eh hindi mo siya malalapitan dahil kasal ka sa’kin?”
Parang napagod si Bailey sa mga sunod-sunod na tanong nito kaya napasandal na lang din siya sa headboard.
“Hindi ko alam, Caleb. Hindi ko alam.”
“Bakit ba kasi tayo?” tanong nito saka napahilamos ng mukha. “Bakit hindi tayo pwedeng maging malaya?”
Kumirot ang puso ni Bailey sa napagtanto.
“May mahal ka bang iba?” Hindi niya alam kung saan galing, pero matapang niyang tinanong iyon.
“Wala pa. Pero hindi kita mahal,” matapang din na sagot nito.
Kung tama lang sana ang naging pagsabi nito ng mga salita ay pwede nila iyong maayos para maging masaya. Tulad ng, “wala, pero hindi pa kita mahal.”
Kung iyon sana.
“Ikaw ba? Sana hindi mo naiisip na pwede mo akong mahalin.”
Napalunok si Baliey. “Bakit hindi?” tanong niya.
Hindi ba’t pwede niyang gawin iyon? Pwede silang maging katulad ng mga totoong mag-asawa kung susubukan nilang kilalanin ang isa’t-isa, kung susubukan nilang mahalin ang pamilyang sinisimulan na nilang buuin ngayon.
Lalo pa’t may anak na silang paparating.
Nakita niya ang pag-iling nito. “Hindi tayo magiging masaya kung ipipilit natin ‘to, Bailey. Ngayon pa nga lang na nagsisimula tayo, hindi ko na alam kung paano pa sa mga susunod na taon na dapat magsama tayo.”
Buong sarili ni Bailey ang tumatanggi. “Masyado pa namang maaga para magsalita tayo nang tapos, Caleb. Baka malay mo..”
“Ano?” tanong nito dahil hindi niya na madugtungan ang sinasabi.
“Malay mo… pwede tayo,” mahinang sabi niya.
Caleb scoffed and Bailey’s sure that he’s sarcastically smiling despite the darkness.
“Itigil mo kung ano man ‘yang naiisip mo,” may bahid ng disgusto sa tinig nito. “Kung nanaisin mong mabuhay sa tradisyon tulad ng nakasanayan na mga pamilya natin, ibahin mo ako. Mas mataas ang pangarap ko rito. Mas marami pa akong gustong marating kaysa sa matali lang sa kasal na hindi ko naman gusto.”
Hearing that, Bailey can hear his dreams shattered. The one he carefully built. The one he’s been silently wishing to have despite being married young. Despite it being dictated by his family.
“Matulog na tayo.”
Tumalikod na ulit si Caleb at hindi na muling nagsalita pa hanggang sa nakatulog na nga ito.
Si Bailey.. napahawak na lang siya sa bandang puson at napapikit.
‘Mukhang tayong dalawa lang ang magmamahalan sa pamilyang ito, anak.’
Dahil sa nakikita niya, buo na ang buhay ni Caleb at ni isang parte ay wala si Bailey doon— sila ng magiging anak nila.
———
“BUNTIS AKO.”
Napasinghap ang dalawa.
“Wow!”
“Oh my God, Bailey!” tili ni Jandy.
“Congrats! May kalaro na rin si Aki!”
Napangiti na lang si Bailey nang sabay siyang yakapin ng Kuya niya at ng asawa nito.
“Nasan pala si Aki?” tanong niya dahil wala ang pamangkin niya ngayon.
“Hiniram nila mama,” sagot ni Jandy. “Saka ‘yung isa kasi dyan panay parinig na hindi niya na raw ako masolo.”
Natawa siya at napangisi naman ang Kuya niya.
“Syempre babe,” sagot pa ng huli kaya nagkatawanan ulit sila.
Natutuwa talaga si Bailey kada nag-uusap ng ganito ang dalawa, na hindi mukhang pilit o nagpapanggap lalo sa harap niya.
Sa mga ito niya pa lang unang nasabi ang kalagayan dahil matapos niyang makausap si Caleb nung gabing iyon ay nawalan na siya ng lakas ng loob na magsabi. Mukhang hindi kasi nito agad matatanggap.
“Alam na ba ng asawa mo?” tanong ng Kuya niya.
Umiling siya. “Hindi ko pa nasasabi.”
“Ha?” takang tanong ni Jandy. “Bakit hindi pa? Nagpa-check up ka na ba? Ilang buwan na?”
“Hindi pa ako nagpapatingin kaya hindi ko pa alam. Last week ko lang din kasi nalaman at hindi ko pa masabi kay Caleb dahil alam niyo naman ‘yon,” may lamang sabi niya.
If there’s someone who knows the real score between him and his husband, he would say that it’s these two.
Kasi given na arranged marriage sila and people talk all the time but the raw version of them living together as husbands— sa mga ito niya lang nasabi.
Caleb is a composed and mature man.
There’s no sign of him being weak especially in places where most people can see him. He’s a gentleman and aloof at the same time. Kung anong pinapakita nito sa mga tao ay iyon talaga ito kahit behind closed doors. Well, at least that’s what he can see in a short span of time na magkasama sila.
Kaya nga hindi alam ni Bailey kung saan niya napulot iyong ideya na pwede silang mauwi sa pagmamahalan eh mukhang wala namang balak si Caleb sa mga gano’n. May pagmamalabis na sigurong sabihin but sometimes, Caleb operates like a robot.
Alam ng Kuya niya at ng asawa nito na sinusubukan niyang mahalin si Caleb— sinusubukan niyang sundan ang yapak ng mga ito dahil baka pwede ring maging love marriage ang samahan nila ng asawa
“Just tell him, Bae..” Jandy softly said at tumabi ito sa kanya. “We never know. Bago pa naman kayong mag-asawa at marami pa kayong matututunan sa isa’t-isa.”
“Right,” pagsang-ayon ng Kuya niya. “Caleb might change along the way. Tiyagain mo na lang.”
Bailey shrugs. “Ano pa nga ba.”
“Haynako! Don’t stress over that!” awat ni Jandy. “Magpa-check up ka na! Sasamahan ka namin. Grabe ang bilis bilis niyo ni Caleb ha! Wala pa kayong isang taon na magkakilala in general pero ito na may anak na kayo agad na paparating!”
Natawa na lang siya sa mga pinagsasabi ng asawa ng kapatid. The rest of his day was spent with the two doing the things he silently wished he could do with Caleb.
Maybe next time.
Hinatid rin siya ng mag-asawa pauwi at pagpasok pa lang ng bahay nila ay alam na ni Bailey na nandito na si Caleb. Kahit hindi niya pa ito nakikita, alam niyang nasa bahay na ito.
Inayos niya muna ang mga pinamili at tinabi sa isang drawer ang mga baby clothes na excited na pinagbibili ni Jandy kanina. Nang matapos siya ay dumiretso na siya sa banyo para maligo.
Hindi na siya nagtataka na wala si Caleb kahit sa kwarto nila dahil alam niya namang nasa office lang ito ng bahay nila.
Dumiretso siya sa dining area at napangiti naman si Bailey ng makitang may mga pagkain na sa hapag. Sinadya niya talagang huwag na magpaabot ng dinner sa labas kasama ang mga Kuya niya kanina dahil alam niyang magluluto ang asawa.
One thing about Caleb, he knows how to run the house.
Hindi kailangan magsabi ni Bailey dahil marunong itong magkusa. Kahit maglinis at maglaba ng mga damit nila, Caleb would voluntarily do so. Hindi niya ito nakitaan ng pagiging selfish dahil sa lahat naman ng bagay sa loob ng bagay nila ay idadamay siya nito. Hindi mukhang pilit ang mga kilos dahil parang natural iyon sa nature ni Caleb– ang magmalasakit sa kapwa.
Admittedly, his husband is an ideal man.
Kahit pa hayagan nitong sinasabi na hindi nito gusto ang pagiging mag-asawa nila, nakikita ni Bailey na isa itong husband material. He was raised to be a proper gentleman.
Nagbasta na siya para makakain na sila at saka siya nagpasyang tawagin na sana si Caleb ng tumunog ang cellphone niya.
Caleb calling…
“Bakit?” natanong niya sa sarili bago sinagot iyon. “Hello?”
“Where are you? Anong oras ka uuwi?” bungad nito sa kabilang linya.
Hindi alam ni Bailey kung bakit napangiti siya. “Nakauwi na ako kanina pa, Caleb. Nagbasta na ako para makakain na tayo. Papunta na nga sana ako sa office mo para tawagin ka, eh.”
Parang natigilan ito. “Oh.”
“Tapos ka na ba dyan? Halika na rito,” aya niya.
“Pababa na.”
Before Bailey could say anything, the line went off.
Hindi niya na lang gagawing big deal dahil gano’n naman talaga si Caleb. Mostly ay hindi niya nakikitaan ng kahit anong emosyon lalo kapag magkausap sila.
Pero hindi naman din ito bastos makipag-usap sa kanya. Siguro more on naiilang lang or kinikilala pa siya?
Kasi tulad nga ng sinabi ni Jandy kanina, wala pa silang isang taon na magkakilala talaga pero ito na sila sa sitwasyon kung saan bumubuo na sila ng pamilya.
Naiintindihan naman ni Bailey dahil kahit naman siya ay nangangapa pa rin sa samahan nila ng asawa.
Hindi biro iyong ikasal sa taong halos dalawang buwan mo pa lang nakilala at paglipas ng ilang linggo ay buong-buo mong ibibigay ang sarili mo, tapos ay ilang buwan lang at dala-dala mo na ang anak nito.
But again, he can adjust.
“Saan ka galing?”
Naputol bigla ang pag-iisip ni Bailey at napalingon kay Caleb na kapapasok lang sa dining area. Nagsabi siya rito kanina na aalis siya pero hindi kung saan siya pupunta at kung sinong kasama niya.
“Nagkita lang kami ni Kuya Mico saka ni Jandy,” sagot niya saka umupo sa tapat nito.
Ganito lagi ang set-up nila. Magkatapat, hindi magkatabi.
“Kanina ka pa nakauwi?” tanong nito ulit saka umupo na rin.
Tumango siya. “Mga mag-iisang oras na.”
“Ah,” sabi lang nito saka nagsimula ng kumuha ng pagkain.
Sa mga sumunod na sandali, tahimik na lang silang kumain pareho.
“How was your day?” naisip niyang itanong.
Sobrang awkward lagi kapag kumakain sila lalo noong unang mga araw pagtapos nilang ikasal dahil para silang hindi mag-asawa. Buti na lang ngayon ay medyo nakakasanayan niya na at siguro, si Caleb din dahil hindi na ito iwas sa mga tinatanong niya
“Not so bad,” sagot nito. “Work is tiring as usual but you know.”
Napatango siya. “Saturday bukas. Any plans?”
“Baka magkita kami ng mga kaibigan ko,” sagot nito. “Okay lang ba?”
Nagulat si Bailey kaya napatingin siya agad sa asawa at mukhang nagulat din ito sa nasabi.
“Oo naman,” una siyang nakabawi. “Saan kayo pupunta?” Normal na tanong niya lang, na parang ang tagal tagal na nilang ganito mag-usap talaga.
“Hindi ko pa alam eh,” sagot ni Caleb. “Pero baka uminom kami. Baka lang.”
“Oh, okay. Just don’t do anything stupid, hm?” Paalala niya.
Ngumisi si Caleb. “Forgive me for saying this but why are we acting like we are husbands? I mean, I know we are but we don’t really have to try it like this, ‘di ba? Wala naman ang parents natin.”
Hindi alam ni Bailey ang mararamdaman. “Hindi naman ako nagpapanggap,” sabi niya saka natawa nang magaan. “I mean sabi mo nga, we’re husbands and there’s no harm in trying to be nice to each other naman.”
“Bakit?”
“I just think so?” sabi niya saka nilaro ang natirang pagkain sa plato dahil busog na siya. “Not because we don’t want this marriage, doesn’t mean we have to be mean with each other, right?”
Nakatingin lang si Caleb sa kanya.
“Kasi wala ka namang ginagawang masama sa’kin at ako sa’yo kaya siguro, we can be just nice person to each other,” dugtong niya saka ngumiti rito.
“So you’re saying we should be friends?” Caleb asked.
Napaisip siya pero umiling na lang din dahil parang ayaw ng asawa sa idea na ‘yon. “Not totally. Just be a nice person and that’ll do.”
“Okay,” sagot nito at nagkibit balikat pa.
“But if you need a friend, I can be one.” Bailey said and smiled. Hindi niya rin napigilan.
Caleb didn’t answer that but instead, he just gave Bailey a kind smile that made his heart skip a beat.
Oh, boy.
———
PEACEFUL SUNDAY MORNING.
Bailey is quietly watching his husband who’s currently massaging his head over and over.
Mukhang may hangover pa rin ito dahil halos gumapang na ito nang umuwi kagabi. Buti na nga lang at hindi ito nagdala ng sasakyan dahil sinundo lang ito ng kaibigan nito at naka-taxi na lang pauwi. Bailey can’t tell how Caleb was able to give directions to the driver but good thing he came home safe. Okay na siya ro’n.
Ilang beses pang nagpumiglas si Caleb sa kanya kagabi at hindi alam ni Bailey kung may naaalala ba ang asawa niya pero napapangiti pa rin talaga siya dahil kada susubukan niyang tanggalin ang damit nito ay tinatabig ni Caleb ang kamay at paulit-ulit nitong sinasabi na, “I’m married!” at sigurado si Bailey na hindi siya nito kilala kagabi dahil malala talaga ang tama nito.
Ang tagal nilang natapos bago niya tuluyang mabihisan ito ng pantulog dahil bagsak talaga si Caleb.
But in the deepest part of Bailey’s mind (and heart), he can say that he’s really secured in this marriage regardless of it being an arranged one.
Despite being cold and casual most of the time, Caleb’s gesture last night only proved that he will never cheat on Bailey because even drunk and completely wasted, he knew that they’re committed. He knows the sanctity of marriage and that’s enough for him now. More than enough, actually.
Hindi na nakatiis si Bailey kaya tumayo siya at nagpunta sa kusina para ikuha ito ng fresh orange juice. Hindi nadaan sa kape na ininom nito kanina dahil mukha pa ring pinagbagsakan ng langit ang itsura ni Caleb ngayon.
Maingat niyang dinala ang baso ng orange juice at kumuha pa siya ng coaster saka niya tinungo ang pwesto ni Caleb sa veranda.
“Here,” sabi niya saka nilapag ang hawak sa mesa.
Napatingin sa kanya si Caleb. “T-thank you.”
Ngayon sana gustong umamin ni Bailey tungkol sa kalagayan niya pero mukhang hindi naman maa-absorb nang maayos ni Caleb dahil wala pa ito sa tamang huwisyo kaya baka ipagliban niya muna.
Mabuti na lang din at wala siyang morning sickness ngayon.
“Can I help you with anything?” Hindi niya na napigilang itanong.
Uminom si Caleb sa baso. “Wala naman. Sobrang sakit lang ng ulo ko. Tinamaan ako sa ininom namin kagabi.”
Umupo si Bailey sa tapat nito. “Can I massage your head?” maingat niyang tanong.
Sometimes, he really find it ironic dahil sa mga ganitong bagay ay parang ilang na ilang sila ni Caleb lalo na kapag involved ang physical touch na parang hindi pa nila nagagawa iyon— but that’s the thing.
They’re doing all those things in bed and they never dared to speak about it.
“Is it okay?” tanong nito.
Napangiti si Bailey. “Oo naman. Wait lang, I’ll get an ointment.”
Patayo na sana siya nang pigilan ni Caleb ang kamay niya.
“Actually, can we do this in bed? I really need to lay down,” sabi nito.
“Sure,” sagot naman agad ni Bailey. “Finish your drink and we can go back to our room.”
Caleb did what he said at pinauna niya na ito sa kwarto nila. Nagligpit lang saglit si Bailey sa kusina at sumunod na rin siya sa asawa.
Nakahiga na ito sa kabilang side ng kama at nakapikit.
Naawa naman si Bailey sa itsura nito kaya agad niyang hinanap ang ointment na pwede niyang gamitin para i-massage ang ulo nito.
“Caleb,” tawag niya ng nasa gilid na siya nito.
Dumilat ito. “Hm?”
“Usod ka ng konti, dito na lang ako sa kabilang side,” sabi niya dahil mahihirapan siya kung sasampa rin siya sa kama. Maiipit ang tiyan niya.
Sumunod naman ito at ilang saglit pa, naging abala na si Bailey sa pagmasahe sa ulo ng asawa.
Hindi niya alam kung ilang minuto na ang lumipas pero natagpuan na lang niya ang sarili niyang humiga na rin sa tabi nito dahil nakatulog na si Caleb.
“Maybe I can tell you later,” bulong niya habang nakasapo sa tiyan ang isang kamay.
Nakatitig lang siya sa payapang itsura ng natutulog na asawa hanggang sa hindi namalayan ni Bailey na nakatulog na rin pala siya. Nagising siyang wala na siyang katabi at ramdam niyang kumukulo na ang sikmura.
“Anong oras na ba?” tanong niya sa sarili saka maingat na bumangon.
Nagpasya muna siyang maligo bago bumaba at sakto namang nadatnan niyang nagbabasta na si Caleb sa hapag. Mukhang wala na itong hangover at parang katatapos lang ding maligo.
“Sorry, nakatulog din ako,” bungad niya pagpasok pa lang.
Napalingon si Caleb. “It’s okay. Kumain na tayo,” sabi nito sabi nito saka ngumiti.
Ngumiti na lang din si Bailey at excited na umupo na dahil gutom na talaga siya.
“Thank you pala kanina,” maya maya’y sabi nito.
Napatingin siya kay Caleb at ngumiti ulit. “Don’t mention it.”
Magkatapat na sila ulit. Kakain na lang sana pero bigla ay parang umikot ang sikmura ni Bailey ng makakita siya ng kamatis.
Nagmamadali siyang nagpunta sa lababo at nagsuka.
“Bailey? Okay ka lang?” tanong ni Caleb, alerto ito at nakasunod na agad sa kanya.
Bailey cannot say anything dahil nagsuka lang siya nang nagsuka hanggang sa halos maiyak na siya dahil wala naman siyang sinusuka. Hindi pa siya kumakain, ano ba!
Nang matapos ay nagmumog lang siya at hinang-hinang napatukod sa kitchen sink.
“Hey,” sabi ni Caleb at inabutan siya ng tubig. “Ayos ka lang ba? Bakit ka nagsuka?”
Bailey felt completely helpless. “Ayos lang, sorry.”
“Why are you saying sorry?”
Bago pa siya makasagot ay inakay na siya niyo pabalik sa upuan niya. Mas nagulat si Bailey ng tumabi ito sa kanya at pinagsandukan siya ng pagkain.
“Baka gutom ka na talaga,” sabi nito. “Kumain ka na.”
“Caleb, kaya ko naman..” nanghihina pa rin siya dahil sa pagsusuka niya. “Pero pwedeng pakialis ‘yung kamatis? Please, baka masuka ulit ako.”
Alam niyang nagtataka ito pwede sinunod na lang nito ang sinabi niya. Kinuha nito ang isang platito na may kamatis para sa sawsawan siguro nila at nilagay iyon sa may lababo.
“Bakit ayaw mo ng kamatis? Kumakain ka naman no’n sa pagkakatanda ko?” sabi ni Caleb at bumalik ng upo sa tabi niya.
Bailey shrugs. Hindi niya alam kung sisimulan niya na bang kumain o magsasabi muna siya ng kalagayan sa asawa.
“Caleb, I need to tell you something,” sabi niya maya maya.
Napatigil ito sa pagsubo sana at hinarap siya. “Ano ‘yon?”
Napayuko si Bailey at pumikit. “B-buntis ako.”
Hindi niya alam kung anong mararamdaman lalo nang hindi umimik si Caleb sa tabi niya kaya unti-unti ay sinilip niya ito.
“Caleb?” tawag niya dahil nakatingin lang ito sa kanya. “Sorry hindi ko agad nasabi..” napayuko siya ulit. “Last week ko lang din kasi nalaman..”
“Nagpa-check up ka na ba?” tanong nito pagkalipas ng ilang minuto.
Gulat na napaangat siya ng tingin. “Ha?”
“Nagpa-check up ka na?” ulit nito.
Umiling siya. “Nung nakipagkita ako kila Kuya Mico, sinamahan nila ako pero walang OB no’n at hindi pa ako ulit nakakabalik. So hindi pa talaga.”
“Paano mo nalaman?” tanong nito.
“Nag-PT ako. Positive.”
“Oh.” Nasabi nito, mahirap mabasa ang emosyon sa mukha ng asawa.
“I tried it three times kasi hindi rin ako makapaniwala,” sabi niya. “Positive lahat.”
Napatango ito. “Explains the hate on tomatoes and others.”
Napakunot ang noo niya. “What do you mean?”
“You didn’t eat the fried rice because of garlic I think, the sarciado I cooked and the pizza we ordered last week,” sabi nito. “Hindi ako nagtatanong dahil medyo off mood ka rin talaga these days.”
Nagulat naman siya dahil hindi niya nga iyon napansin! “Ah, I was not aware…”
Ngumiti si Caleb. “Kumain na muna tayo tapos pupunta na tayo sa OB.”
“Sasamahan mo ako?” tanong niya.
“Oo naman,” sagot agad nito. “Anak natin ‘yan, Bailey. Syempre sa lahat ng bagay, dapat nando’n ako. Kaya simula ngayon, lagi mo na akong isali, okay?”
‘Anak natin ‘yan, Bailey.’
Napangiti si Bailey. “Thank you, Caleb.”
“Don’t mention it,” ngumiti ito at nakita niya ang malalim na dimples sa isang pisngi nito.
His heart—
Really, oh, boy.
———
“ELEVEN WEEKS. CONGRATULATIONS!”
Napangiti agad si Bailey nang marinig ang sinabi ng OB niya. Titingnan niya pa lang sana si Caleb pero nagulat na siya dahil humawak ito sa kamay niya kaya napalingon na siya rito.
May maliit itong ngiti sa labi at hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang itsura nito.
“Kumusta po ang lagay, Doc?”
Ito rin ang gustong itanong ni Bailey dahil alam niya namang mahihirapan siya. Male carriers often have difficulty in bearing a child and it’s rare to hear from the doctors that the baby growing inside them is doing fine and very healthy.
Bailey set his mind in peace with that.
“I’m gonna be honest with you, Mister..” the OB then begins to explain the complications, the risks and other things that would scare them to keep the baby still but by the look on his husband’s face, it’s like he’s prepared for it. He’s preparing for it.
All throughout, Bailey was just silently listening because it was Caleb who was actively asking all the questions he had in mind. His heart feels full, on the other hand.
Never he would have imagined that this could lead to this. That his husband would be a father to their child in the way he never expected him to.
‘Too early to say, Bae. Hello, nasa first check up pa lang kayo! And who knows kung anong gagawin niyan after?’
“Also, having sex.”
Napapitlag si Bailey sa narinig.
“P-po?” gulat na tanong niya.
Ngumiti ang OB niya. “Making love will actually help you while you’re carrying your baby as long as you will do it carefully and don’t overdo it.”
“So it’s still okay to do it, Doc?” Caleb asks.
So casual and plain curious as it seems but Bailey feels like his cheeks are burning up. Talaga bang ngayon pa siya mahihiya, ha?!
“Yes. Also, here,” sabi nito saka may pinakitang papel sa kanila. “List of the food he can eat. Wala namang masyadong bawal but limit oily foods as much as possible. Still depends on his liking and sa paglilihi na rin but I would recommend trying fruits and veggies everyday. Kahit hindi both basta merong either of the two each day, you’ll be good to go.”
Napatango si Caleb. “Thank you, Doc.”
Tahimik na lang ulit si Bailey dahil ang dami na ulit tinanong ni Caleb na willing namang sinasagot ng OB.
“Lastly, monthly check ups are very important. Remember not to miss any, okay? If you cannot make it on the said day, please make sure to notify me in advance and be here the next day or such. Mas magandang ma-monitor natin closely and continuously ang growth ng baby niyo so if anything, we can see it agad.”
“Yes, Doc.” Ngumiti nang mabait si Caleb dito. “Thank you so much po.”
“Thank you, Doc.”
Ilang bilin pa at nagpaalam na rin sila.
Bago sila tuluyang umuwi ay dumaan muna sila sa grocery. Sabi ni Caleb ay mamimili na raw sila ng mga pagkaing makakabuti sa kanya at pumayag na lang siya saka sumunod rito.
Kung tatanungin, normally ay madaldal si Bailey pero kapag ang asawa ang kaharap niya ay hindi niya masyadong mapanindigan iyon. Parang nauubusan siya ng sasabihin kapag nasa harap niya ito.
“May iba ka pa bang gustong bilhin?” tanong ni Caleb habang tulak-tulak ang cart nila.
Umiling si Bailey. “I think we’re covered until next month,” natatawang sabi niya dahil punong-puno ang cart nila.
Akala mo eh mauubusan sila ng stocks eh dalawa lang naman sila sa bahay.
Ngumisi si Caleb. “Better to have it and not need it than to need it and then not have it.”
Umirap siya dahil pamilyar iyon. “Don’t you use that Sheldon Cooper logic on me. Hmp.”
Natawa si Caleb saka siya inaya na nitong pumila para makapagbayad na sila.
Habang nakapili ay parang may biglang gusto si Bailey kaya kinalabit niya ang asawa.
“Yes?” lingon nito sa kanya.
“Gusto ko ng ice cream pala,” bulong niya.
Medyo yumuko ito para marinig siya. “Ano?”
“Ice cream,” ulit niya.
“Oh, okay. Kukuha ako. Anong flavor?” tanong nito.
Napalabi si Bailey. “Hindi ko alam.”
Kumunot ang noo nito. “Cheese? Chocolate? Ube?”
Caleb is surely giving him options but Bailey cannot pick a flavor.
Umiling siya. “Huwag na lang pala. Okay na..”
Nakita niyang nagbago ang ekspresyon nito. Parang lumambot iyon. “Wait here.”
“Saan ka pupunta?” tanong niya.
“I’ll be back. Kukuha lang ako ng ice cream,” sabi nito saka naglakad na pabalik sa loob.
Naiwan si Bailey doon na nakatayo habang naghihintay dahil sunod na sila sa pila. Kinakabahan siya for some reason pero hindi naman dahil sa sila na ang next at wala siyang pambayad, ano?
It’s just that, medyo weird ang kinikilos ni Caleb today simula pa kanina nung kumakain sila. Hindi sanay si Bailey na sobrang mabait ito.
Well, mabait naman ang asawa niya.
It’s just that— hindi ito gano’n sa kanya. Ugh, ang hirap i-explain.
Bago pa siya makapag-isip ng kung ano-ano ay nakita niyang siya na ang next kaya maingat niyang nilagay ang mga pinamili sa counter.
‘Caleb nasan ka na ba?’ tanong ni Bailey sa isip dahil matatapos na ang cashier sa pag-punch ay wala pa rin ito.
Last item na ang ipa-punch nito kaya magsasalita na sana si Bailey ng may isang basket ng ice cream ang lumapag sa counter.
Gulat siyang napatingin.
“Caleb!” tawag niya rito.
“Add these please,” sabi ni Caleb sa cashier bago siya nilingon. “Got every flavor so you can just pick whatever you’d like.”
Nanlaki ang mga mata niya. “You really don’t have to..”
“I want to, Bae.” sabi pa nito saka nilabas ang wallet para magbayad.
Nagulat si Bailey. Hindi niya alam kung aware ba si Caleb pero ito ang unang beses na tinawag siya nito sa nickname niyang iyon.
Napayuko na lang si Bailey dahil hindi niya alam ang mararamdaman pero in his peripheral vision, kita niya iyong ngiti ng cashier sa kanila.
Parang kinikilig? Siguro sa point of view nito ay cute sila. Siguro.
Nang matapos ay si Caleb na rin ang naglagay ng lahat ng pinamili nila sa loob ng kotse at ni isa ay wala man lang naitulong si Bailey dahil parang ayaw siya nitong payagang kumilos.
“You don’t have to treat me like I’m bedridden Caleb,” nasabi niya ng nasa biyahe na sila pauwi. Nawala na naman siya sa mood. Ewan niya ba.
Nilingon siya nito saglit. “What do you mean?”
“Kaya ko namang kumilos,” sabi niya. “Hindi naman ako baldado para pati paglagay ng mga pinamili natin sa loob ng sasakyan eh ayaw mo akong patulungin.”
Caleb heaved a sigh. “Bakit mo naman bini-big deal? Wala naman akong sinasabi.”
Hindi sumagot si Bailey.
“I just know you had a long day already,” sabi nito maya maya. “I’m not saying this kasi sinabi lang ng OB pero hindi ka na dapat magpagod nang sobra kasi makakasama sa inyo ni baby and you know we should be really careful, right?”
Napatango si Bailey. “Sorry..”
Hindi niya alam. Pero there’s something in Caleb’s voice that made his heart feel warm. O baka tama lang din ito. He had a long day at pagod na siya.
“Please don’t feel so bad if I’m doing the things for you lalo na ngayon kasi I would really initiate doing it. I know you can but let me, okay?” mahinanong pakiusap nito saka siya nilingon siya ulit saglit.
“Okay..” tanging sagot na lang ni Bailey.
“We should talk more about this but this is enough for today,” sabi nito. “You and our baby need to rest.”
Ngumiti na si Bailey. “Thank you, Caleb.”
Nakauwi na rin sila agad at hindi na nagpumilit pa si Bailey na magbuhat ng mga mabibigat nilang pinamili. He just took some of the paper bags at nanatili na siya sa living room. Caleb was the one who took care of everything and Bailey just waited for him to finish.
“What do you want for dinner?” tanong nito habang papalapit sa kanya.
Napatingin si Bailey sa wrist watch. Almost six na pala.
“May tira pa naman yata tayong ulam kanina ‘di ba?” sabi niya. “Okay na ako ron.”
Umupo si Caleb sa tabi niya. “You sure? I can still cook naman.”
Umiling siya. “Okay lang naman,” sabi niya. “Penge na lang akong ice cream muna.”
Ngumisi ito. “Desert muna bago dinner?”
“Pakialam mo ba,” sabi niya saka inirapan ito.
Natawa si Caleb. “Flavor nga?”
“Hindi ko alam,” sagot niya.
“Then come here. Pumili ka ng flavor na gusto mo,” sabi ni Caleb saka tumayo at nilahad ang kamay sa harap niya.
Nag-aalangan pa si Bailey pero nagulat na lang siya dahil inabot mismo ni Caleb ang kamay niya at inakay siya nito papuntang kitchen.
In a wider perspective, you can not really tell that these two are from an arranged marriage especially now that they’re both sitting at the kitchen counter top, with one bowl of ube-macapuno ice cream and eating using a shared spoon.
They’re just so happy to look at, from another point of view. Smiling to each other, talking about the future of their still unborn child and whispering sweet nothings to each other.
Oh, boy. Maybe it could be love.
———
UMIIYAK SI BAILEY.
Sa hindi malamang kadahilanan, panay ang tulo ng luha niya at halos isang oras na siyang umiiyak. Kanina pa siya wala sa mood noong paggising niya pa lang at iniisip niyang maybe he just woke up in the wrong side of the bed kaya kahit si Caleb ay sinungitan niya agad ng kay aga aga.
Mahigit dalawang buwan na agad ang lumipas at masasabi ni Bailey na sobrang daming nangyari. Kahit parang ang bilis lang, ramdam na ramdam niya ang mga ganap sa bawat araw dahil hindi pwedeng wala. Masyado yatang nag-eenjoy ang anak nilang laruin ang emosyon ni Bailey sa bawat araw.
Tulad ngayon.
May lakad sana sila ni Jandy dahil sasamahan niya sana ang mga itong ipasyal ang pamangkin niyang si Aki pero hindi naman siya matigil sa pag-iyak kaya nag-text na siya sa brother in-law niya para mag-cancel.
Minutes later, nagbi-video call na ito sinagot naman niya agad.
“Hoy Bailey bakit ka nag-cancel naman ng last minute— OMG! What happened?! Bakit ka umiiyak?!” bungad nito pagtapat niya pa lang ng screen.
Napasinghot siya. “Hindi ko alam.”
Dati napapanood lang ni Bailey ‘yung mga ganito o kaya ay nababasa niya sa libro. Iniisip niya pa noon na baka hindi naman totoo ‘yung moodswings pero ngayong nararanasan niya na ay hindi niya na alam. Joke lang pala, sorry na.
“May masakit ba sa’yo?” nag-aalalang tanong nito.
Umiling siya. “Wala naman. Kanina pa kasi hindi maganda ang gising ko. Kahit nga si Caleb nasungitan ko na.” Humikbi pa siya.
“Oh. Hormones.” Nasabi nito. “Sige na, magpahinga ka na lang muna dyan. Wala ka bang kasama? Anong oras uuwi asawa mo?”
“Mamaya pa uuwi ‘yon,” sagot niya saka suminghot. “Ang tagal tagal niya lagi umuwi. Tapos hindi ko alam kung bakit ako umiiyak!” At ngumawa na naman si Bailey.
Ilang minuto pa ang lumipas na inaalo lang siya ni Jandy hanggang sa nagpaalam na rin ito. Medyo tumahan na si Bailey pero ang sama sama pa rin talaga ng loob niya kahit hindi niya alam kung bakit.
Nagbukas na lang siya ng TV at sumalampak sa sofa.
“Sana umuwi na si Caleb,” pagsisintir niya pa habang naghahanap ng mapapanood.
Nitong mga nakakaraan ay sobrang lala ng hormones niya. Lagi siyang naiiyak ng walang dahilan at minsan, gigising pa siya sa madaling araw para lang maghanap ng kung ano-anong makakain.
Malaking tulong nga na may Grab na ngayon dahil nag-oorder na lang siya kapag may mga gusto talaga siyang kainin para hindi niya na gisingin si Caleb.
Pero minsan din, nagigising pa rin ito dahil magaslaw talaga si Bailey. May isang beses nga’t natapakan niya ito sa braso sa hindi niya rin maipaliwanag na kadahilanan. Nagising si Caleb pero hindi naman ito nagalit, the latter ended up cooking for him that night para lang ma-satisfy ang cravings niya.
Sa dami ng pwedeng panoorin ay hindi makapili si Bailey kaya nag-play na lang siya ng random episodes ng The Big Bang Theory. Wala talaga ang focus niya sa panonood dahil gusto niya nang makita si Caleb.
Humihikbi-hikbi pa rin siya kahit nakatahan na at iyon ang tagpong naabutan ng asawa niya.
“C-Caleb,” tawag niya at pakiramdam niya, naiiyak na naman siya.
“Bailey? What happened?” Lumapit ito agad sa kanya. “Bakit ka umiiyak?”
Bailey shook his head and buried his face in his husband’s chest and hugged him tight. Hinagod-hagod naman nito ang likod niya at pinatahan siya.
Medyo sanay na rin si Caleb na bigla-bigla na lang siyang umiiyak pero mostly kasi may rason. Either hindi napagbigyan ang gusto niya o kapag may napanood siyang nakakalungkot. Pero ito ang unang beses na wala talagang dahilan at ‘yung iyak ni Bailey ngayon, iba.
Para siyang sinaktan at iniwan.
“Shh,” alo ni Caleb. “Nandito na ako. Tahan na.”
Pero mas naiyak lang si Bailey. “Sorry.. I-I don’t know why I’m c-crying.”
“It’s okay, Bae. I’m here. You’ll be okay,” alo pa rin nito.
Ilang minuto pa ang lumipas na nakatayo lang sila sa sala at magkayakap. Caleb started to gently sway them. Bailey’s still crying pero medyo tumatahan na siya. Ilang saglit pa, inakay na siya ni Caleb paupo sa sofa.
“Wait here,” sabi nito.
“Saan ka pupunta?” awat niya at inabot pa ang kamay ng asawa.
Ngumiti si Caleb. “Ikukuha lang kita ng tubig.”
Tumango na lang si Bailey pero naiiyak na naman siya. Parang ayaw niya nang mawala si Caleb sa paningin niya!
Pagbalik nito, nagulat ito ng makitang iyak na iyak na naman siya.
“May masakit ba sa’yo?” tanong nito at naupo sa tabi niya. “Gusto mo bang pumunta na tayo sa ospital? Tatawagan ko na si Doc.”
Umiling siya. “Okay lang ako.”
Caleb does not look convinced. Matagal na siya nitong tiningnan hanggang sa napayuko na lang si Bailey at humikbi-hikbi.
“Here, drink some water,” sabi nito at tinulungan pa siyang makainom.
Bailey felt refreshed after finishing the glass of water.
Para siyang na-dehydrate sa halos o mahigit dalawang oras na yatang pag-iyak.
“Thank you,” sabi niya pagkatapos.
Binaba muna ni Caleb ang baso sa center table bago siya hinarap.
“Mind telling me what happened today?” maingat na tanong nito. “Why are you crying like that?”
Hindi agad nakasagot si Bailey. Pinantay niya muna ang paghinga. Siniguradong nakasagap na siya ng hangin bago magsalita.
“Hindi ko alam, Caleb..” mahinang sagot niya. “Maayos naman ako kanina. I mean I woke up in the wrong side of the bed but I felt okay nung napadaan ako sa kwarto ni baby. Naayos ko pa nga ‘yung magiging bed niya. I arranged the clothes and everything. I was happy.”
Nakinig lang ito.
“Tapos may lakad sana ako with Jandy and Aki today. I was about to prepare pero nung paglabas ko sa baby room, ewan ko na. Nagbago bigla ang mood ko. Hindi ko maintindihan. Tapos iyak na lang ako nang iyak.”
Last month, Caleb had their other guest room turned into their baby’s room. Hindi pa sila nag-uusap talaga tungkol sa baby nila pero sa nakikita pa lang ni Bailey, alam niyang sabik na sabik na ito.
Kahit noong sinabi nila ito sa pamilya nila, kitang-kita niyang masayang-masaya ang asawa. Pride is evident in his eyes. Every congratulatory message that they received surely brought a beam of joy in Caleb’s face.
“May iba ka pa bang iniisip kanina? O kahit anong nakita or napanood na nag-trigger sa’yo?” tanong nito habang minamasahe na ang kamay niya.
Saglit siyang nag-isip pero hindi niya rin alam kung anong sasabihin dahil hindi niya rin alam talaga kung bakit siya nag-iiyak na lang bigla.
“Baka naman napagod ka lang,” sabi nito ulit dahil hindi na siya sumagot. “May I?”
Napatingin siya sa medyo may umbok na niyang tiyan ng ituro iyon ni Caleb. Tumango lang siya.
Doon, nagsimula ang asawang hawakan ang tiyan niya at maingat na hinaplos iyon nang paulit-ulit.
“Pinapahirapan mo ba si Dada, baby?” Pagkausap nito sa anak nila. “Huwag ikaw masyadong malikot dyan, hm? Umiiyak si Dada rito. Baka nasasaktan siya kasi sinisipa mo siya.”
Napangiti na si Bailey. “He doesn’t kick yet!”
“He?” pag-angat nito ng tingin saka ngumisi. “Baby boy ba?”
Inirapan niya ito. “Basic English rule ‘yon kapag hindi alam ang gender ng kausap. Hmp!”
Natawa na si Caleb. “Ang sungit na naman. Okay ka na nga.”
Nag-usap at nagkulitan na lang sila ng asawa sa mga sumunod na sandali hanggang sa napag-desisyonan nilang um-order na lang ng pagkain. Cheat day daw at dahil sabado naman bukas, malamang ay magluluto na naman si Caleb ng gulay maghapon.
Sometimes, Bailey find it strange kung paanong parang bigla silang naging close ni Caleb lalo nung nalaman nilang magkakaanak na sila.
Close in a way na parang ang tagal na nilang ginagawa ang mga bagay na first time naman nilang gawin para sa magiging anak nila but never in a way na alam nila kung ano ang ganap sa mga sarili nila individually.
If he didn’t mention yet, Bailey is a painter.
He paints when he’s happy. He paints when he’s sad. He paints when he’s lonely. He paints when things are not working the way he wanted to.
But now that he’s carrying their child, he was advised not to expose himself with paint because the smell could harm his and the baby’s health.
Kaya ngayong hindi niya magawa ang bagay na gusto niyang gawin ay umiiyak na lang siya. Parang naging coping mechanism na ni Bailey ‘to sa nakalipas na dalawang buwan dahil kahit pagbisita sa art studio niya ay hindi niya rin magawa dahil bukod sa matapang ang amoy ng pintura, hindi niya rin mapapangakong hindi siya magpipinta lalo kapag nakita niya ang canvas at mga pintura niya roon.
“So bukas sa check-up natin para kay baby, malalaman na ba natin ang gender?” tanong ni Caleb.
Nasa kama na sila ngayon at nagbabasta ng matulog.
Niyakap ni Bailey ang corgi stuffed toy. “Pwede na raw sabi ni Doc. Ikaw ba gusto mo na malaman?”
Kita niya ang ngiti nito. “Oo naman.”
“Wow sobrang excited mo Tatay ah,” natutuwang sabi niya— ni hindi napansin ang huling salitang binitawan.
“Anong sabi mo?” Parang gulat ng tanong nito at tiningnan pa siya.
Napaayos naman ng upo si Bailey. “Anong sabi ko?”
Parang bigla siyang kinabahan. Ano bang sabi niya?
Tatay?
Tatay lang naman— nanlaki ang mga mata niya ng ma-realize!
“Caleb ano—”
“Gusto ko talagang tawagin akong ‘Tatay’ ng anak natin,” nakangiting putol nito sa kanya. “Lakas ng dating, ‘no? Tatay.”
Hindi maipaliwanag ni Bailey ang nararamdaman dahil iyon na naman ang kakaibang ritmo ng tibok ng puso niya dahil nakangiti na naman si Caleb at labas na naman ang dimple nito. Haynako!
“Feel na feel mo naman,” asar niya kunwari.
“As I should,” pakikisakay nito kaya nagtawanan sila.
“Pero seryoso ka na sa ’Tatay’? Ayaw mo ng Daddy or Papa?” tanong niya kapagkuwan.
Tumango si Caleb. “Mas maganda ‘yung ‘Tatay’, Bae. Mas nakakapogi.” Ngumisi pa ito.
Hinampas niya ito sa braso saka umirap. “Alam mo ewan ko sa’yo!”
Delikado na talaga si Bailey! Iba ang kislot ng puso niya kada naririnig niyang tinatawag siya nito sa palayaw niya.
“Matulog ka na. Gigising ka pa mamaya para maghanap ng mga pagkaing kakaiba eh,” asar nito saka tumawa.
“Caleb!”
Indeed, it was a good night’s sleep for both of them.
…or maybe, it was just the calm before the storm.
Dahil kung anong ikinasaya ni Bailey at Caleb bago sila matulog kagabi at pagkagising nila kanina hanggang bago sila pumunta for their monthly check up ay iyon namang kinalugmok nila dahil sa nalaman.
“I’m very sorry, Mr. Park,” sabi ng OB. “Oftentimes, complications like this happen with male carriers, especially with their first baby. It’s a 20-80% chance of survival.”
Nanlamig na ang buong kamay ni Bailey. Hindi siya makapagsalita. They’re supposed to learn the gender of their child. It’s supposed to be a happy day!
“But there’s still a possibilty that our baby can survive, right?” tanong ni Caleb sa tabi niya.
Matipid na ngumiti ang Doctor. “I won’t lie, Caleb. The 20% chance of surviving this is still fatal. Let’s say that your baby will but once he’s born, there will be so many complications. It could affect his organs, or mental state and such diseases that are incurable…”
As the OB explains the risks in medical terminologies, Bailey can only feel one thing: he is mad.
Bakit?
Bakit ngayon?
Bakit kung kailang natatanggap at nae-enjoy na nila ni Caleb ang buhay mag-asawa ay saka pa ‘to mangyayari sa kanila?
Bakit ang baby pa nila?!
“So what are our options now, Doc?” sa wakas ay nakapagsalita rin siya dahil kanina pa na si Caleb lang ang nagtatanong at sumasagot sa OB niya.
“We can wait until next month to see if there will be any changes. If it gets better, I would suggest that we continue to have the baby,” sagot nito.
“If it doesn’t?”
“Then you have to give birth to him next month, Bailey.”
“But our baby will be just six months by then!” he snapped.
“Bailey, calm down,” awat ni Caleb.
“I cannot give birth yet, Doc! Hindi mabubuhay ang baby!” sigaw niya ulit. “Caleb! Tell her!”
Hinawakan na ni Caleb ang kamay niya. “I’m sorry, Doc. He’s just..”
Tumango ang OB. “It’s okay. I understand. I’m sorry, too.”
May mga sinasabi pa ito pero hindi na kayang makinig ni Bailey. Lumabas na siya at padabog niyang sinara ang pinto.
Kailangan niyang manganak na next month? Eh kahit premature birth hindi pa papasa ‘yon, eh!
Hindi pwede!
Minutes later ay lumabas na rin si Caleb. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang itsura nito at wala na ring oras si Bailey para basahin iyon.
“Umuwi na tayo,” sabi nito nang makalapit sa kanya.
Umiling siya. “Ihatid mo ako kina Kuya Mico,” sabi niya saka naglakad na.
Hindi niya kaya. Ayaw niyang pag-usapan. Hindi niya kayang makita si Caleb na ganito.
Ayaw niyang makita ang magiging reaction nito dahil sa posibleng pagkawala ng anak nila.
Hindi pwede!
Hindi pwedeng mawala ang anak nila! Hindi pwede!
Without a word, hinatid siya ni Caleb sa bahay ng Kuya niya at nang nasa labas na sila ay tumigil na ito sa gilid ng kalsada.
“Do you want me to come inside?” tanong nito. Ngayon lang ito nagsalita dahil buong biyahe ay tahimik lang sila.
Lalo si Bailey na nakakunot lang ang noo hanggang ngayon. Galit siya. Galit na galit.
“Kaya ko na,” malamig na sagot niya. “I’ll stay here tonight. Let me know na lang kapag nakauwi ka na.”
Kita niyang tumango ito. “Goodnight, Bailey.”
Binuksan niya na ang pinto at bago bumaba, nilingon niya muna si Caleb. “Ingat ka.”
Sinara na ni Bailey ang pinto ng kotse bago dumiretso sa gate. Ang sama-sama talaga ng loob niya at unti-unti na namang nag-iinit ang sulok ng mga mata niya.
Bakit ngayon pa?
Kung kailan namang nakikita niya na ang silver lining ng arranged marriage na ‘to, saka pa mawawala ‘yung anak nila. Ano ba namang klaseng buhay ‘to, oo.
Bailey can’t understand and he doesn’t even think he will.
Not this time. Not now. Not ever.
———
“BAILEY, ANO NA?”
Napalingon si Bailey at nagulat siya ng makitang kasama niya na pala si Jandy at ang Kuya Mico niya sa garden.
“Good morning,” sabi niya saka binalik ang tingin sa mga halaman at mga bulaklak.
“Morning, Bae. How are you?” tanong ni Jandy at naramdaman niya ang pag-upo nito sa tabi niya.
“Same as yesterday,” sagot niya saka uminom ng gatas.
Hindi pa rin alam ni Bailey ang sagot kung bakit nangyayari ‘to.
“Bailey, tatlong araw ka nang nandito at wala ka pa ring sinasabi kung bakit,” sabi ng Kuya niya at naupo sa harap nila. “Araw-araw tinatanong ako ni Caleb kung kumusta ka na at kapag tatanungin ko siya kung anong nangyari ay ayaw niya rin namang sabihin.”
“Nag-away ba kayo?” tanong ni Jandy na nagpalingon ulit sa kanya.
“Hindi,” sabi niya at napayuko. Binaba niya ang hawak na tasa sa mesa. “Hindi kami nag-away. Hindi ako inaaway ni Caleb. Mabait ‘yon.”
“Eh bakit nga?”
Bakit nga ba?
“Sabi ng OB ko, 20-80% daw ang chance rate ng baby namin. 20% na mabubuhay siya, 80% na pwedeng mawala siya sa’min,” sabi ni Bailey sa mahinang boses.
Napasinghap si Jandy at kita niyang nagulat din ang Kuya Mico niya.
Naninikip ang dibdib niya.
Sa tatlong araw na pananatili niya sa bahay ng Kuya niya ay masasabi ni Bailey na napuno ng inggit ang puso niya. Kung paano niyang nakikita na masayang pamilya ito. Kung gaano kabibong bata ang pamangkin niyang si Aki. Their family is an embodiment of perfection that Bailey and Caleb may not have.
“Bailey, I’m so sorry..” nasabi ni Jandy at hinawakan ang kamay niya.
Bailey held on to his brother-in-law’s hand for support.
“Mas mataas ang chance na hindi siya mabuhay,” sabi niya ulit. “At kung ipipilit, pwedeng hindi siya normal kapag ipinanganak ko siya. Ang gulo-gulo!”
Siguro, naubos na ang luha ni Bailey dahil galit na galit na lang siya habang nagkukwento sa dalawa. Galit na galit pa rin siya.
Galit siya habang sinasalaysay ang mga sinabi ng OB niya sa kanila. Galit siyang inaalala na parang mas sina-suggest nitong i-give up na lang ang anak nila. Galit siya. Galit na galit si Bailey.
“Bakit ka galit?” sa wakas ay nagsalita na rin ang Kuya Mico niya dahil kanina pa ito tahimik lang na nakikinig.
“Kasi Kuya anak namin ‘to ni Caleb!” sagot niya. “Nasabi ko naman, ‘di ba! Simula nung nalaman naming buntis ako, nagbago ang samahan namin bilang mag-asawa. Ngayong pwedeng mawala si baby, ano na lang? Babalik na naman kami sa hindi pagpapansinan? Ano na?”
“Bailey, calm down,” awat sa kanya ni Jandy at hinimas-himas ang braso niya.
“You’re mad kasi mawawala ang baby niyo,” ulit ng Kuya niya.
“Oo. Hindi pwedeng mawala si baby kasi paano na lang ang marriage namin ni Caleb? I don’t think we can ever recover from this, Kuya. Naiintindihan niyo ba ako? This baby can save our marriage!”
Natahimik ang dalawa. Pinipilit ni Bailey ang kumalma pero nagngingitngit talaga ang kalooban niya.
Ito ba talaga ang kahihinatnan ng magandang samahan na nauumpisahan na nila ng asawa sa mga nakalipas na buwan? Talaga bang dito sila magwawakas agad?
“Aren’t you supposed to be sad, Bailey?” maya maya ay tanong ng Kuya. “Sad because.. you’re about to lose your baby.”
“And why do you think I’m feeling this way Kuya?” tanong niya pabalik. “I cannot afford to lose our baby! Not when Caleb and I are now in good terms—”
“Yeah right,” putol nito. “Pero sa tingin ko, iba ‘yung nararamdaman mo. Galit kang mawawala ang baby niyo. Hindi malungkot dahil mawawalan kayo ng anak.”
Napakunot ang noo niya. “Ano bang sinasabi mo, Kuya?”
“Bae, how do you feel about having a child?” Tanong ni Jandy kaya napalingon siya.
“I’m happy,” sagot niya agad. “I’m happy kasi finally, my marriage has a purpose now. This is our silver lining—”
“We’re asking about the baby, Bailey. Stop including your marriage with your husband,” putol ulit ng Kuya niya. “Your marriage with Caleb aside, how do you feel about your baby?”
Naguluhan si Bailey. “I can’t understand.”
“Do you think you’re mentally ready to have a child, Bae?” tanong ni Jandy. “Just the sole idea of having a child, ha. Not your baby being the key to your success in marriage.”
Parang nanigas si Bailey sa kinauupuan nang mag-sink in sa kanya ang sinasabi ng in-law at kapatid.
“Tell us honestly Bae,” dugtong ng Kuya. “We will listen to you.”
Doon, hindi na alam ni Bailey.
“I don’t think I’m ready to have a baby,” sabi niya pagkalipas ng ilang minuto.
Pag-amin niya ito hindi lang para sa dalawa kundi para na rin sa sarili niya.
“Look at me, I’m almost 30. I still have a lot to figure out in life but one day, I woke up married to the man I barely knew,” he confessed. “One day, I’m already carrying his child even before I get to know his favorite color. One day, I saw him so happy while taking care of me because of our baby.”
Ilang beses niya bang nakita na iba ‘yung naging saya ni Caleb sa nakalipas na ilang buwan? Na unti-unti, nakikilala niya ito dahil nagiging open na ito at nagkalapit na rin sila?
Dahil iyon lahat sa anak nila.
Kaya masisisi niyo ba si Bailey kung bakit siya nagagalit ngayon?
“But if our baby will make Caleb happy and will help us know each other more and be happy in this marriage, okay na sa’kin,” sabi niya pa. “Pero bakit ganito? Bakit babawiin siya? Paano na lang kami kapag wala na si baby?”
Kung babalik sila sa dati ay parang mas ikagagalit ni Bailey iyon. O ikalulungkot dahil parang hindi niya na kayang balikan iyong mga araw na hindi sila nagpapansinan ni Caleb kapag wala silang kailangan sa isa’t-isa.
“Our baby could save our marriage,” bulong niya. “But now, I don’t know what will happen.”
Natahimik sila ng ilang minuto.
“Bailey, children are gift from heaven.”
Napaangat siya ng tingin sa kapatid.
“And unlike any other gifts, it should not be a burden to you when you receive it,” sabi pa nito. “Pero hindi rin tama ‘yung purpose na gusto mong gampanan ng anak niyo. Hindi siya ang susi para maayos niyo ni Caleb ang kasal niyo kundi kayo mismo.”
Hindi makasagot si Bailey at ramdam niyang humigpit ang hawak ni Jandy sa kamay niya at doon siya kumuha ng suporta.
“Maybe, having a child is what opened or started something beautiful in your marriage with your husband. It started a fire and you can now see what beauty you could possibly have.” Ngumiti ang Kuya niya. “Pero sa buhay Bailey, lagi mong tatandaan na kapag napaso ka, ibig sabihin may mali sa paghawak mo sa apoy. Kahit hindi mo nilalaro. Pero mali.
“Tulad na lang nitong pamilyang sinisimulan niyo. Hindi mo dapat tingnan na ang anak niyo ang magsasalba sa relasyon niyo bilang mag-asawa dahil hindi iyon tama.”
Napayuko si Bailey dahil tinamaan siya. Grabe ang pagre-react ng puso niya.
“Hindi mo dapat ipasa sa iba ang responsibilidad niyong mag-asawa,” sabi nito. “If you want your marriage to work, then work for it. Hindi iyon responsibilidad ng kahit sino, hindi kahit ng anak niyo.”
“But I’m in a loveless marriage, Kuya! A child will save us!” sagot niya.
Mabait na ngumiti ito pero umiling. “I know. Hindi kita kokontrahin sa loveless marriage dahil dyan tayo walang magagawa pero nandyan ka na, eh. Nando’n ka na sa point na gusto mo na i-work out ‘yung marriage niyo pero hindi dapat sa paraang dapat iasa mo sa anak niyo iyon. Not in a literal meaning pero I know you can get my point.”
Something is not sitting well with Bailey.
“So are you saying that this is happening to my baby because I’m selfish?” tanong niya. Nabubuhay na naman ang galit sa dibdib niya.
“No, Bailey,” sa wakas ay nagsalita na rin si Jandy. “We’re saying you should look in a different perspective.”
“What do you mean?” tanong niya.
“Instead of saying ‘why is this happening to me?’, start asking ‘what is this teaching me?’ and you’ll see,” sagot ni Jandy.
“A little change of perspective won’t hurt, Bae.”
“I know it’s painful and very hard to accept in way more than I can imagine,” sabi pa ni Jandy. “But pray, okay? Just pray.”
Pray?
Parang hindi na yata siya marunong.
Parang.. parang gusto na lang sumuko ni Bailey.
Bakit ba kasi ganito?
———
BAILEY SIGHED FOR the nth time.
Nakauwi na siya sa bahay nila ni Caleb after five days na pagtatago niya sa poder ng Kuya niya. Wala pa si Caleb at sigurado siyang hindi naman din nito alam na nakauwi na siya dahil hindi naman siya nagsabi.
Pinagmasdan ni Bailey ang bahay nila.
Malinis lahat. Maayos lahat ng gamit. Kung paano niya iniwan, gano’n pa rin naman pero mas malinis. Alam ni Bailey na mas maayos at mas maaliwalas ang itsura ng kwarto nila ngayon.
Pero isang bagay lang, malungkot ang awra ng bahay nila. Malungkot na naman.
Sa ilang araw na naglagi siya sa bahay ng kapatid ay parang naramdaman ni Bailey ang lubos na pangungulila— kung dahil ba sanay na siya sa bahay nila o dahil walang Caleb sa paligid niya. Marahil ang huli ang rason; kung iyon nga ay hindi na siya magtataka o tatanggi man.
Cue to that, narinig niya ang pagbukas ng gate at kasunod ang pagpasok ng sasakyan ng asawa. Few minutes later, nakita niya nang pumasok si Caleb sa bahay nila at nagulat pa ito ng makita siya.
“Bailey.. you’re here,” sabi nito ng makabawi at agad siyang nilapitan.
“H-Hi,” sabi niya pabalik. Ni hindi siya makangiti dahil parang kahit anong oras ay magbe-breakdown na siya.
Caleb slightly smiled and hugged him gently.
“I missed you,” he whispered and he repeatedly kissed him on the head. “I missed you, Bae.”
“I missed you too..” bulong niya rin. “I’m sorry Caleb, I’m so sorry.”
“Shh..” awat nito. “We’ll be fine. We’ll get through this, okay?”
Tumango siya at yumakap lang dito.
Walang alam si Bailey sa mga susunod na mangyayari dahil ang tanging sigurado lang sila ngayon ay baka hindi nila mahahawakan ang anak nila. Na kahit ano pang himala ang hilingin nila sa langit ay hindi iyon magaganap dahil malinaw na malinaw na rin naman.
Kaya kahit bawal, nagpaalam siya kay Caleb na magpunta sa art studio niya kahit isang araw lang.
Alam niyang ayaw nito dahil alam niya rin na kahit papaano ay umaasa pa rin ang asawa niya sa katiting na posibilidad na pwedeng mabuhay ang anak nila.
Pero hindi na si Bailey. Tinanggap niya na dahil kung kakapit siya tulad ng ginagawa ni Caleb ay baka mabaliw siya kapag kailangan nang alisin sa loob niya ang anak.
Binuksan niya ang mga lata ng pintura at naglagay ng isang malinis na canvas sa stand.
Walang direksyon ang gusto niyang ipinta pero nang mahawakan niya ang paintbrush, parang nagkaroon ng sariling buhay ang kamay niya at sa sumunod na mga oras ay nagpinta lang si Bailey.
Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Basta ay tinuloy-tuloy niya lang ang pagpipinta hanggang sa malapit na siyang matapos ng biglang tumunog ang cellphone niya.
Kinuha niya iyon at nakitang tumatawag si Caleb.
“Hello?” sabi niya pagkasagot.
“Hi,” bati nito sa kabilang linya. “How are you?”
“Better, I guess,” sagot niya saka binaba ang paintbrush sa katabing table. “Nasaan ka na?”
“Actually, nandito na ako sa labas ng studio mo. Hindi ka kasi nagre-reply kaya dumiretso na ako rito,” sagot ni Caleb. “Nandyan ka pa naman sa loob ‘di ba?” Parang nag-aalangan pa ito.
Nabigla man ay natawa siya. “Oo, wait. Buksan ko lang pinto.” Tapos ay binaba niya na ang tawag.
Tumayo si Bailey at tinalikod ang canvas para hindi agad iyon makita ni Caleb pagpasok nito. Nagulat pa siya dahil pagbukas niya ng pinto ay madilim na sa labas. Sakto rin namang nandon na si Caleb.
May hawak itong.. bulaklak?
“Hi,” nakangiting bati ng asawa at hinalikan siya sa noo.
Napangiti si Bailey. “Hi.”
Inabot nito sa kanya ang bulaklak. Purple Iris.
If Bailey remembers it right, one of the many meanings of it was “new beginnings”.
“How’s it going?” tanong nito.
Pumasok muna sila sa loob at naupo sa couch.
Hawak lang ni Bailey ang bulaklak. “Same, same.”
Kasi gano’n pa rin naman, ‘di ba?
Kaya nga siya nagpunta rito sa art studio niya para makalimot saglit pero sa buong maghapon naman na nandito siya ay puro ang baby lang nila ang naiisip niya.
Bakit ba kasi unfair ang buhay?
“Did you paint?” tanong pa nito kahit obvious naman.
The stain of the paint is all over his hands. Some are on his shoes, clothes and pants.
“I did,” sagot niya. “I painted for six hours, I think.”
Bailey would never attempt to do that if everything is normal. If their baby is not—
“Did you eat?” tanong ni Caleb. “We can go for dinner outside or drive thru.”
Umiling si Bailey. “I just want some noodles. Seafood.”
Tumango si Caleb. “Okay. Uwi na tayo?”
Tumango na lang din siya. “Let me clean up for a bit.”
Caleb let him.
Napansin ni Bailey iyon simula nung makabalik siya galing sa bahay ng kapatid. Lahat ng mga bagay na nag-iinsist siyang gawin ay hinahayaan siya ni Caleb, though nakabantay pa rin ito.
Unlike when the first few months, kulang na lang ay lagi siya nitong buhatin para lang hindi siya mapagod o ano. Ngayon, hindi alam ni Bailey. Pero alam niya na kung ano mang ginagawa ng asawa ay para pa rin ito sa kapakanan niya.
“What did you paint, Bae?” tanong ni Caleb kapagkuwan.
Bailey just shrugs.
Ano nga ba?
“Can I see it?” maingat na tanong nito.
Nilingon niya ang asawa. “I’m not sure if I’m ready to show it to anyone yet,” he honestly answered. “I’m sorry.”
Agad namang napalitan ng pag-aalala ang mukha nito. “Oh, no, no, Bailey. It’s okay. I’m sorry,” sabi nito saka lumapit sa kanya. “I didn’t mean to say anything that would make you feel anything but okay. I’m sorry, Bae.”
Bailey sadly smiled. “I drew our baby.”
Natigilan si Caleb. Tiningala niya ito.
“I cannot show you yet but I think I can tell you the details,” sabi niya. “I drew him, and you, and me..”
“Bailey..” Caleb almost held his breath.
Tears formed in the corner of his eyes. “It’s inside his bedroom. We are standing behind the window one fine morning. We are happy.”
Bailey can’t help but be emotional.
Sa ibang pagkakataon, dapat masaya ‘to, eh. Kasi itong napinta niya ay matagal niya nang gustong gawin. Nung nalaman niya palang na magkakaanak na sila, gustong-gusto na ni Bailey na ipinta iyon pero dahil bawal pa, naghintay siya.
Walang araw na hindi iyon sumagi sa isip niya at kahit nga noong hindi pa siya sigurado kung anong magiging reaksyon ni Caleb ay desidido pa rin siyang ipinta iyon pagkapanganak niya dahil para iyon sa baby nila.
Pero ngayon, ngayong naipinta niya na ay sobrang masakit dahil hindi ito ang tagpong inaasahan niya.
Hinding-hindi dahil ni sa panaginip niya ay hindi niya ‘to gugustuhing maranasan.
“I’m sorry Caleb,” sabi niya kasabay ng pagtulo ng luha niya. “Sorry I can’t protect our baby the way I’m supposed to.”
Umiling si Caleb. “No, Bailey. You are doing just fine.”
Humikbi siya. “I’m a bad parent.”
“Shh,” alo nito, niyakap na siya. “I’m sure our baby can feel how badly you wanted him. We will be fine, Bae. We will be okay.”
Bailey’s not sure who Caleb’s trying to convince with that but he can say that it’s not just him.
They’re gonna be fine.
They’re gonna be okay.
But when?
Because the next morning after that night, Bailey was rushed to the hospital. With Caleb on his side, uttering all the prayers he can say in his mind, calling all the saints, God, and even all the angels to rescue him and their baby.
Sometimes, heaven can give you so much that you have nothing to complain about because that very same day, Bailey had to deliver their baby in an emergency c-section.
How he hopes things will still fall in their proper places.
———
A CHILD BIRTH.
Caleb’s mind is still in a whirlpool of thoughts. There’s still a lot to process, to digest and swallow and he wasn’t able to do any of those and here they are.
Witnessing the birth of their child, technically, he’s the one who’s witnessing because Bailey’s asleep now.
He cannot do anything nor can say anything.
Only a blank stare.
But he will never leave his husband’s side.
He can be so many things but running away isn’t one of them. Not today when Bailey needs him the most, not this moment that their baby needs him the most, not now, not ever.
Not in this lifetime he would ever try to run away from this family. Caleb will stay.
Caleb will fight, whatever there is just so they could have this family— this little family that he and Bailey have been crazy about the past months.
Every minute has been excruciatingly slow. The mixture of sound— the voices, the machines, all the chaos in the delivery room are all on top of Caleb’s head but none of them matters because he only wants one thing: to see their baby alive.
Just for once.
..and sometimes, the heavens will hear the prayer of a sincere heart.
A few minutes later, as the chaos calmed, a very weak cry was heard in the room that made Caleb stand.
The baby was delivered.
Their baby is alive!
Tears started to fall in his eye as he looked at the tiny little creature that the Doctors are trying to keep alive as he held on to his sleeping husband’s hand tightly.
Their baby is alive..
A baby girl. Very beautiful.
A poor little girl who only gets to live for a few hours.
Doctors advised to put her in an incubator, to connect her to some machinery for life support but Caleb refused.
He does not want her to suffer more, and he’s sure that Bailey would have the same decision as him.
All that matters is that Caleb can hold her, he can hold their baby and she’s alive. She’s barely breathing but she’s here and she’s real.
Bailey woke up after a couple of hours. He looks groggy. But one thing, he knew that his husband was shocked to see him holding their baby.
“Hey..” tawag niya. “How are you?”
Hindi pa man ito nagsasalita ay kita na ni Caleb ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha nito habang nakatingin sa kanila.
“C-Can I see..”
“Her. She’s a girl,” sabi niya saka lumapit sa pwesto nito. “She’s wonderful, Bae. She’s so beautiful.”
As Bailey reaches for their daughter, a mixture of emotions enveloped Caleb’s heart.
“Do we have a name?” tanong niya makalipas ang ilang minuto.
Bailey looked up to him. “We can name her..”
Naming their baby is one of the things they were not able to discuss as they were waiting for the gender first before doing so. But things happened and they never really had the chance to put that talk on the table.
But if you will ask Caleb, he surely got an answer to that.
He nodded. “We have to name her, we have to fill up her birth certificate.”
Mas dumami ang luha ng asawa habang nakatingin sa anak nila. “She’s so pure.. and gentle.”
“She is,” sagot niya.
Caleb tried his best not to cry. The least thing Bailey needs to see right now is him breaking down as well.
“Sunzenrae,” Bailey whispered. “I want to name her Sunzenrae.”
Caleb smiled. “That’s a beautiful name.”
Bailey sobbed. “What do you want to name her?”
Caleb stilled. For a moment, he just wanted to forget all the ugly things that’s happening right now because they’re here— naming their baby.
“Caleb?”
Napatingin siya kay Bailey. “Hiraya.”
“Hiraya..” ulit nito. “That’s pretty.”
“We can name her with both, right?” tanong niya.
Bailey nodded. “She’ll be Hiraya Sunzenrae Byun Park.. our first born.”
“Our first born.”
They spent the next almost two more hours with their baby. With their Hiraya Sunzenrae.
Just holding her close.
Caleb can never explain the joy of filling up the birth certificate of his child, nor explaining the heart-wrenching feeling of signing up for her death certificate at the same time.
Because a few more minutes after five hours of holding their precious daughter, Hiraya Sunzenrae weakly breathed her last breath.
Bailey’s cry is too painful to hear.
Caleb’s blank stare is just the same.
…and just like that, they lost their baby.
———
NUMB. DISORIENTED. A blank stare.
A feeling like you’re floating outside of reality.
Hindi alam ni Bailey kung anong parte ng emotional shock pa ‘tong nararamdaman niya.
O kung may nararamdaman ba siya kasi hindi niya alam. Hindi niya na alam.
Wala siyang maintindihan.
It’s been roughly a month since their baby was born and died.
Maybe, that’s the hardest pill to swallow. Because one moment, they are planning to build a happy family while waiting for their baby and the next thing they know, it all comes to shambles as they’re trying to live in the shattered pieces of their broken home.
Bailey can’t really tell how he’s feeling. Wala siyang nararamdaman, o kung pinili ng utak niyang huwag makaramdam dahil manhid na manhid na siya.
He’s trying to heal with the wound of giving birth— literally and emotionally.
While Caleb… well, he’s Caleb.
You’ll not see much emotion in him but he’s getting by. Bailey thinks, or that’s what he believes in.
Hindi pa kasi talaga sila nag-uusap ulit ni Caleb.
Ni hindi na nga alam ni Bailey kung paano sila nakauwi dahil simula ng mawala ang baby nila ay natulog lang siya. Nakatulugan niya ang pag-iyak. Gumigising lang siya ulit para matulog.
Alam niyang kailangan nilang mag-usap ni Caleb pero wala pa siya sa tamang huwisyo. Hindi niya pa alam ang sasabihin at gagawin.
Part of him blames himself for not being a healthy environment for their baby. Part of him blames the doctors, for not trying hard enough to save their baby, and as much as he doesn’t want to, a part of him questions God.
Why?
Of all the adversity he ever had, this is the one he will never understand.
“Bailey.”
Napalingon siya kay Caleb.
Hindi niya namalayan na nakapasok na rin pala ito sa baby room nila. Tumango lang siya sa asawa at bumalik sa pagkakakasiksik sa baby bed.
You can only imagine him, almost crouching as he tries to fit himself in a very small bed of their child.
“How are you?” tanong ni Caleb.
Dinig niya ang paghatak nito ng upuan at naupo sa tabi niya. Nakatalikod siya rito, nakaharap siya sa bintana at pader na magandang pagsabitan sana ng painting niya.
“Do you want to eat something?” tanong ulit ni Caleb.
Umiling lang si Bailey. Hindi niya alam kung bakit pero wala talaga siyang ganang makipag-usap ngayon. Simula ng mawala ang baby nila, hindi na siya makausap nang maayos.
Kahit nga noong dumating ang mga magulang niya, ang mga magulang ni Caleb, pati na rin ang mga iba pa niyang close relatives ay walang naging imik si Bailey. Ang asawa niya ang nag-asikaso sa mga naging bisita nila.
Pati na rin sa libing ng anak nila.
Sumasakit ang puso ni Bailey kada iisipin niya iyon kaya inalis niya na muna iyon sa sistema. Pinipilit niyang alisin.
“Ayaw mo pa rin ba akong kausapin?”
Napalingon siya kay Caleb.
He looked sad. Lost. Sleep deprived.
“I’m sorry Caleb,” sabi niya. “Not today.”
Caleb smiled a little. “I don’t want to talk too, Bae. But I don’t want to be alone in this. We don’t need to grieve alone. Please Bailey..”
Hindi niya alam ang sasabihin kaya nakatingin lang siya sa asawa.
“Let’s do this together. I can’t do this alone anymore.”
At sa kauna-unahang pagkakataon, nakita niyang pumatak ang mga luha sa mata ni Caleb.
Naalarma si Bailey kaya napatayo siya sa kinalalagyan.
“Caleb,” tawag niya saka inabot ito. “I’m here, I’m sorry. I’m here.”
Caleb reached his arm and caged him inside an embrace. The next thing Bailey knew is he’s now sitting on his husband’s lap, as the latter silently cries on the side of his neck.
Hindi alam ni Bailey kung ano ang dapat niyang gawin o dapat niyang sabihin dahil sa kauna-unahang pagkakataon simula ng magkakilala sila ni Caleb ten months ago, ngayon niya pa lang ito nakitang umiyak.
Tahimik ang paligid. Malamig. Ramdam ang lungkot sa bawat sulok ng kwarto.
Tanging mahihinang hikbi lang ni Caleb ang maririnig pero sa isang banda, dinig na rin ni Bailey ang pagkabasag na naman ng puso niya.
Hindi niya akalain na pwede pala niyang marinig nang paulit-ulit iyon.
“Tahan na,” alo niya kay Caleb. “Tahan na..”
Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito sa kanya. “Ang s-sakit sakit, Bailey. A-Ang sakit.”
Napapikit si Bailey. Dinig na dinig niya ang sakit sa tinig ng asawa at mas masakit dahil wala siyang magawa.
“I didn’t know how badly I wanted to have a child until our baby was taken away from us. Gustong-gusto ko palang magkaanak, B-Bailey.” Caleb whispers in between his ragged breath.
Bailey can only shut his eyes tight, as tears also stream down his cheeks.
Caleb is not a man of many words but what he just said speaks so much of him— a father he never knew he badly wanted to be.
Hindi niya alam kung saan sila magsisimula at kung paano nila itutuloy ang pag-uusap tungkol dito dahil pareho silang lunod na lunod sa emosyon ni Caleb ngayon.
Hinagod lang nang hinagod ni Bailey ang likod nito. Matagal. Napakahabang katahimikan.
Pero wala ni isa sa kanila ang bumitaw sa yakap ng isa’t-isa.
They wrapped around each other like a prayer spoken in the dark.
They held onto each other’s arms, balanced on the edge of everything they feared and everything they hoped for.
They stayed wrapped in each other as if their grief might be less sharp if they carry it together.
Neither of them spoke. They simply held on— because there was nothing left to say, and yet everything they needed were in the way they didn’t let go. They stayed like that for a long time, suspended between the weight of what was gone and the fragile hope that something might still remain. But nothing… Bailey knew they won’t see what’s the silver lining of all these. Not now.
No words passed between them. Only the quiet thud of two hearts still beating, still breaking.
One month had passed since that day.
Pero parang kahapon pa rin para kay Bailey.
Outside, the world moved without pause. Inside their home, time folded in on itself.
They stayed like that, heaven knows how long— wondering between what had been and what would never be, gripping tightly as if letting go would only mean forgetting.
Their Hiraya Sunzenrae is only worth remembering and nothing else— that’s for sure.
The room didn’t ask anything from them. Not to move, not to speak, not to understand.
Somewhere in the distance, a clock ticked, steady and indifferent.
Their bodies barely shifted but the grief did— settling deeper, heavier, like dust in the light.
…and yet, in the way they held each other, there was a flicker of something softer than survival.
No, not hope, not yet. Just a faint recognition of shared breath in a world that had taken theirs.
As the night held them, wrapped in stillness, and for a while, there was nothing but the space they shared in silence.
Nothing but the echo of love that had not yet learned how to let go.
———
FIRST WEDDING ANNIVERSARY.
For normal people, it’s something that they must celebrate to commemorate the day they got married and agreed to spend the rest of their lives with each other forever. Something that they’ll make time to plan, spend together and make it as productive as possible. Some even entered the era with a new family member on the way..
Bailey heaved a deep sigh.
Ilang buwan na ba ang lumipas?
He lost count on the 40th day.
The sound of waves echoed like a memory. Soft. Distant. Aching. It didn’t crash today as it came quietly, like they understood.
It wasn’t loud, it didn’t need to be. But it crept in slowly. Folding itself into the silence, like something once full of life and now only surviving through repetition.
Makulimlim din ang panahon. Mukhang nagbabadya ang pag-ulan. Ang galing lang, parang nakikisabay pa sa kung ano mang hindi magandang nararamdaman ni Bailey ngayon.
Today is their anniversary. One year married, and yet the only gift the world gave them was silence.
The ocean did not celebrate, either.
It should have been laughter. Balloons. Cake. Instead, Bailey is sitting by the sea, listening to the waves mourn with him.
As Bailey tries to find his peace by looking around, he sees Caleb walking towards him.
He gently smiled and waved his hand.
Nang nasa tapat niya na ang asawa ay nilahad nito ang kamay sa tapat niya.
“Lakad tayo?” Nakangiting tanong nito.
Bailey nodded. “Sure,” he replied as he reached his hand for support.
They walk hand in hand in the vastness of the private beach owned by his parents.
Walang nagsasalita. Mukhang pareho nilang hindi alam ang pag-uusapan dahil una sa lahat, kahit itong anniversary trip na ‘to ay hindi rin naman sila ang nagplano.
Pansin na pansin na ang kapabayaang nagawa nilang mag-asawa sa mga sarili nila. Pero hindi naman maipagkakaila ni Bailey na kahit ganon, si Caleb at si Caleb pa rin ang nag-aasikaso sa kanya madalas.
If you will ask, the last time Bailey painted was when he drew their baby. That feels like ages ago and this is by far the longest break he ever took.
Caleb has stopped working for a while, too.
Maybe their parents must have seen that they’re still both grieving because of what happened. Hence, this little vacation.
Kung sila lang ni Caleb ay baka hindi na nila ito i-celebrate dahil para saan pa ba? Kung tutuusin nga, pakiramdam ni Bailey ay pwede silang maghiwalay ng asawa any moment.
Baka magsawa na si Caleb sa kanya dahil ilang buwan na siyang hindi makausad— ayaw niyang umusad.
“I miss hearing you, Bae,” Caleb said after a few minutes of their complete silence while walking.
“Hm?” Tiningala niya ito saglit. “What do you mean?”
Caleb gently squeezed his hand. “I miss your voice. Lalo kapag kinakausap mo ako. Kapag may gusto kang ikwento, kapag may gusto ka lang sabihin o kahit mga utos mo sa’kin. Kapag nagagalit ka..”
Bailey can’t even answer. Alam niyang sobrang filtered ng mga sinabi ni Caleb dahil lahat ng iyon ay nagawa at ginawa niya lang noong buntis pa siya sa anak nila.
“Sanay naman akong hindi tayo nag-uusap noon pero iba na pala ngayon,” dugtong pa nito.
“Paano naging iba?” tanong niya.
Tumigil itong maglakad kaya napatigil din siya.
“Narinig ko na kasi nang totoo ‘yung boses mo,” sagot ito habang nakatingin nang diretso sa mga mata niya. “Alam ko na ‘yung pakiramdam na nakakausap kita kaya nung hindi ko na ulit nagagawa, parang kulang ako.”
“Caleb..”
Tipid itong ngumiti. “Hindi ko alam kung paanong posible dahil magkasama lang naman tayo araw-araw pero Bailey, miss na miss kita.”
Binalot ng mainit na pakiramdam ang puso ni Bailey.
“Alam kong masakit pa rin,” sabi nito. “Hindi pa rin natin alam kung saan magsisimula para bumangon pero Bae, pwede bang hayaan mo akong maging asawa mo? Hayaan mo lang akong alagaan ka. Hayaan mo akong ituloy kung ano ‘yung nabubuo nating samahan noon dahil—”
“Pero wala na si baby, Caleb..” mahinang putol niya.
“Alam ko,” sagot nito. “Pero ako Bailey, nandito pa ‘ko. Nandito ako at wala naman akong balak umalis. Gusto kong maging masaya na tayo. Tama na lahat ng lungkot at mga luha natin.”
Siguro ay naubos na ang luha ni Bailey kaya hindi na siya naiiyak ngayon. Nakatingin lang siya kay Caleb.
“Palayain na natin si Hiraya,” patuloy nito. “Ipaubaya na natin siya nang lubos sa langit.”
Umiling si Bailey. “Caleb, letting go only means forgetting.”
“This is for our healing, Bae. Our daughter was needed up there,” Caleb softly said.
“More than we needed her?” Naalala niya bigla ang usapan nila noon ni Kuya Mico at Jandy.
His husband sighs. “Maybe. Kasi kahit ako hindi ko maintindihan kung bakit.”
Natigilan siya. Simula nung unang beses na umiyak si Caleb sa kanya ay hindi na iyon naulit. Hindi na rin nila napag-usapan dahil pareho silang nakatulog sa sahig nung gabing iyon. Pagkagising kinabukasan ay parang wala na lang dahil ni isa sa kanila ay walang naglakas loob upang buksang muli ang usapang iyon.
“If letting go means forgetting our daughter, then I would willingly carry this ache for the rest of my life. I’m not ready for that as well, Bae.” He breaths. “But I also want to be the best version of myself. Para mas maging deserving akong maging ‘tatay’ kung pagkakalooban tayong muli ng mga anak. Kailangan nating gumaling sa sugat na ‘to, Bailey.”
Lumamlam ang mga mata niya. “You still want to have children with me?” Natanong niya.
Hindi niya alam pero sa lahat ng sinabi nito ay iyon agad ang unang rumehistro sa kanya.
Caleb nodded. “Alam ko hindi naging maganda ang simula ng pagsasama natin. Hindi naging maganda ang mga nauna kong nasabi sa’yo pero Bailey… sa sandaling nalaman ko na magkakaanak tayo, maniwala ka man o hindi, hindi ko na makita ang sarili kong magkakaanak pa ako sa iba.”
Bailey gasped silently.
“Ikaw at ikaw ang lagi kong pipiliin. Sa’yo at sa’yo lang ako handang magkakaanak,” ngumiti si Caleb. “Hindi ako nanatili nung una pa lang para magpaalam. Sana alam mo ‘yon, Bailey.”
Hindi niya na alam ang sasabihin dahil kanina pa malakas ang kabog ng dibdib niya.
“Caleb..” was the only word that came from his mouth.
“Happy anniversary, Bae.”
Before Bailey could utter a word, he already felt Caleb’s lips gently pressed against his.
Soft, full of longing, gentle and passionate kiss.
Saksi ang dagat, ang palubog na araw, ang mga buhangin maging ang mga puno na rin sa halik na iyon.
Puno ng pag-iingat. Puno ng mga pangako. Puno ng pag-asa. Puno ng mga salitang hindi nila masabi sa isa’t-isa.
Sa bawat halik ay napapikit na lang si Bailey kasabay ng taimtim na dasal.
‘Fly high, my little Sunzenrae.’
Sa bawat haplos ay naiisip niya ang mga salitang gusto niyang ibulong sa hangin.
‘Kung mamarapatin man, handa ko nang mahalin.’
Sa pagtatapos ng kanilang halik, isang matamis na ngiti ang naging salubong nila sa isa’t-isa. Mapungay ang mga mata.
“Happy anniversary,” sabay pa nilang nasabi.
Malayong-malayo pa sila. Pero malayo na rin.
Isang taon? Marami pang kasunod iyon.
Maaring mas mabigat pa.
Pero alam niya na hindi na lang siya mag-isa na bibitbit ng mga iyon dahil may dalawang kamay nang tutulong sa kanya para buhatin ang mga iyon.
May munting ngiti na sa mga labi ni Bailey dahil ang natatanging sigurado siya ay…
…may Caleb na siya mula ngayon.
